[MBI-FOUR]
LYKA'S POVHABANG papasok kami ng entrance sa isa sa beach ng sa Kaputian ay halos pagtinginan nila kami. Napabuntong-hininga na lang ako at nagmadali nang naglakad habang hila si Kyla. Kaya nga ayaw kong mag-ayos ng ganito eh. Ayaw kong pinagtutuunan ako ng pansin. "Eh! You know what Lyka ganyan ka na lang dapat mag-ayos eh para kambal talaga tayo," tuwang-tuwa niyang sabi. Kinurot ko siya sa tagiliran. "Naman eh!" angal niya. "Sira ka talaga! Ang laki kaya ng pagkakaiba natin kung sa mga gusto at ayaw ang pagbabasehan," sabi ko pa.One of the boys ako. Suntukan ang hilig ko at hindi pagma-make up at pagsusuot ng mga ganitong bagay. Rubber shoes ang gusto ko at hindi high heels. Hindi rin ako maarte at nagfe-feeling na mayaman kahit mukha talaga akong mayaman. "Teka Lyka nagugutom na ako eh, kumain muna tayo," pigil niya sa akin bigla. "Fine! Kaya ka tumataba kasi kain ka nang kain." Nag-pout naman siya. Huminto kami sa isang kainan. Pumasok na kami at umupo sa bakanteng mesa. Habang pumipili ako, si Kyla naman dada nang dada. Deadma lang ako at tinawag 'yong waiter. "Do you need anything ma'am?" tanong sa akin. Nagtaka naman ako bigla. Hindi pa naman ako nag o-order ah. Napatingin ako sa mesa namin. Laglag ang panga ko. Binalingan ko 'yong waiter. "Oh sorry. I already have it," nahihiya kong sagot habang pinapakita kunwari 'yong kutsara. Nginitian lang ako ng waiter pagkatapos ay umalis na. Ito namang kaharap ko kain naman nang kain. Hinampas ko siya ng menu list. "Ah! Mashakit ah!" angal niya. "'Di ka naman masiyadong gutom ano!" Sinimangutan niya lang ako. Bakit ba ang takaw niya na, dati naman kasi conscious siya sa figure niya tapos may Nutritionist pa siyang sinusunod. Tumaba din siya ng konti. Siguro nagbago ang isip. Nagkibit-balikat na lang ako at nagsimula nang kumain. Matapos naming kumain ay gumala na kami ng walang kasawa-sawa pagkatapos umuwi nang mapagod. MATAPOS kong magbihis ay humiga na ako sa kama ko. Kailangan kong matulog ng maaga dahil may problema pa akong haharapin bukas. GUMISING ako ng maaga pagkatapos ay nag-ayos ng aking sarili. Isang simpleng rubber shoes lang tapos malaking t-shirt at 3/4 na maong. Jologs na jologs ang dating pagkatapos ay hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko. Instant noodles lang din ang kinain kong agahan para 'di ako malipasan ng gutom. Lalabas na sana ako ng apartment ko nang may biglang tumawag sa cellphone ko kaya agad ko din naman itong sinagot. Sandali pa akong napatingin sa screen ng aking cellphone, it was Kyla."Oh Kyla napa—" Naputol ang sasabihin ko dahil agad kong narinig ang hikbi niya kabilang linya. "Hello Kyla?" tawag ko ulit. "Lyka ang Tita Helen mo 'to." Nagulat naman ako sa narinig ko. "Tita bakit?" taka kong tanong. "Kyla is in the hospital right now Lyka. Please pumunta ka dito," umiiyak na paliwanag sa akin ni Tita. Kailangan pa sila lumuwas ng Davao?"Opo!" natataranta kong sagot at dali-daling lumabas ng apartment ko at pumara agad ng tricycle. Nagpahatid ako agad sa pantalan para maabutan ang biyahe sa barge.AFTER a couple of