PERFECT MISTAKE 36 “Mommy!” Awtomatiko ang pag-silip ni Rosemarie para tingnan ang anak na inutusan niyang pagbuksan ang kung sino mang nasa front door. Abot-tainga ang ngiting lumingon ito sa kanya, ang mga mata ay halos magkislapan sa tuwa. “May suitor po ikaw.” “Papasukin mo na ang Uncle Thor mo,” aniya at muling binalikan ang nilulutong pananghalian. Narinig niya na naman ang madaldal na si Celine at ang pamilyar na boses na papalapit sa kinaroroonan niya. Hindi muna niya nilingon si Thor dahil busy siya sa paghihiwa ng mga patatas na ilalagay sa kalderetang niluluto. “Mommy, may dala po ang manliligaw mo.” Narinig niya ang pagtakbo ni Celine palapit sa kanya. Nang bahagya niyang nilingon ang anak, bumulaga sa kanya ang three stem pink roses na walang tinik. “Bigay po ni Daddy,” hagikhik ni Celine na parang maligayang-maligaya sa nakikita. Awtomatiko ang pag-angat ni
PERFECT MISTAKE 37 Inis na dumungaw siya sa binta. Hindi na siya nagulat nang makita si Killian na kumakaway sa kanya. Sumenyas ito na parang sinasabing bumaba siya. Kapagkuwan ay itinuro nito ang four-seater van na hindi pamilya sa kanya. Ano ba ang ginagawa nito? Lumayas ito kanina matapos silang kumain. Akala niya nga ay matutulog na rin dahil may trabaho pa ito bukas. Suot ang maluwag na t-shirt ang maikling cycling short, lumabas siya ng bahay dala-dala ang kanyang Mcbook. “Ano?” pasinghal na tanong kay Killian. Iniistorbo siya nito sa mga dapat niyang tapusin. Ngunit sa halip na maintimida ay ngumiti pa ito na parang t-nga. “So grumpy, Miss Ma’am.” Hindi na siya tumanggi nang kinuha nito ang kanyang Mcb ook at iginiya siya patungo sa kaliwang bahagi ng bakuran kung saan nakaparada ang sasakyan. “Saan mo ‘to ni-carnap?” “Dyan lang, Miss Ma’am.” Kumindat pa ang h udyo na malut
PERFECT MISTAKE 38 “What’s your plan, Man?” tanong ni Raegan sa kanya habang panay ang hithit nito sa yosing hawak. Sinindihan niya ang sigarilyong nasa bibig bago siya sa sumandal sa pader at ibinaling ang tingin sa malayo. “My family shouldn’t know about this. Kargo ko ‘to, ako ang aayos. Nahanap mo na ang pinapahanap ko sa ‘yo?” “He’s died years ago.” Humalo ang usok na ibinuga nito sa dilim. “Killed to be exact. Isa siya sa mga hindi sumuko sa programa nang gobyerno laban sa pagsugpo ng droga. If he’s smart enough to surrender himself, he would be living now.” It’s his turn to blow a cloud of smoke. “How about the drug? Nakakuha ka ba ng kopya?” “Yeah. They were called the d rug, ‘chimera’. Natigil ang serkulasyon niyon sa underground dahil sa pangingialam ng Sigma. It’s a dangerous project targeting the l ust of a person as their weakness.” Muli siyang napahithit sa sigarilyo. Wala raw nang
PERFECT MISTAKE 39 Wala sa loob na hinaplos Rosemarie ang bahagyang nakaawang na mga labi. Pakiramdam niya ay nakalapat pa rin sa kanya ang mga labi ni Killian. Parang naamoy niya pa ang mabango nitong hininga at nakakakiliti ang init na dulot niyon. Ramdam ni Rosemarie ang pag-iingat sa ni Killian at hindi niya iyon maalis-alis kanyang isipan. He was so gentle like she’s a fragile crystal. Sa klase ng pagkakahawak nito sa kanyang baywang ay parang takot na takot itong mabasag siya. Ibang-iba sa Killian na talagang pine-pwersa siya noon na dumudugo na ang labi niya sa rahas ng h alik nito. “Rosemarie—ng bruha!” Napakurap-kurap siya nang marinig ang iritado at matinis na boses ni Antonia sa kanyang harapan. Napangiwi siya nang makitang naniningkit ang mga mata nito. “Kanina pa ako talak nang talak rito, tapos ikaw naman para kang tangang ngumingiti riyan mag-isa.” “Sorry, Bes.” “Sorry
