CHAPTER 3
Him
Hindi na rin ako nagtagal sa paresan dahil nahihilo na ako at gusto ko na lang magpahinga. Pagkauwi ko sa bahay, tiningnan ko agad ang phone ko at nakita kong ang daming missed calls galing kay Dixie at Autumn. I know they are worried pero napikon talaga ako kanina. I guess bukas ko na lang sila kakausapin dahil wala talaga ako sa mood ngayon. Masyadong maraming nangyari ngayong araw. I need to rest. I need to stop thinking about it.
“Fuck you, Matthew. Saludo ang gitnang daliri ko sa’yo dahil nakahanap ka agad ng bago,” pakiramdam ko narinig ng buong subdivision ang sigaw ko pero wala akong pakialam. Masyado akong nagngingitngit dahil hindi ko matanggap na ilang linggo lang after ng breakup namin tapos nakahanap agad siya.
Siguro nga habang kami niloloko na niya ako. Ang kapal niyang sabihin na wala lang. Hindi na dapat ako mag-isip. Kailangan kong matulog. Marami pang araw para laitin ang ex kong magaling. For now, I need to rest.
“Ang ganda mo,” bulong sa akin ng isang hindi ko kilalang lalaki.
Nagulat naman ako dahil may lalaking biglang tumabi sa akin. Maganda ang mga mata niya at mapupungay. Makapal ang kilay at may mapulang labi. Pero kung titingnan mo ay mukhang masungit at laging seryoso sa buhay.
“Thank you. Sino ka?” tanong ko. Hindi ko alam pero parang nanigas na ako sa pwesto ko. Gusto kong tumayo pero hindi ko magawa kaya nanatili lang akong nakaupo habang katabi ang isang hindi ko kilalang lalaki.
“I’m a friend,” sagot niya. Ngumiti naman siya at naglahad ng kamay sa akin. Tinanggap ko naman ito.
“Ang astig mo naman. Ikaw na agad ang nagdesisyon? Hindi pa nga ako pumapayag.”
“What? We’re more than friends,” dagdag pa niya. Marami akong gustong sabihin pero tila kontrolado lamang ang lumalabas sa bibig ko.
“Sige sabi mo, eh.”
Wait, pumayag ako? Hindi iyan ang gusto kong sabihin.
Nagulat naman ako dahil bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Gusto kong magpumiglas sa hawak niya pero parang kusang gumagalaw ang kamay ko. Mukhang gusto pa magpahawak sa lalaking ito.
“Saan mo ko dadalhin?” tanong ko.
Hindi siya sumagot kaya hinayaan ko na lang na hilain niya ako at dalhin sa kung saan niya gusto. Napansin ko ring maaliwalas ang paligid at maganda ang tanawin. Kung titingnan nga ay para na akong nasa langit. Maraming puno at ibon sa paligid. Mukhang malinis din ang hangin na nalalanghap ko.
“Maganda ba?” tanong niya. Huminto kami sa pinakadulo ng lugar at napansin kong may cliff pala dito. Nakailang hakbang pa ako at nakita kong isang maling hakbang lang, maaari akong malaglag sa dagat. Kakaiba ang lugar na ito. Masyadong asul at malinaw ang dagat. Malayo sa nakasanayan ko.
“Oo,” sagot ko.
Naramdaman ko ang kamay niya sa baywang ko. Marahan niyang hinahaplos ang baywang ko habang pinapanood namin kung paano humampas ang alon sa bangin.
Tinanggal ko ang pagkakakapit niya at nagulat ako dahil nakita kong may nakalatag na sapin sa damuhan. May mga pagkain din na nakahain.
“Paanong nagkaroon nito? Wala ka namang bitbit na ganito kanina.”
Ngumisi lang siya at umupo. Sumunod naman ako sa kaniya at kumuha ng pagkain.
“You look sad,” halos makagat ko ang dila ko dahil narinig ko siyang nagsalita.
“Hindi naman,” nagpatuloy ako sa pagkain.
“Hindi nagsisinungaling ang mata, Blair.”
Napatigil ako sa pagkain nang marinig kong binanggit niya ang pangalan ko. Hindi ko alam pero pakiramdam ko parang may humalukay sa tiyan ko dahil sa pagbanggit niya. Hindi ako nagsalita. Tumabi naman siya sa akin at naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko. Naramdaman ko rin ang hininga niya sa leeg ko.
“You deserve the best,” bulong niya. Naramdaman ko namang hinalikan niya ako sa leeg ko.
Nagising ako nang marinig kong tumunog na ang cellphone ko. Hindi pa ako nahihismasan pero hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang h***k sa leeg ng hindi ko kilalang lalaki.
Panaginip iyon?
Pakiramdam ko totoo ang lahat ng nangyari. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin at pakiramdam ko nangyari talaga. Pero sino yung lalaki sa panaginip ko?
Kinuha ko na lang muna ang cellphone at nakita kong tinadtad nila ako ng text at tawag. Tinawagan ko na lang muna si Dixie para magpaliwanag. Si Autumn naman hindi sumagot kaya nag-iwan na lang ako ng message. Naghilamos na lang ako at nag-ayos ng sarili. Panaginip lang naman iyon pero bakit parang apektado ako? Para namang ngayon lang ako nanaginip.