hours, agad akong nakarating sa Southern Philippines Medical Center o SPMC.Patakbo akong pumasok sa loob at nagtanong agad sa information desk. Matapos ibigay sa akin 'yong numero ng kuwarto ay tumakbo ako ulit. Pagkadating ko'y binuksan ko agad ang pinto at ang bumungad sa akin ay ang pinsan kong si Kyla na walang malay. "Ija," salubong sa akin ni Tita Helen at niyakap ako habang patuloy na umiiyak. "Tita tahan na ho," alo ko sa kanya sabay tapik ng marahan sa balikat nito. Kinalas naman niya 'yong yakap niya sa akin at pinaupo ako sa sofa. Pinahiran niya muna ang mga luha niya bago nagsalita. Humugot muna ito ng malalim na hininga. "Nag-away kami kagabi ng anak ko. Siguro naman naikwento niya sa 'yo 'yong dahilan Lyka pero hindi ko siya pinakinggan sa katwiran niya." Napatingin naman siya kay Kyla pagkatapos ay nagsalita ulit. "Hindi ako puwedeng tumanggi sa pamilya ng lalaking pakakasalan ni Kyla dahil nakapirma na sa kontrata ang Tito mo para sa Merger. Hindi ko alam na didibdibin niya 'yong pagtatalo namin kagabi kaya naisipan niyang magpakamatay. Buti na lang at nadala siya agad ng personal maid niya sa hospital. Ang akala ko ija mawawala na sa akin ang anak ko pati na rin ang apo ko," mahaba niyang paliwanag sa akin. "Apo? Bu-buntis si Kyla?" gulat kong sambit. Tumango naman si Tita Helen. Sinasabi ko na nga ba! Kaya pala ang takaw niya at tumaba siya ng konti, 'yon pala'y naglilihi na siya."Tita I want to help my cousin. Ayaw ko rin pong mawala siya." Naguluhan naman bigla si Tita sa sinabi ko. Humugot ako ng malalim na hininga. Wala na akong choice kundi gawin 'to. Ayaw kong magpakamatay ang pinsan ko kung may magagawa naman ako. "Kyla begged me na magpanggap bilang siya," panimula ko. Namamawis na ang mga kamay ko dahil sa sobrang kabang susuungin ko. "Pero ija mahirap 'yan. I know na mukha talaga kayong kambal pero kasama sa requirements ang background ni Kyla at kung ano-ano pang mga ginagawa niya," sagot ni Tita Helen sa akin. May point siya. Paano ko nga naman gagawing magpanggap bilang pinsan ko, eh napaka-opposite naming dalawa. Bahala na!"Tita we don't have a choice. Kung pipilitin natin si Kyla ay baka magpakamatay siya ulit. Ayaw kong mawalan ulit ng mahal sa buhay Tita," malungkot kong sabi. Napabuntong-hininga naman ito. "Salamat ija. Tatanawin kong isang malaking utang na loob ko 'to sa 'yo." Umiling ako. "Wala po 'yon," pilit kong ngiting tugon.Anong gagawin mo ngayon Lyka? Bahala na si Mr. Bean![MBI-FIVE]KYRAN'S POV I AM in the room of my dear daughter Ashley at nakikipaglaro ako sa kanya. She's one year old now and time flies so fast. "Want to play with Daddy?" nakangiti kong lambing sa anak ko. "Ma—ma," sabi bigla ni Ashley.I kiss her forehead. Hindi ko mapigilang malungkot para sa anak ko. My wife died a year ago after gaving birth to Ashley. That was really a big tragic that came into my life. And now I am going to get married again. Kaya lang naman ako pumayag sa gusto ni Mommy ay dahil sa anak ko. Naaawa ako sa anak ko na kapag lumaki siya'y wala siyang kikilalaning ina. I experience that kind of situation too. Lumaki ako na hindi man lang nasilayan ang ama kong pumanaw na. Ayaw kong mangyari 'yon sa anak ko kaya kahit ayaw ko ay wala akong magagawa. Besides, I don't need a lover, all I need is just a mother for my daughter. Mahal na mahal ko ang anak ko kaya lahat ay gagawin ko para sa kanya. Tumayo na ako at kinarga ang anak ko at pumuwesto sa veranda. Nag-leav
