Umiinom pa sila ng kape ni Ericka. Iba talaga pag maraming pera,Coffee 500? allowance ko na ng dalawang araw yun ah. Pero infairness, masarap naman. Marami pa siguro akong matitikman na ganito. Napapangiti siya."Anong iniisip mo?" tanong nito sa kanya."Wala po mam. Natutuwa lang po ako kasi nakatikim ako ng mamahaling pagkain. Ang halaga po nito allowance ko na ng dalawang araw" sagot niya dito."Huh? paano? di ba galing ka naman sa magandang eskwelahan dito?""Scholar po ako dun. Bale allowance po hati sila nina nanay.""Ilan ba kayong magkakapatid?""Apat po, panganay ako""Anong trabaho ng parents mo?""Ang nanay po minsan nangangatulong. Ang tatay naman po may maliit na sinasakang bukid.""Yung mga kapatid mo ilang taon na?""Yung sunod po sakin twenty pa lang, lalaki, nag aaral po siya ng first year college, yung sunod po dalawang Elementary, kambal po.""Parang late na yung kapatid mo nag aral, yung college?""Nagtrabaho po muna siya para makatapos ako. Ang usapan po namin pa
Ngunit kaakibat ng pagkapromote sa kanya ay ang minsanang pinag iinitan siya ng mga katrabaho.Madalas siyang inuutusan ng mga ito. Hindi na lang siya nagrereklamo dahil nai stress siya. Malakas ang internet sa opisina kaya dito na siya natawag sa pamilya kapag break time."Kumusta na kayo?" tanong niya sa mga ito. Nag iiyakan sila dahil simula ng lumuwas siya dito, hindi na siya nakauwi pa.-okay naman kami anak, ikaw kumusta ka na dyan? dalagang dalaga ka na talaga- tinig ng nanay niya. Nakavideokol sila ng kanyang pamilya."Natanggap nyo na po ba ang ipinadala ko?"-naku anak ang laki. Baka wala ng natira sayo dyan. Nakakahiya nga at tumigil na akong paglalabada sana natutulungan ko pa kayo ng tatay mo."Nasaan po pala si tatay?"-ayun siya ate. Umiiyak. ayaw nya daw makita mo na umiiyak siya- boses ni Marlon, sumunod sa kanya-nasa school pa yung dalawa ate."Kumusta na ang oag aaral mo?"-Ate, deans lister ako. Salamat sayo. Makakabawi din ako pag nakatapos na ko."Wag mo munang
POV:MarieMabilis na kumalat ang balita tungkol sa pagpapakasal ni Monte at Ericka. Halos lahat ng empleyado ay may kanya kanyang say sa issue.Baka nabuntis ni sir..Mang aagaw naman pala.Baka matagal na silang may relasyon..Akala mo kung sinong malinis.Kasal agad eh..Baka ginagapang sa opisina..Matagal na namang nagsasama yan.Mga haka hakang pinag uusapan dito. Kahit siya ay nagulat dahil sa bibig mismo ni Ericka nanggaling na hindi niya type si Monte at mas pipiliin pa niya si Bernard kung saka sakali.My God, parang destiny talaga kami ni Bernard. Para siya talaga sa akin. Haist ang saya ko naman. Baka ito talaga ang plano ni Lord..Masayang masaya siya ng may bumati sa kanyang familiar na boses."Andyan ba ang boss mo?" tanong nito."Sir Bernard?" halos magningning ang kanyang mga mata ng makita ito. Parang isang inukit na obra. Lalo itong naging gwapo sa paningin niya."Nakabalik na ko" ngumiti itong halos ikalabas ng kanyang puso sa kilig."Sir" umiyak siya "bakit basta k
POV: BernardSa wakas.. halos isang taon din ako sa America. Nakakamiss ang Pilipinas. Sobrang busy ko pa.. Tagal ko ng hindi nakakausap si Ericka.. Miss na miss ko na siya..Pagdating niya sa airport, sinalubong siya ng driver."Boss, saan tayo ngayon?" tanong nito."Ihatid mo lang ako sa San Miguel building, iwanan mo na pang ako doon. Isunod mo na pang ang sasakyan ko, iuwi mo na lang ang mga gamit sa bahay." sagot niya."Hindi kayo maghohotel boss?""Hindi, may pupuntahan ako ngayon at kakausapin.""Ang sipag nyo talaga, kahit kararating nyo lang magtatrabaho na kayo. Nakakabilib talaga kayo boss."Ngumiti lang siya sa kanyang driver. Kinuha ang kanyang wallet sa bag.Doon siya bumaba sa mismong entrance bago nagpaalam sa driver.Binabati siya ng lahat pati ng guwardiya. Nakita niya si Tessa."Hi pretty, andyan ba si Ericka?" tanong niya."Ah.. opo sir.. pero alam nyo na ba ang balita?" sabi nito."Tungkol saan?""Ikakasal na si mam""Kanino?""Basta ikakasal na daw po eh""Ah, si
