Salamat sa inyo mga readers ni Orion at Erin. Isang conflict na lang at matatapos na ang istory ni Orion at Erin. Sa mga karakter sa istoryang ito, sino ang paborito n'yo at bakit?
Isang linggo pa ang lumipas, hindi nakita ni Erin si Orion. Ayon kay Marco ay nagpunta ito sa Greece para ayusin ang problema kay Tanya. Kinausap yata nito si Mr. Niel. Nakapag-file na si Erin ng reklamo kay Tanya; ang mga akusasyon nito sa kanya na may kinalaman siya sa ‘miscarriage’ issue para sirain ang kanyang pangalan sa publiko. Agad naman na bumuwelta ang team ni Tanya at sinabi na hindi nito pinagbibintangan si Erin. Ngunit witness si Assistant Sandra at ilan pang guwardiya na inakusahan siya ng babae sa mismong opisina ng Elusion. Naroon si Erin at nakaharap sa kanyang camera para magbigay ng live broadcast sa kanyang Instagrab. “Ang problema na lang ay kung paano mo sasabihin sa publiko ang rason kung bakit nagkakasama kayo ni Orion. Sigurado na tatanungin sa ‘yo ang bagay na iyon,” paalala ni Marco. “Malaking katanungan kung bakit magkasama kayo sa Bali at pagkatapos ay nasundan pa iyon sa Berlin. Nakakainis pero may ilang mga keyboard warrior ang nagsasabi na ka
“Why the fuck did you do that, Orion?!” asik ni Tanya kay Orion sa telepono. Nagkikiskis ang ngipin ni Tanya sa prustrasyon habang mahigpit ang hawak sa kanyang telepono. Naroon siya sa kanyang bahay at hindi mapakali. Ginusto niyang pakasalan si Orion dahil hawak nito ang buong Arvesso Group. Nasa posesyon ni Orion ang lahat ng shares na ipinasa ni Mr. Niel Arvesso. Ipinagtaka niya iyon noong una kung bakit hindi man lang ginusto ng kapatid nitong sina Lily at Danica na makihati sa yaman ng mga Arvesso. She wanted the Arvesso Group. Ngunit ngayon ay itinapon nito ang posisyon. Ibinigay ni Orion ang lahat ng shares na hawak nito sa kapatid na sina Lily at Danica. At ang hindi niya inaasahan sa lahat, ipinasa nito ang ilang property sa pangalan ng anak ni Erin na si Lacey! Nagkikiskis ang kanyang ngipin dahil sinira ni Orion ang kanyang plano! Akala niya ay nagsisinungaling si Erin na anak ni Orion si Lacey at walang alam ang lalaki sa bagay na iyon. Ngunit pinatotoo ng inakto ni
Lumabas si Erin ng tarangkahan ng kanyang bahay nang ilang ulit na maglaro sa kanyang tainga ang doorbell ng kanyang tirahan. Bumungad sa kanya ang galit na anyo ni Tanya. Hindi ito nag-iisa at may kasamang ilang miyembro ng pulisya. “Tanya?” tanong ni Erin. “Paalisin n’yo ang babaeng ‘yan! Heto ang patunay na bahay at lupa ito ng kapatid ko. Technically, sa magulang ko nararapat ang bahay na ito at tumira ang walang hiyang iyan sa bahay nang hindi nagpapaalam sa amin!” wika ng babae. Umasim ang mukha ni Erin. Nilingon niya si Lacey na yumakap sa kanyang binti, kita ang takot na nakalarawan sa kanyang anak. “Lumayas kayo rito! Layas!” wika ng babae. “Mommy…” usal ni Lacey na nagsisimula nang umiyak. “Tanya, sa akin ibinilin ni Zach ang bahay niya. Nagpaalam ako sa daddy mo bago ako bumalik sa bansa na titira ako rito sa bahay ni Zach. Pinayagan ako ng magulang mo,” paliwanag ni Erin. “Well, hindi na maganda ang relasyon mo sa magulang ko! Ang kapal ng mukha mo na manatili
