Share

Chapter 1

Author: Otome
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

***

“M-mama,” nanginginig ang boses kong sabi.

Hawak-hawak ko ang kamay ng aking ina. Nanginginig ito habang tinitignan ko ang nakaka-awa n'yang kalagayan sa hospital bed. Puno ng kung ano-anong mga apparatus ang nasa katawan na hindi ko matukoy kung ano ang tawag.

May malubhang sakit si Mama, s'ya nalang ang meron kami ng kapatid ko. Wag naman sana s'yang kunin samin.

“Ma'am?” napaangat ako ng tingin.

Nasilayan ko ang nurse na nagbabantay kay Mama sa pintuan, may hawak s'yang papel.

“Ang mga bayarin nyo Ma'am, matagal nyo ng hindi nababayaran,” binigay nya sa'kin ang papel.

Nanlumo ako sa nakita ko, alam kong baon ako sa utang dito sa hospital dahil matagal nang naka confined si Mama, pero di'ko akalain na gan'to na ang inabot nito.

“₱500.000?” mahina kong sabi. Napatango naman ang nurse, napalunok ako, sa isang-libo panga ay hirap na'kong makakita. Pa'no pa kaya ang kalahating milyon?

“It's been months Ma'am, you haven't pay your bills, we might let your mother out of our hospital,” napalingon ako sa pumasok na doctor. Napaluhod ako sa harap n'ya.

“Wag po please! Hahanap ako ng pambayad, wag nyo po sya paalisin dito, kailangan n'ya gumaling,” pagmamakaawa ko.

Napailing ang doctor sa'kin at lumakad papaalis. Bumagsak ang balikat ko.

“May gagawin pa po kami Ma'am, paki-handa na po ang babayaran,” yumuko sa'kin ang nurse at umalis. Naiwan akong nakaluhod sa sahig.

“A-anak,” napalingon ako, nagising si Mama.

“Ma, kamusta ka? may masakit ba sa'yo?” mabilis kong tanong pagka-lapit sakanya.

Mabagal s'yang umiling, hinawakan ko ulit ang nanghihina n'yang kamay. Ramdam ko ang gaan nito na halatang wala ng lakas, napaluha ako, pero agad ko ding pinunasan.

“N-nasaan a-ang k-kapatid mo?” tanong n'ya.

“Nasa bahay Ma, nag aaral sya ng mabuti,” nakangiti kong sabi.

“B-bakit mo n-naman i-iniwan doon? M-mag isa l-lang s'ya.” ngumiti ako at umiling.

“Alam mo naman si Jane, Ma, kaya nya ang sarili nya, pero wag ka mag-alala pupuntahan ko sya at dadalhin dito para kumpleto tayo,” sabi ko na nakapag-pangiti sakanya.

“P-puntahan mo na,” pagpipilit nya. Bumuntong hininga nalang ako at tumango.

“Mama talaga. Oo na po pupuntahan ko na, mag pahinga na kayo ah? Kailangan nyo gumaling para samin ni Jane,” halos pumiyok ako habang nagsasalita, may kirot sa puso ko habang nakatingin sakanya.

Mahina n'yang hinila ang kamay ko at hinalikan 'yon, yumuko naman ako at hinalikan ang noo nya para magpaalam na.

“Aalis na'ko Ma, hintayin n'yo ako, dadalhin ko si Jane dito, bibilhan ka din namin ng pagkain. May lugaw pa namang tinda d'yan sa kanto at bibilhan ka namin ng tinapay na masarap. Walang lasa yung binibigay sa'yong pagkain dito sa hospital eh,” sabi ko.

Mahina s'yang tumango at napapikit na ulit, tumalikod nako at hinawi pasara ang kurtina na tanging nag hihiwalay sa katabi naming mga pasyente. Naglakad na'ko palabas ng hospital.

Madami akong nakikitang malalaking bahay, magagarang sasakyan, mga tindahan na may mga mamahalin na bilihin, nagu-umapaw ang liwanag sa paligid, malinis ang lugar at ang nilalakaran ko. Hindi bagay sa suot ko ngayon na medyo madungis at gusot-gusot.

Hanggang sa naka layo-layo na'ko, nag iba na ang lugar. Maingay, madumi, magulo, maliliit na bahay, yung iba sira-sira pa at walang maayos na bubong.

Ano pabang inaasahan ko sa isang squatter na lugar?

Sa pag mumuni-muni ko ay binuksan ko ang wallet kong walang kalaman-laman. Kulang nalang may lumipad na langaw galing dito. Napapikit ako ng mariin, siguro ay u-utang nalang muna ako ng pagkain ni Mama.

