Sakay ng helicopter ay tanaw na ni Alexandros ang kabuuan ng islang pag mamay ari nila kung saan nakabase ang Millionaire Men's Club. Hindi sila nagsisisi na ginawa nila itong exclusive club dahil nakikita nya ang potensyal nito. Marami na pinagbago mula nung huli sya nakapunta dito, may mga villa syang nakikita na nakatayo sa may bundok at meron din naman nasa harap ng dagat. Mukhang inasikaso talaga ito ng nakakatanda nyang kapatid.
''Amari, what is my schedule for today?'' tanong nya sa secretary nya pagka lapag nila sa helipad ng club. Lumakad sya papunta sa golf cart at sumakay dito. Sumunod naman sa kanya si Amari at sumakay sa likod. Pinaandar na ito ng nakaabang na staff sa kanila.
''You have a meeting with the manager of the floating restaurant in 15 minutes, after that you need to visit the new cafe that's gonna operate soon. That's it, the rest of your day is free.'' dere-deretsong sabi nito habang nakatingin padin sa Ipad.
Tumango tango lang sya at inilibot ang mata sa paligid ng club. Maganda ang pagkaka gawa ng lugar nila. Napreserve padin kahit papaano ang natural na ganda ng paligid. Huminga sya ng malalim, preskong hangin. Mukhang makakapag relax padin sya kahit trabaho ang pinunta nya dito.
Nakarating na sila sa unahang bahagi ng isla kung saan naka tayo ang reception nila para sa mga guest na gusto magstay. Meron silang cabin at hotel para sa mga ito. Samantalang nasa may likurang bahagi naman ng isla ang private villa para sa mga member nila.
''Good morning.'' Bati nya sa mga receptionist.
''Good morning din, Sir.'' Sabay sabay na bati ng mga ito at ngumiti pa na akala mo kinikilig.
Hindi na lang nya pinansin ang mga tili ng mga ito at lumakad na papunta sa floating restaurant kung saan nakatayo ito sa may parte ng dagat. Nasa gitna ito habang sa magkabilaan naman ay may tig anim na cabin. Nasa mababaw na parte lang naman ito.
''Welcome to Fresh Floating Restaurant!''
''Thank you.'' Ngumiti sya sa mga staff na sumalubong sa kanila.
''I have a meeting here with the manager.''
''This way Sir! Ms Celestynka is waiting for you already.'' Iginiya sila ng mga ito sa may gilid ng restaurant kung saan kita nya ang mala crystal blue na dagat. Idagdag mopa na salamin ang sahig sa parte nito. Open area ang floating restuarant kaya tagos ang hangin. Talagang presyo sa pakiramdam.
Nakita nya ang isang babae naka sandal sa maliit na pader at nakatanaw sa dagat. Nakasuot ito ng sumbrelo at hinahangin ang mga buhok.
''Ms Celest, andito na po yung ka meeting nyo.'' Sabi ng staff na nagdala sa kanila at umalis nadin.
Humarap ang babae at nagliwanag ang mukha. Ngumiti ito at lumapit sa kanila sabay lahad ng kamay sa harap nya.
''Hi! I'm Celestynka, but you can call me Celest. I'm the manager of this Fresh Floating Restaurant na kasing fresh ko!'' sabi nito at tumawa pa. Maganda ito pero mas maganda padin si Elaine.
''Elaine..''
Bigla syang umiling at tinanggap ang nakalahad na kamay sa harap nya. Hindi nya alam bakit bigla nya pinag kumpara ang ganda ni Elaine at ng babaeng nasa harap nya. Nasisiraan na ata sya ng ulo.
''Alexandros Ruffalo.'' Pagpapakilala nya dito.
''I know, nice to finally meet you. Please take a seat.'' Turo nito sa harap nya.
''Thank you.''
Bumaling ito sa kasama nya at niyakap si Amari. Nagulat naman ang huli sa pagyakap ni Celestynka kaya kumalas din ito agad at umatras ng ilang hakbang dito. Hindi naman 'yon pinansin ni Celestynka.
''Ang ganda mo girl! Ang fresh fresh ng look mo minus the office attire you're wearing right now. Hindi kaba naiinitan?'' ani ni Celest sabay tingin mula ulo hanggang paa ni Amari sabay ngiwi.
