“GANDANG-GANDA ka ngang talaga sakin ano?” nakangising sabi nito sa kanya saka tinalikuran na siya, “Tawagin mo na lang ako kapag ready ka ng mag-island hopping. Pupuntahan ko lang si Mr. J para sabihing di ako makakasama sa kanya.”
Nakangiwi siya habang sinusundan ito ng tingin, gandang-ganda, napapailing na sambit nito. Pero hindi man niya aminin ay excited siyang mag-island hopping silang dalawa.
Pinuntahan na niya ang staff para ipaalam ang binabalak na pag-a-island hopping nilang dalawa. Ilang sandali pa ay nakaready na ang small-yacht na sasakyan nila. Tinawagan niya si Catherine. Napasigaw ito sa tuwa nang makita ang yacht.
“Wow, akala ko bangka lang ang sasakyan natin, yacht pala talaga. Ang sosyal,&r
PAGLINGON ni Andy, nakita niya si Alexa na lulan ng yate habang kumakaway sa kanya. “Andy!!!” Parang bigla siyang nagka-anxiety. Huminto ang yacht sa tapat ng yacht nila. “God, I missed you so much. Mabuti na lang nakapagbook rin ako!” Sigaw nito sa kanya saka nawala ang ngiti nang makita si Catherine. Tumayo na siya at bumaba sa yacht patungo sa pangpang para salubungin ito. Ayaw niya ng gulo. Kilala pa naman niya si Alexa kapag nagalit. Pagkababang-pagkababa ni Alexa sa yacht ay patakbo itong lumapit sa kanya at yumakap saka siniil siya ng halik sa mga labi na tila nais ipaalala sa kanya kung sino ito sa buhay niya.&n
“PAMBIHIRA, Alexa, iyong bubuwit na iyon, pinagseselosan mo?” Mapakla ang ngiting tiningnan ni Andy si Alexa, “Palagay mo ipagpapalit kita sa kanya?” “Hindi naman imposible iyon, di ba? In fairness maganda sya. Kung tutuusin, tangkad lang ang lamang ko sa kanya at. . .” “Alexa, ano ka ba naman?” Aniyang biglang na-guilty, kinabig niya ito sa bewang, “Let’s go. Kumain tayo ng halo-halo, masarap ang halo-halo dito,” Sabi na lamang niya para maiba ang topic nila. Pero hindi niya naiwasang lingunin si Catherine habang naglalakad silang papalayo ni Alexa. Bakit nga ba nagmamaktol ang kalooban niyang makita ito kasama ng Mr. J na iyo
“EHHHH” Ang lakas ng tili niya. This time, hindi na dahil sa sakit na nararamdaman kundi dahil kitang-kita niya ang pagkalalaki ni Andy habang waring kumakaway sa kanya. “Bastos, manyak!!!” Sigaw niya. Saka lang waring narealize ni Andy na nakahubad ito, hiyang-hiyang tinakpan nito ng mga kamay ang pagkalalaki. “I’m sorry. Ano ba kasing ginagawa mo dyan?” Nag-aalalang tanong nito sa kanya. “Go away!!! Go away!” Nagpapanic na sigaw niya dito habang nakapikit ang mga mata, “Pwede, umalis ka na lang, please!!!!” “Okay. . .okay. . .”