“Sunog!” nagulat ako sa sigaw na nang gagaling sa malayo. Maya-maya ay may mga nagsisi-datingan nang mga bumbero.

Nakaramdam ako ng kaba, napatakbo ako at sinundan ang bumbero. Lalong lumakas ang kaba ko nang makitang papunta ito sa street namin. Napanganga ako at natulala sa malaking sunog na kumakalat sa buong paligid ng street namin. Nagpalinga-linga ako.

“Hindi. Ang bahay namin, Jane!” Tumakbo ako papunta sa bahay namin, na naabutan kong nasusunog din.

Nasa loob ang kapatid ko.

Ang bilis ng tibok ng puso, tatakbo palang ako papasok nang hinawakan ako ng bumbero at hinila papalayo sa sunog.

“Teka lang po, yung kapatid ko nasa loob!” sigaw ko.

Pilit akong kumawala.

“Wala ng tao sa loob Miss, yung kapatid nyo nasa isa ata sa mga tela na 'yon,” tinuro n'ya ang parte kung saan may mga naka hilatang katawan na natatakpan ng tela.

Nanlumo ako dahil sa pumasok sa isip ko.

“H-hindi, hindi. Jane!” napailing-iling ako, mabibigat ang hakbang ko papalapit sa kinaroroon ng mga walang buhay na katawan.

Malayo palang ako ay rinig kona ang iyakan at pag hihinagpis ng mga kapamilyang nadamay sa sunog. Lumapit ako sa isang tela na walang kahit sinong lumapit. Napaluhod ako doon at dahan-dahan na binuksan.

“Please, sana hindi ikaw 'to, sana,” pagdadasal ko.

Hinawi kona ang tela, napa atras ako agad at napa hagulgol. Sunog na ang buong katawan n'ya at hindi na makilala, pero ang suot na headband nya ay nagpapatunay na s'ya nga ang kapatid ko. Ang headband na suot n'ya, yan lang ang tangi kong naibigay na regalo sakanya noon, hanggang ngayon suot nya padin.

“JANE!” napahagulgol ako, nahalo na'ko sa mga nagdadalamhati.

Bumalik ako sa hospital ng mabigat ang pakiramdam, namamaga ang mga mata ko at medyo nanlalabo dahil naluluha pako sa nangyare. Inilibing na agad ang mga namatay sa sunog, lahat kami ay walang pera pang lamay kaya wala kaming nagawa at pinaubaya na namin sakanila.

Hinawi ko na ang kurtina, naka handa na'kong sabihin kay Mama ang nangyare kahit na alam kong hindi n'ya lubos na matatanggap ito, pero ang hindi ko inaasahan ay ang walang laman na hospital bed. Nasaan si Mama?

Umalis ako agad don at mabilis hinanap ang nurse na nag-aasikaso kay Mama.

“Nurse, nasaan ang nanay ko?” hinihingal kong sabi, malungkot naman n'ya akong hinarap.

Bakit ganyan ang mukha nya? Anong problema?

“Ma'am hindi nya na nakayanan,” sabi n'ya, parang gumuho ang mundo ko.

“A-ano? Paki-ulit?” sabi ko, bumuntong hininga s'ya at sinabing sumunod ako sakanya.

Pinapasok n'ya ako sa isang kwarto, nakakita nanaman ako ng puting tela. Mabilis kong hinawi yon, ang kaninang pinipigilan kong hagulgol ay lumabas na. Napaluhod ako.

“Paanong… paanong nangyare 'to?” mahinang sabi ko.

Halos mahimatay ako sa nasaksihan. Nawala na si Jane, pati ba naman si Mama?

“It's obvious, hindi n'ya na nakayanan Ma'am,” mahinahong sabi ng nurse.

Nanlilisik ang mata kong tinignan s'ya, kanina malungkot s'ya pero ngayon parang may nag-iba sa tono ng boses n'ya.

“Hindi nakayanan? Hindi basta-basta sumusuko si Mama, nangako s'yang lalaban s'ya at wala din s'yang pinapahiwatig na mag papaalam s'ya sakin. Kaya n'ya pa kanina, alam kong nanghihina s'ya pero kaya n'ya pa, imposible!” halos magwala ako dahil hindi ko ito tanggap.

Malumanay s'yang ngumiti sa'kin. binaliwala ang pag-sigaw ko.

Napatigil ako dahil sa naisip. Hindi kaya… tinanggal nila ang makina na nagpapabuhay sakanya?

Lumaki ang mga naluluha kong mata.

Dahan-dahang ngumiti ulit ang nurse.

“Ang bill nyo po Ma'am,” abot n'ya ulit ng papel.