[MBI-SIX]LYKA'S POVDAYS gone by unnoticeable. Heto ako ngayon sa loob ng bahay. Kinakabahan ako kasi makikita ko na 'yong mapapangasawa ko. Ang sabi kasi ni Tita Helen, susunduin ako ni Kyran tapos sa ibang kotse daw sila sasakay. "Be your self anak," sabi sa akin ni Mommy. Mommy na kasi dapat ang itawag ko kay Tita Helen kasi nga si Kyla na ako 'di ba? Ngumiti lang ako. "Sis, dapat 'di ka kunwari ma-atract sa kanya, kunwari deadma ka sa kagwapuhan niya," tawang-tawang bulong sa akin ni Kyla pagkatapos ay umalis na sa harap ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Ma'am nandito na po si Sir Kyran," bungad sa amin ng katulong. Agad kong pinakalma ang sarili ko at umayos ng upo. Dumating naman bigla iyong isang lalaki na parang Butler niya kasunod ay... pesti! Ang guwapo! Isa nga siyang Adones. Halos pigilin ko ang paghinga ko."Hello Mrs. Willson," bati nito. Pati boses parang vocalist ng isang banda. "You should start calling me Mommy," nakangiting wika ni Mommy Helen. "Of co
[MBI-SEVEN]LYKA'S POV PATAKBO akong pumasok sa loob ng bahay nang mapansin kong nakaalis na si Kyran. Pakshet! Parang sinaniban ako kanina kaya 'di na ako nakapagpigil na halikan siya. Buti at naging maayos 'yong engagement. Sobrang kaba at tense 'yong feeling ko kanina kaya ni katiting na salita ay wala akong masabi. "Bakit ba!" angal ko. Bigla kasi akong binatukan ng aking pinsan."Kanina ka pa tulala 'te! Anong nangyari?" Ngumiti ako ng sobrang lapad. "Naka-score ako!" impit na tili ko. "Hala siya! Mukhang nagugustuhan mo na maging ako ah," aniya habang kumakain ng chicharon. "Hindi rin, ang sungit niya kaya, ewan ko ba do'n," sagot ko. Halata naman kasing nagpapanggap lang siya kanina. Pumasok na ako sa kuwarto ko at nagbihis. "Handa ka na sa wedding?" tanong niya sa akin bigla. "Kinakabahan ako Kyla," walang gatol kong sabi. Paano kapag nabuko ako, e 'di patay ako, 'di lang ako, pati na ang pamilya ng pinsan ko. "Natural 'yan 'te! Lalo na pagdating sa honeymoon!" Nan
[MBI-EIGHT]LYKA'S POVNANG makarating kami sa reception ay wala pa rin kaming imikan. Sabi ko na sa inyo eh, halimaw nga siya. Tinatamad na rin ako pero pinipilit ko lang umaktong masaya. Nagsayaw din kami pero sandali lang hanggang sa matapos na 'yong programme. I bid my goodbyes to Tita Helen and Tito Steffan. Sa sulok naman ng event hall ay nakita ko si Kyla. She mouthed me a word saying 'thank you and good luck'. Nginitian ko lamang siya ngunit ang totoo'y gusto ko nang sumigaw at mag-hysterical. Sumakay kami sa Limousine at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Ito na ba 'yong Honeymoon? Oh my! 'Wag naman sana! AFTER an hour ay nakarating kami sa Davao airport. Inalalayan niya pa akong makalabas ng sasakyan at inakay papunta sa eroplanong nasa harapan namin. I think it was his private plane! Sa loob ng eroplano ay wala pa din kaming imikan. Ayaw ko din naman kasing magsimula ng conversation dahil sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ang gusto ko lang ngay
