Nagising ako at naalimpungatan sa init at sinag ng araw mula sa bintana ng kwarto ni Tristan. Wait, talagang dito na ako nakatulog? Naisipan ko nang bumangon sa kama ng bigla akong natigilan at tila napansing tila may kakaiba sa aking pakiramdam. Napatingin ako sa aking sarili at nagtakip ng kumot lalo. Lagot na. Patay na. Bakit ganito? Hindi ko alam ano gagawin ko kundi ang mapasigaw na lang. Lumabas naman bigla si Tristan sa banyo at nataranta.
"Jill?! Why are you shouting? What happened?"
"Ikaw!"sabay turo ko sa kanya,"anong ginawa mo sa akin?!"
"Jill,"
Naiyak naman ako bigla. "Anong ginawa mo?!"
"Jill, it just happened. You did not even stop me!"
"Pero Tristan!"umiyak na ako ng tuluyan. "Tristan naman eh!"
<Tapos na naman ang isang araw. Uwian na! Pakatapos kong ligpitin ang mga gamit ko sa faculty room ay nagpaalam na ako kay Tin saka dumiretso na kay Tristan. Hindi na ako kumatok dun at pumasok na agad. Pero pagdating ko sa loob ay wala sya."Tristan?"Naka-off ang laptop nya at nakaayos din ang mga gamit nya. Umalis ba sya at lumabas ng J.U? Imposible naman sigurong umuwi na yun at iwan ako. Naupo na lang ako duon sa desk nya at binuksan ang laptop. Napangiti naman ako ng makita kong litrato ko ang wallpaper nya. Nag-internet na lang ako duon at binuksan ang social media account ko. Ilang buwan na naman ang nakalipas ng huli ko itong buksan. Ang dami nang mga ganap ah? Palibhasa masyado din akong busy sa buhay ko. Abala lang ako kaka-scroll nun ng dumating bigla si Tristan."You're already here.""Saan ka galing?"&nbs
Ilang saglit lang ay dumating na din sina Alex at Amia, at John at Jai."You guys! Are we late?"masiglang bati ni John sabay handshake nila nina Tristan. Gayon din naman si Alex."Mga 10 minutes late. I mean lagi naman diba?"sarcastic na sagot ni Mai kay John."Hi Jill!"bati sa akin ni Amia sabay yakap namin sa isa't isa.Hi sainyo."bati ko din naman sa kanila."Nakakainis din naman itong babaeng ito. Buntis na pero ang ganda at ang payat pa din."biro sa akin ni Jai. Na tinanong din naman ni Mai."Compliment ba yan besh?"Hindi naman pinansin nsya nito pinansin, bagkus si Tristan ang hinarap nito."Naku Papa T, kulang ang kwentuhan nung wedding nyo kaya i-extend na yan!"excited nyang sabi."Si Jane pa
Fast forward to ten years, binata na ang dating baby boy naming si Daniel. Mayroon na din kaming isa pang anak na babae na si Daniella. Ipinanganak ko sya five years after Dan. Sinunod nga naman ni Tristan ang kagustuhan kong limang taon bago namin sundan ang panganay namin. Napakabilis talaga ng panahon, may binata na akong anak."Daaaad! Halika na!""Yeah, coming!"Papasok na kami sa trabaho at papasok na din si Dan bilang isang Grade 5 student sa Johnsohn University din mismo. Si Tristan ay hindi na Presidente ng J.U, ipinasa na nya iyon pero hindi na kay Alex. Matagal na syang nagresign bilang vice-president ng paaralan. Pero ako, teacher pa din sa university. Gusto man ni Tristan na ilagay ako at ilipat sa ibang position pero tumaggi ako dahil para sa akin, kung mas mataas na posisyon, mas madaming trabaho. Sabi ko sa kanya ay okay na ako sa pagtuturo ko. CEO na si Tristan n
Pumasok na kami ni Tristan sa loob ng resto. Pagdating namin ay sakto ding kadadating lang nina Martha, Alex at Amia. "Jill!"pagsalubong sa akin ni Amia na may kasabay na yakap. Niyakap ko din naman sya pati si Martha. "Kanina pa ba kayo?"tanong ni Tristan kay Alex. "Nope. Halos magkasabayan lang tayo. Kadadating lang din namin eh." "Order na muna kaya tayo while waiting?" "Sure sige." "Ano gusto mo bebe?"paglambing ni Alex kay Amia. "Bebe?!"sabay na sambit namin ni Martha. "Bebe tawagan nyo?!" "Oo, bakit?" "That's so corny ha?"
