“Nakita niyo ba si Mia?” tanong ni Stella nang makasalubong niya si Annie at Kirsten.“Hindi eh, baka nandiyan lang yun. Alam mo naman yun, masyadong masipag.” Sagot ni Annie, napatango na lang si Stella. Ang alam niya ay naglinis ito sa office ni Mrs Hernandez pero nakalabas na ang nakasama niya kanina pero siya wala pa rin.Magtatanghalian na subalit hindi pa rin nagpapakita sa kaniya si Mia, bago sa kaniya yun dahil kapag wala naman ang Boss nilang si Aiden ay sa kaniya sumasabay ito kumain. Lumipas pa ang ilang oras hanggang matapos ang shift nila pero walang Mia ang nagpakita sa kaniya.Halos maiyak na lang si Mia sa kalagayan niya ngayon, ni hindi niya magamit ang dalawa niyang kamay. Paano siya makakapagluto ngayon ng pagkain niya? Lumandas na lang ang mga luha ni Mia dahil sa inis, kung pipilitin niya namang gamitin ang mga kamay niya paniguradong dudugo lang ito. Napahiga na lang siya sa sofa, hindi siya makapaniwalang wala man lang pagsisisi sa mukha ni Mrs Hernandez kanina
“Sa presinto ka na lang magpaliwanag Miss at sumama sa’min ng maayos ng sa ganun ay hindi ka na namin masaktan.” Walang maintindihan si Mia sa lahat, paanong may nagreklamo sa kaniya gayong wala naman siyang maalalang may tinapakan siyang ibang tao.“Ace!” tawag niya rito nang makita niya ito, halos lahat ng mga empleyado ay nakatingin na kay Mia. Nagtataka kung bakit nakaposas ito at may kasamang dalawang pulis. Kunot noong tumingin sa kaniya si Ace at ng makita niyang sapilitan na hinihila si Mia ay mabilis siyang tumakbo papunta rito para harangan ang mga pulis.“Teka Sir, ano pong problema? Bakit niyo ba siya hinihila?!” sigaw na tanong ni Ace, parehong masakit pa ang mga palad ni Mia tapos nakaposas naman ang dalawa niyang kamay.“May ipinatong na reklamo sa kaniya Sir kaya kailangan namin siyang huliin.”“Reklamo? Anong reklamo?”“Ayaw din nila akong sagutin, Ace believe me wala akong maalala na may ginawa ako. Nasa clinic ako halos buong maghapon kahapon kaya hindi ko alam kung
Nagtatakang nakatingin si Mia kay Aiden. Ano bang mga pinanuod nila para magalit siya ng ganiyan, halos lumalabas ang litid sa leeg niya dahil sa pagpipigil niya ng galit. Ang mga kamao niyang nakakuyumos. Nang mapatingin si Aiden kay Mia biglang nagbago ang expression ng mukha niya, mula sa galit niyang mukha ay naging tila malambot ito. Napahilamos na lang si Aiden sa kaniyang mukha saka niya nilapitan si Mia at hinawakan ang dalawa niyang kamay.Maingat niyang hinahaplos ang dalawang palad ni Mia.“I’m sorry, I’m really sorry Mia.” Hinging tawad niya, naguguluhan naman si Mia kung ano bang ikinakahingi ng sorry ni Aiden. Gusto ni Aiden magwala, gusto niyang ilabas ang mga galit niya pero mas gusto niya na lang makasama si Mia at humingi ng tawad ng paulit-ulit.Tiningnan ni Mia si Ace at nakaharap ito sa bintana habang nakapamaywang ang dalawa niyang kamay. Halatang malalim din ang iniisip dahil kunot na kunot ang noo.“Hindi ko alam na ganito na pala ang nangyayari sayo, hindi dap
