Abala sa pag-aayos ng mga papeles si Aiden, nang makita niyang pumasok ng kwarto niya si Raoul ay nilapitan niya ito.“Tawagan mo si Mia, I will take her with me.” maawtoridad niyang saad, napatigil naman si Raoul saka siya napapakamot sa batok niya.“Nagkaroon po kasi ng team building ang department nila.”“What?” nilingon ni Aiden si Raoul. “Until when?”“Hanggang linggo Sir, susunduin ko po ba siya?”“Hindi na, let her be. Ayusin mo na lang ang mga dadalhin ko, nakapagschedule ka na ba ng flight ko?”“Yes Sir,” napatango na lang si Aiden saka pinagpatuloy ang pag-aayos ng mga gamit niya.Panay naman ang reklamo ni Stella dahil sa taas at layo pa nang lalakarin nila.“May katapusan pa ba ang paglalakad nating ito? Bakit naman kasi dito pa napiling lugar?” muli niyang reklamo, hingal na hingal na siya dahil sa pagdadaldal niya.“Si Ma’am Olivia ang namili rito, kung gusto mong magreklamo siya ang puntahan mo.” Sabat na rin ni Miss Cruz na napapagod na rin. Inis na nagpatuloy sa pagla
“Grabe no? Ang akala talaga namin dati ay katulad din ni Sir ang magugustuhan niya. You’re so lucky talaga, Mia.” Tipid na ngiti lang ang iginawad ni Mia. Maya-maya pa ay napahinto sila sa paglalakad, muntik pang mauntog si Mia sa likod ng babaeng nasa unahan niya dahil sa biglaan nitong paghinto.“Dito ba tayo dumaan kanina? Bakit parang iba saka sarado yung daan.” Tiningnan ni Mia ang nasa unahan nila at tama nga ang kasama niyang babae, pakiramdam niya naliligaw na sila.“Subukan natin dito sa kabila,” suggestion ng isa pero parang mas naliligaw sila.“Tama pa ba ang daan na tinatahak natin? Parang hindi na eh.” Hindi na rin mapigilang magsalita ni Mia, kanina pa sila naglalakad pabalik pero ang tagal nilang makarating.“Lhianne, subukan mo diyan sa kabila tapos bumalik ka kapag wala ng daan diyan tapos dito ako.”“What? Bakit kailangan nating maghiwa-hiwalay? Delikado na.” wika ni Mia.“Mia para mas mabilis tayo, kung gusto mo hintayin mo na lang kami rito tapos balikan ka ng isa
Nakarating na sila ng hospital, sumama na rin si Stella kahit na basang basa sila. Hindi maalis ang galit na nararamdaman ni Aiden dahil sa hindi makataong gawain ng kaniyang ina para lang masunod ang gusto nito. Ang buong akala niya kapag naipakilala niya ang babaeng gusto niyang pakasalan ay pababayaan na siya ng kaniyang ina pero hindi pala. Nagkamali siya dahil mas pinilit siya nitong hiwalayan si Mia at ngayong ayaw niyang makipaghiwalay at ayaw niyang pumayag sa pagpapakasal niya sa isang babaeng hindi niya kilala ay hindi siya titigilan ng kaniyang ina.Nakakuyom ang mga kamao niya habang nakatingin kay Mia, hindi siya papayag na sisirain na lang ng kaniyang ina ang pangarap ni Mia. Kasalanan niya ito, kung hindi niya ginamit si Mia para sa pagpapanggap niya hindi ito mangyayari.“Sir, nagdala na rin po ako ng maisusuot niyo. Magbihis po muna kayo dahil baka kayo rin po ang lagnatin.” Wika ni Stella nang makarating siya, tiningnan ni Aiden ang dala-dalang shopping bag ni Stella
