-=Jayden's Point of View=-"Please Jayden, don't do this to me, huwag mong ilayo ang anak ko!" hindi ko pinansin ang pagmamakaawa nito, gulong gulo na ang isip at nararamdaman ko sa mga nalaman ko ngayong araw na ito.Kahit anong tawag ni Gabby sa akin ay pilit ko iyong hindi pinapansin, I blame her kung bakit nawawala ngayon ang anak namin, kung hindi nito tinago ang bagay na iyon ay napangalagaan ko sana ang anak naming dalawa, kung nagtiwala lang ito sa akin ay baka.........A bitter smile appeared on my lips, I almost propose to her, I was planning on marrying her once we're in Norway, ngunit dahil sa takot nito na baka kunin ko lang ang magiging anak namin ay hindi nangyari iyon.Much as I hate to admit it, but I still feel hurt because of what happened, pero mas nananaig ngayon ang galit at pag-aalala ko sa anak kong hindi ko man lang nasubaybayan ang paglaki, pagkakataon na pinagkait sa akin ni Gabby.No wonder ganoon na lang ang naramdaman ko nang makita ko ang batang iyon, na
-=Gabby's Point of View=-"Kumain ka naman kahit kaunti?" narinig ko ang pag-aalala sa boses ni Ate Mel nang sinabi ang bagay na iyon, pero kahit anong pilit ko ay wala akong gana.Pitong araw na ang nakakalipas nang kausapin at ipagtapat ko kay Jayden ang tungkol sa anak namin, ni hindi ko alam kung nabawi na ba nito si Caleb at tinupad na nito ang banta sa akin na ilalayo sa akin ang anak ko, o hanggang ngayon ay wala pa din sa kanya ang anak namin.Pakiramdam ko ay mababaliw na ako sa labis na pag-aalala sa anak ko, kahit masakit ay gugustuhin ko pang mabawi ni Jayden ang anak ko basta malaman ko na ligtas ito, masakit oo, sino ba naman ina ang gugustuhin na malayo sa kanya ang kanyang anak, pero mas gugustuhin ko pa iyon basta alam kong ligtas ang anak ko.Naramdaman ko na lang ang kamay ni Ate Mel na banayad na humawak sa balikat ko, pinilit kong ngumiti para sana ipakita dito na ok lang ako, pero hindi ko nagawa, bagkus ay malayang dumaloy ang mga luha sa mga mata ko."Hindi ko
-=Gabby's Point of View=-Hindi ko maiwasang hindi maguilty sa ginawa ko kay Ate Mel, kinulong ko kasi siya sa cr ng kuwarto sa ospital, hindi ko na kasi kayang maghintay na lang, gusto kong ako na mismo ang kumilos, kesehodang itakas ko si Caleb sa ama nito.Thirty minutes na din siguro akong nagmamatyag sa mansion ni Jayden, sa totoo lang hindi ko akalain na makakapasok ako sa subdivision na ito nang walang kahirap hirap, nagpababa kasi ako sa taxi may kalayuan sa gate ng subdivision na iyon, pinag-aralan ko muna kung paano ako makakapasok, lalo na sa ganitong subdivision na siguradong puro mayayaman ang mga nakatira kaya paniguradong mahigpit ang security, pero nakahanap agad ako nang pagkakataon nang mapansin kong sandaling umalis sa puwesto nito ang nag-iisang security sa guard house matapos may tumawag sa mga ito na may emergency daw sa isa sa mga nakatira doon, kaya naman agad akong pumasok, matagal tagal din na paglalakad ang ginawa ko bago ko natagpuan ang mansion ni Jayden.
