Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may humahalik sa pisngi ko. Ramdam ko ang sakit ng katawan ko lalo na sa may balakang at ang ibabang parte ng katawa ko. “Hmm.” “Babe, gising na. Kumain muna tayo, tapos balik ka na sa pagtulog,” malambing na sabi ni Lev.Kinurap ko ang mga mata ko upang luminaw ang pagtingin ko.“Lev?” paos kong tanong.Nakangiti siya at hinalikan niya ako sa labi ko. “Good evening, babe.” Nang tignan ko si Lev ay basa ang buhok niya at nakasuot ng pajama at sandong itim, mukhang bagong paligo.Tumingin ako sa bintana, madilim na. “Anong oras na?” “10 PM.” Bumalikwas ako nang bangon, nanlaki ang mata kong nilingon si Lev. “What? Bakit hindi mo ako ginising? Si Sierra, naglaro ba ulit siya sa dagat? Kumain na ba siya?” natataranta kong tanong. Shemay! Ang landi mo naman kasi Tianna! Bumaba ang tingin ni Lev, nagniningning ang mata niya at may ngisi sa labi. Sinundan ko nang tingin ang kanyang mata, naka-expose ang hinaharap ko sa kanya, nang ma-realize ko
“Tita Tianna?” Nagkasundo kami ni Sierra na tita na lang ang itawag niya sa akin dahil hindi siya komportable na tawagin pa akong mommy. Masaya ako kahit gano’n dahil hindi na niya ako sinusungitan.Lumingon ako kay Sierra at tinigil ko ang pagsusulat ng lesson plan ko para bukas. “Hmm?”Nag-iwas ng tingin sa akin si Sierra at kinukurot ang mga daliri niya. “It's Carson's birthday, tomorrow and he invited me,” kabado niyang sabi.She lowered her head and peeked at me but when our eyes met she lowered her head again. “Uhm… pwede po ba tayong pumunta?” Ang cute ni Sierra. I can't help but to pinch her chubby cheeks. Ngumiwi siya at iniwas ang mukha niya sa kamay ko.Nginitian ko siya, sobrang saya ng puso ko, sobrang sarap pala sa pakiramdam na unti-unti na siyang lumalapit sa akin. Ngayon nga ay nagpapasama pa siya sa akin.“Oo naman! Pwede tayong pumunta.” “H-how about d-daddy? Baka po magalit siya?” She looked constipated when she mentioned her dad. Nagkasundo na ang mag-ama pero
Bumilis ang tibok ng puso ko sa uri nang kanyang pagtingin. Pumikit ako nang mariin. Kumalma ka, heart. Jusko, huwag kang bibigay, Tianna. Ito kasing si Lev, eh. I know, we were really trying our best to fix our relationship but it is still early for a baby.Sinamaan ko siya ng tingin. “Heh! Puro ka kalokohan.”Tinalikuran ko siya at bumalik ako sa kusina. Naabutan ko ang ilang kasambahay na pinagpatuloy na ang paghihiwa ng ingredients at paglagay sa electric mixer ng mixture ng ice cream na pinahalo ko kay Sierra kanina.Nang makita ako ng mga kasambahay ay umalis sila.Lumapit ako sa kalan at nakitang kumukulo na ang sopas. “Hello po, pasensya na po kayo at napabayaan ko ang mga niluluto ko,” nahihiyang sabi ko.“Okay lang, hija. Masaya nga kami na makitang masaya kayo, lalo na ang mag-ama,” nakangiting sagot ni Nanay Flor, ang mayordoma rito sa mansyon.Ngumiti ako at pinagpatuloy ang paghahalo ng sopas. “Ako rin po, sobrang saya ko para sa kanina, Nanay Flor.”Her eyes softened. “