“Aiden, what is happening here?” hindi niya na makapaghintay na tanong. Minsan lang tiningnan ni Aiden ang ina niya saka ibinalik sa mga empleyado ang paningin niya.“Take that as a warning, ladies.” Nakayuko na ang lahat ng mga babaeng empleyado lalo na ang mga babaeng nambubully kay Mia. Umalis na si Aiden at Ace ng walang pasabi kay Olivia.“Anong nangyari rito?” tanong ni Olivia kay Karen na nakayuko.“Pasensya na po kayo Ma’am,” yuko niyang saad saka mabilis na sumunod sa mga kasama niya. Hilaw na natawa si Olivia, she felt disrespectful lalo na nang iwan siya ng anak niya ng hindi man lang sinasagot ang tanong niya.“Sinabi ko na sayong tigilan na natin si Mia, hindi natin alam ang kayang gawin ni Sir Aiden.” Natatakot ng wika ng isang babaeng kasama ni Karen.“Ang akala ko kapag kumampi tayo kay Ma’am Olivia ay secure na tayo kahit may gawin tayo kay Mia pero nagkamali pala ako. Ayaw ko nang sundin ang mga utos niya sa’kin lalo na kung tungkol kay Mia. Nakakatakot magalit si Si
Seryosong nag-uusap si Ace at Aiden sa office niya.“Anong plano mo ngayon? Kung sasabihin mo kay Mia tungkol sa ginawa ni Tita Olivia sa kaniya, mas lalo mo lang siyang tatakutin.” Nahilot ni Aiden ang sintido niya dahil sa sinabi ni Ace. Hindi niya na maintindihan ang sariling ina. Gusto niya lang namang mamuhay siya ng tahimik at walang pinoproblema pero mas dumagdag pa ang gustong mangyari ng kaniyang ina. Kahit na wala pa siyang nahahanap na babaeng gusto niyang makasama habang buhay, ayaw pa rin niyang paglaruan ang kasal dahil alam niyang habang buhay na siyang maitatali sa babaeng hindi niya gusto.“I don’t know too, you know my Mom and she want me to obey all she want.” Sumasakit na ang ulo niya kaiisip kung ano pa bang dapat niyang gawin para tigilan na siya ng kaniyang ina. Wala rin namang alam ang Daddy niya sa nangyayari dahil ayaw niyang ito ang maging dahilan ng pag-aaway nilang mag-asawa.“Why don’t you marry her as soon as possible? Dun din naman ang punta niyong dala
“Tarantado ka rin no? Oo inaya kita pero lasing ako nun! Hanggang dito lang ang kaya kong itulong sayo pero huwag na huwag mong paglalaruan ang kasal.” Salubong ang kilay niyang wila, hindi niya alam kung naririnig ba siya ni Aiden kung parang mahimbing na itong natutulog. Matapos niyang linisin ang katawan at mukha ni Aiden ay inayos niya na lahat ng ginamit niya saka siya umakyat sa kwarto niya. Ginugulo tuloy siya ng isipan niya dahil dun, they didn’t know each other personally tapos magpapakasal silang dalawa? No way. Pinangarap niyang magpakasal ngayong taon o sa susunod na taon pero hindi sa taong hindi niya kilala. Oo, handa na siyang bumuo ng sarili niyang pamilya pero huwag naman sa hindi niya mahal. “Bakit ko pa ba yun iniisip? Lasing siya nang sabihin niya yun. Malamang katulad ko, bukas babawiin niya na yun at sasabihin sa aking lasing lang siya. Pagtatawanan ko talaga siya bukas.” Nakangisi niyang saad, hinila niya na ang kumot niya saka pinilit na matulog. Kinabukasan
Padabog na ibinibagsak ni Mia ang mga hawak niyang tela, tila ba nanggigigil siya sa mga ito. Blangkong nanunuod sa kaniya si Stella na kanina pa naninibago sa ikinikilos ng kaibigan.“May galit ka ba sa mga bedsheet na yan girl? Sabihin mo lang at aabutan kita ng gunting para hindi ka na mahirapan.” Walang gana niyang aniya.“Nakakainis! Ano bang akala niya sa’kin? Papayag sa lahat ng gusto niya? No way!” hindi niya na mapigilang sigaw, napakunot naman ng noo si Stella dahil hindi niya maintindihan ang kaibigan.“Ano na naman bang nangyari at ipinuputok ng butsi mo?” naiiling na tanong ni Stella saka pinagpatuloy ang ginagawa niya. Hindi nagsasabi si Mia kung anong problema niya tapos bigla na lang puputok ang galit nito na hindi pa alam ni Stella kaya paano ba siya nito maiintindihan?Inis na naupo si Mia sa kama, parang ayaw niya na lang lumabas sa kwarto para hindi sila magkita ng Boss niyang pilingero.“Pinuntahan niya ako sa penthouse kagabi, lasing na lasing tapos gusto niya pa
