NAIINIS na isinilid ni Hera sa bulsa ang kaniyang cell phone nang makitang naubusan na iyon ng baterya. Balak sana niyang tawagan si Marcus upang ibalita rito na nakuha niya na ang address ng tinitirahan ni Calista.Medyo tahimik na at iilan na lamang ang nasasalubong ni Hera sa maliit na kalye patungo sa bahay nina Calista dahil sa pasado alas diyes na ng gabi. Habang naglalakad ay hindi mapawi-pawi ang mga ngiti niya sa labi dahil sa excitement na nararamdaman ngayong malapit na uli silang magkita ng matalik niyang kaibigan.Mas lalo pa siyang napangiti nang matanaw niya na ang malaking bahay nito. Binilisan niya na ang paglalakad subalit kaagad din siyang napahinto at napatago sa likod ng nakaparadang kotse malapit sa kaniya nang makita ang isang pamilyar na babae sa tapat ng pintuan ng bahay. Nanlaki ang mga mata niya nang makilala kung sino ang babaeng iyon. Si Althaia!Maraming katanungan sa utak ngayon ni Hera. Bakit ito nasa Duncan Mills? At paano nito natunton si Calista?Kaa
"PAANO mo ako nahanap? Magkasama ba kayo ni Althaia?" sunod-sunod na usisa ni Callie kay Hera. Isinara niya ang pinto ng kan'yang silid at iginiya si Hera paupo sa kaniyang kama. Tinabihan niya ito at mahigpit na hinawakan ang kamay.Suminghot si Hera na katatapos lang umiyak pagkatapos, pinunasan ang basang pisngi. Umiling-iling siya at tinitigan si Callie. "Hindi ko siya kasama. Marahil ay natunugan niya ang plano namin ni Marcus kaya ka niya pinuntahan dito."Napangiti si Callie nang marinig ang pangalan ng kaibigan niya ring si Marcus. "Si Marcus? Hinahanap niya rin ako?"Tumango na lamang si Hera bilang tugon."Kumusta na siya?" tanong ni Callie pagkatapos, nginisihan si Hera na tila ba tinutukso ito nang maalala niya ang estado ng relasyon ng mga ito. "Kumusta na kayong dalawa?"Matamlay na ngiti ang itinugon ni Hera sa kaniya dahilan para mapakunot siya at magtaka."Katulad na rin natin siya," nakayukong sabi ni Hera.Mas lalo pang napakunot si Callie. "What do you mean?" Tiniti
"HEY, are you okay?" usisa ni Clyde kay Callie nang sulyapan niya ito sa passenger seat. Napansin niya na seryosong nakatuon ang mga mata nito sa tinatahak nilang kalsada at tila napakalayo nang iniisip.Tipid na nginitian siya ni Callie pagkatapos, nilingon siya nito. "May iniisip lang ako."Tumango si Clyde. "May nangyari ba kagabi pagkatapos kong umalis?"Napansin ni Clyde ang pag-aalinlangan sa mukha ni Callie dahil sa sinabi niya. Yumuko ito at nilaro-laro ang mga daliri sa kamay."Wala," tugon ni Callie sabay tumingin sa labas ng sasakyan.Napakunot si Clyde at mas lalo pang na-curious. "You're hiding something from me."Lumingon sa kaniya si Callie, nakakunot at may lungkot sa mga mata."It's written all over your face," dagdag pa niya.Bumuntonghininga si Callie at matamlay siyang nginitian. "There is someone I would like you to meet."Ngumuso siya at sumimangot. "Lalaki ba 'yan?" pabiro niyang tanong.Natawa si Callie sa naging tugon niya. Napangiti na rin siya dahil kahit pa
