MAAGANG nagising si Katrina dahil maaga siyang susunduin ni Darren. Halos magkasunod lang silang gumising ni Enrico. "Gusto mo bang sumabay mag-breakfast sa akin?" tanong ni Enrico sa kaniya nang magsabay sila papuntang pinto. Umiling siya. "Hindi na. May usapan kasi kami ni Darren na sabay kaming mag-almusal. Palagi namin iyon ginagawa bago pa man ako nahulog sa patibong n'yo."Siya na ang naunang lumabas kahit ito ang bumukas ng pinto."Hindi yata maganda ang gising mo." Sinusundan siya nito.Nakabihis na rin ng pangtrabaho si Enrico."Never mind me. I hope, mag-enjoy ka sa next meeting ninyo ng girlfriend mo."Napangisi ito sa sinabi niya. Ni hindi niya ito malingon at tuloy sa paglalakad patungo sa hagdan pababa. Hindi na nila ginamit ang elevator kahit mayroon naman."Girlfriend? Si Joyce ba ang tinutukoy mo? We didn't talked last night. Ni hindi ko nga siya pinapasok kagabi. I have no time for a liar."Saglit siyang natigilan pero hindi pa lumingon. Huminto rin ito, nasa likur
BAGO mapansin kay Katrina ang suot niyang wedding ring ay sinadya niyang yakapin nang mahigpit si Darwin. Pasimple niyang tinanggal ang singsing at napatingin sa paligid. Nang walang nakapansin ay iniabot niya iyon kay Darren na hindi kalayuan sa kanila ni Darwin."I appreciate your warmth embrace, sweetie. Inagahan ko talagang pumunta rito para maabutan kita. Just simply reminds you about sa gathering natin mamaya," ani ni Darwin pagkakalas ng mga yakap nila. Maagap na naibulsa ni Darren ang singsing niya. Nagkaunawaan naman ang ekspresyon ng mukha nila at hindi ipinahalata kay Darwin. "Siyempre hindi ko makalimutan iyon. Minsan lang naman ang pagkakataon na maka-bonding ko ang parents mo," nakangiting saad niya.Sandali munang nagpaalam si Darren sa kanila upang tunguhin ang mga kasama nila sa studio. May pictorial na naman sila mamaya para sa bagong design na gown mula sa Europe. Iginiya muna siya ng nobyo patungo sa couch ng lobby. Inanalayan pa siya nito sa pag-upo, tumabi ito
WALANG naging reaksiyon si Katrina sa tanong ni Darren kung makapapayag ba siyang gagamitin ni Enrico ang babayaran niyang babae para ipagbubuntis ang magiging apo sa tuhod ni Estela. Natapos na lang ang maghapong trabaho ay hindi niya nasagot nang direkta si Darren. Kagagaling na nila sa ospital. Kinahapunan na kasi natuloy ang pagdalaw nila roon.Maayos naman ang kalagayan ng papa niya nang dalawin nila. Hindi nga lang sila nakapagtagal ni Darren dahil naalala niya ang usapan nila ni Darwin. Dumating si Darwin upang sunduin siya."Oh, nandito na pala ang fiance mo. So ano, hihintayin ko pa ba ang signal mo para masundo kita at maihatid sa mansiyon?" anas ni Darren sa kaniya habang nasa kalayuan pa si Darwin. Natatanaw lang nila si Darwin na papasok sa entrance ng gusali. Salamin kasi ang nakapaligid na dingding. Nasa hallway sila papuntang information desk. "Tatawagan o ite-text na lang kita. Basta huwag mo akong tutulugan dahil anytime akong kokontak sa iyo. Baka kasi ihatid ako
