"I'M WARNING you, Rowan."
Nahihibang na ba si Oliver para umakto ito ng ganoon sa harap ni Madison? Matagal na silang wala ni Gianna at wala na siyang pakialam kung kanino man siya makipag-date. Pinapairal na naman nito ang pagiging spoiled. Nararamdaman niyang pati si Madison ay hindi na magugustuhan ang takbo ng usapan. "Babe, stop it. Let him be, kung gusto niya si Gianna hayaan mo siya." "No! I won't let him date her," sambit nito. Napailing siya at napangisi. Nahihibang na talaga si Oliver. Hindi man lang nito naisip ang mararamdaman ni Madison. Marahas na tumayo siya sa upuan at hinarap si Oliver. "Oliver, stop! Can you please mind your own business? Wala ka nang pakialam kung sinong lalaki man ang i-date ko dahil matagal na tayong wala." Matalim niya itong tinitigan, bago naglakad palabas ng gusaling iyon. Naramdaman niya ang luhang pumatak sa mga mata niya. Hanggang ngayon ba hindi pa rin siya tatakasan ni Oliver? Matagal na silang wala pero hanggang ngayon, pinipilit pa rin nito ang gusto nito na maging pag-aari siya. Naglakad siya patungo sa bus station. Pinahid niya ang luha sa kaniyang mga mata pero mukhang minamalas ata siya nang biglang bumuhos ang ulan. Napabuntonghininga na lang siya at tumingala sa kalangitang nagsimulang dumilim. Naghalo ang patak ng ulan sa mga luha niya. "Bakit nararanasan kong lahat ng 'to?" hinaing niya sa kawalan. Nagpatuloy siya sa paglalakad kahit pinagtitinginan na siya ng lahat. Hinayaan niyang mabasa ng ulan at yakapin ng lamig. "Are you crazy?!" Nagtaka na lang siya nang may humawak sa braso niya. Nawala ang ulang pumapatak sa katawan niya. May payong na humarang sa kaniyang mga ulo habang may lalaking nakahawak sa kaniya. Nag-angat siya ng tingin at nagulat siya ng makita si Gabriel habang hawak ang payong. "Are you trying to get sick o gusto mong malunod sa ulan?" Iginiya siya nito patungo sa sasakyan nito. "I want both, Gabriel. Magkasakit o malunod, it's both fine para kahit pa paano matakasan ko lahat." "Crazy mindset." Napailing ito. Nang makarating sila sa sasakyan ng binata, binuksan nito ang pinto niyon at dahan-dahan siyang pinapasok sa unahan. Kapagkuwa'y umikot si Gabriel at sumakay na rin. May dinukot ito sa passenger seat at ibinigay sa kaniya. "Wear this." Inabot nito ang suit jacket nito. Hindi niya iyon kinuha, bagkus niyakap niya ang sarili dahil sa lamig na yumakap sa kaniya. Napasinghap si Gabriel at napailing. "Tss!" Lumapit ito sa kaniya at nilagay sa katawan niya ang suit jacket. Napatingin siya rito na malapit ang mukha sa kaniya. Napalunok siya dahil sa kakaibang naramdaman niya nang magdikit ang kanilang mga balat. Matapos nitong ilagay sa kaniya ang suit jacket, napatingin ito sa kaniya habang seryosong tinitingnan niya ang magandang feature ng mukha nito. Makakapal ang kilay nito, maliit ang labi at may makinis na kutis. Kapwa sila hindi nakaimik at walang kibo habang masuyong nakatingin sa isa't isa. Ang mga labi ni Gabriel, ang mga mata nito na tila inaaya siyang at binibigyan ng permisong halikan ito. Dahil sa nararamdaman niya, dahan-dahan niyang nilapit ang kaniyang mukha kay Gabriel. Wala siyang pagtutol na natanggap mula rito hanggang sa ilapat niya ang mga labi rito. Pumikit siya at sa sandaling iyon, naramdaman niya ang ganti ni Gabriel sa bawat halik