Pagka dating nila ng Villa ay agad din naman umalis si Keith. Nagpa tawag nadin ng nurse si Alexandros sa clinic para macheck at malinis na ang mga sugat nya. Binuhat sya nito at dinala sa isang kwarto sa pangalawang palapag. Dahan dahan sya nito binaba sa kama at yumuko para tanggalin ang sapatos nya.
''Ako na, kaya ko naman.'' awat nya dito.
Bumuntong hininga lang ito at tumingin sa kanya.
''Sabi ko nga tatahimik na lang ako.''
Dahan- dahang tinanggal ni Alexandros ang sapatos nya at tumabi ng upo sa kanya.
Walang nagiimikan sa kanila dalawa, pinapakiramdaman ang bawat isa. Napalunok na lang sya dahil bigla ata lumiit ang kwartong kinaroroonan nila kahit malaki naman ito.
''Sorry.''
''Asan -''
Sabay nila sabi at nagkatingin pa, Bigla na lang sila natawa dalawa.
''I'm sorry.'' hingi ng paumanhin ng binata.
''Hmmm.. Para saan?'' pinagmasdan at iginalaw nya ang kaliwa nyang paa. Napahingi sya sa sakit.
Nakita ng binata na nasaktan sya, tumayo ito at nagpa uli uli sa harapan nya habang nagsasalita. Hindi nya maintindihan kung galit ba ito o nag aalala.
''This is my fault! hindi na sana kita hinayaang lumabas lalo na't di mo pa naman kabisado dito o di kaya hinatid na lang kita sa cabin nyo.'' Napasabunot pa ito sa sariling buhok. ''Nasaktan ka tuloy, Asan na ba kasi yung pinatawag ko sa clinic!?''
Pinagmasdan lamang nya ito at nagpipigil na tumawa. Nakakatuwa ang reaction nito, parang bata na hindi maintindihan kung ano ang gagawin.
''Alexadros, I'm okay.'' pagpapakalma nya dito.
Bumaling ito sa kanya at tiningnan sya. ''Okay!?'' lumapit ito at yumuko para tingnan ang tuhod nya. ''Tingnan mo nga itong sa tuhod mo dumudugo padin! ito din kaliwang paa mo namamaga na, 'yang siko mo may galos din! tapos sasabihin mo sakin you're okay!?'' gigil na wika nito.
Napatahimik naman sya sa sinabi nito, sa totoo lang masakit na talaga ang kaliwa nyang paa.
Bumuntong hininga ito. ''Alam mo, dalhin na lang kita sa clinic! ang bagal nila!.'' Akmang bubuhatin ulit sya nito ng bigla tumunog ang doorbell ng villa.
Iniwan sya nito at nagmamadaling lumabas, pagbalik nito ay may kasama na isang babae naka pang nurse at isang gwapong lalaki na naka uniforme din ng katulad ng kay Keith.
''Anong ginagawa mo dito, Liam? hindi naman ikaw ang pinatawag ko ah!?'' sita ni Alexandros sa lalaki bagong dating.
Hindi ito pinansin ni Liam at lumapit sa kanya sabay lahad ng kamay nito sa harap nya. ''Liam, the one and only doctor dito sa MMC na kayang gamutin ang puso mong sawi.'' Sabay kindat nito sa kanya.
Napanganga sya sa sinabi nito, hindi pa man sya nakakabawi ay bigla na lamang may nagsipasukan pa sa loob ng kwartong kinaroroonan nila.
''Aba! tama nga ang balitang sinabi ni Keith, may magandang dalaga dito sa main villa.'' ani ng isang lalaking chinito.
May tumulak dito isang pang lalaki na kapapasok pa lang sa kwarto. ''Tumabi ka nga Klaus, laki mong harang,'' tumingin ito sa kanya at seryosong nagsalita. ''I'm Dominic -'' naputol pa ang dapat nitong sasabihin ng biglang may magsalita.
''Ako si Caleb,'' lumapit ito sa kanya sabay kuha ng isa nyang kamay at hinalikan iyon. '' ang cacalembang sa puso mong natutulog.''
Napatawa sya sa sinabi ni Caleb. ''Ang corny mo.''
