TRIGGER Warning!!! This following scene may not suitable for other sensitive readers. Read at your on risks.. Katarina POV Lumakad ng marahan ang babaeng nakasuot ng puting gown papunta sa maliit na altar. Halos mga nasa alta sa syudad ang mga taong naroon. Kaiba sa akin na nakasuot din ng puti ngunit alam ko naman na hindi na ganito ang dalisay ng aking pagkatao. Napapikit ako at sa bawat aking pagpikit ay nakita ko ang mukha ni Sebastian habang pinaliligaya ang kanyang sarili habang walang humpay ng pagulos sa akin kagabi. Bawat haplos na nagdadala sa akin sa alapaap. Ang halik na nais pumagot sa aming hininga. Napapikit ako at napailing hanggang sa kamuntikan na akong mabuwal buti nalang ay nasuportahan ko ang aking sarili. Ayokong gumawa ng isang eksena at ilagay sa kahihiyan lalo ang aking sarili. Isa lamang akong upahan ni Sebastian at kahit kailan ay walang dahilan para mahalin. He was just using me to fill his needs ngayon siguro ay nanaisin niyang makasama ang kaniyang asaw
ILANG araw matapos ang kasal ay bumalik kami ng Villa. Halos lahat ng mga katulong ay sobrang natuwa kay Cecilia. Mabait sila sa totoong asawa ni Master Sev. Hindi ako ang asawa ni Sebastian wala akong karapatan sa Villa na ito ngayon pa na narito na si Cecilia hindi na ako magtataka kung biglang magbago ang pakikitungo ng lahat sa akin. Hindi naman sila ang nagpapasuweldo sa akin kaya bakit naman ako maapektuhan lalo na ang mga katulong na ang tingin sa akin ay isang maruming babae.Isang araw bigla akong ipinatawag ni Sebastian sa kanyang opisina. Tulad ng mga nakaraang buwan bigla-bigla nalang siyang nawawala at mga body guards lang ang natitira sa Villa.“Master Sev,” anas ko ng makita ko siyang nakasandal sa kanyang swivel chair. Medyo mahaba na naman ang kanyang buhok at parang pagod na pagod siya.“Come Here.. tanggalin mo ang pagod ko…” sabi niya ng napakalambing. Lumapit naman ako at sinimulan kong i-massage ang kanyang balikat.Si Sebastian ay parang nanunudyo ng mga oras na
KATARINA POV‘I’m still scared of him now lalo ng makita ko ang itsura ni Cecilia after that night. She was confined in her room. Pinilit kong pumasok kahit pinagbawalan niya ang mga katulong na umakyat sa kwarto nila at alam kong walang mangangahas na pumasok o magdala man lang ng pagkain sa kawawang asawa niya.“Anong ginawa mo dito?” bungad niya sa akin. Nakita ko ang kalunos-lunos na itsura ni Cecilia lalo na ng lumapit ako sa kama.May mga pasa ang kaniyang paa at kamay. Mga marka ng handcuffs. Nakahubad siya at ang buong kuwarto ay amoy s*x at ang paborito nitong alak. Umupo ako sa gilid ng kama at hinawi ko ang kaniyang buhok nakita ko ang ilang pasa sa gilid ng nguso niya. She was crying in pain and I know that she’s sor*.“Nagdala ako ng lugaw at ang juice na pinaiinom sa akin ni Mira,” marahan kong sabi.“A-Akala mo ba kakainin ko iyan?” sabi niya.“H-Hindi ko naman interes na pilitin ka. Sabihin nalang natin na mabait ako saiyo dahil niligtas ninyo ni Mr. Guerrero ang buha