-=Jayden's Point of View=-I tried so hard not to be affected, pero kahit anong gawin ko ay hindi ko maalis sa isip ko ang ginawang pagmamakaawa ni Gabby sa akin, hindi ako dapat makaramdaman ng kahit na anong awa dito, nilayo nito sa akin ang anak ko, at sinaktan niya ako.Isang malalim na paghinga ang lumabas sa mga labi ko habang nakatingin sa anak ko na payapa pa din na natutulog, hindi ko nga sigurado kung aware ito na sinubukan itong itakas ng Mommy niya.Ilang araw na din itong tulog lang ng tulog, ayon naman sa doctor ay normal lang ito nang dahil sa nangyari, pero any moment ay magigising na din ito, na siyang kinakatakutan ko, paano na lang kung hanapin nito si Gabby, paano ko ipapaliwanag dito na hindi na niya puwedeng makita ang Nanay niya.Bago pa man pumasok si Gabby sa kuwarto ni Caleb ay alam ko nang nandito ito para kunin ang anak namin, there are CCTV's inside and outside the premise, mas lalo akong nagduda nang makita ko itong tila pinapakinggan ang loob ng kuwarto
-=Gabby's Point of View=-"Ano ba naman Gabby, alam kong miss na miss mo na anak mo, pero huwag mo naman patayin ang sarili mo." nag-aalalang sinabi sa akin ni Ate Mel, pero sa totoo lang ay parang wala akong naririnig na nakatingin lang sa malayo.Isang linggo na ang nakakalipas, pero hindi ko pa din nababawi si Caleb kay Jayden.I feel like a complete failure, I failed as a mother for protecting my son, at ngayon nga ay pinagbabayaran ko ang kasalanan na nagawa ko kay Jayden, ng dahil sa takot ko.I begged and begged, I even kneeled down, pero nanatiling bingi sa kahit na anong sabihin ko si Jayden.Nagulat na lang ako nang iharap ako ni Ate Mel sa kanya, at kita ko ang maluha luha nitong itsura habang nakatingin sa akin, hindi ko maiwasang hindi maguilty dahil hindi ko man lang naisip ito, nakalimutan ko na hindi lang akong mag-isa ang nasasaktan sa pagkawala ni Caleb dahil maski ito ay nasasaktan at maliban pa doon ay nasasaktan ito sa nangyayari sa akin."I know it's hard, pero p
-=Jayden's Point of View=-"Pangako, dadating ang Mommy mo." pinigilan kong magtagis ang mga ngipin ko habang sinasabi ang bagay na iyon, ilang ulit ko na bang sinasabi sa anak ko iyon, and I hate lying to him, dahil alam kong hindi naman mangyayari iyon, pero ito lang ang makakapagkalma dito, na hindi na masyadong nagiging effective sa pagdaan ng mga araw."Gusto ko na pong umuwi." nakita ko ang pangingilid ng mga luha sa mga mata ng anak ko habang sinasabi ang bagay na iyon, hindi ko naman maiwasang hindi masaktan dahil alam kong nahihirapan ito, pitong araw pa lang ang nakakalipas at mukhang hindi na effective dito ang mga empty promises ko."But son, this is your home already, ako ang Daddy mo, gusto mo ba bilan kita nang maraming laruan." pilit kong pinapakalma ito, kahit na nga ba maski ako ay hindi mapigilan hindi magpanic."Uwi na lang po ako kay Mommy." tuluyan na itong umiyak, hindi ko naman alam kung paano aaluin ito, kaya naman mahigpit ko lang itong niyakap, na para bang
-=Gabby's Point of View=-Masuyo kong hinahagod ang buhok ni Caleb, payapa ito habang natutulog, nang makita kong muli ang anak ko ay hindi ko napigilan maiyak, mas lalo iyong lumakas nang maiyak din ito, ramdam na ramdam ko ang pangungulila nito sa akin kanina."Puwede ka nang dumiretso sa kuwarto mo." nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Jayden, sa sobrang focus ko kasi kay Caleb ay hindi ko namalayan na nandoon din pala ito.Para akong nahihipnotismo habang nakatingin sa lalaking minahal ko.May kadiliman sa kuwarto kung saan kami naroon pero hindi ako nahirapan para makita ang guwapo nitong mukha, the face of the man I love, sandali kong pinakiramdam ang sarili ko at alam ko sa sarili ko na may nararamdaman pa ako dito, pero base sa itsura nito ngayon ay masasabi kong wala na itong nararamdaman na kahit ano sa akin, marahil ay galit dahil sa ginawa kong pagtatago sa anak ko."Gu....gusto ko munang makasama ang anak ko." sagot ko naman dito, binalik ko na lang ang tingin ko kay
