WHERE DO BROKEN HEARTS GO?
Whitney Houston
Where do broken hearts go
Can they find their way home
Back to the open arms
Of a love that's waiting there
And if somebody loves you
Won't they always love you
I look in your eyes
And I know that you still care, for me
I've been around enough to know
That dreams don't turn to gold
And that there is no easy way
No you just can't run away...
And what we have is so much more
Than we ever had before
And no matter how I try
You're always on my mind
Sinulyapan ni Kristel ang kanyang katabi sa eroplano. Isang babaeng na sa tantiya niya ay nasa mid forties ito. Maanong hinaan nito ng kaunti ang volume ng ipod nito.
'Bingi ka te?' sabi ng isip niya. Hindi niya mapigilang mapailing. Nakakainis lang kasi saktong sakto yata sa kanya ang nasa playlist nito. Correction, hindi lang yata. Sakto talaga. 'Where do broken hearts go?' Para sa kanya, sa Paris kaya nga doon ang tungo niya di ba? Kahit para sa iba, Paris is renowned as City of Love and Romance for being the epitome of ‘la dolce vita’ or what Italian’s refer to as ‘the sweet life'. It is also where lovers love to stay necking and petting.
Hays bakit ba kasi masyado siyang nagpapadala sa damdamin niya. She is the famous Kristel Almabis for Petes' sake! The heir of the Crystal chains of hotels and restaurant. Her great great Lolo Rosauro Leviste is a self made millionaire and was able to build hotels and restaurant as product of his hard work. Pinamana naman nito ang mga nasabing pag - aari at pamamahala sa kanyang Lolo Benedict Almabis nang mapangasawa nito ang kanyang lola Anacleta Leviste hanggang sa mapasakamay naman ng kanyang ama na si Alfred Leviste Almabis na nag - iisang anak ng mga ito. Her mom on the other hand is a famous singer - actress, Maricel Cruz Almabis.
She was born with a golden spoon. Silang magkakapatid. The eldest Derick was already part of the business since he took Business Administration course sunod sa kagustuhan ng ama. Next to him is Blue whose passion is photography. Then Gibson, her ever playful and playboy kuya who took Hotel and Restaurant Management. Siya ang pinakabunso at nag iisang babae sa pamilya. Her father was disappointed nang pumasok siya sa mundo ng showbiz at sundan ang yapak ng ina. Minahal at na enjoy na niya ang showbiz industry. Nito na nga lang huli siya medyo nagkaproblema nang magpadala siya sa selos niya sa isang kolehiyala sa Batangas na niligawan at naging nobya pa ni Hugh.
They've been on - screen partners for almost two years. Mula nang magkakilala sila sa isang event agad na nagkaroon ng reaction from public at nagrequest na ipair sila ng binata sa mga projects. Agad na ipinatawag sila ng management para bigyan ng project together. Pormal silang ipinakilala sa isa't isa and from then on nagustuhan na niya agad si Hugh. Matagal niyang inalagaan ang damdamin sa binata. How she wished all their happy endings in their projects were true, their lines in the script were all true. Kaso hindi eh, totoong buhay na ito. Hindi pelikula lang, hindi teleserye lang.
He was so near yet so far. Isang bituin na napakahirap abutin. Araw - araw niyang kasama, almost 24/7 kaso talagang hindi ito interesado sa kanya. As a friend, yes, he clarified that. They will remain as friends. Napabuntunghininga na lamang siya nang maalala ang kanilang huling pag - uusap. She decided not to accept projects na magtatambal sa kanilang dalawa ni Hugh. She wants to move on. And projects of them together won't be of help. Here she is, on a plane all the way to Paris.
'Paris, here I come!'
From Orly Airport, ay may kakaon at maghahatid sa kanya patungo sa Hôtel Juliana Paris which is just a 14 -minute walk from the Eiffel Tower.
Nang makarating sa nasabing hotel ay agad siyang nagtungo sa front desk upang mag check in. Agad namang naibigay sa kanya ang nakalaang keycard para sa hotel suite niya. The hotel suite was cozy and classy. A flat-screen TV is provided. The room is equipped with a private bathroom fitted with a bath or shower.
