Share

Chapter 2

Author: Hadlee Zircon
last update Last Updated: 2021-02-23 14:53:35

KRISTINE’S POV 

Finally, nakauwi na rin ako! 

Hay!! Ano na kaya tong gagawin ko ngayon? 

Tiningnan ko ang bote na binili ko kay lola magic. 

“Wag muna siguro ngayon. Andami ko pang assignments eh.” 

#StudyPersMunaLabLyfLeyter

Pinatong ko muna ang bote sa study table ko sa kwarto bago bumalik sa kusina at nag-ayos ng pang-hapunan ko. 

Miss ko na sila mama at papa. 

Napatingin ako sa pintuan. “Sana makasama ko na sila.” Pero imposible yun. Nasa ibang bansa si papa at si mama naman ay nasa probinsya at inaalagaan ang dalawa ko pang kapatid. 

Kasama ko dito sa bahay si Tita Winette pero umaga na siya kung umuwi dahil laging gabi ang work niya. Kaya ang dating, parang ako lang mag-isa sa bahay na ‘to. 

Pagkatapos kong magluto, nagring naman ang phone ko. 

Bunso calling… 

(Ate!!)  Bumungad agad sa akin ang boses ni Angelica. 

“Jusmiyo naman Angge, ‘di naman mahina pandinig ko para sigawan mo.” 

Mahina siyang natawa. (Sorry ate!! Mangangamusta lang po kami ni bunso—Hi Ate!!) Narinig ko ang boses ng bunso naming lalake.

“Hi Al! Ayos naman si ate dito, kayo ba? Kamusta pag-aaral niyo?” 

(Maayos naman po ate! Andami ko pong naperfect sa exams po kanina!) masayang sagot sa akin ni Marc Allen. 

(Tapos ako naman ‘te, panalo sa quiz bee namin!) pagkukwento naman ni Angelica. Grade 11 ngayon si Angelica habang Grade 8 naman si Allen. 

“Buti naman! Kamusta si Mama?” 

(Nasa palengke pa ‘te pero malamang po pauwi na rin si mama.) Nagpaalam na si Allen at tatapusin pa daw ang proyekto niya kaya naman si Angge na lang ang kausap ko. 

“Nakapagluto ka na ba ng hapunan?” tanong ko habang inaayos ang kakainan ko. 

(Ayy opo ate! Adobong baboy ulam namin. Ikaw ba?) Tiningnan ko ang nakahain kong instant noodles at nilagang itlog. 

“Hala! Pareho tayo!” Umupo na ako tsaka nagpaalam. “Oh siya sige. Tawagan niyo ako kapag nakauwi na si mama ha? Kakain na muna ako, kayo rin.”

(Opo ate! Kain po kayo ng mabuti!—Bye ate!!) pahabol pa ni Al. 

“Bye! Ingat kayo palagi! Mahal na mahal kayo ni ate!” 

(Mahal ka rin namin ate! We miss you!) sabay nilang sabi na nagpangiti sa akin. 

“Miss ko na rin kayo. Bye.” Tsaka nila tinapos ang tawag. 

Tinitigan ko ang pagkain ko bago napabuntong-hininga at nagsimulang kumain. Sana bukas makapag-grocery na ako. 

Ano na kayang ginagawa ni Chad? Malamang nag-aaral pa rin. 

Tinapos ko ang pagkain ko tsaka nagligpit, naglock ng mga pinto at bintana, saka pumasok sa kwarto ko. Welp! better start reviewing for tomorrow’s quiz. Kailangan ko pang magpasikat kay Chad and of course, kailangan kong mapanatili ang pagiging top 2 ko, top 1 ng batch namin si Chad eh, ‘di ko matalo. 

Kung iisipin, simula grade 7 nandito na ako sa Maynila at nag-aaral sa STEP UP University, at simula grade 8, pasok na ako sa top 3 ng batch. Pero bakit ‘di pa rin ako kilala ni Chad? 

Hay ang sad naman. Tiningnan ko ulit ang bote ng "magic" daw. 

Gagawin ko na ba? Napailing naman ako. Sa susunod na lang, yung hindi ako tambak ng quiz at assignments. 

Tama, tama. Study first, love life later. 

Sa sobrang pag-aaral, nakatulugan ko tuloy. Nagising naman ako sa alarm ko ng five AM. Welp! Time to cook breakfast! 