“Ouch!” daing ko nang subukan kong umupo.Mangiyak-ngiyak kong nilingon si Lev na payapang natutulog sa tabi ko. Pinalo ko ang braso niya na nakayakap sa akin. “Kasalanan mo ito!”Naalimpungatan na nilingon ako ni Lev. “Babe?”Umismid ako. “Shemay ka! Ang sakit ng katawan ko.” Hinawakan niya ang braso ko. “I'm sorry, babe.” He looked so guilty. “Hmp!” Bumangon si Lev at nagsuot ng shorts. “I’m really sorry, babe. What could I do to help you?” “Tulungan mo akong pumunta ng banyo.” Binuhat niya ako at nilapag sa toilet. “Shemay! Ang sakit,” iyak ko. Tinignan ko nang masama si Lev. “Kasalanan ito ng ano mo, eh. Hindi ba pwedeng paliitin ‘yan?” Turo ko sa baba niya.Tumawa siya nang malakas. “Babe, hindi pwede. Sayang naman. Every man wants to be this size.” Umirap ako. “Heh! Ako naman ang palaging kawawa.”Kinamot niya ang batok niya at nahihiyang tumingin sa akin. “Babe, I’m really sorry. You teased me a lot. I just got too excited last night.” I crossed my arms. “So, kasalanan
“Happy birthday, Carson,” nakangiting bati ni Sierra kay Carson at inabot niya ang gift niya.“Thank you,” he energetically said.“Happy birthday, Carson,” bati ko sa kanya.Nagmano sa akin si Carson. “Thank you po, Teacher Tianna.”I smiled, he was indeed a good boy. I'm sure he will be a good influence on Sierra. Ginulo ko ang buhok niya. “You're welcome, birthday boy.” Nakangiting lumapit si Cameron sa amin. Aakmang bebeso siya sa akin ay umatras ako. He awkwardly laughed. “Hello, Tianna… and Sierra.”Nagmano sa kanya si Sierra. “Hello po,” magalang na bati ni Sierra.“Sierra, let's go. I will bring you to the sweet’s area. There's a lot of desserts there, especially the chocolate ice cream, you're favorite.” Tumingin sa akin si Sierra na tila nagtatanong. Ngumiti ako at tumango. Sinundan ko sila nang tingin. Agad sumunod si Sierra kay Carson sa pagpunta sa sweet's area at naiwan kami ni Cameron dito sa table.Umupo si Cameron sa tabi ko. Naamoy ko agad ang alak sa kanya. Baki
“Sierra, what hairstyle do you like?” I asked her while combing her hair.“Ikaw po bahala, Tita Tianna,” sagot niya sa akin habang busy siya sa paglalaro ng mga gamit ko sa harap ng vanity mirror.“Okay, I'll just tie your hair in pigtails, then.”Simula kasi nang ayusan ko siya ng buhok ay ako na palagi ang nag-aayos ng buhok niya. Every morning, she will go to our room and fix her hair.“Tita Tianna, where are we going po?” Sierra asked.“We'll visit your dad in his office.” Her eyes glistened with so much happiness. “Yehey! It's my first time going to my dad's office.”I smiled and continued fixing her hair. Sobrang saya ko na napapasaya ko siya. I really don't why but from the first time I saw her. I already love her… Pagkatapos kong ayusan si Sierra ay nag-ayos rin ako. Naglagay ako ng manipis na make up para naman presentable ako kapag pumunta kami roon. Sinuot ko ang wedding ring ko na minsan ko lang talaga isuot, kapag may special occasions. Espesyal ang araw na ito dahil 6
“Masarap ba iyong chicken and burger?” nakangiting kong tanong kay Sierra.Puno ang bibig ni Sierra ng burger nang tumango siya at nag-thumbs up.Magkatabi ang mag-ama at nasa harapan nila ako. Pinunasan ni Lev ang bibig at pisingi ni Sierra dahil may kumalat na ketchup. “Daddy, si Tita Tianna po, may sauce rin po sa gilid ng lips niya.” Pinunasan ko ang labi ko gamit ang tissue. “Wala na ba?” Ngumiti si Lev. “Mayroon pa.”Sinubukan ko ulit iyon pero umiling si Lev at dumukwang sa akin. “Ako na.” Pinunasan niya gamit ang thumb niya ang gilid ng labi ko.Wala sa sariling napatingin ako sa kanya, halos tumagos kasi ang tingin niya sa akin. His gray eyes are full of emotion that I'm drowning in it.Nag-iwas ako nang tingin at awkward na ngumiti. “Thanks.” Itinulak ko siya sa dibdib niya at pasimpleng nginuso si Sierra na busy sa pagkain ng chicken.Napipilitang umayos ng upo si Lev. “Ate, Kuya, Sierra,” nakangiting lumapit sa amin si Louise.Tumayo kami at nakipag-beso sa kanya. “H
