Napapalunok siya habang unti unting inuubos ang nakatakip sa katawan ni Marie. Biglang uminit ang lahat kahit malamig ang aircon."Shhuuka" sabi ng babae. Binuhat niya ito saka dinala sa banyo. Naupo ito sa harapan ng bowl.Sumuka ito ng sumuka. Inabot ng babae ang bidet saka inisprayan ang sariling bibig."My God Marie! pang pwet yan!" awat niya dito.Binuhat niya ang dalaga sa bath tub at niliguan para mahimasmasan. Naghubad na rin siya para mailagay sa laundry basket ang kanyang damit."Aaah" halos hindi na makakilos si Marie sa kalasingan.May nagdoorbell dito, ang parking attendant. Iniwan niya saglit si Marie para maiabot ang basket dito. Nagtapis lang siya ng tuwalya."Sir, susi niyo po" iniabot sa kanya ni Timmy ang susi."Salamat Timmy, ito nga pala ang gamit namin, pakilabahan na lang.""Ibabalik ko po ba ngayon?""Itatawag ko na lang bukas. Salamat" inabutan niya ito ng isang libo. "para sayo.""Naku sir, salamat po ng marami" sagot nito bago umalis.Napangiti siya, bigla n
POV: MarieNapakagandang panaginip..Hinahalikan siya ni Bernard at inaangkin.. Hindi niya ito kayang tanggihan, dahil siguro namimiss na niya ito. Natulog daw silang magkayakap.Lamig na lamig siya pagkagising niya. Napalakas siguro ang bukas niya ng aircon. Nagtakip siya ng kumot para mas mainitan ang katawan.Ngunit hindi siya makagalaw. May mabigat na nakadagan sa kanyang beywang. Natakot siya..'Hala.. baka kung kaninong lalaki ako sumama kagabi.. my God!' sigaw ng isipan niya.Saka dahan dahang inalis ang nakatakip na kumot.Nanlaki ang mata niya sa nakita. 'Anong ginagawa ko dito kasama ang lalaking ito?'Inalis niya ang kumot at dahan dahang lumayo. Ngunit mas humigpit ang yakap nito sa kanya.'Gising ata ang lalaking ito ah!'Itinaas niya ang palad para sampalin ang lalaki. Subalit mabilis nitong naisangga ang mga braso."Anong ginagawa mo?" nakapikit ito habang nakapikit.'Shit.. ang gwapo niya talaga kapag bagong gising.. Marie.. gaga ka talaga galit ka dyan!!'Nagtatalo an
POV: BernardHindi na siya makatulog. Natatakot siyang pag gising ng babae ay iwan na siya nito. Hindi nga siya nagkamali.. Naramdaman niya ng unti unting umalis ang babae sa tabi niya."Saan ka pupunta?" tanong niya dito.Ngunit sa halip na sumagot, naramdaman niya ang pag igkas ng kamay nito. Na agad niyang sinalag."Matulog pa tayo, maaga pa.." hinila niya ito palapit sa kanya.Ngunit hindi niya maipaliwanag kung bakit siya lumuluha. Dala siguro ng guilt na nararamdaman. Biglang bumangon si Marie."Ginahasa mo ko?" galit na tanong nito.Napatingin siya sa magandang hubog ng dibdib nito."Hindi ah" tanggi niya."Mabuti naman kung ganun.""Pumayag ka kaya" sagot niya.Napahiya ang babae sa sinabi niya."Nasaan ang mga damit ko?""Nasa laundry pa yun. mamaya pa dadalhin dito.""Wag kang tumabi sakin, doon ka sa couch!""Pero malamig dun.. saka kung katabi kita pwede pa""Hindi tayo kasya dyan!""Kasya tayo.""Paano kung hindi?""Paano kung kasya? papayag kang ligawan kita ulit.""At
POV: MarieNapangiti na lang siya ng makita ang padalang bulaklak sa kanya ni Bernard.Pumayag siyang ligawan ulit nito dahil na rin sa kanyang damdamin.Napag usapan nila na magsisimula na lamang sila muli, ngunit sa tamang paraan na. Kaya liligawan daw siya ng lalaki. Sinabi niya dito na hindi na sila magsisiping ulit hanggang hindi nagiging sila."Hoy, saan ka hinatid ni sir Bernard nung nakaraan?" tanong ni Flor. Nalaman niya na magreresign na rin ito kaya nalungkot siya bigla."Ssshhh wag ka ngang maingay at baka may makarinig sayo.." saway niya dito."Galing kay sir yan no?""Oo""Patingin ng card?" kinuha nito at binasa ang card "my dearest love, you are the sunshine of my life.. ang sweet naman.""Magreresign ka na?" malungkot niyang tanong."Oo, sayang yung offer ni Dulce. Ayaw ka lang niya ayain. Manager ako dun sa department nila.""Woow ang galing mo naman""Dito kasi ang hirap umangat kapag maraming humihila sayo pababa. Maswerte ka at secretary ka ni mam.""Woooow.. naba