Pagkahatid ni Aiden kay Mia sa penthouse ay lumabas naman siya ng hotel. Mabilis ang patakbo ng kaniyang sasakyan at umuwi sa dati nilang tirahan. Naabutan niya naman ang kaniyang ina na pababa ng hagdan.“Aiden,” anas niya pero blangko pa rin ang expression ng mukha ng anak.“Isang beses na lang kitang pakikiusap Mommy habang kinikilala pa kita bilang ina ko. Don’t you dare to touch her again dahil baka kapag nangyari yun, kalimutan kong nagkaroon pa ako ng ina na katulad mo. Kahit na anong gawin mo, I won’t leave Mia just for your wants. Tao rin ako Mom! Ako mismo ang pipili ng taong makakasama ko habang buhay. I don’t need a woman na pera at kayamanan lang ang meron siya. I want a woman who can support and stay at my side no matter what happened. I want to hurt you, I want to slap you, I want you to feel what Mia felt when you push her! pero hindi ko magawa dahil ina pa rin kita!”“Aiden! Naririnig mo ba ang sinasabi mo?!” sigaw ni Mrs Hernandez sa anak pero bahagya lang na tumawa
“Hoy Girl, tulala ka diyan?” pumitik pa si Stella sa harapan ni Mia. Nabalik naman siya sa wisyo, may naalala lang siya. Hindi pa rin kasi maalis sa isipan niya ang sinabi sa kaniya ni Aiden. Masyado kasing nakakagulat. Nagmamadali ba siya? Pero kung sabagay handa naman na siya sa bagay na yun. Magkaroon ng sariling pamilya kasama ng taong mahal niya pero bakit may pangamba sa puso niya?Bakit nag-aalinlangan siya at bakit natatakot siya?Napabuntong hininga na lang si Mia.“May problema ka ba?” muling tanong ni Stella pero umiling naman si Mia.“Wala naman, may mga bagay lang akong iniisip. Ikaw ba? handa ka na bang magkaroon ng sarili mong pamilya?” bigla niyang tanong dito.“Hoy ano ka ba? Ni wala nga akong boyfriend eh tapos pamilya kaagad saka alam mo namang dalawa pang kapatid ko ang nag-aaral, patatapusin ko na muna sila bago ko isipin ang bagay na yun.”“Baka maging matandang dalaga ka niyan? Nasa high school pa lang yung bunso niyo tapos wala ka pang boyfriend, baka maging ti
“Hindi ka naman nagmamadali babe right? Wala ka namang pupuntahan, baka mabulunan ka diyan sa ginagawa mo eh.” Pag-aawat sa kaniya dahil para na itong nagmamadali sa pagkain na akala mo ay may humahabol sa kaniya.“Nagugutom lang talaga ako,” napakunot na lang ang noo ni Aiden dahil hindi pa niya maintindihan ang sinasabi nito. Nagsasalita ito kahit na puno pa ang bibig.“Walang aagaw ng pagkain mo so eat slowly.” Tumango na lang si Mia saka pinagpatuloy ang pagkain niya. Wala na siyang pakialam kung nakatitig sa kaniya si Aiden basta kakain siya dahil kanina pa siya nagugutom. Naubos lahat ng lakas niya kanina sa pagbubuhat ng mga mabibigat na bagay.Matapos niyang kumain ay idineretso niya na ito sa sink para mahugasan. Gusto pa ni Aiden na siya na lang ang maghuhugas like hello? Hindi lang naman siya ang pagod sa kanilang dalawa eh. Pagod din naman si Aiden tapos ito pa ang nagluto ng hapunan nilang dalawa. Iaasa pa ba niya sa tao ang pinagkainan niya?Matapos niyang makapaghugas n
Ang lahat ng mga empleyado na nasa function hall ay nagtataka, punong puno ng mga katanungan. Nakikita pa naman nila na sweet at nag-uusap si Mia at Aiden tapos ngayon maririnig nila mismo sa ina ng Boss nila na engagement day niya ngayon?“Nasan si Mia? Nakita niyo ba?” kinakabahang tanong ni Stella, maging siya ay nanginginig na ang kamay na dala-dala ang tray na may laman na wine glass.“Hindi ko rin makita eh.” Sagot ni Sarah, inilibot nila ang paningin nila at nanlaki na lamang ang mga mata ni Kirsten ng makita niya si Mia na nasa harapan mismo kung saan kitang kita lamang si Aiden at ang kasama nitong babae.“Nasa harapan siya.” Mahinang wika ni Kirsten, hinanap nila kung san bandang harap at nakita nila ito kung saan pantay na pantay sila ni Aiden at ng babaeng nakahawak sa braso niya.“Damn it!” mahinang mura ni Stella, paano niya malalapitan si Mia kung mapapansin silang lahat. Kitang kita nilang nakatingala si Mia kay Aiden.Hindi alam ni Mia ang gagawin niya, tila ba ilang
