“Saan ba talaga tayo pupunta?” hinihingal na tanong ni Penelope sa sinusundang lalaki.Inaya siya nitong ikutin ang isla, pero mukhang hindi naman ito marunong magpahinga. Tuloy-tuloy lang ito sa kalalakad na para bang wala itong kasama roon.Lumingon sa kanya ang nasa di-kalayuang si Timothy. “You’ll see.” Excited na sabi nito at muling nagpatuloy sa paglalakad.Wala siyang nagawa kundi ang sundan ito. Mabuti na lang at wala naman silang ibang nilalakaran kundi damuhan at mga bato. Kung nagkataong matataas na puno iyon o di kaya ay mga kugon, baka tumakbo na s’ya pabalik ng villa.Bahagya niyang binilisan ang paglalakad upang makasabay dito. Malayo-layo pa rin s’ya sa lalaki ng marinig niya itong sumigaw.“We’re here!” anito.Napabilis naman ang lakad niya at humihingal na tumabi rito, pagkuwa’y kunot-noong iginala ang mga mata sa paligid. Wala naman s’yang ibang nakikita roon kundi mga damo, ligaw na bulaklak at manaka-nakang puno.Nakapamewang na hinarap niya ang lalaki.“Is that i
Hindi humihingang matagal siyang napatitig sa katawan nito lalo na sa—napalunok s’ya. At dahan-dahang namilog ang kanyang mga mata ng unti-unting nabuhay ang kanyang tinititigan.Mabilis na lumipad ang kanyang pansin sa mukha ni Timothy. She saw him breathe heavily while his lips twitched a bit. And when their eyes met, he never hide the burning passion and desire he was feeling. Para iyong tumatagos sa katawan nito papunta sa kanya.Nanuyo bigla ang kanyang lalamunan. Ang nakadadarang na init na kanyang nadarama ay mas pinatindi pa ng init nang panahon.“You should be running right now, My Dear Wife. Or else…” anito at sinadyang bitinin ang sinasabi, pagkuwa’y hinagod s’ya ng tingin mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay balewalang dahan-dahang naglakad palapit sa kanya.Bigla namang nagpanic ang isip niya. Wala sa loob na mabilis niyang isinara ang pintuan at napaigik na lang s’ya ng tamaan noon ang kanyang tuhod.“Sh*t!” Kagat-labing wika niya at mariing napapikit habang hawak ang na
Marahas namang napahugot ng hininga si Timothy at mabilis na pinigilan ang kanyang kamay.“Don’t push me to my limit, Penelope.” Paanas na wika nito sa nagbabalang tinig. “Dahil hindi mo alam kung gaano kahirap subukang pigilan ang sarili.”Ngunit hindi man lang s’ya nakaramdam ng kahit na kaunting takot sa sinabi nito. Bagkus ay mas lalo pang lumakas ang loob niya.Mapang-akit na idinikit niya ang katawan dito bago ngumiti. “Really…?” aniya sabay kagat sa kanyang ibabang labi habang titig na titig sa namumulang mga labi nito. “I want to taste those— nang paulit-ulit. I want taste them again… it's sweetness and softness, na halos bumabaliw na isip ko.”Amused na napataas ang isang kilay nito. “As much as I want to believe everything you’ve said, hindi pa rin maitatangging lasing ka. And you are not yourself right now. Sigurado akong kapag nawala na ang kalasingan mo, pagsisisihan mo ang lahat ng ito.”Umiling s’ya. “I won’t regret what I’ve said. I meant them. Baka ikaw siguro ganoon.
