Hindi maiwasan ni Kristel na mag - alala sa kapatid na si Gibson. Makalipas ang ilang oras na pagkalugmok sa kinahihigaan ay nagpasiya na siyang ayusin ang kanyang mga gamit at magpabook ng flight pabalik ng Pilipinas. She just can't stay here knowing her brother's life is in danger.
Habang lulan ng eroplano ay hindi niya maiwasang balikan ang pangyayari sa buhay niya. From the moment na isilang siya at wala siyang ibang halos nakakasama kundi ang kanyang yaya na si Yaya Berna ngunit wala siyang nagawa nang palayasin ito ng kanyang ama sa pag - aakalang kinukunsinti siya sa masamang gawain, nang magalit ang kanyang ama sa mundong tinahak niya when she chose to be an actress rather than take a Business Course para makatulong ng mga ito sa pamamahala ng kanilang negosyo, sa mga pangungutya at bash na natatanggap sa mga fans ng rival love team nila ni Hugh dahil sa naging kasalanan niya sa nobya nito nang minsang magpadala siya sa selos, sa pag - iwas sa kanya ni Hugh and now this, she had given herself to Gunner but still he left her without a word. She felt so low.
Mabilis niyang pinalis ang luhang namalisbis sa kanyang mga pisngi. How could she be so weak? She used to be strong and fierce. What happened to the old Kristel?
Nang ganap na makarating ng Pilipinas ay walang inaksayang oras ang dalaga. Agad niyang inuuwi ang gamit sa kanilang mansiyon. Hindi na siya bumaba ng sasakyan at hinayaang ang mga kasambahay ang magpasok ng kanyang mga gamit sa loob ng kabahayan.
She headed to the hospital where Kuya Gibson is. Nagulat man ito sa kanyang pagdating at sa kanyang mga nalaman ukol dito ay nakumbinsi niya itong ikuwento ang buong pangyayari sa kanya. Kung saan at paano nagsimula ang whirlwind romance nito at ni Nina Ellize.
"Hindi ako makapaniwala na nagawa mo iyon Kuya." bulalas niya sa kapatid na kasalukuyang nakahiga sa hospital bed. Hindi naman ito napuruhan sa naging aksidente. Kaunting sugat lang. Maging si Nina ay ganun din ang sitwasyon ayon sa nurse na napagtanungan nila. Inilipat daw agad ito ng ospital.
Nagtatakang napatingin sa kanya si Gibson. "What are you trying to say?"
Pinanlakihan niya ito ng mata. "Duh.. Kuya ikakasal na yung tao, nakipagrelasyon ka pa sa kanya."
Mukhang ang kuya naman niya ang nagulat. "Anong ikakasal ang sinasabi mo? She said she's single. Wala na daw sila ni Gunner."
"And you believed that?"
Rumehistro sa mukha ng kapatid ang pagkairita. "And why would she lie to me?"
"I don't know. Sorry to say this. Maybe.. maybe hindi lang talaga siya kuntento sa isa." nagkibit balikat na lamang siya. Bahala na ang kanyang kapatid kung maniniwala sa kanya o hindi. Ang mahalaga, sinabi niya.
Tinignan niya ang nurse na nag-aasikaso dito. Hindi nito maalis - alis ang tingin sa mukha ng kanyang kapatid. Hindi maiwasang mapailing ni Kristel. Her kuya is really a catch. Kaya tuloy hindi niya masabi kung talagang playboy lang ito o talagang habulin lang ng mga babae.
"O paano, kuya, I'll go ahead. On the way na si Mommy. She'll be here soon." humalik siya sa pisngi nito.
Marahan niyang pinihit ang seradura ng pinto. Bago muli naisipang bilinan ang kapatid. "And Kuya.."
Nakakaunot ang noong naghintay ng kanyang sasabihin si Gibson. "Behave." aniya na tinapunan ng tingin ang nurse na nag - aasikaso sa kapatid.
Nakuha naman nito ang ibig niyang sabihin.
"Kris! You're insane."
Natatawang itinuloy na niya ang paglabas. Marami siyang kailangang kausapin at asikasuhin ngayon.
***************
"Tita Chloe."
Isang nasorpresang mukha ang sumalubong sa kanya. Mababakas dito ang tuwa sa kanyang pagbabalik. Agad siyang niyakap nito.