LUMIKO si Marcus sa isang eskinita nang mapansin si Esteban na bumubuntot sa kaniya. Hindi niya kilala si Esteban ngunit natitiyak niyang tauhan ito nina Henry at Althaia dahil amoy na amoy niya ang pagiging taong-lobo nito.Ilang eskinita pa ang nilikuan niya upang ilihis si Esteban sa lugar kung nasaan ngayon sina Hera at Callie. Nang nakalabas na siya sa eskinita at malayo na ang narating ay tumigil siya sa tabi ng isang malaking kahon ng basurahan at lumingon sa kaniyang likuran upang tingnan kung gaano na kalapit sa kaniya si Esteban dahil mas matingkad na ngayon sa kaniyang pang-amoy ang amoy nito. Nagtaka siya nang hindi niya ito nakita, alam niyang naroroon pa rin ito dahil naaamoy niya ito. Luminga-linga siya, hindi niya na alam kung nasaan siya. Puro ang mga nagtataasang talahib at mga puno ng mangga at santol lamang ang natatanaw niya.Sa biglang paglingon ni Marcus sa unahan ay muntik na itong mabuwal sa kinatatayuan nang biglang bumulaga sa kaniyang unahan ang nakangising
"TUMATAWAG na siya," sambit ni Hera kay Marcus nang rumehistro sa screen ng kan'yang cell phone ang pangalan ni Callie. Pagkatapos ng ginawa nilang pakikipaglaban kay Esteban ay nagpasya si Hera na suyurin ang buong lugar upang tiyakin na sila lamang ang naroroon. Sa kaniyang pag-iikot-ikot ay napagtanto niya kung gaano kalawak ang kanilang kinaroroonan at sa gitna ng talahiban ay natagpuan niya ang isang abandunadong maliit na kubo. Dinala niya roon si Marcus upang doon gamutin ang mga sugat nito. Inilapag ni Hera ang basang tela sa tabi na ginamit niyang pamunas sa mga sugat sa katawan ni Marcus at dinampot ang cell phone sa lapag, nagdadalawang-isip kung sasagutin ang tawag ni Callie."Sagutin mo na, sigurado akong nag-aalala na siya," nanghihinang wika ni Marcus sabay lingon sa nakabukas na bintana at tiningnan ang langit na malapit nang dumilim.Tumango si Hera at tumikhim bago sinagot ang tawag. "Calista?"Hindi sumagot si Callie. Tinawag ulit ito ni Hera subalit tanging ang p
GULAT na tinitigan ni Althaia ang damit ng pinsan niyang si Calista nang inilapag iyon ni Henry sa sahig, sa kaniyang harapan. Napalunok siya at naiilang na tinitigan si Henry."I can tell that something's going on base lamang diyan sa reaksyon mo," malamig at seryosong sabi ni Henry. "Bakit mo hinahanap si Calista?"Iniiwas niya ang tingin at hindi na mapakali sa trono na kaniyang kinauupuan."Buhay pa ba siya?" tanong ulit ni Henry sa kaniya.Napakapit siya nang mahigpit sa silyon ng kaniyang trono. Noong araw na nakumpirma niya kay Calista na wala itong planong kunin sa kan'ya ang trono ay nagpasya siyang huwag nang ipaalam pa kay Henry na buhay ito sapagkat tiyak niyang hindi ito tatantanan nito. Sigurado siyang papatayin ni Henry si Calista dahil naniniwala itong magiging banta ang kaniyang pinsan sa kaniyang pamumuno.Madilim ang mukhang lumapit si Henry kay Althaia, saka ipinatong ang mga palad sa silyon ng trono nito at yumukod upang magpantay ang kanilang mga mata."Nasa Dunca
NATULALA si Clyde sa pagkabigla sa pag-alok sa kan'ya ni Callie na magtanan. Ilang segundo niya munang tinitigan ito upang tiyakin kung seryoso ba ito sa mga sinabi.Mula naman sa kinauupuan ni Callie, kitang-kita niya sa mukha ni Clyde ang kaba at dinig niya rin ang malakas na kabog nang dibdib nito. Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Hera kahapon ay nabuo ang kaniyang desisyon na lisanin na lamang ang Duncan Mills at iwanan ang mga taong naging parte ng kaniyang buhay roon upang hindi na madamay ang mga ito sa gulo sa pagitan nila ni Althaia.Tinawanan niya na lamang si Clyde upang pahinahunin ang nararamdaman nito."I was just joking," bawi niya sa nauna niyang sinabi.Nakahinga naman nang maluwag si Clyde at natawa na lang din. "You got me there for a second."Ngumiti si Callie at matamang tinitigan si Clyde. "Pero kung totoo iyong sinabi ko... Papayag ka ba?"Tumawa si Clyde at sumandal sa upuan sabay pinagkrus ang mga braso. "Hindi mo gagawin iyon, Callie. Alam ko kung gaano kataas
