NAPALIS ang mga ngiti sa labi ni Catherine nang mapatitig kay Andy. Pakiramdam niya ay may mga paru-parung nagliliparan sa sikmura niya habang nakatingin siya dito. God, hanggang kailan ko ba kayang pigilan itong nararamdaman ko?
Namula ang kanyang mukha.
“M-Mauuna na kong pumasok sa kuwarto,” sabi niya dito.
“Sandali. . .” anitong hinawakan siya sa isang braso.
Napasinghap siya, nagtatakang tiningnan niya ito.
“Ah. . .kuwan kasi. . .” tila wala itong maapuhap na sabihin, “Gusto ko sanang magrequest ng tinola bukas?” Nakangising sabi nito sa kanya,
“IN FAIRNESS, masarap itong tinola mo,” sabi ni Andy, naubos nito ang ibinigay niyang isang malaking mangkok ng tinola. Bakit niya ito gusto? Hindi niya alam kung bakit pero ang saya-saya niya sa tuwing napapangiti niya ito. May mga bagay sigurong hindi kailangan ng paliwanag, basta na lamang niya nararamdaman. “Halata nga eh,” nakangising sabi niya, “Yaman din lang na napasaya ko ang tanghalian mo, huhugasan mo itong mga pinagkainan natin, deserve ko namang magpahinga,” aniya dito. Napaismid ito, “Bakit mas mahirap iyong gagawin ko?” “Anong mas mahirap? Hoy, fyi, mas mahirap magluto kesa maghugas ng mga pinagkai
“OKAY, PUPUNTAHAN natin ang Daddy mo sa Batangas pagkatapos mo kong tulungang magpaliwanag kay Alexa, okay?” Napabuntong hiningang sabi ni Andy kay Catherine. Gusto niyang maayos ang gusot nila ni Alexa dahil pinagbantaan na naman siya nitong lalabas kasama ni Justin kapag hindi niya isinama si Catherine para makausap nito ng masinsinan. Napapayag niya itong samahan siya kay Alexa. Dumaan muna siya sa flower shop para bilhan si Alexa ng mga paborito nitong bulaklak. Tahimik lamang si Catherine habang nakaupo sa pasenger’s seat. Nagi-guilty siya na kailangan pa niya itong isama para magkaayos sila ni Alexa. Pero nayayamot siya kapag naiisip niyang lalabas na naman si Alexa kasama ni Justin kaya kahit ayaw na sana nilang istorbohin
PALAGAY NI DON FACUNDO ay panahon na para malaman ng kanyang mga anak ang lihim ng pamilya nila. Matagal na panahon din niya itong iniingatan kaya tiniis niya ang kung anumang masasakit na salitang naririnig niya. Pero gusto niyang bago man lamang siya pumanaw ay maging maayos na ang relasyon ng lahat niyang mga mahal sa buhay. Tatawagan sana niya ang kanyang secretary para mag-organize ng isang salu-salo para sa kanyang buong pamilya, ngunit tinawagan siya ni Andy at ipinaalam sa kanya ang malubhang kalagayan ng ama ni Catherine. Naka-confine raw ito sa isang mamahaling ospital sa Alabang. Nagmamadali siyang gumayak at pinuntahan ito. Inabutan niya sina Catherine at Andy sa labas ng operating room. “Anong nangyari?” Nag-aalalang tanong niya. 
“AKO ang nandito and yet, parang ang layo ng lipad ng isip mo,” matamlay na sabi ni Alexa kay Andy, “Pagkatapos nagtataka ka kung bakit pinagseselosan ko si Cathy?” “Love, pasensya na. Medyo pagod lang ako saka naaawa lang ako sa kanya, nasa ospital kasi iyong father nya ngayon,” paliwanag nito sa kanya saka kinabig siya nito. Hindi na siya nakipagtalo pa. Pero nararamdaman talaga niya na simula nang makasal to sa babaeng iyon, may nabago na kung ano sa pakikitungo nito. Ayaw na sana niyang mag-isip ng kung anu-ano pa. Pero di talaga niya mapigilan. Tumunog ang telepono ni Andy, nagmamadali itong sinagot ng lalaki. “What?&rdquo
“ALEXA, konting panahon na lang naman ang hinihingi ko saiyo. Ngayong patay na ang Daddy ni Cathy, siguro naman ay papayagan na ako ni Papa na magfile ng annulment,” Napahinto sa paghakbang si Catherine nang marinig ang mga salitang iyon mula kay Andy habang kausap nito si Alexa sa telepono. Pakiramdam niya ay may kung anong matalas na bagay na gumuhit sa kanyang dibdib habang iniisip ang ibig sabihin ng mga iyon. God. . . Ngayon ko lamang naisip ito. Hindi ko nga pala tunay na asawa si Andy sa totoong kahulugan ng salitang asawa at anytime ay maari na ako nitong iwan dahil may totoo naman itong minamahal.
“NAKAKALIMUTAN MO ang oras kapag kasama mo sya? Naku, Andy, patay kang bat aka. Inlab ka nga sa Cathy na ‘yan!” Sabi ni Fred sa kanya. Sandali siyang natigilan saka napailing, “No. Imposible. Mahal ko si Alexa. Ang totoo, naaliw lang ako sa babaeng iyon. Ibang-iba kasi sya sa mga babaeng nakilala ko palibhasa iba ang kultura ng mga babae dito sa Pinas kesa sa mga babaeng lumaki sa Amerika. But other than that, wala na! At pwede ba huwag mong ipilit sakin ang ideya mong yan dahil mas kilala ko ang sarili ko. Sigurado ako sa sarili ko!” Mariing sabi niya sa kaibigan. And yet may tanong sa kaibuturan ng puso niya na ayaw niyang sagutin. Damn.
NAGMAMADALING sumakay sa kanyang kotse si Andy. “Andy, ano ba?” Dinig niyang sigaw ni Catherine ngunit parang wala siyang naririnig ng mga oras na iyon. “Andy!!! Dinala mo ko ditto pagkatapos iiwan mo akong mag-isa!!! Hoy, Andy!” Ngunit pinaharurot na niya ang kanyang sasakyan. Ayaw niya itong makausap dahil natatakot siyang baka mapagtawanan lamang naman siya nito. Ang yabang-yabang pa naman niya, iyon naman pala’y wala siyang karapatang magyabang dahil wala naman pala siyang maipagyayabang na kahit na ano. Kung pwede nga lang ay maglaho na lamang siya sa kinauupuan niya. Ramda
ANG GULAT NI Catherine nang magising kinabukasan na hubot’hubad habang nakayakap kay Andy na hubo’t hubad rin. Ang lakas ng sigaw niya kung kaya’y nagising niya si Andy. “What?” Nagtatakang tanong nito sa kanya. “Anong nangyari?” “Nangyari saan?” Walang malay na tanong nito. Bumangon siya, hila ang kumot na itinakip niya sa kanyang katawan, “Bakit hubo’t hubad tayo?” Aniyang napapikit nang tumambad sa kanya ang katawan ni Andy, nakaflag ceremony pa ang sandata nito kaya parang gusto niyang himatayin sa sobrang kaba.&n