“It’s really beautiful in here. Sana lang hindi na matapos ang gabing ito,” tila nangangarap na wika ni Penelope habang nakatingin sa napakagandang kalangitan. Maraming bituin nang mga sandaling iyon at bilog na bilog din ang b'wan. “You can stay a little bit longer here. Pwede namang ako na lang muna ang umuwi kung gusto mo,” ani Timothy habang inaayos ang bon fire sa harap nila. “How I wished I could do that,” aniya at binalingan ito. “Pwede naman nga… Wala namang pumipigil sa ‘yo. You can stay here as long as you want.” “Para mo na ring sinabi na ayaw mo akong makasama sa iisang bahay,” kunwari ay may paghihinampong wika niya na sinabayan pa ng paninilos ng kanyang nguso. Natawa naman ito. Hindi na sila madalas magbangayan kagaya ng dati. At nasanay na rin s’ya sa ganoong usapan nila. Paminsan-minsan ay inaasar pa rin s’ya ng asawa, pero madali naman itong bumabawi sa kanya. Sa loob nang isang linggo, nagbago ang samahan nila. Para silang naging magkaibigan. At aminin man niy
Sa pagbalik nila sa Maynila, sa bahay ni Timothy sila tumuloy. Ngayong mag-asawa na sila, habang-buhay na rin silang magsasama sa iisang bubong.The house was located in a prestigious subdivision na mga pinakamayayamang tao lang sa bansa ang nakatira. Mula sa mga negosyante, politiko, mga mahahalagang personalidad sa lipunan, at ilang sikat na artista na nagmula sa mayamang angkan. They owned a property there na milyon-milyon ang halaga bawat isang lote.Hindi man bago sa ganoong karangyaan si Penelope, ngunit lubos pa rin siyang napahanga sa narating na ng kanyang asawa. Hindi maikakailang malayo talaga ang agwat nila sa isa’t isa kung yaman lang din ang pag-uusapan. Dahil ang kayamanan nila ay wala pa yata sa kalahati ng yaman nito, knowing that he was just in his prime.“Welcome to your new home, Mrs. Alvarez.” Nakangiting wika ni Timothy ng papasok na sila sa driveway.Kakaibang excitement naman ang naramdaman niya ng marinig ang sinabi nito. Ngayon ay totoo na talaga ang lahat. M
Nagising si Penelope na sumasakit ang kanyang ulo. At pagbukas ng kanyang mga mata ay madilim na sa labas.Napatingin s’ya sa relong nasa bisig. Alas-diyes na ng gabi ang nakalagay doon.Marahan s’yang bumangon at nagtungo sa banyo. Naisipan niyang maligo upang mawala kahit papaano ang sakit ng ulo niya.Masyado niyang dinamdam ang sitwasyon nila ngayon ni Timothy kaya matagal din s’yang nag-iiyak kanina. Ni hindi na nga niya namalayan na nakatulog pala siya.Habang nasa ilalim ng malamig na tubig ay malalim siyang nag-isip. Kung ganito ang gustong mangyari ni Timothy hahayaan na lang niya ang lalaki. Tutal nasa usapan naman nila ang pagkakaroon ng respeto sa isa’t isa . Siguro ay iyon din ang iniisip nito. Ang irespeto lahat ng magiging pasya niya.Hindi na lang siya aasa na madudugtungan pa ang kaligayahang nadama niya noong nasa isla pa sila. Kaya’t pipilitin niyang umakto ng normal sa harap nito upang hindi na ito mag-isip ng kung ano. At susubukan din niyang alisin ito sa kanyang
