Beranda / Romance / Marrying My First Love / Kabanata 2 Komportableng Estranghero Sa Bahay Ko

Share

Kabanata 2 Komportableng Estranghero Sa Bahay Ko

Penulis: Leigh Green
last update Terakhir Diperbarui: 2024-10-29 19:42:56

Ininat ni Alexandra ang kanyang mga braso at humikab ng malalim. Inalis niya ang night mask na ginagamit niya sa pagtulog mula sa kanyang mga mata. Medyo madilim pa sa labas. Tiningnan niya ang kanyang alarm clock. Alas kuwatro pa lang ng umaga.

Umalis siya sa higaan at pinalitan ang suot niyang pajamas ng damit pang-exercise. Isang pares ng itim na jogging pants na may pink linings ang pinair-up niya sa isang black pink na jacket. Sinuklay niya ang mahaba at itim niyang buhok at ipinusod ito sa isang ponytail habang nakaharap sa salamin. Saka tiningnan ang sarili sa salamin. Ang kanyang hazel-brown na mga mata ay bumalik ng tingin sa kanya.

Pagkatapos kinuha niya ang isang pares ng medyas at isuot ito sa kanyang mga paa. Naglakad siya sa fluffy sleepers niya at pumunta sa front door at isinuot ang kanyang running shoes. Habang sinusuot niya ang sapatos, si Smarty naman ay nakamasid sa kanya naghihintay sa may pintuan ng salas.

Palagi niyang kasama si Smarty sa kanyang early morning jogs. Tatakbo sila paakyat sa munting bundok kung saan ang bahay niya ay labindalawang kalye ang layo. Mahigit isang oras ang kailangan para marating ang tuktok at isang oras uli pababa. Kaya meron siyang malusog na dalawang oras na pagjo-jog araw-araw. Pero meron ding mga oras na lumiliban siya sa pagjo-jog. Halimbawa kung tinatamad siya or kung dumating ang first period niya.

Nang lumabas si Alex ng bahay, hindi pa bukang liwayway. Madilim pa rin ang langit ngunit maputla at malarosas ang guhit tagpuan ng langit at bundok. Maaaring sa sunod na sampung minuto, naisip niya. Si Smarty ay nasa tabi niya habang masiglang kumakawag ang buntot.

“Halika na, Smarty. Oras na para ibinat natin ang ating mga binti para sa morning jog,” masigla niyang turing sa aso habang inuunat ang mga braso at binti. Nagsimula siyang tumakbo sa gilid ng daan.

Siya pa lang ang tumatakbo. Nag-iisa. Bakante ang daan. Wala pang ibang tao. Sabagay lagpas alas kwatro pa lang. 

Medyo malamig pa ang hangin.

Nang makarating sila sa ikalawang kalye, nakita niya ang isang lalaki na mahinang tumatakbo.

“Magandang umaga, Max!” magiliw na bati ni Alex sa lalaking nakasuot ng puting band sa ulo nang maabot niya ito.

“Ah, ikaw pala, Alex. Magandang umaga din,” matamlay nitog turing sa kanya nang bumaling ito para makita siya. Nakita din nito si Smarty at binati ang aso. “Kamusta, Smarty!”

Lumipat ang St. Bernard sa tabi nito at huminto si Max ng ilang saglit para haplusin ang aso, tapos saka siya nagpatuloy tumakbo.

“Bakit ang bagal mo ngayon, Max?” tanong ni Alex na sumasabay sa kanyang bilis.

Hindi siya sanay kay Max na mabagal tumakbo. Karaniwan kapag nagkikita sila kung nagkataon tuwing early morning jogs katulad ngayon, mas masigla silang tumatakbo habang sinusuri ang bilis ng isa’t isa.

“Napilay ka ba?”

Tanong niyang tinitingnan ang mga paa nito.

“Hindi, luka,” sagot ni Max, waksi nito sa tanong niya. “Hangover.”

Simpleng turan nito.

“Bakit hindi mo ko inimbitahan kagabi?” tanong niya. “Sinaluhan sana kita.”

“Nagpakalunod ako sa pighati ko kagabi.”

“Nag-away ba kayo ni John?” malumanay niyang tanong.

“Oo. Nalaman ko mula sa phone niya kagabi nang hindi ko sinasadyang ma-tsek na dine-date niya pa rin  pala ang dati niyang girlfriend habang kami ng dalawa ngayon," malungkot nitong kuwento.

“Ah…” turan ni Alex na walang masabi, iniisip kung ano ang susunod niyang sasabihin.

