Lagot ka Tiya Beth, hintayin mo ang galit ni Kuya Paulo. Pasalamat ka inuna nilang dalhin si tatay Rey sa hospital kung hindi magtago kana. Si Szarina mona ang bahala saiyo.
POV- Szarina "Sino ka para lang pagsabihan ako ng isang babaeng basahan? Hindi mo ako kilala kaya mag ingat ka sa mga sinasabe mo tungkol sa akin!" Galit kong asik at binigyan ko ng mag asawang sampal ang babaeng pinsan ni Jeran na nakatira dito pansamantala sa condo unit na binigay sa akin ni Jeran. Hindi alam ni Jeran kung anong katangahan ang ginagawa sa akin ng kanyang pinsan pero hindi kona kailangan pang sabihin dahil hindi ko ugali ang magsumbong. "Nakalimotan mona ba na pinsan ako ng Presidente ng Pilipinas na kinakalantari mo! Kung ayaw mong isumbong kita sa asawa ng pinsan ko ay magpakabait ka sa akin naiintindihan mo ba ako!" Galit din na sigaw nito sa pagmumukha ko habang hawak nito ang magkabilaan niyang pisngi na sinampal ko. "Wala akong pakialam kahit magsumbong kapa sa asawa ni Jeran! Baka nakakalimotan mo kung bakit naandito ka ngayon sa condo na binigay sa akin ng pinsan na sinasabe mo. H'wag mong ubusin ang pasensya ko Trish baka ingudngod ko ang pangit mong mukh
POV- Szarina. SZARINA KIM, 20year old, isang Probinsyana at ampon ng pamilyang Eusebio na nakatira sa Barangay Masikap Bitin Laguna. Si tatay Rey at nanay Francia Eusebio ang kumokop sa kanya noon. Hindi nila itinuring na iba sa kanila ang dalaga, salat man sila sa pera pero pagdating sa pagmamahal ay mayaman sila. Nagkaroon ng sakit ang kanyang ina kaya ang lupang sinasaka nila ay naisanla sa isa nilang kamag anak na mataas ang tingin sa kanilang sarili. Wala pa silang sapat na pera na pang tubos kaya hindi nila ito mabawi pa. Tumigil mona sa pag aaral si Szarina pagka graduate ng highschool dahil hindi sapat ang kinikita nila sa sinasaka nilang lupain para sa pagpapatuloy ng pag aaral nito. Nagkaroon ng programang libreng edukasyon sa kolihiyo kaya hindi na pinalampas pa ni Szarina kaya nagbakasakali ito. Hindi nga s'ya nabigo at naipasa pa n'ya ang pagsusulit kaya masayang masaya siyang naglalakad pauwi para ibalita niya sa kanyang pamilya ang magandang balita na natanggap niya nga
"POV- Szarina.Nakilala ko ang mga bago kong kaibigan na sina Isadora Ajaziah, Aria Zelle, Marian, Rasselle at Chyrll. Sa Tuwing may gimik ang mga kaibigan ko ay hindi ako nawawala kung nasaan sila ay naandon din ako. Sa aming magkakaibigan ay si Isadora ang naunang nagkaroon ng kasintahan at ito ay si Anthony na ka klase namin. May manliligaw itong gwapo at sikat na negosyante pero sa hindi namin alam na dahilan ay si Anthony ang mas pinili nito. Si kuya Eutanes at Jeran ay magkaibigan na matalik.Hindi ko na hinintay pa ang dalawa kong kaibigan na kasama ko sa dorm, Nauna na ako sa kanila pumasok. Habang naglalakad ako papasok sa university na pinapasukan namin ng aming kaibigan ay nakasalubong ko ang kapitbahay namin sa probinsya na si ate Marie."Oh Bunso, kumusta kana. Tama nga ang usap usapan sa Kubo ng Barangay natin na dito kana nag aaral sa Manila." Wika ni Ate Marie ng makilala n'ya ako."Ikaw po pala ate Marie.. Okay lang po ako... Ikaw po kumusta?" Balik tanong ko sa kanya
