DINIG na dinig ni Catherine ang sinabi ni Andy. Para iyong dumadagundong sa kanyang pandinig, Hindi ko papatulan ang bubuwit na iyon. Pumayag lang akong pakasal sa kanya dahil ayokong mawalan tayo ng mana. Pero kahit kelan, hindi ako maiinlab sa kanya, mahal ko si Alexa! I will never fall in love with Catherine!
Pakiramdam niya ay may isang matalas na bagay na humiwa sa kanyang dibdib pagkarinig sa sinabi ni Andy ngunit nagkunwa siyang hindi apekrado.
In fact, nagkunwa siyang walang naririnig.
Pero ramdam na niya ang pag-iinit ng kanyang mga mata.
Hindi niya alam kung bakit.
Hey,
“PAPA, thank God, you made it,” Maluha-luhang sabi ni Anthony sa ama habang inaayos ang paglabas nito sa ospital. After one week nitong naka-confine ay pinayagan na ito ng doctor na lumabas sa ospital. Kumpleto ang buong pamilya nito ng araw na iyon. Nanduon si Justin na nakilala na niya nuong nag-dinner sila sa bahay nina Andy. Si Anthony, at si Andy pati na rin ang mother in law niya na si Ana. Hanggang ngayon ay parang kinikilabutan pa rin siya kapag naiisip niyang may father in law at mother in law na siya. Ilang pa rin siyang tawagin ang mga itong Mama at Papa. Pakiramdam kasi niya ay nagpapanggap lang naman sila ni Andy bilang mag-asawa kaya ayaw niyang ser
NILINGON NI ANDY si Catherine. Mukhang natutulog na ito. Naiinggit siya dito dahil ang bilis-bilis makatulog. Kahit yata mapasandal lang sa pinto, makakatulog. Kakaibang talent. Bahagya siyang napangiti ng maalala ang ginagawa nitong pang-aakit sa kanya. Iniisip pala nitong siya si Anthony. No wonder ganun na lang kung makipag-flirt ito sa kanya. Ngayon kaya nito subukang gawin iyon? Unti-unting napalis ang ngiti niya nang maalala ang hubad na katawan nito. Damn. Paano kaya kung hindi niya napigilan ang kanyang sarili? Papayag kaya itong may mangyari sa kanila?
“ANDY,” Gulat na bigkas ni Justin sa pangalan ng kapatid. Hindi niya inaasahang ito ang makakausap niya. Napatiim bagang siya. May asawa na ito ngunit hanggang ngayon ay ayaw pa rin nitong pakawalan si Alexa. At nagtataka siya kay Alexa dahil hanggang ngayon ay nagpapaloko pa rin ito kay Andy samantalang heto siya, totoo iyong nararamdaman niya para rito and yet bakit panakip butas lang siya ni Alexa. “Bro, nandiyan ka pala,” sabi niyang napatikhim, “Hindi ba magagalit si Papa kapag nalaman niyang nasa ibang bahay ka sa halip na sa piling ng asawa mo ikaw naglalagi?” “Kung anuman ang gawin ko sa buhay ko, it’s none of your business!” Yamot na sagot nito sa kanya.