Pumasok na kami sa kwarto ni Martha na halos katabi lang din naman ng kwarto ni Tristan. Pagdating sa loob ay naabutan namin si Tristan na naka-wheelchair at kausap ang isang nurse na nagcheck kay Martha. Saglit lang din naman ito at umalis na agad. "Anong ginagawa mo dito?"pabulong na tanong ko kay Tristan. Ngunit bago pa man ito makasagot ay unti-unti nang nagigising si Martha. Agad syang nilapitan ni Nathan. "Hon? Are you okay? How are you feeling?"pag-aalalang tanong nito sa kanyang asawa. "Okay lang ako, just a little dizzy but I'm fine. Ano nangyari?" "Hon, kasi ano eh," Hindi siguro alam ni Nathan kung paano nya ipapaliwanag kay Martha ang mga nangyari, lalo't sya din ay gulat sa mga nalaman nya. Kaya ako na ang lumapit kay Martha
Habang kumakain kaming mga girls ay hindi naman namin maiwasang hindi mapag-usapan ang kambal ni Alex. "Actually, mga tatlong beses ko lang sya nameet since Alex and I dated. Unang kita namin, napansin ko na talaga na may attitude sya. In-explain na din sa akin ni Alex beforehand ang tungkol sa kambal nya. Pero sabi ko since girlfriend naman na ako ng kambal nya, baka maging mabait din naman sya sa akin kahit papano. But no, hindi din kami ganun ka-close. She only talk to me kapag gusto nya lang. Even after Alex and I got married, ganun lang ang relationship namin as magsister-in-law. Hindi sa sinisiraan ko ah? Pero halos pareho sya ng mother-in-law ko. Ang kaibahan din naman kahit papaano eh mabait naman sa akin ang mama ni Alex. Pero madalas pag sa mga katulong nila and sa ibang tao, may pagka-m*****a din." "No wonder. Alam mo na kung saan talaga nagmana yang bruha na yan."
"What brings you here?"tanong ni Nathan kay Jane. "Why? Masama bang maki-join sa kwentuhan nyong dalawa?"naupo ito sa table namin,"order mo din ako ng food Nate, ang daya mo naman." "Jane,"tila pag-aalala ni Nathan. "Don't worry, I did not come here para manggulo. Di ko sya papatayin while you get my food." "Jane ano ba." "Sige, ako na lang bibili ng pagkain para sayo Jane."singit ko naman. "So nice naman of you." Umalis na ako at um-order na ng pagkain para kay Jane. Saglit lang ako nun at bumalik na din agad sa table namin. Nilapag ko na yung pagkain tapos naupo na kami ni Nathan. "Ano ba talaga ang pakay mo dito Jane?"tano
Agad akong dumiretso sa parking lot at sumakay ng kote. Mabuti na lang at may spare key ako ng sasakyan ni Tristan at lagi kong dala iyon, kung hindi ay hindi nya sa akin ibibigay ang susi kung sakali. Agad ko nang pinaandar ang sasakyan at habang nagmamaneho ay nagdial ako sa phone ko."Hello? Tin?""Mars! Ano? Na-trace na ni Kenneth yung contact number nung Jane. Nasaan ka na? Sasamahan ka namin!"Mabuti na lang at isang magaling na police ang boyfriend ni Tin. Hindi din naman kami nawalan ng communication sa isa't isa. Kahit na madalang lang ay alam pa din naman namin ang nangyayari sa bawat isa. At kanina habang palabas ako ng ospital ay sya agad ang una kong hiningan ng tulong lalo't alam kung sya at ang boyfriend nya lang makakatulong sa akin pagdating sa mga nawawala."Hindi na Tin, kaya ko na to. Maraming sala