Nagising ako sa malakas na sigawan. Napabalikwas ako nang bangon at nagpapasalamat ako na binihisan ako ni Lev bago kami nakatulog kagabi. Nagmamadali akong lumabas ng kwarto at nakita kong buhat-buhat ni Lev si Louise palabas ng kwarto nito. Puno ng dugo ang suot na dress ni Louise.Natutop ko ang bibig ko at agad na sumunod sa kanila. Pareho kaming walang sapin sa paa ni Lev nang sumakay kami ng kotse. Sinamahan ko si Louise sa backseat. Marahan kong hinahaplos ang buhok niya dahil wala siyang tigil sa pag-iyak. “A-ate ‘yong baby ko, natatakot ako na mapano siya.”Hilam ang luha na tumingin ako sa kanya. “Magiging okay lang ang lahat, malapit na tayo sa ospital.” Kinuha ko ang cellphone ko. “Tatawagan ko si Jarren, hmm?” Hinawakan niya ang kamay ko nang nanginginig niyang kamay. “H-h’wag, ate.”Madaming tanong sa isip ko ngunit nang makita ko ang pagmamakaawa sa kanyang mata ay tumango ako. Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit ayaw niyang sabihin sa asawa niya pero ayaw
Habang bumabiyahe kami patungong school ni Mang Pio ay halos walang patid ang pagpatak ng mga luha ko. “Ma'am, okay lang po ba kayo?”Pinunasan ko ang luha ko at tumango.Nakatulala lang ako sa bintana sa buong duration ng biyahe. Laking pasasalamat ko at hindi na muling nagsalita si Mang Pio dahil sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano ko pa siya kakausapin. Sobrang gulo ng isp ko ngayon. Ni hindi ko nga namalayan na dumating na pala kami sa school kung hindi pa kumatok sa bintana ang guard.Hindi kasi sila basta-basta nagpapasok para sa security na rin ng mga bata ay authorized person lang ang puwede, lalo na ang sasakyan. Nang ibaba ko ang bintana. Agad na ngumiti ang guard.“Good morning po, Ma'am Tianna.”I smiled. “Good morning po.”Pagkababa ko pa lang ng sasakyan ay agad na akong sinalubong nina Teacher Heidi at Teacher Ruth. Sinuotan nila ako ng headband na may nakasulat na ‘queen’Natawa pa nga ako dahil may suot din sila na may nakasulat naman na ‘princess’ “Hi, Tea
Medyo maaga akong gumising ngayon kumpara sa mga nakaraang araw dahil kailangan kong pumunta ng school para ayusin iyong resignation ko at may pa-farewell party sila para sa akin.Habang nagsusuklay ako ng buhok ay hindi ko maiwasang titigan ang sarili ko sa salamin.Medyo nanaba na ako lalo na sa may bandang tiyan… mas nahihilig kasi ako sa pagkain nitong nakaraan, lalo na sa madaling araw. Minsan nga ay ginigising ko pa si Lev para bumili kami ng pagkain kagaya ng streetfoods, cake o manga.Dapat talagang mag-gym na ako at mag-diet… Malaki na rin ang eye bags ko at maputla ang mga labi ko. Pakiramdam ko tuloy ang hindi na ako maganda.Hindi ko maiwasang hindi mainis sa hitsura ko at baka hindi na ako magustuhan ni Lev… Baka ipagpalit na niya ako?Nanunubig ang mata ko na kinuha ang concealer at tinakpan ang mga imperfections sa mukha ko. Pilit ko namang pinipigilan na pumatak iyon… naglagay rin ako ng lipstick at blush para magkakulay naman ang mukha ko.Nasa puno pa lang ako ng