''No, but thanks for the compliment.'' Maikling sagot dito ni Amari at umupo nadin sa tabi nya.
Nagkibit balikat lang si Celest at umupo nadin sa harap nila. ''So.. let's start the meeting. We need more staff since summer is coming soon...''
***
Malungkot na umuwi sa kanila si Elaine dahil natanggal sya sa Extra nya trabaho- Ang pagtuturo ng piano. Kailangan pa naman nya ng trabaho ngayon at kulang ang sinasahod nya sa resturant.
Umupo sya sa gilid ng gate nila at napabuntong hininga na lang. Saan sya kukuha ng pandagdag para sa gamot ng bunso nila?
''Ay wow Beshy! lalim ng pagbuntong hininga mo ah? daig mopa pasan ang mundo.''
Lumingon sya sa bagong dating at nakita nya si Melody, ang kababata nya at bestfriend, umupo ito sa tabi nya. Sumandal naman sya dito.
''Bff, kailangan ko ng kwartaaa!''angal nya dito.
''Sorry beshy, wala ako nan. Pero if lalaki gusto mo marami ako nan!''
Sumimangot sya at hinampas ito. ''Seryoso nga beshy! Kailangan ko ng raket. Alam mo naman mahal mga gamot ni Sabrina.''
''Alam ko beshy, kaya nga din ako nagpunta dito para sabihin sayo na naghihire ng mga staff ang MMC, bagay tayo dun at parehas tayo maganda! Dagdag mopa malaki raw pasahod kaya bongga!.''
''MMC?'' kumunot ang noo nya at napatingin pa dito.
''Millionaire Men's Club Beshy! Duh! Saan kaba nakatira at hindi mo alam yan? Pugad yun ng mayayaman at gwapong lalaki. Recruitment day daw bukas, ano tara?''
***
''Welcome to Millionare Men's Club!''bati sa kanilang lahat pagka baba nila ng yate na pag aari din ng MMC.
Lahat sila ay manghang mangha sa ganda ng Isla, hindi pa sila nakakapasok nito sa mismo loob pero halos lahat sila ay hindi mapigilang mapanganga. Heaven.. Ang ganda ng kulay ng dagat, mukhang masarap maglangoy.
Lumakad sila papalit sa security cabin. Anim sila nakapasa sa recruitment nung isang araw at ayon sa meeting sobrang higpit ng security sa isla. Hindi daw basta basta nakakapasok sa loob kung hindi ka member, nagttrabaho o hindi ka imbitado.
Ibinaba ni Elaine ang dala nya maleta sa scanner at lumapit sa security guard na lalaki. Nakita na nya nauna na maglakad ang bestfriend nyang si Melody papunta sa Golf cart na nagaantay sa kanila na magdadala sa staff cabin. Ibbody check na sana sya ng biglang may sumigaw sa harapan nya.
''Stop!''
Napahinto sa ere ang mga kamay ng lalaking security guard na kakapkap sana sa bewang nya ng marinig nila ang sigaw nayun. Tumingin sya sa harap at nakita si Alexandros!
Nagmamadali itong lumapit sa kanila at hinigit sya sa gilid nito. Nagtatakang napatingin sya sa mukha nito na halos hindi maipinta. Mukhang wala sa mood ang binata. Pero anong ginagawa nito dito?
''She's safe, no need to check her.'' sabi pa ng binata.
Kinuha nito ang mga maleta nya at hihigitin sana sya ng magsalita ang pinaka head ng security cabin.
''Sir Alex, she need to put this tracker.'' ikakabit sana sa kanya ang bracelet ng inagaw ito at ikinabit sa kanya ni Alexandros.
Maang na napatingin sya dito. Ano ba problema ng binata? Bakit bigla na lang ito sumusulpot kung asan sya?
''Let's go.'' Hinigit na sya ng binata at isinakay sa dala nitong golf cart kanina.
''Hoy Alexandros! Saan moba ako dadalhin!? May trabaho ako dito!'' sigaw nya sa binata pero hindi sya pinansin nito.
Deretso padin ang pagmamaneho nito. Kahit anong sigaw at tanong nya dito ay hindi ito sumasagot. Para syang hangin dito, kaya imbis na mapagod kakasigaw ay tumahimik na lamang sya at pinagmasdan ang magandang tanawin nakikita nya.
