Home / Romance / Marrying The Boss For Revenge / Chapter 2 - Words I'll Regret Soon

Share

Chapter 2 - Words I'll Regret Soon

last update Last Updated: 2022-02-17 08:31:09

After 3 months ng pagtitiis sa university, nakagraduate na din kami sa wakas. Akala ko pag nakatapos at may diploma kana mabilis ka ng makakahanap ng trabaho. Pahirapan pa din pala kahit after college.

"Isang buwan palang naman. Baka malay mo matawagan na din tayo soon." Sabi ni Nessa sabay subo ng cheesecake na inorder niya. Nasa cafe kami ngayon, kakagaling lang namin sa pagpapasa ng resume sa isang kilalang Hotel dito sa lugar namin. Tinanong nila kami ng kaunti about ourselves tapos ang sabi tatawagan nalang daw kami for interview pero parang malabong mangyari yun base sa uninterested nilang itsura kanina.

Sumasakit ang ulo ko kakaisip ng paraan paano magkakaron ng backer para mas mapabilis ang paghahanap namin ng trabaho ni Nessa, pero itong babae naman na 'to puro lamon lang ang ginagawa. Teka...

"Hoy Nessa, may contact ka pa ba kay Enzo?" Tanong ko sakaniya. Halata namang nagulat siya sa sinabi ko dahil napatigil siya sa pagsubo ng kinakain niya. Si Enzo yung ex niya from months ago, or let's say nakafling niya lang. After niyang malaman na may girlfriend pala 'tong si Enzo ay tinigilan na niya yung pakikipagcommunicate sa tao. Pero bakit ko tinatanong kung may nagkakausap pa sila? Para sa backer.

"Hindi ba sa SDC Logistics nagtatrabaho ngayon yun?" Sabi ko. Halatang speechless si Nessa sa sinabi ko.

"Try lang natin, baka matulungan niya tayong makapaso-"

"Baliw kana ba, Tori??" Medyo napataas ang boses niya kaya nagtinginan ang ibang customer ng cafe samin. Sabi ko nga e, hindi pwedeng ibalik pa ang nakaraan hays.

"Hindi ko na kakausapin ang lalaking yun. After niya ako paasahin? No way in hell!" Maktol niya sabay subo ng malaking piece ng kinakain niya.

"Try lang naman e, baka malay mo hindi pa pala siya nakakamove on sayo?" Pag-uudyok ko kay Nessa. She looked at me dead in the face tapos tinuro ako ng tinidor na gamit niya.

"Ikaw babae. Pinaglihi ka ba sa hindi makaintindi at taong walang empathy? Palibhasa never ka nainlove kaya hindi mo alam yung pakiramdam ng maheart broken e." Sabi niya irap sakin. Tinignan ko lang siya at iniimagine na isinusungalngal sakaniya yung cake kasi ayaw niya akong tulungan. Napabuntong hininga nalang ako habang pinaglalaruan yung cheesecake ko na hindi ko man lang nagalaw.

"Hindi ka mayaman, h'wag mong paglaruan yan." Pagalit ni Nessa sakin.

"Pakialam mo ba, pagkain ko 'to." Sinamaan ko siya ng tingin pero sinalubong nya din ako nga masamang tingin. In the end, ako yung talo kasi mas war freak sakin 'tong babaeng 'to. Baka biglang mag iskandalo dito sa cafe. Kinain ko yung cheesecake ng masama sa loob.

"Bakit ba nagmamadali ka? Sure enough matatawagan din tayo sa mga inapplyan natin." Sabi ni Nessa. Kinuha niya yung listahan ng mga prospect naming companies at tinignan ang mga yon habang ngumunguya.

Nakaka-anim na companies na kami sa listahan na 'yon pero ni isa wala pang may update sakanila.

"May napansin ako." Sabi ni Nessa kaya naman napatingin ako sakaniya ng walang gana. Ibinaba niya ang notebook ko na pinaglilistahan ng mga pangalan ng sikat na companies at tinuro ang pinakauna na nakasulat sa listahan, then she slided her finger all the way down to the last.

