RAPHAEL'S POV"I guess we're trapped on this island," nakangising panimula ni Courtney na lumapit sa kanya.Saglit niya itong sinulyapan bago muling binalikan ang hawak na cellphone. Kanina pa siya hindi makakuha ng signal. Kanina pa rin niya tinatawagan si Yaya Lilit."Come on, Raphael, napaka-aloof mo. May ibang mga businessman naman tayong kasama pero hindi tayo kilala, hindi mo kailangang lumayo sa akin at hindi mo kailangang magpanggap na hindi mo ko kilala," pamimilit nito na pilit pumunta sa harapan niya para magpapansin."I don't have time for this, Courtney. Tumawag ka ng driver at magpasundo na," mariin niyang utos.Umirap ito noong sulyapan niya kaya't napailing siya."For what? Nandiyan ka naman. As if namang may magbabawal sa ating dalawa dito—"Mabilis niyang hinaklit ang braso nito, "We're not supposed to be seen together, Courtney," madiing bulong niya."Too late. Kalat na sa balita na tayo ng dalawa. I bet, naglulupasay na sa iyak si Crystal."Nanliit ang mga mata niya
Tila umalingawngaw sa kanya ang sinabi ng guwardiya. Literal na dumilim ang tingin niya dahil sa narinig."Saang ospital siya dinala at bakit walang nagsabi sa akin?!"Kumuyom ang kamao niya. Umaakyat ang galit niya. Ni wala siyang alam na nag-aagaw buhay na pala ang anak niya."S-ir, hindi po kayo matawagan. Nahulog po sa hagdan si Serenity matapos nilang mapanood ang balita tungkol sa inyo ng kapatid ni Miss Crystal," kwento ng katulong."F*ck it! D*mn!" Mabilis niyang nasipa ang sofa dahil doon. Napasigaw ang katulong ngunit hindi siya lumingon. Nagtagis ang mga bagang niya at mabilis na lumabas muli ng bahay. Tuloy-tuloy siya sa sasakyan at agad iyong pinagana.Hindi niya alam kung saang ospital pero wala siyang ibang maisip kun'di ang pinakamalapit. Matalim din ang tingin niya sa daan. Dumiin ang hawak niya sa manibela. Umigting din ang panga niya, hahanapin niya kung sino man ang nagpakalat ng balita na iyon!Sandali siyang bumagal sa pagmamaneho matapos tumunog ang cellphone n
"You should stop looking for her."Malamig niyang nilingon si Martin bago tinaob sa mesa ang report ng imbestigador niya. Wala pa ring malinaw na lead kung saan man napadpad si Crystal."It's been a week. She might be dead by now—""Shut up, Martin. She's sane and not crazy. She might be hiding or someone is hiding her."Sumandal siya sa kanyang swivel chair. Ganoon ang naiisip niya ngayon. Imposibleng agad na makalayo si Crystal lalo pa't kinalat niya ang mga tauhan sa buong Manila.Sumimsim sa alak si Martin bago nagdekwatro sa sofa."Bakit mo pa ba hinahanap? She's not your wife—""I just registered our marriage, technically, she is my wife now," mariing sagot niya dito.Mahinang tumawa ang kaibigan niya na hindi makapaniwala sa ginawa niya."Why tied yourself to a dead woman? Nandiyan naman si Courtney, naghahanap ka pa ng iba," naging sarkastiko ang boses nito."She's not dead and I don't care about Courtney.""Really? Hindi ba't sinabi niyang in-process of dating kayo at um-oo k
