WHAT if buntis ako? Anong gagawin ko? Dapat ko ba itong ipaalam kay Andy? Or bubuhayin ko ang bata na mag-isa at ililihim ko na lang sa kanya ang kalagayan ko? Bahala na. Ang mahalaga, kahit hindi ito tanggapin ni Andy ay kaya ko namang buhayin ang bata na mag-isa. Okay naman ang kita ng talyer at mga apartment ko. Saka may savings naman ako. Mabibigyan ko ng magandang kinabukasan ang anak ko kung sakali.
Kinakabahan silang tatlo habang naghihintay sa result ng pregnancy test na isinagawa niya. Maya-maya ay nagpositive siya. Nangangatal ang mga kamay na iniabot niya sa mga ito ang tangan niyang pregnancy test.
“May dalawang guhit.” Kinakabahang sabi niya sa mga kaibigan.
“OMG! Buntis ka!” Mangiyak-ngiyak na niyakap siya ni Diane.
“God. . .,” Magkahalo ang kaligayahan at lungkot na nararamdaman niya. Paniguradong matutuwa ang Daddy niya kung nabubuhay lamang ito ngayon. Sayang
PUT INA MO!” Galit na galit na sinuntok ni Anthony si Andy nang maabutan niya ito sa shop ni Alexa. Kaagad na tumayo si Alexa para saklolohan si Andy ngunit yamot na dinuro niya ito, “Huwag kang makialam sa away naming magkapatid, pwede?” Aniya sa dalaga saka hinila si Andy palabras ng shop nito. “Ano bang problema mo?” Asar na tanong sa kanya ni Andy, ngayon lang niya nakitang ni hindi ito nagshave, magulo ang medyo mahaba ng buhok at very untidy tingnan. Malayo sa dating Andy na napaka-vain at hindi lumalabas na hindi suklay ang buhok. Alam niyang dinibdib nito ng husto ang tungkol sa kanilang pagkatao ngunit nanduon na iyon. Nangyari na ang hindi dapat mangyari. At para sa kanya ay dapat na lamang silang magpasalamat sa mga kinagisnan nilang mga magulang dahil hindi naman sila itin
“MAY SAKIT KA?” Nag-aalalang tanong ni Andy nang datnan niya si Catherine na nakahiga sa kuwarto. Hindi siya sanay na makita itong nagpapahinga ng tanghaling tapat. “A-Andy?” Waring hindi makapaniwalang sabi nito. Ewan pero namiss niya ito ng sobra. “Mabuti hindi ka pa rin nagpapalit ng lock kaya nakapasok ako gamit iyong susi ko,” nakangising sabi niya dito, “May dala nga pala akong pizza, tamang-tama, maglunch na tayo!” Inilapag niya ang bitbit na malaking bag. Kumunot ang nuo nito. “Nagtataka ka dahil nandito na naman ako? Siguro naman alam mo na ang dahilan
NILINGON NI MAK SI Catherine na sinundan pala siya sa palabas.“I’m sorry. Alam kong naapektuhan ang friendship natin d-dahil hindi ninyo gusto ni Andy ang isa’t-isa, p-pero sana naman maintindihan mo na. . .na masaya ako kapag kasama ko siya. . .” Kumunot ang nuo niya. Umaamin ba ito sa kanya na may nararamdaman na ito para kay Andy? Todo tanggi pa ito nuon sa kanya kaya may pag-asa pa siya kahit nararamdaman na niya nuon na may feelings ito sa lalaking iyon. Ngunit iyong tahasan nitong aaminin sa kanya na may pagtingin na ito kay Andy, mas masakit iyon. Ang sakit-sakit.