Ibinuhos niya sa alak ang kanyang lungkot na nararamdaman. Sobrang sakit pala na akala ay may pag asa na pero pagmamahal na kapatid lang naman pala ang kayang ibigay sa kanya.Minahal kita at patuloy na minamahal Ericka. Masaya ako kung si Monte ang pinili mo dahil kahit babaero yan alam kong mamahalin ka niya. Subalit mas magiging masaya sana ako kung ang pag ibig na inalay ko ang dininig mo.Wala na akong magagawa.."Hi uncle" si Jazz.. napaka sexy ng suot nito."Wooooow akala ko kung sinong Diyosa!" kunwari ay naglaway pa siya."Kayo talaga, who's with you?" "My friend, Monte.." sagot niyang bago sinisid ang laman ng baso. "horny ka ba today?""Always my dear.. kaso isang beses mo lang ako pinatikim ng langit tapos nawala ka na.. namiss ko ang third arm mo.." sagot nitong humihimas sa kanyang hita "hindi ako nakalakad ng maayos ng two days hahaha""Oi Pare" si Monte galing rest room "Akala ko ba ayaw mo sa bagets, bakit parang may nakaraan na kayo ng babaeng yan" bulong nito."Sab
POV: MarieDumating si Ericka na masama ang timpla. Unang beses niyang nakita na ganoon ang boss. Lumalagabog ang takong nito sa bawat paglakad. Wala itong binati ni isa man sa kanila. Pumasok ito sa opisina at ibinagsak ang pinto.Anong nangyayari kay mam?Hala baka hindi na tuloy ang kasal..Naku hindi yan basta naiinis.. nakakatakot naman..Bakit kaya galit na galit??Maya maya pa nagmamadali si Orlan may dalang chismis. Pagkababa ng gamit nito nagkwento agad."Alam nyo ba sinampal pala ni mam Ericka si mam Khaye kanina." sabi nito."Si mam Khaye? yung anak ni Mrs. Dominguez?" tanong ni Monet."Oo, kung ano ano pa daw sinabi ni mam Ericka..""Eh anong sabi ni mam Khaye?" tanong ng isa pa."Ayun umiiyak." sagot ni Orlan."Mukhang katapusan na ng career ni mam Ericka. Share holder si Mrs. Dominguez dito at balitang malakas sa board." sabi ng kasamahang lalaki."True. Masyado na kasing mayabang si mam Ericka lalo na ngayong mapapangasawa pala siya ni sir." sagot ni Orlan "mag aapply a
Tinawagan niya ang mga magulang bago umuwi. Masayang masaya siyang ibinalita sa mga ito na nakapaghulog na siya ng singkwenta mil para sa buwan na iyon. Nagulat naman ang mga ito.'Di ba anak hindi mo pa sahod?'"Napaadvance na po."'Sabi mo noong isang araw lilipat ka na?'"Pinatitira po ako ni mam sa bahay niya kasi wala daw magbabantay. At pwede ko daw kayong dalahin na dito. Kapag nakagraduate na si Marlon, pwede na po siya dito."'Naku anak, dalawang taon pa yun'"Okay lang po nay, mas okay na ang advance."Masaya siyang nakikipagkwentuhan sa mga magulang. Laglag talaga ang luha niya dahil sobrang miss na niya ang mga ito."Friend halika na" aya ni Flor "nasa baba na si Dulce.""Uuwi na kami nay, i love you all"'Sige anak mahal ka namin.. ingat'Pinunasan nya muna ang mga luha bago nagsuklay at naglagay ng lipstick."Saan tayo kakain?" tanong ni Flor."Doon sa katapat na resaurant." sagot niya."Hala, mahal don ah..""Mas mahal ko kayo..""Iiiih" humilig pa sa balikat niya si Fl