“What?” Tila nagpantig ang tainga ni Lev sa sinabi ko.“You heard what I've said,” walang gana kong sagot.“Megan, pwede bang umuwi ka na?” malamig na sabi ni Lev.“But–”“Go home,” madiin niyang sabi nang hindi man lang tumingin dito. Titig na titig lang sa akin si Lev, madilim iyon na tila may malakas na bagyong nagbabadyang pumatak.Bumaling ang tingin niya kay Sierra. “Sierra, go upstairs.”Mabilis na umiling si Sierra at yumakap sa binti ng ina. “No! I want to be with my mommy.”Pumikit nang mariin si Lev. “Sandra!” pasigaw niyang tawag.Kumaripas ng takbo si Sandra palapit sa amin. “Y-yes, sir,” kabadong respons ni Sandra. “Iakyat mo na si Sierra. Papasukin mo na rin ang lahat ng maids sa quarters ninyo,” utos nito.“O-opo.” Nagmamadaling binuhat ni Sandra si Sierra ngunit nagpupumiglas ito. “No!” “Sierra!” galit na sigaw ni Lev.Umiiyak na tumingin si Sierra kay Lev ngunit hindi na siya binalingan ni Lev. Rinig ko pa rin ang iyak ni Sierra habang papaakyat sila ni Sandra.“
Pagkarating ko sa bahay ay agad na akong dumiretso sa kwarto. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na natulog basta paggising ko ay madilim na sa labas. Kinuha ko ang cellphone ko para sana mag-check ng messages. Pagka-check nito ay puro lang iyon pangangamusta mula sa mga co-teachers ko dahil maaga nga akong umalis kanina at mayroon ring galing kay Lev. May 47 missed calls rin siya sa akin. Lev: Babe, where are you? I can't find you. Lev: Babe, I'm worried. Lev: I already called home. Nanay Flor said you came back early because you're not feeling well? Why didn't you tell me?” Hindi ko na siya ni-reply-an. Sobrang late naman na, kaninang umaga pa iyon. Baka nga nakauwi na sila. I-e-exit ko na sana pero biglang may nag-notification sa social media account ko. Megan Nicole Aquino has a new post. Check it out. May caption iyong “My daughter's graduation and kulitan with my family. I love you both. Napairap ako. Feeling. Nang pindutin ko iyon ay agad nag-play
“Teacher Tianna, pwede bang ikaw na lang ang mag-MC? Wala kasing partner si Teacher Sander, eh. Biglang nagka-emergency si Teacher Fiona. Tutal ay ikaw naman ang kasa-kasama nilang dalawa sa pag-pra-practice,” ani principal.Lumilipad ang isip ko habang nagsasalita siya. Paggalaw lang ng labi niya ang nakikita ko pero wala iyong tunog. “Teacher Tianna?” Tinapik niya ako sa balikat. “Po?” Napatalon ako.“Nakikinig ka ba?” Tumingin ako kay principal. “Pasensya na po pero pwede bang pakiulit?” nahihiya kong pakiusap.Napa-facepalm siya. “Hay nako! Salita ako ng salita, hindi ka pala nakikinig.”“Pasensya na po.* Awkward akong ngumiti at nag-peace sign.Umirap siya sa akin. Lumalabas na naman tuloy iyong pagiging masungit niya.“O, siya. Ikaw na ang mag-MC. Samahan mo si Teacher Sander.”Sina Teacher Sander at Teacher Fiona kasi ang master of ceremonies ngayon. Silang pareho ay teacher sa Grade 6.Kumunot ang noo ko. “Ho?! Bakit ako?”“Ikaw ang kasama nila ni Teacher Fiona, ‘di ba? Ts
(Tianna POV)“Teacher Tianna, Teacher Heidi, okay na ba iyong mga students? Naka-alphabetically arranged na ba sila?” ani ng Kindergarten department head.“Yes, ma'am. Okay na po sila.”“Ready for march na po,” Teacher Heidi replied.“Thank you.”Ngumiti ako. “Puntahan ko lang po saglit ang mga bata.”Halos ilang araw na rin ang nakakalipas simula ng nangyari sa opisina ni Lev. Naging masugid si Lev sa pagsuyo sa akin at hindi siya nagkulang ng assurance sa akin kaya nakampante ako. Isa pa ay hindi ko naman talaga masisi si Megan kung bakit niya nagustuhan ang asawa ko pero ang kinainis ko lang sa kanya ay iyong gumawa siya ng ganoong hakbang kahit na alam niyang may asawa na si Lev. Gusto ko siyang komprontahin pero hindi ako makakuha ng tamang tiyempo dahil palagi nitong kasama si Sierra.Pagkarating ko sa labas ng auditorium kung saan nakapila ang mga bata para sa graduation march nila mamaya. Kita ko na nagkakanya-kanyang picture na ang mga magulang sa kanilang mga anak. Naghih