Dahil sa pagod, naisip niyang mamahinga muna bago mag unpack ng gamit. At sa tanang buhay niya, ngayon lang siya nakaranas ng mahimbing at mahaba habang tulog. Away from all the chaos, away from issues and away from showbiz.
***********************
"What! Ulitin mo ngJM a ang sinabi mo?" napahampas sa kanyang office table ang batang CEO ng Royal Crown Film na si Boss Gunner. He just received a call from Nina, his fiancee and former Beauty Queen na hindi ito makakarating sa meeting nila with their wedding coordinator, and now this. Umalis si Kristel ng bansa para magliwaliw lamang sa Paris gayung may nakaline up itong proyekto.
Namumutla naman at nanlalaki ang mata ng talent manager ni Kristel na si Tita Chloe. "Oh, I-i'm sorry. I thought your secretary told you already. Hindi kasi tayo magkatagpo so I asked your secretary to inform you. "
"You should have told me earlier. What are we going to do now?"
Hindi napigilan ni Gunner ang mapahilot sa kanyang sentido sa ibinalita ni Chloe. Kristel Almabis went out of the country just to move on from her heartaches with Hugh Perez. Where's the professionalism there? Dapat inihihiwalay ang personal issues sa trabaho. And now what? Marami itong iniwang nakabinbin na proyekto.
"Marami pa naman tayong puwedeng ipalit sa kanya. Let's conduct an audition." suhestiyon ni Tita Chloe hoping na papayag ang Big Boss na hindi si Kristel ang gumanap sa proyektong matinding pinaghahandaan ng istasyon.
"Yeah, we'll do that. Do we have a choice?" sarkastikong sabi niya. Nang mag - iwas ng tingin si Tita Chloe at matagal na namayani ang katahimikan ay mabilis itong dinismiss ni Gunner.
"You may go now, Ms. Chloe. Kindly tell my secretary to get inside my office." walang kagana ganang sabi niya.
Nang mapag - isa ay marahas na napabuga sa hangin si Gunner at napatingala sa itaas.
'Just great!'
******************
Maaga pa lang ay gising na si Kristel. She's so excited to explore Paris. Noong nagpunta sila dito ng buong pamilya, she was just 6 years old then so she had a vague memory of the whole trip. They say Paris is the best place to be when you are in love or want to be in love. Yet she's here for one reason, to heal a broken heart, to move on and find her peace of mind.
Ang una niyang pinuntahan ay ang Jardin des Tuileries which is located within the Place de la Concorde. The said garden demonstrates the Parisian style of intricate land scaping. Puwede lang siyang tumigil doon sa loob ng 2 hanggang 3 oras.
Saan man siya tumingin, bagaman meron ding mga pamilya pero halos puro lovers ang kanyang nakikita. How sweet! Ganitong mga eksena niya nakikinita silang dalawa ni Hugh. Just like their scenes in their series and movies. Masyado siyang nag invest sa kanyang feelings kung kaya't napakahirap nang bumangon. Napakahirap nang umahon. How she wished she could turn back time kung saan hindi pa nagkukrus ang kanilang landas. Kung alam niya na mahuhulog ang loob niya sa binata, she would decline the offer na makatambal ito.
"Hey Miss?" a foreigner just approached her. He's with his girlfriend she guessed.
"Yes?" she asked.
Itinuro nito ang Rodin statue sa likod nito. It was The Kiss marble sculpture kung saan magkayakap ang dalawang hubad na pares while kissing each other at obra ng French sculptor Auguste Rodin."Can you take us a photo with that background?"
Marahang siyang tumango ang kinuha ang camera na iniaabot nito sa kanya. "Yeah sure."
Makalipas ang 5 minuto ay natapos din ang photo shoot nila. Woah.. nangawit siya doon ah. In fairness magalang namang nagpasalamat sa kanya ang mga banyaga.
Muli niyang tinapunan ng tingin ang Rodin sculpture.