"How I missed you dear.. "
Agad siyang umupo sa upuan sa harap ng office chair nito. Umikot naman ito upang umupo sa sariling upuan.
"So, how's your trip?" pangungumusta pa nito.
"It was fine, Tita." pahinamad na sabi niya.
Umarko ang kilay ni Tita Chloe sa kanyang naging tugon. "You didn't enjoy the trip?"
"It was just fine. Let's not talk about that Tita Chloe. Nagpunta ako dito para i inform kayo sa desisyon ko. Since tapos na naman po ang contract ko sa network, I won't sign any contract anymore Tita. I call it quits in showbiz."
Halos mabingi si Kristel sa naging tugon sa kanya ni Tita Chloe. Halos mapatayo ito sa office chair nito.
"What! You tell me, you're kidding, right?" hindi makapaniwalang sabi nito.
Diretsong tinitigan niya ito sa mata. "You heard it right. Hindi na ako pipirma for another contract. I'm not renewing. I guess I have to consider my Dad's offer. I'm going to finish my studies while having my training in the company."
Matagal tagal na rin niya itong pinag - isipan. Until she came to that decision.
Mataman siyang tinitigan ng kanyang manager. Ilang sandaling katahimikan pa ang lumipas. Maya maya'y marahas itong napabuntunghininga at itinaas ang isang kamay nang muling magsalita.
"Okay. If that's what you think is best for you. Sino ba naman ako para pigilan ka sa iyong desisyon? Basta in case magbago ang desisyon mo, andito lang ako. I'm just a call away." naiiyak nang sabi nito. Hindi niya ito masisisi, sa tagal din ng kanilang pinagsamahan. Ito na ang tumayong manager niya noong nagsisimula pa lamang siya hanggang ngayon. At masasabi niyang maganda ang kanilang naging samahan.
Though nagbigay ito dati ng ibang statement tungkol sa kinasangkutan niyang gulo noon nang hindi nagkonsulta sa kanya, nakalipas na iyon at nauunawaan niyang para lang sa kabutihan niya ang ginawa nito.
Mabilis siyang tumayo upang yakapin si Tita Chloe. Tumayo itong pangalawang ina sa kanya. She'll treasure her for the rest of her life.
Umiiyak na niyakap din siya nito nang mahigpit. Then she whispered good luck.
*******************
Looking at the woman in front of him, Gunner thinks she's not the girl he used to love. When he met her, she is genuinely innocent, honest, sure of herself, and positive in life. But look at her now telling him all the lies, denying when he accused her of cheating on him with a dignified look, maybe fame and all the glories really changed her. Ilang kababaihan bang gaya nito nang minsang sumali sa patimpalak at nanalo na ang nakipaghiwalay o nagkahiwalay ng nobyo? That didn't spare their relationship. After four long years and almost getting married, sa hiwalayan din naman pala mapupunta.
She can never deceive him again. Never. With the thought, he immediately put on the table all the printed pictures Clifford sent him.
Nanlalaki ang matang nagulat sa nakikita ang dalaga. Mabilis nitong tinignan isa - isa ang mga larawan. Bahagya pa itong napalunok sa huling larawan. Agad na rumehistro ang takot sa mga mata nito nang muling tumingin sa kaniya.
"Please Gunner.. forgive me. Promise, I won't do it again." nagmamakaawang tinig ni Nina habang hawak hawak ang mga litratong kuha ng kanyang private investigator.
Sinubukang hawakan ng malayang kamay nito ang kanyang bisig. Ngunit agad niya itong naiiwas sa dalaga. He won't let her fool her again. Dahil sa naging imbestigasyon, mas marami pang nabuksan na sekreto ang dalaga. Hindi lang si Gibson ang naging karelasyon nito while they're in a serious relationship. Nina also had an affair with Jake Guzman, one of the actors in a rival network. After Jake was Daryl, a singer slash model. Then the latest was Gibson, who is currently managing his own Resto. How could she do this to him?
"No. Let's call it quits Nina. From now on, you're totally free. You can do whatever you want. You can have a relationship with whoever you want for all I care!" madiin na wika niya sa dalaga.
Umiling - iling at hilam sa luha ang dalaga. 'No.. no.. no. You can't do this to me Gunner."
Tumalikod na siya dito bago pa magbago ang isip niya. "Yes, I can Nina. You just wasted my precious time. Goodbye."