Tinapik niya na lang ang balikat nito para i-comfort habang tumatakbo sila papasok sa ikatlong kalye.

“Napakadaya niya sa akin,” dramatikong iyak ni Max subalit makikita sa mukha nito ang kalungkutan. Umiiyak ito habang sila ay nagjo-jogging.

Sanay na si Alex sa dramatikong Max at kung mas malala pa ito pero mas sanay siya dito na maingay at masayang dramatikong bakla kaysa sa malungkot na bakla na kasama niya sa morning run.

Simpatetiko siyang humarap dito.

“Makakalimutan mo rin yan,” mahinahon niyang ani.

“Pero mahal ko si John, Alex. Hindi to ganun kadaling kalimutan.”

Amin ni Max.

“Sabagay, tama ka, Max,” sang-ayon ni Alex. “Pag-usapan niyong dalawa to. Pilitin mong aminin niya sa harap ng mukha mo para hindi ka masyadong masaktan.”

“Pag-iisipan ko.” Walang gana nitong sagot.

Huminto si Alex sa kanyang pagtakbo at nilagay ang mga kamay sa kanyang baywang. Huminto rin si Max nang makita siya nitong huminto.

“Ano?” nayayamot nitong tanong.

“Hindi mo to pag-iisipan,” mariing sabi ni Alex. “Pag-uusapan niyo to.”

“Sabi ko, pag-iisipan—“ sagot ni Max na hindi tumitingin sa mata niya. Ang mga mata nito ay pahapyaw na nakatingin sa paligid nila. Mukhang malayo ang iniisip.

Nagtimpi si Alex out of frustration sa sinabi ni Max.

“Pag-usapan niyo agad,” demanda niya.

“Masyado kang bossy sakin ngayon, Alexandra.”

Saad ni Max na itinaas ang kanang braso at kinamot and likod ng ulo.

“Dapat nakikiramay ka sakin dahil malungkot ako.”

“Oo, naiintindihan ko ang nararamdaman mo, Max, pero mas maigi kung pag-uusapan niyo ito ni John sa mas madaling panahon para malagpasan mo na tong problema. Nagagalit ako kapag nakikita kong malungkot ang isa sa mga kaibigan ko dahil sa mga ganyang bagay. Either makipag-break siya sa dati niyang girlfriend or ikaw ang makipag-break sa kanya.”

Diretsang sabi ni Alex.

Tinitigan siya ni Max sa loob ng isang minuto na akala mo ay nagbagong anyo siya at naging isang halimaw. 

“Bakit tinubuan na ba ko ng sungay?” tanong niyang nakatago ang ngiti sa labi.

“Hindi ka tinubuan ng sungay,” sabi ni Max na ngumingiti. “Pero tinubuan ka ng pangil, Alex.”

“Buti naman kung ganun, Maxwell Cordale.”

Panalo niyang ngiti at ipinag-ekis ang mga braso sa harap ng dibdib.

“Siguro sa’yo na lang ako dapat ma-in love, Alexandra Diaz,” biro nito sa kanya.

Biglang kinalibutan si Alex sa sinabi ni Max. Parang naramdaman niya ang saglit at biglang paglamig ng hangin. This time, siya naman ang tumingin sa mukha nito ng kalahating minuto saka umiling ng ulo. 

“Siguradong lalamunin ako ng apoy pagkatapos magiging abo ako, Maxwell, pag nangyari yan.”

Biglang tumawa si Max. Pinagmasdan lang ito ni Alex.

“Tama ka, Alex. Kahit ang apog ng kaluluwa ko ay ipinagbabawal ang ganyang mga nakapanghihilakbot na ideya.”

Biglang binigyan ni Alex ng halik ito sa pisngi.

“Mabuti naman at cheered up ka na.”

Muli siyang nagjog una kay Max. Pero hindi pa rin ito sumusunod. Muling tumalikod si Alex paharap dito.

“Uy! Ano ba, boyfriend? Halika na.”

Nakabalik si Alex sa kanyang bahay matapos ang dalawang oras na pag-jog niya kasama si Maxwell Cordale, ang kaibigan niyang kapitbahay sa Ikalawang Kalye.

Habang sila’y tumatakbo palapit sa bahay ni Max, nakita nila si John na mapanglaw na nakatayo sa balkonahe. Nang marating nila ang bahay ni Max, nakita ni Alex na tumuwid ng tayo si John at nagrelax nang makita nito si Max.

“Goodluck. Ayusin niyo, Max.”