“WHAT?” Halatang ikinagulat nito ang sinabi niya. “Bakit parang gulat na gulat ka? Gusto ko nang magkaanak tayo.” “Hindi pwede.” “Why? Don’t tell me hindi ka pa ready?” “Alexa, alam mo ang sitwasyon ko, hindi ba? Magiging illegitimate ang anak natin.” Paalala nito sa kanya. “Pansamantala lang naman, eventually, maghihiwalay rin kayo ni Catherine, magiging. . .” “Don’t make things more complicated, okay!” Giit nito sa kanya sa tonong parang sinasabing
HANGGANG makabalik ng Maynila ay laman ng isipan ni Catherine itong nag-uumpisang feelings niya para kay Andy. Natatakot siyang mas lalong mapalapit ang loob niya dito. Mahirap na. Baka tuluyan nang maging malalim ang kung anumang nararamdaman niya. Kaya naman sinikap niyang iwasan ito. Itinuon niya ang pansin sa kanyang pagsusulat. “Gutom na ko, wala ka bang nilutong pagkain?” Tanong ni Andy, ika-tatlong araw na simula nang ipangako niya sa sariling iiwasan na niya ito. Ni hindi na rin siya natutulog sa kwarto kapag nanduon ito. Nagkukunwa siyang busy sa pagsusulat pagkatapos ay pasimple siyang natutulog sa salas. “May niluto na kong ulam sa fridge, painitin mo na lang,” aniyang ni ayaw man lamang itong t
“OMG,” Me pagkamarites ang tono ng pananalita ni Diane, “Malakas ang kutob kong magche-check in ang mga iyon.” “Girlfriend ni Andy si Alexa,” matamlay na sagot niya dito. Hindi na nakapagtataka kung magcheck in man ang mga ito. Magkasama na nga ang mga ito sa Amanpulo. Pero syempre ay di na niya iyon sasabihin pa sa mga kaibigan. “Girlfriend?Pumapayag kang may girlfriend ang asawa mo?” Hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya. Maya-maya ay si Britney naman ang naririnig niyang nagsasalita, “Bakit ka pumapayag na winawalanghiya ka ng asawa ko? Kahit na napilitan lang kayong pakasal sa isa’t-isa. Deserve mo pa rin ng respeto ‘no. Igalang naman nila ang matrimonya ninyo ng kasal. Hindi ba nahihiya ang babaeng iyon, sinisira niya ang inyong relasyon ni And
NAPASUGOD ang dalawang bouncer sa kanila at hinawakan si Justin pero sinenyasan niya ang mga ito na huwag na lamang makialam.Saka nakangising tiningnan si Justin,“Ano bang ipinagpuputok ng butse mo? Iyong katotohanan na kahit na anong gawin mo, hindi ka mapansin ni Alexa?” May sarcasm sa tonong tanong niya dito. “Hindi ako makapaniwalang sa kabila ng pagmamahal niya saiyo, nagagawa mo pa siyang itrato ng ganito!” Galit na sabi nito sa kanya. “Pasensyahan na lang tayo dahil ako ang pinili niya,” aniya dito saka napaismid, “At pwede ba, sa halip na pakialaman mo iyong mga buhay namin, sarili mo na lang ang intindihin mo? Ang hirap naman kasi saiyo, ang hilig mong ipagsiksikan ang sarili mo sa mga buhay namin!” N
NAPAPAILING na lumabas ng kuwarto si Andy at padarag na nahiga sa sofa habang parang wala sa sariling nakatingin sa kisame. This is not right. Parang kung anu-anong bagong emotions ang nararamdaman niya, hindi niya maipaliwanag kung bakit. Basta pakiramdam niya, he's on the verge of something he can't put his finger on. He only knew he was about to fall, and this is terrifying. Damn. Bumangon siya. Maya-maya ay natigilan siya nang makita si Catherine. Nagulat rin ito nang makita siya sa salas pero maya-maya ay naglakad ito papuntang kusina. Mabilis niya itong hinawakan sa braso. Kunot-nuo itong napatingin sa kanya.&
HALOS mapaiyak si Andy habang nakatitig kay Catherine na naglalakad patungo sa altar kung saan ay naghihintay siya. Ang kapatid niyang si Justin ang naghahatid dito samantalang ang kakambal naman niyang si Anthony ang bestman niya. Nilingon niya ang ama na halatang walang pagsidlan ng kaligayahan habang nasasaksihan ang napakahalagang pangyayari na ito sa buhay niya. Nakita rin niyang umiiyak ang Mama niya. Kagabi ay halos hindi sila maghiwalay ng mga magulang sa walang sawa niyang pagpapasalamat sa mga ito. Oo nga at hindi niya biological parents ang mga ito ay alam niyang itunuring sila nitong parang isang tunay na anak. Kaya nga laking gulat niya nang malamang ampon lamang pala sila ni Anthony. Ni minsan kasi ay never siyang nagkaroon ng hint na hindi sila kadugo ng mga ito. Ngayon lamang niya narealize kung gaano siya kabless. Bagama’t hindi niya nakilala ang tunay nilang mga magulang, mapalad siyang pinagkalooban ng mga taong magmamahal sa kanila.