niya. Muli niyang nadama ang init at lambot ng labi nito na nagpapahina sa kaniya. Ang lamig na nararamdaman niya, dahan-dahang nawawala sa hindi niya alam na dahilan. Kapwa habol nila ang hininga ng maghiwalay sila. Nabasa na rin ng konti ang long sleeve na suot ni Gabriel. "Are you sure about this?" tanong nito. Hindi siya nakaimik. Pakiramdam niya'y namumula na ang kaniyang pisngi dahil sa ginawa niyang paghalik dito. Nadala siya sa naramdamang udyok ng isip. "H-hindi ko alam," aniya. Ngumisi si Gabriel at bahagyang dumistansiya sa kaniya. "Kung hindi mo kayang panindigan, better to not start the fire, Gianna." Bumaling ito sa manibela ng sasakyan at pinaandar iyon. Kapwa sila walang imik habang lulan ng sasakyan. "How long have you been in a relationship with Oliver?" basag ni Oliver sa katahimikan. Nilingon niya ito at hindi agad umimik. "T-three years," pakli niya. "Have you slept with him?" "No," sagot agad niya na siyang totoo naman. "So, you're telling me na virgin ka pa rin until now?" "Gabriel, mahalaga ba na malaman mo 'yon?" balik niya. "I just want to know." Bumuntonghininga siya at bumaling sa labas. Naalala niya si atty. Charles. "Hindi ko alam, Gabriel kung isa ka rin ba sa gustong makipaglaro sa akin," pagbabago niya sa usapan. "What do you mean?" "Atty. Charles Benitez is Oliver's friend, Gabriel. Paano ako lalapit sa kaniya kung kakampi siya ng lalaking iyon?" "I-I'm sorry for that, Gianna. I know Charles, he's a good lawyer at alam ko ring kaibigan siya ni Oliver. Sinabi ko sa kaniyang i-consider ka niya and your case but I'm not who to decide kung tatanggapin niya ang case ng daddy mo o hindi," paliwanag nito. Hindi na lang siya umimik dahil tama naman si Gabriel. He's trying to help pero hindi pa rin nito hawak ang desisyon ni Charles. Nang huminto ang sasakyan ni Gabriel, mahina na ang ulan pero pinayungan pa rin siya nito nang makalabas siya ng sasakyan. "Thank you again and sorry for another trouble I've caused you," nahihiya niyang sabi. "Take this." Inabot ni Gabriel ang payong. Kinuha naman niya iyon. "I'm trying to help, Gianna and I'm sorry kung hindi ko nagawa." "No, it's fine, Gabriel. Naiintindihan ko." Pilit siyang ngumiti. "Thank you ulit." Tumalikod na siya pero muling nagsalita si Gabriel. "I like how you kissed me, Gianna."SINAPO ni Gianna ang labi niya at marahan iyong hinimas habang bumabalik sa kaniyang isip ang halik na pinagsaluhan nila ni Gabriel sa loob ng sasakyan nito. Hindi na niya namalayan ang sariling nakangiti dahil sa hindi niya malamang dahilan. Sa kabila ng lamig na bumalot sa kaniya, naramdaman niya ang init na hatid nito sa kaniya. Ang malalambot nitong labi at ang paraan ng paghalik nito ay hindi niya maikakailang nagustuhan niya."A-anak, ano'ng nangyari sa iyo?" Napapitlag siya nang marinig niya ang kaniyang ina na si Nora. Tila nagising siya mula sa mahabang pag-iisip. Agad niyang inayos ang sarili at pinawi ang ngiti."Oh my god! What happened to you? Bakit basang-basa ka?" Lumapit ito sa kaniya at inalalayan siya. "'Ya, can you get me a towel," sigaw nito na bakas ang pag-aalala. "Maligo ka at magpalit. Magkakasakit ka sa ginagawa mo, eh.""Ma'am, ito na po ang towel." Inabot ni Beth ang towel, ang katulong nila. Agad iyong binalot ng kaniyang ina sa kaniya.Ngumiti si Gianna.