"Gunner! No!" malakas na sigaw ni Nina ngunit hindi na siya lumingon pa.
Pakiramdam niya ay parang pinalis ang mabigat na nararamdaman sa paglabas ng silid ng dalaga. Hinayaan na muna niya itong makarecover bago niya isinakatuparan ang naging desisyon na makipaghiwalay rito. After all, he still cares for her. 4 years is 4 years. Matagal din naman ang kanilang pinagsamahan.
Marami din naman silang magagandang alaala together. Hindi lang naman ito naging masama sa kanya dahil sa nagawa nitong pagkakasala. For quite some time marami din naman itong nagawang mabuti sa kanya. Maging sa mga tao sa paligid nila.
He will always be thankful to her for that. But having a relationship with her, it's a no. He can't love her when he can't trust her anymore.
****************
Unti - unti na niyang inaayos ang buhay niya. Bagaman nagpasabi siya sa through Tita Chloe sa network na hindi na siya magsa sign ng bagong kontrata, hindi pa rin ang mga ito tumitigil sa pangungumbinsi sa kanya to think about her decision at sana'y mabago pa ito. Nagpahayag ng kalungkutan ang kanyang mga fans, ang mga fan nila ni Hugh sa kanyang naging pahayag sa isang interview sa noontime talk show ng network. Here she is right now talking to her father. Ipinaalam niya dito ang kanyang naging desisyon na hindi na muling tumanggap ng proyekto mula sa network at sa Royal Crown Film. Sinabi rin niya dito ang kanyang pagnanais na ipagpatuloy ang pag - aaral. "I knew it Kris!" mababakas ang sigla at tuwa sa mukha ng kanyang ama sa narinig na desisyon niya. "I'll send you to Harvard in Cambridge, Massachusetts. I'll call you Tito Carlo and let you stay there while you're studying." Tito Carlo is her mom's broth
Hindi makapagconcentrate sa kanyang ginagawa si Kristel. Hindi niya mawari ang nararamdaman. Mahapdi ang kanyang sikmura at parang nais niyang maduwal. May dalawang linggo na rin niyang nararanasan ang ganitong morning sickness. Naisip niyang baka dahil ng ulcer niya kaya sinisikmura siya. Wala pa naman si Tifanny ngayong araw na ito. Nang hindi makatiis ay nagmamadaling pumasok siya sa Girls Comfort Room na malapit sa kanyang kinatatayuan kanina. Naiiyak na naisip ni Kristel si Gunner habang inilalabas ang mga kinain kanina. May mga pangyayari talaga na nakakapag paalala sa kanya sa binata. Maya maya lang ay magsisimula na ang klase nila. Paano pa siya papasok sa kalagayan niyang ito? Nanghihina siyang napapikit at napasandal sa dingding ng kinaroroonang comfort room. "Hey.. how do you feel?" nag - aalalang mukha ni Ronan ang tumambad sa kanya pagbukas ng kanyang mga mata.
Pumasok sa isip niya si Gunner. Saglit na nagtalo ang kanyang isip kung ipapaalam dito ang kanyang kalagayan. She wouldn't ruin his relationship with Nina Ellize. Ipapaalam lang niya sa binata ang kanyang kalagayan. Yun lang. After all, may karapatan itong malaman na magkakaanak na ito. Hindi man nila sinasadya. Agad niyang tinahak ang daan patungo sa network company nito. Dahil kilala na ng mga guards ang kanyang sasakyan ay agad siyang pinapasok ng mga ito. Ipinarada niya ang sasakyan . Sinikap muna niyang pakalmahin at inayos ang sarili bago nagtungo sa opisina ni Gunner. Kumatok siya sa pintuan ngunit walang nagbubukas. Sinubukan niyang pihitin ang seradura ng pintuan at suwerte namang hindi ito naka lock. Kaya naman pala walang nagbubukas, wala sa puwesto nito ang sekretaryang si Geneva. Mula sa siwang ay narinig niyang may kausap si Gunner.