''Ano ba naman yang banat mo Caleb, nakakasira ng imahe nating mga gwapo,'' ani ni Dominic.
''ALL OF YOU, GET THE HELL OUT OF THIS ROOM NOW!!'' dumadagundong na sigaw ni Alexandros.
Napapitlag naman sya ng dahil doon, sinubukan nya tumayo pero napa-igik sya sa sakit ng paa at binti nya. Lumapit naman sa kanya si Alexandros at inalalayan sya makaupo ng ayos.
Dinutdot nanaman nito ang noo nya pero mahina lang. ''Not you.'' malambing na sabi nito.
Nagkatinginan ang mga lalaki at ngumiti. ''Confirm,'' mahinang sabi ng mga ito.
''Sige na, alis na kami.'' Paalam ng mga ito.
''Get well soon, Elaine.'' Sabi ni Dominic.
''How did you know my name?'' tanong nya dito bago pa ito lumabas ng pintuan.
Huminto ito at humarap sa kanya. ''Mabilis kumalat ang tsismiss dito sa MMC.'' sabay alis na nito kasama pa ng ibang lalaki.
Naiwan na lamang sa kwarto si Liam at ang Nurse na kasama nito. Hahawakan na sana ni Liam ang paa nya ng bigla magsalita si Alexandros.
''Let the nurse do it, Liam.''
Tiningnan ito ng masama ni Liam. '' Gusto mo wag kona gamutin si Elaine?'' banta nito.
Tumahimik na lang si Alexandros at tumabi ng upo sa kanya. Nilinisan naman ng nurse ang tuhod at siko nya at nilagyan ng gamot. Samantalang si Liam ay dahan dahan nilagyan ng elestic bandage ang kaliwa nyang paa.
Nang masiguro na okay na ang lahat, nagpaalam na ang mga ito. Binigyan na lang sya ng pain killer ni Liam at nagbilin na wag muna maggagalaw ng isang linggo para maipahinga ang nasprained n'yang paa.
In short, hindi muna sya pwede mag trabaho.
Napabuntong hininga sya, sakto naman kababalik lang ng binata mula sa paghatid sa labas kila Liam.
''Are you okay? what's wrong?'' he asked, looking worried.
''Hindi ako makakapag work, that's mean wala ako sahod habang nagpapagaling.''
''Don't worry about it, i already called your manager. She understand the situation and makakakuha ka padin ng salary.'' ngumiti ito.
Bigla naman sya napangiti dito. ''Really? hindi ka nagbibiro?'' tanong nya dito.
Umiling ito. ''No, naayos kona ang lahat and it's my fault anyway kung bakit ka nagka ganto.''
''Thank you..'' pagpapasalamat nya dito.
Ngumiti ito at tumikhim. ''Are you hungry? gusto mo magpa deliver tayo?''
''Hindi pa naman ako gutom, pero mas mabuti siguro na ihatid mo na lang ako pabalik sa staff cabin, baka nag-aalala na kasi ang kaibigan ko. Kanina pa'ko wala dun, panigurado nagpapanic na 'yon.''
''Don't worry about it, nainform nadin sya. Also I decided na dito ka muna while you're recovering. Mas mapapabilis ang pag galing mo dito.''
''Naku! wag na,'' iwinagayway pa nya ang dalawa nyang kamay sa harap. ''Nakakahiya na sa'yo, tsaka ano na lang sasabihin ng mga tao kapag nalaman na dito ako nag-iistay.'' tanggi nya dito.
Humalukipkip ito at sumandal sa hamba ng pintuan. ''So what? mas iintindihin mo pa ang sasabihin ng iba tao? No buts, dito ka mag-iistay''
Aangal pa sana sya pero pinanlakihan lang sya ng mata nito.
''Sige na, magpahinga ka muna. I know pagod kadin sa byahe mo papunta dito, maiwan na muna kita.'' Paalam nito at sinarado na ang pintuan.
Naiwan naman s'yang mag-isa, inayos na lamang nya ang sarili sa kama at humiga.
''Unang araw ko pa lang dito sa MMC ang dami na agad nangyari.'' Sabi nya sa sarili. Hindi nya namalayan na nakatulog na sya, dahil sa pagod at pananakit ng katawan nya.
