[MBI-FIVE]
KYRAN'S POV I AM in the room of my dear daughter Ashley at nakikipaglaro ako sa kanya. She's one year old now and time flies so fast. "Want to play with Daddy?" nakangiti kong lambing sa anak ko. "Ma—ma," sabi bigla ni Ashley.I kiss her forehead. Hindi ko mapigilang malungkot para sa anak ko. My wife died a year ago after gaving birth to Ashley. That was really a big tragic that came into my life. And now I am going to get married again. Kaya lang naman ako pumayag sa gusto ni Mommy ay dahil sa anak ko. Naaawa ako sa anak ko na kapag lumaki siya'y wala siyang kikilalaning ina. I experience that kind of situation too. Lumaki ako na hindi man lang nasilayan ang ama kong pumanaw na. Ayaw kong mangyari 'yon sa anak ko kaya kahit ayaw ko ay wala akong magagawa. Besides, I don't need a lover, all I need is just a mother for my daughter. Mahal na mahal ko ang anak ko kaya lahat ay gagawin ko para sa kanya.Tumayo na ako at kinarga ang anak ko at pumuwesto sa veranda. Nag-leave ako ng one week sa trabaho para makasama ang anak ako. Habang nilalaro siya'y bumungad naman sa akin ang Mommy ko. "It's all settle son. This saturday is the engagement party and then the wedding is next month Kyran. Is that ok with you?" balita niya sa akin. Tumango ako. "As long as that thing won't conflict to my working schedules," I said. "Want to know about her?" Mom asked and showed to me the envelope. "Yeah, just leave it in my office Mom where I can easily see it," I answered. Ngumiti naman siya ng sobrang lapad at tinapik ang balikat ko."I am hundred percent sure that you'll fall for her son," Mom suddenly said and step outside. Napailing na lang ako. Me? Fell on someone easily, huh? Well, let see how that woman can handle a rugged husband. Tumayo na ako at inihiga sa crib si Ashley. She is sleeping so sweet. I kiss her cheeks. "I love you so much baby," I whispered. I step outside. Tinawag ko agad ang dalawang bagong katulong. This time I hired a professional nanny's with a high profiled background. "Take care of my daughter while I'm not on her side. Understood?" bilin ko. Tumango naman silang dalawa. Dumiretso ako agad sa opisina ko at naupo sa swivel chair at sumandal. Even if I leave for a couple of days 'di ko pa rin maiwasang isipin ang trabaho sa opisina. It's really hard to be a C.E.O at the same time owner. I close my eyes and take a nap. I need to rest for a while. LYKA'S POV HETO ako ngayon sa harap ni Kyla at hilong-hilo sa kakatingin sa kanya dahil sa paroon at parito niyang lakad. No'ng araw na na-confined siya ay na-discharged ito agad sa hospital matapos sabihin ng doctor na maayos na ang kalagayan niya. Kaya heto siya sa harap ko, sobrang energetic at parang guro kung maka-lecture sa akin. Napepesti 'yong utak ko dahil ni isang sentence sa mga sinabi niya ay wala akong maintindihan. "Stop!" awat ko habang itinataas 'yong dalawang kamay ko sa ere. "Oh bakit?" taka niyang tanong. Inabot ko sa kanya 'yong cellphone kong bagong bili ni Tita Helen. Kailangan kasi may props. "Ano gagawin ko dito?" "Save mo diyan sa memo lahat ng hobbies mo. Ikaw na mag-type dahil tinatamad ako," nakabusangot