POV: BernardNakiusap si Ericka sa kanya na samahan si Marie pagkuha ng mga gamit nito dahil siya daw ang nakakaalam kung saan nakatira ang babae. Ayaw sana niya dahil may kausap na siyang chicks sa araw na iyon pero dahil pinagtulungan siya nina Ericka at Monica, pumayag na rin siya. Wala naman daw dadalhing gamit si Marie kundi mga damit.Ipinaayos niya muna kay Andrei ang schedule niya ng shipping para sa mga textile na darating. Dahil garments business ang ginagawa nila, kailangan maingat sa lahat ng oras para hindi masira ang mga tela na iiexport at iiimport.Busy siyang tao, pero dahil ang nagrequest sa kanya ay ang Ericka ng buhay nya at ang reyna ng kanilang pamilya, kailangan niyang sumunod. "Andrei, pakiclear ng schedule ko mamayang tanghali. May lalakarin lang ako.""Lalakad kayo sir? paano po kotse nyo?" sagot ng kausap."Gusto mong palitan kita?" balik tanong niya dito. Si Andrei ay literal na inosenteng hindi niya maintindihan. Pero maayos naman itong magtrabaho."Si si
"You may now, kiss the bride!" anunsiyo ng pari. Nagpalakpakan ang mga bisita. Itinaas ni Bernard ang kanyang belo, saka hinawakan ang magkabila niyang pisngi at hinalikan siya. Akala niya smack lang, subalit hinawakan nito ang leeg niya. Nagkantiyawan ang mga bisita. "Hoooy mamaya na yan!" sigawan ng mga ito na nagtatawanan. Doon pa lang tumigil si Bernard. "I love you.." sabi ni Bernard sa kanya. "I love you more" sagot niya dito. Nagkaroon ng program. Magaling palang mag host si Dulce. Ito ang bumangka sa mga kalokohang laro. Ito rin ang may pasimuno ang mga bring me at hulaan. Lahat nakiparticipate. May mga game prizes pa. Masaya ang lahat na naroroon. Bumabaha din ang pagkain. Maraming nagpaabot ng regalo. Halos hindi na magkasya sa bahay ang mga regalo, kinailangan pa ang dalawang cottage para sa mga ito. Nagkaroon ng sayawan, gaya sa tradisyon ng mga batangenyo. Nilapitan sila ni Ellie saka personal na bumati. "Salamat.. "sagot niya, saka niyakap ang babae, "Kung hindi
Nauna siya kay Bernard sa ilog. Sabi kasi ni Mang Ador, manghuhuli ito ng hipon ng ganoong oras. Naghanap siya ng magandang spot. Inabot din siya ng halos isang oras paghihintay. Ang sabi sa kangya nina Dulce, exclusive ang buong linggo para sa kanila. Hindi sila tumanggap ng mga bookings at guest.Nong sabihin niya sa mga ito, na nais na niyang pakasalan si Bernard pero surprise wedding, agad ang mga itong pumayag. Si Monica ang naging wedding coordinator. Sina Dulce naman at tita Ludy sa lahat. Yung mga list nila bago sila ikasal ay nakuha nina Dulce sa kabinet ng kuya nito. Masayang masaya siya, na wala na siyang hirap na pinagdaanan. Doon sila ikakasal sa rest house ng mga ito. Wala pa rin daw kaalam alam ang lalaki. Maya maya pa, tinawagan siya ni Mang Ador, pababa na daw si Bernard.Nagtago siya sa likod ng bato. Paglusong ng lalaki, tinawag niya ito. Kitang kita niya ang takot sa mga mata nito. Lalo na ng lapitan niya ito na nagmula siya sa tubig kaya hindi niya napigilan ang ma
POV: Bernard Nasa bundok siya, sa kanilang rest house. Ang lugar kung saan niya pinaghinalaan ng hindi maganda si Marie. Ito ang lugar kung saan inakala niyang si Domeng ay ex boyfriend ng dalaga. Pinagyaman na ni Dulce ang lugar na ito. Magaling talaga sa negosyo ang kapatid niya. Ginawa niya itong event place. Lagi ditong may mga celebration lalo na ng kasal. Ang ilog na malapit dito ay ipinagawa pang resort ng kapatid, kaya nagkaroon ng trabaho ang mga anak ni Mang Ador. Kapag walang mga pasok ay nagiextra ang mga ito sa pagtatrabaho sa lugar. May sarili silang catering service. May mga cottages na sa paligid. Masasabi niyang successful itong ginawa ni Dulce. Mukhang may ikakasal na naman. Naghahanda na ang mga tauhan nila. Inaayusan na ng mga ito ang looban. Pinapanood niya ito mula sa glass wall ng kwarto sa itaas. May nagseset up ng lamesa, nag aayos ng arko at mga tent. Ang ganda ng kulay ng motiff ng ikakasal. Ganito ang motiff nila kung ikinasal sila ni Marie, moss green.