[MBI-NINE]KYRAN'S POV PAAKYAT na sana ako sa kuwarto ni Ashley nang makasalubong ko ang mga katulong niya. "Why are you here? You're supposed to be in Ashley's room," taka kong tanong. "Iyong asawa niyo po kasi Master Kyran, nagpresinta po na siya na ang magpapatulog sa anak niyo," paliwanag no'ng isa. Agad akong umakyat sa kuwarto at binuksan 'yong pinto. Sinilip ko siya sa loob. She's holding my daughter while humming and that thing works. Ashley is sleeping in her shoulder. I was amazed, dati ay halos isang oras pa siyang isinasayaw at kinakantahan para makatulog lang but this woman is different. She's doing it so easily. Well, I guess Mom did very well. Hinayaan ko na lang siya at pumasok na sa kuwarto namin. Yeah? We're going to sleep in one bed even if I don't like the idea.I should pretend that we are happilly married to each other para walang masabi ang mga tauhan ko dito sa bahay. After I fix myself ay nahiga na ako and close my eyes but I am not going to sleep yet, I
[MBI-TEN]LYKA'S POV Oy! Narinig ko 'yon! Malakas akong napatawa. Bahala siya sa buhay niya. Talagang sinadya kong asarin siya kanina. Totoo naman kasing hindi ako mahilig sa gatas kaya kape palagi iniinom ko. Eh ayaw akong bigyan ng kape kaya hinaluan ko na lang 'yong gatas ko. Naglakad na ako pabalik sa kuwarto ko habang iniinom 'yong kape ko nang biglang dumating 'yong Butler ni Kyran. "Lady Kyla?" tawag niya sa akin. "Cut the Lady, ma'am na lang Jeffrey, puwede ba?" sabi ko. Tumango naman siya. "Inutusan ako—" Sinenyasan ko siyang tumigil kaya napahinto naman siya. "Narinig ko siya kaya 'di mo na kailangang ulitin," sabi ko. "Pagpasensiyahan niyo na po siya ma'am Kyla." Umiling ako. "Ano ba ang mga ayaw niya?" curious ko namang tanong. Tinitigan naman niya ako ng mabuti. "Ayaw niya po 'yong ganyang pananamit, it should be proper and a lady like you should stop drinking coffee, it should be a milk," paliwanag niya. Ganoon? Ugh! Lyka baka nakakalimutan mong si
[MBI-ELEVEN]KYRAN'S POV I WAS sitting on my swivel chair and busy checking my emails on my laptop when my Butler Jeffrey speak. "Kumusta po ang pamamasyal ninyo Master Kyran?" Napatigil ako sa pagtipa ng keyboard at napabuntong-hininga. "At first maganda pero mukhang mali yata na sumaglit ako sa tindahan ni Donna," sagot ko. "May masama bang nangyari?" Umiling ako. Napatayo ako at napasandal sa bintana. "Donna can't still get over with me and Kyla noticed that Donna still likes me," I said. "Mukhang observant din po ang bago niyong asawa Master Kyran." Tumango lang ako sa sinabi niya. Lumabas na ako ng opisina ko at umakyat sa kuwarto namin. Pagbukas ko ng pinto'y naabutan ko siyang nakikipaglaro sa anak ko. She's a perfect mother figure for my daughter. Did she? Lumapit ako at umupo sa kama. Lumapit naman sa akin ang anak ko. "How's my baby girl?" I said. Ashley just smiled at me. "Ma—ma..." Ashley suddenly utter. So my daughter have her new favorite. Kinuha
