PERFECT MISTAKE 30 Umigting ang panga ni Killian nang dampian niya ng bulak na may alcohol ang sugat sa pisngit at kilay nito Putok rin ang gilid ng labi ng lalaki dahil sa pakikipagbasag-ulo nito kanina. She was in the middle of an important meeting when Celine called using Killian’s cellphone. Naka-ilang missed call na pala sa kanya ang bata bago niya nasagot. Umiiyak ito nang magsumbong sa kanya na marami raw dugo ang daddy nito. Hindi niya pa agad nakuha kung sino ang tinutukoy nitong daddy. Pyinansahan niya si Killian habang si CEO Revamonte naman ang humarap sa pamilya ng binugbog ng kapatid dahil na rin sa pakiusap niya. “Celine, ubusin mo na ‘yang hapunan mo,” wika niya sa anak na hindi pa nagagalaw ang pagkain bagkus ay nakatingin lamang sa kanila ni Killian. Sa halip na sundin ay mababa ang boses nitong nagtanong. “Kakain po si Manong?” Bumakas ang pagkadismaya sa mukha ni
PERFECT MISTAKE 31.1 “Does your mom and that sh!thead dating?” “Huwag ka po mag-say ng bad word,” reklamo sa kanya ni Celine na nakaupo sa kanyang tabi. “I don’t know po. Pero palagi po silang magkasama ni Mommy.” “So, they’re really dating?” pilit niya. Kakamut-kamot naman si Celine sa ulo nito. “Hindi ko po alam, Manong.” “Why not?” “Kasi nga po kapag kinukulit ko si Mommy na crush niya si Uncle Thor, inis siya sa akin dati. Pero ngayon naman, wala siyang sinasabi na. Magi-smile lang siya ganon.” Mapait ang panlasang umismid siya. “Baka boyfriend na.” “Wala naman pong sinasabi sa akin si Mommy. Palagi lang pumupunta rito si Uncle Thor. Palagi niyang hinahatid at sundo si Mommy ko.” Kapagkuwan, malaki ang ngisi ni Celine nang nilingon siya nito. “Baka crush na rin siya ni Mommy ko kaya hindi niya na ako sinasaway kapag nisasabi kong gusto kong daddy si Uncle Thor.”
PERFECT MISTAKE 31.2 Hindi siya nakaimik kaya mas lalong humaba ang nguso ni Celine. Mabilis niyang hinagip ang braso nito nang akmang aalis sa kinalalagyan. “Why do you like me to be your dad? Of all people, why me?” Kibit-balikat ang sagot sa kanya ng bata. “Don’t know po. Gusto ko lang. Parang ang warm sa heart nang pumayag ka dati tawagin kitang daddy.” “You had my dad.” “Pero hindi po warm ang heart ko kapag nandyan si Daddy Cast.” “Did you know that you really look like my sister?” “Si Mama Nady pretty po?” Hindi na nagulat si Killian na kilala ni Celine ang nag-iisa niyang kapatid na babae. “You have some different features but yeah…you are.” “Kamukha din po kita di ba?” Tumango siya. Hindi maipagkakailan na Revamonte ang dugong nanalaytay sa mga ugat ng batang makulit. Kahit ano pang sabihin niya ay kadugo niya pa rin ito. “
PERFECT MISTAKE 32 Ngiting-ngiti na kumakaway pa si Rosey kahit malayo na ang kotse ni Thor mula sa kinatatayuan. Kilig na kilig siya dahil niyaya na naman siya nitong mag-dinner. Sayang nga lang at kinailangan nitong umalis agad dahil may emergency raw itong pupuntahan. Thor has been consistent with her these past few days. Para itong manliligaw niya. Iyon nga lang, wala naman itong sinasabi. Pero naniniwala naman si Rosemarie sa kasabihang, ‘Action speaks louder than words’. Kapag tinanong siya nito kung pwede bang manligaw, palilipasin niya muna ng ilang oras bago sabihing ‘oo’ rito. Nag-iinit ang mga pisnging tumalikod siya. Subalit, bigla na lang siyang napasigaw sa gulat nang bumungad sa kanya si Killian na parang striktong amang inaabangan ang uwi niya. “It’s eight. Bakit ngayon ka lang?” “Si Celine?” sa halip ay tanong niya at nilagpasan ito sa may pinto. “Sleepi
