POV: Bernard
Malayo pa lang kita na niya si Marie na parang in good mood. Pakanta kanta pa ito habang nag tatrabaho. Minabuti niya itong lapitan at nagulat siya sa approach nito."Hindi ka ata mapang asar ngayon?" nakakunot ang noo na tanong niya."Masaya po ako ngayon sir. halina po kayo sa loob" tumayo ito at ipinagbukas siya ng pinto.Naagaw ng atensiyon niya ang paa nito. Mamahaling sapatos.Sinipat nya pa itong mabuti. Hindi siya maaaring magkamali, kilala niya ang sapatos na ito."Oh andyan ka na pala," bati ni Monte "Miss Marie ang mga plato""Opo sir"Lumapit na rin si Ericka sa kanila at inayos ang pagkain."Parang kilala ko ang suot na sapatos ni Marie, hindi ba regalo ko yan sayo?" tanong niya kay Ericka."Ah, matagal na kasi yan, tapos hindi naman kasya sakin kaya ibinigay ko na kay Miss Marie. Nasira kasi ang sapatos niya. Okay lang ba sayo? eh di ba sabi mo, kapag hindi na ginagamit ibigay sa nangangailangan." sagot ni Ericka."Pero mahal yun," reklamo niya."Pare, niregalo mo na kay Ericka yun, kaya hindi na yan sayo. Siya na ang may karapatan kung anong gagawin niya dyan hindi ba?" sagot ni Monte.Hindi na siya nagsalita. Pinanood na lang niya kung paano nito gamitin ang sapatos. Para itong nanunulay at ingat na ingat na baka masira ang pampaa nito. Napatawa na lang siya.Sa bagay, mabuting mapakinabangan.. ang bait talaga ng labs ko, mapag bigay.Kinindatan niya si Ericka ng magtama ang mata nila. Ngumiti lang ang babae sa kanya."Halika na Miss Marie, sumabay ka na samin" aya ni Ericka "ang daming binili ni sir Bernard na pagkain."Naku hindi na po at nakakahiya po." tanggi nito."Miss Marie, sumabay ka na" aya ni Monte.Sinisipa siya ni Ericka at sinasabihan sa pamamagitan ng mata na ayain din ang babae."Oo nga naman Marie, halika na" alok niya "dito ka maupo.""Salamat po" naupo ito sa tabi niya.Bumili siya ng california maki, tempura at salad. My braised beef at teriyaki chicken."Fight na!" sabay sina Monte at Ericka."Ano kayo choir?" tanong niyang natatawa.Kanya kanya silang kuha. Napansin niya na hirap si Marie magchopstick. Inalok niya ito ng tinidor."Thank you po sir." sagot nito.Nakaisip siya ng paraan para makaganti dito. Nakakarami na sila ng pagkain, may tumawag kina Monte at Ericka kaya tumayo ang mga ito saglit. Kumuha siya ng california maki at isinawsaw sa maraming wasabe sabay aro kay Marie."Bati na tayo, ito oh" nakasuporta pa ang isa niyang kamay."Naku sir nakakahiya naman po." sagot nito."Iisipin kong galit ka sakin kapag hindi mo to kinain." kunwari malungkot siya."Okay po" ngumanga ito at isinubo niya ang pagkain.Maya maya pa maluha luha na ang babae sa anghang. Dumating si Ericka, kinuha ang milktea at tinusukan ng straw bago dali daling inabot sa babae."Anong nangyari?" tanong ni Ericka."Mahina ata ang spicy tolerance ni Marie. Hindi ata siya kumakain ng wasabe" pagdadahilan niya.Pulang pula ang babae at halos maubos ang milktea."Thank you po mam." sabi nito kay Ericka."Okay ka na ba?" nag aalala pa rin ang tinig ni Ericka."Opo mam okay na po ako." sagot ng babaeng masama ang tingin sa kanya."Sagutin ko lang tong call wait lang.." lumayo ulit si Ericka sa kanila."Sinadya mo yun no?" paangil na tanong nito sa kanya. Namumula pa rin ang nguso nito."One all" itinaas niya pa ang dalawang hintuturo."Ang bait ko pa naman sa inyo pagdating niyo tapos ganito lang gagawin nyo sakin? aba naman nasobra ata kayo, hmp!"Tawa siya ng tawa. Tumigil lang siya nung