'Sana all'
*****************
'Damn! The whole day was so disappointing.' He personally monitored the audition ngunit walang nakapasa sa character na dapat sana ay gagampanan ni Kristel sa ilalaunch nila Fantaserye. Masyado silang madedelay kung matatagalan pa ang paghahanap ng kapalit ng dalaga. Agad niyang pinatawag sa kanyang sekretarya si Miss Chloe. "Boss, Miss Chloe is already on the line." "Hello Ms. Chloe. Have you contact Kristel" agad na bungad niya sa talent manager ni Kristel. "I can't Boss. She turned off all her phones I guess." 'Brat. Such unprofessional.' "Okay. So kindly update me kapag may balita ka na sa kanya ha." As soon as he said that, he ended the call. 'My my.. Kristel.. such a pain in the neck.' He was about to open the folder that Geneva, his secretary gave him when something popped in his mind. "Geneva, can you book a flight for me in Paris as soon as possible?" aniya sa kanyang secretary.
'I can't believe this!' Gunner shook his head with disbelief. Expectation versus Reality. He thought it would be easy na maisama pauwi ng Pilipinas si Kristel. No one could say no to Gunner Montenegro. He gets what he wants. But look at him now, such in a mess and turned to be an instant nanny to a brat. He just doesn't know how to help her. He went outside to buy some medicine na kagaya ng gamot na ipinaiinom sa kanya ni Yaya Meding kapag may sakit siya. He also bought foods sa nadaanang Restaurant. Pagbalik niya ay napansin niya ang bahagyang pagkaligkig ng katawan ng dalaga. Agad na kinuha niya sa supot ang biniling digital thermometer. He placed the thermometer under her tongue. 'Damn. 38.6. Kaya naman pala sobrang init ng dalaga.' Mabilis na inihanda niya ang mga pagkain sa side table. Kinuha rin niya ang antipyretic drug for fever na binili niya sa pinakamalapit na drugstore at isang basong tubig. Tinitigan niya ang dalagang mahimbing na
From time to time, Gunner checks Kristel's body temperature. After checking her temperature, pupunasan naman niya ang katawan nito ng basang bimpo. He doesn't know if he's doing it right. Ginaya lang niya ang ginagawa sa kanya ni Yaya Meding kapag nagkakasakit siya noong bata pa siya . He can't sleep knowing Kris' condition. Maya maya'y narinig niya ang mahinang ungol mula rito at bahagyang pangangaligkig ng katawan. Mukhang nagdedeliryo ang dalaga. "Hugh.. Please.. d-don't do this to me." humihikbi pa ang dalaga habang sinasambit ang mga kataga. 'Holy crap!' Nilalagnat na lang, si Hugh pa rin ang nasa isip at bukambibig nito. She's so madly deeply in love with her on-screen partner. For the first time, parang gusto niyang pagsisihan ang pagpayag na ipareha si Kris kay Hugh na nagsimula sa isang event kung saan kinakitaan ng chemistry ang dalawa. He noted to himself na never na niyang bibigyan ng projects together ang dalawa. Kesahodang magalit ang mga fans ng
"No.. no.. no.. Bro. You're not damn serious, are you?" naaalarmang sabi ng kausap sa kabilang linya.Hindi man nakikita ay batid ni Gunner na hindi sang - ayon ang kaibigan sa plano niya. "I am dead serious Bro! If that motherfucker Gibson could do this to me.. I can also do it. An eye for an eye." nanggagalaiting wika niya. "Bro.. Parang gusto kong pagsisihan na sinabi ko sa'yo. I just want to inform you about Nina. But please spare Kris from this. You're not like that. Mabait kang tao. Nabubulagan ka lang ng damdamin mo sa ngayon. Please listen to me. Bago ka pa may pagsisihan." "Damn!" marahas na nasambit ni Gunner kasabay ng pagputol ng tawag sa kanya ng kaibigang si Harrison mula sa Pilipinas. He could still hear the exact words he said. He just can't believe it. How could Nina betray him? No, there must be a misunderstanding. Maaring nagkakamali lang si Harrison sa ibinalita sa kanya. For Pete's sake, ikakasal na sila ni Nina in few months time!
