“EHHHH” Ang lakas ng tili niya. This time, hindi na dahil sa sakit na nararamdaman kundi dahil kitang-kita niya ang pagkalalaki ni Andy habang waring kumakaway sa kanya.
“Bastos, manyak!!!” Sigaw niya.
Saka lang waring narealize ni Andy na nakahubad ito, hiyang-hiyang tinakpan nito ng mga kamay ang pagkalalaki.
“I’m sorry. Ano ba kasing ginagawa mo dyan?” Nag-aalalang tanong nito sa kanya.
“Go away!!! Go away!” Nagpapanic na sigaw niya dito habang nakapikit ang mga mata, “Pwede, umalis ka na lang, please!!!!”
“Okay. . .okay. . .”
“WHAT?” Halatang ikinagulat nito ang sinabi niya. “Bakit parang gulat na gulat ka? Gusto ko nang magkaanak tayo.” “Hindi pwede.” “Why? Don’t tell me hindi ka pa ready?” “Alexa, alam mo ang sitwasyon ko, hindi ba? Magiging illegitimate ang anak natin.” Paalala nito sa kanya. “Pansamantala lang naman, eventually, maghihiwalay rin kayo ni Catherine, magiging. . .” “Don’t make things more complicated, okay!” Giit nito sa kanya sa tonong parang sinasabing
HANGGANG makabalik ng Maynila ay laman ng isipan ni Catherine itong nag-uumpisang feelings niya para kay Andy. Natatakot siyang mas lalong mapalapit ang loob niya dito. Mahirap na. Baka tuluyan nang maging malalim ang kung anumang nararamdaman niya. Kaya naman sinikap niyang iwasan ito. Itinuon niya ang pansin sa kanyang pagsusulat. “Gutom na ko, wala ka bang nilutong pagkain?” Tanong ni Andy, ika-tatlong araw na simula nang ipangako niya sa sariling iiwasan na niya ito. Ni hindi na rin siya natutulog sa kwarto kapag nanduon ito. Nagkukunwa siyang busy sa pagsusulat pagkatapos ay pasimple siyang natutulog sa salas. “May niluto na kong ulam sa fridge, painitin mo na lang,” aniyang ni ayaw man lamang itong t
“OMG,” Me pagkamarites ang tono ng pananalita ni Diane, “Malakas ang kutob kong magche-check in ang mga iyon.” “Girlfriend ni Andy si Alexa,” matamlay na sagot niya dito. Hindi na nakapagtataka kung magcheck in man ang mga ito. Magkasama na nga ang mga ito sa Amanpulo. Pero syempre ay di na niya iyon sasabihin pa sa mga kaibigan. “Girlfriend?Pumapayag kang may girlfriend ang asawa mo?” Hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya. Maya-maya ay si Britney naman ang naririnig niyang nagsasalita, “Bakit ka pumapayag na winawalanghiya ka ng asawa ko? Kahit na napilitan lang kayong pakasal sa isa’t-isa. Deserve mo pa rin ng respeto ‘no. Igalang naman nila ang matrimonya ninyo ng kasal. Hindi ba nahihiya ang babaeng iyon, sinisira niya ang inyong relasyon ni And
NAPASUGOD ang dalawang bouncer sa kanila at hinawakan si Justin pero sinenyasan niya ang mga ito na huwag na lamang makialam.Saka nakangising tiningnan si Justin,“Ano bang ipinagpuputok ng butse mo? Iyong katotohanan na kahit na anong gawin mo, hindi ka mapansin ni Alexa?” May sarcasm sa tonong tanong niya dito. “Hindi ako makapaniwalang sa kabila ng pagmamahal niya saiyo, nagagawa mo pa siyang itrato ng ganito!” Galit na sabi nito sa kanya. “Pasensyahan na lang tayo dahil ako ang pinili niya,” aniya dito saka napaismid, “At pwede ba, sa halip na pakialaman mo iyong mga buhay namin, sarili mo na lang ang intindihin mo? Ang hirap naman kasi saiyo, ang hilig mong ipagsiksikan ang sarili mo sa mga buhay namin!” N
NAPAPAILING na lumabas ng kuwarto si Andy at padarag na nahiga sa sofa habang parang wala sa sariling nakatingin sa kisame. This is not right. Parang kung anu-anong bagong emotions ang nararamdaman niya, hindi niya maipaliwanag kung bakit. Basta pakiramdam niya, he's on the verge of something he can't put his finger on. He only knew he was about to fall, and this is terrifying. Damn. Bumangon siya. Maya-maya ay natigilan siya nang makita si Catherine. Nagulat rin ito nang makita siya sa salas pero maya-maya ay naglakad ito papuntang kusina. Mabilis niya itong hinawakan sa braso. Kunot-nuo itong napatingin sa kanya.&
NAGTULOG-TULUGAN si Catherine nang maramdamang bumukas ang pinto ng kwarto. “I know you’re still awake, Cathy.” Dinig niyang sabi ni Andy sa kanya. Ano na naman ba ang sasabihin nito? Wala naman na kaming dapat na pag-usapan. Hindi siya nagmulat, sa halip ay nagpanggap pa siyang humihilik. “Cathy. . .” Maya-maya ay ramdam niyang lumabas na ito ng kuwarto. Saka lang niya iminulat ang kanyang mga mata. Pero bigla iyong bumukas at nahuli siya nitong nakamulat ang mga mata. Hindi na niya magawang magtulog-tulugan pa dahil huling-huli na siya nito. Lumapit ito sa kanya. 
NAPALIS ang mga ngiti sa labi ni Catherine nang mapatitig kay Andy. Pakiramdam niya ay may mga paru-parung nagliliparan sa sikmura niya habang nakatingin siya dito. God, hanggang kailan ko ba kayang pigilan itong nararamdaman ko? Namula ang kanyang mukha. “M-Mauuna na kong pumasok sa kuwarto,” sabi niya dito. “Sandali. . .” anitong hinawakan siya sa isang braso. Napasinghap siya, nagtatakang tiningnan niya ito. “Ah. . .kuwan kasi. . .” tila wala itong maapuhap na sabihin, “Gusto ko sanang magrequest ng tinola bukas?” Nakangising sabi nito sa kanya,
“IN FAIRNESS, masarap itong tinola mo,” sabi ni Andy, naubos nito ang ibinigay niyang isang malaking mangkok ng tinola. Bakit niya ito gusto? Hindi niya alam kung bakit pero ang saya-saya niya sa tuwing napapangiti niya ito. May mga bagay sigurong hindi kailangan ng paliwanag, basta na lamang niya nararamdaman. “Halata nga eh,” nakangising sabi niya, “Yaman din lang na napasaya ko ang tanghalian mo, huhugasan mo itong mga pinagkainan natin, deserve ko namang magpahinga,” aniya dito. Napaismid ito, “Bakit mas mahirap iyong gagawin ko?” “Anong mas mahirap? Hoy, fyi, mas mahirap magluto kesa maghugas ng mga pinagkai