“Oo. See you around.”

Naglakad si Max palapit kay John. Nagsimula silang mag-usap. Nakita siya ni John at kumaway sa kanya at kumaway din siya dito at patuloy na nag-jog hanggang marating niya ang bahay niya.

Mabilis siyang nagshower, nagsuot ng yellow top at jeans at dumapa sa kama para kunin ang pulang suitcase sa ilalim. Tapos, pumunta siya sa closet at kumuha ng mga damit at saka tinupi ang mga ito papasok sa suitcase. Dinala niya sa baba ang suitcase at nilapag sa paa ng hagdan at saka dumiretso sa kusina. 

Binuksan niya ang ref at kinuha ang pitsel ng aloe vera juice at isinalin ito sa mataas na baso. Habang umiinom ng juice, binuksan niya uli ang ref at kinuha ang kartong gatas at ang kainan ni Smarty sa may pinto. Matapos niyang isalin ang gatas sa kainan ni Smarty, nilagay niya ito malapit sa exit door ng kusina kung saan nakatayo si Smarty na naghihintay.

Gumawa siya ng apat na sandwiches sa plato. Gumawa siya ng scramble egg at nagprito ng ham, nagsliced ng keso at nilagay ang mga ito sa tinapay. Matapos niyang kainin ang isang sandwich, nilagay niya ang natitirang tatlong sandwiches sa magkakahiwalay na Ziplock.

Kinuha niya ang bag mula sa stool at isinilid ang mga sandwiches sa loob ng bag. Pinuno niya ang isang jug ng aloe vera juice, saka kumuha ng isang malaking bote ng tubig, nilinisan ang kainan ni Smarty at umalis sa kusina.

Nakita niyang 7:30 am sa wall clock. Kinuha niya ang silver chain red collar mula sa wall pin at nilagay ang collar kay Smarty.

“Alright, buddy,” sabi ni Alex kausap ang aso habang nilalagay ang collar sa leeg nito. “Pupunta tayo sa dati kong hometown sa Avery Hill at magda-drive tayo ng matagal kaya be a good dog habang nagmamaneho ako ng kotse, okay?”

Tumahol si Smarty bilang pagtugon.

Kinuha niya ang suitcase at kinuha niya ang susi mula sa front pocket ng kanyang jeans at binuksan ang main door. Tapos, sinara ito at ni-lock. Pumunta siya sa garahe para sa kanyang kotse at bago siya pumasok sa loob, lumukso si Smarty sa driver’s seat at umupo sa passenger’s seat.

Matapos ang kalahating araw na pagdrive ni Alexandra narating niya ang Avery Hill. Maliwanag at mainit ang hapon nang dumating siya. Mukhang walang tao sa bahay subalit malinis ang front yard. Dati itong bahay ng lolo’t lola niya subalit nang mamatay ang mga ito, ipinamana nila sa kanya ang bahay pero paminsan-minsan ang mga magulang niya ang kadalasang tumitira sa bahay kapag feel nilang mag-stay over tuwing katapusan ng lingo o ng isang buwan.

Tiningnan niya ang bahay mula sa kabilang kalye subalit mukhang walang tao doon. Siguro lumabas si Daniel St. Claire. Titingnan niya mamaya kung nakabalik na ito.

Binuksan niya ang kotse at tumalon si Smarty diretsong takbo sa likod ng bahay.

Naglakad siya papunta sa front door at kinuha ang susi mula sa kanyang pants para i-unlock ang pinto subalit siya’y nasorpresa nang buksan niya ito dahil dati ng bukas ang pinto. 

“Mom? Dad? Andiyan ba kayo?”

Tawag ni Alex sa mga magulang nang pumasok sa bahay. Ibinaba niya ang suitcase sa sahig ng salas at tinapon ang kanyang bag sa malapit na sofa. Narining niya si Smarty na tumahol mula sa kusina at iniisip na maaaring mayroong pusa na hindi nito kilala, tumungo siya sa kusina.

Nagulat siya nang makita niyang may hindi kilalang lalaki na nakaupo sa kitchen table, abala sa harap ng laptop habang komportableng kumakain. Mukhang siya ang may-ari ng bahay. Itim ang kanyang buhok at nakasuot siya ng dark navy sweater at itim na pants na napansin niya nang tumayo ito mula sa mesa at pumunta sa ref para kumuha ng pitsel at inilagay sa mesa.

Hindi man lang nito napansin na nakatayo siya sa pintuan ng kusina. Naghintay siya ng isang pang minuto bago umubo.

