“Mananatili po ba ako sa trabaho ko, Mr. Wright?”Pakiramdam ni Ethan Wright mauubos na ang pasensiya niya. Sumandal siya sa upuan niya at niluwagan ang neck tie niya habang nakatingin sa assistant niya.Kasunod ng malalim na buntong hininga, sarcastic niyang sinabi, “Tinanong kita John, tapos sasagutin mo ako ng isa pang tanong? Sagutin mo!”“Pasensiya na, Sir. Opo. Dumating si Samantha Davis kanina, kailangan ng tulong para sa school requirement ng anak niya. Um… ano—wala siyang sapat na pera para bayaran ang enrollment fee.” Paliwanag ni John kung paano balak gamitin sanan ni Samantha ang employment certificate para maipasok sa school ang mga bata, “Sa huli, pinahiram ko siya ng pera.”“Aling school?” tanong ni Ethan.“Boss, nagkataon, na sa The North Bright Academy,” ulat ni John.“Hmmm,” sambit ni Ethan bago ipinahinga ang mukha sa kamao niya.“Anyway, Mr. Wright. Doon ko napansin na ang anak niya ay parang batang bersyon mo.” Tinignan ni John ang hubog ng mukha ni Ethan, m
“Gusto ko po sana i-enroll ang mga anak ko,” sambit ni Samantha sa registration office ng the North Bright Academy. Iniabot niya ang check bilang bayad, kasabay ng enrollment ng mga anak niya, bukod pa sa online evaluation na kinuha nila bago pa sila lumipat sa Braeton.May online discussion assessment ang academy, at ang gumagawa nito ay isa mismo sa mga teacher nila para may pagpipilian ang mga estudyanteng mageenroll mula sa ibang lungsod. Ito ang unang rason kung bakit pinili ni Samantha ang North Bright Academy.Napansin niya kung paano nabigla ang lady in charge sa papel na hawak niya, ang parehong babae na tumayo para may tawagan mula sa counter ilang metro ang layo habang naghihintay si Samantha.Noong bumalik ang babae, sinabihan si Samantha, “Miss Davis, puwede na ninyo dalhin ang mga bata sa teacher. Pareho silang naka assign sa K1 Kindness. Sasamahan ka ng isang teacher assistant maya-maya lamang.”“Kapag bumalik ka na, gusto ka makausap ng principal,” sambit ng babae n
Mula sa opisina ng CEO ng Wright Diamond Corporation, tinatapik ni Ethan Wright ang daliri niya sa lamesa, hindi siya halos makapagtrabaho habang iniisip ang mangyayari.Tiningnan ni Ethan ang oras at napagtanto na kalahating oras pa bago matapos ang task. Pero, nagulat siya dahil nakatanggap siya ng tawag na hinihintay niya, napaaga ng kalahating oras.Sumingkit ang mga mata niya matapos makita ang numero sa phone. Kalmado siyang sumandal sa upuan niya at sinagot ang tawag. Sinabi niya, “Sabihin mo.”“Mr. Wright, pumasa po ang mga bata sa assessment. Napakatalino po nila—nararapat po sa scholarship na inalok mo,” sambit ng babae mula sa kabilang linya. “Ibinalik ko na po ang check na ibinigay niya bilang bayad, tulad po ng utos ninyo.”Tumango si Ethan at sinabi, “Mabuti, Mrs. Kholi, salamat sa pag gawa mo sa trabaho mo. Ipagpapatuloy namin ang aming suporta sa academy sa kahit anong paraan na kaya namin, pero sa ngayon, sarado na muna ang scholarship program. Sapat na ang dami ng
“Mr. Wright. May biglaan kang emergency meeting,” sambit ni John Garcia pagaktapos pumasok sa opisina ng CEO.Napasimangot si Ethan sa sinabi ni John, at sinabi niya, “Hindi ako tumatanggap ng late meeting requests. Alam mo iyon John—”“Sir, si Mr. at Mrs. Song ng Changdai—sa kabilang kontinente.” Tumango si John bago nagpaliwanag, “Opo, nagkataon na nandito sila noong bumisita sa kamag-anak, kaya napagdesisyunan nila na makita ka.”Ngumisi si John at sinabi, “At least, iyon ang sinabi nila, pero sa tingin ko… inaassess nila ang lungsod kung nababagay ba ito para sa business nila.”Malinaw na makikita ang simangot ni Ethan. Tinignan niya ang oras at nakita na kalahating oras na lang bago dumating ang chef na inaasahan niyang bumisita.Sa kasamaang palad, importanteng mga tao si Mr. at Mrs. Song at kailangan niya silang makita.Sila ang may ari ng pamosong theme park na gumulat sa Asia, sinasabi na ito ang the best sa buong continente. Dahil ito sa family-oriented experience na ipinapar
