Home / Romance / Marrying My First Love / Kabanata 4 Pwede Bang Ikaw Ang Bride?

Share

Kabanata 4 Pwede Bang Ikaw Ang Bride?

Author: Leigh Green
last update Last Updated: 2021-10-23 11:17:01

“Ha? Bakit naman?”

Takang tanong ni Alex. Ngumunguya siya ng pagkain nang tanungin siya ni Daniel St. Claire nang nakakatawang tanong. Buti na lang hindi siya nabulunan sa pagkain. 

“Gusto kitang pakasalan pero ayokong pakasalan kita.”

Misteryosong wika nito.

Nalito si Alex sa sinabi nito. “Ano bang pinagsasabi mo? Linawin mo nga ang sinasabi mo. Naka-drugs ka ba?”

Tiningnan siya ni Daniel ng masama. “Geek ako, Alex, hindi mental patient.”

Sagot nito sa kanya. Binuksan nito ang lalagyan ng chewing gum na nakatago sa bulsa ng pantalon nito at nginuya ang gums. Binigay nito ang lalagyan sa kanya at kumuha siya ng dalawang piraso at nilagay sa gilid ng plato.

“Yan ba ang rason kung bakit ikaw ang bagong CEO ng kompanya para maglaro ng mga empleyadong katulad ko na susundin anumang gusto mo?"

Mahigpit niyang tanong. Napikon siya dito.

“Baliw ka ba? Bakit kita papakasalan? Hindi naman kita mahal.”

Walang pakialam niyang sagot dito.

"Isa pa hindi kita kilala," mapang-uyam niyang dagdag.

“Nasa danger of bankruptcy ang kompanya niyo, Alex at nagdecide akong bilhin ito para hindi mawala ang mga talents na tulad mo,” ani ni Daniel. “Mahalaga sakin ang mga manunulat at taga-disenyo ng mga libro sa Juggle House. Dati ring copywriter at author ang lolo ko dito nang buhay pa siya.”

Paliwanag ni Daniel.

“Ah, okay. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ka naging CEO namin. Masyado mong mahal ang mga libro para mamuno sa kumpanya naming.”

“Oo, tama ka,” sang-ayon nito na tiningnan siya sa mata.

“Salamat sa paglitas ng kompanya,” nakangiti niyang baling dito.

“Walang problema. Pinapahalagahan ko ang mga aklat at mga talentadong tao, oo. Di ba sinabi ko sayo na gusto ko ang mga illustrations mo?” tanong ni Daniel sa kanya.

Tumango siya bilang pagsang-ayon at pinasadahan niya ito ng tingin saka nagpatuloy sa pagkain.

“Pwede ba mamaya natin pag-usapan ang illustrations?” pakiusap ni Alex kay Daniel. “In-enjoy ko pa ang Black Forest ni mommy.”

“Paborito mo bang keyk yan?” tanong nito na tahimik na tiningnan ang tsokaleteng keyk sa plato niya.

Tumango si Alex sabay subo ng keyk.

“Pinakapaborito ko tong cake ni mommy kasi ang lambot at super chewy," paliwanag niya. "Natutunaw ito sa bibig ko kahit di pa ako ngumunguya kaya wala akong ibang iniisip habang kinakain ang cake.”

Excited si Alex na kumuha pa ng bagong slice ng cake at nilagay ito sa plato.

“Siyanga pala, bakit mo naman naisipan na alokin ako ng kasal hindi mo naman ako gustong pakasalan, di ba?” tanong ni Alex habang kumakain.

“Sa totoo lang, gusto ko naman talagang gawin 'to,” sagot ni Daniel sa kanya.

“Ha?” litong tanong ni Alex.

“Ang magpakasal,” turan nito.

“Talaga?” usisa niya. “Pero hindi sa akin, di ba? Hindi nga natin kilala ang isa’t isa.”

Pagkaklaro ni Alex.

Tumango lang si Daniel sa kanya.

“Teka, teka," wika ni Alex. "Nalilito ako sa sinasabi mo, St. Claire. Linawin mo nga. Gusto mong magpakasal sa akin pero hindi naman talaga sa akin.”

