“Who’s that?” tanong ni Jacinta nang maibaba niya ang telepono. Ito ang babaeng sinasabi ng kaniyang ama na i-date daw niya. Senator Conrad Quirino’s only daughter. Ang senador na may pinakamaugong na pangalan sa senado. At maugong din ang pangalang tatakbo bilang pangulo ng bansa sa susunod na halalan. Nakakalokong napangiti siya sa sarili. So, his father was now up to political clans. At talagang pinag-aralan nitong maigi kung kaninong angkan ito makikinabang. Hindi na talaga ito nagbago. Napatingin siya sa babae. “Nothing,” aniya at kinuha ang menu na iniabot ng waiter kanina. Subalit wala sa nilalaman niyon ang isip niya. Na kay Yeisha iyon na katatawag lang. Hindi niya mapigilan ang hindi mag-alala rito. Kung hindi siya nagkakamali nakaringgan niya ang paghikbi nito kanina. Umiiyak ba ang babae? Pero bakit? May nangyari ba? May problema ba ito? Pero bakit siya ang tatawagan nito? Was it about her second ex-husband? Sa naisip ay napahigpit ang pagkakahawak niy
“Y-You're here,” ani Yeisha nang mabungaran si Hanz sa sala, habang nakapamulsa at tila kaylalim ng iniisip. She was in the kitchen when Manang Andeng called and informed her that she had a visitor. Wala naman siyang ibang magiging bisita sa casa kun’di ang lalaki. But she was still surprised to see him. After what she did last night, medyo nakaramdam siya ng hiya na harapin ito ngayon. Lumingon ito sa kaniya. “And who do you expect to come and see you here?” seryosong tanong nito. Umiling siya. “Have a sit,” aniya at nauna ng naupo sa sofa. “What brought you here at this hour?” Alas-diyes pa lang ng umaga at wala naman itong sinasabi na pupunta roon. “I came here because of this,” anitong hindi man lang nakuhang umupo. Iniabot nito sa kaniya ang isang makapal na folder. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay. “What’s this?” takang tanong niya. “See it for yourself.” Bukod sa napansin niyang nagtatagis ang mga bagang nito, nakalarawan sa mga mata ng lalaki ang matinding galit na
Nagulat pa siya nang tumigil ang sasakyan nito sa tapat ng isang di-kalakihang clinic. “W-What are we going to do here?” nababahalang tanong niya sa kaibigan. “Relax. The owner is a friend of mine. You’re safe here,” anito bago nakangiting binalingan ang apat na taon ng si Harvey na nakaupo sa backseat. “Will just go with Mommy inside, okay? She has stomached and she needs some medicine. After that will go to your favorite ice cream shop,” malambing na kausap nito sa anak niya. Nakangiting sunod-sunod na tumango si Harvey. “Okay, Nong...” Iyon ang nakasanayang itawag kay Bailey ni Harvey, kaya bahagya siyang sinimangutan ng kaibigan. She taught that to Harvey, and Bailey never likes calling him like that noong malaman nito kung ano ang ibig sabihin ng salitang iyon. Lalaking-lalaki raw kasi ang dating. “Let’s go?” At nagpatiuna ng bumaba si Bailey. Ito na ang umalalay kay Harvey pagbaba hanggang sa makapasok sila sa loob ng clinic. Sinalubong sila roon ng isang doktora n