magring ang kanyang phone. Sa kabilang side siya tumingin."Yes... oh.. talaga? sige andyan na ko mamaya.. bye..."Pagtingin niya kay Marie masama pa rin ang tingin nito sa kanya. Tawa siya ng tawa dahil namula pati ang ilong nito.Kinuha niya ang milktea niya para s******n. Naibuga niya ito ng wala sa oras.. pati sa ilong niya may lumabas na sago..POV: MariePikon na pikon siya sa ginawa ni Bernard.Hahanap akong pagkakataon na magantihan kang bwesit ka! Sinisira mo ang araw ko!Saktong may tumawag dito. Kinuha niya ang straw ng milktea nito saka pinuno ng wasabe ang loob. Ibinalik niya sa baso saka nagkunwari siyang galit.Pagharap ni Bernard sa kanya, tinatawanan pa rin siya ng lalaki. Pag angat nito ng milktea para s******n, gumuhit sa labi niya ang ngiti ng tagumpay."Hooooooooh" sigaw nito.Nagulat sina Ericka dito."Anong nangyari?" tanong ni Monte."I---inubo ako bigla. Ang sakit sa lalamunan" sagot nitong halos maging kulay kamatis."Ang takaw mo kasi" wika ni Monte.Lumapit si Ericka na may dalang wipes.Pinunasan nito ang sofa. Nakita niya ang dismaya sa mukha ni Bernard. Akala siguro pupuntahan ito ni Ericka.Napalingon ito sa kanya, dinilaan niya ito at nag peace sign siya. Saka sinabi niya ng walang tinig ang "two points"Kung nakakamatay lang ang titig, marahil para na siyang giniling sa tingin ng lalaki. Hindi siya papayag na maisahan lang nito. Mas matindi pa naman siyang gumanti."Nagkalat ka pa pare oh" sabi ni Monte. "Oh punasan mo ang mukha mo" iniabot nito ang wipes kay Bernard.Masamang masama ang tingin ni Bernard sa kanya habang nagpupunas ng sarili. Parang gusto na siyang daklutin nito. Iniligpit na niya ang mga pagkain. Napansin ni Ericka na parang itatapon na niya ang mga ito."Miss Marie, kumuha ka ng container na maliit sa pantry, pagsama samahin mo ang magkakauri. Pwedeng ibigay sa guard yan. Hindi tayo pwedeng mag aksaya ng pagkain.""Opo mam. Aayusin ko lang po itong kalat ni Sir Bernard" sagot niya."Okay lang yan dyan, ipapaayos ko yan sa utility mamaya. Okay ka na ba Bernard?" tanong ni Ericka."Okay na ko.. salamat" ngumiti pa ito ng pagkatamis tamis kay Ericka."Dahan dahan ka kasi sa pagkain.""Ang siba mo kasi" wika ni Monte."Naoverwhemed kasi ako sa sarap ng pagkain." sagot nito "Di ba Miss Marie?""Ha... ah eh opo.. ang sarap nga" kinokorner pa siya nito."Masarap ang wasabe eh" sabi pa ni Bernard."Manlibre ka ulit sa sunod" wika ni Monte."Anong libre? di ba nakisuyo ka lang na ibili kita?"gulat si Bernard."Pero hindi ko sinabing babayaran kita" sagot naman ni Monte."Scammer ka talaga!" nakasimangot si Bernard "ang yaman yaman kuripot.""Yan ang sekreto naming mga gwapo."proud na sagot ni Monte."Ah kaya po pala ganyan si sir Bernard," sabi niya."Anong ganyan?" tanong nito sa kanya."Hindi kayo kuripot.""So panget ako?" nakapameywang ito."Kayo ang may sabi niyan, hindi ako" sabay talikod niya dito.POV: BernardNamumuro na sa kanya ang babaeng ito. Kailangan maturuan ng leksiyon. Siya si Bernard Guevarra, isa sa pinakagwapong negosyante sa Pilipinas. Tapos ng dahil sa malditang si Marie nasisira ang image niya. Para itong malaking kulangot na hindi mawala sa kanyang ilong. Magpasalamat na lang ito at hindi niya ito tipo.Sakay siya ng kotse at binabagtas ang kahabaan ng kalsada ng biglang bumuhos ang ulan. Isa sa nakakainis na oras ang pag ulan. Dahil pahat tinatamad lumabas. Lalo na si Monte. Hindi na naman niya ito maaaya sa bar hopping.May tubig sa lubak na iyon, at may nakita siyang isang pamilyar na pigura. Aba, pag sinuswerte ka talaga oh. Si Malditang Marie Yari ka ngayon..Pinaharurot niya ang sasakyan saka dumaan sa lubak na maraming tubig. Pagdaan niya, halos maligo si Marie sa tubig na tumalsik dito.Ibinaba niya ang bintana at sinigawan ito."All two" saka pinaibis na ulit ang kotse.Sayang saya siya sa nakita. Nakabawi na naman siya. Akala siguro nito basta basta