KUMPLETO ang buong pamilya ni Facundo para sa dinner na ipina-set up niya. Tiniyak niyang magugustuhan ng mga anak niya ang mga pagkain kung kaya’t kinuha pa niya ang pinakasikat na catering service para sa araw na iyon. Nagulat siya nang dumating si Justin kasama ang isang napakagandang babae na ipinakilala nito sa kanya na si Elizabeth. Napansin kaagad niya ang kakaibang kislap ng mga mata ni Justin. Pakiramdam niya ay unti-unti na nitong nakakalimutan si Alexa. Wala siyang ibang hangad kundi makitang masama ang bawat isa sa kanyang mga anak at sa tingin naman niya ay unti-unti nang nabibigyang katuparan ang lahat ng iyon. Nilingon niya sina Andy at Catherine na masayang nakikipaglaro sa kanyang apo. May ngiting sumilay sa kanyang mga labi. Parang kalian lang ay mukhang aso’t pusa ang mga ito ngunit ngayon, halos hindi na maghiwalay. Tama siya. Unang kita pa lamang niya kay Catherine, alam na niyang sa pilin
“SORRY SA MGA SINABI saiyo ni Alexa,” sabi ni Andy kay Catherine. Pagkagaling nila sa ospital ay dumiretso sila sa pizza house para kumain ng paborito nilang Hawaiian pizza. Nagkibit siya ng balikat, “Sanay na ko sa kanya. Pero knowing me, hindi ko pa rin napigilang pangaralan siya! But deep inside, awing-awa ako sa kanya. Alam ko kasi kung gano kahalaga sa kanya ang self image.” Ginagap ni Andy ang isang kamay niya, “God, ngayon ko narealize kung gaano ako ka-swerte saiyo. Nuon, naiinis ako sa pagiging natural mo. Iyong lumalabas ka ng bahay kahit hindi ka nakaayos. Pero ‘yan din ang minahal ko saiyo. Iyang pagiging totoo mo. At napakaswerte ko saiyo!” “Dahil mabait ako?” “Dahil low maintenance ka lang. At least hindi magastos!” Nakatawang sabi nito sa kanya. Napangiwi siya, “Talaga lang ha?” “But seriously, I am so lucky to have you. Mas lalo kang gumaganda dahil hindi mo kailangang maging fake just to
“NOOO!!!” Ang lakas ng tili ng ina ni Alexa nang malamang kailangang putulin ang isang binti ng anak. “Tita,” Nakikisimpatyang sabi ni Andy. Hindi niya maimagine kung ano ang gagawin ni Alexa kapag nagising itong wala na ang isang binti nito. Alam niya kung gaano kamahal ni Alexa ang pagmomodelo. Besides, napakabanidosa nito kaya mahihirapan itong matanggap ang pangyayari. Ngunit ang sabi ng doctor ay iyon lamang daw ang tanging paraan. Kailangang putulin ang binti nito. Gusto sana niyang sabihin sa matanda na isipin na lamang nitong swerte pa rin si Alexa dahil nakaligtas ito sa panganib dahil trak ang sumalpok sa kotse nito.Ngunit alam niyang hindi makakatulong kung sabihin pa niya iyon kaya nagsawalang kibo na lamang siya. Humahangos na dumating si Justin. “What happened?” Puno ng pag-aalala sa mukhang tanong nito. Malungkot na tinapik niya sa balikat ang kapatid, “Sumalpok sa trak ang minamanehong kotse ni Alexa.
“DID WE HEAR IT RIGHT? You two are getting married? Because the last time we talked, gusto ninyong ipa-annul ninyo ang kasal ninyo?” Gulat na tanong ni Facundo kina Catherine at Andy nang bisitahin nilang mag-asawa ang mga ito sa bahay. “Yes, Papa, you heard it right. Loud and clear, we are getting married, again. This time church wedding na,” masayang balita ni Andy sa kanilang mag-asawa. “Omy God!”Bulalas ni Ana, niyakap sila nitong dalawa, “I’m glad, finally hindi na kayo maghihiwalay.” Tinapik ni Facundo ang balikat ni Andy saka niyakap ito ng mahigpit. “I’m am so happy for you. Mabuti naman natauhan ka na.” Sabi niya rito saka yumakap rin kay Catherine, “Iha, salamat naman at napatino mo rin itong isang ito,” pabirong sabi niya rito. Natawa ang dalawa sa kanya.` “But seriously, yan talaga ang gusto naming mangyari sa inyo. Ang makitang nagkakasundo kayo at nagmamahalan.” “Naku, at sa kabila ng lahat, naging ma