Alexandros knocked on the door of the room where Elaine was staying, he just wanted to ask her what she wanted for dinner. When he didn't hear a response, he slowly opened the door. The room was a bit dark because it was night and the lights were off. He approached the bed and saw that Elaine was sleeping soundly. Pinagmasdan nya ang magandang mukha nito, ang mukhang hindi na maalis sa isip nya ilang araw na mula ng makilala ito. Aalis na lang sana sya para hindi ito maistorbo ng biglang gumalaw ang dalaga. Hinigit nito ang kumot hanggang sa leeg nito. ''Ang la..miig.'' daing nito na naginginig. Tuluyan na syang lumapit sa dalaga at umupo sa tabi nito. Itinaas nya ang isa nyang kamay para icheck ang noo nito, mainit ito! ''Elaine? Ano nararamdaman mo?'' sinubukan nya itong gisingin. Umungol ito. ''Ang sakit..'' ''Anong masakit!?'' ''Yung ulo ko, ang sakit... Ang bigat ng pakiramdam ko.'' daing ng dalaga habang nakapikit pa. He stood up in a panic, not knowing what to do. He
Sinubukan nyang tumayo kahit masakit ang kaliwang paa nya. Dahan-dahan syang lumakad habang nakakapit sa kama, kailangan nya makapunta ng banyo para makapag sipilyo at ligo nadin. Pinipilit nyang maabot yung cabinet sa gilid para makahawak sya dito. Nasa ganon syang pwesto ng bilang pumasok sa loob ng kwarto si Alexandros. Nilapitan sya nito at inalalayan. ''Ano bang gagawin mo?'' tanong nito. Bagong ligo ito at medyo basa pa ang buhok. ''Kailangan ko gumamit ng banyo, gusto kona din sana maligo. Nanlalagkit nako.'' Bigla na lang sya nitong binuhat at dinala sa banyo. Iniupo sya nito sa toilet at lumabas, wala pang 10 segundo ng bumalik ito bitbit ang isang upuan. Inilagay nito iyon sa tapat ng shower head. ''Mababasa yung upuan, masira pa yan, mukha pa naman mahal. Kaya ko naman.'' Angal nya dito. ''I don't care! I can afford to buy even 100 more. What's important is that you're safe.'' Ngumiti na lang sya dito. ''Salamat Alexandros.'' Tumango ito, lalabas na sana a
Hindi nya namalayan ang oras, pagsilip nya sa orasan ay halos tanghali na! Bumangon sya, sakto naman tumunog ang cellphone nya. Ang nanay pala nya, sinagot nya ito at halos isang oras nya itong nakausap bago ito magpaalam para bumili ng gamot ni Sabrina. Nangangamusta ito at nagpasalamat sa 'pinadala daw nya' Wala naman syang natatandaan na nagpadala sya, nagtatakang tinext nya si Melody. Bes nagpadala kaba kay nanay? *sent* Huh? hindi ah! lukaret ka! kamusta kana? *received* Ay hindi ba? Sige sige, Okay lang ako. Pasensya kana bes at di kita nasabayan sa first day natin. *sent* Hindi na ito nakapag reply pa sa kanya, baka sobrang busy ngayon sa Restaurant. Pinihit nya yung tinuro sa kanya ni Alexandros. Maya maya pa ay may security na pumasok sa loob at tinulungan sya. Inalalayan sya nito hanggang makalabas sila at makasakay sa golf cart. Nagpasundo sya para naman malibang sya, nagpadala sya sa Fresh Floating Restaurant. Tama nga ang hula nya, maraming tao ngayon. Nakita nya si