Paggising kinabukasan ay mabilis na naghanda si Penelope papasok sa opisina. Paglabas niya sa connecting door ay wala ng bakas ni Timothy ang naiwan sa kabilang silid. Kaya’t tuloy-tuloy s’yang bumaba sa dining area.“Kakain ka na ba?” bungad na tanong sa kanya ng kanyang Yaya Coring.“Oho,” maikling tugon niya bago naupo. “Anong oras ho umalis si Timothy?” tanong niya rito.“Ay maagang-maaga. Ang bilin nga eh huwag ka raw gisingin,” anito.Napaismid naman s’ya.Talagang sasabihin ‘yun ng lalaki dahil mabubuking sila kung hindi. Papasok at papasok sa kwarto nila ang kanyang Yaya dahil alam nitong papasok s’ya sa araw na iyon.“Kumain ho ba s’ya bago umalis?” muli niyang tanong. Ngumiti naman ang may-edad na babae sa kanya bago nito sinalinan ng tubig ang baso niya. “Ibang-iba ka na, hija... Ibang-iba ka na ngayong may asawa ka na. Alam kong maasikaso ka at maalalahanin. At natutuwa naman akong kahit papaano ay magkasundo kayong mag-asawa."Hindi naman s’ya nakaimik at nakayukong itin
Ilang araw pa ang lumipas at halos hindi sila nagpapang-abot ni Timothy sa bahay. Sa tuwing uuwi siya ay wala pa ito, at kapag naman papasok siya sa trabaho ay wala na rin ito. Sinasadya ba iyon ng lalaki para hindi niya ito makompronta o talaga lang busy ito sa trabaho nito? O baka naman talagang iniiwasan s’ya nito?Magkagayon man, hindi na lang niya inabala ang sarili na alamin ang dahilan. Baka lalo lang lumala at mauwi pa iyon sa pagtatalo nila. Ayaw din naman niyang magkagalit silang tuluyan.At gaya ng mga nagdaang araw, wala na naman si Timothy pag-uwi niya nang gabing iyon.“Kakain ka na ba?” tanong ng kanyang Yaya Coring ng mabungaran niya ito sa sala pagpasok niya.“Mamaya na lang, ‘Ya. Medyo busog pa ho ako, eh.” Matamlay na sagot niya at deretsong umakyat sa kanyang silid.Tumigil s’ya sandali sa kwarto ni Timothy at malungkot na pinaraanan ng kanyang mga mata ang loob niyon. Wala namang nabago. It was still the same when she came there. Siya lang talaga siguro ang nakar
“Curious lang ako,” aniya ng bahagyang lingunin ang asawa mula sa kanyang may likuran. Nasa Isla Catalina sila at nakaupo sa buhanganinan habang pinanonood ang papalubog na araw. Pagkatapos ng mga nangyari sa syudad ay mas pinili nitong magbakasyon silang muli doon. “What is it?” tanong nito. “Mahilig ka lang ba talagang magtago ng mga lumang gamit o nakakalimutan mo lang talagang itapon ang mga iyon?” curious na tanong niya rito. “Huh?” salubong ang mga kilay na sabi nito. Natawa s’ya bago muling tiningnan ang papalubog na araw sa kanluran.“You have antique things here in the island. Pagkatapos sa kwarto natin sa Manila may lumang kotse at lumang drawing na naka-frame ka,” sabi niya. Ito naman ang natawa. “Iyon ba? Galing ang mga iyon kay Mommy. She gave me that old toy when I was five. A Christmas gift. ‘Yung drawing naman na naka-frame ay ibinigay niya sa akin noong ma-ospital ako. Sabi niya noon mas madali raw akong gagaling kapag may nakita akong magagandang bagay sa pali
Walang kalaban-labang na nagpumiglas si Penelope ngunit malakas si Adam. Isa pa, nakatali ang mga kamay niya kaya napaiyak na lang s’ya sa kinakaharap na sitwasyon. Ngunit nagulat na lang ang lalaki nang makarinig ng putok ng baril at tamaan sa bandang may balikat. Nabitawan s’ya nito at uubo-ubo namang pinuno niya ng hangin ang dibdib. “Sh*t! Sh*t!” paulit-ulit na hiyaw ni Adam habang hawak ang dumudugong balikat. Tila sanay na sanay na iginala nito ang mga mata sa paligid. “Lay another finger on my wife’s body and you’ll be dead.” Nagngangalit ang mga bagang na wika ni Timothy habang marahang lumalapit sa kanila at hawak ang baril. Kasunod nito sina Brando, Hanz, Antonio, at isa pang malaking lalaki na hindi niya kilala. At lahat ay may kanya-kanyang baril na hawak.Napahagulhol naman ng iyak si Penelope ng makita ang kanyang asawa, habang si Adam ay tumatawa ng malakas at agad na may dinukot sa bulsa at itinutok sa kanyang leeg. Napatigil naman sa paghakbang si Timothy. “Akal