Noon lang napansin ng lalaki nang nakabalik na ito sa pag-upo at umiinom ng Coke mula sa mataas na baso at nilagay nito sa mesa saka nito hinanap ang sariling salamin na malapit sa kanyang laptop at nilagay ito sa kanyang mga mata.

“Aba, hindi kita napansin. Alexandra Jane Diaz?” mahinahon nitong tanong habang pinagmasdan siyang nakatayo sa may pintuan. “Halika, maupo ka at saluhan mo ko. Meron ako ditong lasagna. Bake pala to ng mommy mo.”

Walang anumang sabi nito.

Pumasok siya sa kusina at sinilip ang gilid ng lalaki, napansin niyang komportableng nakahiga malapit dito si Smarty.

“Aso mo ba to?” tanong nito sa kanya habang tinitingnan ang aso. Nilapit nito ang kanang kamay kay Smarty at tumaas ang ulo ng aso at inamoy ang kamay nito at dinilaan.

Tumango siya at pinanood kung paano ang aso ay mabilis na lumambot sa estranghero.

“So, sino ka at ano ang ginagawa mo sa bahay ko, Mr. Stranger?”

Tanong ni Alex tago ang halong sorpresa’t pagkairita subalit pilit na ngumingiti nang makita niya na ang estranghero na mas malupit pa sa magnanakaw ay sobrang komportable sa kanyang bahay. 

Hinaplos ng lalaki ang aso sa ulo bago siya tiningnan. Walang tigatig at kibit balikat itong tumingin sa kanya, walang emosyon ang mukha at diretso sa kanyang mga mata at nagsalita.

“Ako si Daniel St. Claire, ang bagong may-ari ng bahay, Miss Diaz.”

Bab terkait

  • Marrying My First Love   Kabanata 3 Hindi Inaasahang Proposal

    Saglit na kumurap si Alexandra sa narinig. Maaaring namali ang tenga niya sa narinig.“Kelan ka naging may-ari ng bahay na to, Mr. St. Claire?” nangangalit na tanong ni Alex. Nagpanting ang tenga niya at kumulo ang dugo niya sa sinabi nito. Naramdaman niya ang pag-iinit ng ulo sa bawat minutong lumilipas.“Walang For Sale sign ang bahay na to.”“Kanina lang," sagot nito sa medyong paos na boses. "Maaari mo pala akong tawaging Daniel or Dan alinman ang naisin mong itawag sa akin, Alexandra.”Sabi nito sa magiliw na boses.“At pwede ba maupo ka muna. Kanina ka pa nakatayo.”Dagdag pa ni Daniel na nakatingin sa nakatayo niyang itsura.“Salamat pero mas gusto kong tumayo.”Kontrang saad ni Alex habang matalim itong tinitingnan.“Subalit nakatayo ka habang nakaupo ako. Isang unfair conversation ito para sa ating dalawang hindi magkakilala. Hindi ba dapat ipakita

  • Marrying My First Love   Kabanata 4 Pwede Bang Ikaw Ang Bride?

    “Ha? Bakit naman?”Takang tanong ni Alex. Ngumunguya siya ng pagkain nang tanungin siya ni Daniel St. Claire nang nakakatawang tanong. Buti na lang hindi siya nabulunan sa pagkain.“Gusto kitang pakasalan pero ayokong pakasalan kita.”Misteryosong wika nito.Nalito si Alex sa sinabi nito. “Ano bang pinagsasabi mo? Linawin mo nga ang sinasabi mo. Naka-drugs ka ba?”Tiningnan siya ni Daniel ng masama. “Geek ako, Alex, hindi mental patient.”Sagot nito sa kanya. Binuksan nito ang lalagyan ng chewing gum na nakatago sa bulsa ng pantalon nito at nginuya ang gums. Binigay nito ang lalagyan sa kanya at kumuha siya ng dalawang piraso at nilagay sa gilid ng plato.“Yan ba ang rason kung bakit ikaw ang bagong CEO ng kompanya para maglaro ng mga empleyadong katulad ko na susundin anumang gusto mo?"Mahigpit niyang tanong. Napikon siya dito.“Baliw ka ba? Bakit kita p