Tinitigan ni Alex si Daniel ng matagal, nag-aarok ang mga mata. Tiningnan lang siya nito.

“Hindi pa ako nakakakilala ng sintu-sintong lalaking katulad mo. Kapag pumayag ba ako, sasabihin mo sa akin kung sino ang maswerteng babae?” giit niya.

“Gusto mo bang sumagot ng misteryo, Alex? Nakakatuwa yan,” makahulugang wika nito.

Ngumisi lang si Alex sa kanya.

“Gee. Hindi ko alam na napaka-misteryosong tao mo pala, boss.  Napipi ka ba sa pag-amin sa babaeng mahal mo?”

Pang-aasar ni Alex. Mayabang siyang ngumiti dito. “Inayawan ka ba niya?”

Biglang tumahimik si Daniel. Nagtiim ang mga bagang nito at lumihis ang mga mata mula sa kanya.

Naalarma si Alexandra sa pamimikon dito at bigla ding tumahimik.

“Okay. Hindi na kita pipikonin,” sabi niya na tinaas ang mga kamay bilang pagsuko. “Gumawa ba si mommy ng salad?”

Tanong ni Alex pag-iiba ng usapan.

“Nasa ref,” maikling sagot nito.

Tumayo siya mula sa upuan at pumunta sa ref. Bago buksan ang pinto ng ref, humarap si Alex dito at nagtanong uli.

“Cheese and potato salad ba ang ginawa niya?”

Tiningnan siya ni Daniel sa mata at sumagot. 

“Hindi ko tsinek. Hindi ko pa nabuksan,” sagot nito.

"Hindi ba galing ka dito kanina?" tanong niya. "Ba't di mo nakita?"

"Sorry. Hindi ko napansin," paumanhin nito.

Kinuha ni Alex ang cellophane covered na malaking mangkok at dinala ito sa mesa.

“Gusto mo?” alok niya dito habang nagsasandok ng salad.

Umiling si Daniel ng ulo.

“Busog na ko,” tugon nito.

“Okay.” 

Bumalik si Alex sa pagkakaupo at nagpatuloy kumain.

Matapos ang mahabang katahimikan na umabot ng isang minuto, muling nagsalita si Daniel habang tahimik siyang pinagmamasdang kumain.

“Pero pagbibigyan mo ba ako? Pwede bang ikaw ang bride?” Muling kulit nito sa kanya.

Ipinatong nito ang mga siko sa ibabaw ng mesa at ibinabaw ang ulo sa pinagsiklop na kamay habang nakatitig sa kanya ang mga asul nitong mata.

Tinitigan ni Alex ang mukha nito at ipiniling niya ang ulo sa kaliwa habang nakasara ang kanang mata habang ngumunguya at nakataas ang tinidor. Mas gusto niyang asarin ito.

“Oh, come on, Alex," pangungulit nito. "Tulungan mo ko bilang isang kaibigan na nangangailangan. Habambuhay ko itong utang.”

“Pwede mo kong bigyan ng promosyon,” biro niya dito.

“Done,” mabilis nitong sagot.

Masamang ngumiti si Alex.

“Okay.”

Mabilisan niyang pagsasang-ayon at ibinaba ang tinidor. Itinaas niya ang kanang kamay paharap dito.

“Tinatanggap ko na ang alok mo," pag-sang-ayon niya dito. "Papayag akong fake bride mo.”

Saglit siya nitong tiningnan at muling tumingin sa nakataas niyang kamay at nakipagkamayan sa kanya bago binalik ang mga mata nito sa sariling laptop.

“Salamat sa pagtanggap ng proposal ko.”

Tahimik nitong inusod ang isang yellow envelope palapit sa kanya.

Saglit na tiningnan ito ni Alex at nagtanong.

“Ano to?”

“Yan ang papeles ng bahay. Di ba sabi ko sayo na binili ko ang bahay na to? Pero pag mamay-ari niyo pa rin ng mommy mo ang 50% ng bahay. Ire-renovate lang natin tong bahay para gawing lodge inn.”

Paliwanag ni Daniel sa kanya.

“Bibilhin mo ba ang bahay na to kung hindi nag-open up si mommy tungkol sa plano niya dito?” nagtatakang tanong ni Alex.