“Break na ba kayo ni Sir? Kawawa ka naman, pinalitan kaagad at nakahanap ng iba hahahaha.” Tawanan ng mga katrabaho niyang saka lang lumilitaw kung kahihiyan tungkol kay Mia ang usapan. Mabilis na kumalat ang tungkol sa bagay na iyun maging sa labas ng kompanya dahil nasa headline na ito.“Hoy! Ano ba sa tingin niyong ginagawa niyo ha?! Mga tsismosang mga ‘to! Mind your own business mga gaga!” sigaw sa kanila ni Stella ng maabutan nilang binubully si Mia.“Okay ka lang? Huwag mong pansinin yung mga yun. Inggit lang sila.” anas ni Sarah, tipid lang namang ngumiti si Mia.“Hindi ko naman pinapansin, kayo lang itong pumapansin eh.” Tawa niyang saad pero hindi naman natatawa ang mga kaibigan niya sa kaniya. “Ano ba kayo, huwag kayong mag-alala. Nakapag-usap naman na kami ni Aiden tungkol dito eh. Mas nag-aalala pa kayo kesa sa’kin.”“Eh kasi naman Mia, kalat na kalat na kaya sa lahat ang tungkol dun.” Wika ni Kirsten.“Nasa balita rin kagabi, alam mo naman ang Boss natin. Kapag tungkol sa
“Mabuti ka pa at kaunti na lang ay graduate ka na sa pag-aalaga. Dalaga na si Yeshah at kaunti na lang ay mga binata na rin ang mga anak mo baka sa susunod mga apo mo naman na ang aalagaan mo—aray!” batukan ko nga, kung ano-ano sinasabi.“Bata pa mga anak ko at may mga pangarap sila sa buhay kaya anong mga apo ko naman ang aalagaan ko? E kung batukan pa kita?” inis kong saad sa kaniya pero tinawanan lang ako ng kumag.Nag-uusap na si Mia at Stella habang naglalaro naman ang mga bata, si Yeshah nasa kwarto niya at gumagawa ng project.“Dad, I need to go in national book store. May kailangan lang po akong bilhin.” Wika sa’kin ni Yeshah na kalalapit lang sa’kin.“How much do you need?” dinukot ko naman na ang wallet ko saka ko siya binigyan ng dalawang libo.“Dad, I only need 500. 2000 is too much.” Reklamo niya sa’kin pero dahil wala akong barya ay isang libo ang ibinigay ko sa kaniya.“Padrive ka na lang kay Kuya Jin.”“Yes po,” mabilis niya namang sagot saka lumapit sa ina niya para m
AIDEN’S POVGulo-gulo ang buhok kong nakatingin sa mga anak kong magugulo rin. Oo, pinangarap kong bumuo ng malaking pamilya pero bakit naman isang irehan kaagad?“Ano? Okay ka pa ba? Hahahaha ayos yun ah. Apat agad sa isang irehan.” Sinamaan ko ng tingin si Ace, oo may quadruplets kami ni Mia at hindi namin yun inaasahan. Malaki yung tiyan niyang nagbuntis at ng malaman namin na apat na heartbeat ang nadetect sa pagbubuntis niya masaya ako na nag-aalala. Hindi ko kayang mawala sa buhay ko si Mia, ipinagbubuntis pa lang niya ang mga kambal namin hirap na hirap na siya kaya halos hindi ko alam ang gagawin ko.“Yaaaahhh,” sigaw na naman ng anak kong lalaki habang nakasakay siya sa likod ko. Tanggal ang angas ko sa mga anak ko, kung gaano ako kalupit sa opisina ay siyang kabaliktaran naman pagdating dito sa bahay. Tatlo ang anak kong lalaki at sa kanilang apat naman ay ang babae ang bunso sa mga kambal ko.Masakit na ang anit ko dahil sa pagsabunot ng anak ko, gawin ba naman akong kabayo
