PARANG binuhusan ng malamig na tubig si Gianna habang laglag ang balikat niyang lumabas sa silid ni Oliver. Hindi niya kayang gawin ang gusto nito, hindi niya ibibigay ang sarili sa demonyong katulad nito. Patuloy sa pagtulo ang luha sa kaniyang mga mata habang lulan siya ng elevator pababa ng building. Gusto niyang humagulhol at sumigaw dahil hindi na niya alam kung paano ang gagawin. Wala na siyang ibang maisip na paraan.Bumukas ang elevator at nagulat siya nang bumungad si Madison sa harap niya. Agad niyang pinawi ang luha sa kaniyang mga mata.Tinaasan siya ng kilay ni Madison habang palabas siya ng elevator."What are you doing here?" mataray na tanong nito sa kaniya."M-may pinuntahan lang ako, Madison," dahilan ko habang pilit inaayos ang hitsura ko."Guess what, you went to Oliver, right? Bakit? Para magmakaawang balikan ka? Come on, Gianna kahit anong gawin mo, hinding-hindi na siya babalik sa 'yo. Alam mo kung bakit? Wala na rin naman siyang mapapala sa iyo. Your family co
PAGMULAT ng mga mata ni Gianna, sumalubong sa kaniya ang liwanag na nagmumula sa bintana. Napakurap siya at umiwas ng tingin doon. Binalingan niya ang pwesto ni Gabriel pero wala na ito roon."You're awake."Napapitlag siya sa gulat nang biglang lumitaw sa harap niya si Gabriel. Nandoon pa rin ito?"G-Gabriel?" "Bakit mukhang gulat na gulat ka? You're not dreaming, Gianna," seryosong sabi nito."Why you're still here?" "Bawal ba? Aalis na—""No, I mean bakit nandito ka pa rin? Hindi ka ba busy?" Umiwas siya ng tingin dahil sa hindi niya alam na dahilan bigla siyang nailang sa mga tingin nito."I'm not here now if I'm busy, Gianna." Hindi pa rin nagbago ang expression nito. "How's your feeling?" pagbabago nito sa usapan.Tipid siyang ngumiti. "I'm feeling better now. May konting kirot pa pero ok na ako," sagot niya."I prepared your food. Kumain ka at uminom ng gamot."Tumalikod si Gabriel at pumunta sa maliit na table. Hinawakan nito iyon at hinila palapit sa kama."Thank you, Gabri
HANGGANG ma-discharge si Gianna hindi pa rin mawala sa isip niya ang lahat ng sinabi ni Oliver. Pinili na lang niyang huwag iyon sabihin sa kaniyang ina at maging kay Gabriel. Sa totoo lang, napapagod na siya. Hindi na niya alam ang gagawin o kung may magagawa pa ba siya para sa kaniyang pamilya."Hey! You ok? Kanina ka pang walang kibo," untag sa kaniya ni Gabriel habang lulan sila ng sasakyan nito pauwi sa bahay nila.Pilit siyang ngumiti."O-ok lang ako, Gabriel iniisip ko lang ang mangyayari pagkatapos nito. Saan na kami pupulutin kung pati ang posisyon ni dad sa company wala na rin?" malungkot niyang sambit. Kusang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata.Ayon kasi sa kaniyang ina na pinatawag sa board meeting, naglagay ng bagong CEO ang kompanya."A-anak, Gianna I'm sorry!" ani ni Nora na nasa backseat. Umiiyak na rin ito. "W-wala na akong nagawa para ipagtanggol ang dapat sa atin. Wala nang board of directors na gustong magtiwala sa akin, sa pamilya natin para pamahalaan ang kompa