Hindi nya akalain na may ganto pala kaganda lugar sa pilipinas. Pero mas di nya akalain na andito din si Alexandros, akala nya huli na ang pagkikita nila nung gabi muntikan na may mangyari masama sa kanya.
''We're here.'' Napatingin sya sa gilid nya kung saan may nakatayong malaking Villa, may apat na palapag ito at kulay puti ang pintura. Maganda ang pagkaka desenyo ng Villa, may pagka touch na modern style. Nakaharap ito sa dagat at may malawak na garden na puno ng bulaklak. Wala itong gate katulad ng ibang Villa na napansin nya kanina. ''Ano ginagawa natin dito?'' tanong nya kay Alexandros. Bumaba na ang binata at kinuha ang maleta nya at nagumpisa na maglakad. ''Hoy teka!'' sigaw nya dito at nagmamadaling sinundan ito.''Bakit ba kanina kapa tahimik? tsaka bitawan mo nga yang maleta ko!'' sinubukan nya kunin dito ang maleta nya pero iniiwas lang ng lalaki sa kanya. Huminto ito sa harap ng malaking pintuan at humarap sa kanya. ''You're going to stay here.'' Ani nito at binuksan ang pintuan. ''WHAT!?''gulat nyang sigaw at nag echo pa sa buong bahay ang boses nya. Napapikit naman ang binata at humarap ulit sa kanya. Hinawakan sya nito sa balikat at ngumiti. Huh? May sayad ba
Pagka dating nila ng Villa ay agad din naman umalis si Keith. Nagpa tawag nadin ng nurse si Alexandros sa clinic para macheck at malinis na ang mga sugat nya. Binuhat sya nito at dinala sa isang kwarto sa pangalawang palapag. Dahan dahan sya nito binaba sa kama at yumuko para tanggalin ang sapatos nya. ''Ako na, kaya ko naman.'' awat nya dito. Bumuntong hininga lang ito at tumingin sa kanya. ''Sabi ko nga tatahimik na lang ako.'' Dahan- dahang tinanggal ni Alexandros ang sapatos nya at tumabi ng upo sa kanya. Walang nagiimikan sa kanila dalawa, pinapakiramdaman ang bawat isa. Napalunok na lang sya dahil bigla ata lumiit ang kwartong kinaroroonan nila kahit malaki naman ito. ''Sorry.'' ''Asan -'' Sabay nila sabi at nagkatingin pa, Bigla na lang sila natawa dalawa. ''I'm sorry.'' hingi ng paumanhin ng binata. ''Hmmm.. Para saan?'' pinagmasdan at iginalaw nya ang kaliwa nyang paa. Napahingi sya sa sakit. Nakita ng binata na nasaktan sya, tumayo ito at nagpa uli u
Alexandros knocked on the door of the room where Elaine was staying, he just wanted to ask her what she wanted for dinner. When he didn't hear a response, he slowly opened the door. The room was a bit dark because it was night and the lights were off. He approached the bed and saw that Elaine was sleeping soundly. Pinagmasdan nya ang magandang mukha nito, ang mukhang hindi na maalis sa isip nya ilang araw na mula ng makilala ito. Aalis na lang sana sya para hindi ito maistorbo ng biglang gumalaw ang dalaga. Hinigit nito ang kumot hanggang sa leeg nito. ''Ang la..miig.'' daing nito na naginginig. Tuluyan na syang lumapit sa dalaga at umupo sa tabi nito. Itinaas nya ang isa nyang kamay para icheck ang noo nito, mainit ito! ''Elaine? Ano nararamdaman mo?'' sinubukan nya itong gisingin. Umungol ito. ''Ang sakit..'' ''Anong masakit!?'' ''Yung ulo ko, ang sakit... Ang bigat ng pakiramdam ko.'' daing ng dalaga habang nakapikit pa. He stood up in a panic, not knowing what to do. He