Pagdating ko sa school sinalubong ako ng sabunot ni Dixie at Autumn. Expected ko na rin naman na mangyayari ito. Wala namang bago dahil ganito talaga sila magmahal, nananakit.
“Hindi ka man lang nagreply sa akin. Kahit tawag hindi mo rin sinagot. Nag-alala kami akala namin napaano ka na tapos malalaman ko kumain ka ng pares mag-isa,” halos sigawan na ako ni Autumn sa inis. Ang m*****a talaga ng isang ito pero normal lang naman sa kaniya iyon at tanggap naman namin na ganiyan siya.
“Nakakapikon kasi kayo pero alam niyo ba pupunta dapat ako sa restroom kahapon tapos may humila sa aki-” hindi pa ako nakakatapos magsalita dahil sumabat naman si Dixie.
“Sinong humila sa’yo? Si Matthew ba?”
Tumango naman ako. Kinuwento ko sa kanila ang buong pangyayari habang hindi pa dumadating ang prof namin. As expected nainis sila. Kung hindi ko lang napigilan ang dalawa baka sinugod na nila si Matthew.
“Ang kapal ng mukha. May pasabi pa ng ‘it’s not you, it’s me’ tapos nagloloko na pala,” galit na galit na talaga si Autumn. Kulang na lang sampalin niya ako.
“Akala talaga namin matino iyang lalaking iyan. Dapat diyan hindi iniiyakan.”
Hinayaan ko na lang sila na magsalita ng kung ano kay Matthew. Sa tingin ko deserve niya rin naman ang mga salitang matatanggap niya galing sa mga kaibigan ko.
“Restroom muna ako,” paalam ko sa kanila.
Wala kaming prof sa first class kaya naisipan ko na lang na mag-ayos sa restroom. Habang naglalakad napansin kong nakaupo sa bench sila Matthew kasama ang mga kaibigan niya pero ang nakapukaw ng pansin ko ay yung babaeng naghintay sa kaniya last night. Katabi niya si Matthew at nakaakbay sa kaniya ito. Parang dati lang ako ang nasa pwestong iyan pero ayos na rin. Hindi ko rin naman deserve mapunta sa ganiyang klaseng lalaki.
Nakita ko namang napatingin si Matthew sa gawi ko kaya agad akong pumasok sa restroom. Sana naman huwag niya na ako sundan this time. At umaasa pa talaga ako ha? Inayusan ko na lang ang sarili ko at pagkatapos ng ilang minuto napagdesisyunan kong lumabas na.
“Mabagal ka talaga mag-ayos,” nakita ko si Matthew na nakasandal sa labas ng restroom. Mukhang kanina pa naghihintay.
Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.
“Hey, mag-usap tayo,” ramdam kong nakasunod pa rin siya sa akin pero hindi ko siya pinansin. Wala na kaming dapat pang pag-usapan.
“Just a minute,” dagdag pa niya.
“Okay 60, 59, 58 - “ hinarap ko siya at nagsimulang magbilang.
“Huwag mo naman akong bilangan ng ganiyan,” tumingin siya sa likod ko kaya nilingon ko kung sinong tinitingnan niya at nakita kong sila Dixie at Autumn iyon. Oh shit, alam kong gulo ito dahil hindi ko na mapipigilan ang dalawa na magsalita ng kung ano kay Matthew.
“Maybe next time na lang.”
Naramdaman ko na lang na may kumapit sa braso ko. Okay, huli na ang lahat. Matthew, run for your life.
“Saan ka humuhugot ng lakas ng loob? Habol nang habol sa kaibigan namin parang wala kang girlfriend ah,” ito na nga ba sinasabi ko. Kapag nagsalita na itong si Autumn alam kong hindi na mapipigilan.
Hindi naman kumibo si Matthew.
“Mas mabuting huwag na lang tayo mag-usap,” saad ko. Hinila ko na yung dalawa para ilayo kay Matthew. Good thing at sumunod na rin sa akin. Mukhang ayaw rin nila ng gulo.
Kinalimutan ko ang panaginip dahil panaginip lang naman iyon for a reason. Naging maayos naman ang araw so far. Hindi na rin sumubok si Matthew na kausapin o lapitan ako.
Umuwi na rin ako agad pero nagtaka ako dahil maraming kotse sa bahay. May mga tao rin at ang daming bagahe. Umuwi na kaya si mommy? Nagmadali ako papasok sa bahay at nakita ko si mommy at si tita Cherry.
“Mommy!” tinawag ko si mommy at nakita kong natuwa siya nang makita ako. Niyakap ko agad si mommy. Finally, nakauwi na rin si mommy galing sa ilang buwan niyang business trip.
“Namiss kita, anak.”
Binati ko rin si tita Cherry. Kaya pala maraming bagahe dahil ang dami nilang pasalubong. Dito na rin muna raw tutuloy si tita sabi ni mommy.