POV: Marie Naglalakad siya sa mall, ng mapansin ang isang babae na may kargang bata. May kasama itong ibang lalaki. Sinundan niya ang mga ito. Pinanood niya habang kumakain sa restaurant at nagsusubuan pa. "Anong klaseng babae ito? may asawa na nakikipagharutan pa sa iba. Pinakawalan ko si Bernard para sa kanya, tapos ganito lang ang gagawin ng babaeng ito? lagot ka sakin!" sabi niya sa sarili. Pumasok siya sa restaurant, at tyumayo sa harapan nina Ellie na noon ay masayang kumakain. Napaangat ang tingin sa kanya ng dalawa. "Yes?" nangunot ang noo ni Mark. "Hindi na kayo nahiya! ikaw Ellie, mahal ka pa naman ng asawa mo tapos niloloko mo siya?" nakahalukipkip siya, "ang kapal din naman ng mukha mo!" Nagkatinginan sina Mark at Ellie, saka tumingin sa kanya, bago ulit magtinginan at magkatawanan. "Teka miss, sino ka ba?" tanong ni Mark sa kanya. "Si Marie," sagot ni Ellie. "Ah, siya ba yun?" natawa si Mark "kaya naman pala lokong loko si Bernard sa kanya, batang bata na, maganda
POV: Bernard"Alam mo ba, ang bait ni Marie sakin" sabi niya kay Monte habang hinihintay sina Ellie. Sila ang nag aalaga kay baby Vince."Oooh? paano mo nasabi, kanina kulang na lang kainin ka niya. Parang galit siya sayo" sagot nito sa kanya."Nagtataka rin nga ako, pero base sa usapan namin kanina, parang okay na kami." saka niya nilaro sa Vince "di ba baby? magkakaroon ka na ng ninang.""Wag kang masyadong umasa," kinuha nito si Vince sa kanya, "di ba baby? ninong Bernard mo asyumero na naman.""Hindi naman. Balak ko siyang balikan mamaya at kidnappin" nakangiti niyang sabi sa kaibigan."Sige nga.. hindi ako babalik ng opis. alas sais yun nauwi.""Bakit late na? pinagtatrabaho mo ng matagal ang mahal ko?""Baliw! ayaw niya ng may mga naiiwang gamit at mga nakasaksak na computer. Supervisor na kasi sya.""Buti at iprinomote mo. Pagod na yun kakatrabaho.""Napaalis nga nun si Orlan.""Yung bakla?""Oo.""Bakit?""Binastos siya, pati si Ericka na nananahimik na dinamay pa. Bully talag
POV: MarieNagmamadali siya dahil yung files na i-i-scan niya ay naiwan niya sa bahay. Eksakto namang may sasakay sa elevator."Waiiiit!!! sasakay ako!!" sigaw niya.Sa pagmamadali niya, nadapa siya sa harapan ng lalaking kasabay niya."Okay ka lang ba?" tanong nito. Hindi niya mawari kung bakit inatake siya ng matinding kaba."Okay lang po ako--" iniangat niya ang kanyang paningin. Alam na niya ang rason, ang lalaking iniisip niya gabi gabi. Hindi niya malaman kung bakit madalas niya itong mapanaginipan. Parang magaan ang loob niya sa ex, walang halong galit.Inalalayan siyang tumayo nito "thank you po sir.""Mag iingat ka.." ngumiti ito sa kanya. "kumusta ka na?""Okay na po ako sir" nakangiti pang siya, dahil ang dibdib niya, parang sasabog na. Sobra ang pagkabog ng kanyang dibdib."Mabuti naman.. ang ganda mo lalo ah""Nakarecover na po kasi ako talaga." bumukas na ang elevator "sige po una na ko sir."Hindi na niya makayanan ang presensiya ng lalaki kaya nagmamadali sitang pumunta