“AMANPULO?”Puno ng excitement ang mukha ni Catherine habang nakatingin sa plane ticket na iniabot sa kanya ni Andy. Isa sa bucket lists niya ang makapunta sa Amanpulo dahil madalas niya iyong napapanuod sa mga vlog ng mga celebrities. Gusto niyang makita kung gaano talaga kaganda ang lugar na iyon. Sabi kasi nila, para raw iyong paraiso. At hindi basta-basta napupuntahan ng kung sinu-sino lang. Sayang nga lamang at si Andy ang makakasama niya sa pagtupad sa pangarap niyang iyon. Ang sarap sana kung mga kaibigan niya ang kasama niya papunta sa Amanpulo at hindi si Andy. Ano naman kasi ang gagawin niya sa isang paraiso kasama ng lalaking iyon? Iniisip pa lama
AMANPULO. Hindi makapaniwala si Catherine na parte pa rin ito ng Pilipinas. Ang daming magagandang lugar dito sa bansa, sayang at mga dayuhan lamang ang nakikinabang. Haist, kung hindi lang siguro corrupt ang mga namumuno sa Pilipinas, hindi sana ito nabibilang sa third world country sa dami ng natural resources nito. Nakakalungkot isiping nabalewala lang lahat ng mga ipinaglaban ng mga bayani nuon. Pero ang ganda talaga ng Amanpulo. Sarap sana kung kasama niya ang mga friends niya. Pero mas masarap kung marunong siyang lumangoy! Namangha siya sa ganda at laki ng kuwarto. Inilapag niya ang kanyang mga gamit sakaparang batang ibinagsak niya ang katawan sa ka
Pero ang gulat niya nang sa halip na halik ay kutos ang inabot niya kay Andy. “Ouch, kinutusan mo ko?” Hindi makapaniwalang tanong niya dito. Sa tanang buhay niya ay never pa siyang nakutusan ng kahit na sino. Kahit ang Daddy niya, never siyang kinutusan pagkatapos, sa lalaking ito papakutos siya? Nagpanting ang mga tenga niya, “Anong karapatan mo para kutusan ako?” “Para matauhan ka! Itong isaksak mo sa kukute mo ha? Hinding-hindi kita magugustuhan kahit na kailan kaya huwag mong isiping naiinlab na ako saiyo! Mangilabot ka nga!” “Ah, sa palagay mo,magugustuhan kita?” Galit na sagot niya dito, kinutusan rin niya ito, “Isaksak mo rin ito sa kukute mo ha, huwag kang assuming na lahat ng babae, kagaya
“H-HINDI ha. . .b-bakit naman ako magpapansin saiyo?” todo tanggi niya dito, “Huwag kang assuming ‘no!” “Hindi ako assuming! Nagtataka lang ako, tumatanggi ka pa pero hindi pa ba pagpapansin ‘yang ginagawa mo?” Umiwas siya ng tingin dito, “Hah, pagpapansin ba ang tawag mo sa ginagawa ko? Actually, nag-iingat lang ako. Gusto ko lang ipaalala saiyo na kaibigan ni Papa ang isa sa mga share holder ng Amanpulo k-kaya ayoko lang namang makarating kay Papa na nakikipaglandian ka sa ibang lalaki habang nandito tayo,” pagsisinungaling niya dito. Ang totoo ay hindi naman kakilala ng Papa niya ang me ari ng isla na ito, or isa man sa mga share holders nito. Wala lang talaga siyang maisip na maidahilan kay
“WOW, kaharap ko pala ngayon ang sikat na author ng 101 Ways How Not To Fall Inlove With A Player, ang galing naman. Sayang, di ko dala iyong librong iyon, papa-autograph sana ako saiyo.” Kinikilig na sabi niya. Hindi siya makapaniwalang kaharap niya ang best-selling author na si Mr. J. “Don’t worry, bibigyan kita ng isa pang kopya, with my authograph.”“Talaga?” Hindi pa rin siya makapaniwala. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang ito ang sikat na author na hinahangaan niya. Hindi niya kaagad ito namukhaan, “Tatlong beses kong binasa ang libro mo. Hopefully, maapply ko sa sarili ko.”Star-struck siya. Hindi lang pala ito matalino, napakaguwapo rin. May maikwekwento na naman siya kina Diane.“Pwede bang magpa-picture tayo? At okay lang bang ipost ko sa Instag
HALOS mapaiyak si Andy habang nakatitig kay Catherine na naglalakad patungo sa altar kung saan ay naghihintay siya. Ang kapatid niyang si Justin ang naghahatid dito samantalang ang kakambal naman niyang si Anthony ang bestman niya. Nilingon niya ang ama na halatang walang pagsidlan ng kaligayahan habang nasasaksihan ang napakahalagang pangyayari na ito sa buhay niya. Nakita rin niyang umiiyak ang Mama niya. Kagabi ay halos hindi sila maghiwalay ng mga magulang sa walang sawa niyang pagpapasalamat sa mga ito. Oo nga at hindi niya biological parents ang mga ito ay alam niyang itunuring sila nitong parang isang tunay na anak. Kaya nga laking gulat niya nang malamang ampon lamang pala sila ni Anthony. Ni minsan kasi ay never siyang nagkaroon ng hint na hindi sila kadugo ng mga ito. Ngayon lamang niya narealize kung gaano siya kabless. Bagama’t hindi niya nakilala ang tunay nilang mga magulang, mapalad siyang pinagkalooban ng mga taong magmamahal sa kanila.