“Sana may uwi si tita. Sana may uwi si Tita.” I kept chanting those words habang naglalakad papuntang kusina at nagkatotoo ang hiling ko. 

Ang angas! Itlog na naman. Pero may kasama namang tapa. Oh well! Ang mahalaga may pagkain! 

Kaya naman niluto ko na ang tapa at nagprito ng sunny side up. Isasangag ko na lang yung kanin na nasa ref tapos done! 

Tapsilog for breakfast, madlang pipolness! 

Binilisan ko ang pagkain at paghahanda ng pananghalian ko, which is ito rin, saka naligo, nagtoothbrush, nagsuklay at nagbihis para sa school. 

Bago lumabas ng bahay, nag-iwan muna ako ng note sa may dining table, katabi ng niluto ko para kay tita. After that, lakad na papuntang school. Ayokong malate!

Saktong 6:35 AM, nasa loob na ako ng school at naglalakad papuntang classroom. Thursday naman ngayon kaya walang flag cem. 

Maayos na sana ang simula ng araw ko nang makasalubong ko ang bullies, kasama ang leader nila. Mananahimik na lang sana ako nang harangin ako ni Jairo. 

“Good morning, miss…” Hinawakan niya ang ID ko. “Maria Kristine Abella.” 

“No need to say my full name, Mister Bully,” pagmamatapang ko. Napansin ko namang pinapalibutan nila ako, kaya sinubukan ko ulit magsalita. “B-Better leave me alone or—”

“Or what, Kristine?” 

Ayan na naman siya!! Lumalapit na naman siya!!

Wala akong nagawa kundi umatras pero hinawakan ako sa likod ng isa sa mga bully. Tumigil din naman si Jairo sa paglapit. 

“Or I’ll report you to the principal.” Instead of getting scared, pinagtawanan lang ako ng bullies.

“Alam mo miss Kristine, kung mag-iisip ka ng ipananakot sa amin, think better than reporting to the principal,” sabi ni Nathan Guzman, isa sa mga tropa ni Jairo.

“Mister Guzman, being the nephew of the principal doesn’t excuse you from the rules of the university.” 

Wooohhh!! Go Kristine! Kaya mo yan huhu! Kunwari matapang ka ghorl! 

“Tsk tsk tsk. ‘Wag kayong ganyan sa babae.” May isang lalakeng nagsalita mula sa di kalayuang parte ng corridor. “Girls should be treasured, not bullied.” Naglakad yung lalake papunta sa likod ni Jai saka ito hinawakan sa balikat at tumingin sa akin. “Hi, I‘m—” 

“Bryle Juarez, Mister Bully’s best friend,” pagtutuloy ko. 

“Welp, I was supposed to say, ‘your knight in shining armor’.” Tumawa ang boys. 

“Ano nang gagawin natin sa babaeng ‘to, Jai?” tanong ni John Paul Ibañez. 

“Nalagay mo na ba?” tanong ni Jairo sa taong hawak ang balikat ko mula sa likod.

“Of course, ako pa ba?” pagmamayabang ni Cyril Peredo. 

Nilagay? Ang alin? 

“A-Anong…” 

“Shh... you may now leave, Miss Kristine,” Sean Agustin interjected. 

Sa ‘di malamang kadahilanan, they gave me a way to leave the circle they made. Bakit?

Narinig kong tumunog ang school bell. Hala porkchop! Late na ako sa klase! 

Magmamadali na sana ako sa paglalakad, nang marinig ko ang bullies na sabay-sabay sumigaw ng “SANA ALL TAKEN!!” 

Napalingon naman ako sa kanila at nakita ko silang tumatawa habang nakatingin sa akin. 

Taken? Ako? Mukha bang kami na ni Chad? If ever na kami na, edi sana ‘di ako mag-isang tumatakbo papuntang room ‘diba? 

Hayst! Bahala nga sila! 

Pagpasok ko ng room, sakto namang nasa loob na si Ma’am April, ang terror naming Introduction to Psychology professor. 

“Good morning Miss Abella, care to explain why you‘re late?” pananaray ni Miss April. 

“Umm... I was blocked by—” and of course, Miss April being well... Miss April.

“Nevermind, I don’t care about your reasons. Answer my question and you can enter my class.”

“Yes ma’am.”

Nakapagreview naman ako ng Intro to Psych kagabi… tama ba? 

“Define Nativism.” 