"W-WHY? why it's happening to me, Stella?" patuloy na daing ni Gianna sa kaibigan niya. Mas dinudurog pa siya ng mg nangyayari sa pamilya niya. Hindi pa ba tapos? Kung mayroon pa man, sana isang buhusan na lang para hindi na siya mangamba sa mga araw na darating. "M-masamang tao ba ako? May...m-may inagrabyado ba ang pamilya ko para mangyari sa amin ito?" Halos hindi na siya makapagsalita habang hawak niya ang kamay ng kaniyang ina na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.Naramdaman niya ang hagod ng kamay ni Stella sa likod niya para i-comfort siya. "H-hindi 'yon ganoon, Gianna hindi ka masama at lalong hindi ang pamilya mo. Hindi ibig sabihin na nangyayari lahat 'to dahil masama ang pamilya mo, nangyayari ito para maging mas strong ka pa. P-para maging mas matibay ka sa buhay, para subukin ka kung hanggang saan ang kaya mong gawin para sa family mo and I do believe you can make it. Malalampasan niyo rin ito, makakawala ka rin sa sitwasyong ito at magiging masaya ulit because that's
"A-ANONG gingawa mo rito?" gulat na tanong niya nang bigla na lang pumasok si Oliver sa silid kung saan naka-admit ang kaniyang ina sa hospital."I'm here to witness your downfall, Gianna." Kumurba pa ang ngiti sa labi nito.Wala na ba talagang puso si Oliver? Napakahayop nito para maging masaya sa pinagdadaanan nila."At ano? Masaya ka na? Satisfied ka na ba sa nakikita mong paghihirap ng pamilya namin? Napakahayop mo, Oliver!" puno ng galit na sabi niya."Hayop? Sige, hayop na kung hayop pero hindi lang ako ang hayop dito, Gianna pero at least ako, hindi nagpapanggap sa harap mo," makahulugang sabi nito.Mas naging matalim ang tingin niya kay Oliver. Hindi niya maunawaan ang ibig sabihin nito."Kung wala ka nang ibang sasabihin, umalis ka na. Umalis ka na lang kung ipapamukha mo lang sa akin kung gaano ka-miserable ang buhay ko ng dahil sa iyo!" pagtataboy niya rito kasabay ng pagtulo ng kaniyang luha."You're blaming someone where in fact all of these are happening because of your
HINDI mapigilan ni Gianna ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso dahil sa labis na kaba nang bumaba siya sa isang hotel na sinabi ni Oliver kung saan sila magkikita.Nanghihina ang tuhod niya nang humakbang siya papasok sa gusali. Hindi pa man siya nahahawakan ni Oliver, nandidiri na agad siya sa sarili dahil sa pagpayag niya sa kagustuhan nito kapalit ng paglaya ng pamilya niya sa eskandalong sumira sa kanila.Nang tumungo siya sa counter para magtanong kung saang room nandoon si Gabriel, agad na siyang nakilala ng receptionist kaya agad siyang iginiya patungo sa room. Nasa 3rd floor iyon ng building.Huminga siya nang malalim at pumikit bago hinawakan ang doorknob ng pinto. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya. Wala na ba talagang ibang paraan? Umaasa siyang sa isang segundo, makakaisip siya ng mas mabuting paraan para mailigtas ang kaniyang pamilya pero wala. Wala na siyang ibang maisip kung 'di ibenta ang sarili kay Oliver.Nangangatog ang mga tuhod niya nang pihitin niya a
MAHIGPIT na yakap ni Gianna ang sariling katawan habang bumubuhos ang tubig mula sa shower kasabay ng luhang pumapatak mula sa kaniyang mga mata. Pakiramdam niya'y ang dumi-dumi niyang babae habang naaalala niya ang kamay ni Oliver na humahaplos sa kaniyang katawan at ang mapupusok na mga halik nito.Dahan-dahan siyang umupo sa gilid ng bathroom na iyon habang wala siyang saplot. Hinayaan niyang bumuhos lang ang tubig sa katawan niya para kahit pa paano malinis niya ang sarili mula sa maduming pagnanasa ni Oliver sa kaniya.Hindi na niya napigilan ang sumigaw sa labis na galit, hinanakit, sama ng loob at awa sa sarili. Wala na siyang magawa sa puntong naging desperada na siya."G-Gianna, are you ok?" narinig niyang boses ni Gabriel mula sa labas ng bathroom. Kanina pa itong nag-aalala sa kaniya.Hindi siya umimik. Mas niyakap niya ang sarili. "Ang dumi-dumi ko!" sigaw niya habang tinitingnan ang sarili. Naging marahas siya at pinaghahaplos ang katawan, umaasang sa pamamagitan niyon, m
