Naku Angielina, lagot ka ngayon kay Jeram, hahantingin ka non kapag may nangyari kay Barbara.
Third Person. Pagkarating nila ng Olonggapo ay kinabukasan ay sinabak kaagad silang tatlo sa training. Binigyan sila ng mga codename nila, Si Aria ay Ostrich, Szarina ay, Sarus crane, at si Zirin naman ay Flamingo. "Daddy, bakit naman ang pangit ng binigay mo sa amin na codename, ginawa mo naman kaming mga ibon, hindi naman mahaba ang leeg namin ah?" Reklamo ni Aria kay sa Daddy nito. "Anak, huwag kana magreklamo. Pumunta na kayo don, dahil naghihintay na sainyo si Reyes. "Tito, mabuti na lang po, maganda ako, kung hindi po magrereklamo din po ako. Ang ganda kong tikling, sana may guwapong kalabaw dito, sasakay ako sa balugbog niya." Sabi naman ni Szarina. "Mabuti na lang ako, maganda ang binigay sa akin, Flamingo." Sabi ni Ziri. Hindi na nga nagreklamo pa si Aria dahil sa mga codename nilang mabantot. Sina Aria, Szarina, at Ziri ay nag-umpisa ng kanilang pag-training sa Olonggapo. Sila ay nagpunta sa isang malaking gusali na naglalaman ng mga pasilidad para sa pag-tra
Szarina "Huwag mo na akong alalayang bumaba ng sasakyan, Jeran, hindi ako lumpo, nakikita mo naman di ba? Kaya ko ang sarili ko, nagawa ko ngang makatakas saiyo noon, at makapagtago ng higit na lampas na limang taon, diba?Ito pa kaya ang bumaba ng sasakyan, umalis ka na lang sa dadaanan ko." Pagtataboy ko kay Jeran ng aalalayan sana ako nitong bumaba ng sasakyan. "Kung noon natakasan mo ako, ngayon hindi na. At huwag mo akong tinatarayan kung ayaw mong gawin ko ulit ang ginawa ko saiyo noon." Sagot nito sa akin. "Eh di gawin mo, pero... kung magagawa mo ulit." Mataray na sagot ko na lang dito. Tumabi nga ito sa aking daraanan. Hinawakan ako ulit nito sa aking palapulsuhan, at nagsimula na kaming maglakad papasok sa loob. "Ang higpit mo naman humawak ng kamay, ano, takot kang matakasan ko ulit." Sabi ko dito. Nilingon ako nito at sinamaan ako nito ng tingin. "Limang taon kitang hinanap, kaya sa pagkakataong ito ay hindi kana muling makakatakas pa sa akin. Szarina, kaya kung
Szarina "Jeran, ano ba? Pakawalan mona ako dito! Baka nag-aalala na sila sa akin," pagpupumilit ko kay Jeran, isang linggo na ako ditong nakakulong sa Mansion niya, nahihirapan akong makatakas dito, dahil kahit saan ako tumingin ay may mga tauhan si Jeran na nakabantay sa bawat pwede kong daanan at akyatin. Bantay sarado ako kapag umaalis ito. Isang taon na lang ang termino niya sa pagka Pangulo. Napapanuod ko sa balita na, na nagkakaroon ng malaking problema ang Pilipinas, pero nagagawan ka agad nito ng paraan kung paano ito malulutasan. Ngayon naman ay nababalitaan ko na nauuso nanaman ang pagkuha ng mga bata, akala ko tapos na ang problemang ito, naulit nanaman pala, kinakabahan ako para sa mga anak ko. Wala pa naman akong kuntak sa kanila dahil ang phone ko ay naiwan sa hideout ni Tit9 Juanito. Alam kong nag-aalala na sa akin ang mga bata, lalo na si papa at ang kapatid ko. Sana ay ipahanap ako ni papa sa mga tauhan nito, alam kong tutulongan siya ni Tito Juanito. Huwag n