MALAKING pasasalamat ni Katrina dahil hindi nagkainteres si Darwin na pakialaman ang nilalaman ng bag niya. Sinamantala na rin niya ang pagkakataon nang sandali siyang nagpaalam papuntang wash room. Doon na niya inilabas ang inis niya sa caller. Pinuno muna niya ng sermon si Enrico sa kabilang linya at binantaan itong hindi na siya babalik ng mansiyon kung mangungulit pa ito ng tawag. Ni hindi man lang niya binigyan ng pagkakataong pakinggan ang kausap sa nais nitong sabihin sa kaniya.Bumalik siya sa tabi ni Darwin pagkatapos makipag-usap sa caller. Naabutan niyang masayang nag-uusap ang pamilya. At upang makatitiyak ay pansamantala niyang ini-off ang cellphone. Tuloy ang pakikipag-bonding niya sa pamilya ni Darwin. Sinalubong pa siya ng matamis na ngiti ng mga magulang nito. Ilang na ilang siya ngunit hindi nagpahalata."Mukhang mahalaga ang usapan ninyo ni Darren. Nasaan ba siya ngayon?" nakangiting saad ni Darwin sa kaniya.Hindi na nito nahalata ang matabang na ngiti niya. "Ah
"HOY, girl! Gising na!" Paulit-ulit na niyuyugyog ni Darren ang balikat ni Katrina upang magising siya.Naalimpungatan siya. Napakapa siya sa sariling katawan at luminga-linga. Hindi lang niya masambit ang pangalan ni Enrico lalo na nang nahumalatang si Darren lamang ang kasama niya sa loob ng nakatilang sasakyan."Haller! Mukhang nabangungot ka ah. Kanina pa po tayo nakahinto rito sa gate. Waiting na nga si Manong guard na lumitaw ka para papapasukin ka. Alam mo naman here, mailap sila sa strangers. Baka mapagkamalan pa akong masamang tao," patuloy ni Darren. Kumilos naman siya kaagad at dinampot ang nakalapag na bag sa upuan."Oo na, sige na bababa na ako. Pasensiya ka na napalalim yata ang tulog ko. Thank you nga pala sa paghatid mo sa akin. Hihintayin na lang kita bukas ng umaga." Inayos ang sarili at saka bumaba."O sige. Basta ang gasolina at meryenda ko huwag mong kalilimutan, huh?" pilyong paalala ng kaibigan.Tumangu-tango siya. Isinara niya ang nilabasang pinto. Hinintay mu
TINANGHALI ng gising si Enrico dahil napuyat siya sa kahihintay kay Katrina. Dagdag pa ang nangyari sa lola niya. Marami siyang gustong sabihin kay Katrina ngunit mailap ang pagkakataon upang makapag-usap sila. Naiintindihan niya na mahirap ang pinagdadaanan nito at hindi maiwasang batuhin siya ng mga sisi sa naging kapalaran nito. Pati sana ang pag-resign niya sa trabaho sa FBI ay babanggitin niya ngunit nawawalan siya ng pagkakataon. Mas madalas kasing mainit ang ulo ni Katrina kapag nagkakaharap sila. Gusto niya ang ugali nito kahit masungit at sinusupladahan siya. Alam niyang may nakakubling kabutihan sa puso nito. Hindi naman niya masisi dahil may pagkakamali naman talaga sila ng lola niya. Malungkot nga lang ang gising niya dahil naalala niya ang nasabi niya tungkol sa pasya niya. Mahirap para sa kaniya na masaktan ang lola niya sa naging disisyon niya na palayain na si Katrina. Iyon na lang ang naisip niyang paraan upang makabawi at mapagaan ang loob ni Katrina. Wala siyang
NARINIG lahat ni Katrina ang pakikipag-usap ni Enrico sa kabilang linya. Malinaw na ina nito ang kausap. Hindi naman dapat big deal iyon para sa kaniya ngunit kakaibang lungkot ang lihim na sumagi sa puso niya.Talagang paninindigan na ni Enrico ang pagpapa-annul sa kasal nila. Wala na itong pakialam kung marinig pa ng iba ang pasya nito. Hinintay muna niyang matapos ang pakikipag-usap nito sa kabilang linya saka siya lumapit at naupo sa bakanteng silya na malapit dito. Pinakiusapan ni Enrico ang katiwala na iwanan muna silang dalawa. "Kumain ka na ba? Ang sarap mo palang magluto. Sabayan mo na ako," anito."I'm done, thanks.""Pasensiya ka na kung tanghali na ako nagising. Hinintay mo ba ako kaya hindi ka nakapasok sa trabaho mo?"Mailap ang mga tingin niya rito. "N-Nagpaalam muna akong hindi papasok today. Naintindihan naman ni Darwin iyon dahil napuyat ako. Sinabi ko rin nang maaga kay Darren na huwag na muna niya ako sunduin."Natapos nang kumain si Enrico. "So, nakapag-decide