  • Marrying My First Love   Kabanata 5 Engagement Posé

    “Gawin natin sa susunod na Biyernes, Alex,” wika ni Daniel.“Sige, walang problema,” mabilis niyang pagsang-ayon saka sandaling napatigil.“Hindi, teka. Teka muna. Ang bilis naman.”Kontra ni Alex.“Sagutin mo muna ang mga tanong ko,” reklamo niya dito. “Pekeng engagement lang naman to, di ba? Bakit kailangan natin maghold ng engagement party?”“Para mapakitang totoo,” maikli nitong sagot.“Bakit pa?” taas kilay na tanong ni Alex.“Dahil yan ang norm.”Simpleng sagot ni Daniel.“Masyado ka lang mayaman para magwaldas ng pera,” irap niya dito.“Mayaman ako, Alex at malaya kang gumastos ng kung anumang gustuhin mo,” sagot nitong hindi tinatago ang ngiti.Tumayo si Alex sa upuan.“Teka, iinom lang ako ng tubig,” sabi niya habang kagat ang pang-ibabang labi.Naglakad

  • Marrying My First Love   Kabanata 6 Pagkilala Sa Unang Pag-ibig

    Pumasok si Alexandra sa nakabukas na pulang pinto ng shop habang si Daniel ay nakasunod naman sa kanya sa likod. Pinalibot niya ang kanyang mga mata. Parang Valentine’s Day ang araw na yun sa shop dahil ang daming rosas na para bang season to bloom nito. Ang iba’t ibang variety at kulay nito mula sa dilaw, pula, pink, orange at puti ay makulay na naka-display sa bawat lalagyan. Ang butil ng tubig ay nagkikislap sa ibabaw ng mga petals. Ang mga bagong pamumukadkad ng mga orkidyas ay nakabitay sa may bintana at malapit sa kisame. Ang iba ay nakalagay sa mga plorera. Ang mga liryo ng iba’t ibang kulay ay nakalagay sa isang sulok. Ang kanilang mga kulay masayang naghahalo. At nang lumapit siya palapit sa kahera, nakita niya ang kulay-rosas na mga tulip na papalapit pa lang ang pamumukadkad. Nakalagay ang mga ito sa ibabaw ng counter katabi ng cashier at ang iba naman sa sahig sa baba.Isang makulay at maligayang boses ang bumati kay Alex na nagpabigla sa kanya a

  • Marrying My First Love   Kabanata 7 Ang Engagement Party

    Tahimik si Daniel habang nagmamaneho pabalik sa Avery Hills. Nakisalo si Alexandra sa katahimikan nito dahil mukhang galit ito at hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito matapos niyang marinig ang sinabi ni Sarah bago sila umalis.Napag-isipan niya ang totoong ugnayan nina Daniel at Sarah. Kilala nila ang isa’t isa at halatang mas close pa nga ang mga ito ngunit nagtataka rin siya kung bakit hindi pa ang dalawang ito magkatuluyan kung sila talaga ang para sa isa’t isa.Sa totoo lang, ang tanging dahilan kung bakit si Alex sumang-ayon sa kakaibang pakiusap ni Daniel sa kanya ay dahil nakatali siya sa pabor ng pagpapasalamat dito dahil sinalba nito ang kompanyang kanyang pinapasukan na wala siyang kaide-ideya ay nalulugi na pala kung hindi nito binili. Nag-e-enjoy siya sa buwanang sahod na natatanggap niya mula sa kompanya at tuluyan niyang ikinalilibang ang trabaho bilang book illustrator sa Juggle House Publishing. Ito ang una niyang trabaho at ma

  • Marrying My First Love   Kabanata 8 The Bride Always Fits

    Lumipas ang isang linggo at nagpatuloy sa trabaho si Alexandra. Ipinakilala si Daniel St. Claire sa kanyang kompanya ng Lunes ng umaga sa isang miting at lahat sa palapag nila’t opisina ay alam ng siya ang fiancée nito.Natapos ni Alex ang trabaho niya bago mag-alas kwatro at kinuha ang kanyang bagong proyekto kay Samantha, ang kanyang senior editor. Siya ay itinalagang gumuhit ng illustrations para sa isang sci-fi genre.“Siyanga pala, Alex, nasabi sa akin ni Daniel na binigyan ka niya ng bagong proyekto kung saan mag-i-illustrate ka para sa isang larong kanyang ginagawa.”Tumango si Alex.“Oo, Sam. Nabuo ang game plan na iyon dahil sa pamangkin niya.”“That’s sweet of him,” tugon ni Samantha. “Sinabi niya rin pala na bubuo siya ng bagong team of illustrators para sa game design projects niya in the future so soon malilipat ka sa next floor as senior editor para mamuno ng mga projects.&r