Umaawit pa siya habang naglilinis ng mga vase, kahit ngayon lang, kahit ngayon niya lang makalimutan ang lahat.“Hoy Stella!” sigaw niya sa kaibigan niyang naglalakad na papalapit sa kaniya. Inis niya itong binatukan pero tinawanan lang siya ni Stella dahil naalala niya kung paanong kumaripas nang takbo si Mia kanina, nakalimutan yata niyang nakaskirt siya.“Bakit mo ba ako niloko?!”“Hahahaha malay ko bang maniniwala ka kaagad sa’kin? Ganun mo siya kagustong iwasan? Gagi hahaha alam mo ba yung itsura mo kanina hahaha, hindi ako makahinga sa katatawa sayo.” halos walang tigil niyang tawang saad, poker face lang naman ang mukha ni Mia na pinapanuod ang kaibigan na pinagtatawanan siya. “Oo na, titigil na.” wika niya subalit impit pa rin ang tawa niya dahil hindi niya ito makalimutan.“Gustong gusto mo talaga akong pinagtatawanan no? Huwag mong sobrahan dahil baka isang araw magising ka na lang wala ka ng kaibigan.”“Ito naman masyadong seryoso, eh bakit naman kasi kumaripas ka nang takb
“Mabuti ka pa at kaunti na lang ay graduate ka na sa pag-aalaga. Dalaga na si Yeshah at kaunti na lang ay mga binata na rin ang mga anak mo baka sa susunod mga apo mo naman na ang aalagaan mo—aray!” batukan ko nga, kung ano-ano sinasabi.“Bata pa mga anak ko at may mga pangarap sila sa buhay kaya anong mga apo ko naman ang aalagaan ko? E kung batukan pa kita?” inis kong saad sa kaniya pero tinawanan lang ako ng kumag.Nag-uusap na si Mia at Stella habang naglalaro naman ang mga bata, si Yeshah nasa kwarto niya at gumagawa ng project.“Dad, I need to go in national book store. May kailangan lang po akong bilhin.” Wika sa’kin ni Yeshah na kalalapit lang sa’kin.“How much do you need?” dinukot ko naman na ang wallet ko saka ko siya binigyan ng dalawang libo.“Dad, I only need 500. 2000 is too much.” Reklamo niya sa’kin pero dahil wala akong barya ay isang libo ang ibinigay ko sa kaniya.“Padrive ka na lang kay Kuya Jin.”“Yes po,” mabilis niya namang sagot saka lumapit sa ina niya para m
AIDEN’S POVGulo-gulo ang buhok kong nakatingin sa mga anak kong magugulo rin. Oo, pinangarap kong bumuo ng malaking pamilya pero bakit naman isang irehan kaagad?“Ano? Okay ka pa ba? Hahahaha ayos yun ah. Apat agad sa isang irehan.” Sinamaan ko ng tingin si Ace, oo may quadruplets kami ni Mia at hindi namin yun inaasahan. Malaki yung tiyan niyang nagbuntis at ng malaman namin na apat na heartbeat ang nadetect sa pagbubuntis niya masaya ako na nag-aalala. Hindi ko kayang mawala sa buhay ko si Mia, ipinagbubuntis pa lang niya ang mga kambal namin hirap na hirap na siya kaya halos hindi ko alam ang gagawin ko.“Yaaaahhh,” sigaw na naman ng anak kong lalaki habang nakasakay siya sa likod ko. Tanggal ang angas ko sa mga anak ko, kung gaano ako kalupit sa opisina ay siyang kabaliktaran naman pagdating dito sa bahay. Tatlo ang anak kong lalaki at sa kanilang apat naman ay ang babae ang bunso sa mga kambal ko.Masakit na ang anit ko dahil sa pagsabunot ng anak ko, gawin ba naman akong kabayo
