“John, puntahan na natin si Miss Davis,” wika ni Ethan sa kanyang assistant. Lumabas siya ng opisina ng CEO ng walang sabi-sabi, sinasabi kay John na maghanda na siyang umalis.Ang resulta ay nagpanic si John. Tinignan niya ang orasan at sinabi, “Boss, four-fourty pa lang ng hapon. Akala ko ala sais kayo magkikita?”Sumingkit ang mga mata ni Ethan at sumagot siya, “Hindi puwedeng matraffic tayo, hindi ba? Hindi ako nalalate sa mga appointment ko.”“Tama! Tama! Tatawagan ko na ang driver, sir,” sambit ni John habang nagmamadali siyang kunin ang mga gamit niya.“Nakuha na ba ni Edgar ang hinihiling ni Kyle?” tanong ni Ethan habang naglalakad sa direksyon ng elevator.“Opo, sir. Nasa sasakyan na ito dapat,” siguro ni John.Sa loob lang ng ilang minuto, tumungo sila sa lobby at lumabas kung saan naghihintay ang itim na Maybach ni Ethan.Tulad ng dati, sa likod siya umupo habang si John ay nasa tabi ng driver.Kahit na traffic, nakarating sila sa The First Diamond Hotel sa loob ng d
Matapos dumating sa The First Diamond Hotel, mabilis na dumistansiya si Samantha mula kay Ethan Wright ng makarating sila sa lobby.Hindi okay sa kanya ang ideya na ang isang guwapong lalake na matangkad at nakasuot ng custom-made suit ay naglalakad sa tabi ng babaeng nakasuot ng sweatshirt. Sinabi niya kay Ethan, “Excuse me, Mr. Wright, okay lang ba… na magbihis muna ako bago tayo magmeeting?”Napalunok siya matapos magsalita, natatakot siya sa baka kung anong isipin niya.“Bakit ka lumalayo sa akin, Miss Davis? Malinaw na bumaba tayo mula sa iisang sasakyan at sabay na pumasok dito. Bakit dalawang metro ang layo mo sa akin?” tanong ni Ethan matapos makita si Samantha na nauna sa kanya maglakad.Humarap siya kay John at nagtanong, “May problema ba sa mukha ko, John? Mukhang ikinakahiya ako ni Miss Davis.”Habang nakatingin si John Garcia ng masama kay Samantha, nagdahilan si Samantha, “Oh, hindi! Hindi sa ganoon!”Natawa si Samantha at sinabi, “Hindi talaga iyon. Ang ganda mo la
“Wow! Ang astig nito, Kyle! Puwede ba ako manood ng princess videos mula dito?” tanong ni Kenzie kay Kyle.“Siyempre, Kenzie!” sagot ni Kyle. “Heto, akong bahala.”Habang ineexplore ng dalwang mga bata ang bagong laptop ni Kyle mula sa katapat na sofa, si Ethan at John ay nakaupo sa tapat nila, inoobserbahan ang dalawa.“Matalinong bata si Kyle,” sambit ni John. “Gusto niya ng mga gadgets, boss… parang ikaw.”“Hmmmm,” sambit ni Ethan habang nakatingin sa mga bata.Simula ng dumating sila sa condo unit na inassign kay Samantha, sinuri na ni Ethan ang buong paligid.Maliban sa dalawang manika na nasa sitting area, natuwi si Ethan sa kung gaano kaayos ang lahat. Malinis ang sahig kahit na may dalawang bata sa bahay.Kahit na kakalipat lang nila at tatlong araw pa lang, naisip ni Ethan na magaling ang ginawa ni Samantha at tita niya sa pag aayos ng condo.Hindi niya gusto ng makalat at madumi. Kaya, aprubado kay Ethan ang tinutuluyan ni Samantha.“Heto, Mr. Wright. Isang basong tu
“Miss Davis, anim na taon na ang nakararaan… nagstay ka ba overnight sa The Golden Eagle Hotel?”Natahimik si Samantha ng magtanong si Ethan Wright. Hindi maintindihan ni Samantha kung bakit nanggagaling ang tanong na ito mula kay Ethan!“Ang The Golden Eagle Hotel. Ang The Golden Eagle Hotel,” inulit ni Samantha sa isip niya. Ito ang lugar kung saan nagsimula ang lahat. Ito ang parehong hotel kung saan niya nagawa ang pinakamalaking pagkakamali ng buhay niya.Matapos marinig magtanong muli si Ethan, huminga siya ng malalim at nagtanong, “Bakit?”Halos hindi marinig ang sagot niya kaya nilinaw niya ang kanyang lalamunan at inuli ito, “Anong mayroon… Sa The Golden Eagle Hotel?”Sa isip niya, nagtanogn siya, “Bakit kailangan tungkol pa ito sa nangyari noong anim na taon na ang nakararaan?”Mukhang dumating ng sakto ang pagkain, nakatulong sa iniisip ni Samantha.Dumating ang mga server dala ang appetizer bago pa masagot ni Ethan ang tanong niya.“Mr. Wright, tomato at mozzarella