POV: MarieNakalipat na siya ng bahay. Malaki ito, tamang tama sa pamilya niya. Tumunog ang door bell sa labas. Pag silip niya ang pamilya niya."Nanay?" tanong niya dito. "Paano nyo nalaman kung nasaan ako?""Itinuro sa amin ni sir" mula sa likod, nakita niyang kumikinang si Bernard sa kagwapuhan.My God ang sarap naman itago nito. Mukhang mabango.. at ang katawan at braso, parang pag niyakap ako ay hindi na ako makakawala.."Anak papasukin mo kami" wika ng nanay niya."Pasok nay sa bahay natin" niyakap niya ang ina at mga kapatid."Tuloy kayo sir" aya niya dito."Haksbzkabskslabshs sjsbs" buka ng bibig nito."Ha? ano sir?" inilapit nya pa ang ulo dito."Haksbzkabskslabshs sjsbs""Hindi ko kayo maintindihan.""Marie, kumusta ka na?" parang anghel sa langit ang nagtatanong."Okay na kaya siya?""Parang okay na naman.""Bakit siya ungol ng ungol""Baka nananaginip."Naririnig niya ang usapan sa paligid. Biglang nawala si Bernard sa harapan niya.Dahan dahan niyang iminulat ang mga mata
POV: BernardTiningnan niya ang dikit dikit na bahay na naroroon. Ang dami. Ang daming bata sa labas. May mga tambay na nag iinom."Dito ka nakatira sa lugar na to?" tanong niya."Opo sir, mga anim na taon na simula nung magkolehiyo ako." sagot nito."Ganoon na ba kakuripot si Monte at hindi kayang mapasahod ng maayos?" tanong niya. "Ang layo nito sa opisina nyo ah.""Malali magpasahod si sir Monte, sir Bernard. Kaso ako po ang bread winner samin. Kailangan kong magtipid.""Marie, patagayin mo muna yang kasama mo oh" itinaas ng isang lalaki ang baso."Balato nyo na lang to sakin mga tol.. baka masisante pa ako sa trabaho." sagot niyang ngumiti."Baka may madidelihensiya tayo dyan Marie, kahit pang bilog lang." tanong pa ng isa."Kayo talaga. Wag nyo naman akong ipahiya kay sir, baka mawalan ako ng trabaho niyan, sige kayo" sagot niya sa mga ito.Nagtawanan ang mga tambay na nag iinuman. "Mababait ba ang mga yan?" nag aalalang tanong ni Bernard."Opo sir. Pakikisama lang naman ang kai
POV: MarieHalos anim na buwan na simula nung huling makita niya si Bernard. Nahihiya naman siyang magtanong sa boss niya. Baka sabihin assuming siya.Sa tuwing may lagabag ng paa ang paparating, nararattle siya."Hoy Marie" tawag ng baklang katrabaho "Gawin mo nga to at may pupuntahan ako.""Alin po sir?""Itong iniencode ko.""Naka sort na po ba yan?""Ikaw na ang magsort. Ang dami mo namang tanong.""Sorry po sir.""Hai naku. Bilisan mo na at deadline na yan bukas.""Marie itype mo to, sasama ako kay Orlan" paalam ng isang babae."Oh sige iwan nyo lang dyan gagawin ko yan pagkatapos nito." sagot niya."Unahin mo to, sagot ni Orlan, pag hindi yan natapos lagot ka sa ninong ko."Naiiling na lang siya sa pambablackmail ng mga ito. First job niya ito at ayaw nya ng umalis dito.Inuna na niyang trabahuhin ang mga ibinigay ng mga itong papel."Marie, wag mo na nga gawin yan" wika ni Flor "hayaan mo silang gumawa.""Baka kasi paalisin ako ako ng ninong ni sir Orlan.""Yun lang, mayabang
