Pagdating namin ay agad na kaming bumaba at dinala ang ibang gamit na dala ni Evan at Jenica. Nagdala pa sila ng ihawan at folding chair at table. "Dito tayo nag team building dati," tugon ni Jenica sa akin. Lumingon ako sa kaliwa't kanan, sa harap at likod at pinagmasdan bawat sulok ngunit wala parin akong naalala. "How do you feel?" tanong niya. "Okay lang, kaso wala parin akong natandaan pero okay lang, sulitin nating ang araw na ito." "Tama!" Sambat ni Evan at umakbay ito sa akin. Napatitig si Jenica sa amin, hinawi ko ang kamay nito at pinandirian. Agad akong lumapit kay Jenica at sa kanya naman ako umakbay. Pagpasok namin ay namangha ako sa ganda at luwag. Mayrong swimming pool at sa likod naman nito ang dagat. Tinuro ni Jenica kung saan mismo naganap dati ang team building namin. Masaya akong pinapakinggan ang bawat kuwento niya, kahit man ay walang naalala ang importante ay nababalikan ko pa ang mga lugar, pinapasalamatan ko parin ang buhay na meron ako ngayon. Alam kong
Natutuwa ako sa aming lakad kahapon, dinala talaga nila ako sa kung saan possible kong maalala ang nakaraan. I'm grateful to Jenica and Evan, nandiyan sila palagi para sa akin. After ng pag-uusap namin kahapon ni Evan ay tumawag naman si Raven, nangumusta lang at na miss niya raw ako. Evan's Pov: I don't know how to explain this pero masyado yata akong na apektohan para kay Alexis. Alam kong masasaktan siya kapag malaman na niya ang totoo. "Hello! Raven?" "Yes bro, s-sorry ngayon lang ako nakatawag ulit saiyo. Kumusta ang pinagawa ko sa'yo? Okay lang ba si Alexis?" tanong nito sa kabilang linya. Natahimik ako dahil parang hindi ko na kaya ipagpatuloy pa ang hinihingi niyang pabor."Bro, magpagaling kana! Uwi kana dito, paniguradong nasasabik na si Alexis na makitang kang muli." "S-sorry Evan, hindi ko pa magawang sabihin kay Alexis ang totoo hindi ko nga alam paano ito sasabihin sa kanya na ma extend ako ng isang buwan dahil iyon ang advise ng doctor." Bumuntong-hininga ako, na
Lumabas na ako ng kuwarto para kumain, as usual dito narin nag haponan si Evan. Lagi nalang nalilibre ng pagkain ang doctor na ito. Kung nandito lang sana si Raven ay mas masaya sana. Everyday ko naman nakikita ang mukha niya pero iba parin kapag nayayakap ko siya. Pagkatapos kumain ay tumambay muna kami sa labas ni Evan. Biglang nagyaya na gala raw kami sa mall saglit, since walanaman na ako masyadong gagawin nagpaalam na ako kay mommy. Agad akong sumakay sa kotse niya. "Dadaanan ba natin si Jenica?" "Hindi muna baka busy rin 'yon." Hindi ko nalang rin ito tinanong pang muli at baka nga busy din iyon. May nadaanan kaming tambayan na maraming street foods na binebenta tapos may field na kung saan pwede kayo maglatag at umupo habang nakatanaw sa fountain na sumasayaw. Evan told me na dito nalang raw kami. Nagpaluto agad ako ng paborito kong burger at kwek-kwek, mabuti nalang ay hindi maarte si Evan magkaibigan nga sila ni Raven kahit doctor at Ceo na ay wala paring ka arte-arte, s
Alexis Pov: Pinaghandaan ko ang araw na ito. Halos hindi ako mapakali kung ano ang sosoutin ko. Finally, Uuwi na si Raven. Gusto ko sana siyang salubungin sa airport pero sabi niya ay maghintay lang raw ako sa office niya. Kanina pa kumakatok si mommy sa kuwarto ko. Hanggang ngayon hindi parin ako makapag desisyon kung anong sosoutin ko, pang office attire lang naman sana ito. Mostly, skirt at mga long sleeve lang naman itong mga sinosout ko pero parang hindi talaga ako mapakali. Pinagbuksan ko narin si mommy para tanungin kung ano ang dapat sosoutin ko. "Excited?" nakangiting tugon ni mommy habang papalapit sa akin. Sinuklian ko siya ng matamis na ngiti habang bitbit ko ang dalawang terno office attire na naka hanger pa. "This one! Maganda ito," ani niya. "Really? Bagay po ba?" "Yes, tapos soutin mo 'yang white heels mo. Maganda i-pair diyan sa light pink mo na outfit." Tumakbo palabas si mommy. "Wait, may kukunin lang ako. Magbihis kana diyan muna." After kong magbihis ay h