“Nativism is the theory that knowledge is innate and inborn. Our biological endowment makes up who we are,” sagot ko ng may pagmamalaki. 

“Are you sure with your answer, Miss Abella?” 

Kala naman ni miss kakabahan ako sa tanong niya. 

S-Syempre kabado ako. Tama ba? huhuness naman oh. 

“Yes, ma’am!” Kunwari confident. 

Miss April rolled her eyes. “Enter the room, you‘re wasting my time.”

Napangiti naman ako. Yehey! 

Habang papunta sa upuan ko, naririnig ko ang pagtawa, pagbubulungan at gasps ng mga kaklase ko. 

“Now I know why you‘re late, Miss Abella.” 

Napalingon ako nang magsalita si Miss April. “po?” Ano ba kasing nangyayare?!

“If you are Mister Guevarra’s girlfriend, you don’t have to flaunt it that much,” sagot ni miss na mas lalong nagpalito sa akin. Ansasama ng tingin sa akin ng karamihan ng mga kaklase kong babae.

What the hell does that mean? 

Naramdaman kong may humawak—or tinanggal? sa likod ko. 

“Nasa likod mo ‘to, Tine,” sabi ni Hyaciel, isa sa mga kaklase ko. 

‘Taken by Jairo Guevarra.’

‘Yan lang naman ang nakasulat sa papel na nasa likod ko. 

Agad kong naramdamang uminit ang mukha ko. AT HINDI DAHIL SA KILIG KUNDI DAHIL SA PAGKABWISET! 

“Miss April, excuse me po,” paalam ko saka lumabas ng room. 

BWISET KANG JAIRO KA! PINALATE MO ‘KO SA KLASE TAPOS NGAYON PINAHIYA MO ‘KO! HUMANDA KA SA ‘KING HINAYUPAK KA!

Related chapters

  • Mistaken Love Spell (Season 1)   Chapter 3

    KRISTINE’S POVNasaan ka nang hinayupak ka?! Kanina pa ako paikot-ikot dito sa campus.“Nasa klase ba yun? Teka—Umaattend ba yun ng klase?!”“Nakakabaliw na ba yung pagiging sobrang matalino?” may biglang nagsalita.Porkchop naman oh! Nasa corridor ako na papunta sa canteen, ako lang mag-isa, nasa klase yung ibang students. KAYA SINO YUNG NAGSALITA?!“S-Sinong nandyan? ‘Di ako natatakot sa multo!”

    Last Updated : 2021-02-23
  • Mistaken Love Spell (Season 1)   Chapter 4

    KRISTINE’S POVSasabihin ko ba? Kapag sinabi ko, ano namang mangyayari?Saka sino ba ako para sabihin sa kanya that his girlfriend is playing him?“Hay! Naguguluhan na ako!!” Pabagsak akong humiga sa kama at tumitig sa kisame.Simula nang makauwi ako, yun at yun pa rin ang laman ng utak ko. I was about to close my eyes when I remembered something.I don’t want Chad to get hurt. I don’t think he deserves to feel that pain. Tiningnan ko ang vial ng potion. Should I?

    Last Updated : 2021-02-23
  • Mistaken Love Spell (Season 1)   Chapter 5

    KRISTINE’S POVKahit kelan talaga!! That guy never failed to annoy the hell out of me!That’s it! Kalilimutan ko na lang yung nangyare kanina!! Hindi na siya cute!! Argh!!Sa sobrang pag-iisip ko kay Jai, muntik ko nang lampasan yung tindahang bibilhan ko nang kandila.“Pabili po,” pagtatawag ko sa atensyon ng tindera.“Anong kailangan mo?"” tanong nung aleng tindera.”Si Chad po,” bigla kong sagot.“Ha?”