“Nasaan siya?” tanong ni Ethan Wright sa hotel staff. “Puwede ka ba lumabas at hanapin siya?”“Sige, Mr. Wright. Sandali lang po,” Ang food attendant ay lalabas na dapat para hanapin si Samantha Davis ng bumukas ng malakas ang pinto ng one-carat conference room.Nakita ni Ethan kung paano isinara ng malakas ni Samantha ang pinto at bumagsak sa sahig.Walang sabi-sabi, umiyak ng malakas si Samantha, patuloy sa pagtulo ang mga luha niya.Ang unang naramdaman ni Ethan ay sumakit ang pus niya. Nanginig sa galit ang mga kamay niya at sumarado.“Sinong may malakas ang loob na saktan siya?!” iniisip niya.Agad siyang lumapit sa tabi niya at sinubukan alamin kung bakit siya umiiyak.Habang nakaluhod sa harapan niya, nagtanong siya, “Miss Davis, anong nangyari? Miss Davis?”Noong hindi sumagot si Samantha, hinawakan niya ang kanyang mga balikat at tinawag ang pangalan niya. “Samantha! Sino?! Sinong may Gawa sa iyo nito? Sabihin mo? Sabihin mo!”Hindi na maitago ni Ethan ang galit sa mg
Habang humihinga ng malalim, sinuri ng mabuti ni Ethan Wright ang surveillance footage mula sa First Diamond Hotel.Nakita niya kung paano nakasalubong ni Samantha ang kanyang ama, at mukhang hindi sila nag-usap.Nanigas lang si Samantha sa harap ng kanyang ama, at ang magaling na si Heneral Winfield Davis ay tumalikod lang at pumasok sa two-carat conference room muli.Sumarado ng mahigpit ang mga kamao niya bago siya bumulong, “Hindi niya siya binigyan ng pansin.”Sumandal siya sa kanyang upuan at inulit, “Hindi siya… pinansin… na para bang wala siyang kinalaman sa buhay niya.”Nasa penthouse suite na si Ethan, sa tuktok ng isa sa pinakamagarang residential building sa lungsod. Doon siya tumira mag-isa mula ng tumungtong sa edad na dalawamput walo, hindi na siya kinokontrol ng mga magulang niya.Noong dumating siya, dumiretso siya sa study room at pinanood ng paulit-ulit ang mga video na ipinadala sa kanya ng hotel manager. Hindi niya alam kung ilang beses niya itong pinanood,
FLASHBACK: HALOS ANIM NA TAON NA ANG NAKARARAAN.Mula sa ballroom ng the Goldern Eagle Hotel, ang wedding party ni Cadet Sergeant Emilia Plater at Mr. Lance Carter ay nag-extend ng dalawang oras pa.Ang asawa ni Emilia Plater, bilang mayamang pamilya, ay hindi nagpipigil sa pagbibigay ng wine sa mga bisita!Para sa bagong kasal, nagsisimula pa lang ang party!Bumukas ang disco lights habang ang mga servers ng hotel ay nag-aalok ng iba’t ibang mga inumin.Sa isang round table, kakatapos lang ni Samantha ng isang bluish cocktail, nahihilo na siya at nag-iinit. Pero matapos niya inumin ang laman ng buong baso, ang stepsister niya, si Annie, ay binigyan siya ng isa pa. “Heto pa, Sam… Uminom ka pa! Moment mo na ito. Kailangan mo magkaroon ng lakas ng loob para makasama mo si Clayton. Ilang taong ka na niyang hinihintay!”Habang nakatitig si Samantha sa bagong bago ng inumin, ginamit ni Annie ang pagkakataong ito para tignan si Clayton.Nakaupo siya sa malayong lamesa kasama ang mga k
FLASHBACK CONTINUATION: HALOS ANIM NA TAON NA ANG NAKARARAAN.Matapos pumasok sa kuwarto, halos madulas sa sahig si Samantha habang sinusubukan balansihin ang sarili niya. Nakasandal siya sa pader gamit ang kamay niya, unti-unting naglalakad papasok sa kuwarto.Kailangan niyang aminin kung gaano siya kalasing, at ang lahat ng ito ay dahil sa stepsister niyang si Annie.Maliban sa pagiging tipsy, hindi pa rin niya maalis ang kakaibang pag-iinit ng katawan niya. Nasasabik siya, at nag-iinit.Ang mga mata niya ay sumingkit sa madilim na kuwarto, halos hindi makakita ng maayos. Ang ilaw lang sa banyo ang nakabukas.“Clayton? Ako ito,” tawag niya, humihina ang kanyang boses.Habang nakasingkit ang mga mata, padalos-dalos siyang tumungo sa kama.Dahil nararamdaman niya ang init ng kanyang katawan, hinubad niya ang kanyang mga damit at bumulong, “Ang init ng pakiramdam ko… Aaah… Ang init… Clay. Clay?”Kahit ang boyfriend niya ay hindi sumasagot, nakahiga lang at nakadapa, pero hindi n