Agad siyang pinatuloy ng kanyang Yaya Berna sa loob ng kubo nito. Maaliwas ang malamig ang simoy sa loob ng kubo. Agad siyang ipinaghain nito ng pagkain dahil ayon dito ay siguradong nagutom siya sa haba ng kanyang naging biyahe. Hindi na rin siya tumutol pa sapagkat bukod sa talagang gutom na nga siya ay namiss talaga niya ang luto nito sa kanya noong bata pa siya. Agad namang nagpa alam sa kanila si Botchok at aniya ay may trabaho pa sa bayan. Sa gitna ng pagkain ay naibahagi niya sa dating taga pag alaga ang mga pangyayari sa kanyang buhay. Hindi makapaniwala ang kanyang Yaya Berna sa kanyang sinapit. Nabanaag niya sa mga mata nito ang simpatya. Hinagod nito ang kanyang likuran. "Dumito ka na lang anak. Alam mo namang lagi kang welcome dito. Pero hangad ko pa ring maayos mo ang gusot sa buhay mo. Ipagdarasal ko iyan anak." "Thanks Ya. Yaya.. puwede
Hawak hawak ang kopita ng alak sa isang sulok ng bar na iyon, hindi mapigilang ma frustrate ni Gibson. Ilang buwan na pero wala pa ring balita sa kinaroroonan ng kapatid na si Kristel. Naghire na rin sila ng private investigator pero hanggang ngayon wala pa rin silang mapigang impormasyon sa kinaroronan ng kapatid. Hindi niya maiwasang sisihin ang sarili mula sa nalaman kay Blue. Hinawakan niya ang labi na bahagyang namamaga sa suntok na natanggap niya mula dito kanina. Hindi niya ito masisisi kung siya ang sisihin nito sa nangyari dahil tama naman ito. He's an asshole and a total jerk. Dahil sa pakikipag relasyon niya kay Nina Ellize ay nadamay ang kapatid sa paghihiganti ni Gunner. But he swear, hindi talaga niya alam na may boyfriend si Nina. According to her ay malaya na ito. Nagsinungaling si Nina. Nang sabihin sa kanya ni Kristel ang totoong isko
Hindi maiwasan ni Kristel na maalala ang pamilyang iniwan sa Maynila. Hindi naman niya magawang matawagan ang mga kapatid. Nawala ang kanyang cellphone sa bayan at hindi naman niya saulo ang mga numero ng mga ito. Pagbaba niya sa bayan ay hahanap siya ng puwedeng matawagang landline. Tanging ang landline sa opisina lang ng kanyang kuya Derick ang alam niya.Mula sa pagtanaw sa bintana ng kanyang inuukopang silid ay kitang kita niya ang payak at simpleng pamumuhay ng mga pamilyang nakatira dito. Ngunit gayunpaman ay kababakasan ng kasiyahan at kakuntentuhan sa kung anuman ang mayroon sila. Malayo sa pamilyang nakagisnan na niyang busy sa kani - kanilang trabaho ang mga magulang. Ang mga kapatid na hindi naman makarelate sa kanya dahil tanging siya lamang ang babae sa pamilya. Mula sa pagtanaw sa labas ng binatana ay pinukaw si Kristel ni Mamang. &nb
"Thanks God! I've finally reached you." nakahinga ng maluwag si Gunner nang makausap si Clifford. May ilang panahon ding nawala ito. "Where did you hibernate? Isang linggo na kitang hinahanap." "What is it this time bro?" agad na tanong ni Clifford sa kanya. Napapikit siya nang maalala ang maamong mukha ni Kristel. Thoughts of her keeps haunting his mind. He'll move heaven and earth just to find her. He'll pull strings and connections if necessary.He needs to find her. It's all his fault kung bakit nauwi sa ganitong sitwasyon ang buhay ng dalaga. He wants to find her. He wants to hug her. And he missed her terribly. There! He admitted to himself. Hinahanap - hanap niya ang presensiya nito sa kanyang buhay. "Go and find Kristel. Ituloy mo ang paghahanap sa ka
Nakapikit na hinilot ni Gunner ang kanyang sentido. Sumasakit ang kanyang ulo. Pinagsama - sama nang pagod sa trabaho, kunsumisyon sa ilang palpak na productions at frustration sa late update ni Clifford.'Damn!' Nangangalawang na yata ang investigating skills ng kaibigan. Or worse hinayaan nitong maapektuhan ng problema sa pag - ibig ang trabaho. Napapitlag siya nang maramdaman ang isang presensiya. Of course, it was Geneva, his secretary bringing him a cup of coffee. Inilapag nito ang kape sa table niya. "Thanks." agad siyang tumuwid sa pagkakaupo at iminuwestra sa sekretarya na maari na itong umalis. "Welcome boss." nakangiting sabi nito bago lumabas. Paglabas nito ay siyang pagpasok ni Harisson. Agad itong umupo sa upuan sa harap ng off
NINONG NANIE AND NINANG RHEA HERNANDEZ, Thank you for your love despite the distance. Miss you and love you po. God bless po. NINANG WENA AZUCENA Thanks for showing me the real meaning of kindness. Love you po. NINANG EDNA ILAGAN Missing you Ninang Edz. Thanks for your care and concern. Love you po. NINANG OYIE ILAGAN Thanks for your trust. Nakakakilig po. Love you po. NINANG NANIE ILAO, Thanks for your care and concern. Love you po. God bless po. SIR DENNIS SALVANERA Thanks for believing in me during your term. Hindi ko po iyon nakakalimutan. God bless po. MAM PRECY M. BELARMINO Thanks for coming into my life. Thanks for listening. God bless po. MAM ALLEN M. CUSI Thanks for your warm messages. You know we love you po. God bless po. MAM AGNES C. SILANG My dear English Teacher since 2nd year to 4th Year H.S. Missing you po. God bless po MAM REMEDIOS RAMIREZ, Thanks po sa support. God bless po.