“Icre-cremate na namin ang nanay nyo Ma'am, kami napo ang bahala, mag hintay nalang kayo d'yan.” pinanood ko ang paghila nya kay mama palabas. Paulit-ulit akong umiling sa sarili.

Hindi ako nakinig, wala sa sariling lumabas ako ng hospital. Nakarinig pa'ko ng ilang tumawag sa'kin pero hindi ko sila pinansin, tumakas ako sa hospital. Bumalik ako sa nasunog naming bahay, kinalkal ko ang ilang gamit namin, hinanap ko ang box na naglalaman ng maliit na halaga ng pera.

Hindi man nito mababarayan lahat pero kahit onti lang makabayad ako, binuksan ko ang box, pero agad ko ding nahagis.

Wala.

Walang nasalba, nasunog din ang loob ng box.

Nilukot ko ang hawak kong papel at tinapon yon, narinig ko ang paparating na sasakyan ng pulis. Mukang ni-report nila ang pagtakas ko sa hospital.

Mabilis akong umalis at tumakbo papalayo.

Nagdaan na ang gabi, naka-paa nalang ako, dahil sa pag takbo ko kanina nasira ang stinelas ko. Tulala akong naglalakad ngayon sa kahabaan ng madilim na syudad. Natakasan ko ang mga humahabol sakin, pero saan na'ko nito pupunta?

“Wala akong bahay, wala na'kong kasama sa buhay, wala akong pera,” naramdaman ko ang pagkalam ng sikmura ko.

“At nagugutom na'ko,” bulong ko.

Nakaramdam ako ng panghihina, tumigil muna ako sa isang tabi at doon umupo. Bumibigat na ang talukip ng mga mata ko, wala nga pala akong tulog ngayon.

Humiga ako sa matigas na sahig, ramdam ko ang lamig, napayakap nalang ako sa sarili. Buti kahit papano naka t-shirt ako at pantalon, wala nga lang akong sapin sa paa kaya ramdam ko parin ang lamig.

Tinanggal ko ang tali ko at naglugay, tinakpan ko ang balikat ko ng mahaba kong buhok. Pinikit kona ang mga mata ko at sinubukan matulog.

Thud

Bigla akong nagising sa tunog na parang may ibinato, napa-mulat ako dahil nasilaw ako sa isang makintab na bagay.

Medyo malayo yung kumikintab na bagay nayun, dahil sa kuryosidad ay lumapit ako. Napalapit ako sa isang bahay na medyo may kalakihan, malapit lang ito sa isang bahay na hinigaan ko kanina.

May nakita akong nakatarak sa pader na… dagger? Isang makintab na dagger ang nakita ko, napatingin ako sa talim nito, na may simbolo ng crescent moon. Binasa ko pa ang naka sulat doon.

“Midnight Hunters,” basa ko.

Napatigil ako. Midnight Hunters?

“AAAAHH!” bigla akong nakarinig ng sigaw. Napa-yuko ako at nagtago malapit sa damuhan.

Ang Midnight Hunters, umaatake nanaman sila. May sabi-sabi na mapanganib silang mga kriminal, hanggang ngayon hindi padin sila nahuhuli.

Sumilip ako sa malapit na bintana ng bahay, may nakita akong babae na naka tayo habang nakaupo naman sa sahig ang babaeng bibiktimahin n'ya. Nakaitim na jacket ang babae at pantalon, naka leather boots din s'ya. May suot s'yang itim na mask kaya hindi ko sya mamukhaan. Ang babae na naka salampak sa sahig ay mukang takot na takot, may bahid din na dugo sa pisngi at kamay nito.

Nagsimulang lumapit ang babaeng nakaitim sakanya, nagsisi-sigaw na sya at nagwawala, halata ang takot. Nagmaka-awa ang babae pero hindi na sya pinatapos, bigla nalang s'yang ginilitan sa leeg. Nanginginig akong napatakip sa bibig ko, nagsi-talsikan ang dugo na nagmula sa babaeng biktima.

Gumapang ang takot sa buong sistema ko, gusto kong tumakbo pero parang hindi ko maramdaman ang mga paa ko.

Hanggang sa napatingin ang babaeng naka mask sa gawi ko, napaatras ako. Hindi na'ko nag isip at tumakbo nalang papalayo sa bahay na'yon, nakalabas nako sa street na'yon, hindi ko alam kung saan na'ko papunta. Nang may narinig nanaman ako tunog ng sasakyan ng pulis, napatigil ako at saktong papunta ito sa direksiyon ko. Napapikit ako sa liwanag.

Hindi na'ko tumakbo, gusto ko nalang din mawala.