“Malamang hindi, kung hindi siya nagsalita,” pilosopong sagot ni Daniel. “Nagre-renovate ako ng mga abandonadong bahay as sideline sa free time ko or kung naisipan ko. Ginagawa ko silang game hub lodge inns para sa mga cosplayers at gamers na nagme-meet buwan-buwan. Sa normal operation, normal inn lang sila.”

“Ilan ang mga game hubs mo?” mapang-usisang tanong ni Alex.

“Sampu ang huli kong bilang,” sambit nito.

“Wow! Ang dami naman,” mangha niyang wika. "Ang tindi mo, pare."

Saglit lang siya nitong tiningnan bago nagtanong.

“Nakapag-attend ka na ba ng game event?”

Umiling si Alex. “Hindi pa. Hindi naman ako gamer para malaman ang ganyang mga events. Pero naglalaro ako ng Candy Crush.”

“Gusto mo bang dumalo sometime?” alok nito sa kanya. “Sadyang mag-eenjoy ka.”

“Hmmm…pag-iisipan ko,” turan niya dito.

“O sige, pabubulaanan kita pag merong event,” sabi ni Daniel. “May game hub ako sa kabilang lungsod.”

“Wow, ang galing naman! Sige, sabihan mo ko pag meron,” sang-ayon ni Alex at muling sumubo ng salad.

“Tiyak na matutuwa ka. Mage-enjoy ka pa, promise," masiglang wika nito sa kanya. "Nagsusuot ng mga character designs ang mga gamers at enthusiasts at buong gabi ang party.”

“Nagde-desinyo ka ba ng mga laro, Daniel?” curious na tanong ni Alex.

“Ako ang gumagawa ng konsepto ng laro tapos may team ako na nagde-design,” paliwanag ni Daniel.

“Ah, okay. Yung illustrations na nais mong ipagawa sa akin, para ba yun sa next game concept?” curious na tanong ni Alex.

“Buti nagtatanong ka na," sabi ni Daniel. "Oo, Alex. Gustung-gusto ko ang style at fluidity ng mga illustrations mo. Eye-catching sila para sa mga bata na mahilig maglaro ng games.”

“Hmm…mas gumagawa ako ng mga illustrations para sa mga bata," nag-iisip niyang wika. "Pero depende pa rin yan sa konsepto ng libro ng author.”

“Sa totoo lang, Alex, first time kong gumawa ng laro para sa mga bata. Mas sanay ako sa teenage and adult concept games na dinedisenyo ko. Pero yung pamangkin kong si Kleia na five years old mahilig siyang maglaro ng games sa tablet ko," wika ni Daniel na ngumingiti. "Anak siya ni kuya. Nahihirapan siyang maglaro ng ibang games sa app o minsan yung ginawa ko pero ayon, todo pa rin. Pinipilit ang sariling maglaro. One time lumapit siya sa akin at sinabi, ‘Tito Dan, gawan mo ko ng games na madaling laruin’ habang nakatingin sa akin na mapungay ang mga mata. Hindi ko siya mahihindian, Alex.”

Nakangiting kwento ni Daniel.

Ngumiti si Alex sa sinabi nito.

“Ang cute mo, St. Claire. Mapagpalayaw ka ring tito, no?” biro niya dito.

“Heh, wag mo kong asarin, Alex," sagot nito. "Sino ang hihindi sa isang makulit na pamangkin katulad ni Kleia na ang mga paboritong gawin ay maglaro at kumain ng maraming tsokolate at cupcakes?”

“Sige, tutulungangan kita,” pag-sang-ayon niya dito.

“Salamat. Ikaw, wala ka bang pamangkin?” baling na tanong nito sa kanya.

“Hindi mo ba natanong sina mommy at daddy?” direktong tanong niya dito.

“Na-mention ng mom mo na may ate ka na ang pangalan ay Ava. May asawa na ba siya?” tanong ni Daniel.

“Asawa niya ang trabaho niya. Mas mahal pa nun ang trabaho kaysa sa tinatawag na pag-ibi," sagot niya dito. "Nagtatrabaho siya sa Real Estate.”

“Maaari natin siyang makita. Maghold tayo ng engagement party."

Hayag ni Daniel St.  Claire kay Alexandra.

