DRAKE: May bisita. Dumating ang magagaling kong pinsan! Wow! talagang pinuntahan pa ako ni kuya Cris. Kahit naiirita ako, ayoko naman silang bastusin. "Drake.. mag usap nga tayo," wika ni kuya Cris. Nakaupo ako sa sofa at naka de kwatro. "Oo nga naman Drake, wag kang maging ganyan.." si kuya Luis iyon. Mukhang pagtutulungan nila ako. "Bakit ka ba naglihim? akala ko ba, magkasangga tayo, ha? ano to? sosorpresahin mo ako sa future? sasabihin mo sa akin na, oh, Drake, sorry, buhay si Janella.. may apo ka na sa kanya! Ganun ba ang gusto mong mangyari?" pangungutya ko sa kanya. "Drake, may dahilan ako, kaya ko nagawa yun, a-at-- at may dahilan din sila." sagot niya sa akin. "Kahit ano oang dahilan yan, wala na naman akong pakialam diyan! masaya ka ba na naging miserable ang buhay ko?" tanong ko sa kanya. Maaari itong gawin sa akin ni Dixson, ni Marcus, o ni Devon, dahil sila ang may ibang klaseng ugali. Pero itong dalawa sa harapan ko, lalo na si kuya Cris, parang hindi ko
DRAKE: "Hindi! hindi totoo yan!" umiiling pa ako habang kausap nila, "hindi ganyan si Janella! Pinagtatakpan mo lang ang ginawa mong kasinungalingan! hindi!!" "Napapansin mo? lagi kitang sinasabihang kalimutan mo na siya?" sabi pa niya sa akin, "dahil, alam ko, na masaya na siyang nakalaya sayo." "Kaya, nung mabaling ang attention mo kay Justine, natuwa kami. Dahil alam namin, na may iba ka ng babaeng napupusuan. Lalo pa, nung mga panahong kailangan niya ang tulong natin." segunda ni kuya Luis. "Makinig ka, Drake! imulat mo ang mga mata ming bulag na kay Janella!" singhal pa ni Dixson sakin, "isa ka pa namang Sanchez, tapos, estupido ka!" "Kuya Dixson, tama na!" awat ni Devon dito, "para ka namang ano diyan! ang tabil ng dila mo!" "Gusto mo, lumpuhin ko kayo ng kumag na yan?" inis pa nitong sagot. "Oo nga, mag two by two tayo, sparring lang! kayo ni Drake, kami ni Dixson," hot na hot ng makipag umbagan si Marcus sa amin. "Tumigil nga kayo!" saway sa kanila ni Kuya Luis, "kayo
Naging routine na ng buhay namin ni Drake, ang sex, rest, sex, eat, sex. Halos limang beses namin itong ginagawa sa loob ng isang linggo. Parang nagung sex mate kami. Hindi ko alam, kung bakit hindi ko siya matanggihan. Cold ang treatment niya sa akin, pero pag magsisex kami, kulang na lang, ipagpagawa niya ako ng rebulto, at sambahin! Trabaho siya ng trabaho, to the point, na ang tulog na lang niya ay dalawang oras. Bawas na naman doon ang pakikipagharutan niya sa akin. Hindi ko alam, kung anong klaseng relasyon meron kami. After namin mag sex, matutulog kaming magkatabi. Magkayakap. Gigising na parang walang nangyari, at very casual sa working area. Nagpunta na sa mga misyon ang kanyang mga pinsan, na hindi man lang siya sumasama sa get together nila. Nababasa ko ang mga messages ng mga ito sa kanya. Humihingi pa rin ng tawad sina Cris at Luis, samantalang sina Marcus at Dixson, ay pasasabugin na lamang daw ang TV station kung saan siya nakakontrata. Si Devon naman, ang naka