Nakalarawan ang kakaibang ngiti sa pisngi ni Anna Lerman habang naroon siya sa cruise sa South Harbor. Nagniningning ang kanyang mga mata habang nakatingin sa malawak na karagatan sa maliit na bilugang bintana, dinadama ng labi ang iniinom na alak. Ilang saglit pa ay nagbukas ang pintuan ng silid. "Miss, Erin has been escorted by our staff," wika ng isang tauhan. Tumaas ang sulok ng kanyang labi at saka tinungo niya ang daan patungo sa silid kung saan naroon si Erin. Simpleng trick lang ang kanyang ginawa at maayos na inihatid sa kanya ang babae. Nagkalat ang napakaraming tauhan sa loob ng cruise kaya imposible na makatakas si Erin. Hindi rin naman niya papayagan na makaalis ito nang basta. Samantala, sa loob ng isang silid, dama ni Erin ang pagkahilo. Kanina ay pinukpok siya ng baril sa ulo ng lalaking may mahabang pilat sa pisngi para siya mawalan ng malay. Nakatali ang kanyang mga kamay sa likuran para pigilin ang kanyang pagkilos. May kadiliman na sa labas ng cruise at
"Where have you taken Erin?" ang narinig ni Orion na asik ni James kay Anna habang naroon sila sa isang hotel sa Berlin. Nakakuyom ang kamay ni Orion dahil tatlong araw na niyang hindi nakikita si Erin. Sumasakit ang ulo niya dahil pagkatapos ng isang problema ay may kasunod kaagad na problema. Matapos siyang tawagan ni James ay nakipagkita siya rito. Tinungo nila ang airport para imbestigahan kung may nakalusot na pasahero sa kahit na anong private plane. Nalaman nila na nagtungo sa bansa si Anna, ngunit ng araw na iyon ay pabalik na rin ito sa Berlin. Doon naghinala si James na may kinalaman ang babae sa pagkawala ni Erin. Inabot sila ng dose oras sa pag-imbestiga sa airport bago itinawag sa kanya ni Marco na nakuhanan ng isang surveillance footage si Erin sa South Harbor; isinakay ng cruise ang dalaga. Ngunit ang problema ay pribado ang cruise at hindi nila alam kung saan ang destinasyon niyon. Ang kailangan nilang malaman ni James ay kung saan dadaong ang cruise para doo
Sa isang malawak na event hall dinala si Erin ng dalawang lalaki; ang tinawag na Boss Scar at ang nakakalbong lalaki. Maayos na sumunod si Erin at baka makakita siya ng telepono o kaya naman ay taong mahihingan niya ng tulong. Siguro naman ay mayroong mga bakasyunista sa lugar na iyon o kaya naman ay kahit na sino! Matapos manatili sa plain na silid, hindi siya makapaniwala na may maganda at malawak na event hall sa barko. Kung sa bagay ay tinawag iyon na cruise ng lalaking may pilat sa mukha. Ngunit namula ang kanyang pisngi matapos masilayan ang dalawang nagtatalik sa gilid. Panay ang ulos ng isang lalaki sa babaeng nakasuot ng pulang bestida. Humihingi ng saklolo ang kamay ng babae sa pader na sinusuportahan nito habang marahas na panay indayog ng lalaking nakasuot ng suit. Nanginig ang labi ni Erin na nag-iwas ng tingin sa dalawang nagtatalik. Wala naman pakialam ang ilan pang mga babae na nakakumpol sa mesa, tila sanay na sa ganoong eksena. Mayroon pang isang mesa n