Related chapters

  • Marrying My First Love   Kabanata 5 Engagement Posé

    “Gawin natin sa susunod na Biyernes, Alex,” wika ni Daniel.“Sige, walang problema,” mabilis niyang pagsang-ayon saka sandaling napatigil.“Hindi, teka. Teka muna. Ang bilis naman.”Kontra ni Alex.“Sagutin mo muna ang mga tanong ko,” reklamo niya dito. “Pekeng engagement lang naman to, di ba? Bakit kailangan natin maghold ng engagement party?”“Para mapakitang totoo,” maikli nitong sagot.“Bakit pa?” taas kilay na tanong ni Alex.“Dahil yan ang norm.”Simpleng sagot ni Daniel.“Masyado ka lang mayaman para magwaldas ng pera,” irap niya dito.“Mayaman ako, Alex at malaya kang gumastos ng kung anumang gustuhin mo,” sagot nitong hindi tinatago ang ngiti.Tumayo si Alex sa upuan.“Teka, iinom lang ako ng tubig,” sabi niya habang kagat ang pang-ibabang labi.Naglakad

    Last Updated : 2021-10-23
  • Marrying My First Love   Kabanata 6 Pagkilala Sa Unang Pag-ibig

    Pumasok si Alexandra sa nakabukas na pulang pinto ng shop habang si Daniel ay nakasunod naman sa kanya sa likod. Pinalibot niya ang kanyang mga mata. Parang Valentine’s Day ang araw na yun sa shop dahil ang daming rosas na para bang season to bloom nito. Ang iba’t ibang variety at kulay nito mula sa dilaw, pula, pink, orange at puti ay makulay na naka-display sa bawat lalagyan. Ang butil ng tubig ay nagkikislap sa ibabaw ng mga petals. Ang mga bagong pamumukadkad ng mga orkidyas ay nakabitay sa may bintana at malapit sa kisame. Ang iba ay nakalagay sa mga plorera. Ang mga liryo ng iba’t ibang kulay ay nakalagay sa isang sulok. Ang kanilang mga kulay masayang naghahalo. At nang lumapit siya palapit sa kahera, nakita niya ang kulay-rosas na mga tulip na papalapit pa lang ang pamumukadkad. Nakalagay ang mga ito sa ibabaw ng counter katabi ng cashier at ang iba naman sa sahig sa baba.Isang makulay at maligayang boses ang bumati kay Alex na nagpabigla sa kanya a

    Last Updated : 2021-11-03
  • Marrying My First Love   Kabanata 7 Ang Engagement Party

    Tahimik si Daniel habang nagmamaneho pabalik sa Avery Hills. Nakisalo si Alexandra sa katahimikan nito dahil mukhang galit ito at hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito matapos niyang marinig ang sinabi ni Sarah bago sila umalis.Napag-isipan niya ang totoong ugnayan nina Daniel at Sarah. Kilala nila ang isa’t isa at halatang mas close pa nga ang mga ito ngunit nagtataka rin siya kung bakit hindi pa ang dalawang ito magkatuluyan kung sila talaga ang para sa isa’t isa.Sa totoo lang, ang tanging dahilan kung bakit si Alex sumang-ayon sa kakaibang pakiusap ni Daniel sa kanya ay dahil nakatali siya sa pabor ng pagpapasalamat dito dahil sinalba nito ang kompanyang kanyang pinapasukan na wala siyang kaide-ideya ay nalulugi na pala kung hindi nito binili. Nag-e-enjoy siya sa buwanang sahod na natatanggap niya mula sa kompanya at tuluyan niyang ikinalilibang ang trabaho bilang book illustrator sa Juggle House Publishing. Ito ang una niyang trabaho at ma

    Last Updated : 2021-11-05
  • Marrying My First Love   Kabanata 8 The Bride Always Fits