Umiling-iling ito. “Tsk… tsk… tsk… Hindi ka rin talaga magaling na artista ano? Kanina ko pa alam na gising ka na. Akala mo ba hindi kita pinagmamasdan mula sa labas?” nakalolokong wika nito. “And so? Are you going to kill me?” naghahamong tanong niya rito.Tumawa ito ng malakas. ‘Yung tipong paninindigan ng balahibo ang kahit na sino kapag narinig iyon. “At bakit ko naman gagawin ‘yon? Hindi pa ako nasisiraan ng bait, Penelope…” anito. “Pero kung magiging matigas talaga ang ulo mo, baka nga doon ka mauwi. Sa pagiging isang malamig na bangkay kagaya ng iba ko pang naging kasintahan.” Bigla ay nagbago ang anyo nito at nanlisik ang mga mata. Hindi naman siya nagpahalata na natatakot dito, dahil alam niyang lalo lang iyong ikatutuwa ng lalaki. “Alam mo ba…” anito at itinalikod ang suot na sumbrero. Pagkuwa’y humila ito nang isang upuan at naupo paharap sa kanya. “Alam mo bang itong kinalulugaran natin ngayon ay ang bahay-ampunan na pinanggalingan ko? Dito ako lumaki until makakuha n
"Wait, what? What did you say?" sunod-sunod niyang tanong rito. "You’re one month pregnant," walang ligoy na tugon nito.“I’m what!?” bulalas niya at mabilis na napabangon sa pagkakahiga.“Hey…” ani Candice at agad s’yang inalalayan. “Kasasabi ko lang na bawal kang maggagalaw dahil baka mapaano ang baby mo, eh,” sermon nito sa kanya.Natigilan naman s’ya at muling bumalik sa pagkakahiga.“A-Are you sure I... ahm.. I’m…” naluluhang hindi naman niya maituloy ang sasabihin dito.Naramdaman niyang hinawakan nito ang palad niya at pinisil iyon. “It’s alright… you’re doing fine. Huwag kang mag-alala, nasisiguro kong okay lang ang baby mo. The doctors were just wanted to be so sure about it. But, nonetheless, you and your baby were both fine," mahinahong sabi nito.Maluha-luhang ngumiti s’ya rito.“Thanks… kung hindi siguro kayo dumating kagabi baka napahamak na kaming tuluyan,” sising-sising wika niya.“Don’t mention it. Kahit naman siguro ibang tao ang makakita sa ‘yo tutulungan ka pa ri
“Kuya?” bungad sa kanya ni Letizia ng mababaan s’ya nito sa salas ng mga ito. “Where is your husband?” kaagad ay tanong niya rito. Napakunot ang noo nito. “Upstairs. Bakit? May problema ba?” tanong nito. Hindi ito sumagot. Balisang nagpaikot-ikot s’ya sa harapan nito, habang manaka-naka’y tumitingin sa itaas. “Kuya…? May nangyari ba?” nag-aalala ng tanong ni Letizia. “Where is Penny?” Marahas niyang naisabunot ang mga kamay sa buhok ng marinig ang sinabi nito. “I… I don’t know.” Litong tugon niya. “What do you mean you don’t know? Hindi ba s’ya umuwi sa inyo kagabi?” naguguluhang tanong nito. Napatingin s’ya rito. “What do you mean?” “She came here yesterday. At sabi n'ya dederetso s’ya sa inyo pagkaalis niya dito,” anito. Nag-isang linya ang kanyang mga kilay. “Narito s’ya kahapon? Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?” galit niyang tanong sa kapatid. “Hey!” mataas ang tinig na wika nito. “Hindi ka naman tumatawag sa akin para magtanong, hindi ba?” “But I was searching fo