kong sabi. Inirapan niya lang ako at nagsimula na siyang mag-type habang kinukopya 'yong mga nakasulat papel. Ilang oras lang ay natapos naman siya agad. Inabot niya sa akin 'yong phone ko at tiningnan ko ito. "Bilis mag-type ah!" "Ako pa. Umayos ka na kasi, ito na 'yong exciting part," tuwang-tuwa niyang sabi. Hindi na lang ako umimik. Binuklat niya na 'yong folder. "Ang groom mo ay si Kyran Liam Eidenberg, twenty-nine years old at C.E.O ng Airvoice Company na nakabase sa Italy. Iyong main ang tinutukoy ko, siya rin ang may-ari. May kumpanya naman siyang pinapatakbo din dito kaya lang ito lang 'yong branch. Half Italiano, half Filipino. Isang bilyonaryo si Kyran at maimpluwensiyang tao pagdating sa negosyo. 5'10 ang taas at maagang na biyudo dahil namatay ang asawa niya matapos ipanganak ang anak niyang si Ashley na ngayon ay one year old na." Tumigil na siya sa pagsasalita. "Iyon lang?" taka kong tanong. "Yup, ay mayro'n pa pala, sobrang guwapo din at bachelor na bachelor ang dating pero kung titingnan mo siya na hindi suot ang mamahaling mga coat ay magmumukha siyang boy next door." Napakagat labi ako. Parang nanliit ako sa sarili ko. Ang dami pa rin pa lang Adones sa mundo. Bahala na si Superman. "Tayo na Lyka, oras nang magpraktis!" Nailing lamang ako. Isinuot ko na iyong high heels. Paika-ika akong naglakad. Hindi ako sanay eh. "Lyka wag kang yumuko! Straight dapat ang lakad mo! With poise dapat!" coach pa sa akin ni Kyla. "Oo na!" Inayos ko na ang tindig ko pero w* epek pa rin dahil 'di ako makapag-concentrate ng maayos. Kinakabahan ako sa lalaking 'yon kahit 'di ko pa siya nakikita."Oh para saan yan?" tukoy ko sa makakapal na libro. "'Pag 'di ka umayos, ilalagay ko ito lahat sa ulo mo." "Ano!?" "Bingi lang?" Inirapan ko siya. "Kung 'di lang kita mahal talagang nag-back out na ako." "Mahal din kita kaya umayos ka na!" Ugh! This time inayos ko na ang lakad ko pati na ang pananamit at pagma-make up. Sisiw! "Galing ah!" puri niya pa sa akin. Dinilaan ko lang siya at nagpalit na ng damit. Dito na kasi ako nakatira sa bahay bakasyunan nila sa Davao. "Sa sabado na 'yong engagement party niyo kaya dapat ready ka, tapos kapag nakasal na kayo mukhang sa Tagaytay kayo titira dahil may malaki siyang mansion na pag-aari doon," sabi niya bigla. Parang gusto ko na tuloy umatras. "Pinsan sorry kasi nailagay kita sa ganitong sitwasyon," umiiyak niyang sabi.Umiling ako. "Ayaw ko rin namang may mangyari sa iyong masama, lalong-lalo na kay Tito at Tita, ayaw kong mapahiya sila," sagot ko. Niyakap naman niya ako. "Tahan na, puwede?"Ngumiti naman siya at tumango. "Ang taba taba mo na ah," asar ko. Sinimangutan niya lang ako. Hays, paano ko kaya 'to kakayanin?