DRAKE: Nakadungaw ako sa bulkang taal, habang nagmumuni muni. Noon, madalas kami ni Janella dito. Favorite hang out namin ang lugar na ito. Narealize ko ang maraming bagay. Una, baka hindi talaga ako mahal ni Janella. Pangalawa, hindi magsisinungaling sakin si kuya Cris. Pangatlo, maaaring si Benedict ang lalaki ni Janella. Maaaring kailangan ko lang ng closure para dito. Para hindi na ako umaasa na ako ang mahal ni Janella. Nakakulong na lang ako sa kanyang ala ala, yun naman pala, iba ang gusto niya. Nadurog ako noong malaman ko ang bagay na iyon, ngunit baka may dahilan ang Diyos. Maaaring inaalis niya ang mga bagay at taong mahalaga sa akin, dahil alam niya na hindi naman ako pinapahalagahan ng taong iyon. Sapat na ang mahigit tatlong taon na pagmumukmok. Sa ala ala ko na lang minahal si Janella. Naglalakad palapit sa akin ang isang magandang pigura. Nakangiti siya na may dalang ice cream. Ano nga ba ang nararamdaman ko para sa babaeng ito? Bakit parang nalimutan k
JUSTINE: "Te- teka.. saan mo ako- dadalhin?" tanong ko kay Drake. Hindi niya ako ibinaba pagpasok namin sa bahay."Dito!" tumalon siya sa pool kasama ako. Kahit kailan talaga, may kalokohan ang lalaking ito."Uuuh!" sigaw ko pag ahon ko buhat sa tubig. "Ano ka ba!" winisikan ko siya ng tubig."Ayos naman hindi ba?" sagot niya sa akin, hinawakan niya ang aking baywang at walang sabi sabing hinalikan ako.Halos mapugto ang aking pghinga dahil sa paraan niya ng paghalik. Matagal iyon. Pareho kaming naghahabol ng hininga pagkatapos ng halikang iyon.Inaalis niya ang butones ng aking damit. Wala ako talagang panloob. Maganda kasing tumayo ang aking mga dibdib, at maliit lang ang aking nipple.Inalis niya ang aking pang itaas. Hinalikan niya ang aking leeg. Pinaatras niya ako amhanggang sa may handle ng pool."Humawak ka diyan, itaas mo ang mga kamay mo," utos niya sa akin, na agad kong sinunod.Kakaiba ito, mas masarap pala ang pakiramdam ng ganito. Habang minamasa niya ang aking mga dibd
Nasa mall ako, at nagmumuni muni, ng biglang may mahagip ang aking paningin. Si Janella! Agad akong tumayo at sinundan ko siya. Pumasok ang babae sa isang boutique. "Janella!" tawag ko sa kanya. Agad lumingon ang babae, na nakakunot ang noo. Hanggang makalapit ako. "Do I know you? paano mo nalaman ang totoo kong pangalan?" sunod sunod niyang tanong sa akin. "Kay Drake," tugon ko sa kanya. Bigla siyang namutla. "Ka- kasama mo siya?" tanong niya saka luminga linga sa paligid. "Hindi.." nakangiti kong sagot. Hinagod niya ako ng tingin. "Bigay ba ni Drake sayo yang suot mo?" "Ha?" saka ako napatingin sa suot ko, "ah.. eh oo.." "Hindi pa rin pala siya nagbabago," napailing siya. "Paanong- hindi nagbabago?" napamaang ako sa sinabi niya. "Halika.. mag usap tayo sa loob," pumasok kami sa maliit niyang opisina. May isang lamesa doon na pang apatan, isang maliit na ref at TV. "Gusto mo ng kape?""Si- sige.." alanganin ang aking ngiti.Pinapanood ko siya, habang nagtitimpla ng ka
DRAKE: Umuwi ako sa bahay ng parents ko. Balak ko ng ipakilala sa kanila si Justone, bilang opisyal kong girlfriend. Excited ako, dahil alam ko, na gusto rin siya ng parents ko. Malambing at maasikaso si Justine. Kaya gustong gusto ko talaga siya. Pagkatapos dito, aayain ko naman siyang puntahan si tita Bernadeth, at ang puntod ng kanyang kapatid at tatay. Nakailang tawag na ko kay Justine, hindi pa siya sumasagot. Mag uumpisa ng mag init ang aking ulo! "Sabi nito, may bibilhin lang sa mall. Ang tagal naman.." sabi ko sa aking sarili. "Anak," nagulat ako sa boses ng mommy ko, "bakit hindi ka pumapasok?" "Hinihintay ko si Justine, mom.." sagot ko sa kanya. "Napakahalaga naman ata ng araw na ito para sayo at naisipan mo pang hintayin si Justine?" wika niya sa akin. "Mom.. gusto ko kasing magkasama kami na--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko, dahil naunahan na niya ako. "Na may relasyon kayo?" tanong niya. "Ho- how did you know?" napatingin ako sa kanya. "Halata na