BOOGSH

Lumaki ang mga mata ko, malapit na'ko mabangga nang bigla nalang nag-landing ang malaking motorbike sa mismong kotse. Napanganga ako at naangasan sa ginawa n'ya, pero hindi ako dapat matuwa dahil alam kong posibleng nadagaan ang nga tao sa loob ng kotse.

Tumitig sa'kin ang babaeng sakay ng motorbike, s'ya ang babae kanina sa bahay. Pigil hininga ako habang tinititigan n'ya.

“An ordinary citizen huh?” sabi n'ya. Kumunot ang noo ko.

Nakarinig kami ng sirena ng pulis. Ngayon madami na ang nagsisi-datingan.

“Tsk! Police only arrived when everything is over,” napatawa s'ya. Ako naman ay nagtataka, kinakausap n'ya ako?

“Tara!” halos humiwalay ang kaluluwa ko nang hilain n'ya ako palapit sakanya at pinasakay sa motorbike n'ya.

Hindi ko alam kung bakit n'ya ako pinasakay.

“Hold on tight,” sabi n'ya. Napakapit nalang ako sakanya nang wala sa oras dahil bigla nalang s'yang umandar.

Pasalubong kami sa mga police, napapikit ako sa sunod-sunod na putok ng baril patungo samin. Pero hindi man lang kami natamaan?

Parang may lumalabas na harang galing sa motorbike n'ya na nagproprotekta samin, sobrang bilis ng takbo n'ya at kada-daan namin ay nagsisiliparan ang mga sasakyan.

Huminto s'ya sa isang building.

“Here,” sigaw n'ya. Napatingala ako, may tao sa rooftop.

Nagulat ako nang tumalon ito at saktong naglanding sa likod ko, kasama ata 'to ng babae. Umandar na ulit kami agad matapos sumakay ang lalaki.

“Oh! who is this?” takang tanong ng nasa likod ko.

“Napulot ko sa daan,” kibit balikat na sabi ng babae. Napayuko nalang ako.

May humahabol parin samin at binabaril kami, yung lalake ay bumaril din pabalik. May hawak s'yang dalawang baril at nakikipag sabayan sa mga pulis.

Nagtataka lang ako kung bakit hindi s'ya nauubusan ng bala.

Naiwala nadin namin ang mga pulis, kahit hindi kami naglalakad ay ramdam ko ang pagod. Nasa isang gubat na kami ngayon, matataas ang puno, malapit na ata mag umaga.

Hindi ko na alam.

Hindi nagtagal ay huminto kami sa isang lugar, lumapit kami sa isang puno at parang may twitch na ibinaba ang babae. Bumukas ang lupa at nagkaroon ng daan pababa.

Nagtatago sila sa ilalim ng lupa?

Pumasok kami habang nakasakay parin, pag tapos makapasok ay bumaba na kami sa motorbike.

Gumala ang mga mata ko sa paligid, may mga nakikita akong mga armas, mga monitor na nakakabit sa paligid. May apat din na tao akong nakita.

“Nakabalik na kami,” sabi ng babae na kasama ko.

“Mukang may dala ka?” sabi ng babaeng naka upo sa parang trono.

“Ordinaryong mamamayan lang yan Boss, niligtas ko lang,” sabi n'ya at umupo sa couch na malapit sakanya.

“Mukang kailangan ng makakain,” sabi naman ng lalaki. Nagtanggal na silang dalawa ng mask at masasabi kong parang ordinaryong tao lang din sila.

“You can stay here for a while,” sabi ng Boss nila.

Napatingin ako sa simbolo na naka sabit sa itaas, crescent moon na may nakasulat na Midnight Hunters.

Napanganga ako, ibig sabihin nasa kuta ako ng Midnight Hunters?

Ang pinaka delikadong grupo ng kriminal sa buong lungsod?

Related chapters

  • Midnight Hunters   Chapter 2

    ***“Kumain kana,” binigyan nila ako ng pagkain, nahihiya ako sakanila pero ramdam ko na talaga ang gutom na hindi na kayang tiisin. Dahan-dahan ko kinuha ang pagkain sa lamesa at kumain na, iniwasan ko nalang ang mga tingin nila sakin. “Maligo kana din pagtapos at magpalit ng damit,” sabi nang tinatawag nilang Boss, tumango ako.Nakapag-tataka, bakit ang bait ata nila?Ine-expect ko kasi na mamamatay ako ngayong araw.“Mukang nagtataka sya kung bakit buhay pa sya ngayon,” sabi ng lalaki na may nakasabit na headset sa leeg. “Ano pang inaasahan mo Hacker, ganon naman tingin satin nang karamihan. We are a bunch of criminals,” natatawang sabi ng babae, yung may motor bike. Hay, hindi ko pa sila kilala.Apat na lalaki at dalawang babae ang nandito sa lugar nato. Yung babae na tinatawag nilang Boss, yung babaeng may motor bike, yung lalaking may dalawang baril na hawak, isa pang lalaking may headset sa leeg, lalaking may

