Share

CHAPTER 36

Nagtatakang napatitig sa kanya ang ginang at para bang pinag-aaralan siya nito.

"Si Angge nga. Teka! Ano bang nangyari sa'yo? Bakit parang hindi mo siya naaalala?" kunot-noong tanong ng kanyang dating yaya.

"Papaano niya makakalimutan ang taong masyado siyang tinamaan?"

Napatingin siya sa asawa ni Aling Lorna na nagtataka.

"Hindi ko po siya girlfriend. Girlfriend po siya ng kaibigan ko," saad niya na siyang ikinataka ng mag-asawa.

"Si Gilbert ba ang tinutukoy mong boyfriend ni Angge?" kunot-noong tanong ni Aling Lorna sa kanya.

"O-opo," matipid naman niyang sagot.

Nakikita niya sa mukha ng mag-asawa ang labis na pagtataka dahil sa kanyang mga sinabi at talagang hindi ng mga ito naiintindihan ang lahat.

"Mareng Lorna?!" tawag ng isang babae mula sa labas ng bahay nila na agad namang nilabas ng ginang saka niya ito pinapapasok.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status