POV: BernardSABADO...Sinundo niya sa isang mall sina Marie at Flor. Nagulat pa siya kasama nito si Dulce."Oh, hi girls!" bati niya sa mga ito saka ipinagbukas ng pinto ang dalawang babae.Akmang papasok na rin si Marie ng awatin ni Dulce."Hoy bruha, dun ka sa unahan. Ano yan may driver tayo? Sige na sir, sa una nyo na siya paupuin.""Naku talaga Dulce ang sarap mong kurutin" saka isinara ni Marie ang pinto."Ang ganda naman ng mahal ko" puri niya sa dalaga."Alam ko.." sagot nito sa kanya.Inalalayan niya ito pag upo. Saka isinara ang pinto. Pumunta na siya sa driver's seat."By the way girls, my refreshments ako for you" kinuha nito ang mga milk tea sa plastic."Woooh, favourite ko to" masayang sabi ni Flor."Tse.. hindi mo peyborit yan. mahal yan eh" saway ni Dulce.Napangiti naman sila ni Marie."Sir," tawag ni Flor "dalaw dalawin mo si Marie sa opis ha. Magreresign na kasi ako.""Ooh? bakit?" tanong niya."Sasama na ko kay Dulce""Magdyowa kayo?" tanong niya."Si sir naman ang
Dumating ang tatay ni Dulce. Nakangiti itong humarap sa kanila.'Bobo mo Bernard.. inisip mong sugar daddy ni Dulce yung tatay niya' sabi niya sa sarili."Pa, si Bernard po kaibigan namin. Bernard, ang tatay ko, si Morgan Baretto." pakilala ni Dulce.Natigilan sila nung magkakamay na, saka ngumiti si Morgan at inabot ang palad niya."Kumusta ka hijo? ang gwapo mong bata" bati nito.Biglang pumintig ng malakas ang kanyang puso. Hindi niya maintindihan kung bakit."Ayos naman po, kayo po sir kumusta?""Naku, tito na lang. Buti naman at may ipinakilala ng lalaki ang batang ito, akala ko tomboy siya hahaha" sabi ni Morgan."Papa, ano ka ba? magiging boyfriend yan ni Marie" nakangusong sagot ni Dulce."Ay siya nga ba? ay maganda naman talaga si Marie, hala sige, maupo na kayo." nakangiting anyaya ni Morgan.Dumating ang drinks at pagkain. Ang daming pulutan. May mani, chicharong bulaklak, inihaw na liempo, inihaw na isda. May kanin din saka desert na buko pandan.Nagtatawanan ang mga babae
POV: Marie--Ang tagal na nating hindi nagkikita hija.. busy ka ba sa linggo? magsimba naman tayo."Oh, sige po tita.. pwede po ako.. pasensiya na po kayo at naging abala ako nitong nakaraan." ilang beses na kasi siyang niyaya nito pero may prior syang lakad.--buti naman pagbibigyan mo na ko. Akala ko ayaw mo na akong kasama."Naku tita, kung pwede nga lang po na makasama ko kayo lagi eh. Saan po tayo magkikita?" tanong niya.--Ikaw, saan ba mas okay sayo?"Gusto nyo po sa simbahan na lang?"--pwede naman hija.. sige, maaga kasi ang misa don. Gusto ko sana pang six am."Okay lang po sa akin.. okay lang po bang isama ko yung kaibigan ko?"--Oo naman.. para mga bagets naman ang tropa ko--see you, bye."Babye po.." nakangiti niyang sabi saka inoff ang phone."Sinong kausap mo?" nagulat siya ng marinig ang boses ni Bernard."Diyos ko.. kanina ka pa ba dyan?" tanong niya. Tatawid na sana siya ng tumawag si tita Ludy."Makikipagkita ka sa linggo sa iba?" nakakunot ang noo nito."Oo! bakit
POV: MarieMasayang masaya si Dulce nung ayain niyang magsimba. Nagkagulatan pa sila dahil pareho silang nakadress."Ang ganda mo naman" puri niya sa kaibigan."Ikaw din, sayang si Flor umuwing probinsiya. Kasama sana natin siya. Ito bang kaibigan mo eh ilang taon na?""Senior na ata si tita Ludy, hindi kasi ako nagtatanong ng age" sagot niya "nasaan ang kotse mo?""Nagbiyahe lang ako. Mahirap ng mag iwan ng sasakyan kung saan saan ngayon eh. Ang ganda ng bag mo ah,patingin nga" sinipat nito ang kabuuan "woooow!!! wala pa akong ganitong Emerald. Ang mahal niyan.. bigay ni Bernard?""Naku hindi, alam mo namang hindi ko afford to. Bigay ni tita Ludy. Nahihiya nga akong tanggapin eh. Ipinilit nya lang kasi gusto niya daw ako.."Isang puting Van ang tumigil sa harapan nila. Binuksan ng driver ang pinto, at lumabas ang isang may edad ng babae, na naka dress din."Hi girls, kanina pa kayo?" nakipagbeso ito sa kanya."Hindi naman po" sagot niya "tita, ito po pala si Dulce, ang kaibigan ko, D