"IKAW ang nag-donate ng cash para sa papa ko? Why not telling me first? Dinagdagan mo lang ang utang ko sa iyo eh," balisang untag ni Katrina kay Enrico.Tinimpi niya ang sarili hanggang sa matapos ang pirmahan nila. Nagkaroon sila ng pagkakataon ni Enrico upang mag-usap habang abala si Atty. Ramirez."Please don't considered it as your liability. Hindi ko naman iyon isisingil. Hindi ko lang matiis na makita kang namumroblema at nahihirapan sa mga billings n'yo. Kahit pa hindi na tayo mag-asawa, hindi ako maniningil. Kung naglalaan ako ng malalaking halaga para sa mga charity ko, bakit sa iyo hindi?" Hindi siya nakaimik sa sinabing iyon ni Enrico. Tinubuan pa siya ng hiya at hindi makatingin nang diretso sa mukha nito. Nagkalas ang magkakros na mga braso niya at naupo sa sofa. Naupo rin ito malapit sa tabi niya. Inaabangan nito kung may sasabihin pa siya. Hinihintay na lang nila si Atty. Ramirez na matapos sa pakikipag-usap nito sa kabilang linya. "Ano na ang plano after this? Mal
WALANG nagawa si Katrina kung hindi ay sumang-ayon sa tanong ni Amarah na kung okay lang ba sa kaniyang buntisin ito ni Enrico sa natural na paraan. Subalit baon niya sa kaniyang pag-uwi ang inis niya sa sarili dahil nagtapos ang usapan na wala siyang nagawa. Tahimik lamang siya hanggang sa maihatid siya ni Darren sa mansiyon. Nirespeto na lamang ng kaibigan ang pananahimik niya.Gabi na at malamang nauna nang nakarating si Enrico. Inalok siya ni Vivian na maghapunan muna ngunit tumanggi siya. Dumeretso siya sa kuwarto. She hated her whole day. Parang ayaw muna niya ng kausap. Natanong pa niya sa sarili kung bakit nga ba siya nagkakaganiyan. It seems like Amarah ruining her life. Hindi dapat ganiyan ang maramdaman niya. Dapat nga ay magpasalamat pa siya at unti-unti nang gumagana ang plano niya. Nagkalat sa sahig ang pares ng sapatos na tinanggal niya sa mga paa niya. Doon na rin niya nailapag ang bag niya. Ibinagsak niya sa malambot na kama ang likod. Nakatitig siya sa puting kisam
NAWALAN ng pagkakataon si Katrina na banggitin kay Darwin ang plano niyang pag-aabroad. Naging abala kasi ang nobyo sa kaliwa't kanang tawag para sa mga meeting nito. Saglit lang din siyang nakadalaw sa papa niya sa ospital at nagdadalawang-isip pa siyang sabihin ang plano niya. Mas marami kasing kuwento ang Tita Lorna niya kaysa sa pagkakataon niyang magpaalam. Panay rin ang tawag sa kaniya ni Amarah at nakukulitan na siya. Nagpasama na siya kay Darren pagkatapos ng trabaho nila. Pinagbigyan niya si Amarah na makipagkita rito."Didiretso na ba tayo sa bahay niya?" tanong niya sa katabing si Darren habang nagmamaneho ito."Hindi. Sa Spa and Salon siya nagtatrabaho. Doon na lang daw natin siya katatagpuin. Wala siyang sariling bahay rito sa Maynila. Nangungupahan lang siya sa kamag-anak niya," tugon ng kaibigan."Ah okay. Pero baka makaaabala tayo sa trabaho niya.""Hindi na natin problema iyon. Siya naman ang nag-set ng time and location, meaning hindi siya busy. Malamang she badly n