NANG hindi datnan ni Hera si Callie sa DM University ay tinawagan niya si Mercy upang alamin kung nasaan ito. Nang sabihin sa kaniya ni Mercy na pumasok na raw ito sa paaralan ay may hinuha na siyang pinagtataguan siya nito dahil hindi niya maamoy o maramdaman ang presensya nito sa kahit saang parte ng unibersidad. Kahit ilang beses niya ring tawagan ito ay hindi siya nito sinasagot kaya naman ang sunod niya nang pinuntahan ay si Clyde na kasalukuyang nasa duty nito.Patago niya lamang na sinubaybayan si Clyde subalit sa ilang oras na pagsubaybay niya sa mga kilos nito ay napagtanto niya na wala itong alam sa kinaroroonan ngayon ni Callie.Inabot na siya ng gabi sa kalilibot sa mga lugar na sa tingin niya ay posibleng puntahan ni Callie subalit nabigo pa rin siyang makita ito. Hindi niya na mapigilang mainis kay Callie dahil sa oras na naaaksaya nila na sana ay ginugol na nila sa paghahanda sa pagharap kina Althaia at sa pack nito.Sinubukan niya ulit na tawagan si Callie subalit katul
13 years later..."KAILAN po kayo babalik ulit, Mommy?" nakangiting tanong ni Morgan sa Mommy Aimen niya na kausap niya through a video call.Matagal nang naninirahan sa ibang bansa si Aimen at doon na rin ito nakabuo ng sarili niyang pamilya. Natupad na rin nito ang pangarap na maging isang fashion designer. Sa kabila ng pagkakaroon na ng sariling pamilya, taon-taon pa rin itong umuuwi para bisitahin ang kapatid niyang si Allen at ang anak na si Morgan. Mabilis namang nakapag-adjust si Morgan sa set-up nila. Matalino ito at nauunawaan nito na hindi katulad ng ibang mga normal na tao ang pamilya nila.["Miss mo na ba ako, huh, baby?"] nakangiting tanong ni Aimen kay Morgan."Mom, dalaga na po ako," kakamot-kamot sa batok na sabi ni Morgan.Natawa nang mahina si Aimen pagkatapos, umiling-iling. Napangiti naman si Morgan nang bigla na lang sumulpot sa screen ang mukha ng tatlong taong gulang na kapatid niyang si Kenny. Nakisingit na rin ito sa pag-uusap nila ng Mommy Aimen niya. Sandali
MULA sa loob ng nakaparadang van, tahimik na tinatanaw nina Calista at Althaia sina Aimen, Clyde, at Morgan na masayang magkakasama sa parke. Karga-karga ni Clyde si Morgan habang si Aimen naman ay nakangiting pinupunasan ang palibot ng labi ni Morgan dahil sa kumalat ang kinakain nitong ice cream.Sinulyapan ni Althaia si Calista na nakaupo sa shotgun seat. Nakangiti man ay nabakas niya sa mga mata nito ang inggit kina Clyde at Aimen. That was her dream—ang bumuo ng pamilya kasama si Clyde. Subalit tila sa ibang tao na ng lalaki tutuparin iyon.Ibinalik ni Althaia ang tingin kina Aimen at saka muling sinariwa ang huli nilang pag-uusap.(Flashback)Halos kinse minutos nang nakaupo sa bintana ng kusina si Althaia subalit hindi pa rin napapansin ni Aimen ang presensya niya sa lalim ng iniisip nito. May hinuha siya sa dahilan ng paglalayag ng isip nito."I heard nagkita na kayo."Pumuno sa buong kusina ang tunog ng pagkabasag ng pinggang hawak ni Aimen nang magulat sa biglang pagsasalita