Naiwan si Yeshah sa Manila dahil gusto ko sanang magkaroon kami ng solo time ng asawa ko. Handa na kaming sundan si Yeshah at bigyan siya ng maraming kalaro dahil minsan napapagod na rin ang mga Lolo at Lola niya sa pakikipaglaro sa kaniya. “Hindi kalakihan yung bahay pero napakaganda.” Namamanghang saad pa rin ni Mia habang nililibot namin ang bahay. Glass wall lang din ang iba para kitang kita mo ang ganda ng dagat. Mula rito ay kitang kita namin ang maraming turista. Maraming resort dito sa lugar na ito at kahit hindi na namin kailangang pumunta dun dahil sa ilalim ng bahay na ito ay may ipinagawa rin akong swimming pool. “Ang ganda ganda talaga dito Love. Parang gusto ko na lang dito tumira.” Aniya pa, tagos na tagos ang araw sa glass wall dahil maaga pa pero malamig dito sa loob dahil sa aircon. “Ito ang magiging bahay bakasyunan natin dahil sa dami ng nangyayari sa buhay natin sa bawat araw, we deserve a vacation.” Wika ko sa kaniya. Napatingin din siya sa multifunctional chai
AIDEN’S POVNapabuntong hininga na lang ako ng maabutan ko na naman si Daddy na may hawak na alak. Naupo ako sa harapan niya. Ilang araw pa lang simula ng mawala sa’min si Daddy.“Dad,” anas ko, napabuntong hininga siya saka ako tipid na nginitian.“Jared Vesarious is your Mom’s first love. Mahal na mahal niya si Jared kahit ng magpakasal kaming dalawa. Pilit lang naman ang kasal namin pero habang tumatagal, I fell in love with your Mom. Akala ko kapag dumating ka sa buhay niya sakaling may magbago pero akala ko lang pala yun. I love your Mom son but she never love me, anong magagawa ko si Jared ang minahal niya at mahal niya hanggang ngayon. Hindi ko akalain na kaya niyang patayin ang sarili niya para sa isang lalaki. Tinanggap ko lahat, tiniis ko lahat, naghintay ako sa Mommy mo pero hindi pala yun sapat para mahalin niya rin ako at kalimutan si Jared.” Hilaw siyang natawa, masakit din para sa’kin na makita sa ganitong kalagayan si Daddy pero hindi pa rin niya magawang magalit kay M
Ano nga ba talagang kayang gawin ng pag-ibig? Ano pa bang kayang isakripisyo ng lahat para sa pangalan ng pag-ibig? Hindi niya ba naibaling ang lahat ng pagmamahal niya kay Aiden? Nang dumating sa buhay niya si Aiden?Napabuntong hininga na lang ako, ang pagmamahal pa rin ba niya kay Daddy ang dahilan kung bakit gusto pa rin niya akong mamatay? Naging bangungot ko ang gabing muntik akong mamatay. Kung hindi dahil kay Ate Jade baka abo na lang din ako ngayon. Nagawa niya na akong ilayo sa mga magulang ko pero bakit ipinahanap pa rin niya ako para lang patayin?“Kung naging maaga lang siguro ang mga pulis na dumating kanina, hindi siguro ito nangyari.” Saad uli ni Tita Irene, napakunot naman ang noo ko.“Ano pong ibig niyong sabihin?”“Nagsalita na ang lalaking nag-utos sa mga lalaking dumukot sayo kung sino ang mastermind ng lahat. Sinabi niya ng si Olivia nga ang may pakana ng lahat ng nangyari sayo. Sinubukan namang humabol ng mga pulis sa place kung saan ang kasal pero huli na sila
MIA’s POVHalos hindi ko maigalaw ang mga kamay at mga paa ko. Para akong nanigas at hindi makagalaw, sana panaginip na nga lang ang lahat. Ang saya saya ko lang kanina diba? masaya lang kaming lahat kanina pero bakit naging ganito ang lahat? Bakit naging madugo ang kasal na pinangarap namin?Nagkalat sa carpet ang dugo ni Daddy ganun na rin ni Ma’am Olivia. Naguguluhan pa rin ako, ano bang mga naging nakaraan nilang lahat sa isa’t isa? Bakit kailangang si Daddy pa ang saktan niya? Bakit niya kinukuha ang buhay na hindi kaniya.“Mia,” rinig ko sa boses ni Stella, bakas ang pag-aalala sa kaniya pero tila nakamagnet na ang mga mata ko kay Daddy. Rinig na rinig ko na ang iyakan ni Mommy at ng mga kapatid ni Daddy ganun na rin si Aiden at si Sir Dave.Dahan-dahan akong humakbang, parang ayaw ko pang iproseso sa utak ko ang lahat ng nangyayari.“Call the ambulance now!” umiiyak na saad ni Mommy habang yakap yakap si Daddy.“Iha,” pinigilan ako ng isang kapatid ni Daddy sa paglapit sa kaniy
