Her words striked my chest like an arrow. Tumikhim ako upang maalis ang bara sa aking lalamunan. “S-sierra, hindi ko m-maintindihan. Kung ayaw mo sa akin, b-bakit ka pumayag ng tanungin ka ng daddy mo?” halos hindi ko mabuo ang mga salitang ‘yon. Nag-iwas siya ng tingin sa akin. “K-kasi baka magalit sa akin ang daddy ko. Minsan niya lang po ako isama sa mga magandang places like amusement park kaya super happy po ako tapos in-ask po ako ni daddy if he can marry you. I don't want to ruin the moment po kaya pumayag na lang po ako.” Napakurap ako. 5 years old lang ba talaga ang batang ito? It's so fascinating how matured her mind is…. but I can't help but to feel sorry for her… she was so young to feel this kind of emotion. “Sierra…” mahinang tawag ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko pero alam kong ang kailangan ni Sierra ay kalinga…..Malambing ko siyang hinila palapit sa akin at pinunasan ko ang mga luha niya na walang tigil sa pagtulo gamit ang panyo ko. She didn't
Hindi ko mahanap ang boses ko. Marami akong gustong tanungin pero tila kinain ng labis na panlulumo ang tinig ko. Parang nawalan ako ng lakas at nagmanhid ang buong katawan ko pero walang luha ang pumatak sa mga mata ko kahit sobrang sakit na ng puso ko. “Tita Ninang...” Sabay kaming lumingon kay Sierra na papungas-pungas pa habang pababa ng hagdan. Louise dried her tears and forced a smileLumapit si Louise at binuhat si Sierra. Umupo sila sa tabi ko. Kinanndong ni Louise si Sierra.Nakamasid lang ako sa kanila. “What happened, baby?” malambing na tanong ni Louise kay Sierra.“I'm scared of monsters under my bed.” “Oh, monsters aren't real.” Louise smiled.Mabilis na umiling si Sierra. “No po. It's true. Kira also said she saw a monster under her bed… they look like this…” she sounds like convincing her aunt. She even drew the shape of the monster with her hand. “It was tall like a tree…” Itinaas nito ang kamay… “and has fangs “ Nilabas niya ang kanyang ngipin at nilagay ang dal
I was stunned. “Kaya mo ba ako gustong pakasalan?” tanong ko na halos maging bulong na lang sa sobrang hina. Kahit alam ko na ang sagot pero gusto ko pa rin gustong marinig galing sa kanya. Dahan-dahan siyang tumango. My heart fell at that moment. I could feel my knees trembling. Akala ko pa naman gusto niya pa rin ako kaya sobrang persistent niya na pakasalan ako. Natawa ako ng mapakla. Ang pait… kasing lasa ng lihim na pagkabigo ko… wala naman siyang kasalanan dahil ako… ang umasa… ang nag-assume… kung tutuusin ay wala siyang kasalanan. Pilit akong ngumiti at tumango. “I understand…” Kinuha ko ang bag ko at tumalikod sa kanya. “Mauuna na ako.” Hinabol niya ako. “Ihahatid na kita.” Umiling ako. “Hindi na, magpahinga ka na lang.” “But– “
Naalimpungatan ako nang maramdaman kong tila umangat ako sa ere. Sinubukan kong buksan ang mga mata ko pero malabo iyon kaya ilang beses ko pa akong kumurap. Kahit madilim ay nakilala ko ang pigura ng taong may buhat sa akin dahil sa tanglaw mula sa buwan at ilaw sa labas. “Lev, anong ginagawa mo rito?” inaantok kong tanong. Nagsumiksik ako sa dibdib niya at muling pumikit.“You called me, remember?” his voice was so gentle and sweet.Umiling ako. “I don't know…” Binuksan niya ang pinto ng kwarto ko at dahan-dahan niya akong hiniga sa katre ko. Umupo siya sa gilid nito at hinawi niya ang mga buhok na nakatabing sa mukha ko. Pinapanood ko siya habang ginagawa niya iyon. Sobrang lambing ng titig niya sa akin bago niya ako marahang halikan sa noo. Pumikit ako at dinama iyon. Tumayo si Lev.Hinawakan ko ang kamay niya. “Aalis ka na?” paos na tanong ko. Siguro’y napektuhan ang boses ko dahil sa sobrang pag-iyak kanina.Bumalik siya sa pagkakaupo sa katre at hinaplos ang pisngi ko. “No,