CRYSTAL'S POV"Ihanda mo ang sarili mo dahil gaya ng sabi ko, maaaring may ibang kumplikasyon ang nangyari sa bata. Ipanalangin na lang natin na hindi malala," mabigat na paalala sa kanya ng doktor.Pilit siyang ngumiti rito at hinawakan sa kamay si Serenity. Hanggang ngayon ay tulog pa ito pero wala na sa I. C. U. Maayos na rin ang kalagayan nito at hinihintay na lang niyang magising."Thank you, Doc. Salamat din po at pinagbigyan niyo kaming lumipat."Muli itong bumuntong hininga, "Kung alam mo lang ay napakalaking gulo ng nangyari sa ospital. Hindi ko rin alam ang rason mo kung bakit mas pinili mong lumayo pero makatutulong naman sa paggaling ng anak mo, handa akong tumulong, Miss Crystal."Agad na nagtubig ang mga mata niya sa sinabi nito. Hindi niya ito kilala o ka-ano ano. Nakiusap lang siyang lumipat ng ospital. Ni hindi siya nagbigay abiso kay Yaya Lilit o kanino pa man. Ang gusto niya ay matahimik na ang buhay nila."Thank you pa rin po."Tumango ito. Isang sulyap pa kay Sere
AFTER THREE YEARS"M-ama."Agad siyang napangiti at dinaluhan sa kama si Serenity na kagigising lang. Maingat niya ring binaba sa tabi nito si Primo na humahagikhik."How's your sleep, Baby?" Inayos niya ang magulong buhok nito na siyang kinangiti ni Serenity."Good, Mama. Nakaalis na ba si Daddy?"Maliit siyang ngumuso bago tumango. Binuhat na rin siya si Primo at nilahad ang palad kay Serenity upang alalay sa pagbangon nito."Maaga kasi ang meeting niya, Baby. But he promised he'd be home early. Let's have breakfast na? Baka ma-late ka sa therapy mo."Nakakaintindi itong tumango, "I miss him. Tell him he's the best Daddy, Mama."Muli siyang malawak na napangiti at binigyan ito ng h*lik sa pisngi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nakabawi ang anak niya. Halos dalawang taon din siyang umiyak sa kalagayan nito pero sa kasunod na taon ay nakahinga na siya nang maluwag. Akala niya ay hindi na ito makakapagsalita at makakakita. Mabuti na lang at temporary lang iyon at
Hindi siya maka-hindi sa gustong mangyari ni Anton. Hindi niya rin masabi na si Raphael ang tatay ng mga anak niya at ayaw niyang makita!Tipid na ngiti lang at maliit na pagtango ang sinagot niya rito. Bahala na pero iisip na lang siya ng paraan upang hindi makasama.Hindi siya ready na makita si Raphael at kailanman ay hindi siya magiging handa.Habang lumilipas ang mga araw ay lalo siyang kinakabahan na hindi naman dapat! Noong hindi siya nakatiis ay sinadya niya sa study room si Anton. Agad itong ngumiti kaya't agad siyang lumapit."What it is, Crystal?"Bumuntong hininga siya at tahimik na umupo sa upuan sa harap ng mesa."Uh, mag-u-umpisa na pa lang mag-aral si Serenity. Malaking abala iyon sa'yo kaya baka lumipat na kami, Anton."Agad na tumikwas ang kilay nito at binitiwan ang hawak na ballpen. Prente itong sumandal sa swivel chair at maliit ang tingin na tumitig sa kanya."You're kidding?"Mabilis siyang umiling, "Kaya ko naman ng magtrabaho. Ayoko namang pati pag-aaral ni Se
Kumukuyom ang kamao niya sa bawat sulyap ni Raphael. Dumidiin din ang hawak niya sa tinidor at paghiwa sa steak dahil sa inis dito. Gusto yata siya nitong ipahamak."So, how did you two meet?" seryosong tanong nito kay Anton pero ang mga mata ay sa kanya nakatingin.Patago niya itong pinanliitan ng tingin. Pilit din ang ngiti niya sa labi. Kung pwede lang itong sampalin ay ginawa na niya."Huh? We met at the hospital," simpleng sagot ni Anton na marahil ay naguguluhan sa kung paanong umikot ang usapan sa kanilang dalawa imbis na sa negosyo."I hope you read my proposal, Mr. Consunji. We can check on the upcoming project—""Sinong nasa ospital at sa ospital kayo nagkakilala?" madiing tanong muli nito, binabalewala ang sinasabi ni Anton.Nagtagis ang mga ngipin niya at matalim itong tiningnan. Mukhang wala naman talaga itong balak na makipag-partner kay Anton, siya lang yata ang sinadya nito."My daughter. She got into a little accident," mahinahong sagot ni Anton.Kumalma siya roon, bu