HUMINGA ng malalim si Gianna at inayos ang sarili bago tuluyang pumasok sa isang mamahaling restaurant kung saan magkikita sila ni Gabriel at ng abogadong hi-nire-d nito para humawak ng kaso ng kaniyang ama. Umaasa siyang mtutulungan nito na makalaya si Jose.Pagpasok pa lang niya, natanaw na niya si Gabriel sa bahaging gilid ng malawak na restaurant. Napakagara ng disenyo ng silid at masasabi niyang expensive nga ang lugar at maging ang mga pagkain doon.Ngumiti siya kay Gabriel. Iginiya pa siya nito sa bakanteng upuan."Order your food first, Gianna," aniya.Ngumiti siya at kinuha ang menu. Nanlaki ang mga mata niya sa presyo ng mga pagkain doon. Sa state ng pamumuhay niya ngayon, hindi na niya afford ang ganoong ka-expensive na pagkain."Don't mind the price, just order the food you want," untag ni Gabriel. Alangan siyang ngumiti sa binata at binalik ang tingin sa menu.Dahil nahihiya na rin siya, 'yong pinakamurang pagkain na lang ang in-order niya pero itong si Gabriel, dinagdaga
WALA nang maisip na ibang paraan si Gianna para iligtas ang kaniyang ama kung 'di ang magmamaawa kay Oliver. Kung kailangan niyang ibaba ang pride niya, ang pagkatao niya, gagawin niya para sa kaniyang pamilya.Dire-diresto siya sa building na pag-aari ng pamilya ni Oliver. Wala na siyang pakilam sa sasabihin ng ibang tao. Nilunok na niya ang kahihiyan at pride.Sumakay siya sa elevator at pinindot ang 11th floor kung saan nandoon ang opisina ni Oliver. Sa tatlong taong pagsasama nila, hindi na rin naman niya mabilang kung ilang beses na siyang nakarating doon."Nandiyan ba si Oliver?" bungad niya sa secretary ng binata."Bakit po? Ano pong kailangan nila?" usisa ng babae."Hindi mo na kailangang malaman. Papasukin mo na lang ako dahil kailangan ko siyang makausap," masungit niyang sabi."I'm sorry po, Miss pero kung wala po kayong appointment hindi po kayo pwedeng pumasok sa loob."Bumuntonghininga si Gianna at bahagyang kumiling. "Miss please, let me in. Sandali lang ako sa loob. Im
PARANG binuhusan ng malamig na tubig si Gianna habang laglag ang balikat niyang lumabas sa silid ni Oliver. Hindi niya kayang gawin ang gusto nito, hindi niya ibibigay ang sarili sa demonyong katulad nito. Patuloy sa pagtulo ang luha sa kaniyang mga mata habang lulan siya ng elevator pababa ng building. Gusto niyang humagulhol at sumigaw dahil hindi na niya alam kung paano ang gagawin. Wala na siyang ibang maisip na paraan.Bumukas ang elevator at nagulat siya nang bumungad si Madison sa harap niya. Agad niyang pinawi ang luha sa kaniyang mga mata.Tinaasan siya ng kilay ni Madison habang palabas siya ng elevator."What are you doing here?" mataray na tanong nito sa kaniya."M-may pinuntahan lang ako, Madison," dahilan ko habang pilit inaayos ang hitsura ko."Guess what, you went to Oliver, right? Bakit? Para magmakaawang balikan ka? Come on, Gianna kahit anong gawin mo, hinding-hindi na siya babalik sa 'yo. Alam mo kung bakit? Wala na rin naman siyang mapapala sa iyo. Your family co