KUMPLETO ang buong pamilya ni Facundo para sa dinner na ipina-set up niya. Tiniyak niyang magugustuhan ng mga anak niya ang mga pagkain kung kaya’t kinuha pa niya ang pinakasikat na catering service para sa araw na iyon. Nagulat siya nang dumating si Justin kasama ang isang napakagandang babae na ipinakilala nito sa kanya na si Elizabeth. Napansin kaagad niya ang kakaibang kislap ng mga mata ni Justin. Pakiramdam niya ay unti-unti na nitong nakakalimutan si Alexa. Wala siyang ibang hangad kundi makitang masama ang bawat isa sa kanyang mga anak at sa tingin naman niya ay unti-unti nang nabibigyang katuparan ang lahat ng iyon. Nilingon niya sina Andy at Catherine na masayang nakikipaglaro sa kanyang apo. May ngiting sumilay sa kanyang mga labi. Parang kalian lang ay mukhang aso’t pusa ang mga ito ngunit ngayon, halos hindi na maghiwalay. Tama siya. Unang kita pa lamang niya kay Catherine, alam na niyang sa pilin
“SORRY SA MGA SINABI saiyo ni Alexa,” sabi ni Andy kay Catherine. Pagkagaling nila sa ospital ay dumiretso sila sa pizza house para kumain ng paborito nilang Hawaiian pizza. Nagkibit siya ng balikat, “Sanay na ko sa kanya. Pero knowing me, hindi ko pa rin napigilang pangaralan siya! But deep inside, awing-awa ako sa kanya. Alam ko kasi kung gano kahalaga sa kanya ang self image.” Ginagap ni Andy ang isang kamay niya, “God, ngayon ko narealize kung gaano ako ka-swerte saiyo. Nuon, naiinis ako sa pagiging natural mo. Iyong lumalabas ka ng bahay kahit hindi ka nakaayos. Pero ‘yan din ang minahal ko saiyo. Iyang pagiging totoo mo. At napakaswerte ko saiyo!” “Dahil mabait ako?” “Dahil low maintenance ka lang. At least hindi magastos!” Nakatawang sabi nito sa kanya. Napangiwi siya, “Talaga lang ha?” “But seriously, I am so lucky to have you. Mas lalo kang gumaganda dahil hindi mo kailangang maging fake just to
“NOOO!!!” Ang lakas ng tili ng ina ni Alexa nang malamang kailangang putulin ang isang binti ng anak. “Tita,” Nakikisimpatyang sabi ni Andy. Hindi niya maimagine kung ano ang gagawin ni Alexa kapag nagising itong wala na ang isang binti nito. Alam niya kung gaano kamahal ni Alexa ang pagmomodelo. Besides, napakabanidosa nito kaya mahihirapan itong matanggap ang pangyayari. Ngunit ang sabi ng doctor ay iyon lamang daw ang tanging paraan. Kailangang putulin ang binti nito. Gusto sana niyang sabihin sa matanda na isipin na lamang nitong swerte pa rin si Alexa dahil nakaligtas ito sa panganib dahil trak ang sumalpok sa kotse nito.Ngunit alam niyang hindi makakatulong kung sabihin pa niya iyon kaya nagsawalang kibo na lamang siya. Humahangos na dumating si Justin. “What happened?” Puno ng pag-aalala sa mukhang tanong nito. Malungkot na tinapik niya sa balikat ang kapatid, “Sumalpok sa trak ang minamanehong kotse ni Alexa.