POV- Szarina Tatlong araw na akong secretary ng hindi ko pa nakikilalang Boss ko. Nasa kontrata na aking pinermahan ang nakasulat na, pagkatapos ng isang buwan bilang secretary na part time job ko ay nakasaad don na hindi ko mona makikilala kung sino talaga ang pinaka boss ko, dahil kailangan nilang makaseguro na magtatagal nga ba ako sa part time job ko. Wala naman sa akin problema iyon, mabuti na nga rin na huwag ko ng makita ang boss ko baka matakot lang ako sa kanya. Gusto ko sanang itanong don sa ginang na nag interview sa akin na ano bang itsura ng magiging boss ko, nahiya lang ako baka masisante na agad ako hindi pa ako nakakapagsimula. "Ano ba yan, na curious naman ako sa hitsura nya. Mukha kaya itong adik sa kanto, bungi bungi ang ngipin tapos nabubulok pa. Mabaho ang hininga, maraming an-an at buni sa mukha. Tigyawatin at balbas sarado pa. Grrr.. Ano ba yan naiimagine ko sa mukha ng boss ko, nakakakilabot naman. Huwag naman sana ganun ang mukha nya, baka hindi na ako pumas
POV Szarina Lunes ngayon, maaga akong nagising kahit napuyat kami sa 1st monthsary nila Isadora at Anthony. Sabay sabay na kaming pumasok na tatlo. Masaya ang buong maghapon na naganap sa room namin kahit na inaasar ako ng mga kaibigan naming lalaki na si Ryan. "Bye, my Princess." Pang aasar sa akin ni Ryan habang palabas kami ng Campus na ginantihan ko lang ng isang matamis na ngiti. Akala ko wala ng magkakamali na magka gusto sa akin, pag uwi ko agad mamaya ipagtitirik ko ng pulang kandila itong si Ryan na sana tuloy tuloy na ang pagpapahiwatig ng nararamdaman nya sa akin. "Ayieh, magkakaroon na naman ng ikatlong loveteam sa atin, sino naman kaya ang susunod sa atin?" Kinikilig na saad ni Chyrll na pinandilatan ng mata ni Aria. Si Aria kase ay nililigawan ni Bernard na binasted naman ng kaibigan namin. "Tayo na ang susunod babe." Saad ni Jayson sabay akbay nito kay Chyrll na agad naman inalis nito. "Sorry, strict ang parent ko. No ligaw ligaw mona ako hanggat hindi ako nak
POV- SZARINA. Nag ngingitngit ako sa inis habang nag abang ako ng taxi sa labas ng building. May nakita akong botle ng mineral water, dahil sa wala akong mapaglalabasan ng inis ay ang bottle mineral water na walang kalaban laban ang pinagdiskitahan kong sipain. "Aray naman Miss, kung may galit ka sa mundo o iniwan ka ng boyfriend mo ay hwag ka ng mandamay ng ibang tao na walang alam sa problema mo sa buhay." Ani ng isang baklang mataray na natamaan ko sa pagsipa ko ng mineral water. "Sorry po sir, diko po sinasad-... "Anong tinawag mo sa akin? Hindi mo ba nakikita ang suot ko para tawagin mong sir!" Pagputol sa aking sinasabi ng baklang kaharap ko, lalo syang nagalit sa akin ng tawagin kong sir. "Sorry talaga, hindi ko napansin ang suot mo." Paghingi ko ng tawad. "Paano kase, pandak kana bulag kapa kaya dimo nakikita kung ano ang suot ko. Tumabi ka nga dyan, naghihintay ang booking ko ngayon sa loob ng hotel na yan oh.." Pagtataray ulit sa akin ng bakla, kaya nainis na ako. "Sor
Szarina POV Binabasa ko ang libro tungkol sa kardiyolohiya at pagiging doktor, mga artikulo tungkol sa mga pinakabagong teknolohiya sa operasyon ng puso. Mga dokumentaryo tungkol sa buhay ng mga doktor, ito ang kursong kinuha ko at ang pangarap ko. May activities kami mamaya pagkatapos ng exam namin. Kahit hindi tunay na tao ang ooperahan namin ay kinakabahan ako. "Hindi kana nakahakbang diyan sa pwesto mo Szarina.?" Mataray na puna sa akin ni Marian na may pag irap pa ng kanyang mata at naka cross arm pa. Mabuti na lang mabait ako ngayon at walang nambwisit sa akin kahapon di tulad ng nakaraang araw buong maghapon at hanggang gabi ay sira ang mood ko. Kung may sapak lang ako ngayon natadyakan kona ito para mahulog sa kanal. "May exam kase kami ngayon kaya pinag aaralan kong mabuti ito, baka bumagsak ako. Tsaka kinakabahan ako pagkatapos naming mag exam ay may ooperahan kami, kahit hindi tunay na tao ay kinakabahan ako." Paliwanag ko kay Marian na kinagulat nya. "Sorry naman kapati