Nahulog ang panga ko sa sinabi niya. Napatayo ako. “Ano?! Bukas agad?” hindi ko maiwasang magtaas ng boses sa labis na pagkagulat.“Yes,” kalmadong sabi ni Lev.“Paano ang civil registration ng kasal? Ang mga bisita? Ang mga isusuot natin?” sunod-sunod kong tanong sa kanya.Natawa ng mahina si Lev at hinila ako paupo sa tabi niya. “Relax, Tianna. You don't have to worry about anything else. I already prepared everything.” Tumingin ako sa kanya. “Bakit ang bilis? Paano ang nanay ko?” “I already told you. We have to give Sierra a complete family. Bakit pa natin kailangang patagalin kung doon din naman ang punta natin? and if you're worried about Tita Trina, I already settled the bills and she will be transported to a more advanced hospital and I also contacted my friend, he is a famous doctor in the US. I can assure you that the surgery will be successful. Hindi ko pagbabayaan si Tita Trina, Tianna,” his voice is full of assurance.
Kumunot ang noo ko at sinamaan siya ng tingin. “Puro ka talaga kalokohan,” mariin kong sabi sa kanya.Tumawa si Lev ng mahina. “Ligo na tayo para makaalis na,” sabi ko at tumayo na.Sumunod siya sa akin. “Sabay ba tayo?” pabiro niyang tanong.Tinaas ko ang middle finger ko at pumasok na ako sa banyo.Naiiling na nakangiti ako habang nakatingin ako sa maliit na salamin dito sa banyo. Naglagay talaga ako ng salamin dito dahil ugali kong mag-self affirmation tuwing paggising ko at madalas niyon ay sa banyo agad ang diretso ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Kahapon lang ay halos madurog ako ngunit ngayon ay tila nakahiga ako sa alapaap sa sobrang saya. Nakakatakot… baka panandalian lang… hindi ko maiwasang hindi mag-overthink dahil sa sobrang dami ko ng masasakit na pinagdaanan ay it feels like unreal… na baka panaginip lang ang lahat.Huminga ako ng malalim. “Tianna, kaya mo iyan! Ano man ang m
Kumunot ang noo ko. “Nay, anong habilin-habilin ang sinasabi ninyo diyan?” inis na sabi ko.Tumawa ng mahina si nanay. “Doon rin naman talaga ang punta ko, anak.” Nanlabo ang mata ko. “Nay naman, eh. Huwag po kayong magsalita ng ganyan.” Tumalikod ako at pinunasan ang luha ko. Umiling si nanay. “Kailan ba ang kasal?” pagbabago ng usapan ni nanay.“Bukas po,” sagot ni Lev. “Gusto kong masaksihan ang pag-iisang dibdib ninyo,” nakangiting sabi ni nanay. Ngumiti si Lev. “Opo, naasikaso ko na po. Pinayagan po kayo ng doktor ninyo.”Halos magtatalon ako sa tuwa sa sinabi ni Lev. My mom can witness my wedding… I can't help but to look at him dearly. He really made so much effort for our wedding… Pakiramdam ko mahal niya ako… pero ayaw kong umasa dahil masakit ulit ma-disappoint.Umangat ang tingin sa akin ni Lev. He smiled at me. I can't help but smile too.“Tandaan ninyo, bawal magkita ang ikakasal bago a