Umiinom pa sila ng kape ni Ericka. Iba talaga pag maraming pera,Coffee 500? allowance ko na ng dalawang araw yun ah. Pero infairness, masarap naman. Marami pa siguro akong matitikman na ganito. Napapangiti siya."Anong iniisip mo?" tanong nito sa kanya."Wala po mam. Natutuwa lang po ako kasi nakatikim ako ng mamahaling pagkain. Ang halaga po nito allowance ko na ng dalawang araw" sagot niya dito."Huh? paano? di ba galing ka naman sa magandang eskwelahan dito?""Scholar po ako dun. Bale allowance po hati sila nina nanay.""Ilan ba kayong magkakapatid?""Apat po, panganay ako""Anong trabaho ng parents mo?""Ang nanay po minsan nangangatulong. Ang tatay naman po may maliit na sinasakang bukid.""Yung mga kapatid mo ilang taon na?""Yung sunod po sakin twenty pa lang, lalaki, nag aaral po siya ng first year college, yung sunod po dalawang Elementary, kambal po.""Parang late na yung kapatid mo nag aral, yung college?""Nagtrabaho po muna siya para makatapos ako. Ang usapan po namin pa
Ngunit kaakibat ng pagkapromote sa kanya ay ang minsanang pinag iinitan siya ng mga katrabaho.Madalas siyang inuutusan ng mga ito. Hindi na lang siya nagrereklamo dahil nai stress siya. Malakas ang internet sa opisina kaya dito na siya natawag sa pamilya kapag break time."Kumusta na kayo?" tanong niya sa mga ito. Nag iiyakan sila dahil simula ng lumuwas siya dito, hindi na siya nakauwi pa.-okay naman kami anak, ikaw kumusta ka na dyan? dalagang dalaga ka na talaga- tinig ng nanay niya. Nakavideokol sila ng kanyang pamilya."Natanggap nyo na po ba ang ipinadala ko?"-naku anak ang laki. Baka wala ng natira sayo dyan. Nakakahiya nga at tumigil na akong paglalabada sana natutulungan ko pa kayo ng tatay mo."Nasaan po pala si tatay?"-ayun siya ate. Umiiyak. ayaw nya daw makita mo na umiiyak siya- boses ni Marlon, sumunod sa kanya-nasa school pa yung dalawa ate."Kumusta na ang oag aaral mo?"-Ate, deans lister ako. Salamat sayo. Makakabawi din ako pag nakatapos na ko."Wag mo munang
POV:MarieMabilis na kumalat ang balita tungkol sa pagpapakasal ni Monte at Ericka. Halos lahat ng empleyado ay may kanya kanyang say sa issue.Baka nabuntis ni sir..Mang aagaw naman pala.Baka matagal na silang may relasyon..Akala mo kung sinong malinis.Kasal agad eh..Baka ginagapang sa opisina..Matagal na namang nagsasama yan.Mga haka hakang pinag uusapan dito. Kahit siya ay nagulat dahil sa bibig mismo ni Ericka nanggaling na hindi niya type si Monte at mas pipiliin pa niya si Bernard kung saka sakali.My God, parang destiny talaga kami ni Bernard. Para siya talaga sa akin. Haist ang saya ko naman. Baka ito talaga ang plano ni Lord..Masayang masaya siya ng may bumati sa kanyang familiar na boses."Andyan ba ang boss mo?" tanong nito."Sir Bernard?" halos magningning ang kanyang mga mata ng makita ito. Parang isang inukit na obra. Lalo itong naging gwapo sa paningin niya."Nakabalik na ko" ngumiti itong halos ikalabas ng kanyang puso sa kilig."Sir" umiyak siya "bakit basta k
POV: BernardSa wakas.. halos isang taon din ako sa America. Nakakamiss ang Pilipinas. Sobrang busy ko pa.. Tagal ko ng hindi nakakausap si Ericka.. Miss na miss ko na siya..Pagdating niya sa airport, sinalubong siya ng driver."Boss, saan tayo ngayon?" tanong nito."Ihatid mo lang ako sa San Miguel building, iwanan mo na pang ako doon. Isunod mo na pang ang sasakyan ko, iuwi mo na lang ang mga gamit sa bahay." sagot niya."Hindi kayo maghohotel boss?""Hindi, may pupuntahan ako ngayon at kakausapin.""Ang sipag nyo talaga, kahit kararating nyo lang magtatrabaho na kayo. Nakakabilib talaga kayo boss."Ngumiti lang siya sa kanyang driver. Kinuha ang kanyang wallet sa bag.Doon siya bumaba sa mismong entrance bago nagpaalam sa driver.Binabati siya ng lahat pati ng guwardiya. Nakita niya si Tessa."Hi pretty, andyan ba si Ericka?" tanong niya."Ah.. opo sir.. pero alam nyo na ba ang balita?" sabi nito."Tungkol saan?""Ikakasal na si mam""Kanino?""Basta ikakasal na daw po eh""Ah, si