Sa sobrang pagkabigla ni Erin ay hindi siya nakasagot. “J-Jenna?” Walang emosyon ang babae. Nagbago na ang anyo nito matapos ang limang taon. Iika-ika na naglakad ito at tinalikuran siya. Naalala ni Erin na nasabi sa kanya ni Honey na may babae na minaltrato si Bald sa kababaihan na halos ikamatay nito, nagpapahinga lang ito sa isang cabin para magpagaling. Si Jenna ba iyon? Nilapitan ni Erin ang kanyang pinsan. “Anong nangyari sa ‘yo? Bakit ka narito?” Hinawakan niya sa kamay si Jenna na agad na tinabig nito. “Huwag kang umasta na para bang concern ka sa akin!” asik ng babae. Concern siya! Hindi niya kasi inaasahan ang sitwasyon nito. Pinilit nito na magbalat-kayo na matapang. “Sinabi sa akin ng isang babae rito na kasama ko sa kuwarto na dinukot ka raw ng grupo ni Boss Scar. Gusto kong malaman kung gaano iyon katotoo!” “Nakita mo na ako. Masaya ka ba na mapaghihigantihan mo ako?” tanong niya rito. Naiintindihan ni Erin na nakulong ang daddy ni Jenna dahil sa embez
“Kailangan ko ng tulong mo,” wika ni Erin kay Jenna. Pinuntahan niya ang babae sa cabin nito at saka ito kinatok. Nabigla si Jenna na makita si Erin ngunit nagpatuloy sa pagpahid ng makeup sa pisngi. Nagtaas ang kilay ni Jenna matapos marinig ang pakay ni Erin. Nasa isipan ng babae kung nababaliw na ba siya na ito ang naisip niyang lapitan. Nagkrus ang mga kamay nito at tiningnan siya sa salamin. “Iniisip mo na tutulungan kita na makatakas?” “Yes.” Desperado na siya! Nasabihan siya ni Honey na mas ligtas siya sa palapag kung saan siya naroon dahil protektado siya ni Boss Scar. Kung aakyat siya sa deck kung saan naroon ang mga kliyente ng cruise, hindi siya makakaalis nang buhay doon dahil marami ang may nais sa kanya. “That’s impossible!” bulalas ni Jenna. “Jenna, kung kailangan mong bumalik sa atin ay tutulungan kita. Alam natin na hindi ito ang buhay mo.” Tumiim ang bagang ni Jenna. “Alam mo pala na hindi ito ang buhay ko, pero ito ang pinili ko matapos magkandaletse-l
Sa paglipas ng araw sa pagitan ng mga sanga ng matatandang mga puno, mahinang simoy ang humahalik sa mga dahon, na nagtatahi ng isang marikit na himig na umaalulong sa mga bulong ng mga yaong nagdaan. Niluma ng paglipas ng mga taon ang mga nakatayong lapida na parang mga tahimik na bantay, dala ang mga nakalahad ng mga pangalan ng mga taong minsang nagbigay ng masiglang buhay. May mga pinalamutian ng mga sariwang bulaklak, at mayroon namang nababalot ng mga lumot at halamang-ugat, bawat isa ay nagmumungkahi ng kuwento na umabot na sa kaniyang wakas. Inilapag ni Erin ang bungkos ng puting rosas sa harapan ng lapida ng minsang kinilala niya bilang simple at matalinong kapatid ni Orion. It was Daryl’s death anniversary. Kasama na siya ngayon sa pamilya ng mga Arvesso na dumalaw sa puntod ni Daryl matapos ang kanyang kasal sa lalaki na ilang buwan na rin ang lumipas. Bahagyang sinasakal ng hindi nakikitang lubid ang dibdib ni Erin habang nakahinang sa pangalan at petsa ng ka
Tila nawalan ng gana si Orion na sagutin ang tanong ni Erin. “Well?” ulit ni Erin sa lalaki, nasa mukha ang antisipasyon. “Bakit nga ba pumayag ka na magpakasal kay Tanya?” Orion frowned. “Iniisip mo ba na nagkaroon ako ng romantikong relasyon sa kapatid ni Zach?” “No.” Noong una ay aminado si Erin na iniisip niya na nagligawan ang dalawa hanggang sa nabuntis ang babae at magkakaroon na ng anak. Ngunit noong makunan ang babae at pagkatapos ay nagbigay ng anunsiyo si Orion sa publiko at ilan pang bagay, napatunayan ni Erin na kaswal ang relasyon ng dalawa. Ipinaliwanag ni Orion ang mga naganap sa lalaki, kay Mr. Niel Arvesso at kay Tanya. Ang lahat ng naganap sa hotel at kung bakit nabuntis ang huli. “Kung gano’n, alam mo noong una pa lang na hindi ikaw ang tatay ng ipinagbubuntis niya…” usal ni Erin. “Hindi rin si Dad! She's a swindler!” Umawang ang labi niya sa sagot nito. “Kung nagkataon na ako ang nasa silid na iyon at nabuntis ko si Tanya, paano ang gagawin