Naiwan si Yeshah sa Manila dahil gusto ko sanang magkaroon kami ng solo time ng asawa ko. Handa na kaming sundan si Yeshah at bigyan siya ng maraming kalaro dahil minsan napapagod na rin ang mga Lolo at Lola niya sa pakikipaglaro sa kaniya. “Hindi kalakihan yung bahay pero napakaganda.” Namamanghang saad pa rin ni Mia habang nililibot namin ang bahay. Glass wall lang din ang iba para kitang kita mo ang ganda ng dagat. Mula rito ay kitang kita namin ang maraming turista. Maraming resort dito sa lugar na ito at kahit hindi na namin kailangang pumunta dun dahil sa ilalim ng bahay na ito ay may ipinagawa rin akong swimming pool. “Ang ganda ganda talaga dito Love. Parang gusto ko na lang dito tumira.” Aniya pa, tagos na tagos ang araw sa glass wall dahil maaga pa pero malamig dito sa loob dahil sa aircon. “Ito ang magiging bahay bakasyunan natin dahil sa dami ng nangyayari sa buhay natin sa bawat araw, we deserve a vacation.” Wika ko sa kaniya. Napatingin din siya sa multifunctional chai
AIDEN’S POVNapabuntong hininga na lang ako ng maabutan ko na naman si Daddy na may hawak na alak. Naupo ako sa harapan niya. Ilang araw pa lang simula ng mawala sa’min si Daddy.“Dad,” anas ko, napabuntong hininga siya saka ako tipid na nginitian.“Jared Vesarious is your Mom’s first love. Mahal na mahal niya si Jared kahit ng magpakasal kaming dalawa. Pilit lang naman ang kasal namin pero habang tumatagal, I fell in love with your Mom. Akala ko kapag dumating ka sa buhay niya sakaling may magbago pero akala ko lang pala yun. I love your Mom son but she never love me, anong magagawa ko si Jared ang minahal niya at mahal niya hanggang ngayon. Hindi ko akalain na kaya niyang patayin ang sarili niya para sa isang lalaki. Tinanggap ko lahat, tiniis ko lahat, naghintay ako sa Mommy mo pero hindi pala yun sapat para mahalin niya rin ako at kalimutan si Jared.” Hilaw siyang natawa, masakit din para sa’kin na makita sa ganitong kalagayan si Daddy pero hindi pa rin niya magawang magalit kay M
Ano nga ba talagang kayang gawin ng pag-ibig? Ano pa bang kayang isakripisyo ng lahat para sa pangalan ng pag-ibig? Hindi niya ba naibaling ang lahat ng pagmamahal niya kay Aiden? Nang dumating sa buhay niya si Aiden?Napabuntong hininga na lang ako, ang pagmamahal pa rin ba niya kay Daddy ang dahilan kung bakit gusto pa rin niya akong mamatay? Naging bangungot ko ang gabing muntik akong mamatay. Kung hindi dahil kay Ate Jade baka abo na lang din ako ngayon. Nagawa niya na akong ilayo sa mga magulang ko pero bakit ipinahanap pa rin niya ako para lang patayin?“Kung naging maaga lang siguro ang mga pulis na dumating kanina, hindi siguro ito nangyari.” Saad uli ni Tita Irene, napakunot naman ang noo ko.“Ano pong ibig niyong sabihin?”“Nagsalita na ang lalaking nag-utos sa mga lalaking dumukot sayo kung sino ang mastermind ng lahat. Sinabi niya ng si Olivia nga ang may pakana ng lahat ng nangyari sayo. Sinubukan namang humabol ng mga pulis sa place kung saan ang kasal pero huli na sila
MIA’s POVHalos hindi ko maigalaw ang mga kamay at mga paa ko. Para akong nanigas at hindi makagalaw, sana panaginip na nga lang ang lahat. Ang saya saya ko lang kanina diba? masaya lang kaming lahat kanina pero bakit naging ganito ang lahat? Bakit naging madugo ang kasal na pinangarap namin?Nagkalat sa carpet ang dugo ni Daddy ganun na rin ni Ma’am Olivia. Naguguluhan pa rin ako, ano bang mga naging nakaraan nilang lahat sa isa’t isa? Bakit kailangang si Daddy pa ang saktan niya? Bakit niya kinukuha ang buhay na hindi kaniya.“Mia,” rinig ko sa boses ni Stella, bakas ang pag-aalala sa kaniya pero tila nakamagnet na ang mga mata ko kay Daddy. Rinig na rinig ko na ang iyakan ni Mommy at ng mga kapatid ni Daddy ganun na rin si Aiden at si Sir Dave.Dahan-dahan akong humakbang, parang ayaw ko pang iproseso sa utak ko ang lahat ng nangyayari.“Call the ambulance now!” umiiyak na saad ni Mommy habang yakap yakap si Daddy.“Iha,” pinigilan ako ng isang kapatid ni Daddy sa paglapit sa kaniy
