Share

Chapter 1

Penulis: Hadlee Zircon
last update Terakhir Diperbarui: 2021-02-23 14:34:05

KRISTINE'S POV 

 Maria Kristine Abella - 97' 

I sighed in contentment. Buti di pa ako bumababa sa 97 kahit na nagkaproblema last quarter. I smiled and walked away from Batch's list of honors. 

Lumapit naman ako sa bulletin board kung saan nandoon ang top 3 graduates last year. 

'Maria Kristine Abella - Salutatorian 

Motto: No to friends, no to parties, no to distractions, just study hard and love Dan Brown's books.' 

Medyo natawa ako sa motto ko. That's the reason why I'm always alone, I really don't like distractions and that includes socializing. 

“G-Good morning, Cha-Chad!” Narinig kong sigaw ng campus bullies kay Chad bago nila ito pinatid at hinayaang bumagsak sa lapag. 

“Lalampa-lampa kasi,” dagdag pa ng leader nila na si Jairo. Nakita ko pang sinipa nilang magkakaibigan ang mga nahulog na libro ni Chad. 

“Hoy!” Pinalakas ko ang loob ko nang sigawan ko sila. “Ano sa tingin niyo ‘yang ginagawa niyo?” tanong ko habang patakbong lumapit sa kanila, specifically kay Jairo. “Tingin niyo ba ika-uunlad niyo ‘yan, ha?” 

“Sino ka ba sa tingin mo?” Napapansin kong lumalapit sa akin si Jairo, kaya dahan-dahan akong humahakbang patalikod. “Alam mo miss, wag kang nangengealam sa trip ng iba, unless…” Nagulat ako nang pader na ang nasandalan ko, pero mas nagulat ako nang harangan ni Jairo ang dalawa kong gilid gamit ang mga kamay niya. 

“A-anong unless?” Sinubukan ko pa rin magmukhang matapang sa harap niya. 

“Unless, trip mo ko.” 

Narinig ko ang pagtawa ng mga kaibigan niya sa likod niya. Pakiramdam ko naman naubusan ako ng hininga dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Buti na lang at nag-ring na ang bell kaya umalis sa harapan ko si Jairo. 

“Hay, sayang naman. Sa susunod, wag ka nang mangealam, ha miss?” pang-aasar niya sa akin bago sila tuluyang maglakad papalayo. 

Bwiset na lalakeng ‘yun! Kung hindi lang malapit sa akin yung mukha niya, baka nasapak ko na siya eh. 

Napansin ko namang nasa lapag pa rin si Chad at parang may hinahanap, nang mapansin kong malayo sa kanya yung salamin niya, ‘yun muna ang kinuha ko at inabot ko sa kanya. 

“S-Salamat,” salita ni Chad pagkatapos niyang makuha sa akin ang eyeglasses niya at maisuot ito. Tinulungan ko siya sa pagkuha ng mga libro niya bago kami tumayo. 

“S-Salamat ulit, m-miss.” 

“No problem.” 

And another thing, unlike sa typical nerdy-story, I don’t have a crush on a bad boy. Iisang lalake lang ang nakakuha ng atensyon ko simula Grade 8, and that’s Chad Enriquez, the campus nerd, male version. 

“So, umm... saan ka pupunta? tulungan na kita dyaan sa mga libro mo,” pag-aalok ko ng tulong. At nagtanong pa ako kahit alam ko namang sa library din siya pupunta. 

“Ahh ehh... ano... a-ayos lang ako... s-sa library lang n-naman ako eh…” 

See? Ang cute cute niya! 

“Umm... Sige... If you say so, basta kapag inaway ka na naman ng mga lalakeng yun, magsabi ka na sa guidance. Pero kung nahihiya ka, sabihan mo na lang ako tapos ako na lang ang magsusumbong.” Nakita ko siyang ngumiti. 

Shemay! Lumiwanag ata yung paligid! Sinong nagbukas ng ilaw?! 

“A-Ayos lang t-talaga miss. M-maraming salamat n-na lang.” May problema talaga si Chad sa pagsasalita kaya naman madalas siyang pagtripan nila Jairo. 

“Sige... umm... alis na ako... ‘til next time. Bye,” pagpapaalam ko. Bahagyang yumuko lang siya saka naunang naglakad kesa sa akin. 

Hay ang talino na nga, cute pa tapos mabait pa. Kaya lang kasi...