-=Jayden's Point of View=-"Shit!" sa loob loob ko, pinilit kong huwag maapektuhan pero parang nananadya naman na tila silang plaka na nagpleplay sa isip ko ang sakit na pilit na tinatago ni Gabby ng malaman nitong hindi ko siya isasama.Hindi dapat ako maapektuhan lalo na't iyon naman talaga ang gusto ko, ang masaktan si Gabby, pero bakit ganoon parang nasasaktan din ako.Kahit anong pagtatago ni Gabby kanina, ay agad kong napansin ang pinipigilan nitong mga luha.I tried to stay focus sa ginagawa kong pagdadrive pero patuloy pa ding sumasagi sa akin ang reaksyon ni Gabby, masyadong malalim ang iniisip ko na hindi ko namalayan na tinatawag na pala ako ng anak ko, kaya nagulat na lang ako ng maramdaman ko ang pangangalabit ni Caleb sa akin."Sorry, Caleb, what's wrong?" tanong ko dito, sandali kong tinitigan ito nang saktong mag red light naman."Gusto ko pong kasama si Mommy." kita ko ang paglungkot ng itsura nang anak ko, kaya naman agad kong minaobra ang sasakyan ko, nag u turn ako
-=Jayden's Point of View=-"Kamusta na kaya sila?" sa loob loob ko habang nakatingin sa labas ng bintana ng kuwarto ko, it's been two weeks since magdecide akong lumayo sa mag-ina ko, at iyon ang pinakamasakit at pinakamalungkot na dalawang linggong naranasan ko.Sa totoo lang, gustong gusto kong puntahan sila Gabby at Caleb, pero pinilit kong huwag gawin iyon, dahil alam kong hindi ako karapat dapat sa kanila.Hindi ko pa din matanggap ang katotohanan na tunay kong ama si Jovanie, all my life I thought that my parents was killed by some random people, pero iyon pala ay sarili kong tiyuhin ang nagpapatay sa mga magulang ko, at ang pinakamasama pa doon ay nalaman kong si Tito Jovanie ang tunay kong ama.Anak ako ng isang mamamatay tao, kaya anong mukha ang ihaharap ko sa mag-ina ko, maliban pa doon ay anong ihaharap ko kay Jared, ng dahil sa akin ay nasira ang pamilya namin. Nakulong na si Tito Jovanie, pero hindi pa din maiaalis non ang katotohanan na anak ako ng nagpapatay sa mga mag
-=Gabby's Point of View=-"Nasaan ka na ba Jayden?" sa loob loob ko, halos mag-iisang linggo na ang nakalipas nang mailigtas kami mula sa pagkidnap sa amin, at mula ngayon ay hindi ko na nakita pa si Jayden.I tried calling his cellphone, but hindi ko naman iyon macontact, kapag tinatanong ko naman ang mga tauhan ni Jayden ay wala din ni isa man sa kanila ang makapagsabi sa akin ng kinaroonan ng amo nila."Hindi mo pa din ba siya nacocontact?" narinig kong tanong ni Ate Mel, kasalukuyan na nasa kuwarto ako sa mansion, kung saan kasama ko si Ate Mel at ang anak ko na abala sa paglalaro, tila hindi nito alintana ang mga nangyari na siyang gusto ko ding mangyari."Mukhang nakapatay ang phone niya, kaya naman hindi ko siya matawagan." sagot ko dito kasunod nang isang mahabang bungtung hininga.Minabuti ko na lang na humiga na muna, dahil pakiramdam ko ay hinang hina ako sa mga nangyayari."Ano ba talagang nangyari?" naramdaman ko na lang ang paglundo ng kama sa bandang kanan ko at ilang s