NAGKAROON ng seryosong problema sa kompanya ng lola ni Enrico. Nag-alala siya sa kalagayan ng lola niya lalo na at kagagaling lang nito sa sakit. Siya na ang humarap sa mga board of directors nila. Nagkaroon kasi ng misunderstanding sa pagitan ng kliyente at marketing department ng kompanya.Maling produkto ang naipadala sa kliyente kaya ito ipinabalik at binabawi pa ang nai-deposit na sa account ng kompanya. "Disgusting! Pera na naging bato pa. Kailangang imbestigahan at baka baguhang empleyado ang nilagay sa sales department. If we proved na may mali ang staff, better kick them out of my company," dismayadong bulalas ni Estela kay Enrico nang dalawa na lang sila sa maluwang na opisina nito."Lola, take it easy. Makasasama po sa iyo ang sobrang stress," alo niya sa matanda. Dabog na nagkros ng mga braso si Estela pati ang pagsandal nito sa swivel chair."How could I relax in this situation? Sa tagal na nating supplier ng Sapphire General Hospital ay ngayon pa magkabulilyaso. Milyo
"ARAAAY!" malakas na daing na narinig ni Katrina.Nagulantang siya at bumalikwas mula sa pagkakahiga nang malamang kamay niya ang tumama sa pisngi ni Enrico. Takang-taka itong nakatitig sa kaniya habang haplos ang pisnging nasampal niya. Napatingin siya sa sariling palad at natanong sa sarili kung bakit niya nagawa iyon. Alam niyang pareho silang kagigising lamang. Nakasuot pa ito ng padyama at puting shirt."S-Sorry! Hindi ko alam kung bakit ko nagawa iyon," kaagad niyang buwelta. Halatang nasaktan ito dahil bakas ang pamumula ng nasampal niya sa pisngi nito. "Pambihira ka naman. Ginising lang naman kita dahil parang naghi-histerikal ka na sa higaan kahit tulog ka pa," mahinahon ngunit dismayadong sagot nito.Napaupo siya at sumandal sa headboard ng kama. "Hindi ko talaga sinasadya. Pasensiya na." Nahiya tuloy siyang titigan ito. Niyakap niya ang sariling mga tuhod. Umupo ito sa gilid ng kama."Ano ba kasi ang nangyari sa bangungot mo at pati ako nasaktan mo? Ngayon lang ako naka
HINDI mawari ni Katrina kung masisiyahan ba siya o malulungkot sa nakitang reaksiyon ni Estela matapos niyang paniwalain na nagdadalang-tao siya. Labis kasi ang tuwa ni Estela nang mabanggit niya iyon. Napabangon pa ito mula sa pagkakahiga at napayakap sa kaniya. Hindi maalis sa kaniya ang sagiin siya ng konsensiya dahil sa panibagong serye na naman ng pagsisinungaling niya."You make me the happiest old woman in the world, apo! Alam mo bang napakasaya ko at lahat ng mga dalangin ko ay naririnig?" Kumislap ang matatamis na mga ngiti ng matanda. Pilit niyang tinatakpan ang pagkakailang sa kaniyang mukha. Kulang na lang ay punahin niya ang matanda at sabihing nagkamali ito sa pagdarasal. Nasabi na niya, kailangan na niyang panindigan ang nabitawang salita."Pero, lola..." sambit niya na nagpakalma sa umaapaw na tuwa ni Estela. "Oh bakit, apo? May problema ba?" usisa nito.Huminga muna siya nang malalim at tinitigan sa mga mata ang matanda."P-Plano po sana namin ni Enrico na sa ibang
KAHIT uulit-ulitin pa ni Katrina ang pagkakatitig niya sa larawan ng babaeng aarkelahan nila ni Enrico para magsilang ng magiging anak nila ay hindi pa rin magbabago ang anyo nito. Lihim ang pagkakaila niya na hindi papasa sa panlasa ni Enrico ang babae. Kahit anong gawin niya, sadyang marunong mamili ang kaibigang si Darren. Halos matatawag na silang kambal ng babae dahil sa maraming katangian na katulad sa kaniya. Nabulabog lang ang malalim na pag-iisip niya nang lumakas ang kalabog ng pintuan sa labas. Dali-dali niyang binuksan ang pinto. Napatitig siya sa nakasimangot na mukha ni Enrico. "What happened to you? Kanina pa ako kumakatok dito, parang wala kang naririnig. Pinag-alala mo pa ako dahil ang tagal mong lumabas. Akala ko kung napaano ka na riyan." Bakas ang labis na pag-alala ni Enrico sa kaniya.Hindi niya alam kung paano niya ito sagutin. Hindi pa siya nakahuma sa kaiisip sa larawan ng babae. Sa halip na sagutin ito ay nilampasan lamang niya at bumalik sa upuan. Hindi