About last night...“Hindi mo na ba ako mahal? Ano ang ginawa ng babaeng iyon para baguhin ka? Nasaan na ang itinuring kong kapatid?” sabi ni Cecilia.Simula ng maatasan si Sebastian ng matandang guererro ng mga pangangalaga sa ilang teritoryo at negosyo ay hindi na ito madalas sa bahay nila. Binigyan ito ng sariling Villa at ngayon ay pati ang anak niya ay ibinigay kay Sebastian para sa buong katapatan nito sa mga Guererro.“G-Ginusto mo ang kasal na ito? Sinabi ko naman sa iyong maghanap ka ng ibang lalaking magmamahal sa iyo. Hindi kita kayang mahalin tulad ng pinapantasya mo,” sabi ni Sebastian sa babaeng nakahandusay sa kaniyang harap.“B-Bakit ganon nalang ang pagpapahalaga mo sa babaeng iyon? Is she more beautiful? Tingin mo hindi ko kayang gawin sa iyo ang ginawa ng babaeng bayarang iyon? I can do more, My Sev,” sabi ni Cecilia.“Halikan mo ako?” sabi ni Cecilia ng muli siyang tumayo at hawakan ang mukha ni Sev. Yumuko si Sebastian at napangiti.“She is my toy. Huwag mo siyang
NAKITA ni Sebastian ang pagiiba ng emosyon ng mukha ni Katarina simula ng makabalik ito sa loob ng kotse. Hindi na niya ito tinanong kung nakita niya ang mga kapatid basta nalang silang umalis sa lugar. Kalagitnaan ng biyahe ay naramdaman niya ang paggapang ng kamay ni Sebastian sa legs niya. Napasinghap siya dahil sa hinahatid na kiliti niyon sa kaniya ngunit mas mabuti ng maiparamdam niya na ito lang ang nasa isip niya. Baka magbago pa ang mood ng lalaki na iniiwasan niyang mangyari ngunit sa sitwasyon niya ngayon ay imposibleng maiwasan. Nangangamba siya sa maaaring gawin ng kanilang ama sa mga kapatid niya.“M-Master Sev? Kailan ako makakalaya sa iyo?” sabi niya kay Sebastian.Ngunit wala siyang nakuhang sagot sa lalaki. Itinigil ni Sebastian ang ginagawa nito sa legs niya. Sapat na iyon para ihinto narin niya ang kaniyang pagtatanong dahil kamatayan lang ang makakapaghiwalay sa kaniya sa lalaking ito. Ganon nalang ang pagaalala niya sa kaniyang mga kapatid kaya oras na dumating s
NANG imulat niya ang kaniyang mga mata ay magisa na lamang siya roon walang bakas na tinabihan siya ni Sebastian. Inangat niya ang mga kamay niyang makirot ngunit napansin niyang mayroon ng benda. Naalala niyang iyak siya ng siyak kagabi habang sinusuntok ang punching bag at hinayaan lamang niya ang sugatan niyang kamao. Napaupo siya at muling pinagmasdan ang mga kamay.Hindi na niya napansing nakapasok na sa kaniyang kuwarto si Sebastian. Kaya napitlag siya ng magsalita ito.“Hindi ko alam na mahilig ka palang magboxing?” pang-aasar nito.Ngunit sinamaan lamang siya ng tingin ni Katarina. “Gusto ko lang ilabas ang galit ko,” sabi niya. Hindi na siya naisip na sagutin si Sebastian ng pabalang.“Galit ka sa akin, dahil tinanggihan kita. I don’t want to meddle in your affairs,” sabi nito habang nagsisindi ng sigarilyo.“Meddling? Huh? Wala na akong mga kapatid na susustetuhan o mga kapatid na poprotektahan. Kaya wala ng dahilan para manatili sa bahay na ito bilang babae mo,” sabi niya r
HALOS limang oras ang lumipas at dumating sila sa San Clemente kung nasaan ang sinasabing isang bahay ni Mikayel na hindi alam ni Sebastian. Pumasok sila sa isang malaking gate at sabay na bumaba sa sasakyan. Napanganga siya sa ganda ng antigong bahay. Sa enterada ng bahay sinalubong siya agad ni Mikayel na nakasuot lamang ng simpleng t-shirt at khaki shorts. Pawis na pawis pa ito at mukhang galing sa isang exercise. Nilinga ni Katarina ang paligid ng bahay. May mga ilang body guards at napansin iyon ni Mikayel kaya napabuntong-hininga.“Miss Katarina, hindi ka matutunton ni Sebastian dito. Kahit ang aking kapatid ay hindi alam ang lugar na ito. Nabili ko ito noong 15 years old ako sa isang pamilyang dinaanan ng problema. This property ang isa sa mga iningatan ko. Kung iniisip mo naman na tumakas, you can use the gate huwag mo ng tangkain ang pader,” kalmadong sabi nito kaiba sa Mikayel na tinangka siyang halayin.Tinitigan siya ni Katarina sa mga mata at inirapan. “Don’t worry you ca