"Bakit iisa lang 'yang mga yan?" Tanong niya sakin. Kinunutan ko siya ng noo.

"Anong pinagsasabi mong iisa? Magkakaiba yan oh." Pagtataray ko sakaniya. Tinignan niya ako tapos ibinalik niya ang tingin sa listahan.

"Iisa lang lahat ang may-ari ng mga companies na yan. Ano yun, coincidence?" Sabi ni Nessa. Bigla akong natahimik sa sinabi niya at iniwasan ang tingin ng mga mata niya. Ako ang naglista ng mga companies na 'yon, at ako ang nag-aya kay Nessa na mag apply kinabukasan after ng graduation namin noon.

"Sabi na nga ba e." Ang seryoso ng boses niya. Napatingin ako sakaniya at mas seryoso pa sa boses niya ang mukha nya. H'wag niya sabihing alam na niya?

"Pangarap mong makapasok sa company na pag mamay-ari ng mga Dela Cruz, ano?" I was dumbfounded sa sinabi niya. Ano daw?? Pangarap? Yuck!

"Hindi mo naman agad sinabi sakin. Alam mo namang suportado kita sa pangarap mo, 'di ba? 6 years of friendship, ngayon lang kita nakitang magkaroon ng pangarap. Alam mo ba 'yon?" Nakatingin lang ako kay Nessa. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakaniya ang totoo, pero well wala naman akong balak sabihin sakaniya ang tunay na goal ko. Hindi pa sa ngayon, ayokong madamay siya sa mga mangyayari. Pero since ganyan na din naman ang iniisip niya, baka pwede ko na siyang mapakiusapan na tawagan si Enzo?

"Oo, bes. Kahit saan man lang jan sa companies nila. Sobrang naamaze talaga ako sa entrepreneurial skills ni Mr. Dela Cruz kaya pinangarap ko talagang makapasok sa kahit na ano sa companies niya. Kaso ang hirap pala. Hindi ko tuloy alam kung worth it pa bang ipagpatuloy 'tong pangarap na 'to." Pagdadrama ko sabay tumingin ako sa labas. Nag-internalize ako ng kaunti para mateary eye ako. Please, napaka iyakin kong tao, h'wag naman sana akong biguin ng mga luha ko kung kailan ko sila kailangan.

"Siguro, ito na nga yung sign. Nawawalan na din ako ng pag-asa talaga Nessa." Sabi ko sabay tingin sakaniya. Nakatingin lang siya sakin at halatang benta sakaniya ang pagdadrama ko ngayon. Nagpapabalik-balik ang tingin niya sakin tsaka sa cellphone niya. I needed to throw my final blow.

Huminga ako ng malalim at paobvious na nagpunas ng mata. Kinuha ko ang mga resumes ko, ganon din ang notebook na pinaglilistahan ko ng mga kumpanya ng Dela Cruz. Pinunit ko ang page ng listahan ang nilukot 'yon. Inilagay ko ang notebook sa loob ng bag ko kasama ang mga nakatuping resumes. Pinapanood lang ako ni Nessa sa mga ginagawa ko. Tumingin ako sakaniya at nginitian siya ng kaunti.

"Tara na, uwi na tayo. Medyo nakakapagod ang araw na 'to. Gusto ko na magpahinga." Sabi ko sakaniya. Tumayo ako sa pagkakaupo pero hindi pa din gumagalaw si Nessa. Alam kong nag iisip na siya ngayon ng kung ano ang pipiliin niya. Dahan dahan akong gumalaw para abutan ko pang magbago ang isip niya. Nakalagpas ako sa inuupuan niya ng bigla siyang magsalita.

"Hay nako, oo na! Tsk. Kung hindi lang talaga kita mahal." Napangiti ako. Nilingon ko siya matapos kong ibalik ang malungkot kong expression.

"Anong ibig mong sabihin?" Mahina kong tanong sakaniya. Kinuha niya ang cellphone niya at binuksan 'yon.

"Umupo ka na ulit dito. Susubukan kong tawagan si Enzo." Napangiti ako ng malapad.