-=Jayden's Point of View=-Habang nagmamaneho ay hindi ko mapigilan ang sarili ko sa panginginig ng buo kong katawan, ilang beses na nga din muntik muntikanan akong mabangga, kaya naman nang hinging ng isang tauhan ko ang pagdadrive ay hindi na ako tumanggi.Sa wakas ay napaamin ko na si Rosette at hindi ako makapaniwala nang matapos itong magsalita, ngunit agad ko iyong isinantabi at kinontact ang mga tauhan ko.At ngayon nga ay patungo kami sa address na binigay sa akin ni Rosette kung saan niya dinala ang mga gamit ni Gabby.Hindi ko na kailangan pang kabisaduhin ang address na binigay nito sa akin dahil pamilyar na pamilyar sa akin ang address na iyon.Isa iyong resthouse sa Batangas na may three hundred hectares. Ilang beses na din akong nakapunta sa lugar na ito."We're waiting for your instruction." nagising na lang ako nang marinig ko ang boses na iyon.Agad ko naman inutos sa mga ito ang kailangan nilang gawin at kailangan nilang malaman, at ilang sandali lang ay nagsimula na
-=Jayden's Point of View=-Galit kong pinunasan ang luhang naglandas sa pisngi ko, kahit anong pilit kong huwag makaramdam ng kahit na ano ay para naman nanadya ang puso ko na pilit na nasasaktan.Wala pang isang araw ang nakakalipas ngunit labis na sakit na ang nararamdaman ko, paulit ulit na naglalaro sa isip ko ang text na nakuha ko mula kay Gabby.Hindi ko mapigilan mag-isip ng kung ano-ano ngayong magkasama na sila ng kapatid ko.Ang buong akala ko pa naman ay maayos na ang lahat, na magiging masaya at buong pamilya na kami kasama ng anak namin, pero mula pala noon pa ay niloloko lang ako nito.Muli kong sinalinan ng alak ang basong nasa kamay ko, ngunit nang hindi makuntento ay minabuti kong diretso nang uminom sa bote ng alak.Wala na akong pakialam sa pait na lasa ng iniinom ko, kung iyon man ang makakatulong sa akin na makalimutan kahit panandalian ang sakit na dinulot na pag-iwan sa akin ni Gabby.Ilang sandali lang ay nakarinig ako ng mahihinang katok mula sa pinto ng kuwar
-=Jayden's Point of View=-"Riot"That's the exact word, that describe how my house is, simula kasi ng makabalik kami mula sa bakasyon ay patuloy nang nangulit si Tito na makasal na kaming dalawa ni Gabby, pero ayoko naman na parang lumabas na napipilitan lang ako o para bang mapipilitan ito, gusto kong maging natural lang ang lahat, iyong tipong kaming dalawa lang sa isang romantic na lugar at hindi niya aasahan na bigla na lang akong magpropropose, pero nang dahil sa pangungulit ni Tito ay mukhang mauudlot pa ang proposal kong iyon."I really need to talk to Tito Jovanie about it." frustrated kong kuwento kay Isaiah, I decided to meet him the following day nang makabalik kami mula sa isla.Ayoko man iwanan ang mag-ina ko, pero kailangan ko ng katahimikan para makapag-isip isip."You can talk to him about it, or better yet ask him for his help para sa magiging proposal mo kay Gabby." suhestiyon naman nito, hindi ko maiwasang hindi mapailing sa sinabi nito."Uncle Jovanie might be a
-=Jayden's Point of View=-Dali dali kong pinatay ang alarm sa cellphone ko, maingat kong tinignan ang mag-ina ko, at saka lang ako nakahinga nang maluwang nang mapansin kong hindi sila nagising ng alarm ng cellphone ko.Alas cinco pa lang ng umaga, pero nagdecide na akong bumangon, gusto ko kasing ipaghanda sila ng almusal na ngayon ko lang magagawa."Good morning Sir Jayden." ang bati sa akin ni Aling Celia nang maabutan ko itong abala sa kusina."Magandang umaga din." bati ko naman dito.Akma itong iaayos ang mga lulutuin sana nito nang pigilan ko ito, pinaliwanag ko na lang na ako ang maghahanda ng almusal sa mag-ina ko."Mukhang mahal na mahal ninyo ang mag-ina ninyo sir, sige po tawagin niyo na lang po ako kapag kailangan niyo ako." kahit kanina pa ito umalis ay hindi naman mawala wala ang ngiti sa mga labi ko.Oo, mahal na mahal ko ang mag-ina ko, ngayon na lang uli ako naging ganito kasaya, at hindi ko na alam kung kaya ko pa bang mabuhay kapag nawala pa sila sa buhay ko.Hin
