Share

Kabanata 10 Makita si Daddy

Mula sa opisina ng CEO ng Wright Diamond Corporation, tinatapik ni Ethan Wright ang daliri niya sa lamesa, hindi siya halos makapagtrabaho habang iniisip ang mangyayari.

Tiningnan ni Ethan ang oras at napagtanto na kalahating oras pa bago matapos ang task. Pero, nagulat siya dahil nakatanggap siya ng tawag na hinihintay niya, napaaga ng kalahating oras.

Sumingkit ang mga mata niya matapos makita ang numero sa phone. Kalmado siyang sumandal sa upuan niya at sinagot ang tawag. Sinabi niya, “Sabihin mo.”

“Mr. Wright, pumasa po ang mga bata sa assessment. Napakatalino po nila—nararapat po sa scholarship na inalok mo,” sambit ng babae mula sa kabilang linya. “Ibinalik ko na po ang check na ibinigay niya bilang bayad, tulad po ng utos ninyo.”

Tumango si Ethan at sinabi, “Mabuti, Mrs. Kholi, salamat sa pag gawa mo sa trabaho mo. Ipagpapatuloy namin ang aming suporta sa academy sa kahit anong paraan na kaya namin, pero sa ngayon, sarado na muna ang scholarship program. Sapat na ang dami ng
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status