"OMG? Seryoso? Waaah Nessa! Salamat salamat talaga!" Sabi ko sabay yakap sa kaibigan ko pero itinulak niya ako pabalik sa pagkakaupo sa harapan niya. Halatang napipilitan ang mukha niya pero she's doing it anyway. Okay na 'yon. Kailangan na talaga namin ng kapit kung gusto naming makapasok. Nakadikit ang cellphone sa tenga niya habang nakatingin siya sa labas ng cafe. Napapakuyakoy naman ang paa ko sa paghihintay.

"Hello?" Biglang nagsalita si Nessa sa boses ng isang dalagang binibini. Mukhang sumagot sa tawag si Enzo.

"Hi. Uhm Enzo? Oo, si Nessa 'to. Kamusta?" Hindi ko mapigilang mapangiti. Naeexcite ako, hindi ako sigurado pero malakas ang kutob ko na makakatulong samin si Enzo.

"Ah yes. Actually graduate na. Looking for work na nga e hahahahaha." Sabi ni Nessa. Pinigilan ko ang sarili kong h'wag tumawa sa pagbabalat kayo ng kaibigan ko. Kanina akala mo kung sinong dragon magalit, ngayon naman hindi makabasag pinggan ang boses. May dual personality ata 'tong kaibigan ko e.

"Hiring sainyo?" Sabi ni Nessa habang pinagdidilatan ako. Ito na! Jusko sabi na nga ba hindi ako nagkamali. Makamandag pa din talaga ang pabebeng boses ni Vanessa!

"Sige sige. Teka kukuha lang ako ng papel." Sabi niya habang nanghihingi sakin ng papel at panulat. Mabilis kong inilabas ahg notebook at ballpen ko. May isinulat siya na email address at cellphone number, sa taas noon sinulat niya ang Administrative Department Head na posisyon.

"Okay, sige sige. Salamat ng madami Enzo. Let's see each other sometime." Sabi niya sa mapang-akit na boses sabay ngiti sakin na parang sinasabi na "learn from the master, bitch". Inirapan ko lang siya sabay tawa.

"Tomorrow? Sure. Sige sige. Just text me nalang. Bye bye." Sabi niya sabay tumawa pa ng mahinhin sa dulo. Pagkababang pagkababa niya ng tawag ay bumalik na ang DragoNessa.

"Masaya kana?" Sabi niya sakin habang nakadeadpan. I clapped slowly.

"Wow. Iba ka talaga, makamandag ka." Sabi ko acknowledging her. Hinawi niya naman ang buhok niya sa balikat at ngumiti. Tinuro niya ang isinulat niyang email address at number.

"Kailangan nating iedit yung resumes natin. Idadagdag natin sa character reference si Enzo. Ewan ko nalang kung hindi tayo makapasok niyan.

Kinabukasan, nakaready na ako. Edited na and printed na din ang requirements. Handa na akong sumugod sa head office ng SCD Logistics para mag-apply pero parang yung isa hindi pa ata. Anong oras na, mataas na ang araw wala pa ding paramdam. Nagsusuot ako ng sapatos ko ng makatanggap ako ng text. Galing kay Nessa. Hindi daw siya makakapunta kasi inaatake ng dysmenorria.

I dialed her number. And with few more rings she answered. Halata sa boses niya ang pain. Naiimagine kong namamaluktot na sa sakit 'tong babaeng 'to. Paano na? May date pa naman ata sila ni Enzo mamaya.

"Hoy anong nangyari sayo? Uminom kana ba ng pain reliever?" Sabi ko habang chinecheck ang mga gamit ko. Nang macheck kong kumpleto na ng mga dadalhin ko ay dumeretso na ako sa may pintuan.

"Oo. Kaso ang sakit pa din. Tori, gusto ko nalang maging lalaki sa next life ko. Ayoko na, ang sakit sakit." Pagrereklamo niya sa kabilang linya.

"I doubt. Gustong gusto mong pinapasukan ka e." Pagbibiro ko. Lumabas ako ng unit ko at nilock ang pinto. Bumaba ako at ng 2nd floor at lumabas na ng apartment complex na siyang tinutuluyan ko.