[MBI-SIX]LYKA'S POVDAYS gone by unnoticeable. Heto ako ngayon sa loob ng bahay. Kinakabahan ako kasi makikita ko na 'yong mapapangasawa ko. Ang sabi kasi ni Tita Helen, susunduin ako ni Kyran tapos sa ibang kotse daw sila sasakay. "Be your self anak," sabi sa akin ni Mommy. Mommy na kasi dapat ang itawag ko kay Tita Helen kasi nga si Kyla na ako 'di ba? Ngumiti lang ako. "Sis, dapat 'di ka kunwari ma-atract sa kanya, kunwari deadma ka sa kagwapuhan niya," tawang-tawang bulong sa akin ni Kyla pagkatapos ay umalis na sa harap ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Ma'am nandito na po si Sir Kyran," bungad sa amin ng katulong. Agad kong pinakalma ang sarili ko at umayos ng upo. Dumating naman bigla iyong isang lalaki na parang Butler niya kasunod ay... pesti! Ang guwapo! Isa nga siyang Adones. Halos pigilin ko ang paghinga ko."Hello Mrs. Willson," bati nito. Pati boses parang vocalist ng isang banda. "You should start calling me Mommy," nakangiting wika ni Mommy Helen. "Of co
[MBI-SEVEN]LYKA'S POV PATAKBO akong pumasok sa loob ng bahay nang mapansin kong nakaalis na si Kyran. Pakshet! Parang sinaniban ako kanina kaya 'di na ako nakapagpigil na halikan siya. Buti at naging maayos 'yong engagement. Sobrang kaba at tense 'yong feeling ko kanina kaya ni katiting na salita ay wala akong masabi. "Bakit ba!" angal ko. Bigla kasi akong binatukan ng aking pinsan."Kanina ka pa tulala 'te! Anong nangyari?" Ngumiti ako ng sobrang lapad. "Naka-score ako!" impit na tili ko. "Hala siya! Mukhang nagugustuhan mo na maging ako ah," aniya habang kumakain ng chicharon. "Hindi rin, ang sungit niya kaya, ewan ko ba do'n," sagot ko. Halata naman kasing nagpapanggap lang siya kanina. Pumasok na ako sa kuwarto ko at nagbihis. "Handa ka na sa wedding?" tanong niya sa akin bigla. "Kinakabahan ako Kyla," walang gatol kong sabi. Paano kapag nabuko ako, e 'di patay ako, 'di lang ako, pati na ang pamilya ng pinsan ko. "Natural 'yan 'te! Lalo na pagdating sa honeymoon!" Nan
[MBI-EIGHT]LYKA'S POVNANG makarating kami sa reception ay wala pa rin kaming imikan. Sabi ko na sa inyo eh, halimaw nga siya. Tinatamad na rin ako pero pinipilit ko lang umaktong masaya. Nagsayaw din kami pero sandali lang hanggang sa matapos na 'yong programme. I bid my goodbyes to Tita Helen and Tito Steffan. Sa sulok naman ng event hall ay nakita ko si Kyla. She mouthed me a word saying 'thank you and good luck'. Nginitian ko lamang siya ngunit ang totoo'y gusto ko nang sumigaw at mag-hysterical. Sumakay kami sa Limousine at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Ito na ba 'yong Honeymoon? Oh my! 'Wag naman sana! AFTER an hour ay nakarating kami sa Davao airport. Inalalayan niya pa akong makalabas ng sasakyan at inakay papunta sa eroplanong nasa harapan namin. I think it was his private plane! Sa loob ng eroplano ay wala pa din kaming imikan. Ayaw ko din naman kasing magsimula ng conversation dahil sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ang gusto ko lang ngay
[MBI-NINE]KYRAN'S POV PAAKYAT na sana ako sa kuwarto ni Ashley nang makasalubong ko ang mga katulong niya. "Why are you here? You're supposed to be in Ashley's room," taka kong tanong. "Iyong asawa niyo po kasi Master Kyran, nagpresinta po na siya na ang magpapatulog sa anak niyo," paliwanag no'ng isa. Agad akong umakyat sa kuwarto at binuksan 'yong pinto. Sinilip ko siya sa loob. She's holding my daughter while humming and that thing works. Ashley is sleeping in her shoulder. I was amazed, dati ay halos isang oras pa siyang isinasayaw at kinakantahan para makatulog lang but this woman is different. She's doing it so easily. Well, I guess Mom did very well. Hinayaan ko na lang siya at pumasok na sa kuwarto namin. Yeah? We're going to sleep in one bed even if I don't like the idea.I should pretend that we are happilly married to each other para walang masabi ang mga tauhan ko dito sa bahay. After I fix myself ay nahiga na ako and close my eyes but I am not going to sleep yet, I