Nakatingin lang ako sa labas ng taxi, matapos kong makipag usap kay Drake, hindi ako makapaniwala sa sinabi sa akin ni Janella. Tandang tanda ko pa kung paano idinetalye sa akin ni Janella ang lahat. Ikinuwento niya kung paano siya na fell out of love kay Drake. ********** Janella: "Crush ko si Drake, at sinubaybayan sa TV. kaya natuwa ako ng maging P.A niya ako. Pero bago ako nakapunta sa kanya, nakipaghiwalay muna ako, sa aking ex na si Benedict. Mahal na mahal ako ni Benedict, to the point na umakyat na lang siya ng Baguio, to isolate himself. Benedict is my first, in everything. Itinuring niya akong prinsesa, until, yun nga, magkacrush ako kay Drake. Nagresign ako sa trabaho, para sa kanya. Iniwan ko ang negosyo namin for him..Hinayaan lang ako ng aking mga magulang. Okay naman kami noong una, until, unti unti siyang naging possessive! Minsan, nakita niya lang akong kausap ang isang P.A din na lalaki, nagalit siya. Yung P.A na yun, pinaalis nung artistang boss, k
"Aalisin na natin ang iyong benda," narinig ko ang tinig ni doc, habang ako ay nakapikit. "Justine, handa ka na ba?" "Opo doc, handa na po ako," sagot ko sa kanya. Nakaambang sa amin sina Blake at ang iba pang taong malalapit sa amin. Unti unti ng inaalis ni doc ang benda sa aking mukha. Parang ang pagkakapulupot noon sa akin ay napakatagal alisin. Naiinip ako sa bawat Segundo na lumilipas. Sa wakas, natapos na ang aming paghihintay. Ang lahat ay namamangha, na nakatingin sa akin. Napalunok na lang ako. Ang tinging iyon ba ay nagagandahan? o tinging masama ang nakikita? Napalunok ang doctor sa pagkakatitig sa akin. "Doc?" medyo kinakabahan na ako sa naging resulta. Inabutan niya ako ng salamin. Dahan dahan ko iyong tinanggap. Nanginginig ang aking mga kamay habang inilalapit ko ang salamin sa aking mukha. Habang papalapit ang salamin sa aking mukha, ramdam ko ang kabog ng aking dibdib. Hindi ko alam kung handa na akong makita ang resulta ng operasyon. Unti-unting lumi
"Ooperahan ka na daw, narinig mo?" masaya kong sabi kay Justine. Napapasaya ko, dahil pagkatapos nito, mapapakasalan ko na siya. Ang babaeng aking pinakamamahal. Ngumiti si Justine, kahit may bahid ng kaba sa kanyang mga mata. “Oo, narinig ko,” sagot niya, mahina pero puno ng pag-asa ang boses. "Sana nga matapos na ito nang maayos." Hinawakan ko ang kanyang kamay nang mahigpit, pinipilit ipakita ang lakas ng loob at pagmamahal. “Maging matapang ka lang, mahal. Alam kong makakayanan mo ito. At pagkatapos ng lahat ng ito, magkasama nating haharapin ang bagong yugto ng ating buhay.” Napangiti siya, kahit halata ang pag-aalala sa kanyang mukha. “Drake, natatakot pa rin ako… sa resulta, sa kung anong mangyayari pagkatapos ng operasyon.” “Huwag kang mag-alala, Justine,” sabi ko, inilapit ang kanyang kamay sa aking mga labi at hinalikan ito. “Ano man ang mangyari, nandito ako. Hindi magbabago ang pagmamahal ko sa'yo. At kapag naging maayos ang lahat, matutupad ang pangako ko—ikakasal