Sinubukan nyang tumayo kahit masakit ang kaliwang paa nya. Dahan-dahan syang lumakad habang nakakapit sa kama, kailangan nya makapunta ng banyo para makapag sipilyo at ligo nadin. Pinipilit nyang maabot yung cabinet sa gilid para makahawak sya dito. Nasa ganon syang pwesto ng bilang pumasok sa loob ng kwarto si Alexandros. Nilapitan sya nito at inalalayan. ''Ano bang gagawin mo?'' tanong nito. Bagong ligo ito at medyo basa pa ang buhok. ''Kailangan ko gumamit ng banyo, gusto kona din sana maligo. Nanlalagkit nako.'' Bigla na lang sya nitong binuhat at dinala sa banyo. Iniupo sya nito sa toilet at lumabas, wala pang 10 segundo ng bumalik ito bitbit ang isang upuan. Inilagay nito iyon sa tapat ng shower head. ''Mababasa yung upuan, masira pa yan, mukha pa naman mahal. Kaya ko naman.'' Angal nya dito. ''I don't care! I can afford to buy even 100 more. What's important is that you're safe.'' Ngumiti na lang sya dito. ''Salamat Alexandros.'' Tumango ito, lalabas na sana a
Hindi nya namalayan ang oras, pagsilip nya sa orasan ay halos tanghali na! Bumangon sya, sakto naman tumunog ang cellphone nya. Ang nanay pala nya, sinagot nya ito at halos isang oras nya itong nakausap bago ito magpaalam para bumili ng gamot ni Sabrina. Nangangamusta ito at nagpasalamat sa 'pinadala daw nya' Wala naman syang natatandaan na nagpadala sya, nagtatakang tinext nya si Melody. Bes nagpadala kaba kay nanay? *sent* Huh? hindi ah! lukaret ka! kamusta kana? *received* Ay hindi ba? Sige sige, Okay lang ako. Pasensya kana bes at di kita nasabayan sa first day natin. *sent* Hindi na ito nakapag reply pa sa kanya, baka sobrang busy ngayon sa Restaurant. Pinihit nya yung tinuro sa kanya ni Alexandros. Maya maya pa ay may security na pumasok sa loob at tinulungan sya. Inalalayan sya nito hanggang makalabas sila at makasakay sa golf cart. Nagpasundo sya para naman malibang sya, nagpadala sya sa Fresh Floating Restaurant. Tama nga ang hula nya, maraming tao ngayon. Nakita nya si
Nasa kalagitnaan sya ng meeting sa loob ng yate ng bigla syang makatanggap ng tawag mula sa security ng isla, ayon dito nagpasundo si Elaine at nagpahatid sa Floating Restaurant. Ayos lang naman sa kanya iyon para makapag libang din kahit papaano ang dalaga. Ang hindi ayos sa kanya, yung sinend ni Dominic na picture. Si Keith habang hawak nito sa bewang ang dalaga, alam nyang inaalalayan lang nito si Elaine pero hindi nya iyon nagustuhan. Halos masira ang cellphone nya sa higpit ng hawak nya dito. Napansin naman iyon ni Travis, ang kanyang kameeting. Gusto nitong maging member ng MMC at ayos lang naman iyon sa kanya. Sakto din naman na nagpapa customized sila ng malaking yate dito para sa MMC. Isa iyon sa pinapagawa sa kanya ni Marcus. ''Are you okay, Ruffalo? It seems like you're not in the mood. We can set another meeting next time.'' Travis said, while holding the folder containing the contract about becoming the member of MMC. ''I'm sorry about this, but i forgot that i ha
Nagising si Elaine na madilim sa sala, may ilaw naman sa may verandah kaya kahit papaano ay may liwanag na pumapasok sa loob. Umupo sya at narealize nya na may kumot pala sa katawan nya, nilagay siguro ni Alexandros. Hindi nya namalayan na nakatulog pala sya, kakaantay sa binata. Tatayo na sana sya ng tumunog ang tyan nya, nagugutom na sya, juice lang ang laman ng tyan nya mula pa kaninang tanghali. Hinanap nya ang saklay nya pero hindi nya nakita, mukhang naiwanan nya sa labas nung binuhat sya ni Alexandros papasok sa loob. Sinubukan nyang tumayo, napapikit sya sa sakit ng madiinan nya ng apak ang kaliwang paa nya. Humugot sya ng malalim na pag hinga, dahan dahan nyang inilakad ang mga paa nya. Wala syang makakapitan na malapit kaya wala syang choice kundi ilakad ang namamaga nyang paa. ''Ang sakit wooo!'' medyo pasigaw na sabi nya. Napakuyom ang mga kamay nya, pinagpapawisan sya ng malamig sa sobrang sakit ng paa nya, idagdag mopa na may sugat sya sa tuhod at pasa nadin sa p