“MABUTI naman nakapag-usap kayo ng maayos ni Mak. So, tanggap na nya na hindi mo kayang pahindian ang kaguwapuhan kong ito?” Sabi ni Andy habang dahan-dahang kinakalas ang butunes ng suot niyang pajama top. “Kailangan bang hubarin mo ‘yan habang nag-uusap tayo?” Napapangisi niyang tanong dito, kahit ang totoo nanabik na rin siya sa susunod nitong gagawin. Dios mio, inaara-araw na yata nila ang paglalab making. “Ayaw mo?” Nanunukso ang mga matang tanong nito sa kanya. Pilya ang ngiting pinakawalan niya, “Kaya mo akong tikisin?” Mapanuksong tanong niya rito. May naglaro sa isip niya kaya bumangon siya at bahagyang ibinaba ang suot saka pinagdikit ang mga balikat para lumitaw ang cleavage niya. Bumangon rin si Andy, hinubad ang suot na shorts. Namula ang mga pisngi niya nang tumambad ang nakabukol nitong hinaharap sa suot nitong underwear, “Eh eto, kaya mo rin bang tikisin?” Mapanukso ring tanong nito sa kanya. Napabungisngi
“NGAYON, NAIINTINDIHAN na kita, Daddy,” masayang-masayang sabi ni Catherine habang pinagmamasdan ang larawan ng ama. Medyo masalimuot ang naging umpisa nila ni Andy, ngunit tama pa rin ang kanyang ama nang sabihin nito sa kanya na nakikita niya si Andy na mamahalin siya ng husto. At kay Andy lamang magiging kampante ang kalooban nito. Hindi niya alam kung papaanong natiyak ng Daddy niya na magiging okay rin sila ni Andy. Sadya sigurong matalas ang pakiramdam ng mga magulang. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga sinabi sa kanya ni Andy. Parang kelan lang ay para silang mga aso’t pusa na palaging nag-aaway. Ngayon ay biglang nagpropose ito ng pag-ibig sa kanya. Wow, akala niya ay sa pelikula lang may ganitong love story. Posible rin pala sa totoong buhay. “Nasa labas ang mga kaibigan mo, siguro ipinamalita mo na kagad sa kanila iyong tungkol satin ‘no? Ipinagyayabang mo siguro ang gwapo mong asawa, ha?”
“MAGPALIT KA, sa fancy restaurant tayo pupunta, hindi sa fastfood chain!” Sita ni Andy kay Cathy nang makitang naka-maong at putting tshiirts lang siya. Napasimangot siya, mag-uusap lang kami, kailangan pang sa mamahaling restaurant pa, hindi ba pwedeng dito na lang kami mag-usap sa bahay? As if magandang salita ang maririnig ko sa kanya. Pero hindi na siya nagprotesta pa, sa halip ay tahimik na nagpalit na lamang siya ng damit. Isang off shoulder na floral green dress ang isinuot niya. Naglagay rin siya ng manipis na make-up saka makailang beses na sinipat ang sarili sa salamin. Kinulang lang talaga ako sa height eh, pero kung beauty ang pag-uusapan, bah lalaban ako! Lumabas siya ng kuwarto at pinuntahan si Manang Terry, “Madali lang daw po kami. Kayo na muna ang bahala sa baby.” Sabi niya sa matanda saka humalik sa mga kamay ng anak. Paglabas niya ng salas ay inabutan niya si Andy, ang guwapo-guwapo nito sa suot niton
“HINDI KA BA TALAGA MAKAPAGHINTAY? Atat na atat ka na talagang makipaghiwalay?” Asar na sita ni Andy kay Catherine nang dumating ito sa bahay, “Hindi na ba magkanda-ugaga si Mak na madala ka sa Canada kaya nagmamadali ka, ha?” “Ibinibigay ko lang kung ano ang gusto mo, Andy!” Yamot na sagot niya dito, “Para hindi na ako nahihirapan pang maghintay saiyo araw-araw. P-para hindi na ko umaasa pa.” “Umaasa?” “Oo. Tatlong araw kang hindi sumipot, ni ha, ni ho wala kang pasabi, ano sa palagay moa ng nararamdaman ko, ha Andy?” Punong-puno ng hinanakit na sambulat niya rito. Bago man lang sila maghiwalay ang masabi niay rito ang lahat ng gusto niyang sabihin. Para at least, makikipaghiwalay siya na walang kinikimkim na mga sama ng loob. “God, Andy, alam mo ba iyong pakiramdam na naghihintay, ha? Sa bawat pagbukas ng gate, umaasa akong ikaw iyong darating. Pero three days? Ni hindi mo man lang ako tinawagan para sabihing hindi ka