PERFECT MISTAKE 19 Pakiramdan ni Killian ay pinalo siya ng dos por dos sa bigat ng kanyang katawan, nang magising. Rinig niya ang paghaya ng iyak ng kanyang ina habang sine-sermunan ang kung sino. Nang iminulat niya ang kanyang mga mata, ang likod ng nakapamewang na panganay na kapatid ang nabungaran niya. Mahina siyang napamura nang maalala ang ginawa nito at ng Daddy nila. Sh!t talaga! Hindi niya inaasahan na kakampi ang Kuya niya kay Castiel. Kismo has always been the understanding brother of him and Nady. “Paano niyo ito nagawa kay Killian? How dare you hurt my baby, Castiel?” Hindi sumagot ang kanyang ama na nakaupo lang sa harap ng kanyang ina na nakatayo. Si Kien Massimo ang sumagot. Mahinahon ang boses nito ngunit halata na nagpipigil ito ng inis. Inis para sa kanya. “Ma, Killian is not a baby anymore. Noon pa. Nagawa niya ngang mantarantado tapos baby pa siya sa lagay na ‘yan? Sakit siya
PERFECT MISTAKE 20 Umalis sila ng siyudad, isang linggo na ang nakalilipas. Napangiti si Rosemarie nang marinig ang malakas na halakhak ni Celine sa di-kalayuan. “Jorus, stupid ka talaga.” Awtomatiko ang pag-angat ng kanyang tingin nang marinig ang sinabi ni Celine. Mataray na binelatan ng anak niya nasa dalampasigan ang kaklase nito. “Celine!” malakas ang boses niyang sita at binitawan ang pamaypay sa tabi ng iniihaw na barbeque at nilapitan ito. “Hindi ba sinabi ko sa ‘yo na huwag kang magsasalita ng ganyan.” Mabilis itong nagtago sa matabang si Jorus nang nagkunwari siyang naghahanap ng pangpalo rito. “T-Tita, hindi po kasalanan ni Celine,” kanda-iling si Jorus, ibinuka pa ang magkabilang kamay para huwag niyang mapalo ang pilyang bata. “Ako po unang nang-away sa kanya.” Bumalik siya sa ginagawa matapos paningkitan ang batang mataba. Akala niya ay madadala ito sa ginawa niya ngunit talagang pi
PERFECT MISTAKE 21 “Dyan lang,” turo niya kay Thor—Dwight, sa harap ng boarding house nila. Nakapatong ang ulo ni Dhenaly sa kanyang mga hita habang nasa backseat silang dalawa. “You have a nice home,” komento nito nang tuluyang makababa sila. Their boarding house is not nice as their previous home but she and Celine were comfortable. Gawa sa kahoy ang dalawang palapag na bahay. Habang nasa kabila naman ang bungalow type na bahay nina Jorus. Ang lokasyon ay nasa pagitan ng matataas na bundok at dagat. “Oo. Preskong-presko pa ang hangin.” “Let me,” parang bulak sa gaan na binuhat nito si Dhenaly, habang siya ay parang magigiba na ang kanyang balikat habang nakaalalay rito. Pinapasok nia si Dwight sa loob ng boarding house. Ipinalapag niya kay Dwight sa shared living room nila ni Dhenaly ang babae. “Thank you, Dwight.” Inayos nito sa pagkakahiga sa upuan si Dhen bago siya tiningnan. “
PERFECT MISTAKE 22 Maluha-luha ang babae nang maubos nito ang isang baso ng tubig na inabot niya rito. Nag-thumbs up ito sa bata. “Siyam ang buhay ko.” “Parang cat?” hagikhik ni Celine. “Oo. Parang pusa. Tapos na ako. Balik na ako sa taas, sakit ng ulo ko.” Sinundan niya ang babae palabas ng kusina. “Dalhan kita ng gamot.” “Hindi na,” kanda-iling ito at parang nagmamadali. “Itutulog ko na lang.” Hinayaan niya na lang ang kaibigan dahil sanay naman na siya na kapag may hang-over ito ay nagkukulong lang sa kwarto. “Ano nga po, Uncle?” kulit na naman ng anak niya. “Celine, tama na ‘yan. Ubusin mon a ‘yang kinakain mo. Magbubukas pa tayo ng tindahan.” Humihingi ng pasensyang tiningnan niya si Thor dahil sa mga pinagsasabi ni Celine. Sumunod naman ang bata sa sinabi niya kaya nakahinga siya ng maluwag. Akala niya ay okay na. Iyon pala ay maaalala ulit ng bata an