ILANG metro mula sa mga taong-lobong nagsasayawan sa palibot ng malaking siga, nakaupo sa isang malaking troso si Calista katabi sina Althaia at Mang Sebastian. Tahimik lamang na pinanonood ng mga ito ang mga katribo sa kanilang mga ginagawa.Hindi magkamayaw ang tuwa na nararamdaman ng mga taong-lobo sa muling pagbabalik ni Calista. Sa gitna ng gubat, naghanda ang mga ito ng sari-saring pagkain at ipinagdiriwang ang ligtas na pagbabalik nito.Noong araw na naganap ang pakikipagsagupaan ng mga taong-lobo laban sa mga sundalo ng WW-Force, nang humupa ang labanan at nakaalis na ang mga sundalo, bumalik si Althaia kasama ang ilan sa mga katribo niya para kunin ang katawan ng mga nasawi nilang kasamahan.Hinukay nila ang mga bangkay ng mga ito sa pinaglibingan ng mga kalaban at doon natuklasan nila na may ilan pa sa mga kasamahan nila na buhay at kasama na roon si Calista. Bagama't kalunos-lunos na ang sinapit, nabigyan ng pag-asa si Althaia nang matuklasan na may pulso pa ito.Ilang buwa
NAPAKO sa kinatatayuan si Clyde. Nakatulala kay Calista. Bahagyang bumukas ang bibig niya para magsalita subalit wala siyang mahagilap na salita sa rami ng gusto niyang sabihin at itanong kay Calista.Nakangiting lumapit si Calista sa hapag at inihain ang mga niluto. "Morgan honey, breakfast's ready."Mabilis namang binitawan ni Morgan ang mga laruan at patakbong lumapit kay Calista. Inilalayan naman ito ni Calista na makaupo sa upuan na bahagyang may kataasan. Bumaling ito sa kaniya at muli siyang nginitian. "What are you waiting for? Maupo ka na para makakain na tayo.""Y-you... you..." Hindi niya pa rin malaman ang dapat sabihin. Hindi pa rin siya makapaniwala na nasa harapan niya ito ngayon. Nanaginip ba siya? Totoo bang buhay si Calista?Bahagyang humaba ang nguso ni Calista na para bang nagtatampo nang hindi siya natinag sa kinatatayuan. "Should I just leave? Akala ko pa naman matutuwa kang makita ako.""Daddy, let's eat! I'm hungry."Sabay silang napalingon kay Morgan. Nakatingi
MABILIS na nagtago si Aimen sa likod ng sasakyan nang lumingon sa direksyon niya si Clyde. Nasa kabilang panig siya ng kalsada samantalang si Clyde naman ay nasa tapat ng kindergarten at katatapos lamang nitong ihatid si Morgan.Tutop ang bibig at tahimik na umiyak si Aimen. Sobrang nangungulila na siya kay Morgan. Mahigit isang buwan nang ganoon ang ginagawa niya. Palihim niyang sinusundan sina Clyde at Morgan kahit saan magpunta ang mga ito para lang masigurong maayos ang lagay ng mga ito.Malaki na ang nagbago kay Clyde. Nakapag-adjust na ito. Kagaya ng sinabi ni Aimen kina Allen at Althaia, naging mabuti ang epekto kay Clyde nang nasa poder na nito si Morgan. Hindi na ito nagkukulong sa kwarto at nakakangiti na rin paminsan-minsan. At para naman matustusan ang pangangailangan ni Morgan, naghanap na rin ito ng trabaho. Noong una, pumasok ito bilang salesman sa isang department store. Ngayon naman ay nagtatrabaho na ito sa isang maliit na academy bilang isang coach sa taekwondo ng
"YOU did what?!" Galit na naibalibag ni Althaia ang maliit na mesa sa harapan matapos marinig ang sinabi ni Aimen. Ibinigay nito kay Clyde si Morgan. Galit siya. Galit na galit. Tumayo siya sa kinauupuang sofa at nanggigil na itinaas ang mga kamay. Gusto niyang sakalin si Aimen pero pinilit niyang kontrolin ang sarili. "Idiot, idiot, idiot! Hindi ako makapaniwala na ipinagkatiwala ni Calista ang anak niya sa mga hangal na tulad niyo!"Tumayo rin si Allen sa sofa at nakasimangot na tiningnan si Althaia. "Hoy, alam kong galit ka but that's rude..." Nakakunot siyang bumaling kay Aimen. "Hindi ko rin nagustuhan ang ginawa ni Ate pero pag-usapan natin ito nang maayos."Huminga naman nang malalim si Aimen, saka naupo sa sofa. Wala siyang pinagsisisihan sa ginawa niya. Naniniwala siya na iyon ang makabubuti para kay Clyde."Tell me, ano'ng masamang espiritu ang sumapi sa 'yo at binigay mo ang pamangkin ko sa lalaking iyon? You know he's unstable!" bulyaw ni Althaia.Tumango naman si Allen, sa