“Si Samuel po ba kamusta?” naalala ko bigla yung kababata ko na anak ni tita Cherry. Matagal na rin yung huli naming kita.
“Uuwi siya dito hija. Bago kami umalis ng mommy mo para sa business trip namin next month, uuwi siya dito,” tinulungan ko namang magligpit ng gamit sina mommy.
“Talaga po? Excited na akong makita si Samuel. Ang tagal na rin po kasi simula nang makita ko siya. Namiss ko na po siya.”
Ginulo naman ni tita Cherry ang buhok ko. Ang dami nilang inuwing chocolates at damit. Ibibigay ko na lang siguro ang iba sa mga kaibigan ko.
“Binata na si Samuel. Model na nga iyon at nagbabanda rin. Talented katulad ng daddy niya.”
Natawa naman ako dahil parang dati lang dugyutin pa si Samuel.
“I can’t wait to see him po!”
CHAPTER 4SearchWeekend passed and I didn't got the chance to do astral projection because I'm too busy and tired."Hailie bakit naghihintay sa labas ng classroom natin si Alyana?"Nagkibit-balikat si Hailie. "Hindi ko alam. Takpan mo muna ako para hindi ako makita ni Sir Galvez. Inaantok pa kasi ako."Pagkatapos ng klase ay nagulat ako nang nilapitan ako ng mga kaklase ko."Blair nagkabalikan na ba kayo ni Matthew?"Umiling ako. "Hindi ah!"Pinakita nila sa akin ang isang malabong video na kuha sa bahay nila Hailie. It was the video when Matthew kissed me."Where did you get this video?""Kumalat siya."Napasapo ako sa noo ko at agad na lumabas ng classroom. Biglang hinila ni Alyana ang braso ko kaya napahinto ako sa paglalakad."Do you still have the guts to walk proudly?" Alyana asked."Why won't I?"Napansin ko rin ang pagdami ng nanonood sa amin. I don't like it."Bitch--!"Akmang sasampalin niya ako nang hawakan ko ang braso niya."Do you like this kind of fight? You're so chea
PROLOGUEThe Man in My Dreams“You’re so beautiful,” bulong niya sa akin. Marahan niya ring hinaplos ang braso ko habang nilalapit niya ako sa kaniya.Pakiramdam ko pinamulahan ako sa sinabi niya. Naramdaman ko naman ang kamay niya sa baywang ko. Mariin niya akong tinitigan mula sa mata ko pababa sa labi ko.“You’re so beautiful with or without this,” bulong niya na mas lalo pang nakapagpahina sa akin. Hawak niya ang strap ng spaghetti top na suot ko at ramdam kong unti-unti niyang binababa iyon.“W-wait..”Halos habulin ko ang hininga ko pagkatapos ng intense na panaginip na i
CHAPTER 1Breakup“Mocha po,” tumango naman ang babae at nakita kong hinahanda na niya ang cake na pinili ko.“Ano pong ilalagay sa cake ma’am?”“Happy 2nd anniversary, babe!” sagot ko. Napangiti ako pagkatapos kong sumagot. Sinilip ko pa ang lockscreen ng cellphone ko. Excited na akong i-surprise boyfriend ko. Favorite pa naman niya ang mocha cake. Sure akong magugustuhan niya ito.“Ang sweet niyo naman po ma’am. Happy 2nd anniversary po sa inyo ng boyfriend niyo.”Nginitian ko na lang ang babae at nilabas ang cellphone ko. Nag
CHAPTER 2Fortune TellerNagising na lang ako nang maramdaman kong may mga taong nag-uusap sa kuwarto ko. Sobrang bigat ng ulo ko at parang mabibiyak anytime.“Gising na ata siya,” ramdam kong may papalapit sa pwesto ko pero hindi ko magawang idilat ang mga mata ko dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.“Blair, akala namin ano na nangyari sa’yo. Kaninang umaga ka pa namin tinatawagan pero hindi ka sumasagot tapos kanina kinakatok ka namin hindi ka man lang sumasagot.”Masyado pa akong naguguluhan sa nangyayari. Hindi ko naman magawang idilat ang mata ko dahil parang binibiyak sa sakit ang ulo ko.&ld

CHAPTER 3HimHindi na rin ako nagtagal sa paresan dahil nahihilo na ako at gusto ko na lang magpahinga. Pagkauwi ko sa bahay, tiningnan ko agad ang phone ko at nakita kong ang daming missed calls galing kay Dixie at Autumn. I know they are worried pero napikon talaga ako kanina. I guess bukas ko na lang sila kakausapin dahil wala talaga ako sa mood ngayon. Masyadong maraming nangyari ngayong araw. I need to rest. I need to stop thinking about it.“Fuck you, Matthew. Saludo ang gitnang daliri ko sa’yo dahil nakahanap ka agad ng bago,” pakiramdam ko narinig ng buong subdivision ang sigaw ko pero wala akong pakialam. Masyado akong nagngingitngit dahil hindi ko matanggap na ilang linggo lang after ng breakup namin tapos nakahanap agad siya.