PERFECT MISTAKE 23 Wala siyang kaplano-planong bumalik. Ngunit nang may nagpadala ulit sa kanya na mensahe makalipas ang limang araw, doon na siya kinabahan. Revamonte Tradings is not joking! Nagpadala ng kopya ang abogado na nagsampa ng kasong breach of contract sa kanya. May nakalagay pa na papadalhan siya ng kopya ng isinampang kaso. Isa lang ang ibig sabihin niyon, alam ng mga Revamonte kung nasaan sila ni Celine. Hindi mangingimi si Chairman na ipakulong siya sa oras na hindi siya bumalik. “Bye po, Nanay Dhen. Ba-bye Jorus. Classmate ulit tayo sa school,” nakakurba pababa ang bibig ni Celine nang nagpaalam ito. “Bye po, Lola Francia. Ma-miss kita.” “Ma-miss rin kita, Apo. Pati na rin itong si Juros.” Hindi umimik si Jorus bagkus ay yumuko ito. “Huwag ka ng mag-cry Jorus-taba. Bati na tayo eh.” Lumapit rito si Celine at niyakap ang kaibigan. Saka pa lamang nila narinig ang pigil na pigil na
PERFECT MISTAKE 24 “Sinusuhulan niyo po ba ako?” galit niyang tanong. Kuyom ang kamaong tumayo na rin siya. “Sinusuhulan niyo ba ako para maging kawawa na naman at magtiis para sa kapatid mo?” Walang reaksyon si Kien Massimo sa pag-aalburuto niya kay tumuloy-tuloy na siya. “Kung akala niyo mabibili niyo ulit ako, nagkakamali kayo ng pamilya mo. Ako ang biktima, bakit ako ang magtitiis?” “Then don’t be a victim again. Tanggapin mo ang posisyon, akong bahala sa ‘yo.” “Sir,” matigas niyang banggit. Mainit na ang gilid ng kanyang mga mata. “Mahirap lang ako, walang nanay. Pero hinding-hindi na ako papayag na gamitin niyo ulit ako. Iyong kapatid mo ang may malaking kasalanan sa akin, bakit kailangan ako ang magtiis.” Sa gilid ng kanyang mga mata, nakita niya ang maingat na paghilang muli ni Amelia kay Celine pabalik ng kusina para humingi ulit ng cookies. “Bakit ang selfish-selfish ng pamilya mo? Baki
PERFECT MISTAKE 25 “Areku po!” irit ni Celine nang pinong kurutin niya ito sa baywang. “Sinong nagsabi sa ‘yo na kawawain na ‘yan?” sita niya rito habang kaswal na itinabing ng mabuti ang kurtina sa bintana. “Napanood ko lang naman po, Mommy. Saka papaiyak niya ako dati, gaganti lang naman ako.” Dismayadong napatapik siya ng sariling noo. “Kalimutan mo na ang nangyari. Ang bata-bata mo pa, marunong ka ng gumanti.” Ipokrita. Isa siyang malaking ipokrita sa mga pinagsasabi niya. “Come on. Do’n ka na lang sa kitchen manood ng cartoons. Samahan mo ako magluto.” “Okay,” sagot nito at kumapit na sa kanya. Naniningkit ang kanyang mga mata nang ngiting-ngiti si Celine nang tumingala sa kanya. This little devil has something in her mind, that’s for sure! Umupo si Celine sa may katamtamang laking mesa na kainan nila habang siya naman ay bumalik sa harap ng kalan. Aka
PERFECT MISTAKE 26 “Good morning, Sir, Ma’am.” Taas-noo si Rosemarie habang naglalakad kasabay si Kien Massimo sa lobby ng Revamonte Tradings’ Building. Ang mga matatabil na dila ay hindi napipigilan na pag-usapan siya. Ngunit literal na wala na siyang pakialam roon. Isa na siya sa mga bise-presidente ng kompanya, hindi na lang basta sekretarya ng kung sino. “Oh my God! Si CEO naman ba ang target niya ngayon?” Singhapan ang mga tao sa paligid nang pumasok siya sa elevator na eksklusibo lamang para kay Chairman, CEO at mga bise-presidente ng kompanya. “Jada will have her birthday party this coming Saturday,” wika ni Kien Massimo. “My wife wants you and Celine to be there. We think it’s time for Celine to meet her cousins.” Hindi ba’t parang kapag pumunta sila ay ikino-konekta niya na naman ang mga buhay nila sila sa pamilya nito. Mukhang nabasa ni CEO Revamonte ang iniisip niya. “Don
EPILOGUE 8 YEARS LATER “Happy Birthday, Baby!” “Thank you, Mom.” Masuyo niyang hinawakan ang pisngi ni Celine at mangiyak-ngiyak na nagsalita. “You’re so grown up now. Where did the years go? Eighteen ka na. Sa susunod, magkaka-boyfriend na. Mag-aasawa, magkaka-baby na rin.” “Mom,” reklamo ni Celine sa kanya. “You’re so advance naman mag-isip. Emosyonal na pinunasan niya ang mga luha at natawa. It’s Celine’s eighteenth birthday. Hinandaan ng engrandeng debut ang panganay na apo ng mga Revamonte sa mansyon. Ang ganda-ganda ng baby Celine niya sa yellow ball gown nito. Parang prinsesa. Datil ang ang liit-liit pa lang nito at iyak nang iyak. Sinasabayan niya pa dahil hindi siya marunong mag-alaga ng bata nang mga panahong iyon. Datil ang ang kulit-kulit nito, pilyang-pilya at nakikipagrambulan sa mga kaklase noong grades school. Pero ngayon, malaki na si Celine, Responsible, matalino, hindi siya bi