"Hoy! Napakadumi mo Victoria!" Nailayo ko sa tenga ang cellphone ko. Namimilipit na't lahat napakalakas pa din sumigaw hahahahahah.

"Pinapasukan ng pera sa gcash. 'Di ba yung mga AFAM na nabibingwit mo online pinapadalhan ka ng pera? Ano bang nasa isip mo ha?" Sabi ko habang tumatawa. Kung ano anong mura ang natanggap ko mula kay Nessa hahahahahah.

"Paano yan? Nagsabi ka na ba kay Enzo?" Tanong ko sakaniya. Narinig kong naggroan siya sa kabilang linya.

"Yun pa nga e. Hindi siya sumasagot sa tawag ko. Usapan namin before lunch kami magkikita." Napatingin ako sa oras, mag 11am na.

"Eh? Anong oras na oh, baka andon na 'yon." Sabi ko sakaniya.

"Pasuyo naman Tori oh. Puntahan mo siya dun sa cafe na pinuntahan natin kahapon. Tapos check mo lang if andon siya. Kung andon siya sabihin mo lang na may emergency ako kaya hindi ako makakapunta. Magpacute kana din para hindi siya mabadtrip sa 'di ko pagsipot." Sabi niya.

"Ayoko nga. Bakit ako? Itext mo nalang siya. Kung hindi niya mabasa kasalanan na niya yun." Sabi ko. Nakarating ako sa bus stop at saktong may nakatigil na bus don kaya sumakay na ako at naghanap ng mauupuan.

"Isa kang babae na walang utang na loob! Matapos tayong backeran nung tao hindi mo man lang magawang puntahan siya don para hindi masayang ang oras niya? Pinaglihi ka ba talaga sa sama ng loob ha?" Pagalit sakin ni Nessa. I rolled my eyes and sighed in defeat.

"Oo na, sige na." Sagot ko. Mabuti nalang at malapit lang din yung cafe sa pupuntahan ko kaya hindi na hassle.

"Salamats! Tsaka bilhan mo na din ako ng cheesecake, pasalubong. Bye! Love you."

"Hoy wala akong per-" but she already ended the call. Tsk napakagaling ng babaeng 'yon. 30 minutes na byahe nakarating ako sa cafe na pinuntahan namin kahapon.

Pumasok ako don para hanapin si Enzo. Maglulunch na kaya walang gaanong tao sa cafe, madalas morning or miryenda time ang peak nila e. Pumasok ako hanggang sa may dulo. Malaki kasi 'tong cafe kaya meron silang parang kabilang side pa kung saan may lamesa at upuan para sa customers. Pagpasok ko don, may nakita akong lalaki na nakawhite polo at black slacks, parang company employee na attire. Si Enzo.

Lumapit ako sakaniya at kinalabit siya, pero imbis na itsura ni Enzo ang makita ko ay ibang tao pala. Pero pamilyar na mukha pa din. Kaso masamang memorya.

"Ikaw." Galit na sabi ko sa lalaking nagnakaw ng first kiss ko. Nakatingin lang sakin, confused sa kung bakit may isang babae ang konti nalang sasapakin na siya. Nakakuyom ang mga palad ko habang nakatingin sakaniya. Tumayo siya at dun ko lang napagtanto na ang tangkad niya, hanggang dibdib lang niya ako. Pero NO! Hindi ako matatakot. Tinuruan ako ni papa ng tamang uppercut kaya kayang kaya ko siyang patumbahin kahit matangkad siya.

"Do I know you?" Tanong niya sakin. Nakakunot ang noo habang nakapamulsa pa. Napasinghal ako sa aura niya.

"Hindi mo ko naaalala?" Tanong ko sakaniya.

"Dapat ka bang alalahanin?" Tanong niya, may sarcasm at pangmamaliit sa tono ng boses niya. Eh gago palang tunay 'tong lalaki na 'to.

"Hindi ka lang pala manyakis e. Napakayabang mo pa." Pag-aangas ko sakaniya, I can see that he was offended by my words.