Dalawampung minuto ang nakararaan.Isang cleaning lady ang nagvavacuum ng carpet sa eighteenth floor. Napansin niya na may sumusundot sa likod niya.Tumigil ang babae ng makakita siya ng dalawang cute na bata.“Hello, puwede ba kami ituro papunta sa main conference room?” tanong ni Kenzie habang nakangiti.“Um.” Naguluhan ang babae kung bakit may mga bata doon, pero binigay ng mga bata ang rason nila.“Ang Daddy namin ay nasa main conference room,” idinagdag ni Kenzie bago ngumiti muli.“Okay. Doon iyon,” Itinuro ng babae at sinabi, “Lumiko kayo sa kanan, at ang conference room sa gitna ang hinahanap ninyo.”“Salamat po, ma’am. Magandang araw po sa inyo,” sambit ni Kyle bago hinatak si Kenzie.Habang naglalakad ang dalawa patungo sa iba’t ibang opisina, may nakasalubong sila na empleyadong nagulat na makakita ng mga bata sa gusali. Pero, hindi pa rin tumigil ang kambal sa pagpunta sa conference room.Bumaba na sila mula sa twentieth floor, sumakay ng elevator patungo sa eighte
Ang isa pang assistant ni Ethan, na si Joel, ay tinulungan si Mr. at Mrs. Song palabas ng conference room at pababa ng lobby ng building.Pero ang CEO ng kumpanya, ay naiwan kasama ang dalawang mga bata, na sinasabing siya ang “Daddy” nila.Kahit na naging biglaan siyang ama, kailangan niyang pasalamatan ang mga bata dahil naging masaya ang paghihiwalay nila mula sa magasawang Song. Kaya, humarap siya sa batang babae na nasa braso niya at sinabi, “Salamat sa tulong mo. Para doon, makukuha mo ang kahit na anong gusto mo.”Si Kenzie, gamit ang maliit niyang mga braso, ay niyakap si Ethan at sinabi, “Walang anuman, Daddy!” inilagay niya ang daliri niya sa baba niya bago sinabi, “Gusto ko ng creamy doughnuts!”“Daddy, naglagay ako ng check sa checklist ko dito. Ito ang mga katangian ng Daddy namin. Ang lahat dito ay mayroon ka. Kaya, napagtanto namin, na ikaw ang aming Daddy, “bigla nagsalita si Kyle, ipinakita kay Ethan ang tablet niya.Napaisip si Ethan kaya tinanggap niya ang table
“Siguro—Siguro okay lang.” hindi mapigilan ni Samantha na magsalubong ang mga kilay niya, “I mean… isang dinner lang naman, tama?”“Oo, isang dinner lang. Bakit? Gusto mo pa ba ng isa pa?” tanong ni Ethan, habang nakataas ang baba ni Ethan sa kanya.Bumukas ang bibig ni Samantha, at inisip niya, “Paanong naging ganoon ang dating ng mga salita ko?”“Um. Hindi! Siyempre hindi,” naiilang na sinabi ni Samantha, “Isang dinner.”“Mabuti. Ipapahatid kita at mga anak mo sa hotel,” ideya ni Ethan.“Oh, hindi na kailangan,” sambit ni Samantha habang nakataas ang palad niya para tumanggi.“Kailangan ko. Ikaw ang dapat na lihim kong asawa,” sagot ni Ethan. “Anong malay natin, baka naghihintay pa sa labas si Mr. at Mrs. Song, inoobserbahan ang building.”Matapos ipatawag ang kanyang assistant, sinabi ni Ethan, “Ipapakontak kita kay John kapag paplanuhin na natin ang dinner.”“Okay, Mr. Wright. Sige, kita tayo soon,” sambit ni Samantha.***“Wow! Ang sarap ng mga donuts!” sambit ni Kenzie
“Mr. Wright, pasensiya na po talaga, pero ang records ni Miss Davis ay nakaseal!” siwalat ni Aiden, ang hacker na inupahan ni Ethan para imbestigahan si Samantha.“Anong ibig mo sabihin na nakaseal?” tanong ni Ethan habang hawak ang phone sa tenga niya. Nakasandal siya sa kanyang upuan, disappointed sa ulat ni Aiden.“Well, nakuha ko ang basic information niya at tulad ito ng iniisip mo. Anak siya ni General Winfield Davis,” ulat ni Aiden. “Nakahanap ako ng marriage certificate sa pagitan ng ina ni Miss Davis, si Sarah Turner, at si Winfield Davis.“At walang iba na Davis na nakatira sa lungsod o kalapit na mga lungsod,” dagdag ni Aiden. “Wala itong iba kung hindi ang heneral—”“Siguraduhin mo, Aiden!” sagot ni Ethan, tumaas ang boses niya. “Hindi ko gusto ng problema!”“Sa totoo lang, sir, ang karamihan sa records niya na nasa military ay nakablock sa loob mismo. Kaya, ang mapagtatanto ko lang ay may kinalaman si Miss Davis sa military. Anyway, tinignan ko ang lumang mga litrato