Warning: SPG content a head. Read at your own risk!NAGISING na lang si Gianna nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Napakunot noo siya habang kinakapa sa bed side table ang kaniyang cellphone. Hindi pa siya nagmumulat ng mata, sinagot na niya ang tawag."H-hello," simula niya."It's me, Gabriel I prepared your lunch on the kitchen."Napamulat siya at biglang napaupo sa kama. Lunch? Tiningnan niya ang bintana at maliwanag na sa labas. Tumingin siya sa orasan at pasado alas-dose na ng hapon. Natulala siya at binalingan ang sarili. May saplot na siya at hindi na niya maalala ang nangyari nang nagdaang gabi sa pagitan nila ni Gabriel."W-what happened last night?" kinakabahan niyang tanong habang pilit inaalala ang nangyari. Wala naman siyang maramdamang kakaiba sa sarili. Kapagkuwa'y natampal niya ang kaniyang noo at napapikit sa hiya nang maalala niya ang ginawa at sinabi niya. Ganoon na ba siya kadesperada para ibenta ang sarili kay Gabriel?"Don't worry, Gianna nothing's happene
"DAD, konting panahon pa at ibibigay ko sa inyo ang hustisyang pinagkait nila sa atin. Hindi ako titigil hanggat hindi nila napagbabayaran lahat ng kasalanan nila sa pamilya natin," mahinang sabi ni Gianna habang hawak niya ang kamay ng ama na nanatili pa ring walang malay."Nasimulan ko na ang paghihiganti ko at wala nang atrasan pa. Tapos na tayo sa mga panahong nanahimik tayo at hinayaan silang sirain ang pamilya natin." Ramdam ang matinding sakit at pait sa kaniyang mga tinuran.Matapos niyang dalawin ang kaniyang ama, pumunta naman siya sa isang coffee shop para katagpuin roon si Stella na matagal na niyang iniwasan dahil kailangan muna niyang ihanda ang sarili sa malaking pagbabago niya and now she's ready.Pumasok siya sa coffee shop at agad hinanap ang kaibigan. Nginitian niya ito nang makita itong nakaupo sa may malapit sa glass wall pero mukhang hindi siya nito nakita dahil wala itong reaction. Napakunot noo tuloy siya.Dumeretso siya nang lakad patungo sa kinauupuan nito ka
KINAUMAGAN, nagising si Gianna na may humahalik sa kaniya habang balot ng kumot ang hubad niyang katawan."Hmm!" ungol niya, inaantok pa rin kasi siya."Good morning, baby," pabulong na sabi ni Gabriel sa kaniya."It's too early, Gabriel." Hindi pa rin siya nagmumulat ng mata.Nagpatuloy si Gabriel sa paghalik sa pisngi niya at sa kaniyang labi.Kapagkuwa'y nagulat siya at napamulat nang bigla na lang itong pumaibabaw sa kaniya. Dama niya ang kahubaran nito sa kaniya."Gabriel!" Napangiti siya nang makita itong nakatingin sa kaniya."You're sexy when you're in bed, Gianna," puri pa nito."Gabriel, ano ba? Nakikiliti ako," nangingiting daing niya. Hindi pa ba sapat dito ang ginawa nila kagabi?"You smell so good.""Opps! Stop, Gabriel may seminar pa akong a-attend-an," pigil niya nang hahalikan ulit siya nito sa labi. "Hindi ka pa ba pagod kagabi?"Umiling siya. "Hindi ako marunong mapagod, Gianna kaya ko nga ang three rounds," pagbibiro nito.Natampal niya ang braso nito. "Baliw—" Hind