"You may now, kiss the bride!" anunsiyo ng pari. Nagpalakpakan ang mga bisita. Itinaas ni Bernard ang kanyang belo, saka hinawakan ang magkabila niyang pisngi at hinalikan siya. Akala niya smack lang, subalit hinawakan nito ang leeg niya. Nagkantiyawan ang mga bisita. "Hoooy mamaya na yan!" sigawan ng mga ito na nagtatawanan. Doon pa lang tumigil si Bernard. "I love you.." sabi ni Bernard sa kanya. "I love you more" sagot niya dito. Nagkaroon ng program. Magaling palang mag host si Dulce. Ito ang bumangka sa mga kalokohang laro. Ito rin ang may pasimuno ang mga bring me at hulaan. Lahat nakiparticipate. May mga game prizes pa. Masaya ang lahat na naroroon. Bumabaha din ang pagkain. Maraming nagpaabot ng regalo. Halos hindi na magkasya sa bahay ang mga regalo, kinailangan pa ang dalawang cottage para sa mga ito. Nagkaroon ng sayawan, gaya sa tradisyon ng mga batangenyo. Nilapitan sila ni Ellie saka personal na bumati. "Salamat.. "sagot niya, saka niyakap ang babae, "Kung hindi
Nauna siya kay Bernard sa ilog. Sabi kasi ni Mang Ador, manghuhuli ito ng hipon ng ganoong oras. Naghanap siya ng magandang spot. Inabot din siya ng halos isang oras paghihintay. Ang sabi sa kangya nina Dulce, exclusive ang buong linggo para sa kanila. Hindi sila tumanggap ng mga bookings at guest.Nong sabihin niya sa mga ito, na nais na niyang pakasalan si Bernard pero surprise wedding, agad ang mga itong pumayag. Si Monica ang naging wedding coordinator. Sina Dulce naman at tita Ludy sa lahat. Yung mga list nila bago sila ikasal ay nakuha nina Dulce sa kabinet ng kuya nito. Masayang masaya siya, na wala na siyang hirap na pinagdaanan. Doon sila ikakasal sa rest house ng mga ito. Wala pa rin daw kaalam alam ang lalaki. Maya maya pa, tinawagan siya ni Mang Ador, pababa na daw si Bernard.Nagtago siya sa likod ng bato. Paglusong ng lalaki, tinawag niya ito. Kitang kita niya ang takot sa mga mata nito. Lalo na ng lapitan niya ito na nagmula siya sa tubig kaya hindi niya napigilan ang ma
POV: Bernard Nasa bundok siya, sa kanilang rest house. Ang lugar kung saan niya pinaghinalaan ng hindi maganda si Marie. Ito ang lugar kung saan inakala niyang si Domeng ay ex boyfriend ng dalaga. Pinagyaman na ni Dulce ang lugar na ito. Magaling talaga sa negosyo ang kapatid niya. Ginawa niya itong event place. Lagi ditong may mga celebration lalo na ng kasal. Ang ilog na malapit dito ay ipinagawa pang resort ng kapatid, kaya nagkaroon ng trabaho ang mga anak ni Mang Ador. Kapag walang mga pasok ay nagiextra ang mga ito sa pagtatrabaho sa lugar. May sarili silang catering service. May mga cottages na sa paligid. Masasabi niyang successful itong ginawa ni Dulce. Mukhang may ikakasal na naman. Naghahanda na ang mga tauhan nila. Inaayusan na ng mga ito ang looban. Pinapanood niya ito mula sa glass wall ng kwarto sa itaas. May nagseset up ng lamesa, nag aayos ng arko at mga tent. Ang ganda ng kulay ng motiff ng ikakasal. Ganito ang motiff nila kung ikinasal sila ni Marie, moss green.