Hating gabi nadin ng makabalik sya sa Main Villa, galing sya sa villa ni Dominic kasama ang iba pang member ng MMC. Nagka ayayaan uminom para pa welcome daw sa bagong member na si Travis. Nauna na syang umalis dahil nag-aalala sya para sa dalaga. Pabaling baling sya sa kama, hindi sya makatulog kahit nakainom naman sya. Hindi padin mawala sa isip nya ang sinabi ng dalaga kaninang hapunan. 'Kaibigan' Hindi nya alam kung ano ba ang dapat nya maramdaman sa sinabi ni Elaine, naiinis na bumangon sya at nagpunta sa kwarto nito. Sisilipin nya lang ito kung natutulog na ba. Nag aalala sya baka may lagnat nanaman ito. Dahan dahan nyang binuksan ang pinto, sinilip nya ito at nakita nyang tulog na si Elaine. Aalis na sana sya para bumalik sa kwarto nya ng di sya nakatiis at lumapit sa dalaga. Pinatong nya ang kamay nya sa noo nito para icheck kung may lagnat ito, buti na lang at wala na. Yumuko sya at hinalikan sa noo ang dalaga, pinagmasdan pa nya ito ng ilang minuto bago sya tulu
Readers I’m sorry for not updating Alexandros and Elaine story for almost one month now. Katulad po ng sinabi ko sa last update ko, hindi po maganda ang lagay ng aking lola. Kinailangan ko pong umuwi ng pinas para makasama sya dahil sa kahilingan nya. But sad to say, tuluyan na po kaming iniwan ng aking lola last Saturday (September 14, 2024) Sana po ay inyong maintindihan kung bakit hindi po ako makapag sulat sa ngayon. Sobrang bigat at sakit po ng aking nararamdamam at ayaw ko pong pilitin ang aking sarili magsulat dahil ayaw ko pong hindi nyo magustuhan ang ending ng kwento nila Elaine at Alexandros. Kapag nakabalik na po ako ng UK ay susubukan ko pong magsulat agad para matapos na ang kwento nila Alexandros at Elaine. Para din po maipost kona ang susunod na kwento ng isa sa member ng Millionaire Men’s Club. Again, sana po ay maintindihan nyo.
"Ma!! Sabrina! Raven!" malakas na tawag nya habang pumapasok sila ni Alexandros sa loob ng bahay nila. Susunduin kasi nila ang mga ito dahil pupuntahan nila kung saan nakalibing ang kanyang ama. Gusto kasi ni Alexandros na madalaw ito para na rin makilala."Andito kami sa taas ate!!" sigaw ni Raven."Bumaba na kayo at tinatamad na akong umakyat." sigaw nya pabalik sabay upo sa sofa. Kanina pa kasi sumasakit ang paa nya kakalakad. Kahit pa nga hindi naman malayo ang nilalakad nila dahil sumasakay naman sila sa sasakyan ni Alexandros.Hinubad nya ang suot na doll shoes at akmang yuyuko para masahihin ang paa ng pigilan sya ni Alexandros. Bigla itong umupo sa sahig nila at ito ang nagmasahe sa paa nya. Pinagmasdan nya ang ginagawa nito, seryosong-seryoso na para bang may alam talaga ito sa pagmamasahe gayong anak mayaman ito. Maski nga pagkaka salampak nito sa sahig ay wala itong pakialam kung madumihan ang mamahalin nitong damit.Mas lalo tuloy s'yang nainlove dito. Talagang ginagawa ni