“Hi babe, sa library ka ba ulit?” Nakita ko pang nilapitan ni Blaire si Chad at ipinalupot ang kamay niya sa braso nito. “Sa canteen muna kami ng mga kaibigan ko, tapos puntahan kita doon, ha?” 

“S-Sige, b-babe.” Inabot ni Blaire ang notebooks niya kay Chad bago tuluyang umalis. 

That's my ‘kaya lang’, Chad is already in a relationship with the captain of the women’s volleyball team, Blaire Sanchez. 

Hay!! Nakaka-inggit! Sana ako na lang si Blaire. Sana ako na lang ang girlfriend ni Chad. 

Hanggang sa paglalakad ko pauwi, ‘yun pa rin ang hiling ko. Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad nang biglang bumuhos ang ulan, buti na lang may isang parang gift shop na malapit kaya pumasok muna ako para makisilong kahit saglit lang. Pagbukas ko ng pinto, agad bumungad sa akin ang pinahalong red and black decors, kulay pula din ang ilaw sa shop. Medyo creepy pero mukhang yun ang gusto ng may ari ng shop. 

Makikisilong na nga lang ako, huhusgahan ko pa yung design ng lugar. ‘Di tama ‘yun. 

Bigla namang kumulog na saktong namatay ang ilaw. Ilang saglit lang ay bumukas ulit ito. 

“Iha…” 

Napasigaw ako nang may isang matandang babae na nasa likuran ko ang biglang nagsalita. Nang masigurado kong totoong tao siya, kumalma na ako. “P-Pasensya na po ‘la. Nagulat lang ho ako sa inyo.” 

“Ayos lang iha, napaka magugulatin mo pala. Pagpasensyahan mo na rin ako,” pagpapaumanhin ni lola.

“A-Ayos lang din po.” Tiningnan ko ang suot ni lola. “Kayo ho ba ang may-ari po nitong gift shop?”

Tinitigan ako ni lola. “Gift shop ba kamo?” Tumango ako. “Aba’y oo. Sa akin ito.” Tumingin si lola sa may bintana bago siya muling tumingin sa akin. “Mukhang matatagalan pa ang pag-ulan, gusto mo bang makita ang mga ibinebenta ko?” 

Inisip ko muna kung may dala ba akong pera, bago ako pumayag. Baka mamaya bawal pala ang window shopping dito eh. 

Niyaya naman ako ni lola papasok sa isang kwarto na mayroong glass cabinets. Kitang-kita ko tuloy yung mga naggagandahang mga necklace, at iisa lang ang designs nila. Puro heart.

“Naniniwala ka ba sa mahika, iha?” biglang tanong ni lola sa akin. Nandoon siya sa kabilang side ng kwarto, nasa may lalagyanan ng mga.... umm... vials? 

Alam niyo yung sa SM? yung mga nilalagyan ng cellphone na binebenta sa Cyberzone? Nasa ganong lalagyanan yung mga vials. 

“Mahika po? As in abracadabra?” Magician ba si lola? 

“Oo iha. Mahika, mga spell, potions,” pagpapaliwanag ni lola habang nakatingin pa rin sa mga vial. 

“Ahh... ehh... Sa libro lang naman yung mga ganon, ‘la.” Sinamahan ko pa ng mahinang pagtawa ang sinabi ko para ‘di gaanong seryoso pero hala! mukhang seryoso talaga si lola. Medyo kinabahan ako nang bigla niya akong tingnan deretso sa mata. 

“Hindi ba’t may nagugustuhan kang lalake, iha?” Naglakad si lola papunta sa upuan saka naupo, pero hindi niya tinanggal ang tingin niya sa akin. 

P-Pero teka… 

“L-lahat naman po ata, ‘la may nagugustuhang tao.” Sinubukan kong pagaanin ang atmosphere pero wa epek. 

“Kasing edad mo siya. At dalawang taon mo na siyang labis na ginugusto.” E-eh??

“P-Paano niyo po nalaman?” 

“Halika, iha." Pinaupo ako ni lola sa katapat niyang upuan. “Nais mo siyang mapasa iyo ngunit mayroong ibang nagma-may ari sa kanya, tama?” Oh my ghad! Bat niya alam yan?? “Kung tunay mo siyang iniibig at nais na makuha ang atensyon, handa ka bang maniwala sa mahika?” Welp! If it means making Chad mine, then yes! 

“O-opo ‘la.” 

May inabot si lola na vial sa akin. “Tandaan mo iha lahat ng sasabihin ko kung gusto mo siyang mapasayo ng buong-buo” 

“Sige po, ‘la.” 