Nag-iwas ng tingin si Louise. “It's not my story to tell, ate,” mahinang sabi niya at tumayo. Naguguluhan ako… bakit ayaw niyang pag-usapan? “Let's go? Medyo malayo pa ang biyahe natin.” Wala sa sariling tumango ako. Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang mga pinag-usapan namin ni Louise. Nasaan ba talaga ang ina ni Sierra? Bakit parang missing in action sa buong buhay ni Sierra? Bumuntong hininga ako at pilit na inaalis sa isip ko ang mga iyon. Araw ng kasal ko ngayon. Positive lang dapat. I forced my smile.Pagdating namin sa resort ay busy ang lahat sa pag-aasikaso ng venue sa dalampasigan. Sobrang ganda ng view, lalo na at hindi na mataas ang sikat ng araw. Tanaw mula rito ang bundok. “Akala ko ba garden wedding?” Kunot na noo na tanong ko kay Louise.Tumango siya. “Yes po, dito ang reception, ate,” masayang sabi ni Louise. Dinala ako ni Louise sa isang presidential suite. Elegante ang design ng suite. Napakalawak
“Masarap ba iyong chicken and burger?” nakangiting kong tanong kay Sierra.Puno ang bibig ni Sierra ng burger nang tumango siya at nag-thumbs up.Magkatabi ang mag-ama at nasa harapan nila ako. Pinunasan ni Lev ang bibig at pisingi ni Sierra dahil may kumalat na ketchup. “Daddy, si Tita Tianna po, may sauce rin po sa gilid ng lips niya.” Pinunasan ko ang labi ko gamit ang tissue. “Wala na ba?” Ngumiti si Lev. “Mayroon pa.”Sinubukan ko ulit iyon pero umiling si Lev at dumukwang sa akin. “Ako na.” Pinunasan niya gamit ang thumb niya ang gilid ng labi ko.Wala sa sariling napatingin ako sa kanya, halos tumagos kasi ang tingin niya sa akin. His gray eyes are full of emotion that I'm drowning in it.Nag-iwas ako nang tingin at awkward na ngumiti. “Thanks.” Itinulak ko siya sa dibdib niya at pasimpleng nginuso si Sierra na busy sa pagkain ng chicken.Napipilitang umayos ng upo si Lev. “Ate, Kuya, Sierra,” nakangiting lumapit sa amin si Louise.Tumayo kami at nakipag-beso sa kanya. “H
“Sierra, what hairstyle do you like?” I asked her while combing her hair.“Ikaw po bahala, Tita Tianna,” sagot niya sa akin habang busy siya sa paglalaro ng mga gamit ko sa harap ng vanity mirror.“Okay, I'll just tie your hair in pigtails, then.”Simula kasi nang ayusan ko siya ng buhok ay ako na palagi ang nag-aayos ng buhok niya. Every morning, she will go to our room and fix her hair.“Tita Tianna, where are we going po?” Sierra asked.“We'll visit your dad in his office.” Her eyes glistened with so much happiness. “Yehey! It's my first time going to my dad's office.”I smiled and continued fixing her hair. Sobrang saya ko na napapasaya ko siya. I really don't why but from the first time I saw her. I already love her… Pagkatapos kong ayusan si Sierra ay nag-ayos rin ako. Naglagay ako ng manipis na make up para naman presentable ako kapag pumunta kami roon. Sinuot ko ang wedding ring ko na minsan ko lang talaga isuot, kapag may special occasions. Espesyal ang araw na ito dahil 6