POV: Marie Naglalakad siya sa mall, ng mapansin ang isang babae na may kargang bata. May kasama itong ibang lalaki. Sinundan niya ang mga ito. Pinanood niya habang kumakain sa restaurant at nagsusubuan pa. "Anong klaseng babae ito? may asawa na nakikipagharutan pa sa iba. Pinakawalan ko si Bernard para sa kanya, tapos ganito lang ang gagawin ng babaeng ito? lagot ka sakin!" sabi niya sa sarili. Pumasok siya sa restaurant, at tyumayo sa harapan nina Ellie na noon ay masayang kumakain. Napaangat ang tingin sa kanya ng dalawa. "Yes?" nangunot ang noo ni Mark. "Hindi na kayo nahiya! ikaw Ellie, mahal ka pa naman ng asawa mo tapos niloloko mo siya?" nakahalukipkip siya, "ang kapal din naman ng mukha mo!" Nagkatinginan sina Mark at Ellie, saka tumingin sa kanya, bago ulit magtinginan at magkatawanan. "Teka miss, sino ka ba?" tanong ni Mark sa kanya. "Si Marie," sagot ni Ellie. "Ah, siya ba yun?" natawa si Mark "kaya naman pala lokong loko si Bernard sa kanya, batang bata na, maganda
POV: Bernard"Alam mo ba, ang bait ni Marie sakin" sabi niya kay Monte habang hinihintay sina Ellie. Sila ang nag aalaga kay baby Vince."Oooh? paano mo nasabi, kanina kulang na lang kainin ka niya. Parang galit siya sayo" sagot nito sa kanya."Nagtataka rin nga ako, pero base sa usapan namin kanina, parang okay na kami." saka niya nilaro sa Vince "di ba baby? magkakaroon ka na ng ninang.""Wag kang masyadong umasa," kinuha nito si Vince sa kanya, "di ba baby? ninong Bernard mo asyumero na naman.""Hindi naman. Balak ko siyang balikan mamaya at kidnappin" nakangiti niyang sabi sa kaibigan."Sige nga.. hindi ako babalik ng opis. alas sais yun nauwi.""Bakit late na? pinagtatrabaho mo ng matagal ang mahal ko?""Baliw! ayaw niya ng may mga naiiwang gamit at mga nakasaksak na computer. Supervisor na kasi sya.""Buti at iprinomote mo. Pagod na yun kakatrabaho.""Napaalis nga nun si Orlan.""Yung bakla?""Oo.""Bakit?""Binastos siya, pati si Ericka na nananahimik na dinamay pa. Bully talag
POV: MarieNagmamadali siya dahil yung files na i-i-scan niya ay naiwan niya sa bahay. Eksakto namang may sasakay sa elevator."Waiiiit!!! sasakay ako!!" sigaw niya.Sa pagmamadali niya, nadapa siya sa harapan ng lalaking kasabay niya."Okay ka lang ba?" tanong nito. Hindi niya mawari kung bakit inatake siya ng matinding kaba."Okay lang po ako--" iniangat niya ang kanyang paningin. Alam na niya ang rason, ang lalaking iniisip niya gabi gabi. Hindi niya malaman kung bakit madalas niya itong mapanaginipan. Parang magaan ang loob niya sa ex, walang halong galit.Inalalayan siyang tumayo nito "thank you po sir.""Mag iingat ka.." ngumiti ito sa kanya. "kumusta ka na?""Okay na po ako sir" nakangiti pang siya, dahil ang dibdib niya, parang sasabog na. Sobra ang pagkabog ng kanyang dibdib."Mabuti naman.. ang ganda mo lalo ah""Nakarecover na po kasi ako talaga." bumukas na ang elevator "sige po una na ko sir."Hindi na niya makayanan ang presensiya ng lalaki kaya nagmamadali sitang pumunta