Pagak siyang natawa na ikinakunot ng noo nito. “What are you saying?” aniyang hindi pa rin mapaniwalaan ang narinig. Ano bang aasahan niya sa isang taong halos kasuklaman siya hanggang buto? He hated her since that night. Ni hindi nito nagawang kausapin o pakinggan man lang siya noon kahit na isang beses. So, ano pa bang dapat niyang asahan dito? But now, he's saying those words na para bang walang nangyari? Na para bang hindi siya nasaktan? Ano bang tingin nito sa kaniya? Manhid? “I already said what I’ve just said. Hindi ko na kailangan pang ulitin iyon.” And regret was shown in his eyes. Napailing siya kasabay nang malakas na pagtawa. Iyong tipong para siyang nasisiraan ng bait. At makaraan ang ilang saglit ay tumigil siya at galit itong tinitigan sa mga mata. Her ocean-blue eyes were like blazing in flame. “Do you know how much it hurts when you left me just like that? Do you know how much it hurts when the man who promised to love me for better or for worst walk awa
“What is this, Dad?” tanong niya sa ama na pigil na pigil ang pag-alsa ng galit sa dibdib. Sa tuwi ba namang naroon sina Yeisha, his father will come unannounce? At talagang isinama pa nito roon si Jacinta; na nakalimutan na niyang tawagan after he ditched her out. Nakapangako nga pala siya rito na babawi siya. “Hi, Hanz!” nakangiting bati ng babae sa kaniya nang makalapit, at walang ano-anong hinalikan siya sa pisngi. Nakasuot ito nang napakaikling shorts at spaghetti strap na damit. Sinabi siguro rito ng kaniyang ama na may beach sila kaya ganoon ang ayos nito. “Hi,” alanganing ganting bati niya rito. Nilingon niya ang mag-ina na nasa di-kalayuan. At kitang-kita niya kung paano sila titigan ni Yeisha. Namimintana sa mga mata nito ang panibugho, lalo na ng ipulupot ni Jacinta ang braso nito sa kaniya. “Where is Sideng? Bakit ikaw ang gumagawa niyan?” tanong ng kaniyang ama na ang tinutukoy ay ang mayordoma sa villa. “She’s at the villa. May inaasikaso,” aniyang hindi hin
California “Is this where you live?” tanong ni Hanz na kay Harvey nakatingin. Nakangiting sunod-sunod itong tumango, pagkuwa’y hinila siya sa kamay. “Come inside, Tito Hanz. Mommy and I decorated the whole area and I think you’ll gonna love it,” may pagmamalaki sa tinig na turan nito. Nagpahila naman siya rito. Nauna na sa kanila si Yeisha sa loob ng apartment ng mga ito bitbit ang ilang gamit. “Tada!” ani Harvey nang makapasok sila. Iginala niya ang mga mata sa paligid habang ibinababa ang maleta ng mag-ina. The house was very cozy in its rainbow color. May maliliit na stickers ng kung ano-anong hayop at sasakyan na nakadikit sa dingding; na nasisiguro niyang si Harvey ang may gawa, katabi ng hilera ng mga picture frames nito at ni Yeisha. Ang floor to ceiling na pintuan papunta sa maliit na balcony sa labas ay nakukurtinahan ng puti na may print ng iba't ibang cartoon characters. May maliit na cabinet sa isang tabi na puno ng kung ano-anong laruan. May pantatluhang sofa,
“Does he sleep now?” tanong ni Hanz sa kaniya paglabas niya ng silid ng anak. Tumango siya at nagtungo sa lamesa. Kumuha siya ng baso at sinalinan iyon ng tubig. Pagkuwa'y uminom. Mataman lang namang nakatingin sa kaniya si Hanz na hanggang ngayon ay naroon pa rin at hindi umaalis. She didn’t know why, but she felt a little bit nervous around him. “I already informed Christian that we’re here. Bukas ay makikipagkita ako sa kaniya to check some documents at para malaman ko na rin ang lagay ng kaso. We could file a case against Dereck for domestic violence. Hindi na lang iyon grounds para sa divorce ninyo. At mas lalaki ang tyansa na ikaw ang panigan ng korte para sa custody ni Harvey,” mahabang paliwanag nito. Tumango siyang muli habang nakatingin sa kawalan. Sumandig sa dingding si Hanz at humalukipkip. “What are you thinking?” Napatingin siya rito. Muntikan pa siyang maubo nang makita kung paano siya titigan ng lalaki. He was looking at her with so much tenderness in