“Una, sa lugar ka kung saan tahimik. Walang mang-iistorbo sa iyo.” 

Sa bahay ko. Tutal mag-isa lang naman ako eh. 

“Pangalawa, dapat sa gitna ka ng nakabilog na mga kandila.” 

Wengya! Bibili pa ako ng mga kandila, bawas na naman sa budget ko. 

“Pangatlo, kailangang klaro ang isip mo. Gawin mong blangko.” 

Ibig sabihin ba non, ‘di ko iisiping huminga? 

“Pang-apat, isipin mo lang ang taong gusto mo. Siya lang dapat at walang ibang kasama.” 

Ay madali lang yan, siya lang naman lagi ang laman ng isip ko eh. 

“Panlima, ipahid mo sa may pulso mo itong laman ng bote, saka mo amuyin.” 

“Ba’t ‘di na lang derekta sa bote?” 

“Sapagkat kailangang magdikit ang tibok ng iyong puso at ang mahika,” sagot ni lola. 

Hala nasabi ko pala ng malakas. 

“At panghuli, sabihin mo ang mga salitang ito.” May inabot sa aking papel si lola. 

Wait... This... is in Latin. 

“Paalala lang, iha. Isang beses mo lamang maaaring gamitin ang mahikang ito.” 

“Paano po kung hindi gumana?” pagtatanong ko. 

“Ibig sabihin lamang nito ay may tunay na siyang napupusuan.” Dahan-dahang tumayo si lola kaya naman sinabayan ko siya. “Halina‘t titila na ang ulan, kailangan mo nang lumisan.” 

“H-ho?” Hindi na ako sinagot ni lola at pinabalik sa may harap ng shop. “Ayy ‘la may tanong pa po ako—” Biglang kumulog at muling namatay ang ilaw. Pagbalik ng kuryente ay nawala na si lola sa likod ko at biglang tumigil ang ulan. “B-Bat nawala si lola?” 

Nagsisimula na akong matakot kaya naman lumabas na ako ng shop pero mas nagulat ako nang mapansing walang bakas ng ulan sa paligid. Hindi basa ang kalsada, o kahit ano. 

Sa sobrang takot ay nagmamadali akong umuwi sa bahay.

Bab terkait

  • Mistaken Love Spell (Season 1)   Chapter 2

    KRISTINE’S POVFinally, nakauwi na rin ako!Hay!! Ano na kaya tong gagawin ko ngayon?Tiningnan ko ang bote na binili ko kay lola magic.“Wag muna siguro ngayon. Andami ko pang assignments eh.”#StudyPersMunaLabLyfLeyterPinatong ko muna ang bote sa study table ko sa kwarto bago bumalik sa kusina at nag-ayos ng pang-hapunan ko.Miss ko na sila mama at papa.

    Terakhir Diperbarui : 2021-02-23
  • Mistaken Love Spell (Season 1)   Chapter 3

    KRISTINE’S POVNasaan ka nang hinayupak ka?! Kanina pa ako paikot-ikot dito sa campus.“Nasa klase ba yun? Teka—Umaattend ba yun ng klase?!”“Nakakabaliw na ba yung pagiging sobrang matalino?” may biglang nagsalita.Porkchop naman oh! Nasa corridor ako na papunta sa canteen, ako lang mag-isa, nasa klase yung ibang students. KAYA SINO YUNG NAGSALITA?!“S-Sinong nandyan? ‘Di ako natatakot sa multo!”

    Terakhir Diperbarui : 2021-02-23
  • Mistaken Love Spell (Season 1)   Chapter 4

    KRISTINE’S POVSasabihin ko ba? Kapag sinabi ko, ano namang mangyayari?Saka sino ba ako para sabihin sa kanya that his girlfriend is playing him?“Hay! Naguguluhan na ako!!” Pabagsak akong humiga sa kama at tumitig sa kisame.Simula nang makauwi ako, yun at yun pa rin ang laman ng utak ko. I was about to close my eyes when I remembered something.I don’t want Chad to get hurt. I don’t think he deserves to feel that pain. Tiningnan ko ang vial ng potion. Should I?

    Terakhir Diperbarui : 2021-02-23
  • Mistaken Love Spell (Season 1)   Chapter 5

    KRISTINE’S POVKahit kelan talaga!! That guy never failed to annoy the hell out of me!That’s it! Kalilimutan ko na lang yung nangyare kanina!! Hindi na siya cute!! Argh!!Sa sobrang pag-iisip ko kay Jai, muntik ko nang lampasan yung tindahang bibilhan ko nang kandila.“Pabili po,” pagtatawag ko sa atensyon ng tindera.“Anong kailangan mo?"” tanong nung aleng tindera.”Si Chad po,” bigla kong sagot.“Ha?”

