Share

Melting His Frosted Heart
Melting His Frosted Heart
Author: Jolina

Simula

"No! I will not marry Andrei!" nahampas ko ang table sa study room namin nang marinig ang sinabi ng stepdad ko.

"You have to Tanya. This is for the good of the company. A merger between Mercado and Desilva will be the fall of the other business" paliwanag ni Mommy.

"I don't care mommy. I am your daughter and I am not an investment. Kung gusto niyong mangyari yan then use your other daughter but not me"

"Watch your mouth young lady!" galit na sigaw ni Tito Christopher, my stepdad

"Oh bakit pagdating sa akin ayos lang? Okay lang na ipakasal sa ngalan ng kumpanya pero sa sarili niyong anak hindi ninyo magawa? Bakit ano ba ako sa pamilya na to? Accessory??" hindi ko mapigilang masaktan sa tuwing naiisip ko kung paano ako nabalewala sa buhay ni Mommy simula nang dumating si Tito Christopher at ang dalawa niyang anak na si John at Ayesha.

"This is for you Tanya. Kapag nawala ako sayo mapupunta lahat nang ito. This is the legacy of your Daddy" paliwanang ni Mommy.

"If my Daddy is alive, he will not agree on you Mommy. He will not let my happiness to be traded by his business and don't worry I think may iba na namang gustong makinabang sa kumpanya ng ama ko" matalim kong tinignan si Tito Christopher.

"Bastos ka ah" galit na tumayo ito at lumapit sa akin. Itinaas nito ang kamay na parang sasampalin ako.

"Go hit me! Akala mo natatakot pa ako sayo? I am not that young little girl na sa isang sigaw mo lang ay manginginig na sa takot. You taught me how to fight back! Now, go hit me. Tignan natin kung saan ka pupulutin" matapang kong sabi dito.

"Taaannyaaa!! Stop being rude to your Tito! Wala kang utang na loob. He played as your father for 12 years!" galit na sabi ni Mommy.

Napahilamos ako sa aking mukha gamit ang aking palad.

"Utang na loob? Are you hearing yourself, Mommy? He never treated me as his daughter and you, you were never my mother after the death of my Daddy! I also lost you the day I lost my father" hindi ko mapigilang maiyak sa sama ng loob sa sarili kong ina.

"You left me mourning alone while you were busy looking after the children of that man! You never asked me how am I, if I am doing good, if I need something. You left me in the darkness Mommy! and now you're putting me again on it! Mas gugustuhin ko pang itakwil niyo ako kesa magpakasal sa Andrei na yan" tinalikuran ko sila at pabagsak na isinara ang pintuan.

Dumiretso ako sa kwarto and fix the things I need para sa pag alis ko. I reached my limit. I don't wanna be here.

Nagliligpit ako ng gamit nang bumukas ang pinto at mula doon ay pumasok si Ayesha. Nakangiti ito sa akin at tinignan ang ginagawa ko.

"Leaving for good?" nakangiti nitong tanong habang nakahalukipkip. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pag iimpake.

"Finally, naisipan mo rin. You know you're not even existing in this house kaya di ko alam bat ka nagt tyaga. Don't worry kahit mawala ka di rin naman namin mapapansin. Mommy won't even notice it" naitapon ko sa kama ang damit na inililigpit ko at matalim siyang tinignan.

"You don't have to worry about Mommy. Aalagaan namin siya and I don't even think she'll miss you after all she got me and kuya" napapikit ako sa inis dahil nagpipigil lang talaga akong hindi masaktan ang babaeng nasa harapan ko ngayon.

Humalukipkip ako at hinarap din ito. Peke kong nginitian si Ayesha.

"You should be playing the best daughter alam mo kung bakit? Kasi dyan ka lang naman magaling. Without my family's power and money, you are nothing. Napapakinabangan mo ang pagiging Mercado ko kaya lubusin mo na dahil once na makabalik ako sa bahay na to I will make sure walang maiiwan na bakas mo dito. Ay, bukod sa pagpapanggap magaling ka rin pala sa pagiging linta. Remember, how you had one night stand with my ex suitor para lang patunayan na mas maganda ka sa akin" I sarcastically smiled at her nang makita ang pag iba ng itsura niya

"Kamusta na pala kayo? Still going strong? Ops, I forgot to tell you palagi niya akong kinukulit sa viber ko na makipagkita cause he still loves me. Ininform ka ba niya?"