"Love," masayang tawag ko kay Jeran ng makita ko itong papasok ng mansion nito, alam kong nagulat siya sa pagtawag ko sa kanya ng Love. Sinalubong ko ito ng isang yakap, at nagulat din ito sa ginawa ko sa kanya. Nakadipa lamang ang dalawa nitong kamay. "Anong meron? Mukhang kay kakaiba yata saiyo ngayon?" Tanong nito sa akin na nagtataka. Kumalas ako ng yakap dito. "May surpresa akong inihanda para saiyo Love, napag-isip-isip ko kase na nakakapagod din ang makipagbangayan saiyo. Uhm... At gusto ko sanang bigyan ka ng pangalawang pagkakataon na patunayan sa akin ang lahat ng sinasabi mo. "Talaga, Love?!" Hindi makapaniwala na sabi nito sa akin. "Ayaw mo ba?" Pabiro kong tanong sa kanya, sana ay maniwala ito sa pakulo ko. "Gusto Love, gustong-gusto ko. Nagulat lang ako sa mga sinabi mo kaya ganito ang reaksyon ko, hindi ako makapaniwala." Sagot nito. Ngumiti naman ako sa kanya ng pagkalaki-laki. "Tara na sa silid mo, don ko kase inihanda ang surpresa ko para saiyo." Sabi
Jeran "Ano pa ang tinatanga-tanga mo diyan, Kian? Pagmamasdan mona lang ba ang pagkalalaki ko, o baka naman nababakla kana sa akin?" Bulyaw ko kay Kian. "Sorry Bossing, ang laki pala niyan? Kaya seguro palaging tumatakbo si Szarina sayo. "Kian...! Aaliisin moba ang pagkakaposas sa akin, o makikipagtitigan ka na lang sa cobra ko! Napipikon na bulyaw k, napaka kulit talaga ng lalaking ito. "Ito na nga Bossing, pakakawalan na kita. Pangalawang beses kana natakasan ni Szarina, mahihirapan kana naman hanapin ito. "Tang-na naman, paano kayo natakasan ng babaeng yon? Marami kayo, at mag-isa lang siya! "Bossing, baka nakakalimotan mo kung saan mo nakita si Szarina. Ipapaalala ko lang saiyo Boss, magagaling ang mga taong nagtrain kay Szarina, kaya malabong hindi tayo matakasan non... Pinapunta ko nga pala dito Bossing ang kaibigan ni Boss Fucklers na Doctor. "Bakit, kailangan ng doctor? Bilisan mo na nga diyan, hindi kaba marunong magtanggal ng lock ng posas?" Nagtataka ko na tanong
Szarina Point of view. "Nurse Pia, ikaw na muna ang bahala sa mga bata, aalis muna ako." Habilin ko kay Nurse Pia. Gusto ko lang makita kahit nakatanaw sa malayo ang kasal ng aking kaibigan na si Aria. Hindi naman seguro ako makikita ng siraulong si Jeran. "Sege, po ma'am. Mag-iingat po kayo sa pag-alis mo." Sabi nito sa akin. "Salamat, yong palagi kong bilin sainyo, huwag na huwag mong palalabasin ng bahay ang mga bata." Habilin ko pa. "Masusunod po ma'am." Sagot nito sa akin. "Ina, saan ka po pupunta?" Tanong sa akin ni Junior ng makita akong kausap si Nurse Pia. Nakasuot nanaman ang junior ko ng dress ng kanyang ate Tanya. "Sa kasal ni Tita, ninang Aria po ninyo." Sagot ko sa aking anak. "Bakiy hindi po kami kasama, Ina? "Bawal kase kayo don baby, may monster don na pagala-gala baka kunin nila kayo sa akin." Sabi ko sa aking anak. "Sayang, gusto ko pa naman sana makita si Asher." Kinikilig pa na sabi ni Junior sa akin, nasapo ko ang aking muka. "Anak, hindi k
Szarina. "Jeran, nakiki-usap ako saiyo, hindi ito ang tamang panahon na ikulong mo ako dito! Kailangan kong umuwi sa bahay ngayon din, dahil kailangan nila ng tulong ko!" Galit kong sigaw dito. Hindi ko na mapigilan ang hindi magalit, sinasagad talaga nito ang pasensya ko. "Jeran, ano ba?!" Pakiusap ko pang muli. "Sino ba ang kausap mo? At ganyan ang mga kinikilos mo? Bakit hindi mo sa akin masabi-sabi kung sino yong nangangailangan ng tulong mo?" Tanong nito sa akin sa nagtitimpi nitong boses. "Putang-ina naman, Jeran! Gusto mo talagang malaman, ha? Gusto mo?" Galit kong tanong dito, at naitulak ko pa ang dibidib nito. "Nawawala ang isa sa mga anak ko! nawawala! Ano? masaya kana? Papayagan mo na ba akong umuwi?" Nangagalit kong sigaw sa kanya. Hindi ito nakapagsalita kaagad, nagulat ito sa sinabi ko. Napapasabunot na lang ako ng aking buhok.. "Ibig-sabihin, tama nga si Fucklers, may anak kana. Pero sino ang ama? Hindi naman ako, diba?" Tanong nito sa akin sa malumanay