POV SZARINA. Nanginginig ang aking mga kamay na kami na ng aking mga ka grupo ang tinawag ni Mrs. Tuazon. "Kaya ko ito, kaya ko ito." Kausap ko sa aking sarili. Dahil dito nakasalalay ang grades namin.. Magsisimula na kaming operahan ang isang manikin na kurting tao. Dahil ako ang leader sa aming grupo ako ang mag oopera. "Kim, kaya mo ba?" Bulong na tanong sa akin ni Jenny na ka grupo ko, dahil napansin nito ang hindi ko pagkilos. "Baka makita ka ni Mrs. Menopausal, masermonan ka na nanaman non." Bulong din sa akin ni Gilbert na lalaking ka grupo namin, ang tatlo ko pang ka grupo ay lihim na tumatawa dahil sa pagtawag ni Gilbert sa Prof. namin na menopausal. "Hindi kayo matatapos kung tutunganga ka lang at pagmamasdan ang manikin na yan, Miss Eusebio. Naghihintay ang mga ka grupo mo kung kikilos kapa ba o hindi na!" Mataray na puna sa akin ng Prof. naming mataray na si Mrs. Tuazon. Hindi nga nagkamali ang mga ka grupo ng sitahin ako. Tumayo ako ng tuwid at pikit mata akong n
Szarina Point of view. ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐_ Pagkatpos nila kaming awatin ni tiya Beth ay pilit nilang pinapaalis si Tiya Beth kahit na nagwawala pa ito. Naandito kami ngayon sa maliit na sala namin, at sinsesrmunan ako ng dalawa kong kuya. "Szarina, pwede ba tayong dalawa mag-usap?" Tawag sa akin ni Jeran sa seryusong mukha nitong nakatingin sa akin. Ano naman kaya ang pag-uusapan namin nito, dahil ba ito sa hindi niya ako kayang awatin sa pagsabunot ko kay tiya Beth o dahil sa paglaban ko sa bruhang iyon. Napabuntong hininga ako at tumango sa kanya. "Oo naman, mukhang importante yata yang pag-uusapan natin." Sabi ko naman. "Labas po mona kami tay, kuya" paalam ko naman sa kanila at tumango naman sila sa akin. Naandito kami ngayon sa loob ng kanyang sasakyan. Si Kian ay naiwan kasama nila tatay at kuya, mabuti na lang ay hindi inataki si tatay. Binuksan ni Jeran ang aircon ng sasakyan, pagkatapos ay seryusong humarap sa akin. "Babayaran ko ang lahat ng pagkaka-utang nin
Szarina Point of view. Ngayon ang araw ng libing ni nanay, napakasakit sa kalooban na ito na lang ang huling araw na makakasama namin siya. Ng araw na dumating sina Jeran at Kian ay nung gabi ding iyon any umalis na rin sila, alam kong naiinis siya sa pagtatalak ni tiya Beth. Alam na rin nila na may utang kami at nakasanla pa ang lupang sinasaka namin sa kanila. Kinabukasan ay bumalik silang muli at ganuon parin hindi kami tinantanan ni tiya Beth para ipahiya kami sa dalawa naming bisita. Iniisip ko si Tatay baka ito naman ang atakihin sa puso kaya palagi ko itong pinapakalma at si kuya Franco ay si Kuya Paulo naman ang pinipigilan nito, baka makalingat lang kami ay sakal sakal na nito ang tiyahin naming mukhang pera.Hapon ang libing ni nanay, lahat kami nakahanda na. Si nanay ay nasa loob na ng funeral car. Hawak ko ang larawan nito, niyakap ko ito ng mahigpit habang dinadama ko. Inaalala ko ang mga araw na masaya kaming magkakasama noon, mga araw na nagpipicnic kami sa gitna nan