Isang linggo na kaming nanatili sa ospital, kasama si Blake. Kahit maayos na ang lagay namin, hindi pa rin mapanatag ang loob ko na iwan si Justine. Alam kong kailangan niya ng suporta at pagmamahal ngayon higit kailanman, kaya’t pinili naming manatili sa ospital upang alalayan siya. Si Blake ay palaging nasa tabi ko, tahimik ngunit bakas sa kanyang mga mata ang pag-aalala sa kanyang ina. Minsan ay hinahawakan niya ang kamay ni Justine, para bang nais iparamdam na nandito lang kami para sa kanya. "Mommy, andito lang kami ni daddy," bulong ni Blake sa kanya isang araw, habang nakaupo siya sa gilid ng kama ni Justine. "Magiging okay ka rin." Napangiti si Justine kahit halata ang hirap sa kanyang mukha. "Salamat, anak," mahinang sabi niya, hinahaplos ang buhok ni Blake gamit ang natitirang lakas. "Lahat ng ito... lahat ng sakit, kakayanin ko... para sa inyo." Araw-araw, binibisita kami ng doktor at mga nars, inaalam kung paano ang kondisyon ni Justine. May mga araw na tila may pag-
Iyak ng iyak si Justine ng dumating sa ospital. Nagpilit akong bumangon upang makita siya. "Anak, kaya mo na ba?" tanong ni mommy sa akin. Nasa tabi siya ng aking anak na mahimbing na natutulog. “Oo, mommy,” sagot ko, pinipilit ang sarili na bumangon mula sa kama. Mahapdi pa ang mga sugat ko, pero hindi ko kayang magpahinga nang hindi nakikita si Justine. Kailangan kong malaman kung ayos lang siya, kung ligtas na siya mula sa kamay ni Jhoanna. Nang makarating ako sa pintuan ng kwarto, nakita ko si Justine na nakahiga habang nilalapatan ng paunang lunas. "Drake, lumabas ka muna, baka hindi mo kayanin ang makikita mo," pigil sa akin ni kuya Luis. "Nais ko siyang masilayan kahit ano pa ang nangyari sa kanya.." malungkot kong sabi. 'Binuhusan ni JHoanna ng asido ang kanyang mukha, nasira iyon, at sunog na sunog. Iba na ang hitsura niya ngayon." paliwanag ni Luis sa akin. "Kuya, kahit ano pa ang kanyang hitsura, alam ko sa sarili ko na iniibig ko siya. Marami namang procedure na maa
Hinahanap ni Devon ang cord na maaaring putulin upang matanggap ang Bomba sa katawan ng paslit na si Blake. "Kuya Cris, parang walang cord na maliit ito, mukhang hindi ito Bomba,' sabi niya sa akin. Agad ko iyong tiningnan. Tama nga siya, wala iyong cord na may mga kulay, parang isang cable cord lang iyon. "Patingin nga," sabi ni Luis. Sinipat niya ang buong katawan ng bata. "Hindi po ako sasaktan ni mommy.." sabi ni Blake sa amin. "mabait po siya. Nangunot naman ang aking noo, "hindi ka talaga kayang saktan ng mommy mo, kaya nga hinanap ka niya, hindi ba?" 'HIndi siya.. si mommy Jhoanna, mabait po siya.. " sagot ng bata. "Ano ba itong inilagay niya sayo?" tanong ni Luis habang iniikot ikot ang bata. "Wala lang daw po itong suot ko kaya wag daw po akong matakot. Humingi siya ng sorry sa akin," humihikbing sabi ni Blake, "nasaktan lang daw po siya." "Kung ganoon, cord lang ito?" napatingin pa si Devon. Eksaktong pag alis nila ng cord, biglang sumabog ang kotse kung saa
"Oo naman, ano ang kailangan kong gawin upang pakawalang mo ang anak ko?" tanong ko sa kanya, habang patuloy ang umakyat na pag aalala sa aking puso. "Ikaw ang pumalit sa pwesto ng anak mo," nakangiting sagot ni Jhoanna, "halika dito.. para mapaalis na natin ang anak mo." "Sige.. sige, gagawin ko!" Sagot ko sa kanya. "Justine.. mag iingat ka," bulong ni Luis sa akin, "mukhang nahihibang na si Jhoanna. "Ano pang ipinagbubulungan niyo diyan! bilisan mo!" sigaw naman ni Jhoanna sa amin. Napalunok ako ng malalim at tumingin sa mga mata ni Jhoanna. Nakita ko ang galit na tila apoy na naglalagablab, pero may bahid din ng kirot at takot. Hindi ko alam kung anong balak niya sa akin, pero alam kong kailangan kong iligtas si Blake, kahit pa ang kapalit ay ang sarili kong buhay. Dahan-dahan akong lumapit kay Jhoanna, itinaas ang aking mga kamay bilang tanda ng pagsuko. "O, heto na ako," sabi ko, pilit pinapakalma ang sarili kahit pakiramdam ko'y parang may malaking bato sa dibdib ko. "Pakaw