Mahinang tapik ang nagpabalik sa kanyang sarili. Tiningnan nya ang kaharap na si Alexandros na bakas sa mukha ang pag-aalala para sa kanya. Ngumiti sya ng pilit para hindi na ito mag-alala pa sa kanya. Pero dahil kilalang-kilala sya nito, alam n'yang alam nito na hindi sya okay at kung ano ang nasa isip nya. Isa lang naman ang rason kung bakit sya nagkaka ganito pagkatapos ng insidente nangyare isang buwan na ang nakakalipas.Bumuntong-hininga ito at hinawakan ang kamay nya. "She'll be fine." Alexandros said with sincere voice."Isang buwan na.. bakit hindi pa rin sya nagigising? paano kung hindi na sya magising?" mahinang tanong nya.Humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay nya. "She will. Her body just need some rest. Tsaka kilala mo naman ang kaibigan mong 'yun, malakas. Kaya wag kana mag-alala pa kay Melody." Hinaplos ng isa nitong kamay ang umbok n'yang tyan. "Baka mamaya magising 'yun at mapagalitan kapa dahil pinapabayaan mo ang inaanak nya."Umingos naman sya sa sinabi nito. "
-ELAINE- *1 month ago* Akmang sasaksakin sya ni Nicole gamit ang basag na baso ng biglang sumulpot si Melody kung saan at niyakap sya. Napaigik ito sa sakit ng pagbaon ng basag na baso sa likurang bahagi nito. Nanlaki naman ang kanyang mga mata sa gulat dahil sa ginawa nito pagsalo ng saksak para sa kanya. "M-melody!" "I'm sorry, Bff.." nangingilid ang mga luha nito sa gilid ng mga mata dahil sa sakit pero nagawa pa rin ngumiti sa kanya. Hinugot ni Nicole ang basag na baso na may dugo ni Melody at akmang sasaksakin sya ng umalingawngaw ang isang putok ng baril. Tumama ang bala sa isang kamay ni Nicole na ikinahiyaw nito sa sakit at nagpabitaw sa hawak nitong panaksak. Mas lalo naman napadiin ang hawak ng isa nitong kamay sa buhok nya na s'yang ikinapikit nya dahil rin sa sakit.Nawalan ng balanse si Nicole at dahil hawak sya nito sa buhok at nakayakap sa kanya si Melody, tatlo silang nalaglag sa dagat. Mas lalo naman s'yang niyakap ng mahigpit ni Melody na para bang pino-protekta
"Yes, Babe! That's right! The reason kung bakit ko kayo pinapunta dito ng pamilya mo ay para masaksihan nila ang proposal ko sayo." Pakikisakay pa rin ni Alexandros sa iniisip ni Nicole. Ang lahat ng tao na nakakasaksi sa nangyayari ay sobrang kabado. Isang maling galaw lang kasi ay maaari mapanganib ang buhay ni Elaine at ng magiging anak nila.Iniikot nya ng pasimple ang mga mata para hanapin kung nasaan sila Elliot at Joe. Inihabilin nya sa mga ito na wag hihiwalay sa dalaga pero bakit hindi ata nya makita ang mga ito? Ang nakangiting mukha ni Nicole ay biglang nagbago at naging mabagsik. Hinablot ulit nito si Elaine sa buhok na nagpahiyaw sa dalaga. Maski sila ay napasigaw ng mas lalo diniinan ni Nicole ang hawak na basag na wine glass sa leeg ni Elaine."You think you can fool me again!?" tumawa ng nakakaloka si Nicole. "I'm not stupid, Alexandros!" Itinaas nya ang dalawang kamay at dahan-dahan naglakad papalapit kay nicole. "Please.. let her go." nagmamakaawang sambit nya hab
Lahat sila napatingala sa itaas at napahawak sa kani-kanilang kasuotan dahil sa lakas ng hangin na nagmumula sa helicopter na pababa sa helipad ng pinaka tuktok na floor ng yate. Maagap n'yang nahawakan si Elaine ng muntikan pa itong matumba.Nang tuluyan ng makababa 'yun ay hinarap na nya ang pamilyang Sandejas. Nakita pa nya ang matalim na tingin ni Nicole sa kamay nya na nasa bewang ni Elaine. "Anong ibig sabihin nito, Alexandros?" si Nicole na hindi pa rin inaalis ang tingin sa kamay nya. Bakas sa mukha nito ang galit at halatang gusto ng sugurin si Elaine kung hindi lang ito hawak ng ama.Mas lalo nya hinapit papalapit sa kanya si Elaine. "Ito?" ngumisi sya ng nakakaloko. "You think hindi talaga ako nakakaalala? I know everything, Nicole! Nilaro ko ang larong inumpisahan mo at sisiguraduhin kong lahat kayo makukulong!" Tigagal ang pamilyang Sandejas, hindi agad nakapag-salita sa sinabi nya. Si Nicole naman ay nanlaki ang mga mata.Umiling-iling si Nicole. "B-babe.. ano bang sin