PERFECT MISTAKE 55 Killian smiled at Celine when the little girl saw him in front of her classroom. Nanunubig ang mga matang nagtatakbo ito papunta sa kanya. “Daddy!” hagulhol ni Celine nang literal na itinapon nito sa kanya ang sarili para yakapin siya ng mahigpit. “Hey,” puno ng lambing na hinaplos niya ang buhok ng kanyang anak. His baby. Celine is his. Totoong sa kanya at hindi lang dahil gusto nitong maging daddy siya. Bakit hindi niya agad na anak niya si Celine? Noon pa man naramdaman na niya ang lukso ng dugo rito nang unang beses nilang nagkita. Pero inisip niya na dahil lang kapatid niya rin ito sa ama. Hindi ito kay Castiel nagmana, sa kanya. Siya ang kamukha ng baby niya at hindi ang daddy niya o si Nadia. “Daddy, thank you po sa pagpunta. Sama ka na po sa akin sa house.” Maingat niyang iniluhod ang isang tuhod sa lupa at pinakatitigan ang anak. Mine-memorya niya ang mukha ni Celine
PERFECT MISTAKE 54 Nangingig pa ang mga kamay ni Rosey nang kunin niya ang inabot ni Thor na panyo upang punasan ang kanyang mga luha. “You okay?” mahinahon nitong tanong sa kanya at bahagya pang yumuko upang silipin siya. Sumigok-sigok pa siya bago tumango sabay punas ng luha. Kapagkuwan ay tiningala niya ang lalaki, humihingi ng pasenysa ang mga mata. Thor chuckled and pinched her cheek. “It’s fine.” Nag-init ang kanyang mga pisngi. Hinalikan niya na lang basta si Thor kanina. “S-Sorry, Thor. B-Baka magalit… ako na lang ang magpapaliwanag sa kanya.” “It’s fine, Rose. Sasabihin ko naman na sa kanya. If ever there is a problem and I need your help, tatawagan kita.” He blew a hard breath and laughed again. “At least, tapos na ako sa utos ni Kien Massimo. One down, more to go from others.” Naawa kay Thor na lumabi siya. “Okay lang ba sa ‘yong inuutus-utusan ka ng mga ‘yon?
PERFECT MISTAKE 53 Hindi mapakali—pabalik balik sa paglalakad si Killian habang hinihintay na magising si Rosemarie. Tuluyan itong hinimatay sa taas ng lagnat. He felt so guilty taking her multiple times despite he knew the woman was unbelievably tight. Obviously, his flower doesn’t have any sexual intercourse for years. Halos maulol siya nang madiskubre iyon. Hindi niya napigilan ang sarili na angkinin ito nang paulit-ulit. Adik na adik siya, kaunting galaw lang nito kagabi sa tabi niya, nabubuhay ulit ang init sa kanyang katawan. Gadamnit! He’s addicted and so in love with her. Papakasalan niya na ito, wala na talaga siyang pakialam kung may nakaraan ito at ang daddy niya. Babanggain niya ang lahat ng tututol. H umalik siya sa noo ni Rose bago napagdisisyunang kukuha lang saglit ng kape sa labas. Wala pa siyang kahit almusal man lang. Sinugod niya agad si Rosey sa hospital nang makitang nagdidiliryo
PERFECT MISTAKE 52ESPEGEE!!! Small moans were coming from Rosey’s mouth while Killian’s long fingers rubbed her femininity. Every move of his fingers creates an unexplainable sensation. “Wet. D-mn wet,” may gigil nitong bulalas habang nasa ibabaw niya. Katulad nang kung paano ito nanggigil kanina nang makitang magkasayaw sila ni Dwight sa dance floor. In front of the guest, he rudely stole her from Dwight’s arms and dragged her out of the hall. Natagpuan na lang niya ang sarili na nakikipagpalitan ng maiinit na h alik dito sa loob ng kotse—sa parking lot. Iniyakap niya ang mga braso sa leeg ni Killian. Dumilim ang mga mata nito sa pagnanasa nang kusa niyang iginalaw ang balakang upang ikiskis ang sarili sa daliri nito. “Uh…” Umuklo ito sa kanya hanggang sa lumapat ang mainit nitong labi sa kanyang leeg. She heard him sniff before s ucking the most sensitive part of her neck. “Ahh…” Inilipa