[MBI-TEN]LYKA'S POV Oy! Narinig ko 'yon! Malakas akong napatawa. Bahala siya sa buhay niya. Talagang sinadya kong asarin siya kanina. Totoo naman kasing hindi ako mahilig sa gatas kaya kape palagi iniinom ko. Eh ayaw akong bigyan ng kape kaya hinaluan ko na lang 'yong gatas ko. Naglakad na ako pabalik sa kuwarto ko habang iniinom 'yong kape ko nang biglang dumating 'yong Butler ni Kyran. "Lady Kyla?" tawag niya sa akin. "Cut the Lady, ma'am na lang Jeffrey, puwede ba?" sabi ko. Tumango naman siya. "Inutusan ako—" Sinenyasan ko siyang tumigil kaya napahinto naman siya. "Narinig ko siya kaya 'di mo na kailangang ulitin," sabi ko. "Pagpasensiyahan niyo na po siya ma'am Kyla." Umiling ako. "Ano ba ang mga ayaw niya?" curious ko namang tanong. Tinitigan naman niya ako ng mabuti. "Ayaw niya po 'yong ganyang pananamit, it should be proper and a lady like you should stop drinking coffee, it should be a milk," paliwanag niya. Ganoon? Ugh! Lyka baka nakakalimutan mong si
[MBI-ELEVEN]KYRAN'S POV I WAS sitting on my swivel chair and busy checking my emails on my laptop when my Butler Jeffrey speak. "Kumusta po ang pamamasyal ninyo Master Kyran?" Napatigil ako sa pagtipa ng keyboard at napabuntong-hininga. "At first maganda pero mukhang mali yata na sumaglit ako sa tindahan ni Donna," sagot ko. "May masama bang nangyari?" Umiling ako. Napatayo ako at napasandal sa bintana. "Donna can't still get over with me and Kyla noticed that Donna still likes me," I said. "Mukhang observant din po ang bago niyong asawa Master Kyran." Tumango lang ako sa sinabi niya. Lumabas na ako ng opisina ko at umakyat sa kuwarto namin. Pagbukas ko ng pinto'y naabutan ko siyang nakikipaglaro sa anak ko. She's a perfect mother figure for my daughter. Did she? Lumapit ako at umupo sa kama. Lumapit naman sa akin ang anak ko. "How's my baby girl?" I said. Ashley just smiled at me. "Ma—ma..." Ashley suddenly utter. So my daughter have her new favorite. Kinuha
[MBI-TWELVE]KYRAN'S POV "KUMUSTA po si ma'am Kyla, Master Kyran?" Salubong nilang lahat sa akin. "She's fine," matipid kong sagot. "Did Donna gave me something?" tanong ko. "Ay opo," sagot no'ng isa kong katulong. "Then throw it or maybe eat it," utos ko at tuluyan nang pumasok sa opisina ko. "Master Kyran we have a problem," bungad sa akin bigla ng Butler ko. "Spill it," sagot ko at umupo sa sofa. "Alam na ni Hailey na nagpakasal kayo ulit." "So what if she'll know? Besides, I am already married again, so she can't do anything," I said. "What if she'll do stupid things para magkasira kayo ng asawa niyo, gaya na lang noong dati." Nasapo ko ang batok ko sa sinabi niya. Jeffrey is right. "Then you'll keep on eye on her and do everything to take care of my wife, specially my daughter," utos ko. Yumuko naman siya at lumabas na ng opisina ko. Lagi na lang talaga siyang sakit sa ulo ko. Kaya nga ayaw na ayaw kong ipaalam sa media ang pag-aasawa ko ulit dahil talagang