Szarina Point of view.Apat na araw nang nakaburol si nanay dito sa labas ng bahay namin. Mabuti na lamang ay mababait ang mga kapitbahay namin, pinahiram nila kami ng panghabong at mga upuan. Malaking bagay na ito sa amin.Nakaupo si tatay habang hinahaplos ang salamin ng kabaong na pinalalagyan ng katawan ni nanay. Ako naman ay nakaupo lang katabi ang dalawa kong kuya. Ayaw kong ipakita sa kanila na mahina ako, kahit gusto kong umiyak ay pinipigilan ko lamang.Ang dami ko pang dapat asikasohin para sa araw ng libing ni nanay. Hinihintay ko pa ang perang padala ng asawa ni ate Marie, kahit papaano ay pinahiram kami nito. Wala na din kase kaming malalapitan pang iba at wala na din kaming maibebentang kambing at kalabaw,said na said kami ngayon. Barya na limang piso na lang ang laman ng wallet ko. Kahit gusto kong bigyan ng magandang lamay si nanay ay hindi ko magawa. Gusto kong lumapit sa mga kaibigan ko kaso nahihiya akong magsabi, padjama party sana namin ngayon pero hindi ako nak
Szarina Point of view. Hindi ako mapakali, paroon at parito ako. Hindi ako nakatulog ng umuwi ako kanina dahil iniisip ko si nanay kaya kahit wala pa akong tulog at pahinga ay bumalik ako dito sa hospital... "Tay, paano kung hindi makayanan ni nanay ang operasyon? Tay, baka hindi ko kayanin! Iniisip ko pa lang na nakikipaglaban si nanay kay kamatayan, naninikip na ang dibdib ko." Sabi ko kay tatay ng lapitan ko ito "Matapang ang nanay mo kaya makakaligtas siya, hindi pa niya tayo iiwan kaya ipanatag mo ang kalooban mo dahil matagal pa natin makakasama si Francia." Pag-aalo sa akin ni tatay. Tama si tatay, matapang si nanay. Hindi niya kami iiwan, dapat hindi ako panghinaan ng loob. Dapat iparamdam ko kay nanay na naandito lang kami naghihintay sa kanya pagkatapoa niyang makipaglaban kay kamatayan. Si Kuya Franco naman ay tahimik lamang habang nakatingin sa amin. Alam kong nahihirapan din ang kalooban niya, mahal na mahal niya si nanay at ganun din kami. Isipin ko na lang na
Jeran Point of view "Ah, shit! Ang sakit ng ulo ko, siraulong alak yon." Reklamo ko ng bumangon ako. Sobrang sakit ng ulo ko ng magising ako kinaumagahan. Hindi naman ako nasobrahan ng inum kagabe. Pagkatapos kong maligo at ayusin ang sarili ko ay lumabas na ako ng aking silid.. Naupo ako sa sala at tinawang si Nanay Rita at pinagtimpla ko ng aking kape. Nagbabasa ako ng news sa diyaryo ng lumapit sa akin si Angelina. "Galit kapa rin ba sa akin, dahil isinapubliko ko ang kasal natin?" Malungkot na tanong nito sa akin. Wala ako sa mood makipag-usap sa kanya ngayon kaya minabuti ko na lang na sagotin ito para hindi na humaba pa ang usapan naming dalawa. Wala din naman na akong magagawa na malaman pa ng mga tao na kasal na kami ni Angelina. "Huwag mo ng intindihin yon, may magagawa pa ba ako na kalat na ang balita dito sa buong Pilipinas na kasal na tayo. Itahimik mo na lang ang bibig mo ngayon at sa mga susunod pang mga araw para wala tayong pag-aawayan pa kaya please lang Angeli
Jeran Point of view. "Boss, lasing kana. Umuwi na tayo." Naririnig ko pang pag-aya sa aking ng aking tauhan na si Kian, nakayukyok ang ulo ko sa aking braso habang nakapatong sa table na puno ng bote ng alak na wala ng laman. "Hindi pa ako lashing Kian, alam ko pa nga ang sagot sa 1+1= Magellan eh at saka hindi pa duling ang paningin ko saiyo, kaya ko pa din patumbahin ang mga siraulo na grupo ng mga lalaki na iyon." Lasing na sagot ko sabay turo ko sa kanyang likuran. Hindi pa naman ako lasing, niloloko ko lang si Kian para kahit papaano ay maibsan itong inis na nararamdaman ko ngayon kay Angelina. "Gusto mo lapitan ko pa sila ng makita nila ang hinahanap nilang mga bituin na bumagsak dito sa lupa?" Nakangisi ko pang pagyayabang kay Kian. "Naku! Boss huwag na, hindi ka naman nila inaano at saka nagkakasiyahan lang naman sila dito, kaya umuwi na lamang tayo." Pag-awat sa akin ni Kian. "Baka ikaw pa Bossing ang makatagpo ng mga bituin na bumagask dito sa lupa sa laki ba naman ng mga