"Manya- Hoy. I don't even know what you're talking about. Kung modus 'to para makakuha ka ng pera, magkano bang kailangan mo?" Sumandal siya sa lamesa at inilabas ang wallet sa bulsa niya. At tangina naman talaga, napakapangit ng ugali ng isang 'to. Hindi ko matanggap na siya ang naging first kiss ko. Kinuha ko ang wallet niya at ibinato sa malayong parte ng cafe, halatang nagulat siya sa ginawa ko dahila napaawang ng kaunti ang bibig niya.

"Ang basura ng ugali mo, alam mo yun? Hindi ko alam anong klaseng kumpanya ang tumanggap sa taong katulad mo. After mong mangmanyak iisipin mong kayang bayaran ng pera yung dignidad na inapakan mo? Pinanganak ka bang gago sa mundo?" Sabi ko sakaniya. Bawat salita may diin para tablan siya kahit na mukhang napakakapal ng pagkatao ng manyakis na 'to. Tinignan niya ako diretso sa mata, medyo natakot ako pero I stood my ground. Mukha namang tinatablan siya sa mga sinasabi ko.

"Pinagmamalaki mo 'yang pera mo? Bakit kasi malaki kinikita mo? Nakakahiya yang pinagtatrabahuhan mo, nagpapasweldo sila ng taong katulad mo." Sabi ko sakaniya sabay tinalikuran ko siya at lumabas na ng cafe.

"Argh!" Hindi ko mapigilan ang sarili ko mainis sa ginawa ng lalaki na 'yon. Habang naglalakad pinagtitinginan ako ng mga tao dahil sa salubong ang kilay ko pero ng matanaw ko na ang SDC Building ay tumigil ako saglit para huminga ng malalim at kalmahin ang sarili ko. Walang dapat makasira sa araw na 'to. Dapat maipasa ko ang exams, dapat maging perfect ang interview.

Pumasok ako sa loob at nagtanong sa front desk kung saan tutungo ang applicants. Itinuro nya sakin ang daan kaya naman pumunta na agad ako doon. Maaga ako ng 20 minutes kaya dumaan ako saglit sa Comfort Room para mag ayos. Habang nag reretouch ako ng make up at nag aayos ng buhok ay may pumasok na dalawang employees, halata base sa ID Lace na suot nila. Ngumiti ako ng magalang at nagbow ng kaunti bilang pagbati. Mukhang natuwa sakin yung isang babae kaya nag hello pa siya sakin bago pumasok ng cubicle.

"Applicant ka? Saang company ka galing?" Tanong nung isa na naghihintay. Sinamahan niya lang siguro yung isang pumasok sa cubicle.

"Ah fresh graduate po ako." Sabi ko ng magalang sabay ngiti. Kung may ikatutuwa ako na nakuha ko attitude kay Nessa, ito na ata yun.

"Ohh, fresh grad. Kinakabahan ka ba? First time interview?" Tanong niya sakin habang nakangiti. Nasa mid 30's na siguro siya at mukhang mabait.

"Opo medyo po hahaha. Hindi naman po ito ang una, pero kinakabahan pa din po ako e hahahaha." Sabi ko. Narinig naming nagflush ang toilet sa cubicle at lumabas na ang isa pang empleyado.

"Nako neng, h'wag kang kabahan. Kaming dalawa lang ang mag iinterview sainyo ngayon." Sabi niya, kapag sinuswerte nga naman. Pwede na akong magpa-impress agad sa mga mag iinterview sakin.

"Ayy hello po." Sabi ko nang sabihin nila sakin na sila ang incharge saming applicants.

"Maswerte kayo, actually dapat ang future CEO ang mag-iinterview sainyo ngayon. Kaso bigla siyang umuwi." Sabi ng nauna kong nakausap kanina. Bigla akong kinabahan, muntik ko na pala makaharap ang final boss. Mabuti nalang talaga at safe ako ngayon.

"Hala, kinabahan po ako lalo don pero buti nalang hahaahahah." Sabi ko.

"Una na kami sayo neng ha, good luck sa exams!" Sabi nila at lumabas na ng comfort room. Naiwan akong mag-isa sa banyo. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at huminga ng malalim.