Szarina• "Anong ginagawa mo dito?" Tanong sa akin ni Jeran na nababahala sa akin ng lapitan ako nito. "Hindi mo ba alam na dilikado dito?" Sabi pa nito sa akin habang nag-ngitngit ang mga ngipin nito. "Hindi ako mapakali kong hindi ako tutulong na mabawi si Junior sa ex-wife mo... Kung iniisip mo ang kaligtasan ko, huwag kang mag-alala, dahil highly trained ako ng mga tauhan ni tito Juanito." Sabi ko dito. Napasabunot na lang ito ng kanyang buhok. Sa dalawang araw na pagdukot kay Junior, ay napag-alaman ng mga kapulisan at sa tulong ng organisasyon na kinabibilangan nila tito Juanito at ni papa, ang pinagtataguan ng grupo ng sindikato na pinamumunuan nila Angielina at Carlos. Sa bundok ng Isla de Las Flores nasasakupan ng Jomalig Quezon sila nagkukuta, kailangan tawarin ito gamit ang banka. Dahil may connection sila sa mga Kapulisan ay hindi na nila pinapunta dito sina General. Araneta na ama ng aking kaibigan na si Chyrll. At hindi narin pinasama pa ni Jeran ang mga kaibigan n
Jeran Point of view Walang pagsidlan ang aking nadaramang katuwaan ng pagbigyan akong muli ng isa pang pagkakataon na itama ang aking pagkakamali ng aking pinakamamahal na asawa. Lahat ginawa ko mapatawad lang niya ako. Ngayon ay ganap na mag-asawa na kami. Masasabi ko ng akin ng tuloyan ang nag-iisang babae na pinangarap ko. Isang linggo lang ang aming honeymoon sa Isla Rosana, kaya sinulit ko ang isang linggo na 'yon. Ngayon ay nandito kami sa Angels Mental Hospital, dinalaw namin ang pinsan ko na si Trish. Hindi parin ako makapaniwala naka takas ito, nakita na lamang daw ito sa isang parke na nakaupo sa bench habang pinapasuso ang isang kuting sa kanyang dede. Pinabayaan na ito ng tuloyan nila dahil nakakahiya daw ito sa pamilya nila. Ang katwiran pa ay wala silang anak na baliw, kaya ako na lang ang nagmamalasakit sa pinsan ko. Nakatanaw lamang kami sa kanya, habang mahimbing siyang natutulog. Kailangan itong patulogin upang hindi ito magwala, awang-awa na ako sa kalagayan
Szarina Point of view. "Walang salitang sapat para maipahayag ko kung gaano ako ka swerteng tao dahil pinagbigyan mo ako ng pangalawang pakakataon na mapatunayan saiyo na sobra kitang mahal. Hindi sapat ang salitang sorry sa mga nagawa kong pang-aabuso sa'yo bilang isang babae, tama lang ang ginawa mo na pinahirapan mo ako bago ko nakamtan ang pagpapatawad at pagtanggap mo sa akin diyan sa puso mo at bilang isang ama sa mga anak natin. Pinagsisisihan ko ang mga bagay na nagawa ko saiyo sa nakalipas na limang taon. Sa harap nila at sa harap ng Panginoon, pinangako ko sa kanilang lahat na hindi ko sasayangin ang binigay mong pangalawang pagkakataon sa akin, bagkus pahahalagahan ko ito at iingatan na mas higit pa sa diamante ang puso mo, hindi ko ito hahayaan na mahulog sa sahig at magkapira-piraso. Iingatan ko ang puso mo gaya ng kung paano mo iniingatan ngayon at minamahal ang akin. Sabihin na nilang madamot ako, wala akong pakialam. Ang gusto ko, akin ka lang at ako'y sayo, hindi lan