POV: BernardMatagal tagal na simula nung huli siyang makatuntong sa opisina ng kaibigan niyang si Monte. Nag aaya itong kumain. Alam niya ang sakit na pinagdadaanan nito dahil sa pagkawala ng asawa. Dinaanan niya muna si Andrei."Ikaw na muna ang bahala dito," paalam niya sa secretary niya."Saan ka pupunta, sir?" tanong nito habang nagtatype sa computer."Sa San Miguel Building" inaayos niya ang kanyang coat."Pupuntahan niyo si Marie sir?" napatingin na ito sa kanya."Hindi.. si Monte ang pupuntahan ko, may lakad kasi kami ngayon," sagot niya dito."Aah.. akala ko makikioagbalikan na kayo kay Marie. Sige sir, ingat ka" muli nitong binalikan ang pagkocomputer.Kung hindi niya ito kilala, hindi niya masasabing may especial case ito. Magaling itong makipag usap sa mga tao. Medyo matabil lang ang dila nito. Saka mabilis maplease. Saka malalamang may menthal disorder si Andrei kapag kunausap na.Iniwan na niya ito. Dumiretso na siya sa elevator patungong parking area. Agad niyang nakita
POV: MarieA YEAR LATER.."Ma'am, papirma po" ibinigay ni Jhun sa kanya ang isang folder. Inabot niya ito saka pinirmahan."Yung schedule ni sir, paki double check. Baka may ma miss kang oras. Yung notes lagi mong ireready." bilin niya dito."Yes ma'am!" tinalikuran na siya ni Jhun.Isang taon na rin simula nung mawala si Rain at maganap ang trahedya sa kanyang buhay. Ilang buwan na rin simula nung pumanaw ang boss niyang si Ericka. Madami ang nangyari sa kanya sa loob lamang ng isang taon.Nadalaw niya na sa Japan ang puntod ni Rain, doon pa sila nagkita nina Dulce at tita Ludy. Doon niya rin nalaman na alam pala ng magulang ni Rain na ex niya si Bernard. Binibiro pa siya ng mga ito na pwede na siyang mag asawa.Napailing na lang siya sa isiping yun. Itinago na rin niya ang larawan ni Rain upang hindi niya ito paulit ulit na maalala.Nasa gitna siya ng pagmumuni muni ng marinig niya ang boses ni Orlan na pinaparinggan siya. Kakapalayas lang kay Monet ni Monte dahil sa pagiging tsismo
POV: MonteNalungkot siya ng malamang sumakabilang buhay na si Rain. Family friend nila ang mga ito. Naawa din siya kay Marie. Wala na siyang planong ligawan ang babae dahil alam niyang masaya na ito sa buhay nito. Na masaya na ito kay Rain. Magiging maligaya na lang siya na titigan ito kahit sa malayo lamang. At siguro, hindi talaga sila para sa isa't isa. Kung may darating na sa kanya, hihintayin na lang niya ito.Pagpasok niya kung saan nakaburol si Rain, agad niyang nilapitan si tita Lily."Nakikiramay po ako sa inyo tita Lily" niyakap niya ang matanda, "pasensiya na po kayo at nasa U.S po si mama, may sakit po kasi si tito Benny.""Okay lang, nagkikita naman kami ng mama mo sa Japan. Kumusta ka na ba?magaling ka na ba? Balita ko ikaw na ulit ang nagm amanage ng kumpanya niyo.""Oo nga po, buti po naging okay na ako," ngumiti siya dito."Buti nga naalala mo pang dalawin si Rain Hijo.""Mukhang siya po ang hindi ako nakikilala, dahil minsan pong nagkita kami, hindi niya ata ako nam