    Terakhir Diperbarui : 2021-02-23
  • Mistaken Love Spell (Season 1)   Chapter 6

    KRISTINE’S POVNakatitig lang ako kay Jai—dumbfounded as hell.Lahat naman ng ibang tao ay nakatingin sa amin at nakangiti. I was about to say something nang makita ko si tita Winette na tumatakbo papunta sa akin.“Tita! Ba’t ka po nandito sa school?”But instead of answering my question, out of topic ang sinabi niya na nagpagulo sa akin.“Kristine? Kristine! Pamangks, gising na please naman oh!”G-Gising na?Teka nga! Anong oras na ba? B

    Terakhir Diperbarui : 2021-02-23
  • Mistaken Love Spell (Season 1)   Chapter 7

    KRISTINE’S POV“Girl, alam mo na ba yung latest news?” Narinig kong sabi ng babaeng katabi ko ng locker.“Ang alin?” tanong naman nung kasama niya.“May nililigawan na daw si Jairo Guevarra.”“T-Talaga? Hala sanaol!”Bigla akong namula. Hindi pa rin nang dahil sa kilig, kundi sa inis!“And magugulat ka kung sino yung girl.”Tuluyan nang nakuha ni ate yung tenga ko.&ld

    Terakhir Diperbarui : 2021-02-23
  • Mistaken Love Spell (Season 1)   Chapter 8

    KRISTINE’S POV“A-Anong kailangan mo sa ‘kin?” kahit papano eh kinabahan ako.“What’s your status with Jairo?” pagtataray ni Blaire sa akin.Kinalma ko ang sarili ko at pinatapang sa harap ng babaeng ‘to. “What should I answer? Lovers?” I sarcastically answered bago naghugas ng kamay at naghilamos.“B*tch!” Nakita ko mula sa salamin na naglakad siya papalapit sa akin. “You flirt—”Sakto namang pagkaharap ko sa kanya, sinampal niya ako. Amporkchop! Ansakit nun ha! Nawala lahat ng kaba

    Terakhir Diperbarui : 2021-02-23
  • Mistaken Love Spell (Season 1)   Chapter 9

    BRYLE’S POVI was just walking behind Jairo who’s carrying Kristine in his arms.Bakit sa lahat ng babae, kailangan pang si Kristine?Lahat kaming magbabarkada, kasama yung kambal ay pumasok sa loob ng clinic. Lumingon naman sa amin ang naka-schedule na student nurse assistant na si Dani.“Sinong pasyente?” she asked with the hint of annoyance in her voice.“Kristine Abella.” Sean pointed at Kristine.“Siya lang?” Sabay-sabay namang tumango ang iba maliban sa amin ni Jai.“Eh s

    Terakhir Diperbarui : 2021-02-23

Bab terbaru

  • Mistaken Love Spell (Season 1)   Special Chapter - Friendship over Admiration

    BRYLE’S POV“Another year, another girl,” sabi ni Sean habang nakatingin kay Cyril na may kausap na namang babae. The woman looks older than us.“Hindi pa ba kayo nasanay sa lalakeng ‘yan?” sagot naman ni JP. “Teka nga, naiinggit ako—Asaan pala si Nathan?”“For sure kasama si Xei, alam mo naman kung gaano ka-clingy yung taong ‘yun sa girlfriend niya,” litanya na naman ni Sean.It’s our final year as high school students and we plan on spending it as good citizens, but I don’t think it’ll happen.For some reason, Cyril still continued to be a flirt and I thi

  • Mistaken Love Spell (Season 1)   Epilogue

    KRISTINE’S POVNaglalakad na lang akong mag-isa sa may hallway. After the dance, I asked Bryle if I can have my personal time na. There was something in his eyes that worried me.Pakiramdam ko, nasasaktan ko siya.Ayoko sanang pumunta sa school garden, yun na ata ang pinaka-ayaw kong lugar sa campus na ‘to, pero makulit ang mga paa ko at doon pa rin ako dinala.Tahimik yung lugar, walang mga tao, well, tao nga pala ako, so bale may isang tao.Lalapit na sana ako sa may bench pero may napansin akong kakaiba. Parang may nagalaw na something. Mukha siyang bubble na malaki at medyo nagalaw.