“Sshhh... I’m here. I’m already here. Nothing's gonna happen with you as long as I’m here,” masuyong sambit ni Hanz habang pinapahiran ang kaniyang mga luha. “S**t!” malakas na mura nito nang makita ang nagsisimula ng mamagang pisngi niya. Muli ay galit nitong hinarap si Dereck. “D**n you! You’ll going to pay for this! I'll make sure you’ll never lay even the tip of your finger to Yeisha and Harvey,” nanggagalaiting turan nito. Dereck sarcastically laughed. “And how will you do that? I am Harvey’s father and nothing’s gonna ever changed that fact,” patuya nitong tugon. “Yeah, I know… But do you think Harvey will let you go near him or his mother if he knew what you did?” Mabilis na tumayo si Dereck. At sa naniningkit na mga mata ay lumapit sa kanila na nakaaro ang isang kamay. “Daddy...” anang namamaos na boses ni Harvey. Kinukusot pa nito ang mga mata na mukhang nagising sa kumosyong nilikha nila. Nabitin sa ere ang kamao ni Dereck. At parang iisang taong napatingin si
“Hanz. . .” masuyong tawag niya sa asawa. Subalit ilang sandali na ang nagdaan ay hindi pa rin ito tumutugon. “Babe!” Nilakasan na niya bahagay ang tinig para marinig nito. Humahangos namang lumapit ang lalaki. “What is it, Babe?” tanong nito sa kaniya na sa salamin nakatingin. “Can you help me pulled this zipper?” Itinuro niya ang likuran na hindi makayang abutin ng kamay niya. Mabilis itong tumango. Napansin niyang tahimik lang ito. “May problema ba” tanong niya nang harapin ito. Umiling ito na tutok na tutok ang mga mata sa kaniya. “What’s the matter, Babe? Pangit ba ang suot ko?” takang tanong niya rito. It was Augusto Alvarez’s seventy-fifth birthday. Si Hanz mismo ang pumili ng gown na isusuot niya sa gabing iyon. Sanay na kasi siya sa asawa na alam ang babagay na damit sa kaniya. Daig pa nga nito ang stylist niya noon sa pagmomodelo kung gaano kamitikuloso. But even so, panay papuri naman ang naririnig niya sa mga taong nakakakita sa kaniya. Nakita n
“What’s happening here?” tanong ni Yeisha sa ina at kapatid, nang mabungaran ang mga ito pagkagising. Naroon din si Bella na kalaro ni Harvey sa labas. Lumapit siya rito. “I invited them.” Hinalikan niya ito sa noo. Regular na ganoon sila araw-araw. At nahahalata niyang nasasanay na sa ganoong gawi niya si Yeisha. “Why? Anong mayroon? May okasyon ba?” sunod-sunod na tanong nito na nilapitan sina Andrea at Miranda. “Kailangan bang may okasyon para bisitahin ka namin dito?” ani Andrea pagkatapos itong halikan sa pisngi. Umiling ito at ang ina naman ang ginawaran ng halik. “Hindi naman sa ganoon. This was just. . . unexpected. Sana sinabihan ninyo ako para naipaghanda ko kayo nang pananghalian.” “There’s no need to do that. I already asked Manang Sideng. Maya-maya lang ay luto na ang mga iyon,” singit niya. Nilingon siya ng babae na nakataas ang mga kilay. Kapag titingnan siya nito nang ganoon ay nawawala sa isip niyang may pinagdadaanan ito. At naiisip niyang baka nagk