Szarina. Matapos ang pagpropose ko kay Jeran nong umuwi ako buhat sa Isla Rosana ay nandito kami ngayon sa Malacańang. Sunod sunod ang kislapan ng camera ba kumukuha sa amin ng mga anak ko, marami ang mga katanungan sa amin. "Ms. Doctora Orpesa, balita ko po kayo daw po ang nag propose kay Mr. President?" Tanong sa akin ng nagngangalang Agane Chaves na Reporter ng Lireo Station. 101.2 Napangiti naman ako bago sumagot. "Oo, tama ka sa nakalap mong balita Miss. Agane. Inunhan ko na, baka maunahan pa ako ng iba." Nakangiti kong sagot. "At totoo rin po ba na tinutukan mo pa ito ng laruang baril?" Habol pa nitong tanong. Natawa na ako ng maalala kong muli ang pagtutok ng baril kay Jeran. "Oo, tama ka ulit. Tinutukan ko na para hindi na makatanggi pa. Natawa naman ang mga tao na nandito sa harapan namin. Hindi naman nagtagal ang pag-uusap ay natapos din kami, mabuti na lamang ay hindi nagpasaway ang mga anak ko. Marami ang natuwa na nagkaroob kami ng tatlong anak na mababait. M
Szarina. Asaran at tuksuan ang naganap sa maghapon sa trabaho ko, paano ba naman itong si Jeran simula ng maging maayos kami ay wala ng ginawa kundi ang bumuntot sa akin. Si Doc. Jack lang ang nakakaalam na may anak kami ni Jeran, nakita niya kase isang beses na magkakausap kami sa video call, at alam narin niya na ako ang babaeng tinutukoy ng Presidente ng bansa na may anak sa akin. Mabuti na lamang ay mapagkakatiwalaan ito. Pero napag-usapan narin namin ni Jeran na pagkatapos ng medical mission namin dito ay bago matapod ang kanyang termino bilang isang pangulo ng bansa ay ipapakilala na niya kami sa mamamayan na nag-aabang sa amin. Ngayong gabi ay babalik na ulit sila ng Manila dahil nagkaroon daw ng kaunting problema sa Malacańang. Hindi naman palagi na nandito si Jeran, mas lamang parin na nasa Malacańang siya. Pupunta lang siya dito kapag susuyuin at kukulitin ako. Pero nong maging okay na kami, isang beses na lamang siya pumupunta dito sa Isla Rosana, kapag maaga naman siyan
Szarina. Kinaumagahan na nga kami nakabalik dito sa camp namin. Simula ng makita kami ni Jeran sa gubat nila Eutanes at Red ay inaasar kami ng dalawa. Sa tuwing dadaanan nila ako ay pasipol sipol ang mga to sa akin. "Hindi nyo ba ako titigilan na dalawa." Sita ko kina Red at Eutanes, hindi na ako makatiis dahil pinagtitinginan narin kami ng aking mga kasamahan. "Uhm... May sinasabi kaba doc. sa amin?" Pagkakaila pa nito sa akin kahit alam naman niya kung bakit ko sila sinisita. "Ehem. Napalingon ako sa taong nasa likuran ko ng tumikhim ito. Si Jeran na may hawak na isang halamang gubat na kung tawagin ay yellow lollipop plant. "Para saiyo," nahihiya pa na sabi nito sa akin na iniaabitbsa akin ang bulaklak. Tumingin naman ako sa paligid ko, lahat sila ay may mapanuksong tingin sa akin. Namumula ang mukha ko na tinanggap ko ito, kaya ang mga siraulong kaibigan ni Jeran ay inaasar nanaman ako, lalo na ang dalawa. "Salamat pero saan mo ito pinitas?" Tanong ko kay Jer
Szarina_ "Anong ginagawa mo, Jeran? Lubayan mo nga ako. Kanina kapa panay ang sunod sa akin." Naiinis na sita ko dito, ki aga-aga pinapainit ang ulo ko. "Kausapin mo muna ako," sagot nito sa akin. Hindi ko ito pinansin, nagpatuloy lang ako sa aking paglalakad. "Sorry na hindi na mauulit. Nagawa ko lang naman yon dahil hindi mo ako pinapansin." Sabi pa ulit nito sa akin. habang nakasunod sa aking likuran. Hindi ko parin ito pinansin. Tatlong araw na mula ng gumawa ito ng kadramahan sa akin na masakit ang kanyang dibdib kaya hindi ko ito pinapansin ng ilang araw. "Szarina. "Bakit ba ang kulit mo? Bumalik kana don sa Camp, o kaya ay bumalik kana don sa pinang galingan mo, isama mona rin yang mga kaibigan mo, at lubayan ninyo ako! Hindi na ako natutuwa sainyo, lalo na saiyo! Nakakairita na kayo!" Sunod-sunod na sabi ko sa kanya na halos hapuin ako. "Hindi mo ba talaga ako kayang patawarin, tatalon ako sa bangin na 'to." Pananakot ni Jeran sa akin ng pumunta ito sa may bahagi