“Happy birthday, Carson,” nakangiting bati ni Sierra kay Carson at inabot niya ang gift niya.“Thank you,” he energetically said.“Happy birthday, Carson,” bati ko sa kanya.Nagmano sa akin si Carson. “Thank you po, Teacher Tianna.”I smiled, he was indeed a good boy. I'm sure he will be a good influence on Sierra. Ginulo ko ang buhok niya. “You're welcome, birthday boy.” Nakangiting lumapit si Cameron sa amin. Aakmang bebeso siya sa akin ay umatras ako. He awkwardly laughed. “Hello, Tianna… and Sierra.”Nagmano sa kanya si Sierra. “Hello po,” magalang na bati ni Sierra.“Sierra, let's go. I will bring you to the sweet’s area. There's a lot of desserts there, especially the chocolate ice cream, you're favorite.” Tumingin sa akin si Sierra na tila nagtatanong. Ngumiti ako at tumango. Sinundan ko sila nang tingin. Agad sumunod si Sierra kay Carson sa pagpunta sa sweet's area at naiwan kami ni Cameron dito sa table.Umupo si Cameron sa tabi ko. Naamoy ko agad ang alak sa kanya. Baki
“Ouch!” daing ko nang subukan kong umupo.Mangiyak-ngiyak kong nilingon si Lev na payapang natutulog sa tabi ko. Pinalo ko ang braso niya na nakayakap sa akin. “Kasalanan mo ito!”Naalimpungatan na nilingon ako ni Lev. “Babe?”Umismid ako. “Shemay ka! Ang sakit ng katawan ko.” Hinawakan niya ang braso ko. “I'm sorry, babe.” He looked so guilty. “Hmp!” Bumangon si Lev at nagsuot ng shorts. “I’m really sorry, babe. What could I do to help you?” “Tulungan mo akong pumunta ng banyo.” Binuhat niya ako at nilapag sa toilet. “Shemay! Ang sakit,” iyak ko. Tinignan ko nang masama si Lev. “Kasalanan ito ng ano mo, eh. Hindi ba pwedeng paliitin ‘yan?” Turo ko sa baba niya.Tumawa siya nang malakas. “Babe, hindi pwede. Sayang naman. Every man wants to be this size.” Umirap ako. “Heh! Ako naman ang palaging kawawa.”Kinamot niya ang batok niya at nahihiyang tumingin sa akin. “Babe, I’m really sorry. You teased me a lot. I just got too excited last night.” I crossed my arms. “So, kasalanan
Bumilis ang tibok ng puso ko sa uri nang kanyang pagtingin. Pumikit ako nang mariin. Kumalma ka, heart. Jusko, huwag kang bibigay, Tianna. Ito kasing si Lev, eh. I know, we were really trying our best to fix our relationship but it is still early for a baby.Sinamaan ko siya ng tingin. “Heh! Puro ka kalokohan.”Tinalikuran ko siya at bumalik ako sa kusina. Naabutan ko ang ilang kasambahay na pinagpatuloy na ang paghihiwa ng ingredients at paglagay sa electric mixer ng mixture ng ice cream na pinahalo ko kay Sierra kanina.Nang makita ako ng mga kasambahay ay umalis sila.Lumapit ako sa kalan at nakitang kumukulo na ang sopas. “Hello po, pasensya na po kayo at napabayaan ko ang mga niluluto ko,” nahihiyang sabi ko.“Okay lang, hija. Masaya nga kami na makitang masaya kayo, lalo na ang mag-ama,” nakangiting sagot ni Nanay Flor, ang mayordoma rito sa mansyon.Ngumiti ako at pinagpatuloy ang paghahalo ng sopas. “Ako rin po, sobrang saya ko para sa kanina, Nanay Flor.”Her eyes softened. “
“Tita Tianna?” Nagkasundo kami ni Sierra na tita na lang ang itawag niya sa akin dahil hindi siya komportable na tawagin pa akong mommy. Masaya ako kahit gano’n dahil hindi na niya ako sinusungitan.Lumingon ako kay Sierra at tinigil ko ang pagsusulat ng lesson plan ko para bukas. “Hmm?”Nag-iwas ng tingin sa akin si Sierra at kinukurot ang mga daliri niya. “It's Carson's birthday, tomorrow and he invited me,” kabado niyang sabi.She lowered her head and peeked at me but when our eyes met she lowered her head again. “Uhm… pwede po ba tayong pumunta?” Ang cute ni Sierra. I can't help but to pinch her chubby cheeks. Ngumiwi siya at iniwas ang mukha niya sa kamay ko.Nginitian ko siya, sobrang saya ng puso ko, sobrang sarap pala sa pakiramdam na unti-unti na siyang lumalapit sa akin. Ngayon nga ay nagpapasama pa siya sa akin.“Oo naman! Pwede tayong pumunta.” “H-how about d-daddy? Baka po magalit siya?” She looked constipated when she mentioned her dad. Nagkasundo na ang mag-ama pero
Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may humahalik sa pisngi ko. Ramdam ko ang sakit ng katawan ko lalo na sa may balakang at ang ibabang parte ng katawa ko. “Hmm.” “Babe, gising na. Kumain muna tayo, tapos balik ka na sa pagtulog,” malambing na sabi ni Lev.Kinurap ko ang mga mata ko upang luminaw ang pagtingin ko.“Lev?” paos kong tanong.Nakangiti siya at hinalikan niya ako sa labi ko. “Good evening, babe.” Nang tignan ko si Lev ay basa ang buhok niya at nakasuot ng pajama at sandong itim, mukhang bagong paligo.Tumingin ako sa bintana, madilim na. “Anong oras na?” “10 PM.” Bumalikwas ako nang bangon, nanlaki ang mata kong nilingon si Lev. “What? Bakit hindi mo ako ginising? Si Sierra, naglaro ba ulit siya sa dagat? Kumain na ba siya?” natataranta kong tanong. Shemay! Ang landi mo naman kasi Tianna! Bumaba ang tingin ni Lev, nagniningning ang mata niya at may ngisi sa labi. Sinundan ko nang tingin ang kanyang mata, naka-expose ang hinaharap ko sa kanya, nang ma-realize ko
“I won!” Lev happily said. Tumango ako. “Uh-huh. Congratulations.” Kunot ang noo niya akong tinitigan. “You're not mad? Or sad?” he curiously asked. Umiling ako. “Hindi, bakit naman ako malulungkot? I'm so happy for you.” Nagduda niya akong tinignan. “Weh?” Natawa ako. “Ikaw talaga, Lev! Ang OA! Totoo nga, masaya ako.” Lumapit siya sa akin. “How about my prize?” nanantiyang tanong niya. I genuinely smiled at him. “Pumapayag na ako na tumabi sa ‘yo.” Nanlaki ang mata ni Lev at umawang ang labi niya. Hindi siya gumalaw na tila ba napako siya sa kinatatayuan niya. Tinapik ko siya. “Lev, okay ka lang ba?” Dahan-dahan siyang lumingon sa akin na parang sa movie at nag-slowmo siya. His confused look turned into a wide smile. Walang pasubaling binuhat niya ako. Humawak ako sa balikat niya, sa takot na baka mahulog ako.His laughter roared in the whole indoor swimming pool. Hindi ko namalayang nakangiti na rin pala ako habang pinagmamasdan siya. My heart raced as our eyes met. The jo
Hindi ko mapigilang mapatili ng buhatin ako ni Lev at nag-dive siya sa indoor swimming pool ng resort kasama ako. “Shemay naman, Lev!” Tumawa si Lev nang malakas. “I told you, let's swim together.” Inirapan ko siya. “Ang kulit mo talaga!” Naglakad ako palayo sa kanya ngunit nanlaki ang mata ko nang hindi ko na maabot ang sahig. “Lev!” Lumapit siya sa akin at binuhat ako. Agad kong niyakap ang binti ko sa bewang niya. “Bakit hindi mo sinabing malalim?” Tinuro ni Lev ang isang signage na 6ft na sa parteng ito. “‘Di ka nagbabasa,”“Heh!” Niyakap niya ako at dinala sa mababaw na parte. “Let's have a race.” Kumunot ang noo ko. “Ayaw ko. Nakita mo na ba iyong nangyari kanina?”Natawa si Lev. “Nabigla ka lang kanina. Besides sayang naman ang skills mo sa swimming noong high school tayo kung hindi mo gagamitin. May I have the honor to compete with the regional champion of our province?” He bowed like I'm a queen.I crossed my arms and suppressed my smile. “No.” Nag-angat siya ng tingi