Pilipinas, Villa Catalina “No. . . no. . . Stop it!” sumisigaw na wika ni Yeisha mula sa silid nito. Napatigil sa paghakbang si Hanz nang matapat doon. Pinakiramdaman niya ito mula sa loob. “Please. . . I will not do it again. Please forgive me. . .” paulit-ulit na pagsusumamo nito. Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan ng silid nito. Madilim sa loob at tanging liwanag ng buwan ang nagsisilbing ilaw roon. Lumipad ang mga mata niya sa kama ng babae. Naroon ito at nakapamaluktot habang nanginginig ang buong katawan. Mabilis siyang napalapit dito at binuksan ang lampshade sa side table. “Yeisha. . . Yeisha. . . Wake up. You're having a bad dream,” paanas niyang sambit. Butil-butil ang pawis nito sa noo nang magmulat ng mga mata. “H-Hanz?” nanginginig ang mga labing turan nito. “Yeah, it’s me.” Napabangon ito at mahigpit siyang niyakap. Ramdam na ramdam pa rin niya ang panginginig ng katawan nito. “I’m scared, Hanz. I'm scared. . .” tila nagsusumbong na wika ni
“Where are you?” nag-aalalang tanong ni Hanz kay Yeisha, na sa wakas, after calling her for twentieth times ay sinagot din ang telepono. “I-I. . . I went somewhere,” alanganing tugon nito. He can sense the worriedness in her voice. “Tell me the truth, Yeisha. Dahil ayokong pati ikaw ay mawala sa akin,” tumatahip ang dibdib na wika niya. It's been a week since Harvey went missing. Ayon kay Bernard, pinakilos na ng ama nito ang mga tauhan sa paghahanap kay Dereck. And anytime soon ay makikita na rin ito. Sinigurado iyon sa kaniya ng lalaki. But Yeisha seemed to be not herself sa nakalipas na dalawang araw. Hindi niya alam kung bakit. Sa isip niya ay dahil iyon sa hindi pa nila matagpuan ang anak nila. Subalit, lumakas ang kutob niya na may hindi ito sinasabi sa kaniya, nang bigla na lang itong magpaalam at uuwi sa apartment, habang kinakausap nila ang mga pulis kanina. At nang puntahan niya ito roon ay wala oon ang babae. “Don’t try to find me, Hanz. I am doing this
“Still no news?” namamaga ang mga matang tanong ni Yeisha sa kaniya nang balikan niya ito sa apartment. Iniuwi niya muna ito roon kanina, upang kahit papaano ay makapagpahinga ito. Subalit mukhang hindi rin naman iyon nagawa nito dahil sa matinding pag-aalala sa kanilang anak. Apat na araw na ang nakalilipas, ngunit hindi pa rin nila natatagpuan si Harvey o si Dereck. Walang makapagpagsabi kung nasaan ang mga ito. Noong pumunta sila sa eskwelahan ni Harvey ay nakuha sa CCTV ang pagpasok ni Dereck sa school premises nito. Kilala ng eskwelahan na anak nito si Harvey kaya walang kahirap-hirap na naitakas iyon ng lalaki. And the cops were having a hard time tracing Dereck’s location. Kahit sa bahay nito ay wala ang lalaki. At tila pinapatay silang pareho ni Yeisha nang matinding pag-aalala. They knew Dereck’s capabilities. Nasisiguro niyang hindi ito mangingiming saktan si Harvey, lalo pa nga’t malinaw naman na hindi nito anak ang bata. Umiling siya at naupo sa tabi nito. “Th
“Daddy?” ani Harvey nang makita siya nito sa playground sa loob ng eskwelahan. Nakangiting nilapitan niya ang bata. “Hi! I came by to see you,” ani Dereck at bahagyang luminga sa paligid. Walang gasinong tao sa mga sandaling iyon. “Where is Mommy? Have you seen her?” Tumingin ito sa may likuran niya na para bang inaasahan nitong anomang sandali ay lalabas doon si Yeisha. “Yeah. She’s waiting in my car. She asked me to pick you up because she wanted to give something to you.” Hindi nawawala ang ngiti sa kaniyang mga labi habang sinasabi iyon. “Really?” nanunukat ang tinging tanong nito. Mabilis siyang tumango. “Yeah. You could ask her yourself,” malumanay na wika niya. Hindi sumagot si Harvey. Kumibot lang ang mga labi nito. “Don’t you wanna see her?” aniya. Alanganing lumingon ito sa loob ng room nito, pagkuwa’y bumuntonghinga. “Please promise me one thing,” anito nang harapin siyang muli. “Go ahead...” “You will not hit Mommy again. Never,” mariing sambit nito.