PAGMULAT ng mga mata ni Gianna, sumalubong sa kaniya ang liwanag na nagmumula sa bintana. Napakurap siya at umiwas ng tingin doon. Binalingan niya ang pwesto ni Gabriel pero wala na ito roon."You're awake."Napapitlag siya sa gulat nang biglang lumitaw sa harap niya si Gabriel. Nandoon pa rin ito?"G-Gabriel?" "Bakit mukhang gulat na gulat ka? You're not dreaming, Gianna," seryosong sabi nito."Why you're still here?" "Bawal ba? Aalis na—""No, I mean bakit nandito ka pa rin? Hindi ka ba busy?" Umiwas siya ng tingin dahil sa hindi niya alam na dahilan bigla siyang nailang sa mga tingin nito."I'm not here now if I'm busy, Gianna." Hindi pa rin nagbago ang expression nito. "How's your feeling?" pagbabago nito sa usapan.Tipid siyang ngumiti. "I'm feeling better now. May konting kirot pa pero ok na ako," sagot niya."I prepared your food. Kumain ka at uminom ng gamot."Tumalikod si Gabriel at pumunta sa maliit na table. Hinawakan nito iyon at hinila palapit sa kama."Thank you, Gabri
HANGGANG ma-discharge si Gianna hindi pa rin mawala sa isip niya ang lahat ng sinabi ni Oliver. Pinili na lang niyang huwag iyon sabihin sa kaniyang ina at maging kay Gabriel. Sa totoo lang, napapagod na siya. Hindi na niya alam ang gagawin o kung may magagawa pa ba siya para sa kaniyang pamilya."Hey! You ok? Kanina ka pang walang kibo," untag sa kaniya ni Gabriel habang lulan sila ng sasakyan nito pauwi sa bahay nila.Pilit siyang ngumiti."O-ok lang ako, Gabriel iniisip ko lang ang mangyayari pagkatapos nito. Saan na kami pupulutin kung pati ang posisyon ni dad sa company wala na rin?" malungkot niyang sambit. Kusang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata.Ayon kasi sa kaniyang ina na pinatawag sa board meeting, naglagay ng bagong CEO ang kompanya."A-anak, Gianna I'm sorry!" ani ni Nora na nasa backseat. Umiiyak na rin ito. "W-wala na akong nagawa para ipagtanggol ang dapat sa atin. Wala nang board of directors na gustong magtiwala sa akin, sa pamilya natin para pamahalaan ang kompa
"W-WHY? why it's happening to me, Stella?" patuloy na daing ni Gianna sa kaibigan niya. Mas dinudurog pa siya ng mg nangyayari sa pamilya niya. Hindi pa ba tapos? Kung mayroon pa man, sana isang buhusan na lang para hindi na siya mangamba sa mga araw na darating. "M-masamang tao ba ako? May...m-may inagrabyado ba ang pamilya ko para mangyari sa amin ito?" Halos hindi na siya makapagsalita habang hawak niya ang kamay ng kaniyang ina na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.Naramdaman niya ang hagod ng kamay ni Stella sa likod niya para i-comfort siya. "H-hindi 'yon ganoon, Gianna hindi ka masama at lalong hindi ang pamilya mo. Hindi ibig sabihin na nangyayari lahat 'to dahil masama ang pamilya mo, nangyayari ito para maging mas strong ka pa. P-para maging mas matibay ka sa buhay, para subukin ka kung hanggang saan ang kaya mong gawin para sa family mo and I do believe you can make it. Malalampasan niyo rin ito, makakawala ka rin sa sitwasyong ito at magiging masaya ulit because that's