    Lumipas ang isang linggo at nagpatuloy sa trabaho si Alexandra. Ipinakilala si Daniel St. Claire sa kanyang kompanya ng Lunes ng umaga sa isang miting at lahat sa palapag nila’t opisina ay alam ng siya ang fiancée nito.Natapos ni Alex ang trabaho niya bago mag-alas kwatro at kinuha ang kanyang bagong proyekto kay Samantha, ang kanyang senior editor. Siya ay itinalagang gumuhit ng illustrations para sa isang sci-fi genre.“Siyanga pala, Alex, nasabi sa akin ni Daniel na binigyan ka niya ng bagong proyekto kung saan mag-i-illustrate ka para sa isang larong kanyang ginagawa.”Tumango si Alex.“Oo, Sam. Nabuo ang game plan na iyon dahil sa pamangkin niya.”“That’s sweet of him,” tugon ni Samantha. “Sinabi niya rin pala na bubuo siya ng bagong team of illustrators para sa game design projects niya in the future so soon malilipat ka sa next floor as senior editor para mamuno ng mga projects.&r

    Last Updated : 2021-11-07
  • Marrying My First Love   Kabanata 9 Matapos Ang Bagyo

    Malamlam at malungkot ang Biyernes ng hapon habang nagmamaneho si Alexandra patungong Avery Hills. Madilim at abuin ang kalangitan. Ang takipsilim at liwanag ay mabilis na nagtatalo sa langit at lupa habang nakikinig siya sa musika sa radyo. Nag-commercial break ang Top 10 Hits ng musikang pinapakinggan niya at napalitan ito ng balita.“At para sa ating latest news update. Ang Hurricane Valencia ay inaasahang huhugpa sa Lungsod ng Prieto sa lakas na 350 kph mamayang alas dose ng gabi. Pinaaantabayanan ang mga residente na mag-ingat at siguraduhing nasa loob na ng bahay bago humugpa ang bagyo. Siguraduhing mayroon kayong flashlights sa bahay sakaling mawala ang kuryente. At siguraduhin din na sapat ang nakatago niyong pagkain sakaling lumakas ang bagyo at ang mga tindahan ay sumara bago alas nuwebe. Mag-ingat kayong lahat. Ito si Bridget Riverdale nag-uulat.”Matapos ang ilan pang komersyal, nagpatuloy ang Top 10 Hits sa ere. Nagpatuloy si Alex sa paki

    Last Updated : 2021-11-09
  • Marrying My First Love   Kabanata 10 Minsan Pink Ang Mga Rosas

    Ang linggo ay lumipas at ang mga pusang sina Nimbus at Stratus ay bumalik na ang sigla. Inokupa nila ang bandang likod na bahagi ng kusina kung saan sila hinayaan ni Alex na maglagi. Si Smarty na dating natutulog sa kwarto ni Alex ay nanatili rin sa kusina para samahan ang mga pusa.Isang mainit na Sabadong hapon pumunta si Alex sa kanyang kwarto at naupo sa sofa sa terasa ng kanyang kwarto. Maliwanag pa rin ang sinag ng araw sa ilalim ng terasa na natatakpang ng kubyerta at mainit sa kanyang balat. Ang araw ay hindi pa lulubog hanggang mamayang alas sais ng gabi.Kinuha niya ang telepono mula sa lalagyan at idinial ang numero ni Sabina at hinintay ang sagot sa kabilang linya subalit automated caller’s message ang sumagot. Dinial niya ulit ang numero nito at pareho pa ring sagot. Muling denial ni Alex ang numero sa huling pagkakataon at sa wakas ay narinig na nag-ring ang telepono sa kabilang linya.“Hello.” Wika ni Sabina sa kabilang linya.

    Last Updated : 2021-11-11
  • Marrying My First Love   Kabanata 11 Aminin Ang Puso

    Nangangatlo ng baso si Alex ng alak habang nakaupo sa may madilim na dulo ng counter kung saan ang isang bartender ay nakatayo isang metro ang layo mula sa kanya humihiging sa sarili habang nililinisan ang mga baso ng puting tela. Para sa isang taong mahina sa alak, nakakasorpresa para kay Alex na nakakarami na siyang ininom. Ikinaway niya ang walang lamang baso sa bartender.“Georgie, bigyan mo pa nga ako ng another shot, please.”“Cheerie, mukhang broken hearted ka,” nag-aalalang wika ng bartender na ang pangalan ay George habang sinasalinan nito ng alak ang kanyang baso. “Pang-apat mo na tong baso, Alex.”Si Alex na medyo may tama na sa iniinom na na alak ay nainis sa sinabi nito at ininom ang alak sa isamg lagok.“Nakakainis ka. Tumahimik ka lang at bigyan mo pa ako ng isang shot.”“Ibibigay ko sa’yo ang huling shot mo ng alak.”“Whatever.”Sinikmatan ni