  • Mistaken Love Spell (Season 1)   Chapter 30

    KRISTINE’S POV“Thank you, Bryle.”“Nah, it’s fine. You needed a friend, lucky you, I was available.”Medyo natawa ako. Naka-ilang minuto din akong tambay at ngawa sa kwartong yun. Paniguradong magang-maga na yung mga mata ko kakaiyak.Hanggang ngayon naman masakit pa rin eh, pero ewan ko ba... Pakiramdam ko kasi mas lalo lang akong masasaktan kapag pinagpatuloy kong balikan ang nakaraan.Hey, I still haven’t moved on, okay? Mahirap yun. Mahabang proseso yun.I&r

  • Mistaken Love Spell (Season 1)   Chapter 29

    BRYLE’S POVNasaan na ba ‘yun?I’ve been looking for Jairo... and of course, Tine as well.I knew I saw her outside the ballroom, she was wearing that red gown but she walked fast without even entering the room.And as for that best friend of mine, he texted me last night that he’ll meet me outside the ballroom before we go inside. So that we can at least take a photo together before everything starts.Pero ilang minuto na akong naghahanap and yet, no sign of him. That’s why I decided to look for him while looking for Tine. But what if they’re together?

  • Mistaken Love Spell (Season 1)   Chapter 28

    KRISTINE’S POV“My my! Don’t move, Tine,” paki-usap ni Ayel sa akin habang mine-make up-an ako.“K-Kailangan ba talaga niyan?”“Well, of course! You’re about to attend your first ball.”Nakwento ko kasi sa kanyang hindi ko talaga inaattendan yung mga ganitong event noong mga nakaraang taon.“Hindi naman na siguro requirement yan. ‘Di naman isa-isang titingnan at ichecheck ng mga teacher yung mukha namin kung may makeup o wala eh,” sagot ko sa kanya.She flatly looked at me. “I thought you wanted to confess to my cousin.&r

  • Mistaken Love Spell (Season 1)   Chapter 27

    MARI’S POV“T-Tama na p-please…” Hindi ko mapigilang umiyak.Mahigpit ang pagkakahawak sa akin ni Max sa dalawang braso ko. “Sige na Mari... Alam ko namang magugustuhan mo rin 'to.”Pilit akong nagpupumiglas pero ayaw niya talaga akong pakawalan. Sinimulan niya akong halikan sa leeg.Iyak na ako nang iyak pero ayaw niya pa ring tumigil. He pinned me harder against the wall. Nawawalan na ako ng lakas. Gusto kong sumigaw, gusto kong humingi ng tulong pero walang lumalabas sa bibig ko.“Hmm... Ang ganda mo talaga, Mari…” Kinilabutan ako nang halikan niya ang tenga ko. Nandidiri na ako sa sarili ko.

  • Mistaken Love Spell (Season 1)   Chapter 26

    JP’S POV“So, ano nang plano?”Nandito kami sa basketball court. Walang mga tao, at napilitan kaming hindi muna magbukas ng booth.Nalaman namin sa tita ni Kristine na hindi siya umuwi kagabi. Hanggang ngayon ay wala pa ring balita.“Kagagawan pa rin ba ‘to nila Kent?” tanong ni Sean.“That can’t be... I already dealt with him,” sagot naman ni Bryle.“More reason to do revenge.” Napatingin naman ang lahat kay Nathan. “Unless, of course, eh hindi pa siya nakakalabas ng kulungan.”

  • Mistaken Love Spell (Season 1)   Chapter 25

    CHAD’S POVAnd once again, I’m carrying Blaire’s bag of notebooks and books. She should really be thankful that I love her.But isn’t she a bit abusive of my love for her?Nah, never mind that thought! She said she loves me, I'll hold on to that.On another thought, I’m having a hard time talking with a disability. I’m getting tired of all this acting.Why did I even let my sister ask me to do this?Right. She wanted revenge on Blaire for bullyi

  • Mistaken Love Spell (Season 1)   Chapter 24

    NATHAN’S POV“Hey hey yow! Shut up! Ang iingay niyo!” I heard my phone ringing. Xei was calling, so I needed silence. But obviously, I can’t have that cause I’m with these guys.“Bebe time na naman, Nathan!” Binato ko ng unan si JP.“Nawa’y lahat may bebe!” Nagpraying position pa si Sean.Sina Jairo at Bryle naman ay busy sa pag-aasikaso sa mga customer.“Hello, Love?”(Hi! Busy?)“Medyo lang naman, madami daming customers eh.”

DMCA.com Protection Status