Haplos ni Erin ang pisngi ni Orion habang naroon sila sa sasakyan. May driver na maghahatid sa kanila sa kung saan ngunit hindi na niya iyon binigyan pa ng pansin. Okupado ng lalaki ang kanyang sistema sa kasalukuyan. Hindi pa rin siya makapaniwala at para bang panaginip ang araw na iyon. “Sabihin mo sa akin na hindi ito panaginip,” usal ni Erin. Isang mainit na halik ang isinagot ni Orion sa kanya. Naglandas sa kanyang leeg ang labi nito. Namumula na ang pisngi ng driver na panay ang lingon sa salamin. Nais na nitong maglaho dahil sa mainit na eksena sa sasakyan. Wala naman silang ginagawang kakaiba. Tamang halik at palitan lang ng matatamis na salita ang namumutawi sa kanilang mga labi. Ilang saglit pa ay nakabalik sila sa bahay ni Orion. Pinangko siya ng lalaki at saka ipinasok sa loob ng bahay. Doon napansin ni Erin ang isang luggage sa pintuan. Mukhang iniwan lang nito ang bagahe at pagkatapos ay sinundan na siya sa fan meeting. Iniupo siya ni Orion sa kitchen island
Umaalingawngaw sa pandinig ni Orion ang bawat pagkilos, ang mga palitan ng usapan at ang tunog ng kung anong aparato na parang panaginip sa kanyang paligid. Makailang beses na naglaro sa kanyang tainga ang mga pagluha ni Erin, ang mga kahilingan ng babae na huwag siyang bumitaw. Nalulungkot ang kalooban niya sa tuwing iiyak ito at nagdadala iyon sa kanya ng pagkabahala. “Wake up, Orion… Wake up!” Kung kani-kanino na niya naririnig ang bagay na iyon, kahit kay Erin, kahit ang mahinang tinig ng sariling isip. Kailangan niyang bumangon. Kailangan niyang balikan ang babaeng mahal niya. Tila may pumahid na mahika sa kanyang balat at ayaw niya itong bitiwan. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata at kahit nanlalabo iyon ay natagpuan niya si Marco na tumitipa ang mga daliri sa ibabaw ng laptop nito. Kasunod niyon ay ang tila pagbara ng kanyang lalamunan at ang namamanhid at masakit niyang katawan. Nais niyang magmura sa sobrang tindi ng sakit na bumabalot sa buo niyang kataw
Pinunasan ni Lily ang mga luha ni Erin habang naroon sila sa lounge area ng ospital para silipin ang lagay ni Orion. Ipinagbabawal ang crowded o maraming bantay sa loob ng intensive care unit. Kailangan pa na nakasuot sila ng gown dahil sa posibleng bacteria or infection na dalhin sa pasyente. “Erin, kailangan mong magpatuloy sa trabaho at asikasuhin ang anak mo tulad ng nakagawian mo na,” hiling ni Lily sa kanya. Mag-iisang buwan na kasi siya sa ospital at hindi pa rin nagkakamalay si Orion. Aminado si Erin na marami siyang napabayaan tulad ng business niya at ang kanyang anak. Nakailang balik at uwi na rin si Lily ngunit nanatili siya sa siyudad sa paghintay kay Orion. “Naiintindihan ko na nag-aalala ka kay Brother O, pero tandaan mo na nariyan din si Lacey,” dagdag ni Lily. Nasapo ni Erin ang kanyang noo at saka tahimik na umupo sa couch. Bumalik na si Novella sa Bel-Air para ipagpatuloy ang schooling nito. Si Lacey ay naiwan sa kanya sa Mexico City. Si Danica ang nagmung