[MBI-TWELVE]KYRAN'S POV "KUMUSTA po si ma'am Kyla, Master Kyran?" Salubong nilang lahat sa akin. "She's fine," matipid kong sagot. "Did Donna gave me something?" tanong ko. "Ay opo," sagot no'ng isa kong katulong. "Then throw it or maybe eat it," utos ko at tuluyan nang pumasok sa opisina ko. "Master Kyran we have a problem," bungad sa akin bigla ng Butler ko. "Spill it," sagot ko at umupo sa sofa. "Alam na ni Hailey na nagpakasal kayo ulit." "So what if she'll know? Besides, I am already married again, so she can't do anything," I said. "What if she'll do stupid things para magkasira kayo ng asawa niyo, gaya na lang noong dati." Nasapo ko ang batok ko sa sinabi niya. Jeffrey is right. "Then you'll keep on eye on her and do everything to take care of my wife, specially my daughter," utos ko. Yumuko naman siya at lumabas na ng opisina ko. Lagi na lang talaga siyang sakit sa ulo ko. Kaya nga ayaw na ayaw kong ipaalam sa media ang pag-aasawa ko ulit dahil talagang
[MBI-EPILOGUE]LYKA'S POV"KYRAN!" sigaw ko. "What?" sagot niya na kalalabas lang ng banyo. Ang init! Natawa ako ng bahagya. Dinilaan ko lang siya. "Anong mas bagay?" Tukoy ko sa dalawang damit na hawak ko. "That red one. You'll look alluring and stunning with that." Napangiti naman ako. May party kasi mamaya. Oy nagtaka kayo? Balik reyna na ako ulit. Nasa mansion na ako ngayon at may party kasi mamaya para daw sa company. Hindi ko alam kung para saan 'yon. "Did you invite your professors?" Tumango ako. Tama! Nag-aaral na po ako ng Culinary, home schooling nga lang. Seloso kasi! "They're invited too." Napasimangot ako sa sinabi niya. "Okay lang," walang gana kong sagot. Humanda ka sa akin mamaya. Matapos kong mag-ayos ay humarap ako sa whole body mirror. Ano pa nga ba ang mahihiling ko? Okay na ang lahat eh. Nang malaman ng mama ni Kyran ang totoo ay natuwa pa siya. Ang importante daw sa kanya ay makitang masaya ang anak niya. Syempre isang malaking bawas kaba na 'yon para
[MBI-FIFTY-ONE]LYKA'S POV GANITO pala ang pakiramdam na namimis mo ang isang tao. Ang hirap! Ilang araw na akong walang tulog at walang ganang kumain. Namimis ko na talaga siya. At heto na naman ang traydor kong mga luha, ayaw talaga papigil. Inabot ko 'yong bag ko at naalala ko bigla 'yong sobre na ibinigay sa akin ni Jeffrey. Marahan ko itong inalog kasi parang may laman sa loob. Agad kong binuksan ang sobre. "USB?" taka kong sambit. Agad akong bumangon at isinaksak 'yong USB sa DVD kasi wala naman akong laptop. Ilang minuto din akong naghintay hanggang sa may narinig akong tugtog. ~Hey Honey this is for you~ Narinig kong sabi ni Kyran sa audio. Halata sa kanya na pagod at 'yong tugtog na background ng audio ay parang sinasaksak ang dibdib ko. Mas lalo akong napahagulhol. ~Honey I'm sorry if I leave you, I just only have an urgent problem and when I came here? You're the only one I am thinking and I ended up writing this. This letter is made up with different song titles.