[MBI-THIRTEEN]HAILEY'S POVPINAHIRAN ko agad ang mga luha ko sa pisngi. Buwesit! Mautak ka talaga Kyran! Pinaghahampas ko 'yong manibela. Bakit 'di ko man lang nalaman agad, eh 'di sana'y napigilan ko 'yong kasal. Dapat ako 'yon eh! "Ugh!" Iyak ako nang iyak sa loob ng sasakyan ko. Mahal na mahal ko siya pero bakit ba ayaw ng tadhana na maging kami. Ilang taon akong naghintay sa kanya noon pero inagaw lang siya ng pesti kong pinsang si Emily! Gumawa pa ako ng paraan para mapaghiwalay sila. Siniraan ko si Kyran sa pinsan ko kaya dinibdib 'yon ni Emily. Hindi ko din naman sinasadyang mamatay siya sa panganganak kay Ashley. Aksidente 'yon pero aminado ako na nawalan ako ng malaking tinik sa buhay ko. Ilang buwan din akong naghintay ulit pero mababalewala lang iyon ulit dahil sa babaeng 'yon. No way! Hindi ko na papayagang mangyari 'yon. Sawang-sawa na akong maghintay! Sawang-sawa na akong masaktan! Kung kinakailangang kumapit ako sa patalim ay gagawin ko, mawala lang sa landas ko an
[MBI-EPILOGUE]LYKA'S POV"KYRAN!" sigaw ko. "What?" sagot niya na kalalabas lang ng banyo. Ang init! Natawa ako ng bahagya. Dinilaan ko lang siya. "Anong mas bagay?" Tukoy ko sa dalawang damit na hawak ko. "That red one. You'll look alluring and stunning with that." Napangiti naman ako. May party kasi mamaya. Oy nagtaka kayo? Balik reyna na ako ulit. Nasa mansion na ako ngayon at may party kasi mamaya para daw sa company. Hindi ko alam kung para saan 'yon. "Did you invite your professors?" Tumango ako. Tama! Nag-aaral na po ako ng Culinary, home schooling nga lang. Seloso kasi! "They're invited too." Napasimangot ako sa sinabi niya. "Okay lang," walang gana kong sagot. Humanda ka sa akin mamaya. Matapos kong mag-ayos ay humarap ako sa whole body mirror. Ano pa nga ba ang mahihiling ko? Okay na ang lahat eh. Nang malaman ng mama ni Kyran ang totoo ay natuwa pa siya. Ang importante daw sa kanya ay makitang masaya ang anak niya. Syempre isang malaking bawas kaba na 'yon para
[MBI-FIFTY-ONE]LYKA'S POV GANITO pala ang pakiramdam na namimis mo ang isang tao. Ang hirap! Ilang araw na akong walang tulog at walang ganang kumain. Namimis ko na talaga siya. At heto na naman ang traydor kong mga luha, ayaw talaga papigil. Inabot ko 'yong bag ko at naalala ko bigla 'yong sobre na ibinigay sa akin ni Jeffrey. Marahan ko itong inalog kasi parang may laman sa loob. Agad kong binuksan ang sobre. "USB?" taka kong sambit. Agad akong bumangon at isinaksak 'yong USB sa DVD kasi wala naman akong laptop. Ilang minuto din akong naghintay hanggang sa may narinig akong tugtog. ~Hey Honey this is for you~ Narinig kong sabi ni Kyran sa audio. Halata sa kanya na pagod at 'yong tugtog na background ng audio ay parang sinasaksak ang dibdib ko. Mas lalo akong napahagulhol. ~Honey I'm sorry if I leave you, I just only have an urgent problem and when I came here? You're the only one I am thinking and I ended up writing this. This letter is made up with different song titles.