PERFECT MISTAKE 51.2 Kung hindi pa sumulpot ang staff sa bungad ng veranda, hindi pa makakalma si Nadia. Mahigpit siya nitong niyakap habang panay ang sabi ng ‘sorry’ sa kanya. “Our guest arrived, Ma’am Nady.” “Thank you, Gine. Handa na rin ba ang cake?” parang walang nangyaring balik sa pagiging sopistikada ang ekspresyon ng kapatid ni Killian. “Yes, Ma’am. Two different flavors just like what you instructed to us.” Nang tuluyan silang makapasok sa loob, narinig niya agad ang masaya ngunit umiiyak na boses ni Tita Joana. Napakurap-kurap siya nang makita niya ang dalawang babaeng magkamukhang-magkamukha. Pareho silang nakanganga ni Celine sa dalawang babae habang palipat-lipat ang tingin sa mga ito. “Mommy, bakit po dalawa ang Mama-Ganda? Panaginip ba ‘to?” “Kismo,” tawag ng babae—na sigurado siyang si Tita Joana dahil sa suot nito—matapos humiwalay sa mahigpit na yakap ng kakambal. “Thank you so much for bringing her to me.” Ma
PERFECT MISTAKE 51.1 It’s Joana Revamonte’s birthday. Sa Almeradez Hotel piniling mag-celebrate ng ginang. Tinawagan nito si Rosey nang nakaraan para sabihing na dumalo siya at isama si Celine. Ilang buwan na rin na hindi sila nag-uusap ng babae. Minsan, naiisip niya na galit din ito sa kanya dahil tinawag niya itong makasarili. Napagtanto niyang mali siya roon. Dahil kahit sinong ina ay magiging makasarili para sa kapakanan ng anak. “Wow, Mommy. I love the lights.” Mahina siyang natawa at hinaplos ang buhok ni Celine. “That’s chandelier, Baby. Di ba may ganyan din sina Papa-Uncle mo?” “Opo, pero hindi ko pa nakikitang may light.” Hinawakan niya ang kamay ni Celine nang pumasok sila sa entrada ng Almeradez Hotel. “Mama Ganda,” excited na sigaw ni Celine at sinalubong ng yakap ang birthday celebrant. “Hey, Celine. Ang ganda naman ng baby ko.” Yumuko ang ginan
PERFECT MISTAKE 50 “Where have you been?” tanong ng malamig na boses sa kanyang likuran. Kalmadong kinuha niya ang bag sa backseat ng kotse at hinarap si Killian na prenteng nakasandal sa poste ng teresa ng kanyang bahay. “Nag-overtime ako. Nasaan si Celine?” Humithit ito sa sigarilyong may sindi na nakaipit sa daliri nito. “You’ve been working overnight theses past few days. Don’t you think you’re being a good example to our daughter?” “Nag-usap na kami tungkol dito dati pa.” Dumaan siya sa gilid nito bago pa man makasagot sa kanya. “Celine understands you,” sunod nito hanggang kusina, “but how long? Pati umaga hindi ka na niya nakikita. You always leave early.” “Ang dami kong trabahong inaasikaso, Kil.” Nagtataka siya kung bakit katulad niya, nanatiling kalmado ang boses ni Killian. Parang pigil na pigil na maging galit ang tono. “Have you eaten?” Napapiki
PERFECT MISTAKE 49.2 “Daddy, bakit po tulala ikaw?” Umakyat si Celine sa kandungan niya habang nakahiga siya sa lounge chair kaharap ng malawak na dagat. “Kanina pa po ako salita nang salita, hindi ka naman nakikinig sa akin.” Bumangon si Killian at inayos si Celine sa pagkakaupo nito. “Sorry, Peanut. Where’s your mom?” “Hindi pa po nalabas sa villa.” Tumingala ito na parang nag-iisip. “May sakit po si Mommy ko, Daddy? Hindi po kasi siya nagi-smile. Tapos iyong lakad niya parang pilay siya. Masakit ba body niya?” Hindi agad nakapagsalita si Killian. Titig na titig siya kay Celine. May kung ano sa kanya na hinahanap sa mukha ng bata. Subalit, kahit anong titig niya rito ay hindi niya masabi kung ano. There’s something in him that wants to confirm about Rose’s reaction through Celine. “Daddy,” may tono na ang reklamo ni Celine. Kulang na lang ay pumadyak ito. “You and Mommy are so weird talaga po t