"A-ANONG gingawa mo rito?" gulat na tanong niya nang bigla na lang pumasok si Oliver sa silid kung saan naka-admit ang kaniyang ina sa hospital."I'm here to witness your downfall, Gianna." Kumurba pa ang ngiti sa labi nito.Wala na ba talagang puso si Oliver? Napakahayop nito para maging masaya sa pinagdadaanan nila."At ano? Masaya ka na? Satisfied ka na ba sa nakikita mong paghihirap ng pamilya namin? Napakahayop mo, Oliver!" puno ng galit na sabi niya."Hayop? Sige, hayop na kung hayop pero hindi lang ako ang hayop dito, Gianna pero at least ako, hindi nagpapanggap sa harap mo," makahulugang sabi nito.Mas naging matalim ang tingin niya kay Oliver. Hindi niya maunawaan ang ibig sabihin nito."Kung wala ka nang ibang sasabihin, umalis ka na. Umalis ka na lang kung ipapamukha mo lang sa akin kung gaano ka-miserable ang buhay ko ng dahil sa iyo!" pagtataboy niya rito kasabay ng pagtulo ng kaniyang luha."You're blaming someone where in fact all of these are happening because of your
NAKATULALA lang si Gianna habang nakatingin siya sa kabaong ng kaniyang ina. Tanging siya, si Stella at si Gabriel lang ang nandoon. Mas masakit sa kaniya na ni isa, wala man lang nakiramay sa pamilya niya samantalang kilala niya ang kaniyang ina na mabuti at matulungin sa lahat. Sinira na nga ni Oliver ang image ng pamilya niya kaya ngayon, ni isa walang dumamay sa kaniya. Masakit din sa kaniya na hindi man lang alam ng kaniyang ama ang nangyayari sa pamilya nila.Kusa na lang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata. Ayaw man niyang maniwala, gustuhin man niyang isipin na panaginip lang ang lahat, ang katotohanan na mismo ang gumigising sa kaniya."Gianna, kumain ka muna. Maghapon ka nang hindi kumakain," pukaw ni Stella sa kaniya.Pinahid niya ang luha sa kaniyang mga mata at umiling. "Hindi ako gutom, Stella," walang ganang sagot niya."Pero halos buong araw ka ng hindi kumain. Baka ikaw naman ang magkasakit niyan." Puno ng pag-aalala ang boses nito."Wala akong gana. Ni hindi ko mara
"M-MOM!" Pakiramdam ni Gianna ay namanhid ang buong katawan niya habang nakikita niya kung paano sinusubukang i-revive ng mga doctor ang kaniyang ina."N-nooo! H-hindi pwede," aniya na parang nawawala na sa kaniyang sarili. Hindi niya kakayanin kapag nawala ang isa man sa kaniyang mga magulang. Sila ang mundo niya at tanging kinakapitan. Sila ang dahilan kung bakit nakatayo pa rin siya at lumalaban.Hindi na niya nakikita ang paligid, nanlalabo na ang paningin niya dahil sa mga luhang pumapatak mula sa kaniyang mga mata. Dahan-dahan ang paghakbang niya. Hindi niya magawang tumakbo palapit sa kaniyang ina."G-Gianna." Inalalayan siya ni Stella."Clear!" Nakailang subok na ang mga doctor pero parang walang nangyayari.Nang mapagtanto niya ang lahat, sunod-sunod siyang umiling. "H-hindi! Nooo! H-hindi 'to totoo," hindi makapaniwalang sambit niya. Hindi niya kakayanin."Time of death, 10:30 am."Gumuho ang lahat sa kaniya nang marinig ang sinabi ng doctor. Lahat ng lakas at tapang niya, n
KINAUMAGAN nagising siyang wala na si Gabriel sa tabi niya. Nakaramdam siya ng lungkot pero napawi rin iyon nang makita niya ang breakfast na niluto nito na nasa side table. May iniwan din itong notes doon.Binasa niya ang notes nito. "Baby, hindi na kita ginising dahil alam kong napagod ka kagabi. Here's your food. I cooked this for you." May smiley emoji pa roon.Hindi niya namalayang kanina pa pala siyang nakangiti dahil sa hatid niyong saya. Kinikilig ba siya? No! Hindi dapat siya mahulog kay Gabriel dahil alam niya kung anong relasyon mayroon silang dalawa. May utang siya rito at binabayaran niya lang ito sa paraang alam at kaya niya.Matapos niyang kumain at maligo, lumabas na siya ng condo dahil dadalawin niya sa hospital ang kaniyang mga magulang. Naging routine na niya iyon dahil sabi ng doctor, makakatulong ng malaki kung palagi niyang kakausapin ang mga ito.Habang nasa byahe siya, nabasa niya ang text ni Stella."Where are you?""Papunta ako ng hospital," reply niya."Ok,