"You b*tch!!!" asar nitong sabi at hahakbang papunta sana sa akin.

"Ops, hanggang dyan ka lang kung ayaw mong gamitin ko sayo ang pagiging Mercado ko. Mabait pa ako Ayesha sa lagay na to so don't push my button dahil hindi mo magugustuhan"

"Go to hell" sigaw nito sa akin

"Oh I'd be glad for sure magre reunion tayo dun" tinawanan ko siya nang makita kung gaano siya kapikon. Lumabas siya sa aking kwarto at ibinagsak ang pintuan ko.

Nagpatuloy ako sa pagliligpit ng gamit ko at nang maayos na lahat ay nilagay ko muna ito sa ilalim ng kama para walang makakita baka pigilan pa ako sa pag alis ko. Napaupo ako sa kama at inilibot ko ang mata ko sa loob ng kwarto ko.

My tears suddenly fell as I remember all the loving memories I had with Mommy and Daddy sa loob ng apat na sulok ng kwarto. Agad kong pinunasan ang luha ko nang bumukas ang pintuan at mula doon ay pumasok si Kuya John.

"My princess is crying again" malungkot nitong sabi bago ako tabihan sa pag-upo sa kama. "Kaya pala nangangati ang paa kong silipin ka eh kasi umiiyak ka na naman"

Napangiti ako sa sinabi nito. Inihilig ko ang ulo ko sa balikat ni Kuya. Sa lahat ng miyembro ng pamilya, only Kuya John look out for me. Siya ang palaging may regalo sa akin kapag birthday ko. Kapag may achievements ako palagi niya akong nililibre and he also attended all my recognitions nad graduations. Tanging siya ang nag alaga sa akin sa bahay na to.

"I know you don't like the idea Tanya. I already told it to them. Hindi ko lang akalain na ipipilit nila sayo" sabi nito habang hinahaplos ang braso ko.

"I just don't understand kuya. Pakiramdam ko bagay ako na pwedeng basta basta na lang ibigay sa ibang tao para magkaroon ng pakinabang. They didn't even ask me about it bigla na lang may date of engagement na. Do they even consider na may nararamdaman din ako?" hinaing ko kay Kuya John.

"Tanya, I understand you. Don't worry kakausapin ko sila Mommy and Daddy ha at sa tingin mo ba papayag ang kuya na ipakasal ka sa lalaking hindi mo gusto? Ilalaban natin ang karapatan mong mamili okay? Kampi tayo" nakangiting sabi ni Kuya John at inilahad ang kamay niyang nakakuyom.

Napangiti ako at ibinigay ang hinihingi niyang fist bump.

"Magpahinga ka muna. Kakausapin ko muna sila" umalis si Kuya John sa kwarto at nakaramdam ako ng lungkot. Isa siya sa mga tao na kailangan kong iwan. Hindi siya naging masama sa akin. Tinuring niya akong kapatid but I have to leave for myself. Sa tingin ko hangga't nandito ako hindi makikita ni Mommy ang halaga ko baka sakaling kapag umalis ako marealize niya kung sino ba talaga ako sa buhay niya.

It's 1am in the morning dahan dahan akong lumabas ng bahay takot na baka mahuli. Nakahinga ako ng maluwag nang makasakay sa taxi.

Pinagmasdan ko ang mansyon namin na habang tumatagal ay lumiliit sa paningin ko. A tear suddenly fell in my eye.

"Daddy, sorry for leaving. You know how much I love you and Mommy but I don't think Mommy can still see my worth. I have to leave dad but I promise to return and claim what is ours" pinunasan ko ang aking luha.

Bagong buhay, bagong simula. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula sa Pilipinas dahil buong buhay ko ay kumportable akong lumaki sa Amerika pero buo na ang desisyon ko.

Magsisimula ako sa lugar na walang nakakakilala sa akin. I am Jezreel Tanya Mercado and not just a Mercado na anak ng isang makapangyarihan na tao. I can make and build my own name.

And when it happens babalik ako......

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status