Hindi niya sigurado kung ano'ng klaseng laro ang gusto ni Raphael. Matapos kasi ng engkwentro nila sa banyo ay umalis na ito, nagsabi lang na tatawag ang sekretarya nito kung saan magkikita kinabukasan para sa sa sunod meeting nila. Kung pwede nga lang ay huwag na at bumalik na lang sila sa probinsya."He wants us to visit his company tomorrow for legitimacy."Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Anton. Tiyak na nasasabik na makita ang kumpanya ni Raphael. Pero siya? Kahit hindi na siya makatapak muli doon ayos lang.Pero siyempre, hindi siya makatanggi kay Anton kaya't kinabukasan bago ang tanghalian nakarating na sila sa Consunji Empire. Hindi niya nga tinitingnan sa mata ang mga empleyado at baka makilala siya."Naghihintay na po si Sir Raphael," imporma ng sumalubong sa kanila na lalaking sekretarya kaya't sumunod sila dito sa elevator. Pero mukhang nananadya talaga si Raphael dahil imbis na sa opisina nito ay sa dating opisina niya sila dinala ng sekretarya. Halos maestatwa nga si F
RAPHAEL'S POV"Wake up, Baby," mabining paggising niya sa asawa.Umingit ito at mas siniksik ang sarili sa kanya. Napangiti siya at inayos ang buhok nito. Hinanap niya rin ang kamay nito pinagsalikop ang mga kamay nila. Dinama niya rin ang singsing doon. Pagkatapos kasi nilang makabalik sa bansa ay pinakasalan niya muli ito. Pinagbigyan niya rin ang hiling nitong pabayaan na ang kapatid nito kahit pa hindi siya pabor doon."Wake up, Baby. Ngayon na babalik si Royce at Amethyst. Baka nasa bahay na sila ng mga magulang mo," muling bulong niya rito.Isa pa iyon sa kinasasaya niya. Royce won his fight against cancer. Unti-unti ay umaayos na ang lahat. Isa na nga lang ang panalangin niya at iyon ang maalala na siya ni Serenity. Nalulungkot siyang hindi pa rin siya nito tinatawag na daddy pero alam niyang balang araw ay maalala rin siya nito."Nandoon na rin ba sila Anton?" inaantok na tanong nito.Nagsalubong ang mga kilay niya, "I don't care about that bastard—"Mabilis nitong tinakpan an
"Magpapahanap ako ng magaling na doktor," desididong saad ni Raphael matapos niyang ikwento lahat ng nangyari kay Serenity.Tinitigan niya ito. Nakaupo ito sa dulo ng kama, nakayuko, at ang kamay ay nakahawak sa batok. Kanina ay umiiyak ito pero ngayon ay kalmado na. Naiintindihan naman niya. Gusto nga niyang isumbat na kasalanan nito ang nangyari kay Serenity ngunit alam naman niyang hindi rin nito ginustong mangyari iyon. Katulad niya ay biktima lang din ito."Magaling na siya. Kusa rin daw babalik ang mga alaala niya," pagpapagaan niya sa loob nito.Naroon pa rin nga sila sa bahay ng Mama ni Anton. Ayaw pa kasing umuwi ni Serenity. Ayaw nitong sumama sila kay Raphael. Ayaw din nitong tumabing matulog sa kanila kaya't naroon pa ang magkapatid, sa talagang kwarto para sa mga ito."Will it take time?" Nagsusumamo pa itong nag-angat ng tingin sa kanya.Bumuntong hininga siya. Sa totoo lang ay ayaw niyang makitang mahina ito."Maybe? I don't want to force Serenity to remember you. Let h