Kung okay lang sana ang sitwasyon ngayon, humanga na sya kay Elaine. Kaso mo'y ikapapahamak nito ang ginagawa ngayon! Tiningnan ito ni Mr. Sandejas mula ulo hanggang paa bago ngumisi. "At sino ka naman babae ka? Maganda at sexy ka sana kaso pakialamera ka." may bahid na panghihinayang sa boses ni Mr. Sandejas pero kung makatitig kay Elaine akala mo hinuhubaran ito.Sasapakin na sana nya si Mr. Sandejas dahil sa sinabi nito sa babaeng mahal nya ng hawakan sya ni Dominic sa braso para pigilan sya. Putang-ina! Gusto nya magwala ngayon dahil sa pambabastos ni Mr. Sandejas kay Elaine pero wala sya magawa. Nakakagago talaga ang pamilya Sandejas! "Kumalma ka, Alexandros. Masisira ang lahat ng pinagplanuhan natin." si Dominic na binulungan sya.Fvck! Hindi nya kaya! Pag dating talaga kay Elaine nawawala sya sa wisyo.Lalapit na sya rito ng mapahinto sya sa paglakad."OMG! What happened to your top dad?!" histerikal na sambit ni Nicole. Kumuha ito ng tissue sa hawak na bag at pinunusan ang
Hindi nya namalayan na kumuyom na pala ang kanyang kamao at tumalin na ang kanyang tingin sa kaharap na si Mr. Sandejas kung hindi pa sya siniko ng katabing si Dominic at binulungan na kumalma. Aba't makapal rin pala ang mukha nito at balak pa s'yang gamitin!"Something wrong, hijo? Bakit masama ka ata makatingin?" Nakataas ang isang kilay na tanong sa kanya nito. Mukhang nahalata rin ang pagbabago ng kanyang mood. Ngumiti sya ng pilit rito at umiling. "Nothing, Mr. Sandejas. May bigla lang akong naalala.""I see. Akala ko sinasamaan mo 'ko ng tingin e. Ano ba ang naalala mo at parang gusto mo manuntok sa itsura mo kanina?""Ikaw." "Excuse me!?" Medyo malakas na sabi nito at mukhang nabigla sa sinabi nya. Pero dahil sa malakas na tugtog sa yate, sila lang tatlo ni Dominic ang nakarinig rito.Pilit na tumawa si Dominic na katabi nya. "Nagbibiro lang sya, Mr. Sandejas. Mapagbiro lang po talaga itong si Alexandros, right bro?" sabay baling sa kanya ni Dominic at binigyan sya ng warni
"Paakyat na raw ng yate si Nicole!" si Selena na nagpapanic. Agad naman inalis ni Elaine ang braso nya sa balikat nito at lumapit na kay Selena. Buti na lamang at hindi sila nakita ni Nicole. Nasa second floor sila ng yate kung saan magaganap ang surpresa. "Sige na, love. Maya na lang." pagpapaalam nito sa kanya. Mabilis naman nya itong hinalikan ulit sa labi. "Mag-iingat ka ha? I love you." bilin nya rito. Tumango ito. "I love you too." tanging nasabi lang nito bago ito tuluyan hilahin ni Selena palayo sa pwesto nila. Pinagmasdan nya ang mga ito na nakihalubilo sa ibang guest. Tumikhim naman sya at nagseryoso. Konti oras na lang.. pagpapaalala nya sa sarili. Nagpaalam naman sa kanya ang mga member ng MMC at tanging si Dominic lang ang naiwan sa gilid nya ng makita sila Nicole na papalapit. "Goodluck, bro." si Liam na tinapik rin sya sa balikat bago tuluyan umalis. Napatingin naman sya kay Nicole. Nakasuot ito ng isang pula tube dress na may snake print at may suo