Ito na yung araw na hinhintay ko. I spent 7 years preparing for this. Kailangan kong makuha ang trabaho na 'to para sa mga magulang ko. Para masimulan ko na ang matagal ko nang pinaplano.

Related chapters

  • Marrying The Boss For Revenge   Chapter 1 - The Guy at the Restaubar

    Sunday shift. Sobrang daming tao kanina dito sa restaubar kaya naman sobrang dami din halos ang lilinisin ko. Bakit ba kasi nakipagpalit ako ng shift kay Nessa? Ayan tuloy ako pa ang maglilinis at magsasara nitong store. May pasok pa ako bukas ng 7am pero mag aalauna na andito pa ako. "Lagot ka talaga sakin bukas Nessa." May sama ng loob kong banggit habang ibinabalik na sa lagayan ang mga platong nahugasan ko na. Kakaunti ang staff namin kaya ngayong closing, ako nalang ang natira. Dapat si Nessa 'to e kaso sabi niya may emergency daw siya kaya nagmakaawa siya sakin na magpalit kami. Tapos malaman laman ko nakipag date lang pala sa boyfriend niya. Argh! Nakakabanas. Matapos kong maghugas at linisin ang kusina ay kumuha ako ng alak sa fridge para pakalmahin ang sarili ko. Isang bote lang naman, bago ako umuwi. Ito naman ang advantage kapag closing ka, dahil mabait ang boss namin ay allowed kami na kumuha ng gusto namin habang naglilinis. Umu

    Last Updated : 2022-02-17

Latest chapter

  • Marrying The Boss For Revenge   Chapter 2 - Words I'll Regret Soon

    After 3 months ng pagtitiis sa university, nakagraduate na din kami sa wakas. Akala ko pag nakatapos at may diploma kana mabilis ka ng makakahanap ng trabaho. Pahirapan pa din pala kahit after college. "Isang buwan palang naman. Baka malay mo matawagan na din tayo soon." Sabi ni Nessa sabay subo ng cheesecake na inorder niya. Nasa cafe kami ngayon, kakagaling lang namin sa pagpapasa ng resume sa isang kilalang Hotel dito sa lugar namin. Tinanong nila kami ng kaunti about ourselves tapos ang sabi tatawagan nalang daw kami for interview pero parang malabong mangyari yun base sa uninterested nilang itsura kanina. Sumasakit ang ulo ko kakaisip ng paraan paano magkakaron ng backer para mas mapabilis ang paghahanap namin ng trabaho ni Nessa, pero itong babae naman na 'to puro lamon lang ang ginagawa. Teka... "Hoy Nessa, may contact ka pa ba kay Enzo?" Tanong ko sakaniya. Halata namang nagulat siya sa sinabi ko dahil napatigil siya sa pagsubo ng kinakai

  • Marrying The Boss For Revenge   Chapter 1 - The Guy at the Restaubar

    Sunday shift. Sobrang daming tao kanina dito sa restaubar kaya naman sobrang dami din halos ang lilinisin ko. Bakit ba kasi nakipagpalit ako ng shift kay Nessa? Ayan tuloy ako pa ang maglilinis at magsasara nitong store. May pasok pa ako bukas ng 7am pero mag aalauna na andito pa ako. "Lagot ka talaga sakin bukas Nessa." May sama ng loob kong banggit habang ibinabalik na sa lagayan ang mga platong nahugasan ko na. Kakaunti ang staff namin kaya ngayong closing, ako nalang ang natira. Dapat si Nessa 'to e kaso sabi niya may emergency daw siya kaya nagmakaawa siya sakin na magpalit kami. Tapos malaman laman ko nakipag date lang pala sa boyfriend niya. Argh! Nakakabanas. Matapos kong maghugas at linisin ang kusina ay kumuha ako ng alak sa fridge para pakalmahin ang sarili ko. Isang bote lang naman, bago ako umuwi. Ito naman ang advantage kapag closing ka, dahil mabait ang boss namin ay allowed kami na kumuha ng gusto namin habang naglilinis. Umu

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status