"HEY, I'M HERE!" Lumingon siya sa kaniyang gilid habang hawak niya ang kaniyang cellphone at kausap doon si Gabriel. Nandoon ang binata sa pinto habang nakatayo at nakatingin sa kaniya. Hindi nga niya alam kung bakit nito nalaman na lunch break niya mula sa business seminar na in-attend-an niya.Hindi pa rin siya sanay sa bagong lifestyle niya pero pinag-aaralan niya iyon para maging mas makatotohanan. Sinasanay niya ang sariling mag-make up ng fierce at magsuot nga mga damit na magpapalabas ng fierceness at pagiging decent niya. Kahit pa paano nga'y nagmumukha na siyang businesswoman.Sumalubong sa kaniya ang maliwanag na ngiti ni Gabriel na para bang umaaliw sa kaniyang paningin.Ngumiti siya at binaba ang tawag. May bitbit ito sa kabilang kamay habang inilagay nito sa bulsa ang kaliwang kamay."What are you doing here?" nagtataka niyang tanong. Sa Laguna pa kasi ang seminar na iyon at ilang oras pa ang layo mula sa Manila."I'm here to deliver your food," anito at inilahad ang pap
"WHAT'S this?" tanong ni Gianna nang ilapag ni Gabriel ang envelope sa table sa harap niya."Documents na nagpapatunay na pag-aari mo na ang 25% shares ng kompanya."Nanlaki ang mata niya sa narinig. Napaawang pa ang bibig niya."Huh? W-what do you mean?""Simula na 'to ng hakbang natin sa paghihiganti mo, Gianna. Wala kang power because you don't have a money at sa mundong ito, pera ang unang sandata na dapat mayroon ka." Binuklat nito ang papel. "This document shows that you own the 25% shares of the company and you bought it.""P-pero bakit kailangan kong magkaroon ng shares sa company ng pamilya mo? Pagdududahan nila ako kung paano ko na-afford na bumili ng shares sa company." Hindi pa rin siya makapaniwala."Of course they would question you about the 25% shares pero dahil in-announce ko na sa lahat na ikakasal tayo, it make sense now na mayroon ka nang 25% na shares sa company," paliwanag nito."A-anong gagawin ko sa shares na iyon? I'm not into business. Wala akong alam sa pagp
"HINDI ba dapat dinidemanda mo na 'yang si, Oliver? He's crossing the line too much, Gianna," inis na sabi ni Stella habang nagkakape sila sa isang sikat na coffee shop sa mall na kinaroroonan nila. Binaba niya ang tasa ng kape. "Sa tingin mo mananalo ako kapag dinimanda ko si Oliver? He has the power to twist the truth, Stella at alam nating pareho ang kaya niyang gawin, ang connections na mayroon siya." Napaisip ang kaibigan niya. "Pero paano? Hahayaan na lang natin lahat ng ginagawa niya sa iyo kahit na crime na iyon?" Bumuntonghininga siya. "Wala tayong magagawa, Stella kung iaaasa natin sa pulis ang lahat dahil kayang-kayang lusutan iyon ni Oliver. Nagawa nga niyang baliktarin ang pamilya ko, 'di ba?" "Napakasama talaga ng, Oliver na 'yan!" "Darating din ang oras para sa kaniya, Stella. Naniniwala pa rin akong pagbabayaran niya lahat ng kasamaan niya." "Seryoso ka na ba talaga na humingi ng tulong kay Gabriel?" Tumango siya. "Wala akong ibang choice sa ngayon, Stella kung '
ISANG malakas na sampal ang natamo ni Oliver nang makawala siya sa pagahawak at paghalik nito sa kaniya. Mariin niyang pinahid ang kaniyang labi na para bang nandidiri sa halik nito."Pwe! Nakakadiri, Oliver! Diring-diri ako sa iyo, sa halik mo," pang-iinsulto niya."Sinusubukan mo ba talaga ako, Gianna? Gusto mong makita ang demonyong sinasabi mo?" Muli nitong hinawakan ang braso niya at hinila siya papasok sa silid ng kaniyang ama. Marahas siya nitong tinulak sa sofa, napaupo siya roon. Mabilis itong pumaibabaw sa kaniya at sinubukang halikan siya sa labi pero pilit niyang iniiwas iyon."O-Oliver, ano ba? T-tama na!" sigaw niya rito.Nahuli nito ang dalawang braso niya at mahigpit iyong hinawakan, saka pinaghahalikan siya sa kung saan man lumapat ang mga labi nito."Ito ang gusto mo, 'di ba? Ang makita ang demonyong sinasabi mo? Now, ipapakita ko sa iyo kung paano ako maging demonyo."Mas humigpit ang hawak nito sa braso niya dahil sa pagpupumiglas niya."Hayop ka talaga, Oliver!" g