Malikot ang mga matang iginala ni Yeisha ang paningin sa paligid. She makes sure na walang makakita sa kaniya ni isa man sa mga kasambahay na naroon. Nang masigurong walang kahit na sino sa paligid, tiyak ang mga hakbang na tinungo niya ang dating silid nila ni Dereck. She quickly managed to get in dahil hindi naman iyon nakakandado. Sanay ang dating asawa na iniiwan iyon nang ganoon. Tinungo niya ang dressing room. Dereck used to have a vault there, na naroroon na mula nang lumipat siya. Hindi niya iyon pinag-aksayahang buksan dati. Pero alam niya ang password niyon nang minsang buksan iyon ni Dereck habang nagbibihis siya. Madali ang mga daliring pinindot ang code na naisip. At isang click ang kaniyang narinig. Palatandaang bumukas iyon. She sighed. Pagkuwa'y dahan-dahan iyong binuksan nang may pag-iingat. Nang tingnan niya ang laman sa loob, may mga kung ano-anong mga mahahalagang dokumento tungkol sa agency nito at ilang ari-arian, kasama na ang bahay nito. Hinalungkat
“Let me...” awat ni Yeisha nang akmang bubuhatin ni Hanz si Harvey na nakatulog na sasakyan. “No. Let me.” At tinalikuran na siya nito pagkatapos kargahin ang anak niya. Napailing na lang siya sa sarili habang nakasunod sa mga ito. Mabilis niyang binuksan ang apartment nila at tuloy-tuloy namang dinala ni Hanz si Harvey sa kwarto nito. Ito na rin ang naghubad ng sapatos at umayos ng pagkakahiga ng anak niya. “Salamat,” mahinang usal niya. Tumango ito. Magkasunod nilang tinungo ang salas. “Do you want some coffee before you went home?” alok niya. Hindi naman siguro masamang gawin iyon. Pakonswelo na rin sa ginawa nito para sa kanilang mag-ina sa maghapong iyon. Harvey enjoyed so much the whole day. Walang sandaling hindi ito nakangiti o tumatawa. And her heart was filled. Punong-puno iyon ng kasiyahan. Seeing her son enjoying the life he should be. At kahit siya man ay hindi rin matatawaran ang sayang nadarama. And that’s all thanks to Hanz. “I’d love to. Kung hindi
“A theme park!? Really!?” nanlalaki ang mga matang bulalas ni Harvey nang makababa ito ng sasakyan. Halatang-halata sa mukha nito ang nadaramang excitement sa mga sandaling iyon. “Yes! And welcome to one of my most favorite place on earth!” hayag niya at sinulyapan si Yeisha na nasa tabi nito. Mataman itong nakatitig sa kaniya na tila ba may ibang tumatakbo sa isip nito. And he knew why. Palihim siyang napangiti nang muling tingnan si Harvey. “Have you been here before?” he asked. Umiling ito. “Not so. Just in small parks with kiddy rides. Mommy said it’s too dangerous to ride those.” Itinuro nito ang nakapakahabang roller coaster na natatanaw. Biglang natawa si Yeisha na ikinalingon nila ni Harvey rito. Hindi ito makatingin nang diretso sa kanila habang patuloy sa pagtawa. Kaya't hindi na maipinta ang pagmumukha niya. Nakikini-kinita kasi niya kung ano ang tumatakbo sa isip ng babae. At iyon ay ang unang beses na sumakay sila sa roller coaster na itinuro ni Harvey. Th