NAKITA ni Sebastian ang pagiiba ng emosyon ng mukha ni Katarina simula ng makabalik ito sa loob ng kotse. Hindi na niya ito tinanong kung nakita niya ang mga kapatid basta nalang silang umalis sa lugar. Kalagitnaan ng biyahe ay naramdaman niya ang paggapang ng kamay ni Sebastian sa legs niya. Napasinghap siya dahil sa hinahatid na kiliti niyon sa kaniya ngunit mas mabuti ng maiparamdam niya na ito lang ang nasa isip niya. Baka magbago pa ang mood ng lalaki na iniiwasan niyang mangyari ngunit sa sitwasyon niya ngayon ay imposibleng maiwasan. Nangangamba siya sa maaaring gawin ng kanilang ama sa mga kapatid niya.“M-Master Sev? Kailan ako makakalaya sa iyo?” sabi niya kay Sebastian.Ngunit wala siyang nakuhang sagot sa lalaki. Itinigil ni Sebastian ang ginagawa nito sa legs niya. Sapat na iyon para ihinto narin niya ang kaniyang pagtatanong dahil kamatayan lang ang makakapaghiwalay sa kaniya sa lalaking ito. Ganon nalang ang pagaalala niya sa kaniyang mga kapatid kaya oras na dumating s
NANG imulat niya ang kaniyang mga mata ay magisa na lamang siya roon walang bakas na tinabihan siya ni Sebastian. Inangat niya ang mga kamay niyang makirot ngunit napansin niyang mayroon ng benda. Naalala niyang iyak siya ng siyak kagabi habang sinusuntok ang punching bag at hinayaan lamang niya ang sugatan niyang kamao. Napaupo siya at muling pinagmasdan ang mga kamay.Hindi na niya napansing nakapasok na sa kaniyang kuwarto si Sebastian. Kaya napitlag siya ng magsalita ito.“Hindi ko alam na mahilig ka palang magboxing?” pang-aasar nito.Ngunit sinamaan lamang siya ng tingin ni Katarina. “Gusto ko lang ilabas ang galit ko,” sabi niya. Hindi na siya naisip na sagutin si Sebastian ng pabalang.“Galit ka sa akin, dahil tinanggihan kita. I don’t want to meddle in your affairs,” sabi nito habang nagsisindi ng sigarilyo.“Meddling? Huh? Wala na akong mga kapatid na susustetuhan o mga kapatid na poprotektahan. Kaya wala ng dahilan para manatili sa bahay na ito bilang babae mo,” sabi niya r
HALOS limang oras ang lumipas at dumating sila sa San Clemente kung nasaan ang sinasabing isang bahay ni Mikayel na hindi alam ni Sebastian. Pumasok sila sa isang malaking gate at sabay na bumaba sa sasakyan. Napanganga siya sa ganda ng antigong bahay. Sa enterada ng bahay sinalubong siya agad ni Mikayel na nakasuot lamang ng simpleng t-shirt at khaki shorts. Pawis na pawis pa ito at mukhang galing sa isang exercise. Nilinga ni Katarina ang paligid ng bahay. May mga ilang body guards at napansin iyon ni Mikayel kaya napabuntong-hininga.“Miss Katarina, hindi ka matutunton ni Sebastian dito. Kahit ang aking kapatid ay hindi alam ang lugar na ito. Nabili ko ito noong 15 years old ako sa isang pamilyang dinaanan ng problema. This property ang isa sa mga iningatan ko. Kung iniisip mo naman na tumakas, you can use the gate huwag mo ng tangkain ang pader,” kalmadong sabi nito kaiba sa Mikayel na tinangka siyang halayin.Tinitigan siya ni Katarina sa mga mata at inirapan. “Don’t worry you ca
KATARINA POVInayusan ako ni Greta. Pinaunat niya ang alon-alon kong buhok at pinutol ito hanggang balikat. Ito naman ang gusto ko ang kalimutan ang itsura ko simula ng maging isang babae ni Sebastian. Ilang beses akong napangiti sa salamin at gayundin kay Greta. Pinagsuot niya ako ng black pants at tight black tube.“Starting from today hindi kana si Katarina kundi si Kata. Mahalaga ang magkaroon ng lakas upang ipagtanggol natin ang ating sarili laban sa kanila, halika na at hinihintay ka na ni Mr. Mikayel sa dinner,” sabi ni Greta.Hinatid niya ako sa hapag kainan at naroon si Mikayel na nakaupo. Nagulat pa siya ng tumayo ako sa kaniyang gilid. Same ng expression ni Sebastian ngunit alam kong iba si Mikayel.“You look different from that woman I met 7hours ago,” biro niya. “Join me, Ms Pierce,” sabi nitoUmupo ako sa gilid at nagsimula kaming kumain.“Aalis muna ako ng San Clemente dahil si Sebastian ay nagstart ng hanapin ka. Magstay ako ng syudad at magkikita nalang tayo sa Masqu