HINAYAAN niya si Gabriel na lakbayin ng mga kamay nito ang katawan niya at sa bawat haplos nito, mas nagnanais ang katawan niyang maramdaman ito. Nakakapaso pero gusto niya ang pakiramdam na iyon.Nang dumako sa hita niya ang kamay nito, nagulat siya nang itaas nito iyon at pinatong sa balakang nito habang ang mga labi nito'y walang tigil sa paghalik sa kaniyang mga labi pababa sa kaniyang leeg. Nakikiliti siya sa ginagawa nito pero iyon ang gusto ng katawan niya."Ahh! Uhh-uhhh Ahh!" Hindi na niya mapigilan ang sarili na umungol ng malakas dahil sa ginagawa nito. Nakakapanghina at tila ba may kung ano sa kaniya na gustong sumabog.Napakapit siya ng mahigpit sa balikat nito nang ang kamay nito ay dumako sa noo ng kaniyang pagkababa3. Pababa iyon hanggang sa kaniyang mga hiwa na pakiramdam niya'y namamasa na dahil sa init na nararamdaman nilang pareho. Napalunok siya nang magsimula ang mga daliri nitong haplusin ang bagay na iyon.Napapasinghap siya at napapaigtad sa tuwing dumadaan iy
NANG makarating sila sa condo na pag-aari ni Gabriel, agad hinalikan ni Gianna ang binata. Hindi niya alam kung dahil ba sa alak na nasa katawan niya o dahil gusto niyang maramdaman ang kaya nitong iparamdam sa kaniya.Saglit na natigilan si Gabriel at nagulat pero kapagkuwa'y, gumanti ito sa bawat halik na ginagawad niya rito. Nagsilbing ingay sa apat na sulok ng silid ang tunog ng bawat paglapat ng kanilang mga labi."G-Gianna, what are you doing?" habol-hiningang tanong ni Gabriel nang bahagya siya nitong ilayo sa kaniya.Hindi niya makapa ang hiya bagkus ayaw na niyang pigilan ang sarili."What I'm doing? I'm paying you, for your kindness, para sa lahat ng utang ko," sabi niya at ngumiti. Inayos niya ang buhok na bahagyang nagulo.Nang hahalikan niya ulit ito, pinigilan siya nito sa balikat."Why?" she asked."H-hindi mo kailangang gawin ito, Gianna. I didn't asked you to pay me with your body."Tumawa siya. Hinawakan niya ang braso nito at inalis sa kaniyang balikat. Mas nagulat
"HEYY! You ok? Kanina ka pang umiinom and you're drunk, Gianna." Hinawakan ni Gabriel ang braso niya nang akmang iinom ulit siya ng alak. Kanina pa siyang umiinom nang iwan siya nito para kausapin ang mga kaibigan nito sa business industry. Magulo ang isip niya at kahit anong gawin niya, apektado siya sa mga sinabi ni Madison sa kaniya tungkol kay Gabriel."I-I'm fine, Gabriel. Kaya ko ang sarili ko, I've grown enough to handle myself." Tumawa pa siya habang bakas sa hitsura niya ang tama ng alak. Nararamdaman na rin niya iyon dahil umiikot na ang paningin niya at namumungay ang mga mata."I know pero lasing ka na, tama na." Inagaw nito ang wine glass sa kamay niya at ipinatong sa table.Nagulat siya nang bigla na lang siya nitong hilahin palapit dito at hinapit ang baywang niya. Nagdikit ang kanilang mga katawan at sa hindi niya malamang dahilan, may kung anong kuryente ang dumaloy sa kaniya. "Kung hindi ka titigil sa pag inom, I'll kiss you," banta nito.Napalunok siya. Bakit gano