“DID WE HEAR IT RIGHT? You two are getting married? Because the last time we talked, gusto ninyong ipa-annul ninyo ang kasal ninyo?” Gulat na tanong ni Facundo kina Catherine at Andy nang bisitahin nilang mag-asawa ang mga ito sa bahay. “Yes, Papa, you heard it right. Loud and clear, we are getting married, again. This time church wedding na,” masayang balita ni Andy sa kanilang mag-asawa. “Omy God!”Bulalas ni Ana, niyakap sila nitong dalawa, “I’m glad, finally hindi na kayo maghihiwalay.” Tinapik ni Facundo ang balikat ni Andy saka niyakap ito ng mahigpit. “I’m am so happy for you. Mabuti naman natauhan ka na.” Sabi niya rito saka yumakap rin kay Catherine, “Iha, salamat naman at napatino mo rin itong isang ito,” pabirong sabi niya rito. Natawa ang dalawa sa kanya.` “But seriously, yan talaga ang gusto naming mangyari sa inyo. Ang makitang nagkakasundo kayo at nagmamahalan.” “Naku, at sa kabila ng lahat, naging ma
“MABUTI naman nakapag-usap kayo ng maayos ni Mak. So, tanggap na nya na hindi mo kayang pahindian ang kaguwapuhan kong ito?” Sabi ni Andy habang dahan-dahang kinakalas ang butunes ng suot niyang pajama top. “Kailangan bang hubarin mo ‘yan habang nag-uusap tayo?” Napapangisi niyang tanong dito, kahit ang totoo nanabik na rin siya sa susunod nitong gagawin. Dios mio, inaara-araw na yata nila ang paglalab making. “Ayaw mo?” Nanunukso ang mga matang tanong nito sa kanya. Pilya ang ngiting pinakawalan niya, “Kaya mo akong tikisin?” Mapanuksong tanong niya rito. May naglaro sa isip niya kaya bumangon siya at bahagyang ibinaba ang suot saka pinagdikit ang mga balikat para lumitaw ang cleavage niya. Bumangon rin si Andy, hinubad ang suot na shorts. Namula ang mga pisngi niya nang tumambad ang nakabukol nitong hinaharap sa suot nitong underwear, “Eh eto, kaya mo rin bang tikisin?” Mapanukso ring tanong nito sa kanya. Napabungisngi
“NGAYON, NAIINTINDIHAN na kita, Daddy,” masayang-masayang sabi ni Catherine habang pinagmamasdan ang larawan ng ama. Medyo masalimuot ang naging umpisa nila ni Andy, ngunit tama pa rin ang kanyang ama nang sabihin nito sa kanya na nakikita niya si Andy na mamahalin siya ng husto. At kay Andy lamang magiging kampante ang kalooban nito. Hindi niya alam kung papaanong natiyak ng Daddy niya na magiging okay rin sila ni Andy. Sadya sigurong matalas ang pakiramdam ng mga magulang. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga sinabi sa kanya ni Andy. Parang kelan lang ay para silang mga aso’t pusa na palaging nag-aaway. Ngayon ay biglang nagpropose ito ng pag-ibig sa kanya. Wow, akala niya ay sa pelikula lang may ganitong love story. Posible rin pala sa totoong buhay. “Nasa labas ang mga kaibigan mo, siguro ipinamalita mo na kagad sa kanila iyong tungkol satin ‘no? Ipinagyayabang mo siguro ang gwapo mong asawa, ha?”
“MAGPALIT KA, sa fancy restaurant tayo pupunta, hindi sa fastfood chain!” Sita ni Andy kay Cathy nang makitang naka-maong at putting tshiirts lang siya. Napasimangot siya, mag-uusap lang kami, kailangan pang sa mamahaling restaurant pa, hindi ba pwedeng dito na lang kami mag-usap sa bahay? As if magandang salita ang maririnig ko sa kanya. Pero hindi na siya nagprotesta pa, sa halip ay tahimik na nagpalit na lamang siya ng damit. Isang off shoulder na floral green dress ang isinuot niya. Naglagay rin siya ng manipis na make-up saka makailang beses na sinipat ang sarili sa salamin. Kinulang lang talaga ako sa height eh, pero kung beauty ang pag-uusapan, bah lalaban ako! Lumabas siya ng kuwarto at pinuntahan si Manang Terry, “Madali lang daw po kami. Kayo na muna ang bahala sa baby.” Sabi niya sa matanda saka humalik sa mga kamay ng anak. Paglabas niya ng salas ay inabutan niya si Andy, ang guwapo-guwapo nito sa suot niton
“HINDI KA BA TALAGA MAKAPAGHINTAY? Atat na atat ka na talagang makipaghiwalay?” Asar na sita ni Andy kay Catherine nang dumating ito sa bahay, “Hindi na ba magkanda-ugaga si Mak na madala ka sa Canada kaya nagmamadali ka, ha?” “Ibinibigay ko lang kung ano ang gusto mo, Andy!” Yamot na sagot niya dito, “Para hindi na ako nahihirapan pang maghintay saiyo araw-araw. P-para hindi na ko umaasa pa.” “Umaasa?” “Oo. Tatlong araw kang hindi sumipot, ni ha, ni ho wala kang pasabi, ano sa palagay moa ng nararamdaman ko, ha Andy?” Punong-puno ng hinanakit na sambulat niya rito. Bago man lang sila maghiwalay ang masabi niay rito ang lahat ng gusto niyang sabihin. Para at least, makikipaghiwalay siya na walang kinikimkim na mga sama ng loob. “God, Andy, alam mo ba iyong pakiramdam na naghihintay, ha? Sa bawat pagbukas ng gate, umaasa akong ikaw iyong darating. Pero three days? Ni hindi mo man lang ako tinawagan para sabihing hindi ka