[MBI-FIFTY]LYKA'S POV HALOS mabuwal ako sa pagkakatayo ko kanina. Gusto kong bawiin ang sinabi ko. Gusto kong sabihin na nagbibiro lang ako. Gusto kong sabihin sa kanya na ayaw kong mahiwalay sa kanya pero hindi ko magawa. Gusto kong ipagsigawan na mahal na mahal ko siya. Nasaktan ko si Kyran at walang ibang puwedeng sisihin kundi ako lang. Nanlulumo akong napaupo sa sahig. Sa sobrang sakit, parang ang sarap magpatiwakal. Ang hirap mamili pero wala rin naman akong takas. Mahal ko si Kyran at mahal ko rin ang pamilya ng pinsan ko. Ayaw kong mapahiya sila. Patawarin sana ako ng Diyos sa kasalanang nagawa ko. Biglang nagrehistro sa utak ko ang mga sinabi niya. "I won't give you that goddamn freedom!" Ganoon siya kagalit sa akin. Mas lalo akong napahagulhol. Mahal na mahal niya nga talaga ako. At ang sarap sa pakiramdam na may nagmamahal sa akin ng ganito katindi pero 'yon nga lang ay nasa maling paraan naman ang pag-eksena ko sa buhay niya. Dinampot ko agad ang cellphone ko nang ma
[MBI-FORTY-NINE]HAILEY'S POV "HAILEY!" tawag sa akin ni Landon. "Layuan mo ako! Buwesit!" sigaw ko. Agad akong pumasok sa sasakyan ko. Nang umabot ako sa may gate ay nandiyan na naman ang bisita ni Kyla. Inihinto ko ang sasakyan ko. "Nandiyan ba ang anak-anakan kong magaling?" mataray na tanong nito sa akin. Inirapan ko siya at tiningnan mula ulo hanggang paa. Para siyang pokpok and wait... "Ano ibig mong sabihin?" taka kong tanong. "Si Lyka! Iyong anak ko nandiyan ba?" Nagulantang ako sa narinig ko. Lumabas ako ng kotse ko. "Si Kyla ang nandiyan at hindi si Lyka," pagtatama ko. "Huh! Si Kyla ay nasa ibang bansa! Paano napunta dito si Kyla? Eh 'yong anak ko ang nandiyan at pinakasalan no'ng mayamang lalaki!" sagot niya. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. "Impostor ang pinakasalan ni Kyran!?" gulat kong sambit. They're twins? What the heck!?"Chismosa!" mataray niyang sabi at tinalikuran na ako. Langya 'tong matandang 'to! "Isang daang libo! Kapalit ang im
[MBI-FORTY-EIGHT]KYRAN'S POV "I'll leave you for a while, Honey" Paalam ko kay Kyla. "Okay" She said and headed to our room. Nagtungo ako agad sa opisina ko. Pabagsak akong umupo sa swivel chair ko at napahilot sa sintido ko. There is really something wrong with Kyla. Simula nung gumala kami sa mall hanggang sa makauwi kami dito. She seems to be quite lately. And there is one more thing that really keeps bugging my head. Who the hell is Lyka!? And even if I tried to ask her that question, she keeps throwing me another topic. Damn! That name was really giving me an headache. Tumayo ako at nagsalin ng alak sa baso. I sip a bit. "Master Kyran" Bungad sa akin ni Jeffrey. "Yeah?" Tugon ko. Alanganin siyang napatingin sa akin at biglang inilock yung pinto. Nagtataka naman akong naupo pabalik sa swivel chair. "We have a serious problem, Master Kyran" Napakunot ako ng noo. "What is it? You're acting weird, Jeffrey" Napapailing kung sabi. Nakapagtataka at hindi niya ako sinago
[MBI-FORTY-SEVEN]LANDON'S POV "LANDON!" Napatakip ako ng unan! Ang ingay! 'It's your fault, you handcuff her!' Buwesit na kunsensiya! Hinila-hila niya naman 'yong unan. "Landon!?" ngawa niya. Napabalikwas ako ng bangon. "Bakit ba!? Puwede ba magpatulog ka naman! May jetlag 'yong tao!" inis kong sabi. "Tanggalin mo na kasi 'to!" tukoy niya sa posas. "Ayoko! And don't ask me again why!" sagot ko. "I won't do anything stupid! Please!" Napasimangot ako. "Knowing you? Tsk! Never!" Bumalik ako ng higa at nagtalukbong ng kumot. "Landon!" Bumaling ako sa kabilang puwesto. "Landon!" Aish! Bumangon ako ulit at hinarap siya. Hinawakan ko ang magkabilang braso niya at puwersahang inihiga sa kama tapos dinaganan ko siya. "Landon—" I kissed her. "Shut up!" madiin kong sabi. I get back to sleep again pero para yatang nawala ang antok ko. Nanatili lang akong nakapikit at umaktong mahimbing ang tulog. Ilang minuto lang ay naramdaman kong niyakap niya ako bigla. "Landon, I'm sorry...