MARIIN na napapikit si Gianna habang nasa harap siya ng salamin sa comfort room ng hotel. Bumuntonghininga siya, saka tiningnan ang sarili. Ok pa ba siya pagkatapos ng lahat? Kaya pa ba niyang iharap ang sarili sa mga tao habang alam niyang hinuhusgahan siya ng mga ito dahil sa pagpatol niya kay Gabriel?Napalunok siya, saka bumuga ng hangin."Let them think what they want to think, Gianna," mahina niyang sabi sa sarili.Nagpasiya na rin siyang lumabas ng silid at bumalik sa reception area dahil baka hinahanap na siya ng Gabriel pero nagulat siya nang biglang may humila sa kaniya. "O-Oliver!" gulat na aniya. Dinala siya nito sa dulo ng hallway kung saan walang tao. "What's this, Oliver?"Seryoso siya nitong tiningnan. "F*ck, Gianna! What do you think you're doing? Pakakasalan mo si Gabriel, for what? To save your family or to gain his wealth?"Ngumisi siya. "At ano naman sa iyo, Oliver? It's none of your business kung sino mang lalaki ang pakakasalan ko and since you're now happily
NAGSIMULA ang seremonya ng kasal nila Oliver at Madison na wala siyang reaction. Panaka-naka siyang nililingon ni Oliver na para bang gusto nitong sabihin na pigilan niya ang kasal na iyon pero hanggang sa matapos ang seremonya, wala siyang imik. Tiniis niya ang nararamdamang hindi niya maintindihan kahit ang totoo, gusto na niyang tumakbo palayo.Kita niya ang saya sa mukha ni Madison na hindi naman niya makita sa mukha ni Oliver. Nababahala siya na baka maging issue sa mga bisita ang palagi nitong pagtapon ng tingin sa kaniya na para bang siya ang pinakasalan nito. Wala naman na itong magagawa dahil kasal na ito kay Madison."Are you ok? Kanina ka pang tahimik," untag ni Gabriel kay Gianna habang lulan sila ng sasakyan patungo sa reception ng kasal. Sa totoo nga lang, ayaw na sana niyang pumunta pa roon pero tama si Gabriel, baka mas maging issue kung hindi siya magpapakita roon at magmumukha siyang bitter pa rin kay Oliver.Simple siyang ngumiti at tumango. "I'm fine, Gabriel baka
PAKIRAMDAM NI Gianna ay lahat ng mga mata'y nakatingin sa kaniya. Hindi siya makahinga at kahit namumula ang mga labi niya dahil sa lipstick, alam niyang namumutla siya. Hindi niya alam kung paano haharap sa mga tao sa loob at higit lalo kay Madison, Oliver at sa pamilya nito. Ano na lang ang sasabihin ng mga ito sa kaniya dahil kasama niya si Gabriel?"S-sigurado ka ba na ako ang isasama mo sa paglakad mo sa aisle? I-it's not a good idea, Gabriel dahil mas lalo tayong pag-iinitan ni Oliver," pabulong niyang sabi habang naka-abresyete siya sa binata.Ngumiti si Gabriel na para bang hindi man lang apektado sa mangyayari."Gianna, believe me, ok?""P-pero nakakahiya na hindi naman ako dapat maglalalad sa aisle and yet I'm here walking with you. Hindi tayo susunod sa program na gusto nila?""They will understand it, Gianna."Napabuntonghininga siya. Magsasalita pa sana siya nang bumukas na ang malaking pinto ng simbahan, hudyat na papasok na ang mga abay at iba pang kasama sa ceremony ng