  • Marrying My First Love   Kabanata 9 Matapos Ang Bagyo

    Malamlam at malungkot ang Biyernes ng hapon habang nagmamaneho si Alexandra patungong Avery Hills. Madilim at abuin ang kalangitan. Ang takipsilim at liwanag ay mabilis na nagtatalo sa langit at lupa habang nakikinig siya sa musika sa radyo. Nag-commercial break ang Top 10 Hits ng musikang pinapakinggan niya at napalitan ito ng balita.“At para sa ating latest news update. Ang Hurricane Valencia ay inaasahang huhugpa sa Lungsod ng Prieto sa lakas na 350 kph mamayang alas dose ng gabi. Pinaaantabayanan ang mga residente na mag-ingat at siguraduhing nasa loob na ng bahay bago humugpa ang bagyo. Siguraduhing mayroon kayong flashlights sa bahay sakaling mawala ang kuryente. At siguraduhin din na sapat ang nakatago niyong pagkain sakaling lumakas ang bagyo at ang mga tindahan ay sumara bago alas nuwebe. Mag-ingat kayong lahat. Ito si Bridget Riverdale nag-uulat.”Matapos ang ilan pang komersyal, nagpatuloy ang Top 10 Hits sa ere. Nagpatuloy si Alex sa paki

  • Marrying My First Love   Kabanata 10 Minsan Pink Ang Mga Rosas

    Ang linggo ay lumipas at ang mga pusang sina Nimbus at Stratus ay bumalik na ang sigla. Inokupa nila ang bandang likod na bahagi ng kusina kung saan sila hinayaan ni Alex na maglagi. Si Smarty na dating natutulog sa kwarto ni Alex ay nanatili rin sa kusina para samahan ang mga pusa.Isang mainit na Sabadong hapon pumunta si Alex sa kanyang kwarto at naupo sa sofa sa terasa ng kanyang kwarto. Maliwanag pa rin ang sinag ng araw sa ilalim ng terasa na natatakpang ng kubyerta at mainit sa kanyang balat. Ang araw ay hindi pa lulubog hanggang mamayang alas sais ng gabi.Kinuha niya ang telepono mula sa lalagyan at idinial ang numero ni Sabina at hinintay ang sagot sa kabilang linya subalit automated caller’s message ang sumagot. Dinial niya ulit ang numero nito at pareho pa ring sagot. Muling denial ni Alex ang numero sa huling pagkakataon at sa wakas ay narinig na nag-ring ang telepono sa kabilang linya.“Hello.” Wika ni Sabina sa kabilang linya.

Bab terbaru

  • Marrying My First Love   Kabanata 11 Aminin Ang Puso

    Nangangatlo ng baso si Alex ng alak habang nakaupo sa may madilim na dulo ng counter kung saan ang isang bartender ay nakatayo isang metro ang layo mula sa kanya humihiging sa sarili habang nililinisan ang mga baso ng puting tela. Para sa isang taong mahina sa alak, nakakasorpresa para kay Alex na nakakarami na siyang ininom. Ikinaway niya ang walang lamang baso sa bartender.“Georgie, bigyan mo pa nga ako ng another shot, please.”“Cheerie, mukhang broken hearted ka,” nag-aalalang wika ng bartender na ang pangalan ay George habang sinasalinan nito ng alak ang kanyang baso. “Pang-apat mo na tong baso, Alex.”Si Alex na medyo may tama na sa iniinom na na alak ay nainis sa sinabi nito at ininom ang alak sa isamg lagok.“Nakakainis ka. Tumahimik ka lang at bigyan mo pa ako ng isang shot.”“Ibibigay ko sa’yo ang huling shot mo ng alak.”“Whatever.”Sinikmatan ni

  • Marrying My First Love   Kabanata 10 Minsan Pink Ang Mga Rosas

    Ang linggo ay lumipas at ang mga pusang sina Nimbus at Stratus ay bumalik na ang sigla. Inokupa nila ang bandang likod na bahagi ng kusina kung saan sila hinayaan ni Alex na maglagi. Si Smarty na dating natutulog sa kwarto ni Alex ay nanatili rin sa kusina para samahan ang mga pusa.Isang mainit na Sabadong hapon pumunta si Alex sa kanyang kwarto at naupo sa sofa sa terasa ng kanyang kwarto. Maliwanag pa rin ang sinag ng araw sa ilalim ng terasa na natatakpang ng kubyerta at mainit sa kanyang balat. Ang araw ay hindi pa lulubog hanggang mamayang alas sais ng gabi.Kinuha niya ang telepono mula sa lalagyan at idinial ang numero ni Sabina at hinintay ang sagot sa kabilang linya subalit automated caller’s message ang sumagot. Dinial niya ulit ang numero nito at pareho pa ring sagot. Muling denial ni Alex ang numero sa huling pagkakataon at sa wakas ay narinig na nag-ring ang telepono sa kabilang linya.“Hello.” Wika ni Sabina sa kabilang linya.