  • Midnight Hunters   Chapter 3

    ***Nakarinig ako ng mga nagi-iyakan, mahihina pero napaka dami ng iyak na naririnig ko. Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko, hinintay ko mag-adjust sa konting liwanag ang paningin ko, hanggang sa nakakita na'ko nang maayos.Laking gulat ko sa nakita, nasa isang kwarto ako, kada gilid may kulungan ng mga babaeng walang saplot. Puro sugat at pasa sila, magugulo ang buhok, may kadena sila sa leeg at sa gilid nila may pagkain at tubig na nakalagay na dog bowl, kailangan pa nila yumuko para kumain.Ginawa silang parang aso.Napatakip ako ng aking bibig, nakakasuka ang lugar na'to. Biglang isang babae hindi maganda ang nakikita ko.Ang lalong nag-pakulo ng dugo ko ay may nakita pakong mga batang babae. Tumayo ako para malapitan man lang sila, pero hindi ko nagawa, pag tingin ko sa sarili ko ay may nakapulupot na tali sa buong katawan ko. Hindi ko maigalaw ang kamay at paa ko, nag-panic ako pero pilit kong pina kalma ang sarili ko. Tinignan ko a

  • Midnight Hunters   Chapter 4

    ***“She, what?” kunot noong tanong ni Hacker.“Want's to be a part of us,” sagot ni Swordsman. Bumalik kami dito sa hide out nila para pagusapan ang desisyon ko. Wala naman silang masyadong naging reaksyon, mukang pinag iisipan lang nila kung tatanggapin ba nila ako.“She's just an ordinary citizen,” sabi ni Hacker sabay baling ang tingin sakin, nanliliit pa ang mga mata n'ya.Para naman akong nahiya sa sinabi n'ya, kahit wala namang masama sa pagiging ordinaryong mamamayan. “Yun nga ang iniisip ko,” sabi ni Boss. “Wala kang criminal records, hindi katulad namin na may bahid na ng dumi ang pagkatao at sa mata ng mga tao,” baling sakin ni Biker.“Mabuhay ka nalang ulit nang normal—” pinutol ko ang sinasabi ni Silencer.“May tinakasan akong malaking utang na hindi ko kayang bayaran, nakapatay din ako ng tao,” sabi ko. Natahimik sila.Alam kong hindi na'ko makakapag simula ng normal dahil doon. Siguradong dad

  • Midnight Hunters   Chapter 5

    Hunter's POVTumigil kami sa tapat ng isang tindahan dito sa mall na puno ng armas. Ibat-ibang klase, may long range at short range. Namangha ako kasi ngayon lang ako nakakita ng mga ganto sa malapitan.Nagpalakad-lakad ako sa paligid, iniisip ko din kung ano ang kukunin ko. Hindi ako marunong ma-maril at lalo na sa paggamit ng katana, baka masugatan ko lang ang sarili ko.“Madaming mga baril dito. Maliliit, malaki at mahaba, madami kang pagpipilian,” sabi n'ya habang ang mata nasa ibang direksyon. Ilang sandali ay wala pa din akong mapili, binigyan din ako ni Hacker ng baril at pinasubok sakin, pumunta kami sa may targitan. Nang iputok ko ay hindi ko lang nakayanan ang pwersa sa pagkalabit ko ng gatilyo. Para tuloy akong nabalian ng buto sa braso sa sakit.“Tsk, weak arms.” Napailing-iling si Hacker. Medyo nainis ako.“Baka nga ikaw din hindi mo kaya, siguro ikaw lang yung hindi marunong humawak ng armas sa grupo n'yo kasi lagi kan