“Orion! Orion! P-please, pilitin mo na huwag makatulog,” usal ni Erin habang sinusundan ang grupo ng mga tauhan ni James na may dala kay Orion. Natatakot si Erin na baka kapag pumikit na ang lalaki ay iyon na ang huli na masisilayan niya ito. Nagdedeliryo ang mga mata ni Orion at tila inilalarawan sa isipan ang kanyang anyo sa kasalukuyan. Pinilit nito na ilapat ang palad sa kanyang pisngi. Tumawag ng helicopter si James para mas mabilis ang pag-alis nila sa lugar kung saan umatake ang grupo nito. Nang makalabas ng gusali ay nagmamadaling tumatakbo si Marco papalapit kay Erin. “Erin!” tawag nito sa kanyang pangalan. “Marco!” Humagulgol siya na niyakap ang kaibigan. “S-si Orion…” Hindi niya alam kung paano itutuloy ang kanyang mga salita. “I know. Kailangan natin siyang dalhin sa katabing siyudad. Natimbrehan ko na ang ospital na gagamot sa kanya at ipinahanda ang ilang bagay. Hindi tayo pwedeng mag-stay dito sa Acapulco,” wika ng lalaki. Lumipas ang ilang minuto at dumati
Limang taon ang nakaraan, nagkaroon nang maayos na usapan sina Erin at Orion; noong bodyguard niya pa ang lalaki. May ibinigay itong numero sa kanya na maaari niyang tawagan kapag nalagay siya sa alanganin. Sasagutin iyon ni Orion nang “Kuokoa” na ibig sabihin ay rescue or rescue mission. Hindi niya akalain na gumagana pa rin hanggang sa kasalukuyan ang espesyal na numero nito.
“Kailangan ko ng tulong mo,” wika ni Erin kay Jenna. Pinuntahan niya ang babae sa cabin nito at saka ito kinatok. Nabigla si Jenna na makita si Erin ngunit nagpatuloy sa pagpahid ng makeup sa pisngi. Nagtaas ang kilay ni Jenna matapos marinig ang pakay ni Erin. Nasa isipan ng babae kung nababaliw na ba siya na ito ang naisip niyang lapitan. Nagkrus ang mga kamay nito at tiningnan siya sa salamin. “Iniisip mo na tutulungan kita na makatakas?” “Yes.” Desperado na siya! Nasabihan siya ni Honey na mas ligtas siya sa palapag kung saan siya naroon dahil protektado siya ni Boss Scar. Kung aakyat siya sa deck kung saan naroon ang mga kliyente ng cruise, hindi siya makakaalis nang buhay doon dahil marami ang may nais sa kanya. “That’s impossible!” bulalas ni Jenna. “Jenna, kung kailangan mong bumalik sa atin ay tutulungan kita. Alam natin na hindi ito ang buhay mo.” Tumiim ang bagang ni Jenna. “Alam mo pala na hindi ito ang buhay ko, pero ito ang pinili ko matapos magkandaletse-l
Sa sobrang pagkabigla ni Erin ay hindi siya nakasagot. “J-Jenna?” Walang emosyon ang babae. Nagbago na ang anyo nito matapos ang limang taon. Iika-ika na naglakad ito at tinalikuran siya. Naalala ni Erin na nasabi sa kanya ni Honey na may babae na minaltrato si Bald sa kababaihan na halos ikamatay nito, nagpapahinga lang ito sa isang cabin para magpagaling. Si Jenna ba iyon? Nilapitan ni Erin ang kanyang pinsan. “Anong nangyari sa ‘yo? Bakit ka narito?” Hinawakan niya sa kamay si Jenna na agad na tinabig nito. “Huwag kang umasta na para bang concern ka sa akin!” asik ng babae. Concern siya! Hindi niya kasi inaasahan ang sitwasyon nito. Pinilit nito na magbalat-kayo na matapang. “Sinabi sa akin ng isang babae rito na kasama ko sa kuwarto na dinukot ka raw ng grupo ni Boss Scar. Gusto kong malaman kung gaano iyon katotoo!” “Nakita mo na ako. Masaya ka ba na mapaghihigantihan mo ako?” tanong niya rito. Naiintindihan ni Erin na nakulong ang daddy ni Jenna dahil sa embez