PERFECT MISTAKE 40 “I’m sorry, Thor,” muli niyang hingi ng paumanhin sa lalaki matapos mag-sorry na rin sa mga costumer at staff ng restaurant. Tumango ito habang nilalapatan ng cold compress ang nasaktang mukha. “D-mn his fist. Tumabingi yata ang panga ko.” “H-Hindi ko talaga alam na susugod siya sa ‘yo.” Umiling ito habang nasa mga labi ang mapaglarong ngisi. “You should know now, Rose. You should know now.” Naguguluhan na kinuha niya ang kanyang bag. “Susundan ko lang si Killian. I-I’ll, sh!t. Lagot talaga siya sa akin.” Padabog na lumayas siya kahit hindi pa nakakasagot si Thor. Narinig niya ang halakhak nito. Mabibigat ang kanyang hakbang nang lumabas siya sa restaurant. Hinanap ng kanyang mga mata si Killian na binitbit ng limang gwardiya palabas kanina. Nakita niya itong pilit na pinipigilan ng mga gwardiya na makapasok. Kunot na kunot ang kanyang noo na nilapitan
PERFECT MISTAKE 41. 1 Mahina siyang suminghap nang pumulupot ang matitigas na braso sa kanyang baywang habang abala siya sa paghahalo ng ulam. “Smells good.” Inignora niya ang kiliting dulot ng mainit nitong hininga na pumapaypay sa kanyang tainga. “Madali na ‘to. Maupo ka na.” “I like watching you, Miss Ma’am.” Ngumuso siya para itago ang ngiti. “Ihanda mo na lang ang mga plato.” Isa pang h alik sa kanyang sintido ay pinakawalan na siya nito. Pasimple pang humaplos ang kamay nito sa kanyang baywang. Nagsitaasan ang balahibo sa kanyang batok Bumalik sa tabi niya si Killian nang takpan niya ang kaldero. “Change your clothes upstairs. Ako na ang bahala rito,” mababa ng boses nitong wika. Kinuha nito sa kanya ang sandok. Hindi naman na siya nagprotesta at sumunod na lang. Gusto niya ring dumistansya ng ilang sandali kay Killian dahil natotorete siya sa bilis ng pintig ng puso niya.
PERFECT MISTAKE 41.2 F-UCK! F-ck talaga! Sinabunutan ni Killian ang sarili habang pababa ng hagdan. Gigil na ipinikit niya ang kanyang mga mata. Ngunit agad ding iminulat nang mas lalong luminaw sa kanyang isip ang itsura ni Rosemarie. Dayum, Hot Mama! He’s a pervert for his sudden reaction when he saw Rosemarie’s breast. Awtomatiko ang pagkudlit sa isip niya kung ano ang pakiramdam niyon kapag nasa loob iyon ng kanyang bibig. Tangina talaga! Hindi niya dapat nai-imagine kung ano ang pakiramdam nang mga binti nitong nakapulupot sa kanyang baywang habang kapwa sila sabik sa isa’t isa. “Damn it, Man! F uck you! Fuck you!” galit-galitang pinagmumura niya ang sarili. That’s Rosemarie you’re thinking of perverted thought. She’s not just any woman. She’s Celine’s mom. Tulirong bumalik siya sa kusina. Hindi alam ang unang hahawakan dahil nakalimutan niya na akung ano ang dapat
PERFECT MISTAKE 42 His tongue knocks on her lips. Rosemarie obliged, opening her mouth. Umalpas ang singhap sa labi nito nang ipinasok niya ang dila sa loob ng bibig nito. Dumiin ang pagkakahawak niya sa baywang nito nang halos mahilo siya sa init ng loob ng bibig ni Rose. P utangina! Pangalawang beses na silang naghalikan ng ganito, hindi pa rin siya masanay sanay sa epekto ng babae sa kanya. Rosemarie is an ecstasy, a drugged one that he wants to take again and again. Hindi na siya tumikim simula nang dalhin siya sa rehab ng mga magulang. Ngayon na naman lang siya may kinaadikan. Ang amoy nito, ang mukha, ang presenysa… Para siyang asong ulol na hindi buo ang araw kapag hindi niya nakita ang babae. Hindi siya mapakali kapag hindi niya naamoy ito. Baliw na talaga siya! “Kil,” she moaned when he adjusted her on his lap. Tumama ang pwetan nito sa kanyang p agkalalaki. Nak