Bago umuwi sa kanila ay tinawagan n'ya muna si Timothy upang sabihin dito na huwag na siyang daanan sa opisina. Nagtaka man ang kanyang asawa pero hindi na ito nagtanong pa. Pagdating sa kanila ay naroon na rin ito. Nasa garahe na ang kotseng ginamit nito kanina kaya madali s’yang umakyat sa itaas. Naabutan niyang bahagyang nakaawang ang pintuan ng kanilang silid. Itutulak na sana niya iyon ng marinig na nakikipagtalo sa telepono ang kanyang asawa. “No, Dad! Hindi ba sinabi mo sa akin noon na mananatili pa rin ang daddy ni Penelope sa posisyon niya bilang CEO ng Valencia Telecom? Then, why are you insisting yourself to take over his position?” galit na sabi nito. Napatda naman s’ya. Anong ibig sabihin ng kanyang asawa sa sinasabi nito? Sino ang magte-take over?“Gambling? Sino? Si Juancho Valencia? Paano naman ninyo nasabi iyan?” sunod-sunod na tanong nito pagkuwa’y matyagang nakinig sa sinasabi ng kausap. “No. I don’t believe you. Baka sinasabi n'yo lang ‘yan dahil gusto ninyong
Halos ayaw ng pumasok ni Penelope sa trabaho ng sumunod na araw. Idagdag pa ang palagiang pagsakit ng ulo niya nang mga nakaraang araw na hindi niya rin maipaliwanag kung bakit. Hindi naman niya masabi iyon sa asawa dahil ayaw niyang mag-alala pa ito. But she doesn’t have any choice, but to go to work that day. Kung hindi s’ya papasok, baka may ibang tao na makakita ng susunod na ipapadala ni Adam doon at iyon ang ikinakatakot niya. Pagdating sa opisina ay tuloy-tuloy siya sa kanyang silid at mabilis na ini-lock ang pinto. At pagkuwa’y dahan-dahan niyang nilingon ang ibabaw ng kanyang lamesa. Napahawak s’ya sa dibdib kasabay ng malalim na paghinga, ng makitang walang kahit na anong nakalagay doon maliban sa kanyang mga gamit. Marahan ang mga hakbang na lumapit s’ya sa kanyang lamesa. At pagkababang-pagkababa niya sa bag ay eksakto namang may nahulog na kung ano sa pinaglapagan niya niyon. Isa iyong sobre. Halos hindi humihingang dinampot niya iyon at dahan-dahang binuksan. Pakira
May isang minuto na halos walang tigil ang kung sinumang tumatawag na iyon sa kanya, ay hindi pa rin niya iyon sinasagot. Tila kinakapos ng hiningang napatitig s’ya sa bumagsak na larawan sa sahig. Nanginginig ang kamay na dinampot niya iyon, habang mahigpit na nakatakip ang isa pa niyang kamay sa bibig upang hindi kumawala ang impit niyang pagtili roon. Pakiramdam niya anumang sandali ay sasabog ang ulo niya. Gusto ring kumawala ng mga luha sa kanyang mga mata, ngunit parang may pumipigil sa kanya na gawin iyon. She felt so restless and helpless at that moment. Nawalan ng lakas ang mga tuhod niya at napaupo na lang sa kanyang upuan. At ang gimbal na isip ay muling pinukaw ng pagtunog ng kanyang cellphone. Wala sa loob na dinampot niya iyon. Tanging numero lang ang nakalagay sa caller ID kaya muli n’ya rin iyong ibinaba. At mukha namang napagod na ang tumatawag na iyon sa kanya dahil tumigil na rin iyon sa wakas. Hapong-hapong napasandal s’ya sa kinauupuan habang mariing minamasah
“Ma'am may nagpa-deliver po nito sa inyo,” ani Cindy pagdating niya sa opisina. Malapad naman s’yang napangiti ng makita kung ano iyon. Isang pumpon iyon ng kulay pulang rosas. “Thanks,” aniya sa sekretarya at kinikilig na kinuha ang mga bulaklak. Dinala niya iyon sa loob ng kanyang opisina habang manaka-nakang sinasamyo. Pagkapatong sa kanyang lamesa ay agad niyang tinangnan kung may card iyon na kasama, pero wala naman siyang nakita. Kaya agad niyang kinuha ang telepono at tinawagan ang asawa. “At kanino ko dapat ipagpasalamat ang pagtawag mong ito?” bungad nito mula sa kabilang linya. “Well, Mr. Alvarez, hindi ba dapat na iniabot mo na lang sa akin kanina ang mga ito kesa ipinadeliver mo pa?” natatawang sabi niya. Narinig niyang may kumalansing na kung ano sa kabilang linya. Nahihinuha niyang nagkakape ito nang mga sandaling iyon, base na rin sa tunog ng kutsara na kanyang narinig. “Sh*t!” malakas na pagmumura nito. Kaagad naman s’yang napatayo sa kinauupuan. “Why? What hap