“M-MASTER Sev wala po talaga si Lady Rina dito,” sabi ng isang bodyguard.Ilang araw siyang pabalik-balik sa airport at sa mga kalapit na lugar para hanapin si Katarina. Tanging ang suot nitong damit at mga gamit ang naiwan sa isang cubicle ang na-retrieve nila. Maraming nagbago kay Sebastian ang dating mainitin ang ulo ay naging kalmado at walang kibo. Hindi na ito naninigaw sa mga kasambahay at nawala ang pagiging malupit nito. Tanging ang paginom ang hindi natanggal kay Sebastian.***NANG gabing iyon, nanatili siya sa loob ng kuwarto ni Katarina. Sa dami niyang nainom ay nakaramdam siya ng pagkahilo. Pinikit niya ang kaniyang mga mata at sumandal sa maliit na sofa. Ang kaniyang alaala ay nagbalik sa araw kung saan siya ay isang normal na estudyante.Naglalakad siya corridor ng makita niya ang mga estudyanteng may pinakikielaman sa kaniyang bag. Kaya agad siyang tumakbo papasok sa kanilang classroom.“B-Bakit ninyo pinakakailaman ang gamit ko!” matapang niyang sabi.Nakita niyang k
NANG GABING iyon ay naiwan sa veranda si Mikayel at Sebastian. Parehas na silang nakainom at parehas naring kanina pa asar sa isat-isa. Hindi na nakapagpigil si Sebastian at sinugod niya ng suntok si Mikayel.He grabbed him by the collar and burst into anger. “W-Where is Katerina? Where are you hiding her, you fool?” galit niyang sabi.“Me? Fool. Tumakas siya dahil hindi ka niya mahal. Bakit ka ba sa kaniya gumaganti? Kawawang babae,” nakangiting sabi ni Mikayel. Muli siyang sinuntok ni Sebastian. Dahilan para pumutok ang nguso ni Mikayel.“Se-Sebastian!” nang marinig ito ni Sebastian ay binitawan niya si Mikayel. Dumating si Senyor Guererro.“Sebastian, come to my office now,” sabi ng matanda. Muli niyang pinukol ng matalim na tingin si Mikayel bago sumunod sa matanda.SA OPISINA“Nasa iyo ang anak ni Primo?” bungad ni Senyor Guerero. "When did you start acting on your own?" he added.Yumuko lamang si Sebastian dahil alam niyang malaki na ang pagkakamali niya.“Pinalaki kitang may ta
NAGSIMULA ang Masquerade Party. Glamoroso ang unang salitang masasabi sa ganda ng pagkakaayos ng lugar gayundin ang mga taong naroon. Nagniningningan ang mga kasuotan. Suot ang isang sexy blue dress ay lumakad si Katarina papasok sa loob ng napakalaking hall. Iniabot niya sa isang attendant ang kaniyang invitation. At tinignan iyon ng lalaki.“Good Evening Miss Mayfair! Come in and enjoy the night,” masayang bati ng attendant.Sa kaniyang pagpasok ay nakakuha agad siya ng atensyon dahil pinagtinginan siya ng mga tao. Ngunit wala siyang ibang pakay kundi ang kaniyang ama. Naghintay siya sa isang gilid para makapagmasid. Dumarami ang mga tao at nagsisimula na ang party. May mga performers na sumasayaw at ang alak ay umiikot na para sa mga guest. Ngunit ni isa ay hindi niya tinikman. Napaatras siya ng may biglang humawak sa kaniyang baywang at hinigit iyon na para bang siya lang ang tao ‘ron. Ayaw niya ng gulo at baka gumawa pa ito ng komosyon.Nagpaubaya siya sa lalaki at dinala siya ni
NAGISING si Sebastian sa isang kuwarto. Napaigik siya sa sakit na nagmumula sa kaniyang tagiliran. Pinilit niyang bumangon may malalambot na kamay ang pumigil sa kaniya.“Hindi ka pa maaaring gumalaw, Sev.” Pigil ng boses.“Ka-Katarina?” naiusal niya ang pangalang iyon kahit na ang nasa harap niya ay si Cecilia.“I’m sorry I’m not Katarina, I’m your wife, Sev. That woman tries to kill you!” mahinahon ngunit may diin sa mga sinabi ni Cecilia.Natahimik si Sebastian at inalala ang tagpong iyon. Hindi niya lubos akalaing gagawin iyon sa kaniya ni Katarina. Isang mahinang at nakakaawang babae ang kilala niyang Katarina. Ngunit ang nasa party ay isang bago at mas nakakaakit na pigura ni Katarina para kay Sebastian. Tinignan niya ng masama ang babae at kinalas ang kamay nito sa pagkakahawak sa braso niya.“You and your dumb brother will pay for it,” he lay down and turned his back on Cecilia.Wala ng nagawa pa si Cecilia kundi ang maupo at maghintay na gumaling ang sugat ni Sebastian. Labis