Nasa kalagitnaan sya ng meeting sa loob ng yate ng bigla syang makatanggap ng tawag mula sa security ng isla, ayon dito nagpasundo si Elaine at nagpahatid sa Floating Restaurant. Ayos lang naman sa kanya iyon para makapag libang din kahit papaano ang dalaga. Ang hindi ayos sa kanya, yung sinend ni Dominic na picture. Si Keith habang hawak nito sa bewang ang dalaga, alam nyang inaalalayan lang nito si Elaine pero hindi nya iyon nagustuhan. Halos masira ang cellphone nya sa higpit ng hawak nya dito. Napansin naman iyon ni Travis, ang kanyang kameeting. Gusto nitong maging member ng MMC at ayos lang naman iyon sa kanya. Sakto din naman na nagpapa customized sila ng malaking yate dito para sa MMC. Isa iyon sa pinapagawa sa kanya ni Marcus. ''Are you okay, Ruffalo? It seems like you're not in the mood. We can set another meeting next time.'' Travis said, while holding the folder containing the contract about becoming the member of MMC. ''I'm sorry about this, but i forgot that i ha
Nagising si Elaine na madilim sa sala, may ilaw naman sa may verandah kaya kahit papaano ay may liwanag na pumapasok sa loob. Umupo sya at narealize nya na may kumot pala sa katawan nya, nilagay siguro ni Alexandros. Hindi nya namalayan na nakatulog pala sya, kakaantay sa binata. Tatayo na sana sya ng tumunog ang tyan nya, nagugutom na sya, juice lang ang laman ng tyan nya mula pa kaninang tanghali. Hinanap nya ang saklay nya pero hindi nya nakita, mukhang naiwanan nya sa labas nung binuhat sya ni Alexandros papasok sa loob. Sinubukan nyang tumayo, napapikit sya sa sakit ng madiinan nya ng apak ang kaliwang paa nya. Humugot sya ng malalim na pag hinga, dahan dahan nyang inilakad ang mga paa nya. Wala syang makakapitan na malapit kaya wala syang choice kundi ilakad ang namamaga nyang paa. ''Ang sakit wooo!'' medyo pasigaw na sabi nya. Napakuyom ang mga kamay nya, pinagpapawisan sya ng malamig sa sobrang sakit ng paa nya, idagdag mopa na may sugat sya sa tuhod at pasa nadin sa p
Hating gabi nadin ng makabalik sya sa Main Villa, galing sya sa villa ni Dominic kasama ang iba pang member ng MMC. Nagka ayayaan uminom para pa welcome daw sa bagong member na si Travis. Nauna na syang umalis dahil nag-aalala sya para sa dalaga. Pabaling baling sya sa kama, hindi sya makatulog kahit nakainom naman sya. Hindi padin mawala sa isip nya ang sinabi ng dalaga kaninang hapunan. 'Kaibigan' Hindi nya alam kung ano ba ang dapat nya maramdaman sa sinabi ni Elaine, naiinis na bumangon sya at nagpunta sa kwarto nito. Sisilipin nya lang ito kung natutulog na ba. Nag aalala sya baka may lagnat nanaman ito. Dahan dahan nyang binuksan ang pinto, sinilip nya ito at nakita nyang tulog na si Elaine. Aalis na sana sya para bumalik sa kwarto nya ng di sya nakatiis at lumapit sa dalaga. Pinatong nya ang kamay nya sa noo nito para icheck kung may lagnat ito, buti na lang at wala na. Yumuko sya at hinalikan sa noo ang dalaga, pinagmasdan pa nya ito ng ilang minuto bago sya tulu
Dinala sya ni Alexandros sa may parteng pabundok ng isla, mula sa pwesto nila ay kitang kita nya ang halos kabuuan ng isla pati nadin ang dagat. Bumaba ang binata mula kay Spike at binuhat din sya nito pababa. Namamangha iniikot nya ang mga mata, halos kulay berde ang paligid nila na may mga bulaklak at mga puno.Itinali ni Alexandros si Spike sa isang puno at lumapit sa kanya. Nakangiting inilahad nito ang isang kamay sa harap nya, tinanggap naman nya ito.''I hope nagustuhan mo dito.'' Sabi nito sa kanya.''Ano kaba! Tingnan mo nga yung paligid natin, ang ganda!''''I'm happy that you liked it. But i want you to close your eyes, wag kang sisilip ha? aalalayan kita. Just trust me, Elaine.'' mahinang sabi nito sa kanya.Tumingin muna sya sa mga mata nito bago sya dahan dahan pumikit. '' I trust you, Alexandros.''Nakaalalay ito sa kanya habang dahan-dahan sila lumalakad. Mga ilang minuto din sila naglakad bago sila huminto.''Elaine, I want you to open your eyes slowly.'' sabi nito.S