Jeran Point of view. Hindi ko akalain na magkakaroon ako ng paghanga sa isang kolohiyala, napaka cute nito sa kanyang height. Napaka taray nga lang nitong babae kahit maliit ito. Gusto ko ang pag-uugali nito, isa siyang babeng palaban. Ngayon lang ako na rejected ng isang babae sa tanan ng buhay ko, kaya nag-isip ako ng paraan kung paano mahuhulog ang damdamin nito sa akin. Umaayon ang panahon sa akin ng sundan ko ito ng hapong iyon. Hindi ko akalain na naghahanap ito ng trabaho, eksaktong sa pag-aari kong agency ito nakatingin, pinagmamasdan nito ang nakapaskil na tarpaulin sa labas ng pinto na hiring ako ng sekretarya. Agad kong tinawagan si Ruth na kausapin ang babaeng nasa tapat ng agency na paalis na dapat, kung ano ang kailangan nito. Tinanggap ko ito at pinagtraining ko ito ng isang buwan. Ang lahat ng trabaho niya sa akin ay kagagawan ko lamang para makasama ko lang siya, paiibigin ko siya at gusto kong subukan kong hanggan saan ang pinapakita niyang katarayan sa akin. K
Szarina Point of view. Agad bininta nila kuya ang natitira pa naming mga kambing para makapag bigay ng kalahati ng bayad para masimulan na ang operasyon kay nanay, mabuti na lamang ay may naipon akong pera kahit papaano sa pagtatrabaho ko kay Jeran na para sana sa pagtubos sa lupa na nakasanla kina tiya Beth. Binayaran kona ito kanina pagkatapos sabihin sa akin ni tatay at ni kuya Pawpaw para wala ng aalalahanin pa sina tatay sa bayarin ng bill dito, kaya pala wala dito si Kuya Franco ay naghahanap pa ng pwede pagkautangan. Hindi pa seguro nakakauwi ng aming bahay kaya patay ang ilaw sa amin. Hindi ko akalain na susundan nila ako dito kaya sinabi ko na lamang kay Jeran ang Address kung nasaan ako ngayon. "Anong ginagawa mo dito sa labas ng hospital?" Tanong sa akin ni Jeran ng makalabas ito ng sasakyan habang nakatingin sa labas ng hospital. "Ang nanay ko," tipid kong sagot sa kanya. Napabuntong hininga naman ito. "Anong nangyari? Kumusta naman ang nanay mo?" Sunod sunod na tanong
Szarina Point of view. Lumipas ulit ang buwan, monday ng hapon ngayon sinundo ako ni Kian dahil kailangan ako ni Jeran sa Palasyo, katulad ni Jeran kapag pumupunta siya sa kanyang kumpanya ay nakasuot ito ng prosthetic face kaya hiniling ko kay Jeran na kung sa Palasyo ako kailangan ay dapat nakasuot din ako ng prosthetic face bilang personal assistant niya. Kapag ka ganito kaseng monday inaabot sila ng alas otso ng gabi kapag may pagpupulong sa senado kung minsan pa ay inaabot ng hating gabi bago matapos ang pagpupulong. Kailangan kong palitan ang personal assistant nito sa araw dahil medyo may edad na. Noong unang araw ko sa agency na mag training iba yong sinabe sa akin, nagbago ang lahat kaya ngayon ay personal assistant na lang niya ako. "Love, pakikuha nga ng necktie ko sa secret room!" Utos sa akin ni Jeran. Napairap nanaman ako ng aking mata sa kanya, napakatigas talaga ng ulo hindi natatakot na baka may makarinig sa kanya sa tuwing tinatawag niya akong love. Kung siya ay h