Szarina Point of view Iniwan ko ang mga bata kina tatay. Lumuwas ako pabalik ng Rizal kung nasaan ang unang pinatayo ng ama ni papa na private hospital. Nagkaroon ng pagpupulong kinabukasan ng pumasok ako sa hospital ni papa, pinag-usapan kung ano ang mga dapat naming gagawin pagpunta namin don. Iilan lang ang nakakakilala na anak ako ng may-ari ng hospital ni papa, ang may matataas na katungkulan lamang, dahil kailangan ko munang magsimula sa mababa, bago ako ilagay sa mataas na posisyon. "Doc. Szarina, naghihintay na po ang iba sa atin sa roof top tayo na lamang pong dalawa ang hinihintay nila." Tawag sa akin ni Doc. Jack Sawyer na may lahing americano. "Um, okay, susunod na ako, ligpitin ko lamg itong gamit ko." Sagot ko. Niligpit ko na nga ang lahat ng gamit ko, at sumunod kay Doc. Jack. Ngayon ay nandito na kami sa rooftop pasakay ng helecopter na magdadala sa amin sa Isla Rosana. *** Isang oras lang ang nilakbay namin. Nakarating kami sa Isla Rosana. Lumanding a
Szarina Tinawagan ko muna si Nurse Megan na pumunta dito sa bahay ni Tiya Beth, at magpasama kay kuya Franco. "Tiya Beth, uuwi po muna ako sa bahay, nandito naman po si Nurse Megan at si Kuya na makakasama mo." Paalam ko kay tiya Beth. Nakatingin lang ito, sa akin. Lumabas na rin ako ng silid nito. "Segurado kaba, sa ginawa mo Bunso? Hindi naging mabuti ang pakikitungo niya sayo simula't sapol." Tanong sa akin ni Kuya Franco. "Kuya, kung ano man ang nakaraan namin ni Tiya Beth, ay tapos na yon sa akin, kinalimotan ko na at nakaraan na lamang 'yon.) sa amin. Hindi na sa aking mahalaga Kung naging mabuti ba siya sa akin o hindi, ang importante ay itong ngayon, at ipamulat na lang natin sa kanya na ang lahat ng taong masasama ay may hangganan, pwede silang maging mabuti pa rin, gabayan natin sila kung maaari... Hindi sila palaging ang nasa taas, darating din ang araw na manghihina din sila at mangangailangan din ng tulong galing sa iba, sa atin. Hindi pa naman huli ang lahat eh
Szarina. Kinaumagahan ay maaga ako nagising, upang magluto ng almusal ng mga anak ko. Hindi ko na inutusan pa sina Nurse Pia at Nurse Megan. Habang nagluluto ako ng hotdog ay naalala ko ang pagharana sa akin ni Jeran at ng mga kaibigan nito, hindi ko akalain na susundan ako ng siraulong ama ng mga anak ko. Naiiling na lang ako ng aking habang binabaligtad ko ang hotdog, kapag naalala ko ang mga dinala nila sa akin, rose na may bulaklak ng aswang sa gitna, at ginataang itik na hindi ko kinakain. Bumabaligtad ang sikmura ko kapag nakakaamoy ako nito na hindi ko alam kung bakit eh simpleng ulam lang naman ito. Hinango ko na ang hotdog at nilagay ko na ito sa maliit na pinggan. Ano ba ang dapat kong gawin? g Gusto ko naman ng kumpletong pamilya at masaya, dapat ko na bang tanggapin ang pag-ibig ni Jeran sa akin para sa mga anak namin. Pero natatakot ako, paano kung pakulo lang niya ulit ito, upang gantihan ako dahil sa pagtatago ko sa mga anak namin sa kanya?Mas gugustuhin ko pa