KATARINA POVInayusan ako ni Greta. Pinaunat niya ang alon-alon kong buhok at pinutol ito hanggang balikat. Ito naman ang gusto ko ang kalimutan ang itsura ko simula ng maging isang babae ni Sebastian. Ilang beses akong napangiti sa salamin at gayundin kay Greta. Pinagsuot niya ako ng black pants at tight black tube.“Starting from today hindi kana si Katarina kundi si Kata. Mahalaga ang magkaroon ng lakas upang ipagtanggol natin ang ating sarili laban sa kanila, halika na at hinihintay ka na ni Mr. Mikayel sa dinner,” sabi ni Greta.Hinatid niya ako sa hapag kainan at naroon si Mikayel na nakaupo. Nagulat pa siya ng tumayo ako sa kaniyang gilid. Same ng expression ni Sebastian ngunit alam kong iba si Mikayel.“You look different from that woman I met 7hours ago,” biro niya. “Join me, Ms Pierce,” sabi nitoUmupo ako sa gilid at nagsimula kaming kumain.“Aalis muna ako ng San Clemente dahil si Sebastian ay nagstart ng hanapin ka. Magstay ako ng syudad at magkikita nalang tayo sa Masqu
KATARINA POV Dinala ako ni Sebastian sa isang Pier. Pinandilatan ko siya ng mata at mataray kong inilipat ang tingin ko sa malawak na karagatan. Narinig ko siyang naglabas ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan iyon.“A-akala ko ba sa probinsya mo ako dadalhin? Bakit dito?” preskong tanong sa kaniya. Nakailang hitit at buga bago muna niya itinuro ang isang isla na halos hindi na matanaw mula sa kinatatayuan namin.“Gusto ko sanang dalhin ka sa probinsya pero mas safe ka do’n. Doon sa Isla Nuevo.”“Gusto ko nang kabahan sa babagsakan kong lugar.”“Kapag nandoon ka na just find this address. Nandito na rin ang pangalan ng taong hahanapin mo.” Iniabot niya ang isang pirasong papel kasama ang aking ticket.Kasalukuyang nagdadagundungan sa kabog ang dibdib ko dahil ilang oras na lang at maghihiwalay na kami. Hindi ko na siya kaya pang titigan dahil baka hindi ako sumakay patawid sa kabilang isla. Hindi ko na kayang mahiwalay sa kaniya. Para sa kaniya balewala lang lahat hindi ko manlang
KATARINA POVHindi ako naniniwala sa isang magandang panaginip pero ang maramdaman ang maiinit niyang halik at pag-angkin niya sa akin kagabi ay dinala ako sa magandang panaginip na parang ayaw ko ng magising pa. Ang lalaking kinasuklaman ko ay mahalaga sa akin.Mahalaga si Sebastian sa akin at pinigilan ko lang ang sarili kong mahalin ang tulad niya dahil naghihiganti lamang siya at kasal siya. Pagbalik niya sa Villa ay hindi ko siguradong magkikita kami ulit. Paulit-ulit niyang binubulong sa akin ang magandang buhay na naghihintay sa akin kapag pumayag akong pumunta sa lugar na sinasabi niya pero hindi ko kayang pumunta ‘don hanggang hindi ko siguradong ligtas siya at magkikita kami ulit.Naramdaman ko ang mainit na likidong lumandas mula sa aking mga mata. Hindi ko napigilan dahil parang ina-alo- alo ko lang ang sarili ko. I know he’s lying last night. Lalo kong isiniksik ang mukha ko sa kaniyang dibdib. Patuloy kong pinigilan ang paghikbi ko pero mukhang kanina pa yata gising ang