  • Midnight Hunters   Chapter 6

    Hunter's POVMalakas ang naging pagbagsak n'ya sa sahig. Wala akong nararamdamang kapangyarihan sa lalaking to kaya posibleng wala s'yang hawak na Lacrima.Tatapat sana ng lalaki ang baril n'ya ulit sakin nang binaril sya ni Biker sa kamay, nabitawan ng lalaki ang baril n'ya. Sinunod n'yang binaril ang dalawang binti nito para di na s'ya makatayo. Ramdam ko ang sakit nang naramdaman ng lalaki nang sumigaw ito ng pagka lakas-lakas. “Hanapin mo na ang swimming pool, I need too teach this man a lesson.” Malamig na sabi ni Biker, napalunok ako. Wala akong nagawa kundi tumango at nagmadaling tumakbo paalis. Rinig ko ang sigaw ng lalaki, napapikit ako. Hindi ko ma-imagine kung anong ginagawa ni Biker sakanya. Hindi na'ko lumingon para tignan pa sila. Hingal na hingal na'ko dahil sa pagtakbo, napakalaki naman kasi ng bahay, ang isang katulad ko ay mahihirapan tagalagang maghalughog sa bahay nato. Nang makarating na'ko sa sinasabi ni Hacker agad kong bi

  • Midnight Hunters   Chapter 7

    Hunter's POVNagising ako sa tunog ng cellphone ko, may lumabas na isang mensahe galing kay Hacker, may sinend s'yang litrato ng isang buong pamilya. Isa itong family photo kung tatawagin. Muka silang normal na mag kakapamilya, pero nang mabuksan ko yung file na nasa ibaba ng litrato ay mali pala ang tingin ko sa kanila.Lumabas ako at tulad ng inaasahan ay nagkumpulan na sila sa isang lamesa, nakisali na'ko sa kanila. “Madami-dami to ah,” natatawang sabi ni Boss, hawak n'ya ang isang tablet na mukang naglalaman ng inpormasyon tungkol sa pamilya.“A whole family,” sabat ni Silencer. Matalas ang tingin n'ya sa cellphone n'ya habang nilalaro ang dagger. Mukang handa na s'ya kahit hindi pa nagsisimulan ang pagsalakay namin.Isang pamilya ng mga psychopaths. Walang nakakaalam nang kalagayan ng pamilya nato. Basa sa impormasyong binigay ni Hacker ay pinapatay nila agad ang mga taong may nalalaman sa kalagayan nila. Sa mahabang panahon ay namuhay silang

  • Midnight Hunters   Chapter 8

    Hunter's POV“Ma'am ano po hinahanap n'yo?” napapitlag ako nang may lumapit sa aking lalaki, na palagay ko ay nag tra-trabaho sa hotel na'to.Naka bantay s'ya kanina sa isang kwarto at hindi na siguro natiis na lapitan ako. Kanina pa kasi ako naghahanap ng cr mga 30 minutes na ata. Hindi talaga ako sanay sa gantong lugar lalo na't laki akong squatter.“Nasaan ang cr?” nakangiwi kong tanong. Pinag dikit nya ang mga labi n'ya na parang nagpipigil ng tawa, kalaunan ay ngumiti s'ya sakin.“Deretso kayo dito Ma'am at kumanan,” turo nya sa hallway na nadaanan ko na kanina pa. Halos matampal ko ang sarili ko. Agad akong nag pasalamat at pumunta na don. Nilinis ko na agad ang sarili ko pagpasok na pagpasok ko palang sa cr, hindi na'ko nagtagal dahil natagalan na nga ako sa paghahanap.Nag-vibrate ang cellphone ko at may natanggap na mensahe. Listahan ng mga target namin. Pasimple akong gumilid sa mga taong nagdadaan bago basahin.Boss- Fathe

  • Midnight Hunters   Chapter 9

    Boss's POV“Maraming salamat sa pag-punta, sana mag-enjoy kayo,” ngumiti si Mr. Aragao sa mga bisita n'ya. Pagtapos mag-salita sa harap ay bumaba na s'ya sa entablado kasama si Mrs. Aragao. Pinanood ko ang bawat galaw nila, may mga guards na nakabantay sa kanila. Ang iba nasa malayo at ang iba naka buntot sa tabi nila.I cracked my knuckles. My fist wants to feel their blood, all wet and sticky. Ngumisi ako, I can feel my blood lust rising. I bited my lowerlips as I watched them greeting their guests. I accidentally bited my lips too hard and now I'm tasting my own blood.“Masyado kang excited Boss.” Hindi ko napansin ang pagdating ni Silencer sa tabi ko.I was too preoccupied. I sighed and kept my cool.“I guess you're here for Mrs. Aragao,” I said without looking at him.“Yes, they're always together Boss.” Nakita kong paalis na si Mr and Mrs Aragao sa party.“Handa mo ang sleeping gas mo Silencer,” I said as I turne