[MBI-FORTY-SIX]LYKA'S POV GUSTO ko nang sabihin ang totoo pero natatakot ako. Takot akong maiwanan ulit. Mahal na mahal ko si Kyran. Ano ba ang dapat kong gawin? Kanina sa mall, hindi ko alam kung paano ko 'yon pagtatakpan tapos ngayon pa na tumawag si Kyla at binanggit pa ang pangalan ko. Alam kong si Kyla ang tumawag sa akin. Walang lihim na kailanman ay hindi maibubunyag. Kung sasabihin ko ang totoo, ano na ang posibleng mangyayari sa akin? Masasaktan ko si Kyran at hindi ko kakayanin 'yon. Paano na? Tumayo na ako at nag-ayos ng sarili ko. Bumaba na kasi ang lagnat ko. Matapos kong mag-ayos ay pumuwesto ako sa veranda. Binalingan ko ng tingin si Kyran, mahimbing ang tulog niya."Paano ko ba sasabihin sa iyo ang totoo," bulong ko sa sarili ko.Pinahiran ko ang mga luha ko at lumapit sa kanya."Bahala na ang Diyos anuman ang mangyari sa atin Kyran. Mahal na mahal kita."Dumukwang ako at hinalikan siya sa mga labi niya. Tumabi ako sa kanya at mataman lang siyang pinagmasdan. Sana iy
[MBI-FORTY-FIVE]LYKA'S POV "WHAT do you think?" tukoy ni Kyran sa malaking stuff toy.Namimili kasi kami ng pasalubong para kay Ashley."Ang cute! Wala bang mas malaki nito?""Wait here, I'll ask the sales lady," paalam ni Kyran sa akin.Tumango lang ako at namili pa ng ibang laruan."Kyla?" tawag sa akin bigla ng isang babae na hindi ko kilala."Are you refering to me?" turo ko sa sarili ko."Oh my god Kyla! Don't you remember me? We're just talking on the phone last night!?"Nagulat ako sa sinabi niya kaya hinila ko siya agad palayo doon."I'm not Kyla, I'm Lyka, her cousin," paliwanag ko.Napaisip naman siya saglit."Jeez! You're right! Your tummy is smaller than what I saw on skype, sorry, my mistake," paumanhin niya pa.Ngumiti lang ako ng pilit.Anong oras pa ba 'to aalis. Patay ako nito eh!"Kyran is so guwapo and I know she's with your cou—""Kyla? Who are you talking to?" singit bigla ni Kyran.Patay!"Kyla? Kyran?" sabi no'ng babae habang palipat-lipat ng tingin sa aming da
[MBI-FORTY-FOUR]LYKA'S POVNapatayo ako agad nang marinig ko ang katok sa pinto. Agad kong pinahiran ang aking mga pisngi."Kyla? Dinner is ready," sabi ni Kyran sa akin sa labas ng banyo."Coming!" sagot ko.Agad akong kumilos, matapos nang ilang minuto ay lumabas ako agad ng banyo. Nakabusangot na mukha ni Kyran ang bumungad sa akin."What took you so long?"Napalabi ako at tumabi sa kanya."Nasarapan sa pagbababad," nakangiti kong sagot."Tsk! It's nicer if I was there," narinig kong bulong niya.Hinamapas ko siya sa balikat."Sira!" nahihiya kong sabi.Imagine? Mas nice daw kung nasa banyo rin siya, ang landi! Nagkibit-balikat na lang ako at nagsimula nang kumain. At take note, nagkamay ako, lobster na naman kasi 'yong inorder niya para sa akin. Nakasimangot lang siya habang nakamasid sa akin. Hayan na naman siya. Kumuha ako ng konti at isinubo ito sa kanya."Nakakagutom 'yan, sige ka," panunuya ko habang sumusubo.Ngumuso lang siya at tumayo. Bumalik naman siya agad at ginaya ak