HINDI maipaliwanag ni Catherine ang pakiramdam habang magkahinang ang kanilang mga labi ni Andy. Ang tanging alam lang niya, nanunuot hanggang sa kaliit-liitang himaymay ng kanyang mga buto ang hatid na kiliti dulot ng ginagawa nito. Kung nuong lasing siya ay hindi niya matandaan ang ganitong klaseng pakiramdam, ngayon ay nakatitiyak siyang hinding-hindi niya makakalimutan ang tila walang kasing sarap na nararamdaman niya habang naglilingkisan ang kanilang mga dila. Hindi naman siya marunong humalik pero gumagaling siya dahil magaling ang kahalikan niya. Para ngang ang tagal-tagal na nilang ginagawa ito dahil waring sanay na sanay na siya sa pakikipaghalikan dito. “Andy!!!!” Narinig nilang sigaw ng boses ng isang babaeng pamilayar na pamilyar sa kanya.&
NAPAISMID SI CATHERINE. Ordinary looking pala, and yet sinugod pa siya nito ditto sa bahay para lang balaan siya kay Andy? Ramdam niya ang pag iinit ng kanyang mga mata. Kung hindi ito dumating, saan kaya sila nakarating ni Andy? Parang nagsisikip ang dibdib niya nang maalala ang mga masasakit na sinabi ni Andy nang papiliin ito ni Alexa. Sabagay, ano pa nga ba ang aasahan niya? Iyong ginawa nitong paghalik sa kanya kanina, hindi niya alam kung para saan iyon pero tiyak niyang wala iyong kinalaman sa love. Hindi siya dapat na umasa. Malinaw naman ang sinabi nito kanina. Si Alexa ang mahal nito. Baka nalibugan lang ito kanina kaya bigla siy
“ANDY. . .gusto ko lang sabihin saiyo na, sensitive ang kondisyon ko ngayon, kaya hindi ako pwedeng mapagod,” Pagtatapat ni Catherine kay Andy.“Bakit, may sakit ka ba?”“Andy, ilang weeks na si Catherine na. . .” Bago pa maituloy ni Diane ang sasabihin ay pasimple na niya itong nakurot sa singit.Napakunot-nuo si Andy.“M-may arthritis ako, Andy. Sumasakit ang mga kasu-kasuan ko kaya hindi ako pwedeng mapagod. Kaya pwede ba, iyong mga pinagkainan mo, ikaw ang magliligpit. Iyong mga marumi mong damit, ikaw ang maglalaba, okay?” Bulalas niya rito.Ang lakas ng tawa ni Andy, as if nanunuod ito sa isang comedy bar.“Bakit hindi mo sinabi sa kanya ang totoo?” Bulong ni Diane sa kanya.Pinandilatan lang niya ito ng mga mata. Hangga’t maari ay gusto niyang itago kay Andy ang tungkol sa pagdadalantao niya. Natatakot siya sa magiging reaction nito.
“IT’S FIX. Iniba ko na ang direksyon ng cctv sa hallway para di na malalaman pa ni Daddy kung magkasama ba tayo sa iisang kuwarto. From now on, dun na ko sa guest room matutulog,” pahayag ni Andy nang kumakain na sila ng hapunan. “Mabuti naman naisipan mo ‘yan,” kung kelan nabuntis mo na ko. Sumandok siyang muli ng kanin at ulam. Napangisi si Andy, “Para kang may ibang taong binubuhay dyan sa tiyan mo sa lakas mong kumain ah.” Muntik na siyang mabulunan sa sinabi nito. “Pansin ko, mas malakas ka pang kumain ngayon kesa dati. Are you sure walang sawa dyan sa tiyan mo?”&n
NAGMAMADALING nagbihis si Andy nang marealize na alas-kuwatro na ng hapon. Shit, kailangan ko pa nga palang dumaan sa grocery. Wala na nga palang laman ang pantry nila. At ang bagoong. . . “San ka pupunta?” Takang tanong ni Alexa nang mapansing nagmamadali siyang nagbibihis. “Mag-go-grocery.” “Grocery? Para saan?” “Para sa bahay, saan pa!” Sagot niya habang nagsusuot ng medyas. “Kelan ka pa natutong mag-grocery? Saka hindi k aba ditto matutulog?”&n