Latest chapter

  • Midnight Hunters   Epilogue

    Morgi's POV10 years later“Are the Midnight Hunters good or bad mommy?” May narinig akong nagsalita kaya nagtago muna ako sa likod ng puno. I saw a women carrying a little boy, and right beside her is a girl. The girl looks matured but according to her height, she's a teenager. “Neither sweety. They are just selfish, criminals are selfish,” she said.My forehead creased. I'm in the cemetery, private cemetery. I'm came here alone because my ate and kuya are still too busy to visit them. The women doesn't look harmful so I choose to come near her. “Do you know them?” I asked with a smile. She was shocked after seeing me.“Sino kayo?” sabi n'ya sabay atras. Hindi naman s'ya kinakabahan o natatakot, nalilito lang s'ya kung bakit ako nandito.This is a private cemetery after all, but I should be the one who's asking that.“Me, my brother and sister made this little house for their tomb,” I said and again she was shocked. The girl beside her tapped her shoulder so she can get her atten

  • Midnight Hunters   Chapter 45

    Someone's POVFLASHBACK“These people are dumb to trust you.” Hacker spoke after he calmly entered Captan's office. He even looked around like a normal guest.Hacker's target, Captan Aryen Aragao, the senior and superior in their family. The family of psychopaths. Captan already knew that someone's watching him. He now stared at the young man casually standing right in the middle of his office. He didn't let his guard down the minute the young man entered the room. He sees the young man as a dominant opponent, which is true.“It's rude to enter without knocking,” Captan spoke while remain sitting on his swivel chair. Hacker looked at Captan straight in the eyes. “It's not rude if you're expecting the visitor, which is me,” Hacker smirked.Captan went silent for a minute, weighting the tension surrounding them. The office is like slowly shaking, the walls turned bloody red, but Hacker didn't flinch. “It was you, right?” Captan's forehead creased when Hacker asked a question.“I don

  • Midnight Hunters   Chapter 44

    Hunter's POV“Hindi naba nila tayo masusundan Hacker?” alala kong tanong sakanya. Palingon-lingon pa ako sa likod dahil sa sobrang kaba.Pinasabog lang naman n'ya ang riles para mawala ito sa pagkaka-konekta. Gusto ko nga dapat s'ya pigilan kasi baka hindi makasunod ni Ophiuchus samin, pero hindi din naman ako sigurado kung makakasunod s'ya kaya hinayaan ko nalang si Hacker sa gusto n'ya. Nakakalungkot dahil umaasa ako. Umaasa akong babalik... Umaasa akong may babalik.“Disconnecting the rails won't stop them from following. Let's expect that they will come at us with flying vehicles,” sagot n'ya.Bumuntong hininga ako. Syempre hindi sila titigil kahit ano pang mangyare. Bumaba ang tingin ko sa mga bata sa bisig ko, mahimbing silang natutulog. Kanina ay bigla nalang silang napapikit, siguro ay dahilan ito ng pagturok sa kanila. Nakikita ko kasi sa isang parte ng katawan nila na may namamaga, lumalalabas din ang maliliit nilang ugat na nakita kong medyo tumitibok-tibok pa. Halatang ti

  • Midnight Hunters   Chapter 43

    Someone's POV“Is she dead?” tanong ni Nolan na seryosong nagmamaneho sa tren. Gusto n'ya munang makasigurado bago tuluyang ilayo ang tren sa estasyon. “I can't barely know her right now Executor Nolan, her body is all smashed,” answered by another executor. Ophiuchus's intention is to slow them down on getting to the location of where Hunter and the kids are. Ophiuchus succeeded but that cost her life. However, despite sacrificing, she died being happy with the freedom that she had obtained, even known it was for a short time. She did everything that she wants to do at the time that everything is in chaos. At ang kanyang ginawa? Yun ay ang kumain s'ya ng napaka dami, as many at her heart's content. She also ride the car that she stole in full speed like there's no tomorrow, she played on the arcades, and sing a song in the middle of the streets. At the time when chaos was enveloping the city, she was enjoying her life. Eto ang kanyang inaasam sa matagal na panahon, at ang isaktrip

  • Midnight Hunters   Chapter 42

    Ophiuchus's POV“I will give you a chance to be with us again,” blanko ang mukhang sabi n'ya.My forehead creased. What does he think of me? After all the suffering, he is giving me a chance to join them again? That means a never ending misery for me. Like I will do such a stupid thing! Well I know Malcolm is dead, but he's the second person I dislike. I know what could happen if I'll be one of them again. Nolan is planning to continue all of Malcolm's evil projects. He will rebuild the laboratory, make the poor people as guinea pigs again, make an army of experiments, and conquer the world. Sounds like a joke, but they can do that. Who knows what other plans they might think off, and right now is still a mystery to me how they got the huge lacrima. Nasa isang tagong lugar lang ang Lacrima na yon, pero nagawa nilang matagpuan. Maybe they took it from the other leaders? Until now I don't know, even the history of the last war when the four cities got separated. Napailing-iling nalang