PABAGSAK na napaupo sa upuan si Allen. Nakahinga na siya nang maluwag nang sabihin ng doktor na malayo na sa panganib si Clyde. Buong akala niya talaga ay hindi na ito aabot pa ng buhay sa ospital sa dami ng dugong nawala rito. Tiningnan niya si Clyde sa hospital bed. Payapa itong natutulog ngayon. "You fool," mahinang sambit niya, saka bumaling kay Althaia na tahimik lamang na nakatayo sa isang tabi habang nakatingin din kay Clyde. Muli na naman siyang inusig ng kaniyang konsensya habang pinagmamasdan ito. Nang nakita niya kasi ito kanina sa harapan ni Clyde sa ganoong sitwasyon, ang unang pumasok sa isip niya ay ito ang salarin sa nangyari. Subalit nalaman niya na sinundan lang pala nito si Clyde dahil may kutob ito na may gagawin na naman itong hindi maganda. At tama nga ito dahil pagdating nila sa bahay ni Clyde ay halos katatapos lamang nitong maglaslas. "Akala ko ba galit ka sa kaniya? Bakit mo siya sinubukang iligtas?" tanong niya kay Althaia.Mula kay Clyde, lumipat ang walang
"WHAT is happening to Morgan?" nag-aalalang tanong ni Aimen kay Althaia. Matapos sabihin sa kaniya ni Clyde ang tungkol sa sinabi ni Morgan na alam na nito na siya ang ama nito ay ipinatawag niya kaagad kay Allen si Althaia. Nag-aalala rin siya dahil sa murang gulang ay nagpapakita na si Morgan ng mga katangian ng isang taong-lobo. "Hindi ba masyado pa siyang bata para mag-shift?"Mula sa bintana, lumapit si Althaia kay Aimen at naupo sa tabi nito sa sofa. "Maybe she's an early shifter," sabi niya, saka ipinahinga ang mga braso sa tuhod at pinagsiklop ang mga daliri. Masama ang tinging ipinukol niya kay Clyde na nakaupo naman sa kasalungat nilang sofa. Galit pa rin siya rito."Is there such thing?" naguguluhan namang tanong ni Allen na katabi ni Clyde sa sofa.Umirap si Althaia at nagpakawala ng buntonghininga. Pinagkrus niya ang kaniyang mga braso at tiningnan ang mga kasama. "That was just my theory. Kung mayroong late shifters then there's a probability na mayroon ding early shifter
HALOS mag-iisang oras nang nakatitig si Clyde sa lubid na nakalapag sa sahig sa loob ng kaniyang silid. Sa tabi naman niyon ay ang isang nakatumbang maliit na silya at ang nahulog na ceiling fan.Mugto ang mga matang kinuha ni Clyde ang bote ng alak na nakalapag sa sahig at tila uhaw na uhaw na nilagok ang buong laman niyon. Pagkatapos, hinimas niya ang kaniyang leeg na may marka niyong lubid. Kani-kanina lamang kasi ay sinubukan niyang wakasan na ang sariling buhay. Subalit sa ilang minuto pa lamang na lumipas na nakabigti, bago pa man siya tuluyang nalagutan ng hininga ay biglang bumigay iyong ceiling fan kung saan niya itinali iyong lubid dahilan para bumagsak siya sa sahig at maudlot ang plano niyang pagpapakamatay.Habang nakasalampak sa sahig, lumuluha na dinampot ni Clyde ang larawan ni Calista na nakalapag sa kaniyang tabi."Ano na'ng gagawin ko, Callie? Parang pati si Kamatayan ayaw na rin akong pakinggan."*****"SAAN ka pupunta ng ganitong oras?" usisa ni Allen kay Aimen nan