PERFECT MISTAKE 33 Handa na sanang sitahin ni Rosemarie ang anak nang bigla-bigla na lang itong tumayo sa backseat para dumukwang sa espasyong nasa pagitan ng kinalalagyan nila ni Killian. “Daddy, saan mo po nakuha ang car mo?” Ang sita niya ay nauwi sa pagkagulat. Lalo na nang hindi kumontra si Killian sa itinawag dito ni Celine. “Borrowed it from a friend? Why?” “Akala ko po nag-sorry na ikaw kay Papa Uncle tapos may car ka na ulit.” Sa halip na sumagot ay umanggulo ang ulo ng lalaki at ipinagpatuloy ang pagmamaneho ng sasakyan. “Kawawa naman si Uncle Thor,” si Celine ulit na magkakasakit yata kapag hindi nakapagdaldal. “Walang air ang gulong ng car niya. Sundo pa naman niya kami ni Mommy ko.” “Accidents happened, Peanut.” Napanganga na si Rosemarie sa itinawag ni Killian sa anak niya. “Iniwan nga natin siya. Dapat hatid na lang natin.” “Sorry
PERFECT MISTAKE 34 Initsa sa kanya ni Vioxx ang kulay brown na envelop pagkapasok na pagkapasok pa lang nila sa home office ng mansyon nito. Ibinagsak niya ang sarili sa pang-isahang couch na naroroon sabay parang may-ari ng bahay na nagde-kwatro ng mga paa. “What’s this?” “Copy of the CCTV footage that night at the party.” Bahagyang kumunot ang noo niya. “Akala ko ba sira ang mga CCTV sa mansion niyo nang araw na iyon?” “Iyon din ang alam ko.” Pumamulsa si Almeradez habang nagpapalakad-lakad sa harap niya. “But because of my wife, I made a thorough investigation.” Hindi lingid sa kanya na dumaan sa matinding pagsubok ang mag-asawa kaya naghalungkat talaga si Vioxx para alamin kung ano ba talaga ang nangyari noon. Vioxx was the one who introduced the illegal d rugs to him. He was the bad influence to Killian’s life. And as the youngest and spoiled Revamonte, hindi siya nagpapapigil na sumama kay
PERFECT MISTAKE 35 Kung ano man bumabagabag kay Killian, sigurado si Rosemarie na may kinalaman iyon sa naging usapan nito at ni Vioxx. He became silent when he left Vioxx’s home office. Mas naging tahimik ang atmospera sa pagitan nila dahil tulog si Celine sa backseat, walang makulit na magdadaldal. “Who are you texting?” Napaangat siya ng tingin dito nang bigla na lang magsalita si Killian. Kusang ibinaba niya ang hawaka-hawak na cellphone na para bang may ginagawa siya roon na masama. “Si Thor. Nag-reply ako sa kanya kasi kanina pa pala siya nag-text sa akin. Hindi ko napansin.” “If you’re with me and Celine, don’t think of that sh!thead.” Sumimangot siya nang hindi magustuhan ang tono nito. “Hindi naman kita tatay para sermunan ako at pagbawalan sa mga ginagawa ko.” “Celine looked at me as her dad. Parang pamilya na rin tayo kapag magkakasama. Respeto na lang kay Celine.”
PERFECT MISTAKE 36 “Mommy!” Awtomatiko ang pag-silip ni Rosemarie para tingnan ang anak na inutusan niyang pagbuksan ang kung sino mang nasa front door. Abot-tainga ang ngiting lumingon ito sa kanya, ang mga mata ay halos magkislapan sa tuwa. “May suitor po ikaw.” “Papasukin mo na ang Uncle Thor mo,” aniya at muling binalikan ang nilulutong pananghalian. Narinig niya na naman ang madaldal na si Celine at ang pamilyar na boses na papalapit sa kinaroroonan niya. Hindi muna niya nilingon si Thor dahil busy siya sa paghihiwa ng mga patatas na ilalagay sa kalderetang niluluto. “Mommy, may dala po ang manliligaw mo.” Narinig niya ang pagtakbo ni Celine palapit sa kanya. Nang bahagya niyang nilingon ang anak, bumulaga sa kanya ang three stem pink roses na walang tinik. “Bigay po ni Daddy,” hagikhik ni Celine na parang maligayang-maligaya sa nakikita. Awtomatiko ang pag-angat ni