Tinatanaw ng tingin ni Kristel ang buong view ng siyudad mula sa kinatayuang terrace ng suite niya sa hotel. Halos magdadalawang oras na siya doon ngunit hindi niya alintana ang lamig ng panahon. A memory of Hugh keeps coming back to her mind. She's playing their songs on her cellphone. Kung saan, kailan at paano nagtagpo ang kanilang landas. Kung paanong sa simpleng sulyap at palitan ng ngiti nila sa isa't isa nagsimula ang lahat. Nakitaan sila ng mga tao ng chemistry at spark. Kids, teens, and adults adored them. They wanted them to be an item, from reel to real which never happened. Hindi lang fans ang nadismaya, worse maging siya ay naramdaman ang pagkabigo.Higit pa sa inaasahan at inaakala ng iba. Ang sabihing masakit ay kulang. It's amazing how you can speak right to my heartWithout saying a word, you can light up the darkTry as I may I can never explainWhat I hear when you don't say a thing The smile on your faceLets me know that you need me.There's a truth in your eyes
Plano pa sana nila ni Gunner na pumasyal sa Eiffel Tower. Ienjoy din sana ang overview ng Arc de Triomphe at Champs-Elysées. Pero dahil hindi niya naiwasang magbukas ng kanyang social media account at makita ang latest news tungkol sa umanoy relasyon ni Hugh at isang kolehiyala from Batangas ay muling nanariwa ang sugat sa puso niya. Naging matamlay ang kaniyang pakiramdam at napansin marahil ito ni Gunner kung kaya't hindi na sila tumuloy sa kanilang lakad. Maghapon siyang nagmukmok sa silid. Lumabas na lang sila para kumain. Si Boss Gunner ang pumili ng Resto dahil ayon dito masasarap ang mga pagkain doon. Yeah, it was classy and fab ngunit kahit yata gaano kasarap ang mga pagkain na nakahain, wari'y sumayad lang ang mga iyon sa lalamunan ni Jasmine Helen Hindi niya malasahan at pinilit lang niyang lunukin malamnan lang ang sikmura. "Hey.. eat some more. Kakaunti pa lang ang naisusubo mo. Kailangan mo iyan para lalo kang lumakas lalo't kagagaling mo lang sa sakit." wi
Hindi maiwasan ni Kristel na mag - alala sa kapatid na si Gibson. Makalipas ang ilang oras na pagkalugmok sa kinahihigaan ay nagpasiya na siyang ayusin ang kanyang mga gamit at magpabook ng flight pabalik ng Pilipinas. She just can't stay here knowing her brother's life is in danger. Habang lulan ng eroplano ay hindi niya maiwasang balikan ang pangyayari sa buhay niya. From the moment na isilang siya at wala siyang ibang halos nakakasama kundi ang kanyang yaya na si Yaya Berna ngunit wala siyang nagawa nang palayasin ito ng kanyang ama sa pag - aakalang kinukunsinti siya sa masamang gawain, nang magalit ang kanyang ama sa mundong tinahak niya when she chose to be an actress rather than take a Business Course para makatulong ng mga ito sa pamamahala ng kanilang negosyo, sa mga pangungutya at bash na natatanggap sa mga fans ng rival love team nila ni Hugh dahil sa naging kasalanan niya sa nobya nito nang minsang magpadala siya sa selos, s
Unti - unti na niyang inaayos ang buhay niya. Bagaman nagpasabi siya sa through Tita Chloe sa network na hindi na siya magsa sign ng bagong kontrata, hindi pa rin ang mga ito tumitigil sa pangungumbinsi sa kanya to think about her decision at sana'y mabago pa ito. Nagpahayag ng kalungkutan ang kanyang mga fans, ang mga fan nila ni Hugh sa kanyang naging pahayag sa isang interview sa noontime talk show ng network. Here she is right now talking to her father. Ipinaalam niya dito ang kanyang naging desisyon na hindi na muling tumanggap ng proyekto mula sa network at sa Royal Crown Film. Sinabi rin niya dito ang kanyang pagnanais na ipagpatuloy ang pag - aaral. "I knew it Kris!" mababakas ang sigla at tuwa sa mukha ng kanyang ama sa narinig na desisyon niya. "I'll send you to Harvard in Cambridge, Massachusetts. I'll call you Tito Carlo and let you stay there while you're studying." Tito Carlo is her mom's broth
NINONG NANIE AND NINANG RHEA HERNANDEZ, Thank you for your love despite the distance. Miss you and love you po. God bless po. NINANG WENA AZUCENA Thanks for showing me the real meaning of kindness. Love you po. NINANG EDNA ILAGAN Missing you Ninang Edz. Thanks for your care and concern. Love you po. NINANG OYIE ILAGAN Thanks for your trust. Nakakakilig po. Love you po. NINANG NANIE ILAO, Thanks for your care and concern. Love you po. God bless po. SIR DENNIS SALVANERA Thanks for believing in me during your term. Hindi ko po iyon nakakalimutan. God bless po. MAM PRECY M. BELARMINO Thanks for coming into my life. Thanks for listening. God bless po. MAM ALLEN M. CUSI Thanks for your warm messages. You know we love you po. God bless po. MAM AGNES C. SILANG My dear English Teacher since 2nd year to 4th Year H.S. Missing you po. God bless po MAM REMEDIOS RAMIREZ, Thanks po sa support. God bless po.