Dinala siya ni Sev sa dalampasigan. Sa unang pagkakataon nakita niya kung paano ngumiti si Katarina. Mula ng dumating ito sa buhay niya ay larawan na ito ng takot at ngayon naman ay pagka-desperado. Subalit ng makita nito ang malawak na karagatan ay para itong naging bata ulit dahil sabik na sabik itong naghubad para makapagsaya sa tubig. Hinayaan lang niya itong gawin ang nais nito dahil ngayon araw ay mga normal silang tao. Malayo sa gulo at maramdaman ang kapirasong langit.Sa Reception ng Resort ay nagpakilala sila bilang Mr. and Mrs. Dela Fuente. Kumuha ng isang kuwarto at parang bagong kasal na nagha-honeymoon.Naupo si Sebastian sa dalampasigan. Takim-silim na at katatapos lang nila maghapunan. Si Katarina naman ay nakapaang naglalaro sa tubig. Inilabas ni Sebastian ang kaniyang dalang alak nagiisang kopita. Nagsalin siya at itinago sa kaniyang gilid ang alak. Nagsindi siya ng sigarilyo habang pinagmamasdan ang madilim na kalangitan.Naging pangarap niya rin ito dati at kung h
SEBASTIAN DEL CASTILLOI was stupid and ass*ole. I dragged her into this…Pinagmasdan ko si Rina na tumakbo at dahil sa nangyari hindi niya ako matignan ng diretso. Huminto kami matapos ang 30 minutong pagtakbo. Narinig ko ang paghingal niya at iniabot ko sa kaniya ang isang bote ng tubig. Tinanggap naman niya ito pero inirapan lang niya ako. Malamang lahat ng ininom niyang alak ay naipawis na niya."Malawak ba ang kakahuyan?" tanong ni Rina."Hmm Oo. Pero kung gusto mong ikutin natin, why not?" hamon ko sa kaniya. Alam kong bored na bored na siya. Ako at ang maliit na bahay lang naman ang nakikita niya.Iniabot ko sa kaniya ang dala kong baril. "Glock 43? para saan ito?" may pagtataka niyang tanong sa akin. "... for your protection-- from me." Nginitian ko siya. Matapos ay itinitutok niya sa akin ang baril. Hindi na ako natatakot kapag may nanutok sa akin ng baril. Kung mamatay ako ngayon atleast wala akong maiiwang anak..."Try me. Sev." Hindi ko maintindihan ang naramdaman kong
Sebastian Del CastilloSa huli, napagdesisyunan kong ginisingin si Rina mula sa bangungot na iyon. Niyakap niya ako at pawis na pawis siya. Narinig ko ang bawat pitik ng kaniyang dibdib.“Kukunin nila kami! Kukunin nila ang mga kapatid ko!” sigaw niya. Nang magkita sila ulit ng matandang lalaki na iyon bumalik ang lahat.Nahimasmasan siya at humiwalay sa akin.“Ikukuha kita ng tubig,” alok ko.Ngunit nang muli siya magsalita ay bumalik ako sa tabi niya.“N-Nakokonsensya ka na ba sa mga ginawa mo sa akin?” tanong niya. Napalunok ako ng mga oras na iyon, kay Primo siya galit bakit sa akin na naman niya binubunton.“H-Hindi! Gusto lang kitang bigyan ng tubig,” sagot ko sa kaniya.Nais ko pa siyang kausapin pero parang sa tingin ko ay hindi parin siya convince sa ginagawa kong tulong.Bago ako tumayo ay pakunyari akong nagmura para hindi niya bigyan ng kung anong kahulugan ang ginagawa ko. Iniwan ko siyang sapo-sapo ang mukha niya. Masaya akong makita siya na suot na niya ang mga damit na
Sebastian POV“I call you back, Bro!” ani ko kay Marco ng may nakita akong lalaking umaaligid. Dali-dali kong isinilid sa aking bulsa ang telepono ko at nagpanggap na parang wala alam. Naglakad ako ng paunti-unti hanggang makompirma ko ang lalaking sumusunod sa akin. Matapos ay bigla akong lumiko sa mga puno at nagtago. Madilim sa kakahuyan at kabisado ko ito.Ilang araw narin kami ni Rina dito at matapos siyang gumaling ay medyo nagbago naman, nabawasan ang duda sa akin. Akala niya kasi ikukulong ko parin siya.Kinagat naman niya ang pain ko. Mukhang naghahanap na siya sa akin. Narinig ko na ang pagkasa ng kaniyang baril. Hinuli ko siya at sinigurado kong sa sipa ko’y titilapon ang baril sa malayo kung saan hindi niya makikita. Sinuntok ko siya sa sikmura at napa-igik siya sa sakit. Sinunggaban ko na ang sitwasyon para mawalan siya nang malay. Tinali ko siya sa puno. At kinapkapan dahil nasisigurado akong may nakakabit sa damit niyang tracking device. Ngunit wala akong nakita. Sinamp