"SIGE na po, Tita! Kahit ngayon lang. Pupunta kasi si Darwin diyan. Sabihin mo na lang po na bumalik na po ako sa apartment dahil antok na antok at pagod ako. Sabihin mo na rin po na kagagaling ko lang diyan. Kailangan ko ng rest, please!" pakiusap ni Katrina sa Tita Lorna niya.Tinawagan niya kaagad ito matapos basahin ang mensahe ni Darwin. "O siya-siya! Eh nasaan ka ba kasi ngayon?" usisa pa ni Lorna na kausap niya sa kabilang linya."Um, sa... sa sasakyan po ni Darren. Pauwi na ako ng apartment. Ayaw ko muna ng istorbo, magpapahinga lang po ako."Panibagong kasinungalingan na naman ang nanulas sa bibig niya. Pinanindigan na niya kaysa mabuking siya. Nagkaintindihan na sila roon ng tita niya. Hindi pa niya ni-reply-an si Darwin. Ini-off muna niya ang cellphone upang hindi siya matawagan nito at isiping nakatulog siya. Ibinilin naman niya sa tita niya na kapag tumawag si Darwin ay ipaliwanag na lamang nito.Balisang ibinalik niya sa sling bag ang cellphone. Malamig ang centralized
HINDI mapakali si Katrina at kulang na lang ay isubsob niya ang mukha sa dibdib ni Enrico habang pilit na ipinagkakasya ang sapatos sa paa niya. Nagtataka si Enrico sa ginagawa niya. "Anong ginagawa mo? Baka masira mo pa iyan," puna ni Enrico sa kaniya. Ayaw naman niyang iangat ang mukha at baka makita siya ng lalaking iniiwasan niya. "W-Wala na ba ang lalaking naka-coat ng navy blue na may pulang necktie?" anas niya rito. Napalinga naman si Enrico at pasimpleng hinanap ng tingin ang tinutukoy niya. "Papunta siya sa elevator. Medyo malayo rito. Bakit ba? Siya ba ang iniiwasan mo?" mahinang tanong nito sa kaniya. "S-Si Darwin iyon eh. Ewan ko ba't nandito iyon. Hindi niya ako dapat makita rito dahil ang rason ko na umabset ako ay maghapon akong magbabantay sa ospital.""Pumasok na siya sa elevator."Saka na siya dahan-dahang tumayo at ibinalik sa lagayan ang dinampot na sapatos. "Kailangan na nating umalis dito," tarantang wika niya. Hindi mapakali ang mga mata niyang nakamasi
"IKAW ang nag-donate ng cash para sa papa ko? Why not telling me first? Dinagdagan mo lang ang utang ko sa iyo eh," balisang untag ni Katrina kay Enrico.Tinimpi niya ang sarili hanggang sa matapos ang pirmahan nila. Nagkaroon sila ng pagkakataon ni Enrico upang mag-usap habang abala si Atty. Ramirez."Please don't considered it as your liability. Hindi ko naman iyon isisingil. Hindi ko lang matiis na makita kang namumroblema at nahihirapan sa mga billings n'yo. Kahit pa hindi na tayo mag-asawa, hindi ako maniningil. Kung naglalaan ako ng malalaking halaga para sa mga charity ko, bakit sa iyo hindi?" Hindi siya nakaimik sa sinabing iyon ni Enrico. Tinubuan pa siya ng hiya at hindi makatingin nang diretso sa mukha nito. Nagkalas ang magkakros na mga braso niya at naupo sa sofa. Naupo rin ito malapit sa tabi niya. Inaabangan nito kung may sasabihin pa siya. Hinihintay na lang nila si Atty. Ramirez na matapos sa pakikipag-usap nito sa kabilang linya. "Ano na ang plano after this? Mal