Share

Chapter 69

MAY ngiti sa mga labi na sinalubong sina Althaia ng mga katribo nila nang matagpuan na nila ang bahagi ng gubat kung saan pansamantalang lumikas ang mga ito. Isa sa mga sumalubong sa kanila si Mang Sebastian.

"Mabuti at nandito na kayo..." Iginala nito ang tingin, tila may hinahanap. "Nasaan ang mahal na Reyna?"

Nanghihinang naupo si Althaia sa malaking tipak ng bato habang sapo ang ulo.

Tiningnan naman ni Mang Sebastian ang mga bagong dating, hinihintay na may sumagot sa tanong niya subalit ni isa sa mga ito ay walang nagsalita. Lahat ay nakayuko at halos hindi sila magawang tingnan nang deretso sa mga mata.

Bagama't may hinuha na sa sinapit ni Calista, bumaling pa rin siya kay Althaia. "Nasaan ang pinsan mo?" seryoso niyang tanong.

Naluluhang kinagat ni Althaia ang ibaba niyang labi. Umiling-iling siya.

Dahil sa naging tugon niya ay mabilis na umugong ang hagulgol ng kaniyang mga katribo. Nagluluksa ang lahat sa pagkamatay ng kanilang reyna.

Tumayo si Althaia at nilingon ang mga taon
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status