Pagkatanggal nya ng blindfold ay syang tugtog ng isang musika. Nakita nyang nakatayo si Alexandros sa tabi ng isang mesa. Nasa may dalampasigan nga sila! May naka set up na table for 2 at may mga kandila papunta sa mesa. May hawak ang binata na bulaklak, bigla naman syang nakaramdam na parang may paru paro sa loob ng tyan nya.Halos mapunit na ang mukha nya sa pagkaka ngiti dito. Naglakad sya sa gitna at lumapit dito, kinakabahan sya. Hindi nya alam kung bakit may pa ganito ang binata sa kanya, first time din nya makaranas ng ganitong surpresa.Inabot sa kanya ni Alexandros ang bulaklak, tinaggap naman nya ito. “Para saan ito Alexandros?” hindi na nya napigilang tanong dito. “Gusto lang kita isurpise, hindi moba nagustuhan?” pinaghila pa sya nito ng upuan. Nakaramdam sya ng kirot sa sinabi nito, iba ang ine-expect nyang isasagot nito sa kanya. Para maitago ang disappointment sa mukha nya ay umupo na sya at inamoy ang bulaklak na bigay nito. “Gu..Gusto, salamat.” Umupo na ito sa har
Readers I’m sorry for not updating Alexandros and Elaine story for almost one month now. Katulad po ng sinabi ko sa last update ko, hindi po maganda ang lagay ng aking lola. Kinailangan ko pong umuwi ng pinas para makasama sya dahil sa kahilingan nya. But sad to say, tuluyan na po kaming iniwan ng aking lola last Saturday (September 14, 2024) Sana po ay inyong maintindihan kung bakit hindi po ako makapag sulat sa ngayon. Sobrang bigat at sakit po ng aking nararamdamam at ayaw ko pong pilitin ang aking sarili magsulat dahil ayaw ko pong hindi nyo magustuhan ang ending ng kwento nila Elaine at Alexandros. Kapag nakabalik na po ako ng UK ay susubukan ko pong magsulat agad para matapos na ang kwento nila Alexandros at Elaine. Para din po maipost kona ang susunod na kwento ng isa sa member ng Millionaire Men’s Club. Again, sana po ay maintindihan nyo.
"Ma!! Sabrina! Raven!" malakas na tawag nya habang pumapasok sila ni Alexandros sa loob ng bahay nila. Susunduin kasi nila ang mga ito dahil pupuntahan nila kung saan nakalibing ang kanyang ama. Gusto kasi ni Alexandros na madalaw ito para na rin makilala."Andito kami sa taas ate!!" sigaw ni Raven."Bumaba na kayo at tinatamad na akong umakyat." sigaw nya pabalik sabay upo sa sofa. Kanina pa kasi sumasakit ang paa nya kakalakad. Kahit pa nga hindi naman malayo ang nilalakad nila dahil sumasakay naman sila sa sasakyan ni Alexandros.Hinubad nya ang suot na doll shoes at akmang yuyuko para masahihin ang paa ng pigilan sya ni Alexandros. Bigla itong umupo sa sahig nila at ito ang nagmasahe sa paa nya. Pinagmasdan nya ang ginagawa nito, seryosong-seryoso na para bang may alam talaga ito sa pagmamasahe gayong anak mayaman ito. Maski nga pagkaka salampak nito sa sahig ay wala itong pakialam kung madumihan ang mamahalin nitong damit.Mas lalo tuloy s'yang nainlove dito. Talagang ginagawa ni