    Last Updated : 2021-11-16
  • Marrying My First Love   Kabanata 1 Ang Sulat Mula Sa Estranghero

    Malakas na isinara ni Alexandra ang pinto ng kanyang SUV matapos itong i-garahe sa loob ng garage at dumiretso sa balkonahe ng kanyang bahay na mahahaba ang lakad. Bago makaapak ang kanyang mga sapatos sa balkonahe, bumukas ang harapang pinto sabay labas ng isang excited na St. Bernard na tumalon papunta sa kanyang dibdib.“Smarty!” masayang wika ni Alex. “Palagi kang excited na makita ako, no?”Hinagkan niya ang aso habang ang mga paa nito ay naglaro sa kanyang dibdib at paakyat sa kanyang balikat para yakapin din siya.“Masyado mo ba akong namiss?” tanong niya.Dinalaan ng aso ang kanyang mukha bilang sagot.“Right. Ngayon ay binasa mo na ako ng laway mo, ikaw talagang aso ka.”Ibinaba niya ang aso sa sahig at hinaplos ang ulo nito.“Meron ka bang balita para sa akin, Smarty?” tanong niya habang hinahaplos ang leeg nito kung saan masyadong naaliw ang aso.Tumalikod s

    Last Updated : 2021-10-22

Latest chapter

  • Marrying My First Love   Kabanata 11 Aminin Ang Puso

    Nangangatlo ng baso si Alex ng alak habang nakaupo sa may madilim na dulo ng counter kung saan ang isang bartender ay nakatayo isang metro ang layo mula sa kanya humihiging sa sarili habang nililinisan ang mga baso ng puting tela. Para sa isang taong mahina sa alak, nakakasorpresa para kay Alex na nakakarami na siyang ininom. Ikinaway niya ang walang lamang baso sa bartender.“Georgie, bigyan mo pa nga ako ng another shot, please.”“Cheerie, mukhang broken hearted ka,” nag-aalalang wika ng bartender na ang pangalan ay George habang sinasalinan nito ng alak ang kanyang baso. “Pang-apat mo na tong baso, Alex.”Si Alex na medyo may tama na sa iniinom na na alak ay nainis sa sinabi nito at ininom ang alak sa isamg lagok.“Nakakainis ka. Tumahimik ka lang at bigyan mo pa ako ng isang shot.”“Ibibigay ko sa’yo ang huling shot mo ng alak.”“Whatever.”Sinikmatan ni

  • Marrying My First Love   Kabanata 10 Minsan Pink Ang Mga Rosas

    Ang linggo ay lumipas at ang mga pusang sina Nimbus at Stratus ay bumalik na ang sigla. Inokupa nila ang bandang likod na bahagi ng kusina kung saan sila hinayaan ni Alex na maglagi. Si Smarty na dating natutulog sa kwarto ni Alex ay nanatili rin sa kusina para samahan ang mga pusa.Isang mainit na Sabadong hapon pumunta si Alex sa kanyang kwarto at naupo sa sofa sa terasa ng kanyang kwarto. Maliwanag pa rin ang sinag ng araw sa ilalim ng terasa na natatakpang ng kubyerta at mainit sa kanyang balat. Ang araw ay hindi pa lulubog hanggang mamayang alas sais ng gabi.Kinuha niya ang telepono mula sa lalagyan at idinial ang numero ni Sabina at hinintay ang sagot sa kabilang linya subalit automated caller’s message ang sumagot. Dinial niya ulit ang numero nito at pareho pa ring sagot. Muling denial ni Alex ang numero sa huling pagkakataon at sa wakas ay narinig na nag-ring ang telepono sa kabilang linya.“Hello.” Wika ni Sabina sa kabilang linya.