"At ang Lagay, magiging masaya kayo?" asik ni Jhoanna sa akin, "walang ganoong magaganap, ano yan? si snow white ka at ako ang witch?" "Jhoanna! maawa ka sa anak ko.." sigaw ko sa kanya, naglulumuhod ako at nagmamakaawa. "pakawalang mo ang aking anak!" pagsusumamo ko. "Jhoanna, sumuko ka na!' sigaw ni Cris, "wala ka ng ibang mapupuntahan!" "Huh!" ikinasal nito ang baril," okay lang, magsasama na lang kami ng batang ito sa impiyerno!" "Mommy.. bakit po?" nilingon si Jhoanna ni Blake, "akala ko ba, bati tayo?" Hindi sinagot ni Jhoanna ang bata, subalit ang kanyang hawak na baril ay nakatutok dito. Naguguluhan din ako, bakit mommy ang tawag ni Blake kay Jhoanna. "Anak, ako ang mommy mo.." tawag ko kay Blake. Malungkot niya akong tiningnan, saka tumingin ulit kay Jhoanna, "mommy.." ang kanyang mga mata ay basang basa na sa luha na dulot ng labis na pag iyak. "Tumigil ka na, Jhoanna! hindi namin akalaing magagawa mo ito!" sigaw ni Luis, "wala kang awa! pati bata, idinadamay m
"Ayun," wika ng isang pulis naming kasama, natanaw niya ang isang kotse sa di kalayuan. "Sssh, magdahan dahan tayo, hawak pa ni Jhoanna ang bata. baka kung ano pa ang gawin niya kay Blake," warning ni Cris sa amin. Halos gumapang na lang kami paglapit doon. Pinalibutan namin ang sasakyan, kung saan naroroon iyon sa may gilid ng puno. Binuksan nila ang pinto ng kotse, walang tao sa loob. Nakita pa namin ang mga balat ng candies at chocolates sa lapag. "Naunahan niya tayo, nakatungo agad siya," wika ni Luis sa amin, "halughugin ang paligid, naririyan lang iyon." Parang gumuho ang aking mundo, ng marealized na hindi ko na naman makikita ang aking anak. Sobrang sakit sa puso na ang aking pag aalala ay nagpatung patong pa. Napaupo na lang ako sa isang tabi. Nanlulumo ako at nanlalambot. Masakit para sa akin ang umaasa ng umaasa tapos ako ay mabibigo lang. Sinubukan kong igala ang aking mga mata, baka sakaling may mapapansin akong bakas ni Jhoanna. Nagtungo ako sa sasakyan, at
Habang pinagmamasdan ko si Blake na mahimbing na natutulog, hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga. Napakaamo ng kanyang mukha, tila ba walang kamuwang-muwang sa lahat ng gulong nagaganap sa aming paligid. Ang liit ng kanyang katawan, halos magkasya sa upuan ng sasakyan. Napakasimple ng kanyang mundo, walang iniintinding problema, walang iniisip na hinanakit. Sinulyapan ko ang gauge ng gas, kaunting-kaunti na lang. Malapit na itong maubos, at hindi ko alam kung saan kami tutuloy pagkatapos. Wala na akong ibang plano kundi manatili rito, sa loob ng sasakyan na tila ba nagsisilbing tanggulan namin mula sa magulong mundong ito. Pero gaano pa katagal? Hanggang kailan ko kakayanin? Iniisip ko si Justine. Puno ng galit at hinanakit ang puso ko. Sa tuwing naiisip ko siya, parang apoy na gustong lumabas mula sa aking dibdib. Siya ang dahilan kung bakit nagkaganito ang lahat. Siya ang pumasok sa buhay namin ni Drake, ang sumira sa lahat ng plano, sa lahat ng pangarap. Isang nakakapason