[MBI-FIFTY]LYKA'S POV HALOS mabuwal ako sa pagkakatayo ko kanina. Gusto kong bawiin ang sinabi ko. Gusto kong sabihin na nagbibiro lang ako. Gusto kong sabihin sa kanya na ayaw kong mahiwalay sa kanya pero hindi ko magawa. Gusto kong ipagsigawan na mahal na mahal ko siya. Nasaktan ko si Kyran at walang ibang puwedeng sisihin kundi ako lang. Nanlulumo akong napaupo sa sahig. Sa sobrang sakit, parang ang sarap magpatiwakal. Ang hirap mamili pero wala rin naman akong takas. Mahal ko si Kyran at mahal ko rin ang pamilya ng pinsan ko. Ayaw kong mapahiya sila. Patawarin sana ako ng Diyos sa kasalanang nagawa ko. Biglang nagrehistro sa utak ko ang mga sinabi niya. "I won't give you that goddamn freedom!" Ganoon siya kagalit sa akin. Mas lalo akong napahagulhol. Mahal na mahal niya nga talaga ako. At ang sarap sa pakiramdam na may nagmamahal sa akin ng ganito katindi pero 'yon nga lang ay nasa maling paraan naman ang pag-eksena ko sa buhay niya. Dinampot ko agad ang cellphone ko nang ma
[MBI-FORTY-NINE]HAILEY'S POV "HAILEY!" tawag sa akin ni Landon. "Layuan mo ako! Buwesit!" sigaw ko. Agad akong pumasok sa sasakyan ko. Nang umabot ako sa may gate ay nandiyan na naman ang bisita ni Kyla. Inihinto ko ang sasakyan ko. "Nandiyan ba ang anak-anakan kong magaling?" mataray na tanong nito sa akin. Inirapan ko siya at tiningnan mula ulo hanggang paa. Para siyang pokpok and wait... "Ano ibig mong sabihin?" taka kong tanong. "Si Lyka! Iyong anak ko nandiyan ba?" Nagulantang ako sa narinig ko. Lumabas ako ng kotse ko. "Si Kyla ang nandiyan at hindi si Lyka," pagtatama ko. "Huh! Si Kyla ay nasa ibang bansa! Paano napunta dito si Kyla? Eh 'yong anak ko ang nandiyan at pinakasalan no'ng mayamang lalaki!" sagot niya. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. "Impostor ang pinakasalan ni Kyran!?" gulat kong sambit. They're twins? What the heck!?"Chismosa!" mataray niyang sabi at tinalikuran na ako. Langya 'tong matandang 'to! "Isang daang libo! Kapalit ang im
[MBI-FORTY-EIGHT]KYRAN'S POV "I'll leave you for a while, Honey" Paalam ko kay Kyla. "Okay" She said and headed to our room. Nagtungo ako agad sa opisina ko. Pabagsak akong umupo sa swivel chair ko at napahilot sa sintido ko. There is really something wrong with Kyla. Simula nung gumala kami sa mall hanggang sa makauwi kami dito. She seems to be quite lately. And there is one more thing that really keeps bugging my head. Who the hell is Lyka!? And even if I tried to ask her that question, she keeps throwing me another topic. Damn! That name was really giving me an headache. Tumayo ako at nagsalin ng alak sa baso. I sip a bit. "Master Kyran" Bungad sa akin ni Jeffrey. "Yeah?" Tugon ko. Alanganin siyang napatingin sa akin at biglang inilock yung pinto. Nagtataka naman akong naupo pabalik sa swivel chair. "We have a serious problem, Master Kyran" Napakunot ako ng noo. "What is it? You're acting weird, Jeffrey" Napapailing kung sabi. Nakapagtataka at hindi niya ako sinago
[MBI-FORTY-SEVEN]LANDON'S POV "LANDON!" Napatakip ako ng unan! Ang ingay! 'It's your fault, you handcuff her!' Buwesit na kunsensiya! Hinila-hila niya naman 'yong unan. "Landon!?" ngawa niya. Napabalikwas ako ng bangon. "Bakit ba!? Puwede ba magpatulog ka naman! May jetlag 'yong tao!" inis kong sabi. "Tanggalin mo na kasi 'to!" tukoy niya sa posas. "Ayoko! And don't ask me again why!" sagot ko. "I won't do anything stupid! Please!" Napasimangot ako. "Knowing you? Tsk! Never!" Bumalik ako ng higa at nagtalukbong ng kumot. "Landon!" Bumaling ako sa kabilang puwesto. "Landon!" Aish! Bumangon ako ulit at hinarap siya. Hinawakan ko ang magkabilang braso niya at puwersahang inihiga sa kama tapos dinaganan ko siya. "Landon—" I kissed her. "Shut up!" madiin kong sabi. I get back to sleep again pero para yatang nawala ang antok ko. Nanatili lang akong nakapikit at umaktong mahimbing ang tulog. Ilang minuto lang ay naramdaman kong niyakap niya ako bigla. "Landon, I'm sorry...