  • Marrying My First Love   Kabanata 9 Matapos Ang Bagyo

    Malamlam at malungkot ang Biyernes ng hapon habang nagmamaneho si Alexandra patungong Avery Hills. Madilim at abuin ang kalangitan. Ang takipsilim at liwanag ay mabilis na nagtatalo sa langit at lupa habang nakikinig siya sa musika sa radyo. Nag-commercial break ang Top 10 Hits ng musikang pinapakinggan niya at napalitan ito ng balita.“At para sa ating latest news update. Ang Hurricane Valencia ay inaasahang huhugpa sa Lungsod ng Prieto sa lakas na 350 kph mamayang alas dose ng gabi. Pinaaantabayanan ang mga residente na mag-ingat at siguraduhing nasa loob na ng bahay bago humugpa ang bagyo. Siguraduhing mayroon kayong flashlights sa bahay sakaling mawala ang kuryente. At siguraduhin din na sapat ang nakatago niyong pagkain sakaling lumakas ang bagyo at ang mga tindahan ay sumara bago alas nuwebe. Mag-ingat kayong lahat. Ito si Bridget Riverdale nag-uulat.”Matapos ang ilan pang komersyal, nagpatuloy ang Top 10 Hits sa ere. Nagpatuloy si Alex sa paki

  • Marrying My First Love   Kabanata 8 The Bride Always Fits

    Lumipas ang isang linggo at nagpatuloy sa trabaho si Alexandra. Ipinakilala si Daniel St. Claire sa kanyang kompanya ng Lunes ng umaga sa isang miting at lahat sa palapag nila’t opisina ay alam ng siya ang fiancée nito.Natapos ni Alex ang trabaho niya bago mag-alas kwatro at kinuha ang kanyang bagong proyekto kay Samantha, ang kanyang senior editor. Siya ay itinalagang gumuhit ng illustrations para sa isang sci-fi genre.“Siyanga pala, Alex, nasabi sa akin ni Daniel na binigyan ka niya ng bagong proyekto kung saan mag-i-illustrate ka para sa isang larong kanyang ginagawa.”Tumango si Alex.“Oo, Sam. Nabuo ang game plan na iyon dahil sa pamangkin niya.”“That’s sweet of him,” tugon ni Samantha. “Sinabi niya rin pala na bubuo siya ng bagong team of illustrators para sa game design projects niya in the future so soon malilipat ka sa next floor as senior editor para mamuno ng mga projects.&r

  • Marrying My First Love   Kabanata 7 Ang Engagement Party

    Tahimik si Daniel habang nagmamaneho pabalik sa Avery Hills. Nakisalo si Alexandra sa katahimikan nito dahil mukhang galit ito at hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito matapos niyang marinig ang sinabi ni Sarah bago sila umalis.Napag-isipan niya ang totoong ugnayan nina Daniel at Sarah. Kilala nila ang isa’t isa at halatang mas close pa nga ang mga ito ngunit nagtataka rin siya kung bakit hindi pa ang dalawang ito magkatuluyan kung sila talaga ang para sa isa’t isa.Sa totoo lang, ang tanging dahilan kung bakit si Alex sumang-ayon sa kakaibang pakiusap ni Daniel sa kanya ay dahil nakatali siya sa pabor ng pagpapasalamat dito dahil sinalba nito ang kompanyang kanyang pinapasukan na wala siyang kaide-ideya ay nalulugi na pala kung hindi nito binili. Nag-e-enjoy siya sa buwanang sahod na natatanggap niya mula sa kompanya at tuluyan niyang ikinalilibang ang trabaho bilang book illustrator sa Juggle House Publishing. Ito ang una niyang trabaho at ma