Mahigpit siyang kumapit sa braso ni Raphael pagkababa nila sa eroplano. Niyakap siya ng lamig at kahit yata tumira siya noon sa ibang bansa ay hindi pa rin sanay ang katawan niya."Gaano ba kadelikado si Philip at kailangan na magmadali tayong pumunta dito?" naguguluhang tanong niya kay Raphael.Tumiim bagang ito habang inaalalayan siya palabas ng airport."Courtney threatened to hurt our children, and we both know Philip was his lover," madiing sagot nito.Nagsalubong ang mga kilay niya, "Plano ba nilang dalawa iyon? Baka naman ginamit lang din ni Courtney si Philip?"Bumaba ang tingin nito sa kanya, "Kinakampihan mo siya?" malamig na tanong nito.Napaikot ang mga mata niya at napabuntong hininga, "Ayaw kong basta mag-isip ng masama lalo pa't si Philip ang nagdonate ng dugo para kay Serenity."Tumahimik ito pero kita niya ang bahid ng inis sa mukha nito."He is not a clean man. Pinsan siya ni Anton? Baka pati iyang si Anton ay may masamang balak—""Shut up, Raphael. Iba si Anton. Hig
CRYSTAL'S POV"What happened to Serenity?" malamig na bungad sa kanya ni Raphael kinagabihan noong makabalik ito.Kunot noo siyang nag-angat dito ng tingin at binitawan sa mesa ang hawak na ice cream."I'm not yet ready to show them to you—""F*ck that I'm not ready of yours, Crystal. Pinadala mo sila sa States kasama ang Mama ni Anton? Do you have any idea how dangerous that is?!" bahagyang tumaas ang boses nito kaya't tinaasan niya ng kilay."What are you talking about, Raphael? Mabait ang Mama ni Anton."Pumikit ito nang mariin na tila pinipigilan ang galit. Salubong lang ang kilay niyang tumitig dito. Noong magmulat ito ng mga mata ay mahinahon na ito."Tawagan mo at sabihin mong ibalik na dito ang mga bata kun'di ay ako ang pupunta doon—""Huwag ka namang mag-eskandalo ng ganyan, Raphael. Mabait ang Mama ni Anton at hindi niya pababayaan ang mga anak ko," matatag niyang laban dito.Tumiim bagang ito, "Then call her. I want my kids here beside me. Dapat ay hindi ka nagtitiwala kun
RAPHAEL'S POVMabining h*lik sa buhok ang binigay niya kay Crystal bago maingat na inalis ang pagkakayakap nito aa kanyang bewang habang mahimbing ang tulog nito. Naka-ilang hampas pa ito sa kanya bago niya nasuyo. Pinagsabihan pa siyang huwag maging masamang damo at sinermunan. Kun'di niya pa ito hin*likan ay baka hindi na tumigil kakasalita.Sandali siyang natigilan noong umingit ito at gumalaw. Noong masiguradong tulog pa ito ay maingat siyang bumaba sa kama. Agad siyang kumuha ng stick ng sigarilyo, sinindihan iyon bago kinuha ang kanyang cellphone at lumabas sa veranda ng condo.Isang hithit mula sa sigarilyo ay ni-dial niya ang numero ng kaibigan."F*ck you, Raphael! I'm in the middle of love making—d*mn, Baby!" reklamo sa kanya ni Martin mula sa kabilang linya.Napangisi siya, "Fine. I'll give you five minutes to finish that—""What the h*ll, man? Five minutes is not enough—""And I'm not your Baby, Martin. Hurry up!" putol niya pa sa pagrereklamo nito bago pinatay ang tawag.H
"Y-our condo?"Muli itong umirap at balewalang hinila ang maleta nito papasok ngunit maagap siyang lumapit at sinapa iyon palayo."What the h*ll, Crystal?!"Galit siya nitong tiningnan bago sinubukang kunin muli ang maleta ngunit muli niya rin iyong pinigilan."As far as I know kay Raphael 'to—""Na regalo niya sa akin, Crystal. Like duh, makakapasok ba ako dito kung hindi sa akin 'to?"Tinaas pa muli nito ang hawak na key card. Mariin siyang tumitig doon. Hindi niya alam kung nagsasabi ito ng totoo pero mas gusto niyang paalisin ito sa condo... at sa buhay nila ni Raphael."Really? Regalo niya 'to sa'yo, Courtney? Then why am I here wearing his shirt?" Ngumisi siya ngunit malamig lang siya nitong pinasadahan ng tingin."Obviously, past time ka niya ulit. Naniwala ka naman. Can't you see? Katawan lang ang habol sa'yo ni Raphael. Baka nga isang linggo lang at paaalisin ka na niya."Ito naman ang ngumisi. Bahagya siyang nainsulto doon pero naaalala niya ang sinabi ni Raphael. Dapat na m