HINDI alam ni Gianna kung sadyang manhid na siya o natuyo na ang luha sa mga mata niya. Ni wala nang luhang pumatak mula roon hanggang sa mailibing ang kaniyang ina. Isa lang ang nasa isip niya, ang makaganti sa lahat ng taong dahilan kung bakit sila naghihirap ng ganoon."Hindi ka ba muna magpapahinga, Gianna?" nag-aalalang tanong ni Gabriel habang nakatingin lang siya sa puntod ng ina. Siya, si Gabriel at Stella lang ang kasama niya sa sementeryo dahil wala ni isang gustong makipaglibing."Kahit naman magpahinga ako, hindi pa rin noon mapapawi ang lahat ng pagod ko, Gabriel," malungkot niyang sabi. "Pagod na pagod na ako pero hindi ko kayang magpahinga dahil hindi ko alam kung saan ako napapagod o baka pagod na ako sa lahat."Naramdaman niyang umakbay si Gabriel sa kaniya at marahan siyang tinapik-tapik sa balikat."Naiintindihan ko, Gianna dahil ganiyan din ang naramdaman ko nang mawala si daddy. Pakiramdam ko, kalahati ng mundo ko bumagsak at hindi ko na alam kung paano iyon aayus
"GOOD MORNING, Ma'am may na-receive po kaming funeral standing flowers para raw po sa burol ni Mrs. Nora Fajardo," bungad ng empleyado ng funeral homes nang pumasok ito at nakita si Gianna.Kumunot ang noo niya at napatingin kay Stella. Kumibit-balikat lang ito.Lumapit siya sa lalaki at pinasok nito ang standing flowers na kulay red. Kumunot ang noo niya. Red? Akma bang magbigay ng pulang bulaklak sa burol? "Sinong nagpadala nito?" tanong niya na bakas ang pagkainis doon. "Red flowers para sa burol? Sinong tao ang magpapadala niyan?" Hindi na niya napigilan ang galit niya."Pinadala daw po ni Mr. and Mrs. Tolentino."Nagpantig ang tenga niya sa narinig na pangalan. Nakuyom niya ang mga kamao at galit na nilapitan ang bulaklak. Nakasulat pa sa sash niyon ang salitang 'Condolence'.Lumapit din si Stella at gulat din ito. "Ganoon na ba talaga sila kasama para padalhan nila ng pulang rosas ang burol ng mommy mo? Mga demonyo sila at walang mga puso!"Lumalim ang paghinga niya dahil sa ga
NAKATULALA lang si Gianna habang nakatingin siya sa kabaong ng kaniyang ina. Tanging siya, si Stella at si Gabriel lang ang nandoon. Mas masakit sa kaniya na ni isa, wala man lang nakiramay sa pamilya niya samantalang kilala niya ang kaniyang ina na mabuti at matulungin sa lahat. Sinira na nga ni Oliver ang image ng pamilya niya kaya ngayon, ni isa walang dumamay sa kaniya. Masakit din sa kaniya na hindi man lang alam ng kaniyang ama ang nangyayari sa pamilya nila.Kusa na lang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata. Ayaw man niyang maniwala, gustuhin man niyang isipin na panaginip lang ang lahat, ang katotohanan na mismo ang gumigising sa kaniya."Gianna, kumain ka muna. Maghapon ka nang hindi kumakain," pukaw ni Stella sa kaniya.Pinahid niya ang luha sa kaniyang mga mata at umiling. "Hindi ako gutom, Stella," walang ganang sagot niya."Pero halos buong araw ka ng hindi kumain. Baka ikaw naman ang magkasakit niyan." Puno ng pag-aalala ang boses nito."Wala akong gana. Ni hindi ko mara