(Tianna POV)Nasa kalagitnaan ako nang paggawa ng mga certificates na ibibigay sa mga estudyante ko sa araw ng recognition nila nang tumawag sa akin si Nanay Flor. “Hello, Tianna?”“Hello po, nay. Bakit po kayo napatawag?”“Itatanong ko lang sana kung kasama mo pa ba si Lev at hindi na siya sumasagot sa tawag ko. Naiwan niya kasi iyong papeles na ibinilin niya sa akin kagabi. Importante raw iyon para sa meeting niya mamayang hapon.” “Hindi ko na po siya kasama, eh. Nasa school na po ako ngayon.”“Nako! Paano ito?” nag-aalalang tanong ni Nanay Flor.Binasa ko ang labi ko. Problema nga iyon. “Uhm… ganito na lang po. Ipahatid niyo po kay Manong Pio iyong mga papeles at ako na po ang magbibigay kay Lev.”“Sige. Salamat, anak.”Napangiti ako. “Wala pong anuman, nay.”Natutuwa pa rin talaga ako sa tuwing tinatawag ako nang ganoon ni Nanay Flor. Nagpatuloy na ako sa ginagawa kong mga certificates at kailangan ko ng tapusin iyon dahil next week na ang graduation. Baka i-bash na naman ako ng
(Lev POV)Pagkatapos ko ihatid ang mag-ina ko sa school ay agad akong dumiretso sa opisina.I have a meeting with Mr. Pineda for the official contract signing because the previous meeting has too many revisions again… If I just don't really like strengthening the newly built company that focuses in education sector. I wouldn't even make adjustments. I would like to establish this new business venture for my wife. Since we were in senior high school, she was deeply devoted to teaching kids. She likes kids so much that I still remember that she always participated in an activity of their barangay youth council in teaching the street children that couldn't afford to go to school as volunteers.Matagal ko na itong plano at unti-unting binubuo nang palihim dahil ayaw kong malaman ng mga relatives namin at baka pagdiskitahan na naman nila. When Tianna and I got married I officially transferred the Tianna Soleil Education (TS Education) to her. Pagkarating ko sa opisina ay agad akong sin
(Lev POV)Maaga akong gumising dahil gusto kong maipaghanda ang mag-ina ko ng almusal. Sa tagal naming pagsasama ni Tianna, even before. Alam kong ang pinakaimportanteng meal para sa kanya ay almusal.When I looked into my wife, who was peacefully sleeping beside me, I couldn't help but to smile. Parang dati lang ay pangarap ko ito. Iyong tipong pagmulat pa lang ng mga mata ko ay siya na agad ang makikita ko.I remember when we were young. I always wished on my birthdays, or in the shooting star and the craziest thing that I did was to pray every sunday in the church that I could marry her someday. I gently ki***d her on her forehead, cheeks, and lips. “Good morning, my Soleil, my sun, my love,” malambing kong bulong.Palagi akong unang nagigising sa aming dalawa at ito na ang routine ko simula nang magtabi kami.I used to call her Soleil when we were in senior high but she didn't like it because she said it reminded her of the bad childhood experience with her dad. Her dad used t