  • Midnight Hunters   Chapter 41

    Hunter's POVPasimple kaming nagtago sa gilid at tinignan ang paligid. “There are a few people here, and I can see the buses from a far,” sabi ni Ophiuchus samin. Humarap s'ya samin.“Okay, act natural. Baka kuyugin tayo ulit. I don't want to get mad and accidentally kill these people.” Ngumiwi ako, nagiging aksidente pa pala ang pagpatay n'ya minsan?Tumango kami bilang tugon at naglakad na. Si Hacker ay nauna samin na lumipad sa taas, s'ya na bahala kung paano n'ya itatago ang sarili n'ya.“Do we need bus tickets?” tanong ni Morgi.“Nope, we'll get the vehicle to ourselves.” Napailing-iling nalang ako kay Ophiuchus.“Nanakawin natin are bus?” paglilinaw ko. “Correct,” tumango-tango s'ya.“Meow.” Napatigil ako nang makarinig ng pusa. Lumingon ako sa gilid at nakita ko ang pusa na sobrang payat. Naawa ako sa kalagayan n'ya, ginala ko ang mata sa paligid at naghanap ng pagkain.“Hunter may problema ba?” bumalik sina Ophiuchus sa tabi ko.“Ka

  • Midnight Hunters   Chapter 40

    Hunter's POVTumalsik ako habang hawak ang naputol na pana. Nakita ko din ang Lacrima ko na nawasak dahil sakanya.“Hindi,” nai-usal ko.Ang sandata ko... nasira na. “Nako! kawawa ka naman.” Kunyareng malungkot n'yang sabi.Natahimik ako. Binili pa naman nila 'to sakin, tapos nasira ko lang. Napasabunot nalang ako sa wig, muntik pa itong matanggal. Naiinis ako sa Vanessa'ng 'to. Hindi ko man lang naiwasan ang atakeng yon. Doble na ang inis ko. Makakaya bang ibalik ng lacrima ang pana ko? Ayys! pati ang lacrima ko din pala nawasak. Sobrang naiinis ako at nalulungkot, nang masira ang pana parang may parte ding nasira sa pagkatao ko. Huminga ako ng malalim, para maibsan man lang ang inis.“Hunter.” Nakasimangot akong lumingon sa hologram ni Hacker.“You okay?” tanong n'ya. Tumango ako.“Kaso ang pana ko.” Para akong batang nanghihingi ng pasensya dahil naka sira ng gamit ng iba. “Tha

  • Midnight Hunters   Chapter 39

    Hunter's POV“Yes. In the middle of chaos, we found her walking down the street drinking a smoothie.” Pagkukumpirma ni Yin.Totoo nga, at hawak pa n'ya ang smoothie na yon hanggang ngayon. Napa maang nalang ako. “Bakit s'ya sumama sainyo?” tanong ko.“She's bored. Natapos n'ya na patayin ang gusto n'yang patayin.” Sagot ni Yin sabay kibit-balikat. Napatango-tango ako, naisip ko nang pormal na makipag-kilala sa bagong kasama nila Yin.“Hi, ako si Hunt—”“Hunter, yes I know you. Nice to meet you in person. You're pretty brutal than I expected.” Nagulat ako nang mag-salita s'ya. Nakatingin din s'ya sa ginawa ko kay Kipton.Kinagat ko ang ibabang labi ko at malungkot na yumuko. Napansin nila ang pagtahimik ko. Naramdaman ko ang paghimas ni Yin sa likod ko, ginawaran pa ako ng yakap ni Morgi at Willy. Ramdam nila na malungkot ako, at alam nila kung bakit. Bumuntong hininga ako, sobrang nanlulumo ako pero kailangan ko tumayo

  • Midnight Hunters   Chapter 38

    Biker's POVI was breathing heavily. A load of pain is already overflowing through my body. While battling with Malcolm, I started remembering why I'm doing this.It's like the memories from the past rushed through my head as I thighed the grip to my dagger.I was once an ordinary citizen, came from a rich family. I have no power back then, however I got everything, but I've always been the black sheep in our family. What I hate the most is being accused of something that I didn't do. Shit just got real to me.They, the North Government killed my lineage, took everything from us, then blame me. I was the only one who survived, they didn't take there eyes away from me. They needed someone to blame, and that's me. Paglumalabas ako ay may pangungutya, hindi ko matago ang sarili ko. Because that time, they watched my every move. 15 years old me didn't like what they did. I researched every case on what they did to my lineage, I already know

DMCA.com Protection Status