"Baliw ka na, baliw!" hindi naiwasang magalit ni Kristel nang makita ang nakahandusay na katawan ni Nina. Walang karapatan si Geneva na saktan si Nina. Geneva's eyes grew sharper. Agad nitong iniumang ang baril sa ulo ni Kristel. Napaatras si Kristel nang makita ang ginawa ni Geneva. Napalingon siya sa likuran niya. Oh - oh, malapit na siyang mahulog sa baba. Ngunit may naisip siyang ideya. Bahala na. Tatalon siya upang makatakas kay Geneva. Right before maiputok ni Geneva ang baril ay nakatalon na siya. Ipinulupot niya ang kanyang bisig sa kanyang tiyan upang maprotektahan ang kanyang dinadala. Bang! Bang! Bang! Tatlong magkakasunod na putok ang umalingawngaw sa paligid. Bang! At isa pa. &nb
Pudpod na yata ang swelas ng suot niyang leather shoes sa kakaparoon - parito niya. Halos kadarating lang niya mula sa Italy at kasalukuyan siyang nasa opisina ng Royal Film. Kanina pa siya tumawag sa Villa ng mga Almabis ngunit wala pa daw sa bahay si Kristel. Hindi niya kasi talaga maiwasang hindi mag - alala sa asawa. Hindi nito ugaling iwan nang matagal ang anak. Kaya nga kahit maraming nagsusuggest dito na magbalik showbiz ay hindi nito ginawa. Dapat nasa bahay na yun kanina pa. Nagpm ito sa kanya kanina noong papunta pa lang ito sa SDGH. 'Damn! Pick up the phone Kris!' Napu frustrate na siya kanina pa. Kung bakit naman kanina pa niya ito tinatawagan pero ring lang ng ring ang cellphone. Maya - maya'y out of coverage area na. Bumangon agad ang kaba at takot sa kanyang dibdib. Agad na hinanap niya sa kany
I miss your love since you've been goneI find it hard to go onThe summer sky don't mean a thingI thought I'd always be strongI got a feeling insideand it's making my heart cry, causeI'm missing youand it's making me blue, yeahI'm missing youbut what can I doA thousand miles away, from you Humihimig na awit ni Kristel sa paborito niyang kanta ni Meja na 'I'm Missing You' habang iniimpake ang mga damit at gamit ni Gunner na pupunta sa Italy ng ilang araw para sa isang shoot ng Movie sa Italy. Nahigit niya ang kanyang hininga nang maramdaman ang pagyakap ni Gunner mula sa likuran. Ipinulupot nito ang mga braso sa baywang niya at ipinatong ang baba sa sa kanyang balikat. Nang lingunin niya ito ay kakaiba ang kislap sa mga mata nito. Bukod sa pagkaaliw ay may matinding paghanga sa mga iyon. Mabilis niyang izinippe
Nagising si Kristel nang madaling - araw nang makaramdam ng paghalukay sa kanyang sikmura. Marahan siyang bumangon upang hindi magising ang katabing si Allaire na mahimbing na mahimbing ang tulog. Mukhang napagod sa pakikipagkulitan at pakikipaglaro sa kanyang ama. Dahan dahan niyang tinawid ang distansiya ng kama sa banyo. Pagpasok na pagpasok niya roon ay agad na bumaliktad ang kanyang sikmura. Nagduduwal siya bagaman wala naman siyang mailabas na kinain. Nang makatapos at mahimasmasan, saglit muna siyang tumigil at pinakiramdaman ang sarili. Tinahak niya ang daan patungo sa side table at mula sa loob ng bag ay kinuha roon ang kabibili pa lamang niyang pregnancy test kit. Bagaman may palagay siyang buntis na siya, mas ninanais pa rin niyang makasigurado sa kanyang kondisyon. Gusto na niyang kumpirmahin ang hinala. Mabilis niyang isi