Mahinang tapik ang nagpabalik sa kanyang sarili. Tiningnan nya ang kaharap na si Alexandros na bakas sa mukha ang pag-aalala para sa kanya. Ngumiti sya ng pilit para hindi na ito mag-alala pa sa kanya. Pero dahil kilalang-kilala sya nito, alam n'yang alam nito na hindi sya okay at kung ano ang nasa isip nya. Isa lang naman ang rason kung bakit sya nagkaka ganito pagkatapos ng insidente nangyare isang buwan na ang nakakalipas.Bumuntong-hininga ito at hinawakan ang kamay nya. "She'll be fine." Alexandros said with sincere voice."Isang buwan na.. bakit hindi pa rin sya nagigising? paano kung hindi na sya magising?" mahinang tanong nya.Humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay nya. "She will. Her body just need some rest. Tsaka kilala mo naman ang kaibigan mong 'yun, malakas. Kaya wag kana mag-alala pa kay Melody." Hinaplos ng isa nitong kamay ang umbok n'yang tyan. "Baka mamaya magising 'yun at mapagalitan kapa dahil pinapabayaan mo ang inaanak nya."Umingos naman sya sa sinabi nito. "
-ELAINE- *1 month ago* Akmang sasaksakin sya ni Nicole gamit ang basag na baso ng biglang sumulpot si Melody kung saan at niyakap sya. Napaigik ito sa sakit ng pagbaon ng basag na baso sa likurang bahagi nito. Nanlaki naman ang kanyang mga mata sa gulat dahil sa ginawa nito pagsalo ng saksak para sa kanya. "M-melody!" "I'm sorry, Bff.." nangingilid ang mga luha nito sa gilid ng mga mata dahil sa sakit pero nagawa pa rin ngumiti sa kanya. Hinugot ni Nicole ang basag na baso na may dugo ni Melody at akmang sasaksakin sya ng umalingawngaw ang isang putok ng baril. Tumama ang bala sa isang kamay ni Nicole na ikinahiyaw nito sa sakit at nagpabitaw sa hawak nitong panaksak. Mas lalo naman napadiin ang hawak ng isa nitong kamay sa buhok nya na s'yang ikinapikit nya dahil rin sa sakit.Nawalan ng balanse si Nicole at dahil hawak sya nito sa buhok at nakayakap sa kanya si Melody, tatlo silang nalaglag sa dagat. Mas lalo naman s'yang niyakap ng mahigpit ni Melody na para bang pino-protekta
"Yes, Babe! That's right! The reason kung bakit ko kayo pinapunta dito ng pamilya mo ay para masaksihan nila ang proposal ko sayo." Pakikisakay pa rin ni Alexandros sa iniisip ni Nicole. Ang lahat ng tao na nakakasaksi sa nangyayari ay sobrang kabado. Isang maling galaw lang kasi ay maaari mapanganib ang buhay ni Elaine at ng magiging anak nila.Iniikot nya ng pasimple ang mga mata para hanapin kung nasaan sila Elliot at Joe. Inihabilin nya sa mga ito na wag hihiwalay sa dalaga pero bakit hindi ata nya makita ang mga ito? Ang nakangiting mukha ni Nicole ay biglang nagbago at naging mabagsik. Hinablot ulit nito si Elaine sa buhok na nagpahiyaw sa dalaga. Maski sila ay napasigaw ng mas lalo diniinan ni Nicole ang hawak na basag na wine glass sa leeg ni Elaine."You think you can fool me again!?" tumawa ng nakakaloka si Nicole. "I'm not stupid, Alexandros!" Itinaas nya ang dalawang kamay at dahan-dahan naglakad papalapit kay nicole. "Please.. let her go." nagmamakaawang sambit nya hab
Lahat sila napatingala sa itaas at napahawak sa kani-kanilang kasuotan dahil sa lakas ng hangin na nagmumula sa helicopter na pababa sa helipad ng pinaka tuktok na floor ng yate. Maagap n'yang nahawakan si Elaine ng muntikan pa itong matumba.Nang tuluyan ng makababa 'yun ay hinarap na nya ang pamilyang Sandejas. Nakita pa nya ang matalim na tingin ni Nicole sa kamay nya na nasa bewang ni Elaine. "Anong ibig sabihin nito, Alexandros?" si Nicole na hindi pa rin inaalis ang tingin sa kamay nya. Bakas sa mukha nito ang galit at halatang gusto ng sugurin si Elaine kung hindi lang ito hawak ng ama.Mas lalo nya hinapit papalapit sa kanya si Elaine. "Ito?" ngumisi sya ng nakakaloko. "You think hindi talaga ako nakakaalala? I know everything, Nicole! Nilaro ko ang larong inumpisahan mo at sisiguraduhin kong lahat kayo makukulong!" Tigagal ang pamilyang Sandejas, hindi agad nakapag-salita sa sinabi nya. Si Nicole naman ay nanlaki ang mga mata.Umiling-iling si Nicole. "B-babe.. ano bang sin