    Last Updated : 2021-02-23
  • Mistaken Love Spell (Season 1)   Chapter 6

    KRISTINE’S POVNakatitig lang ako kay Jai—dumbfounded as hell.Lahat naman ng ibang tao ay nakatingin sa amin at nakangiti. I was about to say something nang makita ko si tita Winette na tumatakbo papunta sa akin.“Tita! Ba’t ka po nandito sa school?”But instead of answering my question, out of topic ang sinabi niya na nagpagulo sa akin.“Kristine? Kristine! Pamangks, gising na please naman oh!”G-Gising na?Teka nga! Anong oras na ba? B

    Last Updated : 2021-02-23
  • Mistaken Love Spell (Season 1)   Chapter 7

    KRISTINE’S POV“Girl, alam mo na ba yung latest news?” Narinig kong sabi ng babaeng katabi ko ng locker.“Ang alin?” tanong naman nung kasama niya.“May nililigawan na daw si Jairo Guevarra.”“T-Talaga? Hala sanaol!”Bigla akong namula. Hindi pa rin nang dahil sa kilig, kundi sa inis!“And magugulat ka kung sino yung girl.”Tuluyan nang nakuha ni ate yung tenga ko.&ld

    Last Updated : 2021-02-23
  • Mistaken Love Spell (Season 1)   Chapter 8

    KRISTINE’S POV“A-Anong kailangan mo sa ‘kin?” kahit papano eh kinabahan ako.“What’s your status with Jairo?” pagtataray ni Blaire sa akin.Kinalma ko ang sarili ko at pinatapang sa harap ng babaeng ‘to. “What should I answer? Lovers?” I sarcastically answered bago naghugas ng kamay at naghilamos.“B*tch!” Nakita ko mula sa salamin na naglakad siya papalapit sa akin. “You flirt—”Sakto namang pagkaharap ko sa kanya, sinampal niya ako. Amporkchop! Ansakit nun ha! Nawala lahat ng kaba

    Last Updated : 2021-02-23
  • Mistaken Love Spell (Season 1)   Chapter 9

    BRYLE’S POVI was just walking behind Jairo who’s carrying Kristine in his arms.Bakit sa lahat ng babae, kailangan pang si Kristine?Lahat kaming magbabarkada, kasama yung kambal ay pumasok sa loob ng clinic. Lumingon naman sa amin ang naka-schedule na student nurse assistant na si Dani.“Sinong pasyente?” she asked with the hint of annoyance in her voice.“Kristine Abella.” Sean pointed at Kristine.“Siya lang?” Sabay-sabay namang tumango ang iba maliban sa amin ni Jai.“Eh s

    Last Updated : 2021-02-23
  • Mistaken Love Spell (Season 1)   Chapter 10

    KRISTINE’S POVSa wakas! Natapos na ang klase at makakapag-CR na ako.“Calling the attention of Miss Blaire Sanchez, Miss Cath Pangilinan, and Miss Maria Kristine Abella. Please proceed to the principal's office,” sabi sa speaker.“Omy! I know the reason why!” pagre-react ni Xei na agad tumabi sa akin after kong tumayo.“Two versus one? Andaya nun!” sabi din ni Hyaciel.“I’m going to file a complaint kapag hindi pinanigan si Kristine.”“Kalma kambal... Why not talk to Nathan na lang?”

    Last Updated : 2021-02-23

Latest chapter

  • Mistaken Love Spell (Season 1)   Special Chapter - Friendship over Admiration

    BRYLE’S POV“Another year, another girl,” sabi ni Sean habang nakatingin kay Cyril na may kausap na namang babae. The woman looks older than us.“Hindi pa ba kayo nasanay sa lalakeng ‘yan?” sagot naman ni JP. “Teka nga, naiinggit ako—Asaan pala si Nathan?”“For sure kasama si Xei, alam mo naman kung gaano ka-clingy yung taong ‘yun sa girlfriend niya,” litanya na naman ni Sean.It’s our final year as high school students and we plan on spending it as good citizens, but I don’t think it’ll happen.For some reason, Cyril still continued to be a flirt and I thi

  • Mistaken Love Spell (Season 1)   Epilogue

    KRISTINE’S POVNaglalakad na lang akong mag-isa sa may hallway. After the dance, I asked Bryle if I can have my personal time na. There was something in his eyes that worried me.Pakiramdam ko, nasasaktan ko siya.Ayoko sanang pumunta sa school garden, yun na ata ang pinaka-ayaw kong lugar sa campus na ‘to, pero makulit ang mga paa ko at doon pa rin ako dinala.Tahimik yung lugar, walang mga tao, well, tao nga pala ako, so bale may isang tao.Lalapit na sana ako sa may bench pero may napansin akong kakaiba. Parang may nagalaw na something. Mukha siyang bubble na malaki at medyo nagalaw.