  • Marrying My First Love   Kabanata 9 Matapos Ang Bagyo

    Malamlam at malungkot ang Biyernes ng hapon habang nagmamaneho si Alexandra patungong Avery Hills. Madilim at abuin ang kalangitan. Ang takipsilim at liwanag ay mabilis na nagtatalo sa langit at lupa habang nakikinig siya sa musika sa radyo. Nag-commercial break ang Top 10 Hits ng musikang pinapakinggan niya at napalitan ito ng balita.“At para sa ating latest news update. Ang Hurricane Valencia ay inaasahang huhugpa sa Lungsod ng Prieto sa lakas na 350 kph mamayang alas dose ng gabi. Pinaaantabayanan ang mga residente na mag-ingat at siguraduhing nasa loob na ng bahay bago humugpa ang bagyo. Siguraduhing mayroon kayong flashlights sa bahay sakaling mawala ang kuryente. At siguraduhin din na sapat ang nakatago niyong pagkain sakaling lumakas ang bagyo at ang mga tindahan ay sumara bago alas nuwebe. Mag-ingat kayong lahat. Ito si Bridget Riverdale nag-uulat.”Matapos ang ilan pang komersyal, nagpatuloy ang Top 10 Hits sa ere. Nagpatuloy si Alex sa paki

  • Marrying My First Love   Kabanata 8 The Bride Always Fits

    Lumipas ang isang linggo at nagpatuloy sa trabaho si Alexandra. Ipinakilala si Daniel St. Claire sa kanyang kompanya ng Lunes ng umaga sa isang miting at lahat sa palapag nila’t opisina ay alam ng siya ang fiancée nito.Natapos ni Alex ang trabaho niya bago mag-alas kwatro at kinuha ang kanyang bagong proyekto kay Samantha, ang kanyang senior editor. Siya ay itinalagang gumuhit ng illustrations para sa isang sci-fi genre.“Siyanga pala, Alex, nasabi sa akin ni Daniel na binigyan ka niya ng bagong proyekto kung saan mag-i-illustrate ka para sa isang larong kanyang ginagawa.”Tumango si Alex.“Oo, Sam. Nabuo ang game plan na iyon dahil sa pamangkin niya.”“That’s sweet of him,” tugon ni Samantha. “Sinabi niya rin pala na bubuo siya ng bagong team of illustrators para sa game design projects niya in the future so soon malilipat ka sa next floor as senior editor para mamuno ng mga projects.&r

  • Marrying My First Love   Kabanata 7 Ang Engagement Party

    Tahimik si Daniel habang nagmamaneho pabalik sa Avery Hills. Nakisalo si Alexandra sa katahimikan nito dahil mukhang galit ito at hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito matapos niyang marinig ang sinabi ni Sarah bago sila umalis.Napag-isipan niya ang totoong ugnayan nina Daniel at Sarah. Kilala nila ang isa’t isa at halatang mas close pa nga ang mga ito ngunit nagtataka rin siya kung bakit hindi pa ang dalawang ito magkatuluyan kung sila talaga ang para sa isa’t isa.Sa totoo lang, ang tanging dahilan kung bakit si Alex sumang-ayon sa kakaibang pakiusap ni Daniel sa kanya ay dahil nakatali siya sa pabor ng pagpapasalamat dito dahil sinalba nito ang kompanyang kanyang pinapasukan na wala siyang kaide-ideya ay nalulugi na pala kung hindi nito binili. Nag-e-enjoy siya sa buwanang sahod na natatanggap niya mula sa kompanya at tuluyan niyang ikinalilibang ang trabaho bilang book illustrator sa Juggle House Publishing. Ito ang una niyang trabaho at ma