Since Kristels' mom prepared dishes earlier, niyaya sila nitong kumain. Hindi man sinasadya, napapagitnaan nila ni Ronan si Kristel. Napatingin ang dalaga kay Ronan. Nakangiti ito sa dalaga at bakas ang kasiyahan nito sa mukha. Nag - init tuloy ang kanyang ulo. Naiinis siya sa aktuwasyon ni Ronan. Parang gustong gusto niyang ipagsigawan na in months time ay magiging Mrs Montenegro na ang dalagang katabi nito at iwasiwas sa mukha ng maputlang Amerikanong ito ang infinity ring sa kamay ni Kristel. Bahagya niyang sinagi ang binti ni Kristel sa ilalim ng mesa. Matiim itong tumitig sa kanya. Nag - iwas siya ng tingin. 'Oo na, new member na siya ng Andres Club.' Not because takot siya sa dalaga ngunit dahil ayaw niyang mawala pang muli sa kanya ang dalaga at ang kanilang anak. Five years is enough. Ayaw na niyang madagdagan pa ang mga naging paghihirap nila. &
"Hey.." Halos hindi niya namalayan ang paglapit ni Gunner sa kaniya. She was sitting on the outdoor lounge chair provided at the pool side. She was there watching Allaire and Yaya Ness habang nagsiswimming na ang mga ito.He gently reclined the lounge chair and sat beside her. He hugged her tight and kissed her. So clingy! Ngunit wala siya sa mood since naiimbyerna pa rin siya sa presence ni Nina Ellize. She moved away from him. "Hey.. what's that for?" kahit bahagyang nagulat ay nakangiti pa rin si Gunner. She knew he has an idea why she's acting like that. "Don't get mad Love. I will never ever cheat on you." Tinaasan niya lang ito ng kilay. Now, the old Kristel is back. Hinding hindi niya gustong ishare si Gunner kahit sinong prima donna pa yan.  
And because it's Saturday sinorpresa sila ni Gunner nang kaunin sila nito ng chopper and headed to Morong Bataan, Beach Cove Eco - Tourism Resort to be exact. Isinama rin nila si Yaya Ness sa pagpunta doon. When they reached the place, hindi mahinuha ni Kris kung anong adjectives ang tamang gamitin. There's a white sand beach and lush mountains. The place was just so amazingly beautiful. She felt like she was not in the country anymore. It was indeed a paradise. There were colorful flags and umbrellas covering the pathway. There were lots of villas where you can stay for the night. "Wow! Daddy this place is so nice! I think I'll enjoy our stay here." namamanghang sabi ni Allaire sa kanyang ama. Ngumiti lang si Gunner and passionately caressed Allaires' hair. "Of course sweetie, I'd made sure of that." 
Kahit nasasaktan habang nakamasid sa papalayong si Matthew at Allaire, Kristel had no choice but to tell him once and for all. Masasaktan at masasaktan si Matthew sa kanyang desisyon ngunit wala siyang magawa upang pagaanin ang sitwasyon para kay Matthew. He's been part of their lives for the past years. It's so unfair kung hahayaan niya itong mag - ilusyon na may maasahan sa kanya gayung hanggang kaibigan lang talaga si Matthew para sa kanya. Mahal niya si Matthew bilang isang kaibigan. Nothing more, nothing less. Kung natuturuan lang sana ang puso. Sana'y noon pa man ay sinuklian niya lahat ng kabutihan na ginawa nito para sa kanya. She'll pray for him. "Hey.. penny for your thoughts?" It was Gunner. He kissed her cheeks and held her tight. Ngumiti siya sa binata ngunit batid niyang hindi iyon umabot sa kanyang mga mata. Napabuntunghininga siya