  • Marrying My First Love   Kabanata 6 Pagkilala Sa Unang Pag-ibig

    Pumasok si Alexandra sa nakabukas na pulang pinto ng shop habang si Daniel ay nakasunod naman sa kanya sa likod. Pinalibot niya ang kanyang mga mata. Parang Valentine’s Day ang araw na yun sa shop dahil ang daming rosas na para bang season to bloom nito. Ang iba’t ibang variety at kulay nito mula sa dilaw, pula, pink, orange at puti ay makulay na naka-display sa bawat lalagyan. Ang butil ng tubig ay nagkikislap sa ibabaw ng mga petals. Ang mga bagong pamumukadkad ng mga orkidyas ay nakabitay sa may bintana at malapit sa kisame. Ang iba ay nakalagay sa mga plorera. Ang mga liryo ng iba’t ibang kulay ay nakalagay sa isang sulok. Ang kanilang mga kulay masayang naghahalo. At nang lumapit siya palapit sa kahera, nakita niya ang kulay-rosas na mga tulip na papalapit pa lang ang pamumukadkad. Nakalagay ang mga ito sa ibabaw ng counter katabi ng cashier at ang iba naman sa sahig sa baba.Isang makulay at maligayang boses ang bumati kay Alex na nagpabigla sa kanya a

  • Marrying My First Love   Kabanata 5 Engagement Posé

    “Gawin natin sa susunod na Biyernes, Alex,” wika ni Daniel.“Sige, walang problema,” mabilis niyang pagsang-ayon saka sandaling napatigil.“Hindi, teka. Teka muna. Ang bilis naman.”Kontra ni Alex.“Sagutin mo muna ang mga tanong ko,” reklamo niya dito. “Pekeng engagement lang naman to, di ba? Bakit kailangan natin maghold ng engagement party?”“Para mapakitang totoo,” maikli nitong sagot.“Bakit pa?” taas kilay na tanong ni Alex.“Dahil yan ang norm.”Simpleng sagot ni Daniel.“Masyado ka lang mayaman para magwaldas ng pera,” irap niya dito.“Mayaman ako, Alex at malaya kang gumastos ng kung anumang gustuhin mo,” sagot nitong hindi tinatago ang ngiti.Tumayo si Alex sa upuan.“Teka, iinom lang ako ng tubig,” sabi niya habang kagat ang pang-ibabang labi.Naglakad

  • Marrying My First Love   Kabanata 4 Pwede Bang Ikaw Ang Bride?

    “Ha? Bakit naman?”Takang tanong ni Alex. Ngumunguya siya ng pagkain nang tanungin siya ni Daniel St. Claire nang nakakatawang tanong. Buti na lang hindi siya nabulunan sa pagkain.“Gusto kitang pakasalan pero ayokong pakasalan kita.”Misteryosong wika nito.Nalito si Alex sa sinabi nito. “Ano bang pinagsasabi mo? Linawin mo nga ang sinasabi mo. Naka-drugs ka ba?”Tiningnan siya ni Daniel ng masama. “Geek ako, Alex, hindi mental patient.”Sagot nito sa kanya. Binuksan nito ang lalagyan ng chewing gum na nakatago sa bulsa ng pantalon nito at nginuya ang gums. Binigay nito ang lalagyan sa kanya at kumuha siya ng dalawang piraso at nilagay sa gilid ng plato.“Yan ba ang rason kung bakit ikaw ang bagong CEO ng kompanya para maglaro ng mga empleyadong katulad ko na susundin anumang gusto mo?"Mahigpit niyang tanong. Napikon siya dito.“Baliw ka ba? Bakit kita p

  • Marrying My First Love   Kabanata 3 Hindi Inaasahang Proposal

    Saglit na kumurap si Alexandra sa narinig. Maaaring namali ang tenga niya sa narinig.“Kelan ka naging may-ari ng bahay na to, Mr. St. Claire?” nangangalit na tanong ni Alex. Nagpanting ang tenga niya at kumulo ang dugo niya sa sinabi nito. Naramdaman niya ang pag-iinit ng ulo sa bawat minutong lumilipas.“Walang For Sale sign ang bahay na to.”“Kanina lang," sagot nito sa medyong paos na boses. "Maaari mo pala akong tawaging Daniel or Dan alinman ang naisin mong itawag sa akin, Alexandra.”Sabi nito sa magiliw na boses.“At pwede ba maupo ka muna. Kanina ka pa nakatayo.”Dagdag pa ni Daniel na nakatingin sa nakatayo niyang itsura.“Salamat pero mas gusto kong tumayo.”Kontrang saad ni Alex habang matalim itong tinitingnan.“Subalit nakatayo ka habang nakaupo ako. Isang unfair conversation ito para sa ating dalawang hindi magkakilala. Hindi ba dapat ipakita

DMCA.com Protection Status