-=Jayden's Point of View=-"I love you too, Jayden. I never stopped loving you." para akong natulala nang marinig ang mga salitang iyon kay Gabby, mabigat man sa loob ko ay nilayo ko ang mga labi ko dito.I felt my heart jump while looking at the beautiful woman in front of me. I tried to look straight into her eyes, and what I saw made my heart beat faster.I'm afraid that it might cause me a heart attack, which I will gladly accept, dahil sa likod nang mga mata nito ay nababasa ko ang katotohanan."Ang babaeng pinakamamahal ko ay mahal din ako." sa loob loob ko, wala pa din ako sa sarili ko habang patuloy lang na nakatingin sa mukha ni Gabby."Magsalita ka naman." ang natatawang sinabi nito sa akin, ngunit kabila noon ay nararamdaman ko ang walang kasiguraduhan sa boses na nakapagbalik sa wisyo ko.Sa dami kong gustong sabihin dito ay wala ni isa man na lumabas sa bibig ko, kaya naman mahigpit ko itong kinulong sa mga bisig ko na tila ba natatakot akong mawala pa ito sa akin."How c
-=Gabby's Point of View=-"Sa tingin mo ba, anong ibig niyang nang sinabi niyang nagseselos siya?" alam kong paulit ulit na ako sa pagtatanong pero hindi ko pa din kasi matanggap ang totoo."My God, Gabby! We had the same conversation, pero hanggang ngayon ay nagdududa ka pa din ba?" hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Regina, ng nangyari ang pag-uusap naming iyon ni Jayden ay agad kong tinawagan si Regina at ngayon nga ay magkasama kami sa kuwarto ko nang mapatulog ko na si Caleb."Alam ko naman, pero ang hirap lang kasing paniwalaan, I mean matapos ang lahat ng paghihirap ko sa paglayo niya sa anak ko ay sasabihin niyang nagseselos siya na para bang may nararamdaman siya sa akin." frustrated kong sinabi dito."People make mistakes specially when it comes to love, you hurt him sa ginawa mong pagtatago ng anak ninyo." paliwanag nito."But still, hindi mo naman sasaktan ang taong mahal mo kung totoong ma......." ngunit natigilan ako ng maalala ko noong araw na inaya ako nitong sumam
-=Jayden's Point of View=-"This can't be happening." I keep muttering to myself, pero kahit na anong pagtangging gawin ko ay nasa kamay ko na mismo ang katibayan.Muli ay tinignan ko ang pinadalang mga reports ni Arman na para bang mababago non ang katotohanan."Bryan is Jared." nakumpirma ang hinala ko sa mga dokumentong pinadala ni Arman, ayon sa nakalap nito ay may mag-asawang Australyano ang nakakita kay Jared ng makatakas ito sa pumatay sa mga magulang namin, ayon din sa impormasyon na nakalap ni Arman ay dinala nang mag-asawa ang kapatid ko sa Australia at doon na ito lumaki.Ayon sa testimonya na iniwan ng mag-asawa sa mga pulis ay mukhang walang maalala ang kapatid ko marahil dala ng trauma.Sobrang tagal kong pinanabikan at pinangarap na makita ang kapatid ko, pero parang hati ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon.Hindi ko mapigilan ang panginginig ng kamay ko ng kuhanin ko ang cellphone sa bulsa ng pantalon ko, at agad kong dinial ang number na nakasave sa phone ko."Wha