"Baliw ka na, baliw!" hindi naiwasang magalit ni Kristel nang makita ang nakahandusay na katawan ni Nina. Walang karapatan si Geneva na saktan si Nina. Geneva's eyes grew sharper. Agad nitong iniumang ang baril sa ulo ni Kristel. Napaatras si Kristel nang makita ang ginawa ni Geneva. Napalingon siya sa likuran niya. Oh - oh, malapit na siyang mahulog sa baba. Ngunit may naisip siyang ideya. Bahala na. Tatalon siya upang makatakas kay Geneva. Right before maiputok ni Geneva ang baril ay nakatalon na siya. Ipinulupot niya ang kanyang bisig sa kanyang tiyan upang maprotektahan ang kanyang dinadala. Bang! Bang! Bang! Tatlong magkakasunod na putok ang umalingawngaw sa paligid. Bang! At isa pa. &nb
Pudpod na yata ang swelas ng suot niyang leather shoes sa kakaparoon - parito niya. Halos kadarating lang niya mula sa Italy at kasalukuyan siyang nasa opisina ng Royal Film. Kanina pa siya tumawag sa Villa ng mga Almabis ngunit wala pa daw sa bahay si Kristel. Hindi niya kasi talaga maiwasang hindi mag - alala sa asawa. Hindi nito ugaling iwan nang matagal ang anak. Kaya nga kahit maraming nagsusuggest dito na magbalik showbiz ay hindi nito ginawa. Dapat nasa bahay na yun kanina pa. Nagpm ito sa kanya kanina noong papunta pa lang ito sa SDGH. 'Damn! Pick up the phone Kris!' Napu frustrate na siya kanina pa. Kung bakit naman kanina pa niya ito tinatawagan pero ring lang ng ring ang cellphone. Maya - maya'y out of coverage area na. Bumangon agad ang kaba at takot sa kanyang dibdib. Agad na hinanap niya sa kany
I miss your love since you've been goneI find it hard to go onThe summer sky don't mean a thingI thought I'd always be strongI got a feeling insideand it's making my heart cry, causeI'm missing youand it's making me blue, yeahI'm missing youbut what can I doA thousand miles away, from you Humihimig na awit ni Kristel sa paborito niyang kanta ni Meja na 'I'm Missing You' habang iniimpake ang mga damit at gamit ni Gunner na pupunta sa Italy ng ilang araw para sa isang shoot ng Movie sa Italy. Nahigit niya ang kanyang hininga nang maramdaman ang pagyakap ni Gunner mula sa likuran. Ipinulupot nito ang mga braso sa baywang niya at ipinatong ang baba sa sa kanyang balikat. Nang lingunin niya ito ay kakaiba ang kislap sa mga mata nito. Bukod sa pagkaaliw ay may matinding paghanga sa mga iyon. Mabilis niyang izinippe
Nagising si Kristel nang madaling - araw nang makaramdam ng paghalukay sa kanyang sikmura. Marahan siyang bumangon upang hindi magising ang katabing si Allaire na mahimbing na mahimbing ang tulog. Mukhang napagod sa pakikipagkulitan at pakikipaglaro sa kanyang ama. Dahan dahan niyang tinawid ang distansiya ng kama sa banyo. Pagpasok na pagpasok niya roon ay agad na bumaliktad ang kanyang sikmura. Nagduduwal siya bagaman wala naman siyang mailabas na kinain. Nang makatapos at mahimasmasan, saglit muna siyang tumigil at pinakiramdaman ang sarili. Tinahak niya ang daan patungo sa side table at mula sa loob ng bag ay kinuha roon ang kabibili pa lamang niyang pregnancy test kit. Bagaman may palagay siyang buntis na siya, mas ninanais pa rin niyang makasigurado sa kanyang kondisyon. Gusto na niyang kumpirmahin ang hinala. Mabilis niyang isi