  • Marrying My First Love   Kabanata 6 Pagkilala Sa Unang Pag-ibig

    Pumasok si Alexandra sa nakabukas na pulang pinto ng shop habang si Daniel ay nakasunod naman sa kanya sa likod. Pinalibot niya ang kanyang mga mata. Parang Valentine’s Day ang araw na yun sa shop dahil ang daming rosas na para bang season to bloom nito. Ang iba’t ibang variety at kulay nito mula sa dilaw, pula, pink, orange at puti ay makulay na naka-display sa bawat lalagyan. Ang butil ng tubig ay nagkikislap sa ibabaw ng mga petals. Ang mga bagong pamumukadkad ng mga orkidyas ay nakabitay sa may bintana at malapit sa kisame. Ang iba ay nakalagay sa mga plorera. Ang mga liryo ng iba’t ibang kulay ay nakalagay sa isang sulok. Ang kanilang mga kulay masayang naghahalo. At nang lumapit siya palapit sa kahera, nakita niya ang kulay-rosas na mga tulip na papalapit pa lang ang pamumukadkad. Nakalagay ang mga ito sa ibabaw ng counter katabi ng cashier at ang iba naman sa sahig sa baba.Isang makulay at maligayang boses ang bumati kay Alex na nagpabigla sa kanya a

  • Marrying My First Love   Kabanata 5 Engagement Posé

    “Gawin natin sa susunod na Biyernes, Alex,” wika ni Daniel.“Sige, walang problema,” mabilis niyang pagsang-ayon saka sandaling napatigil.“Hindi, teka. Teka muna. Ang bilis naman.”Kontra ni Alex.“Sagutin mo muna ang mga tanong ko,” reklamo niya dito. “Pekeng engagement lang naman to, di ba? Bakit kailangan natin maghold ng engagement party?”“Para mapakitang totoo,” maikli nitong sagot.“Bakit pa?” taas kilay na tanong ni Alex.“Dahil yan ang norm.”Simpleng sagot ni Daniel.“Masyado ka lang mayaman para magwaldas ng pera,” irap niya dito.“Mayaman ako, Alex at malaya kang gumastos ng kung anumang gustuhin mo,” sagot nitong hindi tinatago ang ngiti.Tumayo si Alex sa upuan.“Teka, iinom lang ako ng tubig,” sabi niya habang kagat ang pang-ibabang labi.Naglakad

  • Marrying My First Love   Kabanata 4 Pwede Bang Ikaw Ang Bride?

    “Ha? Bakit naman?”Takang tanong ni Alex. Ngumunguya siya ng pagkain nang tanungin siya ni Daniel St. Claire nang nakakatawang tanong. Buti na lang hindi siya nabulunan sa pagkain.“Gusto kitang pakasalan pero ayokong pakasalan kita.”Misteryosong wika nito.Nalito si Alex sa sinabi nito. “Ano bang pinagsasabi mo? Linawin mo nga ang sinasabi mo. Naka-drugs ka ba?”Tiningnan siya ni Daniel ng masama. “Geek ako, Alex, hindi mental patient.”Sagot nito sa kanya. Binuksan nito ang lalagyan ng chewing gum na nakatago sa bulsa ng pantalon nito at nginuya ang gums. Binigay nito ang lalagyan sa kanya at kumuha siya ng dalawang piraso at nilagay sa gilid ng plato.“Yan ba ang rason kung bakit ikaw ang bagong CEO ng kompanya para maglaro ng mga empleyadong katulad ko na susundin anumang gusto mo?"Mahigpit niyang tanong. Napikon siya dito.“Baliw ka ba? Bakit kita p

  • Marrying My First Love   Kabanata 3 Hindi Inaasahang Proposal

    Saglit na kumurap si Alexandra sa narinig. Maaaring namali ang tenga niya sa narinig.“Kelan ka naging may-ari ng bahay na to, Mr. St. Claire?” nangangalit na tanong ni Alex. Nagpanting ang tenga niya at kumulo ang dugo niya sa sinabi nito. Naramdaman niya ang pag-iinit ng ulo sa bawat minutong lumilipas.“Walang For Sale sign ang bahay na to.”“Kanina lang," sagot nito sa medyong paos na boses. "Maaari mo pala akong tawaging Daniel or Dan alinman ang naisin mong itawag sa akin, Alexandra.”Sabi nito sa magiliw na boses.“At pwede ba maupo ka muna. Kanina ka pa nakatayo.”Dagdag pa ni Daniel na nakatingin sa nakatayo niyang itsura.“Salamat pero mas gusto kong tumayo.”Kontrang saad ni Alex habang matalim itong tinitingnan.“Subalit nakatayo ka habang nakaupo ako. Isang unfair conversation ito para sa ating dalawang hindi magkakilala. Hindi ba dapat ipakita

DMCA.com Protection Status