Malalakas na singhap at mahahabang ungol ang nagawa niya sa bawat galaw ni Raphael sa loob niya. Bumaon ang kuko niya sa likod nito noong muli itong gumalaw ng marahas at malalim."D*mn, Baby. You'll making me crazy," parang baliw na bulong nito sa kanya.Napangisi siya at sinalubong ang galaw nito. Ramdam niya ring malapit na siya kaya't malugod niyang tinatanggap ang rahas nito.Humigpit ang hawak nito sa kanyang bewang. Sumasabay sa mabibilis nitong galaw ang kama. Halos napapaliyad siya at talagang mahigpit ang yakap niya sa likod nito."Don't get me pregnant yet, Raphael. Ayaw ko munang magbuntis," paalala niya rito lalo pa't ang plano niya ay makilala muna ito nang lubusan.Hindi ito umimik. Umangat lang ang gilid ng labi nito at mariing humawak sa hita niya. Sabay silang napaungol noong dumiin ito. Dinig na dinig nga niya ang tunog ng pag-iisa ng kanilang katawan. Kagaya dati, marahas pa rin ito sa kama at... magaling.Lalong dumiin ang mga kuko niya sa likod nito at halos muli
Hindi niya alam ngunit napahikbi siya. Instead of feeling hot, she felt disappointed in herself.Tahimik siyang humikbi kahit pa ramdam niya ang paghinga nito roon. Ngunit kusang umawang ang mga labi niya noong lumayo ito at ipagdikit muli ang kanyang mga hita."Why stop now, Raphael? Bakit? Hindi ba't iyan lang ang habol mo?" hinanakit niya sa kabila ng pagpatak ng kanyang mga luha.Mabilis itong tumalikod at namewang. Kitang-kita niya ang matipuno nitong likod."Do not f*cking cry," mariing bigkas nito.Alam niyang umiigting na ang panga nito kahit pa nakatalikod ito sa kanya. Lalo lang siyang naiyak. Niyakap niya ang mga tuhod at sinubsob doon ang mukha."I didn't mean to be harsh. Makulit ka lang at ayaw mong makipag-ayos," dagdag pa nito.Nag-angat siya ng tingin. Kita niyang kumuha ito ng isang stick ng sigarilyo, sinindihan ngunit agad ding nilukumos sa ash try upang mamatay."Just tell me where the kids are to end this discussion. Ibabalik ko kayong lahat sa bahay ko. You want
"Your lies will be the death of you," nang-uuyam na bigkas nito pagkatago sa hawak na cellphone.Umirap siya, "I'm not lying, Raphael. Three years kaming nagsama ni Anton, malamang hindi lang jack en' poy ang ginawa namin. This baby inside me is our love child," patuloy na pagsisinungaling niya.Imbis na mainis ay umangat ang gilid ng labi nito, "We'll see about that. You better be pregnant, because once I prove you are not—""Anong gagawin mo? F*ck me senseless and get me pregnant? Wala ka na bang ibang alam na gawin kun'di paganahin iyang ulo mo sa baba? Kaya nga ba ayaw ko ng bumalik sa'yo kahit hindi ka pa nagloko. I want a man who has a sense of direction, not a man who only knows s*x!"Halos hingalin siya sa sinabi niyang iyon samantalang nawala naman ang ngisi ni Raphael. Kumibot ang labi nito at nanliit ang mga mata pagkaraan ay bigla na lang itong ngumisi."That won't work for me, but thanks for the idea, baby. I won't change my mind about getting you pregnant again if that m