Kung okay lang sana ang sitwasyon ngayon, humanga na sya kay Elaine. Kaso mo'y ikapapahamak nito ang ginagawa ngayon! Tiningnan ito ni Mr. Sandejas mula ulo hanggang paa bago ngumisi. "At sino ka naman babae ka? Maganda at sexy ka sana kaso pakialamera ka." may bahid na panghihinayang sa boses ni Mr. Sandejas pero kung makatitig kay Elaine akala mo hinuhubaran ito.Sasapakin na sana nya si Mr. Sandejas dahil sa sinabi nito sa babaeng mahal nya ng hawakan sya ni Dominic sa braso para pigilan sya. Putang-ina! Gusto nya magwala ngayon dahil sa pambabastos ni Mr. Sandejas kay Elaine pero wala sya magawa. Nakakagago talaga ang pamilya Sandejas! "Kumalma ka, Alexandros. Masisira ang lahat ng pinagplanuhan natin." si Dominic na binulungan sya.Fvck! Hindi nya kaya! Pag dating talaga kay Elaine nawawala sya sa wisyo.Lalapit na sya rito ng mapahinto sya sa paglakad."OMG! What happened to your top dad?!" histerikal na sambit ni Nicole. Kumuha ito ng tissue sa hawak na bag at pinunusan ang
Hindi nya namalayan na kumuyom na pala ang kanyang kamao at tumalin na ang kanyang tingin sa kaharap na si Mr. Sandejas kung hindi pa sya siniko ng katabing si Dominic at binulungan na kumalma. Aba't makapal rin pala ang mukha nito at balak pa s'yang gamitin!"Something wrong, hijo? Bakit masama ka ata makatingin?" Nakataas ang isang kilay na tanong sa kanya nito. Mukhang nahalata rin ang pagbabago ng kanyang mood. Ngumiti sya ng pilit rito at umiling. "Nothing, Mr. Sandejas. May bigla lang akong naalala.""I see. Akala ko sinasamaan mo 'ko ng tingin e. Ano ba ang naalala mo at parang gusto mo manuntok sa itsura mo kanina?""Ikaw." "Excuse me!?" Medyo malakas na sabi nito at mukhang nabigla sa sinabi nya. Pero dahil sa malakas na tugtog sa yate, sila lang tatlo ni Dominic ang nakarinig rito.Pilit na tumawa si Dominic na katabi nya. "Nagbibiro lang sya, Mr. Sandejas. Mapagbiro lang po talaga itong si Alexandros, right bro?" sabay baling sa kanya ni Dominic at binigyan sya ng warni
"Paakyat na raw ng yate si Nicole!" si Selena na nagpapanic. Agad naman inalis ni Elaine ang braso nya sa balikat nito at lumapit na kay Selena. Buti na lamang at hindi sila nakita ni Nicole. Nasa second floor sila ng yate kung saan magaganap ang surpresa. "Sige na, love. Maya na lang." pagpapaalam nito sa kanya. Mabilis naman nya itong hinalikan ulit sa labi. "Mag-iingat ka ha? I love you." bilin nya rito. Tumango ito. "I love you too." tanging nasabi lang nito bago ito tuluyan hilahin ni Selena palayo sa pwesto nila. Pinagmasdan nya ang mga ito na nakihalubilo sa ibang guest. Tumikhim naman sya at nagseryoso. Konti oras na lang.. pagpapaalala nya sa sarili. Nagpaalam naman sa kanya ang mga member ng MMC at tanging si Dominic lang ang naiwan sa gilid nya ng makita sila Nicole na papalapit. "Goodluck, bro." si Liam na tinapik rin sya sa balikat bago tuluyan umalis. Napatingin naman sya kay Nicole. Nakasuot ito ng isang pula tube dress na may snake print at may suo