Humugot ng malalim na buntong hininga si Mia dahit it’s her turn. Nag-uumapaw ang saya sa dibdib niya tila nabusog na tuloy siya sa mga sinabi ni Aiden. Wala rin naman siyang ibang hiling kundi ang manatili na silang dalawa sa isa’t isa habang buhay.Magsasalita na sana si Mia nang may biglang pumalakpak na nagmumula sa entrance.“Ang galing naman,” wika nito, nagsigilid ang mga bisita ng makita siya.“Olivia,” wika ni Mr. Hernandez, mabilis siyang napatayo. Hindi niya akalain na mahahanap at malalaman pa ito ni Olivia. Hindi niya sinabi ang kasal ni Aiden dahil alam niyang magkakagulo lang, hindi na nila kasi ito mapakiusapan na pabayaan na lang ang mga mata.Mabilis na itinago ni Aiden sa likod niya si Mia para protektahan sa ina niya. Kinuha na rin ni Ace si Aiyeshah para lumabas na dito tutal may exit naman sa gilid nila.“Mom,” anas na rin ni Aiden.“Hindi mo na talaga ako nirespeto Aiden, ina mo ako pero ni hindi mo man lang ako inimbita sa sarili mong kasal? Ang galing galing n
Nagdaan pa ang mga araw at ngayon ang araw na hinihintay ng lahat. Halos isang linggo ring hindi nagkita si Mia at Aiden ngayong araw ng kasal na lang nila ulit sila magkikita.Abalang abala ang lahat sa paghahanda at paggagayak. Lahar ay may ngiti sa kanilang mga labi, masaya para sa dalawang taong mag-iisang dibdib ngayong araw.Napakaganda ng tanawin, napakaganda at napakaayos ng lahat. Tila isang panaginip, tila nasa isang fairy tale ka dahil sa pagkakaayos ng lugar. Napakalawak na hardin, nagbibigay ginhawa sa katawan dahil sa kapayapaan niya.Lahat ng abay ay inaayusan na rin at ang bride naman ay nasa pinakamalaking kwarto.Masayang nakatingin sa salamin si Mia dahil sa wakas ang pinapangarap nilang kasal ni Aiden dati pa ay mangyayari na. Hindi na pangarap, hindi na sa panaginip makikita dahil ngayon magaganap na ang lahat.“Hays, parang kailan lang nang sinusuotan lang kita ng diaper pero ngayon wedding gown mo na ang isusuot ko sayo.” Naluluhang saad ni Katelyn sa anak. Hind
“Who cook our dinner? May sarili ka na bang chef ngayon Katelyn?” tanong ng isang Ginang na halos mabusog na dahil sa dami ng kinain niya. Bahagyang natawa si Katelyn.“Si Mia at Aiden lang ang naghanda ng lahat ng mga yan.”“Talaga? Hindi ko akalain na magaling kayong dalawa ah. Parang gusto ko na lang manatili rito para makakain araw-araw ng mga masasarap na pagkain haha.” Pagbibiro ng isang babae. Hindi pa kilala ni Mia ang mga kamag-anak niya, kilala pa lang niya ang mga ito sa mukha.Nagpatuloy ang kasiyahan nila ngayong gabi. Nang matapos silang mga kumain ay kaniya-kaniya na rin silang mundo pero maagang nagpaalam si Dave.“Uuwi ka na? Ang bilis naman.” Saad ni Jared.“Baka kasi nakauwi na si Olivia saka may gagawin pa rin kasi ako so hindi na rin ako magtatagal. Maybe next time again,” napatango-tango na lang si Jared, nilapitan naman na muna ni Mr. Hernandez si Yeshah saka niya ito kinausap.“Let’s play next time again apo, sana maipasyal niyo siya minsan sa’min.” Si Mr. Hern