Since Kristels' mom prepared dishes earlier, niyaya sila nitong kumain. Hindi man sinasadya, napapagitnaan nila ni Ronan si Kristel. Napatingin ang dalaga kay Ronan. Nakangiti ito sa dalaga at bakas ang kasiyahan nito sa mukha. Nag - init tuloy ang kanyang ulo. Naiinis siya sa aktuwasyon ni Ronan. Parang gustong gusto niyang ipagsigawan na in months time ay magiging Mrs Montenegro na ang dalagang katabi nito at iwasiwas sa mukha ng maputlang Amerikanong ito ang infinity ring sa kamay ni Kristel. Bahagya niyang sinagi ang binti ni Kristel sa ilalim ng mesa. Matiim itong tumitig sa kanya. Nag - iwas siya ng tingin. 'Oo na, new member na siya ng Andres Club.' Not because takot siya sa dalaga ngunit dahil ayaw niyang mawala pang muli sa kanya ang dalaga at ang kanilang anak. Five years is enough. Ayaw na niyang madagdagan pa ang mga naging paghihirap nila. &
"Hey.." Halos hindi niya namalayan ang paglapit ni Gunner sa kaniya. She was sitting on the outdoor lounge chair provided at the pool side. She was there watching Allaire and Yaya Ness habang nagsiswimming na ang mga ito.He gently reclined the lounge chair and sat beside her. He hugged her tight and kissed her. So clingy! Ngunit wala siya sa mood since naiimbyerna pa rin siya sa presence ni Nina Ellize. She moved away from him. "Hey.. what's that for?" kahit bahagyang nagulat ay nakangiti pa rin si Gunner. She knew he has an idea why she's acting like that. "Don't get mad Love. I will never ever cheat on you." Tinaasan niya lang ito ng kilay. Now, the old Kristel is back. Hinding hindi niya gustong ishare si Gunner kahit sinong prima donna pa yan.  
And because it's Saturday sinorpresa sila ni Gunner nang kaunin sila nito ng chopper and headed to Morong Bataan, Beach Cove Eco - Tourism Resort to be exact. Isinama rin nila si Yaya Ness sa pagpunta doon. When they reached the place, hindi mahinuha ni Kris kung anong adjectives ang tamang gamitin. There's a white sand beach and lush mountains. The place was just so amazingly beautiful. She felt like she was not in the country anymore. It was indeed a paradise. There were colorful flags and umbrellas covering the pathway. There were lots of villas where you can stay for the night. "Wow! Daddy this place is so nice! I think I'll enjoy our stay here." namamanghang sabi ni Allaire sa kanyang ama. Ngumiti lang si Gunner and passionately caressed Allaires' hair. "Of course sweetie, I'd made sure of that." 
Kahit nasasaktan habang nakamasid sa papalayong si Matthew at Allaire, Kristel had no choice but to tell him once and for all. Masasaktan at masasaktan si Matthew sa kanyang desisyon ngunit wala siyang magawa upang pagaanin ang sitwasyon para kay Matthew. He's been part of their lives for the past years. It's so unfair kung hahayaan niya itong mag - ilusyon na may maasahan sa kanya gayung hanggang kaibigan lang talaga si Matthew para sa kanya. Mahal niya si Matthew bilang isang kaibigan. Nothing more, nothing less. Kung natuturuan lang sana ang puso. Sana'y noon pa man ay sinuklian niya lahat ng kabutihan na ginawa nito para sa kanya. She'll pray for him. "Hey.. penny for your thoughts?" It was Gunner. He kissed her cheeks and held her tight. Ngumiti siya sa binata ngunit batid niyang hindi iyon umabot sa kanyang mga mata. Napabuntunghininga siya