  • Mistaken Love Spell (Season 1)   Chapter 30

    KRISTINE’S POV“Thank you, Bryle.”“Nah, it’s fine. You needed a friend, lucky you, I was available.”Medyo natawa ako. Naka-ilang minuto din akong tambay at ngawa sa kwartong yun. Paniguradong magang-maga na yung mga mata ko kakaiyak.Hanggang ngayon naman masakit pa rin eh, pero ewan ko ba... Pakiramdam ko kasi mas lalo lang akong masasaktan kapag pinagpatuloy kong balikan ang nakaraan.Hey, I still haven’t moved on, okay? Mahirap yun. Mahabang proseso yun.I&r

  • Mistaken Love Spell (Season 1)   Chapter 29

    BRYLE’S POVNasaan na ba ‘yun?I’ve been looking for Jairo... and of course, Tine as well.I knew I saw her outside the ballroom, she was wearing that red gown but she walked fast without even entering the room.And as for that best friend of mine, he texted me last night that he’ll meet me outside the ballroom before we go inside. So that we can at least take a photo together before everything starts.Pero ilang minuto na akong naghahanap and yet, no sign of him. That’s why I decided to look for him while looking for Tine. But what if they’re together?

  • Mistaken Love Spell (Season 1)   Chapter 28

    KRISTINE’S POV“My my! Don’t move, Tine,” paki-usap ni Ayel sa akin habang mine-make up-an ako.“K-Kailangan ba talaga niyan?”“Well, of course! You’re about to attend your first ball.”Nakwento ko kasi sa kanyang hindi ko talaga inaattendan yung mga ganitong event noong mga nakaraang taon.“Hindi naman na siguro requirement yan. ‘Di naman isa-isang titingnan at ichecheck ng mga teacher yung mukha namin kung may makeup o wala eh,” sagot ko sa kanya.She flatly looked at me. “I thought you wanted to confess to my cousin.&r

  • Mistaken Love Spell (Season 1)   Chapter 27

    MARI’S POV“T-Tama na p-please…” Hindi ko mapigilang umiyak.Mahigpit ang pagkakahawak sa akin ni Max sa dalawang braso ko. “Sige na Mari... Alam ko namang magugustuhan mo rin 'to.”Pilit akong nagpupumiglas pero ayaw niya talaga akong pakawalan. Sinimulan niya akong halikan sa leeg.Iyak na ako nang iyak pero ayaw niya pa ring tumigil. He pinned me harder against the wall. Nawawalan na ako ng lakas. Gusto kong sumigaw, gusto kong humingi ng tulong pero walang lumalabas sa bibig ko.“Hmm... Ang ganda mo talaga, Mari…” Kinilabutan ako nang halikan niya ang tenga ko. Nandidiri na ako sa sarili ko.

  • Mistaken Love Spell (Season 1)   Chapter 26

    JP’S POV“So, ano nang plano?”Nandito kami sa basketball court. Walang mga tao, at napilitan kaming hindi muna magbukas ng booth.Nalaman namin sa tita ni Kristine na hindi siya umuwi kagabi. Hanggang ngayon ay wala pa ring balita.“Kagagawan pa rin ba ‘to nila Kent?” tanong ni Sean.“That can’t be... I already dealt with him,” sagot naman ni Bryle.“More reason to do revenge.” Napatingin naman ang lahat kay Nathan. “Unless, of course, eh hindi pa siya nakakalabas ng kulungan.”

  • Mistaken Love Spell (Season 1)   Chapter 25

    CHAD’S POVAnd once again, I’m carrying Blaire’s bag of notebooks and books. She should really be thankful that I love her.But isn’t she a bit abusive of my love for her?Nah, never mind that thought! She said she loves me, I'll hold on to that.On another thought, I’m having a hard time talking with a disability. I’m getting tired of all this acting.Why did I even let my sister ask me to do this?Right. She wanted revenge on Blaire for bullyi

  • Mistaken Love Spell (Season 1)   Chapter 24

    NATHAN’S POV“Hey hey yow! Shut up! Ang iingay niyo!” I heard my phone ringing. Xei was calling, so I needed silence. But obviously, I can’t have that cause I’m with these guys.“Bebe time na naman, Nathan!” Binato ko ng unan si JP.“Nawa’y lahat may bebe!” Nagpraying position pa si Sean.Sina Jairo at Bryle naman ay busy sa pag-aasikaso sa mga customer.“Hello, Love?”(Hi! Busy?)“Medyo lang naman, madami daming customers eh.”

DMCA.com Protection Status