[MBI-FORTY-SIX]LYKA'S POV GUSTO ko nang sabihin ang totoo pero natatakot ako. Takot akong maiwanan ulit. Mahal na mahal ko si Kyran. Ano ba ang dapat kong gawin? Kanina sa mall, hindi ko alam kung paano ko 'yon pagtatakpan tapos ngayon pa na tumawag si Kyla at binanggit pa ang pangalan ko. Alam kong si Kyla ang tumawag sa akin. Walang lihim na kailanman ay hindi maibubunyag. Kung sasabihin ko ang totoo, ano na ang posibleng mangyayari sa akin? Masasaktan ko si Kyran at hindi ko kakayanin 'yon. Paano na? Tumayo na ako at nag-ayos ng sarili ko. Bumaba na kasi ang lagnat ko. Matapos kong mag-ayos ay pumuwesto ako sa veranda. Binalingan ko ng tingin si Kyran, mahimbing ang tulog niya."Paano ko ba sasabihin sa iyo ang totoo," bulong ko sa sarili ko.Pinahiran ko ang mga luha ko at lumapit sa kanya."Bahala na ang Diyos anuman ang mangyari sa atin Kyran. Mahal na mahal kita."Dumukwang ako at hinalikan siya sa mga labi niya. Tumabi ako sa kanya at mataman lang siyang pinagmasdan. Sana iy
[MBI-FORTY-FIVE]LYKA'S POV "WHAT do you think?" tukoy ni Kyran sa malaking stuff toy.Namimili kasi kami ng pasalubong para kay Ashley."Ang cute! Wala bang mas malaki nito?""Wait here, I'll ask the sales lady," paalam ni Kyran sa akin.Tumango lang ako at namili pa ng ibang laruan."Kyla?" tawag sa akin bigla ng isang babae na hindi ko kilala."Are you refering to me?" turo ko sa sarili ko."Oh my god Kyla! Don't you remember me? We're just talking on the phone last night!?"Nagulat ako sa sinabi niya kaya hinila ko siya agad palayo doon."I'm not Kyla, I'm Lyka, her cousin," paliwanag ko.Napaisip naman siya saglit."Jeez! You're right! Your tummy is smaller than what I saw on skype, sorry, my mistake," paumanhin niya pa.Ngumiti lang ako ng pilit.Anong oras pa ba 'to aalis. Patay ako nito eh!"Kyran is so guwapo and I know she's with your cou—""Kyla? Who are you talking to?" singit bigla ni Kyran.Patay!"Kyla? Kyran?" sabi no'ng babae habang palipat-lipat ng tingin sa aming da
[MBI-FORTY-FOUR]LYKA'S POVNapatayo ako agad nang marinig ko ang katok sa pinto. Agad kong pinahiran ang aking mga pisngi."Kyla? Dinner is ready," sabi ni Kyran sa akin sa labas ng banyo."Coming!" sagot ko.Agad akong kumilos, matapos nang ilang minuto ay lumabas ako agad ng banyo. Nakabusangot na mukha ni Kyran ang bumungad sa akin."What took you so long?"Napalabi ako at tumabi sa kanya."Nasarapan sa pagbababad," nakangiti kong sagot."Tsk! It's nicer if I was there," narinig kong bulong niya.Hinamapas ko siya sa balikat."Sira!" nahihiya kong sabi.Imagine? Mas nice daw kung nasa banyo rin siya, ang landi! Nagkibit-balikat na lang ako at nagsimula nang kumain. At take note, nagkamay ako, lobster na naman kasi 'yong inorder niya para sa akin. Nakasimangot lang siya habang nakamasid sa akin. Hayan na naman siya. Kumuha ako ng konti at isinubo ito sa kanya."Nakakagutom 'yan, sige ka," panunuya ko habang sumusubo.Ngumuso lang siya at tumayo. Bumalik naman siya agad at ginaya ak