"Rina?" mahina niyang tawag habang may dala-dalang mainit na soup. Hindi pa kasi kumain si Katarina simula kagabi. ---NIYAKAP niya ito dahil sa panginginig nito. Hindi siya lumabas ng kuwartong iyon hanggang hindi bumababa ang lagnat ni Katarina. Hindi na niya kaya pang itago ang pangungulila sa dalaga. Sa ilang buwan na dumaan hindi manlang ito nawala sa kaniyang isipan. Lalo pa itong naging mas mahirap sa kaniya dahil sa paghingi nang tulong sa kaniyang mortal na kalaban na si Mikayel Guererro. Ang pagnanais niyang makuha ito ay mas lalong umigting at kahit na kamatayan ay hahamakin niya para lang mapunan ang pagkukulang at kasalanan dito. "R-Rina..." paulit-ulit niyang bulong rito pero ang mga mata ni Katarina ay nanatiling pinid.Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at dinama ang init ng katawan ng dalaga. Ilang beses siyang napailing at wari ay may nireresolba sa kaniyang isip. Hanggang sa unti-unti naring mapawi at parehas silang hatakin nang antok.---Ilang beses niyang tina
Katarina POVNAKAHINGA ako nang maluwag nang sabihin niyang hindi na niya ako muling ikukulong pero kung sakali man ay pipiliin ko parin na tumakas. Binantayan ko ang kaniyang ikinikilos at marahil ngayon ay alam na ni Mikayel na hindi ko sinunod ang inuutos niya at tumakas pa ako. Ilang beses na may pilit siyang tinatawagan sa telepono pero hindi ito sumasagot at sa inis niya ay naibalibag niya ang telepono. Hindi ko naiwasan ang kabahan dahil sa kaniya ko na-develop ang pagkakaroon ng takot at trauma na nga siguro ang tawag 'don. Hanggang-ngayon ay hindi parin niya kayang kontrolin ang kaniyang galit. "I-I'm sorry," sambit niya nang muling magtama ang mga mata namin. "Lalabas lang ako," Tumayo siya at mabilis na lumakad palabas ng pinto.Hindi na ako sumagot o mas okay na hindi ko nalang siya pansinin dahil para saan ba't magpapanggap siya na mabait kung mala-demonyo parin naman ang ugali niya. He is still that psycho and sadistic Sebastian that I know! Pero bakit ako sumama sa kani
NAKATAYO si Katarina sa paanan ng lalaking nasa kama. Nanginginig ang kaniyang kamay habang inilalabas ang isang maliit na bote na nakasuksok sa kaniyang dibdib. Mabibigat ang kaniyang paghinga nang may biglang nagsalita mula sa kaniyang likuran.“Hmmm what about slitting his throat? Ano iyan lalasunin mo lang siya na parang isang dagang salot?” walang prenong sabi ni Sebastian.Hinarap siya ni Katarina at nilisikan ng mga mata. “G-Gusto mo bang mauna?” ani nito.“H-Hindi mo ako kaaway? Gusto ko lang masiguradong okay ka at hindi ka napahamak sa kamay ng lalaking iyan!” paliwanag ni Sebastian.Ilang buwan lamang silang hindi nagkita ay ang laki na ng pinagbago ni Sebastian. Kung dati-rati siya ang maangas sa harap ni Katarina ngayon ay siya na ang kusang tumitiklop sa harap nito na dati lamang niyang mistress.“Tingin mo isa parin akong mahina na tulad ng nakilala mo noon? Mr. Del Castil –” hindi na niya ito naituloy ng maulinigan nilang may pumipihit sa doorknob. Hinablot siya ni Seb