Humugot ng malalim na buntong hininga si Mia dahit it’s her turn. Nag-uumapaw ang saya sa dibdib niya tila nabusog na tuloy siya sa mga sinabi ni Aiden. Wala rin naman siyang ibang hiling kundi ang manatili na silang dalawa sa isa’t isa habang buhay.Magsasalita na sana si Mia nang may biglang pumalakpak na nagmumula sa entrance.“Ang galing naman,” wika nito, nagsigilid ang mga bisita ng makita siya.“Olivia,” wika ni Mr. Hernandez, mabilis siyang napatayo. Hindi niya akalain na mahahanap at malalaman pa ito ni Olivia. Hindi niya sinabi ang kasal ni Aiden dahil alam niyang magkakagulo lang, hindi na nila kasi ito mapakiusapan na pabayaan na lang ang mga mata.Mabilis na itinago ni Aiden sa likod niya si Mia para protektahan sa ina niya. Kinuha na rin ni Ace si Aiyeshah para lumabas na dito tutal may exit naman sa gilid nila.“Mom,” anas na rin ni Aiden.“Hindi mo na talaga ako nirespeto Aiden, ina mo ako pero ni hindi mo man lang ako inimbita sa sarili mong kasal? Ang galing galing n
Nagdaan pa ang mga araw at ngayon ang araw na hinihintay ng lahat. Halos isang linggo ring hindi nagkita si Mia at Aiden ngayong araw ng kasal na lang nila ulit sila magkikita.Abalang abala ang lahat sa paghahanda at paggagayak. Lahar ay may ngiti sa kanilang mga labi, masaya para sa dalawang taong mag-iisang dibdib ngayong araw.Napakaganda ng tanawin, napakaganda at napakaayos ng lahat. Tila isang panaginip, tila nasa isang fairy tale ka dahil sa pagkakaayos ng lugar. Napakalawak na hardin, nagbibigay ginhawa sa katawan dahil sa kapayapaan niya.Lahat ng abay ay inaayusan na rin at ang bride naman ay nasa pinakamalaking kwarto.Masayang nakatingin sa salamin si Mia dahil sa wakas ang pinapangarap nilang kasal ni Aiden dati pa ay mangyayari na. Hindi na pangarap, hindi na sa panaginip makikita dahil ngayon magaganap na ang lahat.“Hays, parang kailan lang nang sinusuotan lang kita ng diaper pero ngayon wedding gown mo na ang isusuot ko sayo.” Naluluhang saad ni Katelyn sa anak. Hind
“Who cook our dinner? May sarili ka na bang chef ngayon Katelyn?” tanong ng isang Ginang na halos mabusog na dahil sa dami ng kinain niya. Bahagyang natawa si Katelyn.“Si Mia at Aiden lang ang naghanda ng lahat ng mga yan.”“Talaga? Hindi ko akalain na magaling kayong dalawa ah. Parang gusto ko na lang manatili rito para makakain araw-araw ng mga masasarap na pagkain haha.” Pagbibiro ng isang babae. Hindi pa kilala ni Mia ang mga kamag-anak niya, kilala pa lang niya ang mga ito sa mukha.Nagpatuloy ang kasiyahan nila ngayong gabi. Nang matapos silang mga kumain ay kaniya-kaniya na rin silang mundo pero maagang nagpaalam si Dave.“Uuwi ka na? Ang bilis naman.” Saad ni Jared.“Baka kasi nakauwi na si Olivia saka may gagawin pa rin kasi ako so hindi na rin ako magtatagal. Maybe next time again,” napatango-tango na lang si Jared, nilapitan naman na muna ni Mr. Hernandez si Yeshah saka niya ito kinausap.“Let’s play next time again apo, sana maipasyal niyo siya minsan sa’min.” Si Mr. Hern