Nagtaka man kung bakit naiyak si Raven ngunit hinayaan ko nalang marahil masaya lang siya na ngayon ay nagkita kaming muli. Ilang minuto ring natahimik kami, hinayaan ko ang moment na ito para mas maramdaman namin ang bawat isa. Kumalas siya sa kaniyang pagyakap sa akin... Hinarap niya ako at hinawakan sa mukha... "I'm s-sorry..." Taimtim niyang pagkasabi sakin habang nangingilid ang kaniyang mga luha. "Sorry for what? Dahil ngayon ka lang nakauwi? Dahil natagalan ka? Okay lang, ang importante ngayon ay nandito kana sa tabi ko." Pumapatak ang kaniyang mga luha... Slowly, he kissed me again on my lips. Mas ramdam ko ang pananabik at pagmamahal ngunit bakit may kirot sa aking dibdib? Bakit naramdaman kong may bumabagabag sa kaniyang puso't-isip? May problema ba siya? Sumabay ako sa pananabik ng aming katawan hanggang sa nawalan kami ng lakas at nakahiga habang magkayakap sa isat-isa. ------- Pag-gising ko ay wala si Raven sa aking tabi. Agad akong nakaramdam ng kaba siguro'y may
Pagkatapos namin mag-usap ni Evan ay agad akong bumalik sa kusina na parang walang nangyari. I told Evan na may magaganap na party mamayang gabi at sagot ko lahat ang expenses. "Tapos kana maghugas ng plato?" "Yes, pwede na tayong manood ng movie," tugon nito habang nakangiting nakatingin sa akin. "How about going to cinema?" "Sure, game ako!" Agad akong nag book online ng dalawang tickets para siguradong hindi kami maubusan. Hindi ko muna sinabi kay Alexis but I bought all the tickets for one cinema para kami lang dalawa ang manonood. Gusto kong i-solo siya sa araw na ito. Gusto kong maramdaman niya ang pagmamahal ko sa kaniya habang nandito pa ako sa kaniyang tabi. Umuwi muna kami sa bahay kung saan dating nag stay si Alexis pagkalabas niya ng hospital. Dinala narin namin lahat ng gamit namin dito sa hotel at sinabi ko narin sa kaniya na we need to go home muna para doon na kami magbihis papuntang cinema.Pagkarating sa bahay ay nagmamadali na kaming nag prepare ng sosoutin. N
Nakahanda na ang lahat at binuksan narin ni Evan ang wine. "Cheers for Raven," saad ni Evan habang itinataas namin ang aming wine glass. Sabay naming ininom pagkatapos ay pumunta ako sa harapan para magsalita. "Thank you for spending your time with me. Alam kong busy rin kayo sa kaniya-kaniyang buhay pero I appreciate it so much na nandito kayo ngayong gabi. To my one and only love, thank you dahil kahit nakalimot ka sa ating nakaraan pero still nandito ka parin sa tabi ko. Mahal kita at palagi mo yang tandaan, my Alexis. Nandito lang ako at kahit saan man ako magpunta gagabayan kita sa pag-abot ng mga pangarap mo." ---------- ALEXIS DELA CRUZ Napansin kong nagpupunas ng luha si Evan at Jenica sa kabilang table. Ako din naman na appreciate ko ang mensahe ni Raven pero hindi ko lang maintindihan bakit parang sila pa ang girlfriend kaysa sakin. Pagkatapos niyang magsalita ay lumapit siya sa akin at nilahad ang kaniyang kamay. "Can we have a dance?" tanong niya habang nakangiting h
Paglabas ko ng banyo ay bakas sa mukha ni Alexis ang kaniyang pag-alala. Hindi ko napigilan ang sarili ko na maitulak siya habang hinahawakan niya ako. ------ Alexis Dela Cruz Hindi ko alam bakit sa ilang segundo ay bigla nalang nagbago ang ihip ng hangin. Masaya pa kami kanina pero ngayon mukhang irritable si Raven pagkalabas niya ng c.r. Tinanong ko lang naman kung okay siya. Nangingilid ang aking mga luha dahil hindi ko alam saan ako nagkamali. Na offend ko ba siya? Hindi ko alam. Nagmamadaling kinuha ni Raven ang susi ng kotse niya at iniwan ako dito sa bahay niya. Napaupo na lamang ako sa sofa at sinubsob ang aking mukha sa unan. Pilit kong iniisip kung may nasabi ba akong hindi tama ngunit kahit baliktarin ko ang mga salita paniguradong wala naman akong nasabing masama. Hindi ako mapakali dahil hindi ko alam saan siya pupunta. Sinubukan kong tawagan si Evan ngunit hindi sumasagot. Si Jenica naman ay busy sa kompanya. Tinawagan ko si Raven ngunit hindi niya rin sinasagot. Unt