POV: BernardMatagal tagal na simula nung huli siyang makatuntong sa opisina ng kaibigan niyang si Monte. Nag aaya itong kumain. Alam niya ang sakit na pinagdadaanan nito dahil sa pagkawala ng asawa. Dinaanan niya muna si Andrei."Ikaw na muna ang bahala dito," paalam niya sa secretary niya."Saan ka pupunta, sir?" tanong nito habang nagtatype sa computer."Sa San Miguel Building" inaayos niya ang kanyang coat."Pupuntahan niyo si Marie sir?" napatingin na ito sa kanya."Hindi.. si Monte ang pupuntahan ko, may lakad kasi kami ngayon," sagot niya dito."Aah.. akala ko makikioagbalikan na kayo kay Marie. Sige sir, ingat ka" muli nitong binalikan ang pagkocomputer.Kung hindi niya ito kilala, hindi niya masasabing may especial case ito. Magaling itong makipag usap sa mga tao. Medyo matabil lang ang dila nito. Saka mabilis maplease. Saka malalamang may menthal disorder si Andrei kapag kunausap na.Iniwan na niya ito. Dumiretso na siya sa elevator patungong parking area. Agad niyang nakita
POV: MarieA YEAR LATER.."Ma'am, papirma po" ibinigay ni Jhun sa kanya ang isang folder. Inabot niya ito saka pinirmahan."Yung schedule ni sir, paki double check. Baka may ma miss kang oras. Yung notes lagi mong ireready." bilin niya dito."Yes ma'am!" tinalikuran na siya ni Jhun.Isang taon na rin simula nung mawala si Rain at maganap ang trahedya sa kanyang buhay. Ilang buwan na rin simula nung pumanaw ang boss niyang si Ericka. Madami ang nangyari sa kanya sa loob lamang ng isang taon.Nadalaw niya na sa Japan ang puntod ni Rain, doon pa sila nagkita nina Dulce at tita Ludy. Doon niya rin nalaman na alam pala ng magulang ni Rain na ex niya si Bernard. Binibiro pa siya ng mga ito na pwede na siyang mag asawa.Napailing na lang siya sa isiping yun. Itinago na rin niya ang larawan ni Rain upang hindi niya ito paulit ulit na maalala.Nasa gitna siya ng pagmumuni muni ng marinig niya ang boses ni Orlan na pinaparinggan siya. Kakapalayas lang kay Monet ni Monte dahil sa pagiging tsismo
POV: MonteNalungkot siya ng malamang sumakabilang buhay na si Rain. Family friend nila ang mga ito. Naawa din siya kay Marie. Wala na siyang planong ligawan ang babae dahil alam niyang masaya na ito sa buhay nito. Na masaya na ito kay Rain. Magiging maligaya na lang siya na titigan ito kahit sa malayo lamang. At siguro, hindi talaga sila para sa isa't isa. Kung may darating na sa kanya, hihintayin na lang niya ito.Pagpasok niya kung saan nakaburol si Rain, agad niyang nilapitan si tita Lily."Nakikiramay po ako sa inyo tita Lily" niyakap niya ang matanda, "pasensiya na po kayo at nasa U.S po si mama, may sakit po kasi si tito Benny.""Okay lang, nagkikita naman kami ng mama mo sa Japan. Kumusta ka na ba?magaling ka na ba? Balita ko ikaw na ulit ang nagm amanage ng kumpanya niyo.""Oo nga po, buti po naging okay na ako," ngumiti siya dito."Buti nga naalala mo pang dalawin si Rain Hijo.""Mukhang siya po ang hindi ako nakikilala, dahil minsan pong nagkita kami, hindi niya ata ako nam